Snow White and the Poisonous...

Af marshymaoa_

50.6K 547 11

Kyril Series #3: Snow White and Poisonous Apple Highest Rank: #3 Thriller Misha Kyril is the fourth child of... Mere

Kyril Series
Disclaimer
Prologue
#Chapter1
#Chapter2
#Chapter3
#Chapter4
#Chapter5
#Chapter6
#Chapter7
#Chapter8
#Chapter9
#Chapter10
#Chapter11
#Chapter12
#Chapter13
#Chapter14
#Chapter15
#Chapter16
#Chapter17
#Chapter18
#Chapter19
#Chapter20
#Chapter21
#Chapter22
#Chapter23
#Chapter24
#Chapter26
#Chapter27
#Chapter28
#Chapter29
#Chapter30
#Chapter31
#Chapter32
#Chapter33
#Chapter34
#Chapter35
#Chapter36
#Chapter37
#Chapter38
#Chapter39
#Chapter40
#Chapter41
#Chapter42
#Chapter43
#Chapter44
#Chapter45
#Chapter46
#Chapter47
#Chapter48
#Chapter49
#Chapter50
Epilogue
Note!
#SpecialChapter
#SpecialChapter

#Chapter25

842 6 0
Af marshymaoa_

#Chapter25

3rd Person's POV

Naagaw naman ang pansin lahat ng namalagi sa penthouse sa sunod sunod na pag putok ng baril.

Ang natutulog na sila Nethon, Alexander at Ashton ay napabangon ng wala sa oras, kahit sila Belle at Alice napatigil sa ginagawa nila.

"Go call someone!" sabi ni Misha kay JM.

"No hindi kita iiwan"

"Gago! humingi ka ng tulong baka tayo pa dalawa mamatay!" gumulong naman si Misha papunta sa kama niya.

Walang nagawa si JM kundi ang iwan si Misha, sa pag labas niya ng pinto nakita niyang pag sabay sabay ng pag bukas ng mga pinto at isa isang niluwa ang mag pipinsan.

"Sana meron" kinapa kapa pa ni Misha ang ilalim ng kama pero wala itong nakapa, nilibot na niya ang paningin pero wala siyang makita, natigil ang pag paputok ng bala.

"Snow" napatingin naman si Misha sa bintana.

"You motherfcker!"

Pumasok naman itong lalaking nakaitim pero kilalang kilala ni Misha kung sino ito, akmang na sanang susugod si Misha pero napaatras at umiwas ito dahil sa nagtapon na ito ng kutsilyo sa gawi niya.

"Pinaulanan ang kwarto ni Misha!" sigaw ni JM, sa isang iglap naman ay nakalapit na si Ashton kay JM, susunod na sana ang lahat pero napada nalang sila ng wala sa oras dahil sabay sabay ding pinaulanan sila ng bala.

"I think it's not a good idea na mag sama sama tayo! hindi tayo tinitigilan!" Alexander na ngayong may hawak ng baril.

Sil Alice naman ay tinutulongan ang asawang patahanin ang anak nilang si Alicia, pero wala itong silbi.

"Umalis na kayo dito Zy it's the safe" tumango naman si Zyryl.

"You know what to do right?" tanong niya ulit sa asawa niya.

"Kahit may butas ka ulit sa katawan basta bumalik ka saming buhay ha?" Zyryl

"Gago! wag mo kong dramahan!" kinuha niya naman ang baril ng asawa niya at hinayaan na niyang umalis si Zyryl.

"Belle" lumabas naman siya ng kwarto niya at sinilip ang katabing kwarto nakita niya si Belle na tinatakpan ng tela ng daplis niya sa braso.

Bago pa makapasok si Ashton sa kwarto ng kanyang kapatid biglang may sumugod sakanya na lalaki. Kaya wala siyang magawa kundi ang labanan ito, pinag tulongan nila ni JM ito.

Misha's POV

"It's good to see you again Snow"

"Hansel" diing tawag niya sa kaharap niyang lalaki.

