Snow White and the Poisonous...

By marshymaoa_

50.6K 547 11

Kyril Series #3: Snow White and Poisonous Apple Highest Rank: #3 Thriller Misha Kyril is the fourth child of... More

Kyril Series
Disclaimer
Prologue
#Chapter1
#Chapter2
#Chapter3
#Chapter4
#Chapter5
#Chapter6
#Chapter7
#Chapter8
#Chapter9
#Chapter10
#Chapter11
#Chapter12
#Chapter13
#Chapter14
#Chapter15
#Chapter16
#Chapter17
#Chapter18
#Chapter19
#Chapter21
#Chapter22
#Chapter23
#Chapter24
#Chapter25
#Chapter26
#Chapter27
#Chapter28
#Chapter29
#Chapter30
#Chapter31
#Chapter32
#Chapter33
#Chapter34
#Chapter35
#Chapter36
#Chapter37
#Chapter38
#Chapter39
#Chapter40
#Chapter41
#Chapter42
#Chapter43
#Chapter44
#Chapter45
#Chapter46
#Chapter47
#Chapter48
#Chapter49
#Chapter50
Epilogue
Note!
#SpecialChapter
#SpecialChapter

#Chapter20

947 13 0
By marshymaoa_

#Chapter20

JM's POV

Tahimik naman kaming kumakain sa labas ng cabin ni Misha, may table kasi at mga upuan na nakalaan kaya napag desisyonan namin na dito nalang kumain.

"Sabihin mo nga saakin wife, pano ka napunta dito?"

Hindi padin ako sanay na may tumatawag na wife sa isang babae na hindi niya naman talaga asawa. Ewan ang hirap.

"Navigator" tipid na sagot ni Misha, wala padin ba siya sa mood niya dahil sa mga tinginan namin ni Eric kanina sa una naming pagkikita?

Nagalit kaya siya kanina dahil sa sagotan namin at tinginan namin sa isa't isa, nag walk out nga diba?

"Pano mo nalaman ang lugar nato? tell me this is not your first time? diba? tama ang hinala ko?"

"It's my first time Eric, wala bang internet sa Spain? kami lang ba ang meron?" Napakamot naman itong si Eric sa ulo niya at parang frustrate na frustrate siya sa sagot ni Misha, binara lang naman siya eh.

"Sa dami daming lugar dito sa bansang to pero dito ka talaga napadpad"

"Tinignan ko lang kung anong anytime na aalis na na flight at sa davao nga ako napadpad"

"Kuya Aladdin knows where are you"

"Talaga sinabi mo?"

"Hindi ah! siya pa nga nag sabi saakin na andito ka nung pagkatapos kong matrack ka" napahilot naman itong si Misha sa noo niya na parang sobrang laki ng problema niya dahil alam ng kuya niya na andito siya.

Talaga bang nag layas ito? ano ba meron sa mga Kyril at mahilig mag layas? don't get me wrong ah?! pero literal na sila talaga lage laman ng news sa tuwing may problema o kung anong masayang nalita tungkol sa pamilya nila.

Kaya alam ng samabayanan ng Pilipinas kung anong nangyayari sa mga Kyril, sa ngayong henerasyon ng mga Kyril lang naman nag kaganyan eh.

Belle and Alice? yung dalawang hindi naman lumaki dito pero kung ibalita kulang nalang pati anong ginagawa sa loob ng bahay nila gagawan pa ng article.

Binalita ng paulit ulit ang kasal ng dalawang babaeng Kyril, si Belle at Alice, alam ko nga na pangalawang beses kinasal si Belle pero with the same guy lang naman.

Tapos yung nag layas sila bago sila nag pakita ulit at kinasal dito pa! siguro itong si Misha pag balik nito sa bansa niya ikakasal nato dahil ganon din naman nangyari sa dalawa diba?

Hindi naman ako fan ng pamilya Kyril, I love watching news, everyone should love news.

"Justin kanina ka pa tahimik okay ka lang?" napatingin naman ako kay Eric, tumango lang ako bilang sagot at pinagpatuloy ang pagkain.

"Talaga? tinatanong kasi kita eh pero hindi ka sumasagot."

"Uhm? ano ba yun?"

"Ano ba meron ngayon? dumadami na yung tao eh"

"Summer Frolic"

"Oh, lahat ng andito aattend ng summer frolic?, masaya yun! wife sali tayo bukas"

"Wala tayong ticket Eric"

"Ay, meron ba non? san makabili?"

