WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Pu...

By xianrandal

13.4M 206K 24.2K

Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a c... More

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE
1
2
3
4
5
6
7
8
9-name
10
11
12
12 - itech na talaga ang trulaloo na update
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29 Scanver
30
31- A Bitin ito, pramis!
31-B - mas bitin ito kaysa sa una
31-C -Huwag masyadong excited dahil baka ma frustrate!
32 - waley itey! Nagpalabas lang ng stress
33
34
35-Waley ito
36
37
38
39 -
40
41
42
43
45
46-Patatas pa More!
47
48
49 - Madrama to
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67 - MAUUMAY KAYO KAY INDAY- walang connection sa story-wala lang akong magawa
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77 - Near the ending
END
Tsenen!
WHEN A BEKI FALLS IN LOVE 2
FREE TWO SIGNED COPIES

44

129K 2.2K 427
By xianrandal

44

FB GROUP - X.i.a.n.a.t.i.c.s

FB: Xianrandal

Twitter: @XianRandal

Hala! Talaga palang nag-eexist ang kumopya ng story na ito, pero binura na yata ngayong araw, may tao pala talagang ganun ano? Sobra pa sa krung-krung, walang binago pati pangalan, title, pati wrong grammar at typos! Copy paste lang ang peg! Hahahahaha! Inangkin nga lang niya na kanya.... ang kyoray! Pero dahil binura na, at maayos ang mood ko, palalampasin kita ngayon, next time, pusa jud ka sa ako-a! hahahaha!

************************************************************

Kanina pa tahimik si Elvin, pansin na pansin na iyon ni Kathryn. After nitong magluto ng lunch nila ay natulala na.

“May problema ba, Sinta?” Malambing na tanong niya.

“W-wala naman, Sintas. Bakit?”

“You seem so quiet.”

“Napagod lang, Sintas.” Umiwas ito ng tingin.

“Elvin, we’ve been together for months already, halos kilala na kita. I know something is bothering you. Hindi ikaw yan eh, imagine, since this morning hindi ka nag ga-gay language. Isa pa, bakit pink na naman ang apron mo? Naiinis na ako.” Nakasimangot na sabi ni Kathryn.

“Ha?” Unaware siya dun. Marumi na kasi ang dalawang blue aprons niya kaya ginamit niya ang nakitang pink apron. Sasabihin niya ba kay Kath ang tungkol kay JB? Dapat ba siyang ma guilty? Hindi naman di ba? Wala silang naging relasyon.

“Anong problema ng Sinta ko?” Sabay yakap kay Elvin.

“Waley nga Sintas. Ayan ha, baka sabihin mo na naman wiz akembang nag ga-gay language. Wit kita ma gets, pag laging may gay language, sasabihin mo na bawasan, pag naman wit ginamit, sasabihin mong anong problema.”

“Basta love kita.” Sabi ni Kathryn. Walang connect.

“I crush you.”

“Sinta , see, lumalaki na ang tummy ko, tumataba na ako, lumalaki yung nose ko. Magiging crush mo pa kaya ako?” Nakayakap pa rin siya.

“Of course! Normal naman yan, Sintas, after giving birth, babalik ka na sa dati. Magiging super duper maganda ka na naman. Isa pa, hindi ka naman chamita (pangit).”

“Hindi ka maghahanap ng iba, Sintas?”

“Ha?”

“Kahit mataba na ako at parang nakalunok ng bola, hindi ka maghahanap ng ibang babae?”

“Juice colored! Wiz ako maghahanap ng ibang mujer! Sa iyo pa lang nga eh nalulurky na akembang.”

“Talaga?”

“Tologo!”

“Lumaki na ba talaga ang ilong ko, Sinta?” She pouted.

“Yeah, pati dyoga mo, Sintas.”

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn. “Like mo, Sinta? Gusto mong hawakan?”

“Lady Gaga itey, na sight ko lang! Waley ako ibang ibig sabihin dun. Ang dumi ng utak mo, Sintas!”

***********************

Schedule nila sa Obstetrician ni Kathryn, magpapa ultra sound silang dalawa, I mean si Kathryn,  excited silang dalawa. Ano kaya ang magiging anak nila? Mujer? Hombre? Kapag nalaman na nila, pag-iisipan na nila ang magiging pangalan.

Kahapon ay galing rin siya sa opisina ng Papa nito, approve na ang mga designs na ipinasa niya at sisimulan na ang kanilang project. Sinisimulan na rin ang bahay na ipapatayo niya para sa kanyang mag-iina.

Mag-iina talaga? Hindi ba pwedeng dalawa silang magiging ina?

Hindi niya naisip. Feel na ba niyang maging pudra?

Hindi na rin pumasok sa isip niya si JB. Sign na ba itey?

“Sinta, let’s go?”

Napangiti siya, ang cute ni Kathryn sa suot na baby pink na maternity dress, sexy pa rin ang Sintas niya kahit buntis, ang puti, ang ganda.

Oh my! Anek iteng nafefeel niya! This can’t be true! Habang tumatagal, pa weird siya ng pa weird!

“Sinta? Tulaley?” Nakapasok na siya sa loob ng kotse, nakatingin pa rin sa kanya si Elvin na kay guwapo lang sa suot na pink polo shirt na request niya talagang isuot nito para partner sila at jeans.

