SECTION ABCD [COMPLETE]

By asrah028

454K 12K 1.3K

SECTION A, B,C,D? Saang section ka nababagay? More

Alphabet Academy [Sister Company ng Labyrinth Academy]
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4:TASK
CHAPTER 5:YAHIRO
CHAPTER 6: COMMONER
CHAPTER 7: WALANG PAMAGAT
CHAPTER 8: WULIBULLY
CHAPTER 9:GETTING CLOSER?
CHAPTER 10: CONFUSED
CHAPTER 10:ON RAINY DAYS
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

PAGE 2

30.2K 676 97
By asrah028

Yung A.A, something realistic yung story nito. Di kagaya ng LA. Kase yung L.A, more on fantasy yung story niya. Kung baga 80% nung story kathang isip lang.

 

Ito,may 25% ng fantasy pero majority ng story totoo .. Marami sa inyo makaka relate sa story'ing ito PROMISE.. Ü

 

PAGE 2

AOME'S POINT OF VIEW

''Aome basketball nga tayo! Diba sabi mo tutulungan mo akong mag pa matcho!?'' kasalukuyan akong nag rereview ng biglang pumasok sa kwarto si kuya Ansleigh, na may dala-dalang bola ng basketball,

Si Kuya Ansleigh nga pala..  Ang matcho kong kuya. Pangalawa sa aming apat na mag kakapatid, Hanggang 1st year college lang yan, hindi na naisadsad e..

(imaginary character ni Ansleigh ay si SHINDONG ng SUPER JUNIOR)

 

Mula sa pag kakahiga, umupo ako at sumandal sa head board ng kama ko, Liningon ko ito habang hawak-hawak ko yung notebook ko sa CLE,

''Kita naman yung resulta ng pag ba-bastket ball ko..Diba? pumayat na ako??'' habang naka tingin ako sa kanya, hindi ko mapigilang mapangiwi. Lagi niya kasing sinasabing gusto niyang pumayat, e maya't maya naman e kumakain siya.

''Anong tinatawa mo diyan? Baket diba totoo??'' itinaas niya yung sando niya, at pinakita niya sa akin yung tsan niyang malaki at liniit yun.

''Oo na sige na convinced na. Pumayat kana.. Pwede ka nang huminga ng normal.'' tumawa ito habang naka kamot sa ulo niya.

''Anong payat na-nanaman yang sinasabi mo AOME? Kita mo ng mukhang balyena tong si Ansleigh sasabihin mo payat?? AHAHA! Sabihin mo sa akin kung anong part ng katawan niyan yung payat?'' nag shrug lang ako habang nag pipigil ng tawa.. Samantalang si Kuya Ansleigh nag sisimula ng mag salubong yung kilay.

''Huwag mo ngang kunsintihin! Tignan mo, Lumulobo lalo oh!'' dagdag ni kuya Davian habang pinapalo-palo yung tsan ni kuya Ansleigh,

Si Kuya Davian ang pangatlo sa aming mag kakapatid.

(IMAGINARY CHARACTER NI DAVIAN, SI EUN HYUK NG SUPER JUNIOR SIYEMPS! Pangatawan ang pagiging KPOP adik! Whahahha)

 

''bunga-nga mo naman!''

''Bunga-nga mo rin. Doon na nga tayo, iniistorbo mo si bunsoy! Tsaka, huwag mo ngang yayaing mag basketball, baka mamaya hindi yan mag ka boyfriend.''

''Kuya Davian, ano nanamang pinag sasabi mo??'' =___=' nag simula na rin akong mairita, Si kuya Davian kase lagi akong kinukonsiteng mag boyfriend..

''Paano naman nila liligawan yang si Aome? E mukhang lalake e! Tignan mo, hindi nag susuot ng shorts! Panay naka tokong, at pantalon.. Yung damit laging maluluwang na t-shirt. Bilhan kaya kita ng dress?'' dagdag pa ni kuya Ansleigh.

''E sa gantong damit ako komportable e!'' inayos ko yung damit ko, at ibinaling ulit yung tingin ko sa rine-review ko.

''Aome, pag nag ka boyfriend ka mayaman hah? Ayoko yung mga kanto boys! Wala kang future sa mga yun..''

