SWITCH

By kcxtreme

11.6K 476 62

Simple lang naman ang gusto ni Evans: mapasakanya ang babaeng gusto nito. Malay niya bang sa pagpindot ng swi... More

Author's Note
SWITCH #1
SWITCH #2
SWITCH #3
SWITCH #4
SWITCH #5
SWITCH #7
SWITCH #8
SWITCH #9
SWITCH #10
SWITCH #11
SWITCH #12
SWITCH #13
SWITCH #14
SWITCH #15

SWITCH #6

614 27 2
By kcxtreme


Dumating ang Biyernes at papunta kami ngayon ni Marseille sa gym ng Anglo-Saxon University. Ayaw ko nga pumunta nung una kasi medyo malakas ang ulan, pero napilitan rin ako dahil sa kasama ko.

Sinama ko 'yung isa kasi kinukulit niya ko dahil nakwento ko ang nangyari sa amin nung mokong sa CR. Kinilig ang bruha pagdating sa part na nasa cubicle kami.

Doon nga ko muntik mamatay dahil nagpasabog yung Hina Yupak na 'yun.


Dinaig pa ang atomic bomb.


"Sobrang excited na ako mare! Lagi natin pinapanood ang game nila pero hindi pa sa training."

"Bakit hindi ka pumupunta?" tanong ko.

"Alam mo naman halos puno ang volleyball court kapag nandun sila Alistair at Zach. Ang mga fangirls nila pinupuno ang mga stands, pati mga make-up bags nila pinapaupo na parang reyna."

Pumasok kami sa malaking gym at dumiretso sa room kung saan nagpa-practice ang volleyball players. Hindi pa sila nagsisimula kaya nang makita ako ni Alistair, pinuntahan niya kami.

"Kanina pa kita hinihintay angel~ Akala ko hindi ka pupunta, magtatampo ako. Balak ko nang sundan kita hanggang bahay."

"Try mo lang at ililigaw kita."

"Sa puso mo?"

Sisipain ko na nang harangan ako ni Marseille. "Ikaw talaga papa Alistair~ Nakakakilig ka to the buto-buto. Ah, eh san ba kami pwedeng umupo? Mukhang puno na, tsaka gusto sana ni Eloise sa pwesto na makikita ka niyang pinapawisan on the spot. Gusto niyang mafeel 'yung patak ng pawis mo every time na tumitira ka."

Sinamaan ko 'to ng tingin.

"May sinave na kong seats 'dun sa pinakaharap ng bleachers." sabi ni Alistair.

"OMG, as in kung saan kayo nakaupo?"

Tumango siya. "Yup. Wala si coach ngayon kaya don't worry. Follow me."

Sinundan namin 'to at umupo kami kung saan nga nakapwesto ang ibang players. Nararamdaman ko ang mga maiinit na tingin ng fangirls sa kabilang bleacher, pati na rin sa likod namin. Hinahanap ko si Zach at saktong lumabas siya kasama ang ibang RainBoys sa locker room.

Nang makita niya ko napangiti siya at sinabi "Eloise, buti nandito ka."

"Oo. Hindi pa ko nakakanood ng training niyo."

"Hindi na kita nakakausap ng nakaraang mga araw kasi busy ako. Natutuwa ako at nandito ka."


Yes! Plus two sa pogi/ganda points!


"Actually, Zach, nandito siya para sa akin."


Tupang Inets mo Alistair!


"Niyaya ko si Eloise panoorin ako ngayon." sabi ng mokong.

"Ahh~ ganun ba? Sabagay ikaw ang pinupuntahan ng girls dito. Haha!" nakangiting sabi ni Zach.

"Ikaw din kaya. Mas marami banners mo ngayon, pero ok lang." Napatingin siya sa akin. "Nandyan naman ang anghel kong galing sa langit."


Nakakabanas talaga siya! Nakakabawas siya sa pogi/ganda points ko kay Zach/Zinnia!


Pumito ang team captain nila at sinabi na pumwesto na sila.

