Always The Second Best

By _Isabelle_

436K 10.9K 2.2K

More

Always The Second Best
Chapter 1 - Seeing Him Again
Chapter 2 - Si Puti
Chapter 3 - Sa Leeg
Chapter 4 - Some things may change but some other things may not
Chapter 5 - A crazy idea
Chapter 6 - Spending Time
Chapter 7 - If a picture paints a thousand words
Chapter 8 - New Year Happenings
Chapter 9 - When you really like something so much
Chapter 10 - Twenty Four Hours
Chapter 11 - Failed
Chapter 12 - The Start
Chapter 13 - You are beautiful
Chapter 14 - Esther and Seth
Chapter 15 - Unexpected
Chapter 16 - Love and Heartaches
Chapter 18 - Mountain of feelings (Part 1)
Chapter 19 - Mountain of feelings (Part 2)
Chapter 20 - Shell
Chapter 21 - "Miss"
Chapter 22 - Realization
Chapter 23 - Underneath it all (First Part)
Chapter 24 - Underneath it all (Last Part)
Chapter 25 - Borderline Bestfriend
Chapter 26 - The Prince Charming and The Ogre
Chapter 27 - When you love someone you become ..."
Chapter 28 - Haunting Memories
Chapter 29 - Perfect Love (Part 1)
Chapter 30 - Perfect Love (Part 2)
Chapter 31 - Perfect Love (Last Part)
Chapter 32 - Zeke and Niel

Chapter 17 - One week

10.6K 343 91
By _Isabelle_

"Hi Niel!" Bati sa akin ni Kuya Mark ang isa sa mga barkada ni kuya. Mukhang natuloy na rin silang magkita-kita at talagang sinuggest pa ni kuya na sa bahay namin ang venue.

"Hi Kuya Mark! Long time." Ang laki ng pinagbago ni Kuya Mark. Lumaki siya horizontally. Siya pa naman ang pinakapatpatin noon una.

"Oo nga eh. Alam ko na nasa isip mo na ang taba ko. Well, ganyan talaga kapag nagkakaasawa, ang sarap magluto ng asawa ko Niel. May catering business kami ha kapag kinasal ka." Napatawa ako sa sinabi niya. "At may mga babies na ako. I show you the photos." Mabilis na kinuha pa ni Kuya Mark ang phone niya at pinakita niya sa akin ang photos ng dalawang anak niya. Ang isa ay 6 months na baby boy at isa ay 2 years old na little girl.

"They are so cute kuya! Buti kahawig ng asawa mo." Biro ko pa.

"Ay hindi kaya, kamukha ko kaya ganyan kagwapo at kaganda."

"Sige na nga. Tuloy ka na doon sa likod ng bahay kuya. Doon ang kainan ba o inuman?"  Nagpaalam na si Kuya Mark sa akin. Alam na naman niya ang pasikot-sikot ng bahay dahil noon panahon kabataan nila ay halos araw-araw nandito sila sa bahay.

Dumating na rin ang ilang pang kabarkada ni kuya na si Matt, Jude, Peter at Luke. Ang laki rin ng pinagbago nila gaya ng pinagbago ni Kuya Mark. Lahat sila ay may asawa na. Mukhang sa barkada nila sila Kuya, Seth at Ezekiel na lang ang ang single. Speaking of Ezekiel, I really hope na hindi na lang siya magpunta, mas mabuti. Busy naman siya sa palagay ko.

"Ikaw nagluto, Niel?" Tinulungan ako ni Seth na dalhin ang ilan pagkain sa may maliit na kubo sa likod bahay. Doon kasi ang dati nilang tambayan at venue na rin ng reunion nila.

"Kami ni Mama. Pero iyan dala mo ako nagluto." Dala kasi ni Seth ang sisig.

"Masarap ito sa palagay ko." Napangiti naman ako.

"Tikman mo muna Seth bago ka magcompliment."

"Gusto ko na nga eh. Excited na ako."

"Bakit di mo sinama si Esther?"

"May review siya ngayon, Niel. Sabihin kong pumunta kapag natapos."