"I heard all of you are hospitalize? it's all over the news Misha that's why I came here, so I can it personally and visit you"

Isa ito sa naka bangga ko nung nilinis ko ang duming ginawa ng angkan niya, utos yun ni tito saakin, ang tatay ni Belle, pero ang isang to at ang kapatid niya ay nakatakas sa paglilinis ko, puro tauhan lang ang nailinis ko nung panahon na yun.

Hindi ko naman inaasahan na mag papakita to saakin.

Tinapon ko naman sakanya ang kutsilyong tinapon niya saakin, tumama naman ito sa braso niya.

Ngumisi naman ako nang makita ko ang sakit na iniinda niya sa muka niya.

"How's your visit Hansel? maybe I'll finish you here? what you think?"

"You motherfcker!" tinapunan niya naman ako ng isa pang kutsilyo pero naiwasan ko naman ito, mabilis akong lumapit sakanya at mas diniin ang pag kasaksak sa kutsilyo.

Narinig ko naman ang pag sigaw niya sa sakit na nararamdaman, ngumisi naman ako sakanya pero parang mali ang ginawa kong paglapit sakanya.

Napaatras naman ako habang hawak ang tiyan kong patuloy na lumalabas ang dugo.

"It's not your time Snow, it's not your time to finish me and this, what happen this night is just a warning so be careful okay my dear?" ngumiti naman ito.

Bago ako mawalan ng malay nakarinig pa ako ng isang putok ng baril at mainit na nararamdam ko ngayon sa balikat ko.

Nakita ko pa si Hansel na tumatakas bago ko tuloyang pinikit ang mga mata ko.

JM's POV

Pagkatapos naming pag tulongan ang mga lalaking sumugod dito sa penthouse agad din naman kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Misha.

"Misha!" sabay naming sigaw ni Aladdin Ashton dahil sa nakabulagtang Misha habang naliligo sa sariling dugo.

"No No lil sis! fck!" kinarga naman ito ni Aladdin at lumabas ito ng kwarto, sumunod naman akong lumabas.

"What happen!?" Lumapit si Belle saakin pero hindi ko ito masagot dahil sa gulat.

Sana pala hindi ko nalang siya iniwan, edi sana hindi ganon ang mangyari sakanya.

Nagiging walang kwenta talaga ako this past days! kahapon, hindi ko man lang sila natulongan ngayon naman iniwan ko si Misha, hindi na binalikan at mas piniling tulongan ang mga pinsan niya.

Kung kahapon sa binti lang niya ang may dugo ngayon naliligo na siya.

Bumalik naman ako sa kwarto niya at tinitigan ang dugo na andon. hindi naman ganon karaming dugo ang andito pero sapat na yun para malamang mas malala ang nangyari sakanya ngayon kompara sa nangyari sakanya kagabi.

"What the-- Justin! wake up! hoy sagotin mo ko! kay Misha ba yan!?" napatingin naman ako kay Belle, nakasunod na pala silang dalawa ni Alice.

"A-asan yung iba?"

"Anong asan yung iba? okay ka lang ba? hoy!"

"Sila Nethon asan?"

"Tinulongan si Ashton" Alice lalapit na sana ito sa pwesto kung saan namin naabotan si Misha pero pinigilan ko siya.

"Don't touch anything, just call your husband Alice" malumay kong sabi, tumango naman ito at umalis na.

"Kay Misha ba talaga yan? hindi mo pa ako sinasagot"

"Yes it's her blood, I don't know what happen Belle, naabotan nalang namin si Misha na nakahiga diyan" turo ko naman sa dugo.

"Hahanapin ko sino ang may kagagawan nito" bulong ko sa sarili ko, yung kahapong aksidente, hindi ako nakisali pero parang hindi na ata to pwede eh!

"And then what file a case? hindi natin alam anong klaseng tao ang sumugod this time"

Kanina buong mag damag si Mishang natutulog at buong mag damag din akong nag bantay sakanya, pinalitan lang ako ng kapatid niya dahil sinabi saaking pwede na akong madischarge tapos non agad din naman akong bumalik dito.

