Loving Mr.Arrogant

Galing kay UniqueToh826

1.4K 245 39

Book One of Campus Rockstar Series Janna Jimenez is a simple girl full of dreams. One of her dreams is to ent... Higit pa

Disclaimer
Chapter 1. Bump
Chapter 2. Danger zone
Chapter 3. Welcome Party

Chapter 4. Meeting Mr. Sleepy head

90 43 7
Galing kay UniqueToh826

Meeting Mr. Sleepy head




Janna's Pov.



Surprised and my eyes widened, as I stared at the handsome creature with hooded eyes, pointed nose and thin lips standing few steps away from me.



Hala ka, anong  ginagawa niya dito?



He sat on the swing next to where I was sitting then he look at me and smile. Hindi ko tuloy maiwasang mas mapatitig pa sa kanya. Ang gwapo niya.



"What are you doing here? bakit nag-iisa ka dito?" tanong niya na hindi ko pinansin dahil abala ako sa pagtitig sa mukha niya.


Ang kinis ng balat niya, parang walang pores. Ang tangos din ng ilong niya, ang ganda din ng mga mata niya na napapalibutan ng malalantik na pilikmata at yung lips niya.. ang pula.



"May dumi ba ako sa mukha?"



"Huh?" wala sa sariling tanong ko. Napangiti naman siya at bahagyang napailing.


" I said, may dumi ba ako sa mukha? "  Napanganga ako at dagling yumuko ng ma-realize ang ibig niyang sabihin.


Nakakahiya! dahil sa pagka amaze ko sa ka-gwapuhan niya hindi ko namalayang  nakatulala na pala ako sa kanya.



I heard him chuckle kaya iniangat ko ang paningin ko para lang makita siyang naaaliw na nakatingin sa akin.



Shemay nakakahiya! Lupa kainin mo nalang ako please.


"Ah eh.." Tae! nauutal pa ako.
Anong nangyayari sa akin? Ano bang meron sa araw na'to? pakiramdam ko kasi ang hina-hina ko sa ka-gwapuhan nila. Una do'n sa aroganteng mayabang tapos ngayon sa galamay naman niya.


"Hey relax! you look so tense." Napalingon ako sa kanya at di ko na naman maiwasang humanga.


Ang gwapo niya talaga! Takte, para akong nahihipnotismo.



"Okay ka lang ba?" Wala sa sariling tumango lang ako.


"What are you doing here?"


I close my eyes to relax and control myself from staring at him. ' Inhale, exhale, relax Janna, tama na ang pamamahiya na ginagawa mo sa sarili mo. '  sermon ko sa sarili ko.


Nang medyo makabawi muli kong ibinalik ang tingin sa kanya para sagutin ang tanong niya.



"Ah, ang ingay kasi sa loob.
Hindi ako sanay e, pakiramdam ko mababasag ang eardrum ko"


"Ah.. ganun ba, pareha pala tayo." Nakangiti niyng sabi kaya naman mas napatitig ako sa kanya.



Takte! hindi ko talaga mapigilang mapatitig sa kanya. Lumunok ako.  "Rock star ka di ba?"


" Yup, but it doesn't mean that a Rock star loves rock music. It was just called to us and since it sounded so cool, we accepted it too" Anyang kumindat pa. Napatango nalang ako, hindi ko na kasi alam kung ano pa ang sasabihin o isasagot sa sinabi niya, nakakatulala kasi talaga yung ka-gwapuhan niya. Yung tipong ang sarap lang titigan.



" Inaantok ka na ba?"  Naitanong ko ng bigla siyang tumingala at pumikit.  Hindi siya sumagot, siguro nga  inaantok na siya.



Kaya naman pinag-sawa ko nalang ang mga mata ko sa katititig sa kanya. Wala talaga akong ibang masabi kundi ang gwapo niya talaga.  Nakakainggit din ang kakinisan ng mukha niya. Ano kaya kung kunan ko siya ng picture?