"Sige-sige." Narating na namin ang kubo at napangiti naman ako sa itsura nila kuya at ng mga barkada niya. Ibang-iba na sila. Kung dati nakikita ko silang mukhang nag-aadik na tambay sa kanto na walang ibang ginawa kundi tumutugtog ng gitara ngayon naman ay mukhang dignified na silang lahat. At hindi na gitara, sapatos o kung anu-ano ang pinag-uusapan nila. Base sa mga narinig ko babies na nila ang pinag-uusapan nila. Nakakatuwa. Nahuhuli na si kuya talaga.

"Kumain na tayo." Yakag pa ni kuya pagkaayos namin ni Seth ng mesa. Alas-kwatro na ng hapon at dapat ay merienda lang pero panghapunan na ang pinaluto ni kuya. Mukhang magtatagal sila. May ilang alak rin kasi ang inihanda ni kuya.

"Ikaw nagluto, Niel?" Sunud-sunod na tanong nila.

"Iyon iba lang." Sabi ko sabay ngiti.

"Ganda ni bunso ngayon, ano?" Salita pa ni Kuya Mark.

"Ganoon talaga Kuya Mark. Kapag tumatanda lalong gumaganda." Sabi ko sabay kindat. Natawa pa sa akin si kuya.

"O siya, beautiful sister tawagin mo na sina Mama at Papa. Sumabay na kayong kumain sa amin."

...

Kahit hindi naman ako kasali sa barkada nila ay hindi ko naman maiwasan hindi makinig ng kwentuhan nila. Sina Mama at Papa rin ay nakikihalubilo sa kanila pero kinalaunan ay pumasok na rin sila sa bahay. Nakakatuwa kasi ang kwentuhan ng mga lalake sa palagay ko. Mas nakakatawa at less serious kesa sa kwentuhan ng mga babae.

"Kelan ka ba mag-aasawa, Romel?" Tanong pa ni Jude kay kuya.

"Wala pa, iyan mga babae hinuhuli dapat iyan sa priority sa buhay." Tumingin ako kay kuya at hindi ko alam kung lasing na ba siya sa pangatlong baso na naiinom niya. Naalala ko naman nalasing si kuya at nagconfess ng lovelife niya. I wonder kung sino ang sinasabi niyang nang-agaw ng girlfriend niya na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nakikita. Hindi ko nga alam na may girlfriend si kuya eh kung hindi lang dahil sa kalasingan niya ng gabi na iyon.

Tumahimik ang buong barkada niya sandali. Natawa ako. Maliban kay Seth lahat ng barkada niya ay may asawa na.

"Pare, hindi ka namin tutulan sa pag-iisip mo na yan pero iba-iba tayo ng opinyon. Tingnan mo naman lahat kami may asawa na. Hindi naman namin priority ang mga misis namin pero kapag sinabi ni misis na uwi. Uwi na dapat." Natawa ako sa sinabi ni Kuya Mark. Lahat sila ay tumawa.

"Well, ganoon talaga. Sa opisina ako ang boss pero sa bahay siya ang reyna at ang mabuting hari sumusunod sa reyna." Dagdag pa ni Kuya Peter. Nagtawanan na naman sila. Mukhang ganito pala ang epekto ng pag-aasawa sa lalake. Nakakatawa naman.

"Kailangan talaga. Kapag hindi ka sumunod. Ay naku! World War End of the World ang mangyayari." Nagsalita pa si Kuya Matt.

"Tinatakot niyo ba kami ni Seth? Baka hindi na talaga kami mag-asawa niyan."  Napatingin ako kay Seth dahil sa sinabi ni kuya. Tumatawa rin siya. I hope he is okay sa usapan asawa ngayon.

"Nasaan na ba si Zeke? Aba siya ang pinakahihintay natin tapos siya ang wala." Naalarma ako sa sinabi ni Kuya Mark. Mukhang hindi ko gugustuhin abutan dito ni Ezekiel.

"Mahuhuli raw ng dating. May hinatid daw kasi sa airport." I caught kuya's eyes. Tumingin siya talaga sa akin.

