Jigger Hortaleza

By candiedapple__

3.2K 148 80

Kell, ang tukmol na in love (?) sa babaeng self-proclaimed na retired rakista, magtu-21, Philippines! Jigger... More

Synopsis... daw
Panimula--Tristan Kell Sirculo
One: Pika-pika!
Two: Kitchen Knife
Three: Bakit nga ba walang McDo?
Four: Broken Heart, Gitara, Chaise Lounge
Five: Ang Pahamak na ID
Six: Si Orange at si Longgo
Seven: Feeling ng Namboboso
Eight: YOU LIKE HER!
Nine: Deadly Weapons: Chains and Frisbee
Ten: Si Ariella at Adrielle
Eleven: Jennifer is the Name
Thirteen: Picture Perfect
Fourteen: Hugs and Heartbeat
Fifteen: Looking Forward
Interview, Announcement, Recommendation
Special Chapter: Orange Delight
Part 2: Jennifer Hortaleza

Twelve: Confessions

114 7 1
By candiedapple__

“LEAD GUITARIST? Ikaw? Nila? Woah.” Napangangang usal ni Kell. “Totoo?”

            Dinutdot ni Jigger ang braso niya gamit ang mga daliri nito. Pagkatapos ay buong pagmamayabang na nagsalita ito, with matching taas-taas ng kilay at chin pa. “Oo. Bakit? Hindi ka makapaniwala, ano? Huh.”

            Nakangusong siniko niya ito. “Ang yabang mo, ah.”

            “Talaga.” Mapang-asar na tumawa ito. “At hindi ako nag-audition para sa kanila kasi kinuha talaga nila ako. I’m their first choice.”

            “Hindi ako naniniwala.” Inilayo ni Jigger ang box ng cookies nang magtangka siya kumuha. Ngunit dahil mahaba ang mga braso niya, kahit na anong gawin nitong paglayo ay nakakuha pa rin siya. Kumagat siya saka niya ito nginisian. “Hindi ka nila first choice. Wala lang silang choice kasi wala naman talagang nag-audition para sa role ng lead guitarist.”

            Hinampas siya nito sa ulo.

            “Aray! Nakakadalawa ka na, ah!”

            Pinandilatan siya nito. “Masakit?! Masakit?! Ha? Ha?! Ewan sa 'yo! Nagsasabi ako ng totoo!”

            “Oh. Oh!” On defense niyang usal. “Chill lang. Hindi na 'to mabiro.”

            “Because I really am not joking.” She snapped.

            Natigilan siya. He guessed that he went overboard. “Okay. Sorry po.”

            Natahimik silang dalawa. Pinagmamasdan nila ang mga pangyayari sa paligid; ang mga pabalik-balik na estudyante, mga nagtatawanan at nagku-kwentuhan. Ang mga booth, ang paglipad ng lobong nabitiwan…

            Gustong batukan ni Kell ang sarili. Ngayon lang pumasok sa isip niya na sa unang pagkakataon ay nagsalita si Jigger tungkol sa sarili nito. Kaya pala magaling talaga siya pagdating sa gitara. At maganda rin ang boses nito.

            Napabuntong-hininga siya saka umayos nang pagkakaupo.

            Minsan talaga, wala sa timing ang kakulitan niya. Ano na ngayon ang gagawin niya? baka nainis na nang tuluyan si Jigger sa kanya. Argh. Gusto niyang malaman ang naging buhay nito sa banda. Dapat niya ba itong sabihan na ituloy nito ang pagkukwento?

            Oo naman. Why not, chocnut? Iyon ang dapat niyang gawin. Paano niya malalaman kung hindi naman siya nag-i-inquire? It was high time that he let—or force—Jigger did the talking.

            Okay, breathe in… breathe out. Tae, kinakabahan siya.

            Bakit siya kinakabahan, eh, magtatanong lang naman siya?

            Hingang malalim ulit. Bugaaaa!

            Mula sa pagtingin sa mga happenings sa paligid ay sinilip niya si Jigger mula sa gilid ng kanyang mga mata. Patuloy lang ito sa pagkain ng cookies habang nakatingin sa kawalan.

            Umubo-ubo siya para kuhain ang atensyon nito. “Jigger…”

            “Hm?”