''oo nga! puro paa lang ng manok yung ipapakain nila sayo..'' tinakpan ko yung mga tenga ko, gamit ng mga palad ko. Kase, panigurado hindi nnaman nila ako titigilan.

''Hoy, Hoy, Hoy! Ano nanaman yang tinuturo niyo sa kapatid niyo? Kagaguhan nanaman?? Hala, mawalang galang na, pero pwedeng lumayas na kayo sa kwarto namin?!'' at yang matsong yan si KUYA TEDDY! Siya ang panganay.. At lagi siyang naka kontra sa dalawa ko pang kuya.

(imaginary character ni TEDDY NICHOLAS as si LEETEUK ng SUPER JUNIOR)

''Ayan na.. Nandyan na si gurang! Tara na nga Davian.. Lumabas na tayo, Di na masaya.. manenermon nanaman yang kuya mo e!'' pasimpleng nag make face kuya Teddy ng mag salita si kuya Ansleigh.

“Huwag mong susundin yung mga sinasabi ng mga kuya mo ha? Basta gawin mo tapusin mo yung pag aaral mo.. Di baling ikaw yung makatapos ng pag aaral. Kahit mahirap, igagapang ka namin.” Nag smile sa akin si kuya teddy, at Kiniss ako sa noo..

“DRAMA NANAMAN!! GROUP HUG!!” sigaw nila.. Tumayo naman ako.. at yinakap yung mga kuya ko.

Minsan, naiisip ko okay din pala kahit wala kaming ganong karaming pera. Okay pa rin..

Kahit minsan, natutulog kaming walang laman yung tsan.. Masaya pa rin.

KINABUKASAN

ABCDE'S POINT OF VIEW

''Yola dude! Ikaw talaga pinsan, masyado mong dinidibdib pagiging president mo.'' biglang pumasok si Neil sa office ko. At umupo sa mismong working table ko.

Name:Neil Zayden Ho

Siya ang owner ng LABYRINTH ACADEMY.

''What do you want Neil? Can't you see? busy ako.. Wala akong time para makipag kwentuhan.'' napa ngisi nalang ito, habang binabasa niya yung mga reports na prinit ko.

''Insan, i enjoy mo naman kabataan mo. Huwag puro ganyan.. Tignan mo ako, wala akong pake sa school na binigay sa akin ng parents ko.'' tumigil ako sa pag ta-type ng report, at tinignan siya

''Ibahin mo ang Labyrinth Academy sa AA.''

Pamilya nila Neil ang nag mamay-ari ng L.A, since wala rin dito ang parents niya, sakanya din ipinag bilin yung L.A. Pero, dakilang tamad si Neil.. Kaya sa ibang tao niya pinapahawak yung school.

Maya-maya pa'y bumukas ulit ang pinto, this time si Sarah naman yung pumasok.

''Itong gag0ng to, nag pa bili-pabili ng kape di naman pala iinumin! Pinagod mo lang ako. Sa susunod nga pag mag papabili ka, sa iba nalang! Namemerwisyo ka e.'' pag rereklamo ni Sarah habang dinuduro-duro si Neil.

 

NAME:SARAH LINELY HO

Anak siya ng isang sikat na Dentist sa Canada, samantalang yung daddy naman niya ay isang sikat na Doctor.

''Ayaw mo nun? Na exercise ka?? Tignan mo nga yang tsan mo.. Dalawang layers! Kahiya ka BOY! Kaya okay lang na mag lakad-lakad ka ng milya milya.'' tinignan naman ni Sarah yung tsan niya. Napa bite sa lower lips niya, at tumaas yung isa nitong kilay.

''WALA NA AKONG BILBIL NO! Napaka mo! Tsaka huwag mo nga akong tatawaging BOY! Baboy ba ako?? Napaka ganda ko naman para maging baboy!'' nag banta itong susuntukin si Neil, pero di niya itinuloy.

''Sus, liniliit mo lang tsan mo. E ano naman kung maganda ka para maging baboy?? Tignan mo yung braso mo.. Pang matcho.. Baboy ka talaga! oink! Oink! Tabatsooooooy! Tabaching-ching!! Oink-oink!!''