"Tanongin mo ang front desk mamaya, baka alam nila ang sagot ng tanong mo"

Kinabukasan, mas dumami nga ang mga tao at may paghahanda na para sa event.

Nakakuha din ng ticket si Eric tapos si Misha, binigay ko sakanya yung extra kong ticket, sayang naman kung hindi magagamit diba?

Kinuha ko naman ang phone ko dahil nag iingay ito, mag tatanghali na ako nagising.

Kagabi tinulak tulak ni Misha si Eric na dito matulog sa cabin ko dahil kaibigan na daw kami, hinayaan ko nalang din kaysa naman doon siya kay Misha, kahit pa mag kaibigan sila hindi padin mawawala sa isip ko na baka may ginagawa sila don't get me wrong alam ko naman na kayang protektahan ni Misha ang sarili pero iba padin ang sigurado kaya pumayag ako at hanggang ngayon tulog pa si Eric, nag lalaro kasi ito kagabi bago natulog.

"Jassie" sagot ko, kapatid ko pala ang tumawag, nakalimotan ko kagabi tumawag sakanya.

"Kamusta ka na kuya? ako nalang yung mangangamusta at tumawag sayo, nakakahiya naman sayo eh"

"I'm fine Jas ikaw ba?"

"Okay lang din kuya, yung extra ticket kuya may napag bigyan ka na ba?" rinig ko naman ang pag ka excite sa boses ng kapatid ko.

Lumabas naman ako para hindi ma disturbo ang pagkakatulog nitong kasama ko, napangiti nalang ako sa maaliwalas na karagatan, kahit ang dami ng tao hindi padin natatabunan ang kagandahan ng lugar.

"Binigay ko na Jassie" napatingin naman ako sa katabi kong cabin pero tahimik lang ito kaya binalik ko nalang ang atensyon ko sa harapan ko pero napako yung paningin ko sa duyan.

Andon si Misha, nakahiga ito at hawak hawak ang cellphone niya sa kanang kamay niya habang may hawak itong juice. Nakasuot pa ito ng dilaw na dress pero hindi ito nag papigil sakanya na humiga sa duyan.

"Sino nga kuya!" napabalik naman ang atensyon ko sa katawag ko.

"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Kanina pa kita tinatanong hindi mo naman sinasagot eh!"

"None of your business Jas"

"Of course it's my business, pera ko kaya ang ginamit para bilhan yang mga ticket"

"Tsk, it's Misha okay na ba?"

"Ohh? babae? girlfriend mo?"

"Ofcourse not ano ba pinag iisip mo diyan"

"sus! paatik man ka kuya oy!" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng kapatid ko.

"Ano?"

"Wala! sige na may pasok pa ako! good bye!" binaba niya naman ang tawag, napailing nalang ako dahil sinigawan lang naman ako ng kapatid ko.

Nilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nilibot ulit ang paningin sa buong paligid.

Ang dadaming mga babaeng naka bikini na at mga lalaking naka summer shorts.

Ang dami din mga taong makikita mong hindi talaga taga dito syempre sa mga mukha palang makikita mong hindi lang pinoy ang mga andito.

Napatingin ulit ako kay Misha, ngayon nakita ko ang pag tingin niya saakin pero umirap ito nang mag salubong ang mga tingin namin.

Tumawa nalang ako ng mahina sabay iling at nilapitan siya.

"Problema mo? ang aga aga inirapan mo na ako?"

"Masakit ka sa mata"

"May galit ka ba saakin?"

"Bakit mo naman nasabi yun?"

"Kasi sinusungitan mo na ako"

"Ayoko sa mga taong malibog"

"Hindi nga kasi ganon ang nangyari eh! totoo naman kasing nawalan ako ng malay kagabi nung kinakausap ko si Nicole at yung bumalik ka na sa cabin mo, yun talaga ang totoo, akala ko nga pag dating nung babae makakahingi ako ng tulong yun pala siya pala may pakana non"

Tahimik naman itong nakatingin saakin parang iniintindi niya lahat ng sinabi ko pero naagaw ang atensyon naming dalawa sa bagong gising na si Eric.

"Anong meron?" Pabalik balik naman ang tingin ni Eric saming dalawa ni Misha pero walang sumagot samin.

