My Savory Love (COMPLETED)

By AleezaMireya

38.2K 1.9K 452

Love Bites Trilogy - Book 2 "Kung wala kang problema, ako meron, at ikaw lang ang solusyon." More

Author's Note
Teaser
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 2

1.9K 102 8
By AleezaMireya


Panay ang patak ng luha ni Cheryl. Sa village park sila humantong, nakaupo sa swing. Hindi siya makaauwi dahil tiyak na magtatanong ang nanay at tatay niya kung bakit siya naiyak. Maaga pa, alas-nwebe ang karaniwang oras ng pagtulog ng mga iyon. Saka na lang siya uuwi ng bahay.

"Wala na ba talaga akong swerte sa lalaki? Yung unang boyfriend ko, niligawan lang ako kasi sumunod sa gusto ng nanay. Pangalawa, wala akong kaalam-alam, gusto lang pala akong gawing kabit. Tapos ngayon, bakla?"

"Minsan talaga ang kagandahan, nagiging kamalasan," ani Aileen.

"Ano namang connect n'on?" tanong si Shaine.

"Tingnan mo 'yang babaing 'yan. Masyadong maganda, naloloko tuloy." 

"Ha?" sabay nilang tanong ni Shaine. Pinahid niya ang luha at napatingin sa kaibigan.

"Long, straight black hair, pwedeng pang commercial. Matangkad. Natural na sexy. No, not sexy, kagalang-galang na sexy. Sensual but sophisticated at the same time. Mysteriously sexy. Ano nga bang term 'yon?" anito na tumingin kay Shaine.

"Ewan ko sa'yo. Naguguluhan nga ako sa patutunguhan ng sinasabi mo eh," sagot naman nito.

Ipinitik nito ang mga daliri. "Sultry! Right, you are sultry, kissable lips and with smooth skin. Masyado kang maganda, 'yon ang kasalanan mo," ani Aileen.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Aileen, you're talking riddles. Pakiliwanag. Dalawa kaming naguguluhan, eh. Maganda na, nagawa pang lokohin. Anong logic do’n?" tanong naman ni Shaine.

"What I mean is, yung three failed relationship mo, ang common denaminator, dahil gusto kang gawing trophy at shield. Una at pangalawang failed attempt mo sa relationship, parehas silang nakita ka as trophy girlfriend. Ganda mo kaya! Pangatlo, ganda mo talaga, 'te! Imagine, kapag naging girlfriend ka, sinong mag-aakalang bading s'ya? Sige nga."

Naisandal niya ang ulo sa kadenang pinagkakabitan ng swing. Ipinikit niya ang mata. Tama ang kaibigan niya.

"Pero alam mo, masyadong drastic yung change mo ng preference ng guy eh. Yung una, boy next door, sumunod, tough guy, tapos ngayon good guy," kumento Shaine.

"Dahil nga nadala ako, kaya ayon, ayaw ko nang magtry ulit ng same personality na lalaki."

"Parang mali naman yata 'yon, beshie. Wala sa personality 'yon, nasa character na 'yon ng lalaki," ani Aileen.

"Teka, may tanong pala ako, ex-boyfriend ba ang tawag mo r'on, o, ex-girlfriend?" seryosong sabi ni Aileen.

Napatawa siyang bigla sa tanong nito, maging si Shaine ay hindi rin napigilan ang pagtawa.

"That's a valid question, actually," aniya matapos humupa ang tawanan nilang magkakaibigan. "Baklang 'yon! Akala ko pa naman nakatagpo na ako ng lalaking igagalang ako at gusto akong iharap nang malinis sa dambana. 'Yon pala! Naku! Isang berdeng palaka!"

Matagal namayani ang katahimikan sa kanilang magkakaibigan. Tanging tunog ng swing ang maririnig.

"Sa panahon talaga ngayon, ang hirap na makakita ng lalaking matino," ani Aileen.

"At lalaking mabait," ani Shaine.

"'Yong hindi ka lolokohin," ani Cheryl.

"At lalaking sweet, kahit medyo masungit," ani Aileen.

