THE COLDEST (in major revisio...

By JannaMaePH

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... More

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata VIII.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XI. I can feel you, Zai.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3
Kabanata XXI. The TRANFEREES
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata XXIX Argumentum & Momentum
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
Kabanata 39: THE RETURN
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
Kabanata 44 He loves me? He loves me not?
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.

10.4K 198 19
By JannaMaePH

ZAI's  POV

Nang makarating kami ng Malusak Cave agad sinalubong si Timbol ng iilang opisyal ng gobyerno ng probinsya. Nakipagkamay ang mga ito kay Timbol at sa fieldtrip coordinator na kasama namin. Dalawang kagawad at isang konsehal ang naroroon. Ang mga opisyal ay may inihandang iilang mga tourist guide na dito naninirahan sa probinsya upang tulungan kami sa pagtotour sa loob ng CAVE. Pamilyar na ang mga ito sa loob ng kweba at katiwala na ng mga opisyal ng gobyerno dito sa lalawigan. Habang abala si Timbol sa pakikipag-usap sa kanila ay maayos naman kaming pinahanay ng presidente ng klase na si Anton upang masimulan na ang naturang tour at pagmamasid sa loob. Bilin ni Timbol na tandaan ang lahat ng aming makikita at huwag daw matutulog sa loob dahil malamig doon at tahimik. Hindi nya kami sama-samang pinapasok bagkus ay may pagitang tatlo hanggang limang minuto ang pagpasok ng magkapareha upang maiwasan ang pagtsitsismisan at pag-iingay sa loob. Nag-uumapaw ang mga bilin ni Timbol. Ang dami nyang nalalamang pakulo sa buhay na sya lamang ang nagpapatupad.

Karamihan sa mga kaklase naming babae ay natatakot at ayaw pumasok ngunit wala ring nagawa sa pagka-istrikto ni Timbol. Samantalang ang iba naman ay kakikitaan ng excitement sa mukha.

Si Timbol ang nagdesisyon sa mga magkakaparehang papasok. Nauna na sa pila ang magkasamang si Nyx at Mona. Kasunod ay si Anton at si Mich. Hindi pinagpares ni Timbol si Anton at Nyx dahil baka daw puro tsismisan at ingay lang ang gawin ng dalawa sa loob. Kasunod ay sina Janine at si Marie na bakas ang takot sa mga mata ng pumasok sa kweba.

Hanggang sa mangalahati na ang  klase. Ang kalahati ay nasa loob na samantalang ang iba ay naghihintay pang tawagin..

Sumunod na tinawag ni Timbol sina Samuel at Troy. Wala silang parehas reklamo at prenteng pumasok sa loob. Nang kainin na sila ng dilim sa kweba tsaka muling bumaling sa amin si Timbol at tinawag ang panibagong pares. "Mr. Elixer and Mr. Choi." tawag ni Timbol sa malakas at maawtoridad na boses. Agad namang tumalima ang dalawa, sina Enzo kaibagan ni Vegeta at si Elixer na kabilang sa mga bagong transferees. Tahimik lamang si Elixer samantalang si Enzo ay bahagyang salubong ang mga kilay habang papasok sa loob ng kweba. Marahil ay nais nyang makapareha si Hope ngunit bigo sya.

Samantalang, naagaw naman ang atensyon ko ng taong hindi mapakali sa pwesto nya at paikot ikot habang nag-iintay na tawagin ang pangalan nya. Para syang pusang hindi na naman mapaanak. Si Vegeta.. pabalik balik ng lakad at salubong ang dalawang kilay. Kunot noo ko syang tinitigan hanggang sa lumingon sya sa akin at parang on cue ay biglang nanlaki ang mga singkit nyang mata at napalunok ng malupet.

Magsasalita na sana sya sa pagtitig ko sa kanya ng maagaw muli ni Timbol ang atensyon ko ng tawagin nya si Hope. Ang akala ko'y babae ang ipapares ni Timbol dito ngunit nagkamali ako. Si Nickel ang ipinares nya kay Hope. Ang iba ay hindi makapaniwala ngunit wala din namang nagawa. Nagmamaktol namang nilingon ako ni Hope at binulong, "unfair talaga ang king inang Timbol na 'to." utas nya at mabibigat ang mga paang lumapit sya kay Nickel na nasa bukana na ng kweba.

Samantalang hindi naman nakaligtas sa akin ang mga nakakalokong ngiti sa mukha ni Nickel sa ginawang pagpares sa kanya at kay Hope. Tsss. Pabor sa kanya ang sitwasyon at halatang natutuwa sya.