Kinagabihan, naririnig ko na yung tugtog sa labas, nag tinginan naman kami ni Eric na may kanya kanyang pinagkakaabalahan bago lanh namin narinig yung ingay.

Kaharap ko ngayon ang laptop ko, binabasa yung mga email na binigay ni Frank at si Eric naman, sa naririnig ko naglalaro ito sa cellphone niya.

Kaya napatigil nalang kami sa ginagawa namin at lumabas kami sa cabin ko.

Pati din pala si Misha lumabas na.

"Mag sisimula na ata?" sabi ni Misha ng makalapit kami ni Eric.

"Tara don!" turo ni Eric sa bar section, kaya lumapit naman kami don at nag order ng mainom.

Patagal ng patagal dumarami na yung taong andito, kaya nag simula ng mag ingay ang lahat at pati sila Misha at Eric naki sali na din sa pagsasayaw at ito ako naka tingin lang habang tinutungga ang inomin ko.

Nakita ko namang may binulong si Eric kay Misha na siyang nag patango kay Misha at bumalik sa pwesto ko.

"San yun?" nguso ko kay Eric na paalis.

"Uuwi, matutulog"

"Makakatulog ba siyang ganito kaingay?"

"Lasing, makakatulog yun, sayaw tayo" hindi paman ako nakasagot hinila na niya ako papunta sa nag dadagsaang tao.

"Are you enjoying the night!?" sigaw na tanong ng DJ, sabay sabay namang nag sagotan ang mga andito kahit si Misha sumagot.

"Wooooh!" hiyawan ng lahat ng biglang umalan ng bula, napatawa nalang ako ng mahina fck hindi ako sanay sa mga ganito! hanggang bar lang ako!

Hinubad naman ni Misha sa harapan ko ang suot niyang sando at ang naiwan nalang ay beach bra niya, napaiwas naman ang ng tingin.

"Uwi na kaya tayo Misha?"

"Nope! I'm enjoying" sumayaw sayaw pa ito sa harapan ko, napalunok naman ako sa sarili kong laway dahil sa pag giling niya.

Nilagay niya naman ang mga braso niya sa balikat ko at nag patuloy sa pagsasayaw, ngumisi naman ito saakin.

"Nanghahamon ka ba?" nag kibit balikat lang ito, kaya pinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya at hinila siya palapit saakin.

Masyado na kaming malapit sa isa't isa nararamdaman ko na nga ang pag hinga niya, naamoy ko na din ang alak sakanya.

"Oh fck" mahina kong mura dahil sa ginawa niya parang may nagigising, napakagat naman ako sa sarili kong labi para pigilan ang sariling umungol.

Ba't ang galing ni Misha sa ganitong bagay? ang bilis niyang nang gising! sanay na ba ito sa mga ganitong okasyon? sa ganitong bagay gago tinitigisan ako!

"Uhm? sorry?" inosente niyang sabi, tumawa pa ito ng mahina habang pinag mamasdan ako sa mata, unti unti naman itong bumaba ng tingin kaya napalunok ako ng dalawang beses.

Dumapo naman ang tingin ko sa mga labi niya, unti unti naman akong lumapit sakanya hanggang sa maramdaman ko na yung labi niya.

Napangisi naman ako nang tinugonan niya ang mga halik ko at unti unti itong lumalim.

Misha's POV

"Wala na ba talagang naiwan?" paulit na tanong ni Eric.

Andito na kami ngayon sa airport pauwi na not in Spain but in Manila, kasabay nga namin ngayon si JM.

"Wala akong naiwan, ikaw ba Misha?" tanong saakin ni JM

"Wala" sabay irap sakanya.

Hindi ko makakalimutan yung nangyari sa frolic, dalawang araw na ang nakalipas, dalawang araw pala yung frolic, pero hindi na ako lumabas ng cabin ko sa pangalawang araw baka kasi maulit na naman ang nangyari nung unang araw.

Nagising nalang ako sa cabin ko na may kasama ako, hindi si Eric kundi si JM at ang nakakagulat hindi lang kami mag kasama sa isang cabin kundi sa isang kama pa talaga ang kung mag yakapan kami non para kaming mga ah basta ewan ayoko ng isipin yun.

Basta nagising ako na katabi ko siya sa kama yun na yun!

Pumasok naman kami sa private jet plane na ang kuya ko pa mismo ang nag ayus.