"Kailangan na kami 'dun." sabi ni Alistair. "Painitin mo upuan ko habang wala ako, angel~"

"Hayaan mo. Piprituhin ko 'yang pwet mo pagbalik mo."

"Good luck mga papa!" sigaw ni Marseille habang pinanood namin 'tong pumwesto sa court.

Ilang saglit lang nagpa-paractice na sila. Drills pa lang ang ginagawa nila pero kung makasigaw ang mga babae na para bang pang nationals na ang ginagawa.

Si Alistair naman patingin-tingin sa akin kung 'di para kawayan, kikindatan man ako, pero ang mga mata ko ay nakatutok kay Zach. May time nga na tumingin sa akin si Alistair at natamaan 'to ng bola sa mukha. Buti nga. Nagwala ang mga fangirls nito, ako naman humalakhak.

Maya-maya lang pinag-break sila at sabi magkakaroon ng game. Hinati na sila sa dalawang team at magkalaban ang dalawa, bali si Zach versus si Alistair.

Lumapit sa amin si Zach at tinanong "Nag-eenjoy ka ba, Eloise?"

"Oo. Ang galing mo nga. Ikaw pinapanood ko."

"Ahh~ Hindi ko napansin."


Ouch.


"Eh ako, angel? Nakita mo ba ko kanina?' tanong ni Alistair habang papalapit sa amin.

"Yung na headshot ka? Oo."

"Ito naman. Dapat sa akin ka lang laging nakatingin. Gusto ko pag tumitingin ako sa'yo, ang mga mata mo lang ang makikita ko."


Tupang inets.


"Papa Alistair, ako nakita ko! Ang galing talaga ng 'Astro Burner' move mo!" sabi ni Marseille.

"Oo nga. Mukhang nakuha mo na siya, Alistair." sabi ni Zach.

"Astro Burner? Ano 'yun?" tanong ko.

"Don't worry, angel. Makikita mo ang naperfect ko na move. Mamaya makikita mo 'yun." sabi niya.

"Bakit 'Astro Burner?"

"Nagustuhan mo? I named it myself."

"Yan 'yung mga tipong title sa low-budgeted na movie."

"Ten minutes before the games starts!" announce ng team captain nila.

"Kailangan na namin bumalik." sabi ni Zach.

"Hmm~ Zach, bet tayo." sabi ni Alistair.

"Ano 'yun?"

Napangisi 'to. "Pag nanalo team mo, idate mo si Eloise."

Nanlaki mata ko at kulang na lang sumabog ang gym. "ANO?!"

"At kapag kami nanalo," tuloy niya. "ako ang magde-date sa kanya. Deal?"

Napatayo ako. "Hoy, Salazar! Wala ako sa usapan na 'ya-"

Pinaupo ako ni Marseille at binulong "Mare, chance mo na 'to! Wag mong palagpasin!" Lumingon siya kay Zach. "Pumayag ka na papa Zach! Lambing mo na 'to kay Eloise~"

Napaisip 'to at tumango. "Sige. Pwede ako ngayong weeked."

"Kapag nanalo ka." Napangiti ang mokong. "Kung sino manalo ay siyang idedate ni angel!"

"Hindi! Hindi ako pabor-" Tinakpan ang bibig ko ni Marseille. Kinagat ko 'to at kadiri, pasmado! Hindi na ko nakasalita pa kasi umalis na sila.

"Grabe 'yang ngipin mo, mare! Pero hayaan mo na sila! Kapag nanalo si Zach, makakadate mo siya!"

"At pag nanalo 'yung mokong, itatapon kita sa basurahan!"

Nagsimula na ang game at unang nag-serve ay ang team ni Zach. Nung una sila pa ang nauuna pero nang malapit ng matapos ang first set, ang team ni Alistair ang nauuna dahil sa ginagawa niyang move na 'Astro Burner', hanggang sa kanila napunta ang set na 'yun.