            “Kumusta ang buhay sa banda?”

            Sa tanong niyang iyon ay doon na siya tuluyan nitong nilingon. Inismiran siya nito. “Curious ka na ngayon?”

            Ngumuso siya. “Syempre. Ngayon ka lang nagkwento ng tungkol sa 'yo, e.”

            Muli siya nitong inismiran. “Huwag ka ngang ngumuso, hindi bagay sa 'yo. At saka bakit naman ako magkukwento? Nagtanong ka ba?”

            Oo nga naman. Kailan ba siya nagtanong ng tungkol dito? Ng tungkol sa buhay nito? “Kaya nga nagtatanong na 'ko ngayon.”

            “Ano bang gusto mong malaman?”

            Lahat.

            “Pero bago 'yan, bilhan mo muna 'ko ng Gatorade.”

            “Gatorade na naman?”

            “Edi tubig! Panulak. Kahit ano.”

            “Masyado kang demanding.” Reklamo niya pero tumayo na siya at pinagpagan ang kanyang pang-upo. “Bibili-bili ka ng cookies tapos hindi ka pa pala bumili ng panulak.”

            “May sinasabi ka?”

            Nagsimula na siyang maglakad. “Wala!” sikmat niya habang naglalakad palayo. “Wala ho akong sinasabi, Kamahalan.”

            Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa cart ng Zagu. Bumili siya ng dalawang medium-sized, Black Forest flavor. Bumili rin siya ng isang boteng tubig.

            Napailing-iling siya. “Ang gastos ko talaga kapag kasama ko ang babaeng 'yon.”

            “Kung ang babaeng iyon ba ay worth it, maliit lang ang perang 'yan.”

            Napapiksi siya sa gulat nang biglang sumulpot sa tabi niya ang isang dwende. Ah, este, si Diana. May hawak din itong baso ng Zagu at kasalukuyan itong ngumunguya—ng sago, preferably—at nakangisi.

            Malakas siyang napabuga ng hangin. “Ginulat mo 'ko, grabe.”

            Tinawanan siya nito. “'Yong babaeng kasama mo 'yan 'no? Si Jigger?”

            Tinitigan niya ito. “Mind your own business, missy.” Saka niya ito binirahan ng alis. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay natigilan na siya dahil sa sunod nitong sinabi. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paghigit niya sa kanyang hininga at halos mabali yata ang likod niya sa sobrang tuwid ng pagkakatayo niya.

            “Kell… Endaryo says…” mabagal nitong usal. Mahina lang iyon ngunit sapat ang hina niyon upang marinig niya. “Nakita kong… Almost… Naked. Ang. Kaibigan kong babae.” Bigla ay nasa harap na niya si Diana. Mapanganib ang ngiti nito, katulad iyon ng ngiti nito kanina nang mahuli nito si Stefan Reid. She snapped her fingers in front of him. “Wala kang ibang kaibigang babae. Wala kang girlfriend. Hindi ka nakaporma kay Ariella. So si Jigger.”

            “T-teka, close ba tayo? Paano mo nalaman iyong kay Ariella?”

            “Secret. Bakit ko sasabihin?” She slurped noisily.

            “I-ikaw si Gray Inked Pen?”

            Ngumiti lang ito saka siya tinalikuran. “Safe naman sa akin ang sikreto niyo ni Jigger. Pero para fair, magpakita ka rin sa kanya nang almost naked.” Binuntunan pa nito ng bungisngis ang sinabi.

            At naiwan siya doong nakatanga.

            Nang makabawi siya ay bigla siyang nagpapadyak. “Argh!” Hindi ba siya kakasuhan kung patayin niya ang babaeng iyon? Grr.

“BAKIT NGAYON ka lang?”

            “May nakasalubong lang ako.”

            Iniabot ni Kell kay Jigger ang Zagu saka siya naupo sa iniwan niyang pwesto. He turned his Zagu upside-down before sticking the fat straw in it.

            “Anong nangyari dito habang wala ako?”

            “Tinawagan ako ni Adrielle.”

            Adrielle na naman?! Utang na loob, ayaw ko nang marinig ang pangalan niya! Masakit na. Ajujujuju.