"Lalaking maalalahanin at magalang," aniya.

"Lalaking may paninindigan," ani Shaine.

"Isama na rin natin na dapat single s'ya, ano? At saka may magandang trabaho," ani Aileen.

"At saka totoong lalaki, pero gwapo," aniya.

Bumuntong hininga si Cheryl, "Mabuti pa kayong dalawa, may nakilala na. Samantalang ako, malabo na yatang makakilala pa ng ganyang lalaki."

"Masakit talagang pag-usapan ka ng patalikod."

Nagulat si Cheryl dahil hindi niya inaasahan na may magsasalita sa likuran nila. Pero hindi niya kailangang lumingon dahil kilala niya ang boses na iyon. Sapat nang marinig niya ang naritonong boses ng binata para maging eratiko ang tibok ng puso niya.

"Kuya Marson, kanina ka pa d'yan?" tanong ni Shaine.

Lumakad ito at pumunta sa harapan niya. Ang street light ay nasa gawing kanan nito kaya ang kalahati lang ng mukha ang naiilawan. Nagbigay iyon ng misteryosong aura sa lalaki. Parang sinasabing may isang bahagi pa nang pagkatao nito ang dapat tuklasin.

Matangos ang ilong nito, may maliit na pilat sa itaas ng kanang kilay. Tanda pa niya kung paano nito nakuha iyon. Pero ang talagang nakapagpahipnotismo sa kanya ay ang singkit na mga mata nito. May kakaibang kislap sa mga iyon na parang sinasabing may lihim itong itinatago tungkol sa kanya, at ikinatatakot niyang malaman kung ano man iyon.

"Hindi naman masyadong matagal, pero sapat na para marinig kong pinapantasya ni Cheryl na makakilala ng isang katulad ko," anito. He smiled lopsidedly. A smile that never fails to make her heart flutters. Then, and no matter how much Cheryl try to deny, until now.

Nag-iwas siya ng tingin sa binata, "Kilala na kita, kaya alam kong hindi hindi ikaw ang lalaking gusto kong makilala."

"Siya nga?" anito, "Tingnan natin kung gaano mo ako kakilala. Kailan ang birthday ko?"

"Ewan ko," sagot niya.

Tumawa ang binata, tawa na hindi alam ni Cheryl kung paanong naging parang musika sa kanyang tainga, "Kita mo na. Marami ka pang hindi alam tungkol sa akin, Che. Pero wag kang mag-alala, pwede mo naman akong kilalanin pa."

Lalong bumilis ang tibok puso ni Cheryl. Tinawag siya nito sa nickname na ito ang nagbigay sa kanya, na ang binata rin lang ang tumatawag sa kanya. Cheryl siya sa lahat ng kakilala. At sapat na ang pagtawag nito sa kanya ng Che para magulo ang kanyang sistema. Ipinapaalala nito sa kanya ang nakaraan. Nakaraaan na ayaw na niyang alalahanin, lalo na ngayong may pinagdadaanan siya kay Mike.

Tumayo na siya sa swing at nagpaalam sa mga kaibigan. "Uuwi na ako. Bukas na lang uli tayo magkita." 

"Ihahatid na kita," alok ni Marson, umagapay sa paglakad niya.

"Kaya kong mag-isa."

"Alam kong kaya mong mag-isa, pero mas masarap ang may kasama," sagot ni Marson. "Mas masarap akong kasama."

Kanina ay galit si Cheryl dahil kay Mike, pero dahil sa sinabi ni Marson ay may gumuhit na sakit sa puso niya. Alam niyang masarap talaga itong kasama. Minsan na niyang napatunayan iyon. At dahil nga doon kaya ayaw niyang muling mapalapit sa binata.

“Break na kayo?” anito, nakasabay pa rin sa kanya.

Hindi sumagot si Cheyrl.

“Iniisip ko kung dapat kong suntukin ang ex mo o dapat kong kamayan at pasalamatan,” ani Marson.