Nag-short break sila at sabi sa akin ni Alistair "Dapat pala sinama ko sa bet namin na kung sinong team ang manalo sa set ay may halik sa'yo."

"Sapak gusto mo?"

Ilang saglit lang naglalaro na sila ng second set. Nauuna na naman ang team ni Alistair, at bawat score niya kinikindatan niya ko.


Malapit ko ng tusukin 'yang malalanding mata niya 'yan!


Akala ko nga wala na, na mananalo na ang team niya at mapipilitan akong idate 'yung mokong na 'yun, pero may milagro na nangyari. Nakahabol ang team ni Zach hanggang sa nanalo sila. Mukhang may pag-asa pa team niya, at lalo na ko.

"Ang galing mo talaga, Zach." sabi ko.

"Haha, hindi naman. Nakatsamba lang kami."

"Asus! Pa-humble ka pa, papa Zach. Ang next set dapat sa'yo rin, ha? Excited na si Eloise makipag-date sa'yo~ Gusto pa niya sa Star City."


Hindi ko na 'to itatapon sa basurahan, tuloy garbage truck na 'to.


Pumito na at bumalik sila sa court. Pagka-serve pa lang ng bola, nagsigawan na ang mga crowd, chinicheer ang team na gusto nilang manalo. Malamang kay Zach ako, at bawat score niya napapagaan ang loob ko, pero kabaliktaran naman kay Alistair.


Dumodoble ang bigat sa kanya.


Mukhang nagbibigay sila ng makakaya nila kasi sa set na 'to todo-todo sila maglaro. Seryoso ang mga mukha ng lalaki at talagang masasabi mong intense, na parang pang finals na. Pagdating din sa score naghahabulan lang sila, kung naka-score ang isang team, babawi agad ang kabila, hanggang sa 24-24 na ang score.


Ito na ang moment of truth.


Sino makaka-date ko?


Si Zach?


Si Alistair?


"Mare, kung mag-tie man sila, ako na lang idate mo. Star City tayo."


O si Mustafa?


*CRACKLE*


Biglang kumidlat at nag-brownout. Ang mga tao napabigla at iba napasigaw, pero bumalik din ang ilaw. Hinihintay namin iset-up ang electronic scoreboard, pero mukhang may problema kasi may mga nagkumpul-kumpulan dito.

Maya-maya lang inannounce ng team captain na nagma-malfunction ang scoreboard at kinansela na ang game. Maraming nadismaya at sinabi na tapusin pero sinabi rin na lumalakas ang ulan at kailangan na raw namin umuwi.

Lumapit sa amin ang dalawa at sinabi ni Zach "Sayang, ang ganda pa naman ng game."

"Oo nga." sabi ko. "May next time pa naman."

"Pero teka! Paano 'yung bet niyo?" tanong ni Marseille. "Umaasa pa naman si Eloise sa inyo!"


Kailangan ko na talagang ipa-LBC 'to sa smokey mountain.


Pero ok na rin ang nangyari. Hindi ko man makaka-date si Zach, at least hindi ko rin makaka-date si Alistair.

"Don't worry, angel. Napag-usapan namin ni Zach ang plan B."

"Sinama namin sa deal na if ever nag-tie o may mangyari man, tuloy pa rin ang date."

Tiningnan ko sila. "Hindi ko gets."

"Ibig sabihin 'nun," tuloy ni Zach "parehas ka namin ilalabas."

"Ano?!"

"Gusto ko pa naman masarili ka pero ito destiny natin." sabi ni Alistair.

"Mag-ready ka sa Sunday at punta tayo Star City. Treat namin." nakangiting sabi ni Zach.

Bago pa ko makapagsalita, tinawag sila at iniwan akong nakatunganga, iniisip kung anong gagawin ko.

Sabi naman ni Marseille "Ang swerte mo naman, mare! Nakakainggit! Mukhang kailangan natin bumalik sa mall!"


Ayaw ko ng maging babae.


"Magsha-shopping tayo!"


IBALIK NIYO NA BUNTOT KO!


Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
716K 15.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]