Meeting Mr. Gifted

By munchandkinz

32.1K 456 68

Sabi nila, opportunity knocks once. So, when it comes knocking on your door... grab it. Pero paano kung eto a... More

The Characters
Chapter 1: One Step Closer
Chapter 2: Welcome to the New Olympus!
Chapter 3: Stares
Chapter 4: The Knight in Shining Armor
Chapter 5: Hired
Chapter 6: Stolen
Chapter 7: Virgin
Chapter 8: The Olympians
Chapter 9: Rumor Has It
Chapter 10: Falling
Chapter 13: Temperance
Chapter 14: Moonlight
Chapter 15: Closer
Chapter 16: An Open Book
Chapter 17: Confession
Chapter 18: Pretenders
Chapter 19: Love and Hate
Chapter 20: Walking Away

Chapter 11: Deja Vu

1.2K 21 1
By munchandkinz

I'd felt this before; the nerve wrack and excitement together. As I'm standing in front of this door, holding my breath, that guy suddenly opened the door for me. He's face is angelic with a bit of darkness. How could a prince put a princess in danger when he should be the one to save her in the first place?


"Care, andito ka na pala!" bati ni Keith sa dalaga.


Inakbayan niya si Caroline na parang mag-tropa. Hindi ma-ipinta ang mukha ni Caroline sa pag-tataka kung bakit siya inakbayan nito, eh hindi naman talaga sila close.

"May hihingin sana akong tulong sayo. Pwede mo bang icopy yung mga data ko from the main computer to another one?" Keith.  Tingin ito ng tingin sa wrist watch niya. Parang may hinihintay.

"Sure, kaya lang... hindi ba masyadong private yon?" Caroline.

"Siyempre may listahan ako ng mga files na i-transfer mo. At saka, hindi mo mabubuksan yung mga yon dahil may security codes ang bawat folder."

"Ah, okay. Hindi nga lang ako pwede mag-tagal kasi kailangan ko pang ihanda yung snacks niyo mamaya." pakiusap ng dalaga. 


"Okay, no problem. Mga 30-45 minutes okay na yon. And... by the way, I'm Keith just in case na hindi mo pa ako kilala."

Ngumiti lang siya dito. Parang naibsan ang bigat ng damdamin na kanyang dinadala bago siya pumasok sa building na yon.


Mas maliit ng kaunti ang kuwarto ni Keith kumpara kay Zach. Madilim at ang daming kalat.

"Pasensya ka na sa mga kalat ha? Pero ako na ang mag-lilinis nito. Baka may ahas ka pang mapulot dito sa sobrang sukal."


"Wow Keith, 5 ang computers mo dito? Paano mo ito nagagamit ng sabay sabay?" Namamanghang tanong ni Caroline.


"Ah... eto, pang download, eto pang documents or reports, eto pang design, eto, for research and eto ang main computer. Siyempre hindi ko na siya ieexplain sayo, Care."


Napapa-iling ang dalaga sa pagka-mangha.


"Para akong nasa office or hide-out ng isang secret agent."


"Don't be silly, Care! That's normal, ano ka ba? Para mas mabilis ang trabaho, you need more equipment siyempre. O, eto nga pala yung flash drive icopy mo yung mga folders na naka-sulat dito... hanapin mo sa lahat ng  drives ng computer na ito, isave mo then icopy mo dito sa kabila."

"Wow! 200 folders? Baka abutin naman ako ng siyam-siyam dito?" Caroline. 


"Don't worry! Itype mo lang dito yung folder's name then press enter. Tapos hintayin mo nang lumabas ng kusa." turo ni Keith. 


"Aaaahhh, thank you ha? Mukhang dapat yata lagi kitang tulungan para madami din akong alam sa mga short-cut keys and faster searchers."


Tinapik ni Keith ang likod nito, "Sige sige... pag-iisipan ko." 


Pa-simpleng sumusulyap si Caroline kay Keith na kanina pa text ng text.... "

Sino kaya tine-text nito? Girlfriend niya?" isip ni Caroline. Lahat ng Top 10 ay nakita na niya. Si Keith na siguro ang pinaka pangit sa lahat. Pero hindi parin siya maka-paniwalang lahat sila dito ay magaganda at gwapo.


