Jobus at Pulbos

By maykellogs

1.2K 109 34

Inis na inis si Diana nang malamang sa Sitio Monicayo, isang remote Aeta village, sila magsasagawa ng kanilan... More

Jobos at Polbo Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve

Chapter Seven

66 8 2
By maykellogs

DAHIL di makontak ni MJ si Diana sa cellphone nito, naisipan niyang puntahan ito. Nasabi ni Diana sa kanya minsan kung paano pumunta sa bahay nito. Hindi na siya nagpaalam sa nanay niya dahil batid niyang hindi siya papayagan nito. Dala ang isang flute, si MJ ay tumulak na pababa ng bundok.

Narating ni MJ ang gate ng village kung saan nakatira si Diana. Papasok sana siya nang bigla siyang harangin ng guard.

“Hijo, sino ang pupuntahan mo?” tanong nito sa kanya.

“Ah... eh... si Mr. Danilo Sandoval ho,” tugon niya.

“May ID ka ba?”

“Ah... eh, chief. Wala po akong ID eh. Pero may appointement po ako kaya sana ho payagan niyo na ako.”

“Naku, hijo, kung wala kang ID, mabuti pa ay umalis ka na lang. Harang ka sa daan at aksaya ka sa oras. Hala sige! Alis!” bulyaw ng guard.

Umupo si MJ sa waiting shed sa labas ng gate ng village at nagmuni-muni kung paano makikita si Diana. Nawalan siya ng kumpiyansa. Naghirap siyang bumaba ng bundok para lang makita si Diana ngunit isang matabang guard lang ang pipigil sa kanya. Hindi niya hahayaan na hindi sila magkita ng nobya dahil lang sa guard na ito.

Pero mukhang hindi nga talaga siya papapasukin ng guard. Exclusive village ito. Nawalan na siya ng pag-asa at nagbalak nang umuwi.

“MJ!”

Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Nakasakay si Brenda sa kotse nito at nakangiti. Lumapit siya rito.

“Anong ginagawa mo rito?” usisa ni Brenda.

“Gusto kong makita si Diana. Kaya lang ayaw akong papasukin ng guard,” malungkot na wika niya.

“Tara, sumakay ka na at sabay nating puntahan si Diana. Dadalawin ko rin siya ngayon du’n.”

Nagpasalamat siya kay Brenda at sumakay sa passenger seat ng kotse.

Dinilaan ni MJ ang gwardiyang hindi nagpapasok sa kanya kanina habang tumutulak na ang sasakyan papasok ng village.

“Salamat at dumating ka.”

“Wala yun, MJ. Mabuti rin at nandito ka. Malungkot si Diana ngayon dahil grounded siya sa bahay nila. Pati cellphone, hindi siya pinapahawak ni Tito Danilo. At ako lang ang puwedeng dumalaw sa kanya. Siguradong matutuwa ‘yun pag nakita ka niya...”

            Habang bumibyahe sila, pansin ni MJ na patingin-tingin sa kanya si Brenda sa rearview mirror ng kotse nito. Tila ba may gusto itong sabihin sa kanya at hindi ito mapakali. Hinintay niya itong magsalita, pero hindi siya nito kinausap hanggang marating na nila ang bahay ni Diana.

MALUNGKOT na nakahiga si Diana sa kama. Dahil grounded, hindi na siya pinayagan ng kanyang ama na lumabas ng bahay nila. Naisip niya si MJ, marahil nag-aalala na ito. Wala siyang cell phone at hindi niya mako-contact ang nobyo. Sobra na siyang nangungulila rito.

Bigla na lang, may narinig siyang tumutugtog ng flute mula sa di-kalayuan. Nung una ay mahina lang kaya inisip ni Diana na baka imagination niya lang ang tunog dala ng sobrang pagka-miss kay MJ. Ngunit lumakas nang lumakas ang pagtugtog kaya napatayo siya at binuksan ang bintana upang silipin kung saan niya naririnig na nagmumula ang tugtog.

Agad na bumilis ang pintig ng puso niya nang makita sa labas si MJ na tumutugtog ng flute katabi si Brenda. Pinakilala ni Brenda si MJ na pinsan nito sa gwardiya ng bahay ni Diana para payagan silang pumasok at makausap siya. Nag-usap sila sa garden ng bahay kung saan may fountain na may angel sa gitna niyon.