Dahil sa sinabi nito ay napilitang tumingin si Cheryl sa lalaki. And true enough, his eyes are conflicting. Nag-iwas siyang muli ng paningin sa lalaki. Ang sandaling pagtingin niya rito ay nagdulot lalo ng kaba sa dibdib niya.

“Pero parang mas dapat ko siyang kamayan at pasalamatan.”

Napahinto si Cheryl, nanliit ang mga mata niya, “At bakit? Masaya ka ba talaga kapag may babaing nasasaktan?”

“Of course not. Lalo na kung ikaw iyon. Pero dahil sa ginawa n’ya, pakiramdam ko’y may utang na loob ako sa kanya at sa ibang ex-boyfriend mo pa. Binigyan nila ako ng pabor,” anito Marson, ngitian pa siya.

Nagtagis ang mga ngitin ni Cheryl at saka siya muling humakbang. Ngali-ngali niyang suntukin ang lalaki dahil sa sinabi nito. Nanariwa muli ang nakaraan sa kanyang isip at puso na para bang kanila lang iyon nangyari.

God! She thought she already forgot that awful past. But here she is, still feeling the sting of his playfulness. Minsan na siyang naging biktima ng pustahan ng barkadahan ng mga ito. Ang kaswertihan niya, bago pa niya nasagot si Marson ay nalaman na niya ang totoo.

Pero natalo man ito sa pustahan na mapasagot siya sa takdang panahon, ang hindi alam nina Marson, nagtagumpay ito na mapa-ibig siya at makuha ang kanyang puso. 

“You’re a jerk,” ani Cheryl. Huminga siya ng malalim para mabawasan ang nararamdaman.

“Bakit? Wala naman akong sinabi o ginawang mali, di ba?” nakakunot-noong tanong nito.

“Kung wala kang mabuting sasabihin, pwede bang iwanan mo na akong mag-isa,” ani Cheryl, mas binilisan ang paglakad palayo sa binata. Sa isip ay naiinis si Cheryl. Bakit mas nasaktan siya sa nakaraan kaysa sa natuklasan niya kanina sa cinema?

“Che, sandali,” ani Marson na sumunod pa rin sa kanya. “Bakit ba nagalit ka sa akin? Ano bang nagawa ko at biglang naging kaaway ang turing mo sa akin?”

“You’re a first class prick,” ani Cheryl. “Here I am trying to overcome my newest heartbreak and you…... You’re unbelievable! Masaya ka pa talaga na nasasaktan ako? Magpapasalamat ka pa talaga sa kanya?” huminga ng malalim si Cheyl, sinusubukang kontrolin ang nararamdamang inis. “Ibigay ko pa sa’yo ang address. Puntahan mo. Magsama-sama kayo. Mga manloloko!” aniya na tinalikuran na ito.

“Hey! Wag mo akong itulad sa kanila,” ani Marson na humarang sa dinaraanan niya.

“Pare-parehas kayo. Lahat kayo. Wala kayong ipinagkaiba. Wag mo nang itanggi. Kasasabi mo lang na pasasalamatan mo s’ya, di ba?” ani Cheryl na nilampasan pa rin si Marson.

“Palagay ko’y mali ang pagkakaunawa mo sa sinabi ko,” anito na muling humarang sa kanya, idinipa nito ang mga kamay kaya walang nagawa si Cheryl kunti tumigil at tingnan ang binata. Ang mukha nito ay kinabakasan na ng pagkaunawa.

“Hindi ko alam kung dapat kong suntukin ang ex mo dahil sinaktan ka n’ya…” tumigil itong saglit sa pagsasalita, titig na titig ang binata sa kanya. Ipinararating na kung ano man ang sinasabi ay totoo at hindi ito nagbibiro, “O dapat ko ba s’yang pasalamatan at kamayan dahil binigyan n’ya ako ng pagkakataon na muling ligawan ka.”

**********************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

Continue Reading

You'll Also Like

38.3K 2.1K 19
Love Bites Trilogy - Book 3 "Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan mo?"
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
15.3K 428 27
Via Clarisse has one goal in life, to be her bestfriend's wife. Everything was planned since the day she knew she was inlove to Alaric but everything...
2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...