Ang gulo ng pangyayari ngayon, wala akong maintindihan, sana pala hindi nalang kami umalis ng Mati siguro hanggang ngayon sinusungitan padin ako ni Misha at iniiwasan dahil sa nangyari saamin.

Umalis naman kami sa kwartong yun at bumaba kami kung saan dinala si Misha.

"Buti nalang walang nadamay na ibang pasyente" napatingin naman ako kay Zyryl.

"Ibig mong sabihin sila lang ang pinaulanan ng bala?"

"Ganon na nga kahit isang gasgas sa mga pasyenteng nasa baba nitong hospital wala talaga, yung penthouse lang talaga."

"Ano bang meron sakanila?"

"They're Kyril"

"It's not enough reason para lang patayan silang mag pipinsan" Napatingin naman ako sa gawi ng mag pipinsan na nag uusap ngayon sa harap ng emergency room, medyo malayo kami sa pwesto nila ngayon.

"Ano ba sila?" biglang lumabas ang katagang tinanong ko din kay Misha nung niligtas niya ako.

"Let's just say their family is powerful kaya gusto nilang patayin ang mga taga pag mana" napatingin naman ako kay Zyryl pero ang atensyon nito nasa mag pipinsan din pero may ngiti sa labi itong tumingin saakin.

"Are you ready to enter their world Attorney?" kumunot naman ang noo ko dahil sakanya.

"I think you're not" ngumisi pa ito.

"What do you mean?"

"Everything you seen is just let's call it uhmm not true? haha parang tinatanong ka na kaya mo bang tanggapin ang isang Kyril kahit ganito buhay nila?"

"hindi totoo? lahat ng to hindi totoo? ano yun? wala si Misha diyan sa Emergency Room?"

"I mean totoo yun pero may mga parteng hindi totoo, trust me you don't wanna know"

Bago pa ako makapag salita lumabas na si Voltaire sa Emergency Room kaya lumapit kaming lahat sakanya.

"She's already okay, muntik ng masaksak ng tuluyan sa vital system niya ang kutsilyo, centimeter nalang atsaka yung dalawang tama niya sa balikat niya"

"She's not going to stay here Volt, we're not all safe here" Belle

"I know wife, mauna na muna ako sainyo, kakausapin ko muna ang lola niyo at ilipat kayo sa kung saan kayo safe" hinalikan niya muna sa noo si Belle bago umalis.

"Natamaan ka din ba ng bala Belle?" nakatingin lang ako sa braso niya.

"Daplis lang pero okay na yan"

Tahimik naman kaming lahat hanggang sa ilabas si Misha na natutulog, napatayo naman ang nakatulalang si Aladdin at nilapitan ang kapatid.

Ang putla lalo ni Misha ngayon, yung pagiging puti niya ang mas lalong nag paputla sakanya pero kahit ganon hindi padin maitago ang maganda niyang mukha.

Napailing nalang ako sa sarili kong iniisip, nasa ganitong kalagayan na nga ang tao, pinupuri ko pa, ang kagandahan niya padin ang napapansin ko kaysa sa kalagayan niya.

"Bakit niyo siya pinalabas?" tanong ni Aladdin na ngayong hindi mapakali, nag tinginan naman ang mga nurse.

"Wala naman sigurong gagamit ng emergency room right?" Belle

"Wala pa sa ngayon Mrs Belle"

"She's more safe inside kaysa sa kwarto, ibalik niyo nalang siya sa loob"

"But Miss Belle bawal po"

Wala naman kaming magawa kundi ang ilagay si Misha sa kwarto, agad din naman tinakpan ng kurtina ang bintana at nag kanya kanyang upo ang mag pipinsan sa lugar.

Hindi ba sila napagod? dapat nga nag papahinga na ito.

"You still okay?" napatingin naman ako kay Zyryl na ngayong katabi ko na naka sandal lang sa pader habang kaharap ang pinto ng kwarto ni Misha na ngayong bukas.

Nag usap usap naman itong mag pipinsan pero hindi ko nakikita si Aladdin na kasama nilang nag uusap, hindi ko din alam anong pinag uusapan nila.

"I'm fine" tipid kong sabi.