Binabantayan sila ng isang kasambahay kaya hindi sila makapag-usap nang libre. Kaya may naisip na paraan si Diana.

“Uhm, Yaya Linda, pakigawa nga po kami ng maiinom at makakain,” utos ni Diana.

“Right away, Ma’am Diana,” wika naman ng kasambahay.

Naisip ni Diana na madaling makakabalik si Yaya Linda kung ayun lang ang iuutos niya kaya dinagdagan niya ang ipapagawa pa rito.

“Tsaka, Yaya, please bake us a chocolate cake. Papa said na masarap ka raw mag-bake ng cake. Patikim mo naman sa pinsan ni Brenda. Nagbabakasyon lang siya rito at paalis na kaya sana bago siya umalis, patikman mo siya ng cake na gawa mo,” Diana asked sweetly.

Napangiti naman si Yaya Linda. Hilig talaga nito ang mag-bake. “Ay sige po, Ma’am. Baka pag natikman ng pinsan ni Ma’am Brenda ang cake ko, baka pati pangalan niya malimutan niya.”

“Malimutan ko man ang pangalan ko pagkakain ko ng cake ninyo, hindi ko naman malilimutan ang babaeng nagpapatibok ng puso ko,” banat bigla ni MJ habang nakatingin kay Diana.

“Ay naku po. Nakakakilig naman kayo, sir. Ang swerte siguro ng girlfriend niyo... you are tall, dark, and handsome,” sagot naman ni Yaya Linda.

“Pero mas maswerte ako dahil nakilala ko ang babaeng tulad niya,” sagot muli ni MJ.

Lihim na natatawa sina Diana at Brenda sa usapang nagaganap sa pagitan nina MJ at Yaya Linda. Ngunit kahit na natatawa, nag-uumapaw naman sa kakiligan ang puso ni Diana sa mga banat ng nobyo... kaya lalo niya itong minamahal.

Umalis na si Yaya Linda at nagkusa na si Brenda na umalis sa garden at sa halip ay naglaro ito sa Wii ni Diana sa salas. Sa wakas, solo na nina Diana at MJ ang oras na ito.

“Nasabi sa akin ni Brenda na wala kang cellphone. Kaya pala hindi kita makontak. Nag-alala ako kaya naisipan kong babain ka rito,” paliwanag ni MJ.

“Buti naisip mong gawin iyon, MJ. Akala ko nga, kinalimutan mo na ako,” pabirong pagtatampo ni Diana.

“Puwede ba ‘yun? Sabi ko nga kanina sa kasambahay ninyo, makalimutan ko na ang pangalan ko pero hindi ang nilalaman ng puso ko.”

Alam nilang pareho na maikli lang ang oras nila kaya sinulit na nila ang oras na ito. Niyakap nila nang mahigpit ang isa’t-isa at buong suyo na naghalikan. Talaga namang nangulila sila sa piling ng isa’t-isa.

“Paano na tayo ngayon? Tutol ang pareho nating mga magulang sa relasyon natin?” nag-aalalang wika ni Diana nang kumalas sila sa isa’t-isa.

“Diana, kaya naman nating ipaglaban ang relasyon natin di ba? Mahal natin ang isa’t-isa kaya walang kahit ano na dapat makahadlang sa kaligayahan natin. Kaya kitang ipaglaban. Kung hindi man ako tanggap ng Papa mo, gagawin ko ang lahat matanggap niya lang ako,” determinadong wika ni MJ.

Sasagot sana si Diana nang biglang may narinig silang yabag. Pagkatapos ay dumating si Yaya Linda dala ang juice na inumin at ang bi-nake nitong chocolate cake.

“Salamat Yaya,” nakangiting wika ni Diana pagkakuha sa tray.

“Si Brenda?” may pagtatakang tanong ni Yaya Linda. At palagay ni Diana, nagdududa ito kung bakit nagsosolo silang dalawa ni MJ gayong ang alam nito ay ngayon lang sila nagkakilala.

“Ah... eh. She has to make a phone call. Nakitawag sa phone natin. Ay Yaya, nagtext si Papa, magluto ka na raw ng dinner. He’s on his way here,” utos ulit ni Diana para umalis muli ito.