“Gorgeous as ever Sintas! Parang akembang lang pag sinuot ko yan.” Pagbibiro niya.

“Sinta, sana normal si Babay ano?” Kinakabahang sabi ni Kathryn kau Elvin.

“Of course! Ang gaganda ng Mommies niya, helloooo, saan pa ba magmamana?”

“Elvin! Umayos ka.” Natatawa siya. Alam naman niyang nagbibiro lang ang kanyang Sinta, lately, nakikita naman ni Kathryn ang  effort nito na magpakalalaki.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang clinic ni Doktora. Tuwang-tuwa naman ito na makita sila.

“Mas lalo kang gumanda, Kathryn. Ang laki-laki nan g tiyan mo ah, knowing na ilang buwan ka pa lang buntis.”

“Doc, sobrang maka morning sickness ang Sintas ko.”

“Let us check, Mommy Kathryn, and ikaw naman Daddy Elvin, you should be more patient.”

“I am patient! Sobra!” Pagtatanggol nito sa sarili.

“Maselan ang pagbubuntis, Elvin.” Nagsimula na itong icheck si Kathryn. Elvin patiently waiting, observing and looking at what the doctor is doing. Napapangiti ito, para makasiguro ay nagconduct pa ng ilang tests.

Finally!

“Congratulations for both of you, you are having twins!” Masayang-masayang kumpirmasyon ng doktora.

“Twins! Wow! Amazing! Narinig mo yun, Sinta?” Niyugyog pa niya ang balikat nang asawa na talaga namang tulaley.

“As in two? Nagawa nating dalawa, Sintas?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

“Yes, Daddy Elvin! Congratulations! Mas lalong ingatan mo si Misis ha. Huwag ini-stress, hindi dapat napapagod. Dapat laging happy ang disposition sa buhay, naintindihan mo, Daddy Elvin?”

“yes, Doc.”

“Heto yung mga vitamins na kailangan, nandirito rin yung mga kailangang kinakain ng buntis at mga dapat niyang iwasan.” May ibinigay itong parang brochure sa kanya.

“thanks.”

“Don’t forget your next schedule, Mommy Kathryn ha, and congratulations again.” Muli pa nitong sabi bago sila umalis.

“Wow! As in to the highest level, Sintas, wow na wow! Twins! Bongakea! Matutuwa ang mga oldies nito. Ang galing nating gumawa, Sintas!” HE kissed her cheeks, her forehead, her nose and last, her lips.

“I love you, Elvin.”

“Sige na nga, I... I love rin, Sintas, slight lang ha, more on crush pa lang and like. Very very very slight lang ang love.”

“Kinikilig ako, Sinta! Ulit. I love you, Sinta.”

Lukresia Kasilag talaga. “I love you too, Sintas, slight lang.”

*****************************

Everybody was in their unit, may dalang kung anu-ano. Ang mga kapatid ni Elvin at ang mga magulang nito at pati na an magulang ni Kathryn. Masayang-masaya sila sa nalaman na magkakaanak ng kambal ang dalawa.

“akalain mong nakathree points ka, Kuya! Saktong-sakto!” Sabi ni Enchong. Heto na naman sila, mangungulit na naman ang mga kapatid niya.

“Magkakaroon na kami ng apo, aba, dalawa pa! Salamat sa inyong dalawa.” Ang Mama ni Kathryn.

“Aba’y dapat na pag-isipan ang ipapangalan natin jan. At kailangang maayos na ang ipinapagawa ninyong bahay at nang may mapaglalaruan ang mga apo ko.” Ang Papa ni Kathryn.

“Pa! Matagal-tagal pa po silag maglalaro.” Masyadong advance ang Papa niya.

“Elvin, anak, kailangang doble kayod ka ngayon, dalawa agad ang bubuhayin mo. Ingatan mo si Kathryn, huwag mong bibigyan ng problema.” Paalala ng ama ni Elvin.

“Opo, Papang.”

“Okay, kumain na tayo! Let’s celebrate!”  Yaya ni Enchong, baka kasi kung saan pa umabot ang usapan.

Masayang-masaya ang lahat, kahit siya, bigla niyang naramdaman na gusto niyang maging ama, yung walang pilit, yung talagang bukal sa loob.

Now he’s determined to become a hombre! Pipilitin niya! Para sa kanyang mga kyotatalet! Aja!

Biglang nag ring ang cellphone niya.

Unregistered number.

He excused himself.

“Hello.”

“EY.” A familiar voice answered.  Walang ibang tumatawag sa kanya ng ganun.

“J-JB?”

*************************************

…and so anong ipapangalan ko sa magiging anak nilang dalawa. Fraternal Twins ang like ko. Wala akong alam sa pagbubuntis kaya hindi masyadong detailed, di ko pa na experience kasi, saka na pag nagkaroon ako ng kyotatalet.

-Xian-

Continue Reading

You'll Also Like

115K 2.7K 29
She was always hidden in the dark. sometimes you do not seem if she exist here in the world. Pero dahil isa siyang EMPRESS. Nag bago ang lahat ang da...
318K 10.4K 33
Mafia Heirs Series Book 1 Gretel Drinx McNeil.
1.3M 71.9K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...
23.3K 330 13
When life gives you its worst, anong gagawin mo? TRIGGER WARNING: This story might trigger those readers with depression. READ AT YOUR OWN RISK. [UNE...