"May asawa na rin ba si Zeke?" Bumaling an tingin ko kay Kuya Mark.

"Wala, wala pa pare. Kaibigan niya iyon inihatid niya sa airport. Close friend daw." Hindi ko na naman mapigilan hindi magbuntong hininga.

"Sabagay, gandang lalake pa naman ni Zeke, hindi magsesettle iyon agad-agad. Magpapakasawa muna iyon. Malamang daming babae nun."

"Ikaw talaga, Mark. Kung wala ka lang asawa iisipin ko type mo si Zeke kahit noon dati pa." Nakangiti si kuya.

"Oy!" Umirit pa si Kuya Mark. "Secret lang natin 'to. First love ko si Ezekiel." Hindi ko mapigilan hindi matawa kay kuya Mark. Siya talaga ang komedyante ng grupo.

"Sinasabi ko na nga ba." Salita pa ni Kuya Peter sabay layo kay Kuya Mark. "Lumayo-layo ka nga sa akin."

"Kapal mo, Pedro. Parang ang gwapo mo ha?" Ang sakit ng tiyan ko kakatawa. "Wala ka sa kalingkingan ni Zeke. Sa hinliliit pa nga nun di ka umabot."

"Buti na lang atleast hindi mo ako tipo." Balik ni Kuya Pete.

Nakakatuwa ang barkada ni kuya. Ayoko pa nga sanang umalis kung hindi lang tumawag si Hannah. Grabeng tawa ko. Kwela ng barkadahan nila mas lalo na ngayon na tumanda na sila.

...

"Okey na Seth, ako na." Naglilikom na ako ng mga painagkainan at pinaglutuan. Alas-diyes na rin at ang mga barkada ni kuya ay nagkayayaan ng umuwi pero hindi pa rin matapos-tapos ang kwentuhan sa likod bahay. Nakakatuwa lang kasi kung dati inuumaga na sila sa inuman ngayon naman kung kailan legal na silang umuwi ng umaga ay gusto na nilang umuwi ng maaga. Ang rason nila ay hinihintay na sila ng mga asawa nila at anak. Nakakatuwa naman.

"Tulungan na kita. Marami kaya." Hinayaan ko na lang si Seth at mapilit siya. Mukhang kakailanganin ko ng tulong din ng magbuhat ng mga plato at kalderong ginamit pabalik ng bahay para hugasan at mabigat ang kaldero. Buti na lang at nandito si Seth.

Nalikom na namin ni Seth ang mga kaldero at plato at kubyertos. Nagsimula na akong magbanlaw ng hinuhugasan ko bago sabunin at dumating na naman si Seth para tumulong.

"Huwag na, kaya ko ng maghugas. Doon ka na sa may kubo."

"Tulong na ako, Niel. Ang dami mong huhugasan. Ikaw magsabon ako ang magbabanlaw."

"Seth naman. Bisita ka rito."

"Ikaw rin naman ng bumisita ka sa amin pinaghugas ka namin ng plato." Napangiti ako. Naalala ko naman.

"Sige na." Matapos niyang banlawan isa-isa ay sinabon ko ang mga iniaabot niya sa akin. "Hindi na nakahabol si Esther." Salita ko.

"Oo nga eh. Extended iyon oras ng review kasi malapit na ang exam nila. Parang ito ata 'yun may mock exams sila." Tumango ako.

"Sana ito na 'no? I really hope." Ngumiti lang sa akin si Seth.

"Esther has faith that it is her time now." Ngumiti ako. "That"s what I admire about my sister, her faith is unwavering."

"Kamusta naman pala iyon date?" Tumingin ako at ngumiti kay Seth. Binalitaan ako ni Esther na may dinedate raw itong si Seth na ka-church nila.

"Esther..." Umiling siya. Palagay ko ay alam na niya na sinabi iyon ng kapatid niya. "It went well." Naghihintay pa sana ako ng dugtong pero hindi na siya nagsalita.

"Sorry for intruding." Bakit mo nga ba kasi natanong? Mali naman. 

"Wala iyon. Okey lang."