Batid ko namang hindi kami gagawing magkapareha ni Hope dahil alam ni Timbol na kaibigan kong matalik ito. At napuna kong personal nyang pinili ang bawat pares base na rin sa papel na hawak nya. Marahil ay ginawa na nya yan kagabi pa. Kaya naman ng tawagin ang pangalan ko'y nakapamulsa akong lumapit sa entrance ng kweba kung saan nag-iintay si Timbol.

"Ano Wang madilim sa loob nyan siguraduhin mong makakalabas ka ng buhay. At kahit papaano ay mabawasan ang kaangasan mo sa dilim sa loob." tsss. Ang akala ko'y wala na syang masasabi sa akin ngayong araw ngunit nagkamali ako.

Hindi ko sya tinignan habang malumanay kong sinabing, "Inborn na nga ata sir.." utas ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"Ha! Inborn.. inborn. Tignan lang natin kung maging inborn pa yang kaangasan mo." anito na parang nagbabanta ang tono.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang mga sinabi nya at tahimik na naghintay para sa magiging kapares ko. Habang naghihintay ay nilingon ko si Vegeta.. Halata ang pigil hininga nitong reaksyon habang nakatitig at nag-iintay sa buka ng bunganga ni Timbol kung sino ang tatawagin.

At anak ng tokwa si Timbol pasuspense. Tsss. Bubuka ang bibig tapos biglang sasara tas bubuka na naman. Tokwa! Nang-iinis talaga. Kalahati pa ng buong klase ang naghihintay sa kanya. Tsk.

At makalipas ang isang minutong paghihintay sa bunganga nya para magsalita, sa wakas ay malagong ang boses na tinawag nya ang apelyido ni Renz.

Tsss. Nilingon ko si Vegeta at..

"What the heeeeck?!" biglang bulalas nya di kalayuan sa akin. At nagreklamo kay Timbol. Hindi daw tama ang listahang ginawa nito. "Hindi maaaring sila ang magkapareha! Mali ang listahang yan." paulit ulit na reklamo nya habang marahas na umiiling. Salubong ang mga kilay at bakas ang pagka-inis sa mukha.

Habang sunod-sunod ang reklamo ni Vegeta kay Timbol ay naramdaman ko naman ang pagkilos ni Renz sa tabi ko at nag-umpisa ng maglakad dahilan upang mapilitan na rin akong sumunod sa kanya papasok ng kweba.

At nang makapasok ay dinig ko pa rin ang boses ni Vegeta na nagrereklamo.

Samantalang nagpaumuna na ako sa paglalakad. Ang bagal kumilos at lumakad ng kapareha ko. Nakasunod lamang sya sa akin habang patuloy kami sa paglalakad sa loob. Hanggang sa onti-onti ng dumilim kaya naman hinugot ko sa gilid ng backpack ko ang flashlight na inihanda ko kagabi. Ganoon din ang ginawa ni Renz dahil nakita ko ang pag-ilaw ng flashlight na dala nya. Habang nagmamasid ay nakapamulsa akong naglakad pa papasok habang hawak ang flashlight sa kanang kamay. Kumikipot ang daan habang tumatagal.

Bahagya kong nilingon ang kapareha kong tahimik na nagmamasid sa kabuuan ng kweba. Nilingon nya rin ako at tinanong, "wala ka ba napapansing kakaiba?" kunot noong tanong nya.

At dahil sa sinabi nyang iyon ay pinakiramdaman ko ang paligid ngunit wala namang kakaiba maliban sa iilang huni ng mga ibon at insekto sa paligid. Nilibot ko ng tingin ang itaas ng kweba at nakakita ako ng iilang mga paniki, kulay dugo ang mga mata ng mga ito.

Bukod naman sa huni ng iilang insekto ay wala namang kakaiba. Kaya naman marahan akong nagtuloy sa paglalakad habang iniilawan ang daraanan. Ngunit napansin kong maliban sa ilaw na nanggagaling sa flashlight ay may kaonting liwanag ding nanggagaling at dulot ng liwanag sa labas na tumatagos sa iilang butas ng kweba.

Sa paglalakad ko'y kapansin pansin ang ganda ng mga nabuong structures dito sa loob. May mga nabuo pang imahe ang mga bato doon. Iba't iba ang kulay ngunit karamihan ay puti at mapusyaw na kayumanggi. Parang mga patak ng tubig na nabuo di katagalan sa isang nakakapigil hiningang pagmasdang istraktura.

Nagtuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa nakarinig kami ng mahinang kaluskos di kalayuan sa lugar namin. Sa pagkakarinig ay kunot noo kaming nagkatinginan ni Renz. At doon ako nakaramdam ng kakaiba. Kung kanina ay wala pa akong nararamdamang nagmamasid, ngayon ay mayroon na. Batid kong hindi lang ito simpleng naliligaw na exotic animal o insekto. Dalawang pares ng mga mata sa di kalayuan.

"Nasaan na ang iba? Dapat ay kasunod na natin ang iba dahil ang tagal nating tumigil sa iisang pwesto kanina." ani Renz na inilawan ang pinanggalingan namin ngunit wala naman kaming nakitang paparating. At tama sya dapat ay may mga magkapares na estudyante na kaming dapat makasalubong o di kaya'y makakasabay. Dahil ayon sa tour guide pag narating ng bawat pares ang dulo ng kweba ay may makikita kaming nakaupong pigura ng serena sa bato at pagkatapos makita iyon ay dapat babalik na ang magkapares palabas ng kweba. Ngunit hanggang ngayon, nakakalahati na halos kami sa paglalakad dito sa loob ay wala pa rin kaming nakakasalubong kahit isang pares sa mga kaklase namin. Imposibleng hindi pa nila nararating ang dulo. Dapat ang una at ikalawang pares ay papabalik na at makakasalubong na dapat namin ngunit wala kahit isa sa kanila.

Nakapagtataka..

Kaya naman nagpasya kami ni Renz na tumigil muna pansamantala upang ang kasunod na magkaparehang tinawag ni Timbol ay maabutan kami.

Sa paghihintay namin habang nakaupo sa isang batong malaki ay may nakita kaming paparating ngunit sa kabilang direksyon ito nanggagaling. Ang tinutungo nyang daan ay papalabas ng kweba habang humahangos at nagmamadali. Nang tuluyan itong makalapit sa amin ay nakilala ko agad.

Si Mona.. takot na takot at halos madapa na sa pagtakbo. Sinalubong namin ito kaagad at tsaka nanginginig nyang sinabing, "S-sina A-anton.. A-anton.." putol putol na wika nya. Kumuha naman ako ng isang mineral water sa bag at ibinigay ito sa kanya. Hingal na hingal ito habang sinasabing, "S-sina A-anton.. Zai k-kinuha sila ng mga naka itim. P-parang mga n-ninja." ani Mona na umiiyak na. Bakas ang takot sa mga mata nya.

Kaya naman hinawakan ko sya sa isang bisig nya na nanlalamig at nanginginig tsaka ko sinabing, "huminahon ka Mona. Ano ang eksaktong nangyari?" tanong ko habang pinapakalma sya at sinusuri ang lugar na pinanggalingan nya.

Ilang ulit syang humugot ng hininga upang pakalmahin ang sarili tsaka pinaliwanag ang nangyari. "N-naglalakad kami kaninang apat habang nagbibiruan pa sina Anton at Nyx. Hindi namin sinunod si Timbol sa nais nyang dalawahan lang ang dapat magkakapares bagkus ay inintay namin sila Anton ng marinig naming kasunod na din silang tinawag matapos kaming makapasok. Kaya naman sabay-sabay kaming apat  hanggang marating namin ang dulo ngunit pagdating namin doon ay biglang may naglabasang naka-ninja outfit. Balot ang katawan nila ng purong itim. Maging ang mukha nila ay hindi namin nakita." aniya ng nanginginig at halatang natatakot pa.

Bigla naman ang pagseseryoso ng mukha ni Renz matapos magpaliwanag ni Mona. "Samahan mo kami sa lugar na iyon." biglang utas niya sa seryosong tono at nag-umpisa ng maglakad patungo sa dulo ng kweba.

Kaya naman marahan na kaming sumunod ni Mona. "Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya. Parang nahihirapan syang maglakad dahil sa pangangatog ng kanyang tuhod.

"O-okay lang ako Zai." wika nya at sumunod na sa paglalakad.

Bigla ko namang naisip si Hope. "Si Hope ba nakasama sa mga kinuha?" tanong ko.

"H-hindi ko alam.. Mabilis ang mga pangyayari. Pero hindi namin kasama si Hope kanina." aniya.