            “Oy, what’s with that face?”

            “What face?” walang gana niyang sagot. Kinagat-kagat niya ang straw.

            “That troll face you are making.” Tumawa ito. “Ang pangit!”

            Tiningnan niya ito ng masama pero hindi pa rin ito tumigil sa pagtawa.

            “Ano bang problema mo, Tristan? Ugaling tukmol ulit?”

            “Sino ba 'yang si Adrielle Mallari sa buhay mo?”

            Mataman siyang tiningnan ni Jigger. Confusion was written all over her face as she contemplated on why he was sounding like a jealous boyfriend.

            Heck. Boyfriend naman talaga siya, ah! Kaibigang lalaki! At oo! Kanina pa siya nagseselos! Bakit kailangang i-brought up ang pangalan ng tukmol na iyon samantalang sila naman ang magkasama? Nakakasama na talaga ng loob.

            “Uh… Siya ang nag-recruit sa akin sa banda. Nasa iisang high school kasi kami noon. Narinig niya yata ang pagtugtog ko noon sa play.”

            “'Ayun lang?” Hindi mo siya boyfriend? Ex-boyfriend? Lover?

            Tumango-tango ito saka humigop ng Zagu. “Noong una ay ayaw ko pa. Kasi nga, ang bata ko pa noon. Fourteen lang ako noon, eh, tapos sila mga graduating students na. Naisip ko, kung sasali ako sa banda nila, malaki ang possibility na maiiwan ako kasi nga third year pa lang ako that time.”

            “Ah. Pero sumali ka pa rin. Napilit ka?”

            “Oo.” Mahina itong tumawa. “Pumunta sila lahat sa bahay para kausapin sila Mama at Papa. Si Adrielle, the Rodriguez twins, at si Bennett.”

            “Anong sinabi nila?”

            “Iyon nga ang nakakatuwa. Sa dinami-rami ng pr-in-actice nilang linya para mapapayag ang mga magulang ko ay kakaunti lang ang nasabi nila kasi pumayag na agad si Papa at Mama. Kahit nga ako nabigla no’ng time na 'yon, eh. Alam mo kung bakit?” Nakangising siniko-siko siya nito. “Dali na, tanungin mo kung bakit.”

            Nahawa siya sa pagngiti nito. “Bakit?”

            “First cousin ko pala kasi si Adrielle sa side ni Papa!”

            Napamulagat siya. WTF! First cousin nito si Adrielle?!

            “Tapos iyong Rodriguez twins na sina Tham at Sham, anak ng best friend ni Mama! See? Grabeng coincidence! Kaya 'yon, pinayagan ako. Oha?” Siniko siyang muli ni Jigger.

            Siya naman ay nahulog sa malalim na balon ng pag-i-isip…

            Pinsan niya si Adrielle… Para saan ang pagseselos ko? Para sa wala? Niyakap niya ang mga binti saka isinubsob ang mukha sa kanyang mga hita.

            M-in-urder pa naman niya si Adrielle sa isip niya kanina. Ang sama niya. Sinasabi na nga ba niya at walang magandang maidudulot ang pagseselos. Magso-sorry siya kay Adrielle.

            At bakit ka magso-sorry, tukmol? Alam ba niyang pinatay mo siya sa isip mo?

            Oo nga naman. Bakit siya magso-sorry?

            Napa-angat ang mukha niya nang muling magsalita si Jigger ngunit sa pagkakataong iyon ay wala na ang masigla nitong tinig. Bigla itong lumungkot.

            “Nagkaroon lang ng… problema. Sa sobrang pagkahumaling ko sa pagbabanda, nakalimutan ko na ang lahat bukod doon. Ang mga kaibigan ko. Ang pag-a-aral ko. Ang mga pangarap ko. Ang kapatid ko. Ang… mga magulang ko.”

            “Anong… ibig mong sabihin?”