"Uy hindi ko pa nasasauli iyon thumb drive sa'yo. Kinuha ko lahat ng kanta. Ang gaganda kasi."

"Good. Nakakatuwa na nagagandanhan ka sa mga christian songs." Tumango ako. Ang gaganda ng melody at ng meaning kasi ng kanta.

"Gusto ko iyon Love came down ni Kari Jobe." 

"Maganda nga iyon."

"Ikaw ba anong fave mong song?"

"Iyon Steady my heart si Kari Jobe din kumanta." Parang hindi ko pa napapakinggan iyon.

"Paano iyon? Parang hindi ko pa ata naririnig."

"Pakinggan mo na lang. Nandoon rin iyon."

"Sige na parinig mo na. Naintriga ako. Kahit isang linya lang." Ngumiti lang siya.

"Even when it hurts, even when it's hard

Even when it all just falls apart. I will run to You cause I know that You are. Lover of my soul. Healer of my scars. You steady my heart." Nakatitig lang ako kay Seth ng kumanta siya. Napanganga ako. Ang ganda pala ng boses niya. At the way kung paano niya kantahin iyon kanta ay ramdam na ramdam ko.

"Ang ganda...ang ganda rin ng boses mo. Narinig ko na pala siya pero hindi ko siya masyado nagustuhan pero noon kinanta mo..." Tumigil na lang ako sa pagsasalita ng napansin ko na titig na titig sa akin si Seth.

"Isa siya sa mga paborito kong kanta. Minsan kasi di ba kapag pinipili natin iyon kanta kasi doon tayo nakakarelate. And this song speaks to me directly. Noon una ko ngang narinig ko iyon akala ko nga may nakabasa ng iniisip ko at sinulat iyon para gawin kanta."

"Oo ganoon din ako. I mean kahit hindi christian song. Kahit normal na kanta lang. Relate lang talaga minsan." Pero the way Seth sang that song melted my heart. Parang ramdam ko naman ang nararamdaman niya.

"Seth I know you'll be okay sooner." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tumitig na naman si Seth sa akin ng matagal, naiilang na nga ako sa pagtitig niya ng seryoso pero buti na lang ngumiti siya ng huli.

"Meroon kang bula sa mukha." Naconcious ako sa sinabi ni Seth at pinunasan ko agad ang pisngi ko. Lalong lumaki ang ngiti niya.

"Hindi sa parte na pinunasan mo. Ayan lalong kumalat. Ako na." Nabigla ako ng pinunasan ni Seth ang magkabilang pisngi ko gamit ang daliri niya. Nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti siya sa akin.

May narinig akong pagtikhim mula sa likod. Sabay kami ni Seth na lumingon at nakita namin si Ezekiel na nakapasok na sa bahay. He was serious. Kinabahan ako. Pakiramdam ko naman ay ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hi Zeke! Nahuli ka ng dating ha." He was just standing there staring at me habang nagsalita si Seth. I felt my heart thumping wildly in my rib cage.

"Aba, Ezekiel, late ka na. Tapos na ata sila. Nandoon sila sa likod bahay." Napatingin ako kay Mama na pababa mula sa hagdanan. Tiningnan niya si Ezekiel tapos ay tumingin sa akin. Tumalikod na lang ako.

"Sige po Tita. Tuloy na po ako sa likod." Rinig ko ang seryosong boses niya at hindi ako lumingon. What's with that look? Pakiramdam ko naman ay galit siya sa akin at wala naman akong ginagawa para magalit siya.

...

Nagulat ako ng nakita kong may gumagalaw sa kusina. Gusto kong tawagin si kuya pero baka marinig ako ng kung sino man ang nasa kusina. Kaagad kong binuksan ang ilaw at hindi ko inakala kung sino ang nakita ko.

Si Ezekiel.

"Wa-what are you doing here?" Sabi ko habang hawak ang dibdib ko.

"Making coffee." Nakatingin ako sa mug na hawak niya. Mukhang hinahanap niya ang coffee maker.