Gusto ko sana kaso huwag nalang pala baka mahuli pa niya ako. Nakakahiya na nga na ilang beses akong natulala sa harapan niya e, mas nakakahiya pa kung mahuli niya akong kinukunan siya ng picture.



Pumikit nalang din ako at tumingala, ginagaya ang ayos niya. Napangiti ako ng madama ang haplos ng hangin sa mukha ko. Nakaka relax pala 'to.



Hindi ko alam kung ilang sandali o minuto akong nakapikit napadilat lang ako ng makarinig ng tunog ng camera at nahuli ko siyang kinukunan ako ng picture gamit ang sarili niyang cellphone.



"Bakit mo ako kinunan?" Nagtataka kong tanong, ngumiti lang naman siya at nagkibit balikat tsaka pinagmasdan ang kuha niya sa akin.



Shocks! ano kayang itsura ko d'un hindi pa naman ako photogenic.


"You look so relax and cute here."  Anya, nasa picture ko ang paningin. Bahagya ko namang kinagat ang loob ng pisnge ko para pigilan ang sarili kong mapangiti.


Cute daw ako! pwede ba tumili?


"I'm kenzo."


"Huh?"


"I'm Kenzo. Ikaw, anong pangalan mo?" Nakangiti niyang tanong.


"Janna"


"Nice to meet you Janna!"Anyang inilahad pa ang kamay for a hand shake.


" Nice to meet you too, Kenzo! " Nakangiti at nanlalamig ang mga kamay na tinanggap ko ang pakikipag kamay niya. Ang init at lambot ng palad niya.



OMG! can I shout? Nemen eh, ba't ba kinikilig ako?



"Babalik ka pa ba sa loob?" Anya ng maghiwalay ang mga palad namin.  Umiling ako



"Ah.. Hindi na, dito nalang muna ako magpapalipas ng oras baka magkasakit lang ako sa loob" Kunot-noo niya akong tiningnan kaya naman bago pa siya magtanong sinabi ko na ang dahilan. " Hindi kasi ako sanay sa sobrang lakas na music pakiramdam ko talaga any moment mababasag ang eardrum ko plus yung puso ko din sumasabay sa beat ng kanta pakiramdam ko aatakihin ako sa puso." Bahagya siyang natawa pero napatango-tango din.



"Sabagay, anyway, what's your plan?  mahaba pa oras ." An'ya sabay tingin ng oras sa mamahalin niyang relo. 


"Amh.. gusto ko sanang umuwi na, may pasok pa kasi ako bukas sa  work ko eh."


"Work?" Gulat niyang tanong. Bahagya naman akong natawa. Ang cute kasi ng reaction niya.


"Grabe ka naman, nakakagulat ba?"


"Ah, hindi naman, sorry." Apologetic niyang sabi, nginitian ko siya.



" Sus! okay lang yun, binibiro lang kita. Anyway, to answer your question,  crew ako sa isang coffee-cake shop."



"Why are you working?" Kunot-noo niyang tanong.


"Ahm, baka pambudget di ba?" pabiro kong sagot na mas lalong ikinalalim ng gitla sa noo niya kaya napailing ako. "Alam mo kasi Kenzo, amh.. let's  just say na hindi ako kasing palad niyo pagdating sa buhay pero keri lang naman. "



Saglit siyang natahimik at tila nag-isip.  "I see. " An'yang tumango-tango  pagkalipas ng ilang sandali.  "But what about your parents? aren't they working?"


"Amh..wala na sila"


"What do you mean ?"


" What I mean is.. wala na sila, dedo, tege bombom, patay na sila, they're already in heaven ganun."


Muli na naman siyang natahimik habang nasa akin ang paningin. "Condolences" Malungkot niyang sabi pagkalipas ng ilang sandali. Tipid ko lang siyang nginitian. Bigla ko tuloy namiss ang mga magulang ko.