Tumalima naman si Yaya Linda kaya nasolo ulit nina Diana at MJ ang garden. Nagsimula na silang kumain ng chocolate cake at talagang ubod ng sarap nito. Masaya pa silang nagsusubuan ng cake... masaya sila sa piling ng isa’t-isa.

Napansin ni Diana na nakatingin si MJ sa mga labi niya.

“May chocolate ka sa labi,” sabi nito.

Pagkakuha ng tissue sa mesa ay lumapit ang binata sa kanya. Akala ni Diana ay ipampupunas ni MJ ang tissue sa labi niya pero nagulat siya nang biglang tinapon sa sahig ng lalaki ang tissue. And at that moment, MJ’s tongue touched her upper lip where the chocolate icing supposed to be. Then, they began to kiss again, this time more passionately than the last one. Mas lalong naging matamis ang halikan na iyon dahil sa paghalo ng lasa ng chocolate cake.

Narinig nila ang malakas na busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Nagkalas sa isa’t-isa sina Diana at MJ at sila’y natigilan.

“Bilis! Kailangan mong makaalis agad dito. Si Papa ‘yun. Tiyak na malalagot tayo,” kinakabahang wika ni Diana.

“Hindi. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakakausap ang Papa mo. Tulad nga ng sabi ko sa’yo kanina... ipaglalaban kita, ipaglalaban ko ang pag-iibigan natin,” matatag na wika ni MJ.

            Narinig ni Diana ang paggarahe ng kotse ng ama niya at ang pag-uusap nito at ni Yaya Linda.

“Sir, nakahanda na po ang hapunan niyo.”

“Si Diana?” tanong nito agad. “Kasama niya ba si Brenda? Nakita kong naka-park sa labas ang kotse ni Brenda.”

“Nasa garden po siya. Pero hindi po si Brenda ang kasama niya. May kausap siyang lalaki,” sagot naman ni Yaya Linda.

Narinig ni Diana ang mabibilis na yabag ng ama at lalo siyang kinabahan nang tuluyan nang makita ito sa garden.

“Anong ginagawa mo ritong Aeta ka?” galit na wika ng ama niya.

Bumakas ang takot at kaba sa mukha ni MJ, pero bahagya rin itong napalitan ng animo’y katapangan.

“Mr. Sandoval... nagpunta po ako rito upang pormal na magpakilala sa inyo bilang kasintahan ng anak niyo. Alam kong tutol kayo sa akin pero naparito po ako at kinakausap kayo upang patunayan na malinis ang aking intensyon kay Diana.”

Bumilib si Diana dahil hindi nautal ang nobyo niya. “Papa, mahal ko si MJ. Kaya sana man lang pagbigyan mo na kami. Masaya ako sa kanya... masaya ako sa piling niya,” sabi naman niya.

“Diana, pumasok ka muna sa bahay...” mahinahong utos ng ama niya.

“Pero Papa...”

“Sinabi nang pumasok ka,” nagtaas na ito ng boses dahilan para sumunod na siya sa utos ng ama.

LALONG nakadama ng kaba si MJ nang sila na lang ng ama ni Diana ang nasa garden. Ngunit tinapangan niya ang loob alang-alang sa kasintahan... alang-alang sa pag-iibigan nila.

“Totoo bang mahal mo ang anak ko, hijo?” seryosong tanong ni Mr. Sandoval.

“Opo, at handa ko pong patunayan ang pagmamahal ko sa kanya,” may lakas na loob na tugon ni MJ.

Napangalumbaba si Mr. Sandoval at nanahimik pansumandali na animo’y may iniisip.

“Hijo, alam mo naman na hindi kita gusto para sa anak ko. Ayoko na isang mababang uri ang mapangasawa ng anak ko sa hinaharap,” mahinahon pero nanlilibak na wika ni Mr. Sandoval.

“Pero ako po ang mahal ni Diana, at mahal ko siya,” sagot naman ni MJ.

“Pero hanggang kailan kayo magmamahalan? Sigurado ka bang hindi ka pagsasawaan ng anak ko? Alam mo naman siguro ang layo ng estado niyo sa buhay, at batid mo na madali ka lang niyang kayang palitan dahil maraming lalaki diyan na mas karapat-dapat sa kanya.”

“Hindi po gagawin ‘yan ni Diana...”

Nanahimik pansumandali si Mr. Sandoval at naglakad-lakad sa garden habang sinusundan ito ng tingin ni MJ.