"Wala kaming coffee maker. Instant coffee lang. Pwede na ba sa'yo yun?" Tumango siya. "Ako na. Doon ka na lang sa mesa." Tumuloy na ako sa kusina at nagpainit ng tubig. Ang aga-aga ay ganito na lang niya ako pinapakaba at ang masama ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko. May nerbyos na nga ata ako.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa may maliit na mirror sa may ref. Gulu-gulo ang buhok ko. Kaagad akong nag-ayos ng pusod. Hindi pa rin ako nagtotooth brush. Hindi ko naman kasi akalain may ibang tao sa bahay at si Ezekiel pa umagang-umaga. Bakit kasi nandito siya?

Nilapag ko sa tapat niya ang kape niya.

"Thank you." Sabi niya na tila walang gana.

Naupo ako sa tapat niya at uminom rin ng milo ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"We finished very late and I was drunk." Hinawakan niya ang gitna ng kilay niya at hinagod nito hanggang noo. Mukhang may hangover siya.

"Masakit ang ulo mo?" Tumango siya. Palagay ko ganoon rin si kuya pagkagising niya. Kaagad akong tumayo at binuksan ang ref at naghanap ng paracetamol. Inabot ko iyon sa kanya. "Kumain ka muna." Inabutan ko siya toast na kakaahon ko lang sa toaster. Kinuha naman niya na parang batang masunurin.

"Thank you." Tumango ako.

"Bakit kasi sobrang late na kayo ng matapos?" Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Kwentuhan. Maraming napag-usapan." Tumango ako. Inabot sila ng madaling araw dahil sa kwentuhan. 

"Mukhang napakainteresting ang pinag-usapan niyo ha. Inabot pa kayo ng umaga." Kinagatan ko ang toast ko hanggang maubos. Palagay ko kasi ay nakatingin siya sa akin at ayoko siyang pagtuunan ng pansin.

"Ikaw nga pinag-usapan namin kaya inabot kami ng madaling araw."

"Ako? Bakit ako? Anong kinalaman ko sa inyo?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at nakangiti siya. Napatingin na ako ng tuluyan sa kanya.

"I just made my intentions clear to your brother." Napanganga ako.

"Intentions?"

"C'mon Danielle... huwag mong sabihin hindi mo pa alam."

"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo. Ang aga-aga pinapagulo mo ang utak ko Ezekiel."

"I like you, Danielle... erase the time that I said that I will take my time to you and just enjoy the friendship. It is not the case right now." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"O-okey ka lang?" Sinasabi niya itong mga ganitong bagay tapos may girlfriend siya? Aba, okey rin pala siya. Akala ko pa naman...

"No I am not okay, I felt threatened so I need to make a move."

"Threatened? Okey ka lang talaga? Saan? Atsaka tumigil ka nga sa panlalandi mo sa akin nakita mo ng may girlfriend ka. Hindi ka ba man lang nahihiya?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinalikuran siya. Nagpunta ako sa kusina at hinugasan ang mug ko.

"Girlfriend? Sinong girlfriend ko?" Nakatayo na siya sa may gilid ng lababo at siya pang mukhang galit.

"Ewan ko sa'yo." Maglalakad na sana ako palampas niya ng hinawakan niya ako sa braso.

"I don't have a girlfriend. What are you talking about?" Inirapan ko siya.

"Then explain who is Leah then?" Paalala ko sa kanya. Baka kasi nakakalimutan niya si Leah matapos niyang maihatid sa airport.

Tumingin lang siya sa akin ng matagal na para bang namangha sa sinabi ko tapos ay ngumiti siya huli. Hindi ko maintindihan ang pinapakita niyang reaksyon sa akin. Akala ko pa naman ay mapapahiya siya.

"Are you... " Hindi niya pinagpatuloy ang sasabihin niya at lalong ngumiti lang sa akin. "Leah is a close friend. I think I already mentioned her to you before."

"No." Pakiramdam ko ay pabalang ang pagsagot ko sa kanya samantalang siya ang hinahon nang pagsasalita niya. Nakangiti pa rin siya.