Maya maya lang ang nag-tanggal ng spectacles si Keith at napatingin nanaman si Caroline. 

"Keith... mas bagay sa inyo ang walang salamin." puri ni Caroline.

"I know. But I need to protect my eyes. Alam mo na?" sabay turo sa limang computers na nasa harapan ni Caroline. 


Transfer has been completed! (Computer) 


"Oh ayan... tapos na pala eh. Baba na ako para mag-handa ng snacks nyo." Biglang natigilan si Keith. Pinag-pawisan. Para ba siyang kinakabahan.

"Okay ka lang?" tanong ni Caroline. 


"Oo, naman... bakit?" 


"Ah... okay. Sige alis bababa na po ako." 


"Wait!!!"


biglang tumalon ito papuntang pinto. Natapilok pa! Sabay lock ng pinto. 


"Anong ginagawa mo??? Buksan mo yan Keith!" sigaw ni Caroline.


"Hindi pwede! dito ka lang!" sabay kamot sa ulo.


"Anong balak mo sa akin? Rapist ka ba?"


"Of course not!"


"Then why don't you open the damn door?" galit na galit nang si Caroline.


"Napag-utusan lang ako! I'm so sorry. It's for your own good. Trust me!" apologetic na si Keith.


"Trust you? Believe you? Ayaw mo ngang sabihin kung anong problema tapos ikaw pa nag-rerequest na maniwala ako sayo! Ang tigas ng mukha mo! Pag hindi mo to binuksan... sisigaw ako! TULOOO....!" biglang tinakpan ni Keith ng kanyang kamay ang bibig ng dalaga. Nag pupumiglas ito...


"Let me explain. Don't scream. Tatanggalin ko to, but please listen." tumango lang si Caroline. Tinanggal naman niya ang kamay sa bibig ng dalaga.


"Si Chronus, sabi niya... itago daw kita hanggang matapos ang visiting hours. Akala ko kasi matatagalan ka dun sa pinapa-gawa ko kaya lang... ang bilis mo natapos."


"Si Chronus? Si Chronus nanaman? Hah!!! Ano bang problema ng lecheng yon at itinatago niya ako? May ginawa ba akong masama? Criminal ba ako?" pasinghal na sabi ni Caroline.


"Si Elena kasi... hinu-hunting niya yung babaeng humalik kay Chronus. "


Namutla si Caroline at na-blanko. Inalala niya ang lahat ng nangyari ng araw na iyon. Tama nga si Becky.


"Eh hindi naman ako ang humalik sa jowa niya noh? Ako kaya ang hinalikan niya!" paliwanag ni Caroline na naiinis na.


"Oo nga... eh talagang selosa yon si Elena. Kaya sabi niya... gawin daw namin lahat wag lang mag-krus ang landas niyo."


"Basta! lalabas ako dito." buong puwersa, bumwelo si Caroline at sinipa ang pinto... Ngunit biglang bumukas ito at napa-subsob sa sahig.


"Nice kick!"sabi ni Zach na kasama si Hoven. Inangat niya ang ulo.


"Hello. Good afternoon sainyo." naka sarcastic grin si Caroline.


"Pano niyo nabuksan yung pinto?" Keith.


"Nakay Werner ang master key, remember?" Hoven. Habang pinapaikot ikot ni Zach ang key-chain na may mga susi  sa hintuturo at nakangiti. 


"So, what are you doing here? Wag kayo mag-isip ng masama ha? Napag-utusan lang ako ni Chronus." 


"Ano ka ba? We're here to help too." Zachariah. 


"Tsss..." napa-hiss lang si Hoven. Halatang hindi siya kasama sa plano. 


"Tayo ka na diyan!" Zach. 


Itinulak ni Caroline ang katawan patayo. Ngnit hindi niya ito kinaya. Napa-upo lang ito at hindi maka-tayo... Hindi niya namalayan na mali ang pag-bagsak niya. 


"Ang clumsy mo naman! Simpleng kick na-out of balance ka na?" Zach. Walang nag-react sa sinabi nito. Lumapit si Hoven at yumuko para buhatin ang dalaga.


"Subukan ko munang ilakad." 


"Apparently you got fractured. It's best if you just let us give you first aid. And just shut the hell up." Hoven.