            Nilingon siya ni Jigger at diretso siyang tinitigan sa mga mata. “I was so engrossed with music that I forgot how to live outside of it. Naisawalang bahala ko ang lahat. I took them for granted.” Humugot ito ng malalim na hininga. “My friends. Noong una ay suportado nila ako at masaya ako na gano’n sila. Palaging nasa likod ko, hindi ako iniiwan. Pero dumating ang panahon na napagod yata sila sa pagsunod-sunod sa akin. Hanggang sa hindi ko na sila nakita at hindi na nila ako kinausap. I tried reaching for them again. I tried to catch up but to avail. I wasn’t welcome any longer. Ayaw na nila sa akin dahil iniwan ko raw sila sa ere dahil sumikat na 'ko. Ayaw nila kay Miss Lead Guitarist. Ayaw nila kay Jigger. Ibalik ko raw si Jen. Ang mabait na si Jen.

            “But how am I supposed to do that when all those time Jen was still Jen? Jigger was still Jen. Jigger was still Jennifer? Ako pa rin naman 'yon kaya bakit… Bakit…?” She sighed loudly and slapped both her hands on her hips. “It felt so wrong. I felt so wronged. Wala akong ginawa.”

            “Yeah…” Bitches. Iyon ang gusto niyang sabihin ngunit hindi niya sinambit. Nararamdam niyang marami pang gustong sabihin si Jigger at may nagsasabi sa isip niya na ito ang unang beses na maglalabas ito ng saloobin. Saloobing itinago nito sa loob ng maraming taon.

            “Bakit ngayon ko lang na-realize 'to?” Suminghap ito. “Tristan, wala akong ginawang mali, tama?”

            Binigyan niya ito ng isang ngiti saka siya umiling-iling. Hinawakan niya ito sa ulo saka masuyong ginulo ang buhok nito. “Wala. Wala kang ginawa.” Bigla niyang naalala iyong pangalawang beses na nagkausap sila. Nasa daan sila noon…

            “Hindi. Kasama ko ang mga dati kong kaibigan.”

            “Dati mong kaibigan?”

            “Uh-huh.”

            “You’re not friends with them anymore?”

            “You can say that.”

            “So, wala ka nang mga kaibigan?”

            “Yeah, I guess so.”

            “Genuine ba 'yang pagsang-ayon mo sa 'kin?”

            “Oo naman. Mga inggitera sila.”

            “Oh?”

            “Hindi ka nila pipiliting ibalik mo ang dating ikaw kung hindi sila naiinggit. Look, no offense meant but they’re bitches. Hindi nila kayang makita na nandito ka,” iniangat niya ang kanang kamay sa itaas ng kanyang ulo. “At nandito sila,” ang kanang kamay naman niya ay inilebel niya sa kanyang tiyan. “Hindi nila matanggap na naiwan mo sila. Jigger, seriously, hindi sila kawalan.”

            “Sabagay.”

            “Mas maganda na nawala na sila sa buhay mo dahil hindi maganda sa kalusugan ang mga poisonous Cobras.”

            Jigger’s lips broke into a big smile and it was his turn to be dumbfounded. Pakiningshit! Hyperventilation to the highest degree! Ang puso niya! Ang puso niya!

            “Tristan, approved! Approved sa senado 'yang sinabi mo! Pwede ring pang-status sa Facebook!”

            Natawa siya. “Ewan sa 'yo. Puro ka kalokohan.”

            “Minsan matalino ka rin pala, e.”

            Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Matalino ako. Ako dapat ang VP ng student council.”

            “Weh?” Humagalpak ito ng tawa. “Grabe 'yang joke mo! Pamatay!”

            Pinitik niya ang ilong nito at agad itong napa-aray. “Hindi ako nagbibiro. Pero ano naman ang naging kaso ng pagbabanda mo sa mga magulang at pag-aaral mo? I mean… sabi mo kasi kanina…”

            “Ah, that…” Pagak itong tumawa.

            Bigla ay pinagsisihan niya ang pagtatanong pa rito. “ Okay lang kahit hindi mo sabihin. I mean… Gusto kong malaman pero kung—”

            “The broken friendship started it all.”

            Kumunot ang noo niya. “Huh?” Hindi niya yata na-gets iyon. “Paano?”

P. S. Pasaway ako at hindi ko na naman sinunod ang sinasabi ng puso ko na huwag muna itong i-post. Hahahaha. Aray ko, bhe. Pero kasi... Ugh.

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.3M 91.5K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
8.7K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
2M 80.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...