"Sorry, I think I mentioned Sarah before. Nagpalit kasi siya ng pangalan. Leah is Sarah, my psychiatrist. Nagpalit daw siya ng pangalan for a change. She is like that. Very impulsive." Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Nagpalit ng pangalan?

"Si Sarah at Leah ay iisa?" Napahiya naman ako. Nag-init ang buong mukha ko sa realisasyon.

"Yes." Nakangiti pa rin siya. "Everything clear now?" Nanlalamig ang kamay ko sa pagngiti niya. Nakakainis. Nagjump agad ako into conclusion. Nakakahiya. "May gusto ka pa bang liwanagin? Gusto ko nga sanang makilala mo siya. Malapit kasi ako sa kanya kaya mas okey sana na makikilala mo siya. Next time na lang siguro."

"I'm sorry... I thought..." Umiling ako. Nagselos ako sa wala? My goodness nagselos talaga ako.

"It's okay I think I didn't introduce you properly to her. Next time I will." Tumango ako. Wala naman akong ibang masabi sa pagkapahiya ko. Nakakahiya talaga. "Now let's talk about us." Hinawakan pa niya ang kabilang braso ko at kinilabutan naman ako.

"What us?" Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"I like you obviously and you like me, what's next?" Napanganga ako sa sinabi niya.

"Eh di... ahm... magkaibigan pa rin tayo. Friends like each other." Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas. "Tumigil ka nga diyan. Ang lakas ng tawa mo magigising mo ang buong bahay."

"Hay Danielle...Do you really think I will buy that? I like you so much just to stay friends. I want you to be my girlfriend. Are you ready to be my girlfriend now?"

"What? Ayos ka lang?" Lumayo ako sa kanya ng kaunti pero hinila niya ako pabalik. Ayokong masyadong lumapit sa kanya. Naiilang ako. "Niligawan mo ba ako? Ni hindi mo ako dinedate tapos girlfriend? Ayos ka rin kuya ha."

"Then let me date you then. Ikaw lang naman itong may ayaw."

"No, Ezekiel. Hindi pwede..."

"Why? Tell me why not?" Nagseryoso ang boses niya at humigpit ang paghawak niya sa akin braso. "I already ask your brother's consent do you want me to ask your parents too? I can do it now." Nanlaki ang mata ko ng maglakad siya at aktong aakyat sa hagdanan patungo sa kwarto. Hinawakan ko siya sa braso at pinigilan.

"Le-let's talk about this next time, okay? Late na ako sa church service. Susunduin ako ni Seth--"

"Seth?" Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha niya. "Susunduin ka ni Seth? Can you clarify to me who is Seth to you? I can stand competition Danielle but not to you."

"Seth is a friend, Ezekiel. Ano ka ba? Naattend lang ako ng church nila. Susunduin nila ako kasama iyon kapatid niya na si Esther. Clear na ba iyon?"

"Okay then I will call him not to fetch you because I am coming with you."


"Ha? Sasama ka sa akin magsimba?"


"Why not? Magprepare ka na ako na ang tatawag."

"Hindi na. Sasama ka ba talaga? Tingnan mo nga iyan suot mo kahapon mo pa suot iyan." Wala na akong maisip na rason para hindi siya pasamahin.

"C'mon Danielle, nasabi ko na sa'yo na lagi akong may dalang extrang damit sa kotse. I'll use your other bathroom I am coming with you. Tatawagan ko muna si Seth." Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko talagang kayang persuade si Ezekiel.

"Ako na lang tatawag. Sige na sumama ka na pero ako na lang tatawag." Umiling siya. "Please..." Nabigla ako ng hinaplos niya ang mukha ko. Napausod ako.

"Okay, but tell him you are coming with your boyfriend."

"Bo-boyfriend?!" Inirapan ko siya. "Sinong may sabing boyfriend kita?"

"I am declaring it. By end of this week I am gonna be your boyfriend, trust me."
















Continue Reading

You'll Also Like

328K 281 1
Sa pag-ibig, kapag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
35.1K 2.4K 37
Felina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chub...
84.3K 1.3K 22
He has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful inciden...
2.8M 37.3K 31
LESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wa...