Napa-kagat labi sa tensiyong bumabagabag sa kanyang puso. Para siyang isang prinsesang nahulog sa kabayo at nakita ng isang prinsipe. 


"Dun na sa kuwarto ko. May mga herb and first aid ako. Kumpleto." Offer ni Zach. 


"Hindi pwede, dun tayo sa baba. Para hindi na natin siya bubuhatin pababa ng hagdan mamaya." suhestyon ni Hoven.


Tumakbo papuntang kuwarto si Zach para kunin ang mga kailangan. 

Manghang mangha si Caroline sa kakisigan ni Hoven. Kung tutuusin, napaka-soft ng features niya. Parang baby. Pero ng buhatin siya, hindi man lang ito umingit. 


"Pasensya na... Ang bigat ko." paumanhin ni Caroline. 


"Care" sabay tingin sa mata niya. "Hindi ka mabigat. Mas mabigat pa yata sayo ang weights na binubuhat ko every other day sa gym." Hoven. 


"Nag-jigym ka?" umiwas ng tingin si Caroline para itago ang kilig. Naiimagine nito ang abs at biceps ni Hoven. 


"Hoy! Hindi mo kailangan mag imagine... ipapakita ko nalang sayo, sabihin mo lang!" sabay kindat ni Hoven. 


"Hindi ah... bakit naman ako mag-iimagine. Hindi kita pwedeng pag-pantasyahan. Dahil kay Becky ka na!" biglang nanlaki ang mata ng dalaga at napa-kagat ng labi. Ini-upo siya ni Hoven sa couch malapit sa fireplace. 


"Becky?" nagtatakang tanong ni Hoven. "You mean, may gusto sa akin si Becky?" 


"May sinabi ba ako? Parang wala naman. Kalimutan mo na yon!" pag iwas ni Caroline. "Patay ako kay Becky. Nasira ko ang mga plano niya." sabi sa sarili. 


"Ha! How come I didn't notice?" kitang kita ang ngiti ng mata ni Hoven. 


"So, ayun na nga... nadulas na ako!... Gusto mo rin ba siya?" kahit masakit sa kanya.., hindi naman niya pwedeng agawin si Hoven kay Becky. 


"Why do you ask? Sasabihin mo rin ba sa kanya pag sumagot ako?" pang-aasar ni Hoven. 


"Siyempre hindi. Nahihilo lang kasi ako kaya nadulas yung dila ko noh! F na F mo naman? Hindi ka pa ba nauuyam na lahat na yata ng babae sa school eh gusto ka tapos..." 

"Yes, I like her!" Ang baba ng boses ni Hoven. Ang hot. "I like her, but I.Dont.Love.Her." pag lilinaw ng binata. 


"What's not to love about her? Ang ganda niya, matalino, mabait, nasa kanya na nga ang lahat eh. Bakit kailangan mo pang makipag-flirt sa ibang babae, samantalang andiyan na nga siya. Gusto ka niya. Matagal na." 


"I do not flirt. I just appreciate girls who like me. With Becky, I don't love her... YET. A lady like Becky deserves someone better than me. And plus... she's my friend. I can't hurt her. Pag sigurado na ako sa nararamdaman ko for her, then I'll make a move. But as of now, I am certain that I like her, but I am attracted to someone else." pag amin ni Hoven.


"Ano yon? So, reserve siya? Ang sama mo naman dude! Iba ka! Iba ka talaga! Ang pogi oh! Ang pogi!" habang tinatapik ni Caroline ang baba nito para mang-asar... biglang hinatak ni Hoven ang kamay at napalapit ang mukha niya sa binata.


Nanlamig at naging estatwa si Caroline. Injured na nga... hindi pa makagalaw. Sasampalin ba? o Hindi? Sisigaw ba? o hindi?


"So you think... that I'm pogi?" ngumiti ng bahagya si Hoven. Hindi makapag-salita si Caroline. Ang kaninang panlalamig ay napalitan ng init sa dibdib.  


Binawi ang kaba sa kanyang mukha. "Oo nga! paulit-ulit? F na F? Uulitin ko ulit?"


Natawa naman ang binata st itinulak ng hintuturo na noo ni Caroline.


"Baliw!" asar ni Hoven sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
27.5M 700K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
27.8K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
374K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...