Sa mga ganitong pagkakataon ay naiisip kong dapat kong turuan si Hope kung paano makipaglaban ngunit batid ko ring baka ang paglaban nya ay mas malagay sya sa kapahamakan. Sana lamang ay hindi sya iniwan at pinabayaan ng kapareha nya. Kung hindi ay hahanapin kong isa-isa ang mga kumuha sa kanila makita lang silang muli at mailigtas.

Hanggang sa marating na namin ang dulo ngunit wala kaming nakita doong ibang tao. Doon ako nag-umpisang mag-isip at limiin ang mga pangyayari.

"Sa tingin ko'y dapat tayong maghiwahiwalay sa paghahanap." suhestiyon ni Renz.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Hindi iyan ang tamang gawin. Ngunit kung nais mong humiwalay sa amin ay wala akong magagawa. Hindi ko maaaring hayaang mag-isa dito si Mona." malamig na utas ko tsaka tumalikod sa kanya. "Tara na Mona." yaya ko dito. Tinignan nya muna si Renz bago sumunod sa akin. Kaya naman mag-isang naiwan doon ang huli.

Hindi ko mabatid kung ano ang iniisip nya. Batid kong nais nyang makatulong sa paghahanap ngunit hindi ako sang-ayon sa suhestiyon nya lalo pa't maiiwang mag-isang maghahanap si Mona. Kaibigan ko na rin ito at ayoko syang mapahamak.

Ngunit sa paglalakad namin palabas ng kweba ay naramdaman kong nakasunod na sa amin si Renz.

Akala ko'y balak nya talagang humiwalay.

Sa paglalakad ay masusi kong sinuri ang bawat sulok ng nilalakaran namin kung may pagbabago. At doon ko nakita ang mga bakas ng mga sapatos sa lupa. Hindi lang ito galing sa tatlong tao. Nanggaling kami dito kaya dapat ay tatlong mga pares ng sapatos lamang ang dapat babakat dito. Ngunit nang bilangin ko'y higit sa lima.

Senyales na may nagdaan dito maliban sa amin..

Maaari nanggaling ito sa iba naming mga kaklase. O sa ibang tao bukod sa aming mga nag-fifieldtrip. Mas malakas ang pakiramdam ko na ang huli kong naisip ang tama.

Kaya naman mas tinalasan ko pa ang pakiramdam ko. Maaaring andito pa sila at maaari ding wala na. Ngunit kung totoo ang sinasabi ni Mona na kinuha sina Anton ng mga ito ay malaki ang posibilidad na magkakagulo sa labas lalo na si Timbol. Sya ang mananagot pag nagkataon sa mga magulang ng mga ito. Ngunit dahil mautak sya'y may permit syang pinapirmahan kaya maaari syang makalusot sa bagay na ito. Ngunit paniguradong sya pa rin ang sisisihin ng mga magulang.

Napailing ako sa mga naisip ko. Hindi maaaring mawala ang mga kaibigan ko at sisihin si Timbol sa pagkawala nila. Kahit kakaiba ang ugali ni Timbol ay tinuturing ko pa rin syang nakatataas sa akin at bilang guro ko.

Kaparehas ko'y panay din ang pagmamasid ni Renz sa bawat sulok na madadaanan namin. Ngunit wala na akong napansin na kakaiba maliban sa mga bakas sa lupa.

Hanggang sa makalabas kami ng kweba ay wala na kaming napansing iba. Tinignan ko ang mga taong nandoon na sa labas at may mangilan ngilan ng estudyanteng naroroon. Tsk. Nakapagtataka.. Paano silang nakalabas ng hindi kami nakakasalubong?

[O.o]

Hindi kaya may iba pang lagusan ang kweba kung saan maaaring magdaan? Tsk.

Sa pag-iisip ko'y hinanap ng mga mata ko si Hope ngunit wala ito doon. Nakaramdam ako ng pangamba ngunit nanatiling kalmado. Agad nilapitan ni Mona ang coordinator na kasama sa fieldtrip ng makita namin ito. "Sir.." tawag pansin ni Mona sa coordinator. Kapansin pansing wala si Timbol doon.

"Yes?" pagbibigay atensyon nya sa amin at ibinaba ang cellphone nya. Mukhang may kapalitan sya ng mensahe kanina ng lapitan namin.

"Sir.. nawawala po ang iba naming kasama. May kumuha po sa kanila." natatakot na paliwanag ni Mona. Hindi sya mapakali at pana'y ang pagpisil sa mga daliri nya.