“Hijo, uulitin ko ang tanong ko kanina, sigurado ka bang mahal mo ang anak ko at hindi mo siya ipagpapalit sa kahit na anuman?” tanong ni Mr. Sandoval.

“Mahal ko po siya at hindi magmamaliw ang pag-ibig ko sa kanya.”

Bahagyang napangiti ang ama ni Diana nang sinabi niya ang mga katagang “hindi magmamaliw.” Ngiti ito na parang nanunuya.

 “Naisip ko lang ang lupang kinatatayuan ng sitio niyo. Maaari kong iatras o ipaubaya na sa inyo ang lupang iyon.... pero nakasalalay sa desisyon mo ang kahihinatnan ng lupa ninyong mga Aeta,” ani Mr. Sandoval.

“Ano po ang ibig ninyong sabihin?” naguguluhang wika ni MJ.

“Ibibigay ko na sa inyo ang lupa ninyo at pababayaan ko na kayong mamuhay nang tahimik kung... mangangako ka na lalayuan mo na ang anak ko. Makikipagkalas ka sa kanya at di na kayo muling magkikita.”

Naramdaman ni MJ na pinamulahan siya ng mukha. Nabigla siya sa sinabing iyon ni Mr. Sandoval.

“Hijo, nakasalalay na sa iyo ngayon ang kahihinatnan ng sitio niyo. Sino ngayon ang mas matimbang sa puso mo: ang ‘walang maliw’ mong pag-ibig kay Diana o ang mga katribo mo,” ngayon ay di na naikubli ni Mr. Sandoval ang panlilibak sa tono ng pananalita nito. “At gusto ko na ngayon din ay magbitiw ka ng desisyon mo,” dagdag pa nito.

Tila nanghihina si MJ. Para niyang pasan ang lahat ng problema sa daigdig. Pinapapili siya sa dalawang mahalagang bagay sa kanya. Ayaw niyang mawala si Diana dahil mahal na mahal niya ito... ngunit mahalaga rin para sa kanilang mga Aeta ang lupang kinatitirikan nila.

Mabigat man sa kanyang kalooban ay kailangan na niyang mabitiw ng desisyon ngayon, at sa bibitiwan niyang desisyon, batid niya na hindi lamang siya ang masasaktan... at kailangan niyang pakawalan na ang isa sa dalawang mahalagang bagay sa kanya ngayon dahil kailangan niyang mamili.

“Mr. Sandoval... lalayuan ko na po si Diana alang-alang sa ikabubuti ng tribo namin.”

Napangiti nang maluwag si Mr. Sandoval. Batid ni MJ na masaya ito sa ginawa nitong pagpapahirap sa kanya sa pagbibitiw ng ura-uradang desisyon. At masaya ito dahil lalayuan na niya mula ngayon ang anak nitong si Diana.

“Hindi sapat ang paglayo mo lang. Hahanap-hanapin ka pa rin ni Diana. Ang nais kong gawin mo ay ipalabas mong masama kang tao. Na niloko mo lang siya kaya ka nakikipaghiwalay, na napapagod ka nang mahalin siya... bahala ka. Basta ni anino mo ay dapat hindi ko makitang makalapit kay Diana. Ayun lang at makakaalis ka na, hijo,” wika ni Mr. Sandoval at ito ay naglakad na palayo ng garden.

“Mr. Sandoval... kung gayon po, maaari ko po bang makita bukas si Diana sa huling pagkakataon... upang maisakatuparan ko ang nais ninyong pakikipaghiwalay ko sa kanya?”

Nilingon siya ni Mr. Sandoval. “Payag ako, hijo. Basta magawa mo lang ang inuutos ko sa’yo.”

“Mr. Sandoval, bago po ako magpaalam, ito ang masasabi ko sa inyo: kahit na makipaghiwalay ako kay Diana dahil sa utos niyo... tulad ng nasabi ko sa inyo kanina, hindi magmamaliw ang pag-ibig ko sa kanya. Maghiwalay man kami, hindi mababago ang katotohanang si Diana ang mahal ko at patuloy na mamahalin. Magandang gabi po.” Pagkatapos ay umalis na si MJ at malungkot na naglakad palayo sa mansyon nina Diana.

Continue Reading

You'll Also Like

87.3K 1.5K 29
How can I live when I stop doing the things make me want to live? - Allison Trevor
1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
415K 21.8K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.