"Hinahanap padin ang mga salarin" narinig ko naman ang pag tawa ng mahina ni Zyryl kaya napatingin ako sakanya.

"what? natatawa lang ako kasi may naalala din akong ganito noon"

"Kailangan ko bang malaman yan?"

"Wag muna ata ngayon hahaha, ngayon lang ata nagka sunod sunod yung mga malalaking krimen nangyari"

"Yeah, siguro mas nakakabuting hindi nga magsama silang mag pipinsan"

"Alam mo bang kaya sila magkahiwalay ng mga bansang lumaki kasi sa alam ng mga magulang nila na mangyayari to?"

"Wala akong alam tungkol sakanila, nung dumating lang yang asawa mo at si Belle dito sa Pinas ang mga alam ko"

"Talaga? kilala mo ang binansagang Red Riding Hood?"

"hindi ko siya kilala, no one knows her or him kaya hanggang ngayon kahit pa matagal na yung natahimik"

"Oh? ako yung na assign mag inbistiga sa krimen niya" tumawa ulit ito ng mahina.

"Bakit hindi nahuli?"

"Hindi ko din alam, bakit ba natin pinag usapan si Red, by the way magkaibang bansa silang lumaki mag pipinsan well except sa magkakapatid kaya nang andito sa bansa ang magpipinsan hindi lang media ang nanggulo sakanila, that's explain why they're good at fighting"

"Kilalang kilala mo ang mag pinsan?"

"Not really, ngayon ko lang nga nakita yang si Nethon, si Misha nakilala ko nung bago kami kinasal ng asawa ko, nag uusap lang kami ng asawa ko tungkol sa mga pinsan niya"

"San ba kayo nagkakilala ng asawa mo?"

"Dito lang sa Pilipinas we're in the same subdivision back then kayo ba ni Misha?"

"In Mati, nakita ko lang siya noon nung bagong dating siya sa resort, masyado siyang agaw pansin eh"

"Ikaw pano mo naagaw atensyon niya?"

"Tinitigan ko lang siya non tapos may nasabi akong umagaw sa atensyon niya, masungit nga siya eh pero nakapagtataka lang non hinayaan niya akong sumama sakanya kahit sa ganong araw niya lang din ako nakilala well makulit din naman ako eh"

"Good thing Misha makes a friend baka ikaw pa ang maging rason para bumalik siya dito sa bansa"

Nag usap pa kami ng kung ano ano, kahit anong bagay na mas lalong nakilala ko si Zyryl, sabi pa nga niya si Misha yung naging rason bakit mag asawa na sila ni Alice, but Misha didn't bother to attend the wedding.

Hanggang sa dumating si Voltaire na parang pagod na pagod, nakasuot pa ito ng pang operang uniporme nila, hindi ito naka doctor's gown ngayon.

"Kamusta?" lumapit pa ito saamin.

"Ikaw ang kamusta? anong nangyari sayo?" Zyryl

"Nagka emergency operation, sunod sunod pa ito at gabi na bago palang nag off yung mga afternoon doctors at ngayon palang papasok yung evening doctors kaya ako ang gumawa ng lahat"

"Mag pahinga ka na"

"Pagkatapos ilipat itong mag pipinsan, ililipat na sila"

"Nasa isang lugar padin ba silang ilipat? kasi kung ganon walang silbi yun baka iisa isahin talagang patayin tong mag pipinsan"

"No, si Misha at Nethon sa mansyon ng lola nila sila dahil mahigpit ang seguridad don habang sila Alexander at Ashton, sa mansyon sa pamilya ng asawa mo sila mag papagaling habang ang mga asawa natin sa kanya kanya nating pamamahay"

"kakausapin ko muna sila" tumango naman kami ni Zyryl at umalis na ito sa harapan namin at pumasok sa kwarto.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
7.6K 308 65
(Completed) Bellemy Rose is a walking disease. For a long time, she was held captive by her sickness in isolation. She has no friends, no family, no...
16.7K 1.1K 56
Antara Loki, the youngest born of the pack is quiet until her dominance is about to be questioned for bearing an interesting cub of a human she once...
1.4M 45.7K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...