"Nag away ba kayong dalawa?" tanong ni Eric na may kunot sa noo, inirapan ko na lang din ito at umupo sa tabi ng bintana.

Naramdaman ko naman ang pag tabi saakin ng kung sino kaya napatingin naman ako don, sinamaan ko ng tingin si JM pero nginitian niya lang ako at si Eric naman nakaupo sa kabilang banda ng jet plane sa tabi din ng bintana.

"Tayo lang tatlo ang pasahero, marami pang upuan"

"I'm okay here"

"Well I'm not okay JM, find your place"

"nope! not gonna do it"

Tatayo na sana ako ng biglang nag anunsyo na aalis na kami, kahit ang flight attendant sinabihan na akong umupo na ang mag seatbelt.

Kaya wala akong nagawa kundi hayaan si JM sa tabi ko.

Iniiwasan ko talaga ang lalaking to dahil hinding hindi ko pa nakakalimutan yung mga salita niya ng magising kaming dalawa.

"I think I'm not the only one who is 'malibog' here Mish, you slept with this 'you called malibog' guy and I think something happen last night that's why we end up here"

Oh ghad! naalala ko na naman, hinanap ko naman yung headset ko sa bag ko, ng mahanap ko ito agad ko naman sinuot at nilakasan ang volume at pinikit ang mga mata.

"You look elegant baby" komento ng mama ko nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ma, mukhang hindi ka na sanay eh" inirapan ko naman itong kapatid ko na bigla nalang sumulpot sa kwarto ko.

Pagkadating namin dito agad may sumalubong saamin at hinatid ako dito sa mansion habang si Eric sa hotel, si JM? ewan, wala na akong pakialam don, basta alam kong hindi na ulit kami mag kikita non.

"Just please paki tanggal ng banned sa pangalan ko gusto ko ng umuwi ng Spain!" reklamo ko sakanya kahit ang mga magulang ko todo suyo sakanya.

"Fine, fine, gawin mo lang to, taposin mo lang ang party"

"bueno!" masaya kong sagot pagsasang ayon ko sa deal naming dalawa.

Umalis naman kami ng mansyon, sa hotel namin gaganapin yung party, sabay sabay man kaming umalis pero nasa ibang kotse ang mga magulang ko habang ako andito sa kuya kong magaling, ayaw niya akong mag dala ng kotse baka kasi tumakas na naman ako hindi talaga siya nag iisip, may taxi naman!

Yung parents nila Belle at Alice nag iba din, mas nauna na yun saamin actually 30 minutes early silang dumating don kahit si Alexander para daw sila ang mag welcome sa mga bisita.

Reunion reunion pang nangyari hindi naman lahat ng andon eh Kyril lahat tsk!

Pag pasok naman namin sa hall ng hotel.

"Let's all welcome Alectrona and Momus Kyril and their children Misha Snow and Aladdin Ashton"

Napangiwi naman kaming dalawa ni kuya Ashton, dahil sa pang bungad nila saamin at siguro kay kuya Ashton ay dahil sa pag tawag sakanya ng Aladdin I know how he hate that name.

Naagaw naman namin ang atensyon ng lahat kaya tumaas ang mga kilay ko.

Nakita ko naman ang mga kaibigan kong gago, kumaway kaway pa ito.

"Bakit ba ganito set up niyo? pinag iisip niyong dalawa ni Kuya Alexander?"

"Hey I didn't plan this" depensa ni kuya Ashton.

Napailing nalang ako at humiwalay sakanila, lumapit naman ako sa mga kaibigan ko.

"Naging tao kayo ngayon ah?" pambungad ko sakanila.

"Tao naman kami ah!" reklamo ni Klyde, umiling nalang ako sakanila.

"Misha" napatingin naman ako sa tumawag saakin, lumaki nalang ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon.

"Bakit ka andito?" gulat kong tanong sakanya, nakita ko naman ang pag ngisi ni JM, yes JM is here with unknown guy, may hawak hawak pa itong wine, parang hindi naman ito ang JM na nakilala ko ah!

Continue Reading

You'll Also Like

14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
16.7K 1.1K 56
Antara Loki, the youngest born of the pack is quiet until her dominance is about to be questioned for bearing an interesting cub of a human she once...
6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
526K 8.6K 49
Hawksworth Trilogy: #1 Hollow Moon Pack is the strongest pack in Asia and the current Alpha Luke Hawksworth made sure that he will find his mate f...