''Abcde oh! Tignan mo tong pinsan mo nag uumpisa nanaman!'' tumigil muna ako sa pag tra-trabaho at pinanuod silang mag sapakan. Nakaka tuwa kase sila.. Pareho silang pikon.

Tsaka, Ganyan sila mag usap e, may halong pisikalan. Teka nga, nasaan naba si Nicoline? Pumasok kaya siya?? Galit pa kaya siya? Hmmm..

Chineck ko yung phone ko.. Pero hindi pa rin ito nag tetext..

''Mister Ho, nasa labas po si Miss Aome Nicholas..'' napatingin yung dalawa sa akin.

''Promissory note again???'' sabay nilang sabi.. tumango nalang ako..

''Sige, papasukin mo siya.''

Pag ka pasok na pag ka pasok niya, linapag niya agad sa table ko yung envelope.

Binilang ko agad yun.

''kulang to miss Nicholas..'' at mukhang nagulat pa siya.

''Kase, Ano e.. kinuha ko yung 20 pesos.. Wala kase akong pambayad ng jeep kanina.. Kaya kumuha muna ako ng...'' pinag connect niya yung hintuturo niya.

Samantalang tong dalawang baliw sa tabi ko kanina pa AHEM ng AHEM.

'' Ano pa bang bago?? Sige... Sige.. Lumabas kana.''

''Salamat mister President! Pag nag ka pera ako, ibibigay ko nalang! Sige.. Mauuna na po ako! Paalam!!'' pag katapos nun, tumakbo na siya papalabas ng office. Wala talagang manners yung babaeng yun.

''900 pesos lang pinabayad mo pa?'' sabi ni Sarah habang binibilang niya yung pera.

''Grabe ka talaga Abcde.. 20 pesos nalang di mo pa pinapalampas!''

''Baket, satingin mo ba mabubuo yung isang daan kung kulang ng 20 pesos? Tsaka huwag nga kayong magulo diyan! Business is business, walang awa awa. Kaya kung wala na kayong kailangan dito.. Lumabas na muna kayo.. Kailangan ko pang tapusin to.''

''Pero, hindi kaba nagagandahan kay Aome ha Abcde?'' tinignan ko lang si Sarah.

“May girlfriend na ako. ” masungit na sabi ko sakanila..

“pero yung girlfriend mo ang hirap ispelingin e.. She’s too moody, at super hard to deal with., Yeah, she’s kind?? Pero ewan..” hindi kasi sila masyadong mag kasundo ni Sarah. Pero mag kaibigan sila..

''Oo nga pinsan, May point si OINKY dun.. Pero si Aome.. pwera biro ha?? cute siya.. Boyish.. Di tulad ng iba diyan, kume-kpop di naman bagay!'' sabay tingin ni Neil kay Sarah.

''May pinatatamaan ka yata a?!''

''Kung nataaman ka, edi para sayo yun!” sabay kurot ni Neil sa pisngi ni Sarah.

“Neil! Ano ba!!! Ang shaaaaa----khit!!!”

“Sige, Abcde! Lalabas na kame ni Oink-oink!'' Inakbayan ni Neil si Sarah.

''huwag mo nga akong tawaging OIN----'' ipinasubo ni Neil yung crinample na papel sa bibig ni Sarah.

''diba? Mas okay kung di ka masyadong dumadada.. Hintayin ka nalang namin sa canteen. Papakainin ko pa tong OINK-OINK ko.. Gutom na kaya nag wawala..''  nag salute ito sa akin, hinatak-hatak niya si Sarah at tuluyan ng lumabas.

Mga 'toh talaga ang gugulo.

AOME

*Gruuuuuuuuu~~ gruuuuu

Gutom na gutom na ako.. Gusto kong kumain pero wala akong pambili ng pag kain. May galit yata sa akin yung author na toh, ginawa akong hampas lupa!! T__T pero ma iba tayo..

 Pag ginastos ko tong sampung piso, nako.. Di ako mamauwi. T_T napaka poorita ko talaga.

Habang nag lalakad ako nag babaka sakaling sa pag lalakad makalimutan ko na gutom ako, yung dalawang kamay ko naka hawak sa tsan ko.. Napadaan ako dun sa office ni Abcde

Nag babakasakaling ibalik ni Abcde yung binayad ko.Sakto naman papalabas si Sarah.