"Sinong kasama mo ngayon?, I mean some relatives? "


"Ahm.. wala, ako lang."  He gave me a 'what look' "Only child ako. Hindi ko naman alam kung nasaan na ang mga kamag-anak ko."



"Where do you live?"


"Slam book ba to? di ako nainform ha!" Nangingiti kong tanong. Ewan ko ba pero ang gaan-gaan  ng pakiramdam ko sa kanya, feel at home nga ako sa kanya eh kaya kahit papaano nakakausap ko siya ng normal at nabibiro di tulad sa aroganteng kaibigan niya.



Tsk! Bakit  ba naisip ko pa yung tukmol na yun?



"Sorry! it's okay if you don't want to answer." Medyo nahihiya niyang sabi.



" Joke lang! 'to naman masyadong seryoso sa buhay anyway coconut, nakatira ako sa bahay namin sa may Queenstown  village sarili naman namin yun e"


"Hindi ka ba nahihirapan na pinagsasabay mo ang pag-aaral at trabaho?


"Okay lang naman gamay ko na naman ang trabaho ko e,  time management lang naman ang kailangan." Ngumiti siya kaya ayun napangiti lang din ako.



"Tingin mo ba pwede na akong umuwi?" Medyo inaantok na din kasi ako at gusto ko na talagang humiga. Tiningnan niya ulit ang  relo niyang mamahalin. Yep, alam kong mamahalin dahil nakita kong  Rolex ang tatak.


"Maaga pa, hindi ka pa papayagang umuwi, wala pa sa kalahati ang program eh"


"Paano kaya yan? kailangan ko na  kasi matulog, may alam ka bang pwedeng tulugan dito?" Maaga pa kasi ang pasok ko bukas. Hindi siya sumagot sa tanong ko sa halip, tumayo siya  at naglakad papunta sa ilalim ng puno at doon siya umupo at sumandal sabay pikit.


Eehh? tulugan daw ba ako?


"Dito." Anya habang nakapikit.
Then ti-nap niya yung sa tabi niya parang sinasabi niya na tumabi ako sa kanya. "Halika na dito." Sabi pa niya tsaka ti-nap ulit yung tabi niya kaya tumayo na din ako at tumabi sa kanya, malapad naman kasi yung  katawan ng puno. Tsaka choosy pa ba ako? Hindi ko lang alam kung anong puno 'to, basta malapad na puno.



"Are you sure okay lang na matulog tayo dito?" Naninigurado kong tanong. Mahirap na kasi baka mamaya bawal pala.


"Yea, madalas na akong natutulog dito. Don't worry subok ko na to!" Nakapikit niyang sabi. Napangiti nalang ako, ilang beses na kaya siyang nakatulog dito para masabing subok na niya 'to.



"By the way congratulations sa inyo para sa kanina ang galing niyo para kayong professional band "


"Thanks." Simple niyang sagot habang nakapikit pa din.


Tumahimik nalang din ako dahil mukhang antok na antok na siya. Sumandal na din ako para maipahinga ang likod ko kaya lang siopao ang sakit sa balat ko ng balat ng puno.


"Oh! wear this." Anya sabay abot ng coat niya. "Malamig dito mamayang hating gabi kaya suotin mo muna 'to." Kahit medyo nahihiya ako kinuha ko ang coat niya, mahirap na kasi, hindi ako pwedeng magkasakit isa pa panangga ko na din kasi 'to sa balat ng puno na masakit sa balat.


"Thank you, pero paano ka?"



"Naka long sleeves ako, Don't worry about me." An'ya na tinaas pa ang braso para ipakitang long sleeve nga ang suot niya.


" thank you ulit ha, goodnight" Nasabi ko nalang tsaka isinuot ang coat niya.



Hmm.. ang bango!



Sumandal ulit ako at pumikit na.
Tingin ko makakatulog talaga ako feeling ko yakap niya ako dahil suot ko ang coat niya eh .

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

380K 19.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
174K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...