Pinag masdan ko ito.. Gandang ganda kase ako sakanya, Napaka simple pero iba yung dating! Nakaka TIBO!

*gruuuuuuuu~~

''lilipas din toh..'' sabi ko sa sarili ko habang inahampas-hampas ng padahan dahan yung tsan ko. Kase, GUTOM NA GUTOM NA GUTOM NA GUTOM na talaga ako! ~_____________~

''Aome..''

''AOME..'' dun sa pangalawang tawag sa pangalan ko, dun palang ako lumingon.

''Ehh??? Ba... Baket??'' pinalapit ako ni Sarah sakanya. Pero bakit kaya?

''Napansin ko kasing namumutla ka, siguro hindi kapa nakaka kain no?? Gusto mong kumain?? Don't worry.. Sagot ko.'' kumislap ang mata ko ng marinig kong sabihin sa akin ni Sarah na ililibre nya ako...

''ahh.. Ano huwag na lang.. Nakakahiya.. Tsaka, ano ehh.. Busog pa naman ako e. Masakit lang yung ulo ko..''

SINUNGALING! Halos matumba kaa na nga sa sobrang gutom tapos sasabihin mo BUSOG ka?

adik ka no?!

''Are you sure??'' nag smile ako dito, at tumango.

''Hmmm, o sige.. Akala ko kasi hindi ka naka kain dahil binigay mo yata lahat ng pera mo kay Abcde. Sige, I'll go ahead na ha?? Hinihintay kase ako nina Neil. See you around nalang Aome.'' nag wave na ito sa akin..

''Hindi mo ba ako pipilitin?? Hah?? Kase kung pipilitin mo ako.. Sasama ako sayo. PROMISE!'' Habang nag lalakad na ito papalayo sa akin, gusto ko siyang hilain..

''yan! Nag iinarte pa kase..'' *hampas sa ulo*

''AOME!'' napalingon ako ng may tumawag nanaman sa pangalan ko.

''Oh! Clover ikaw pala..''

''Hmm, bakit kinausap ka ni Sarah? Close ba kayo??''

''Hinde.. Baket?? Hindi niya ba ako pwedeng kausapin??'' ano nanaman kaya ang gusto ng taong toh? Sumusulpot lang pag may kailangan..

'''I mean, bakit kinausap ka niya??'' ikinalawit niya yung kamay niya dun sa braso ko.

''Gusto kaba niyang maging kaibigan??''

I think, alam ko na kung bakit nandito siya.

''Hindi siguro?? Ewan..  Tsaka ano naman ngayon kung gusto niyang makipag friends?'' ngumti ito at inayos yung buhok ko…“KASE, ALAM MO NAMAN KUNG GAANO KO KAGUSTONG MAGING KAIBIGAN YUNG MGA taga A and B’s. So baka ikaw yung maging way..”

Napa ngisi nalang ako…

“alam mo ikaw? Sosyalera ka talaga..” kung pwede ka lang sabunutan.. SASABUNUTAN TALAGA KITA!

''basta, pag may lakad kayo.. Or pag ininvite ka niya sa party ng mga tiga A's or B's, sama mo ako ha?? Don't forget na kaibigan mo ako.'' nag smile ako sakanya fake smile siyempre. Hindi naman sila mayaman, pero bakit kailangan niyang magpanggap?

''Sige.. Mauna na ako.''

“AOME HUWAG MONG KAKALIMUTAN. ISAMA MO AKO!” sigaw pa neto sa akin.. Kala mo naman hindi ko narinig. Sigaw-sigaw pa siya..

Grrrrr!

Continue Reading

You'll Also Like

131K 4.2K 68
Everyone has a secret.Just like her.She's beautiful but...She's a maid.Madaming nakakapansin sa kanyang kagandahan pero sa likod nito ay isa siyang...
1.8M 37.2K 29
WATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, dahil sa kagagawan ng kanyang aroganteng...
2.4K 238 67
After the failure of First love, Geyl decided to not love a guy but one day she just woke up and there are three dazzling handsome hot guys that will...
40.3K 1.7K 11
Upang makuha ang atensiyon ng mga tao at sumikat online ay nagkunwari si Krystal Cuevas na siya ay nasa panganib at may kumidnap sa kaniya. Ngunit na...