Bahagyang napatawa ang coordinator sa sinabing iyon ni Mona at tinignan sya ng are-you-crazy-look sabay sabing, "syempre andon pa sila sa loob kaya nawawala pa sila at hindi mo makita dito. Baka sadyang mabagal ang mga kaibigan mong yan."

May mali sa mga nangyayari..

Labis ang aking pagtataka..

Kaya naman marahan akong tumalikod at nakapamulsa akong naglakad palayo sa kanila. Kung ayaw nilang hanapin ay wala na akong magagawa.

Dala ang backpack ko ay umalis ako sa lugar na iyon. Tinahak ko ang daan patungo sa likod ng cave at doon ko nakita ang malawak na kagubatan.

Naglakad lakad ako hanggang sa mapansin ko ang ilang mga bakas ng sapatos sa lupa. Kung titignan ang mga ito ay hindi pa nagtatagal ang mga dumaan dito. Medyo basa pa ang lupa at bago pa lamang.

Nakapamulsa kong sinundan ang mga bakas ng mga sapatos. Tinanaw ko ang dulo nito ngunit mukhang malayo layo pa ang lalakarin ko. Mapuno ang kagubatang ito kaya batid kong mabilis makakapagtago ang sinumang magtungo dito. Ngunit kung hindi naman kabisado ang lugar ay mabilis din namang maliligaw ang sinumang mapupunta rito.

Kumuha ako ng isang maliit na knife mula sa back pocket ng suot kong pants at nilagyan ko ng ekis ang bawat punong madadaanan ko. Palatandaan upang hindi ako maligaw.

Makalipas ang mahigit bente minutos na paglalakad ay narating ko na ang gitna ng gubat at doon nakita ko ang tatlo. Mahigpit na nakatali sina Anton, Nyx at Mich sa bawat puno ng niyog. Bakas ang mga galos sa katawan nila. At ramdam ko rin ang panghihina nila. May takip ang mga bibig nila at mga nakatungo dala ng panghihina.

Naikuyom ko ang isang kamao ko sa nakita. Bakit ang mga walang kalaban laban ang kinuha nila?

Sa pag-iisip ko'y nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa direksyon kung nasaan ako. Wari'y tumatapak ang mga ito sa mga tuyong dahon dahilan upang umingay ang kanilang paglalakad. Nang marinig kong papalapit na ang mga yabag ay mabilis akong kumilos at sa isang iglap ay nakaakyat ako ng punong pinagtataguan at doon tumapak sa isang matabang sanga.

Tahimik akong naghintay hanggang sa..

Dumaan sa ilalim ko ang tatlong taong naka-itim. Balot na balot ang buong katawan. Kaya naman hindi na ako nagtaka kung ang deskripsyon ni Mona sa kanila ay mga naka-ninja outfit.

Masuri nilang tinignan ang paligid bago lapitan sina Anton na ngayon ay mababakasan ang takot at pangamba sa mga mukha.

Nang makita ang sitwasyon ay mabilis na akong bumaba ng puno at nakapamulsang naglakad patungo sa tatlong taong nakaitim. Sa tindig at itsura ng katawan nila ay mababatid na puro sila lalaki. Mata lamang nila ang walang taklob at ang kabuuan ng katawan nila ay natatakpan na ng kasuotang itim.

"Zai!" sigaw ni Nyx ng makita ako kaya naman agad napunta sa akin ang atensyon ng tatlong lalaki. Mabilis nila akong tinignan at patatamaan sana ng katanang dala ng unang lalaki ngunit mas mabilis kong naitarak sa dibdib nya ang knife pocket na dala ko. Natumba sya at nabitawan ang dalawang katanang hawak na akmamg ihahagis sana sa akin.

Samantalang ang pangalawang nakaitim na lalaki ay mabilis na kumilos palapit sa akin habang mahigpit na nakahawak sa isang trench knife. Akmang sasaksakin ako nito ngunit mabilis akong nag-iba ng posisyon ng makarkula ko ang kilos nya. Mabilis akong nakagalaw papunta sa likod nya at binigyan sya ng isang malakas na hampas sa leeg dahilan upang matumba sya at mawalan ng malay.

Nang makita ang sinapit ng dalawang kasamahan ay kitang kita ko ang nanlilisik na mga mata ng pangatlong lalaki at kaagad binunot ang isang stiff-bladed dagger na nakalagay sa kanyang waist. Isa itong mahabang patalim na ginagamit bilang isang side weapon sa isang combat. Ang rounded shaped blade nito ay mabilis na tatagos sa katawan na parang isang punyal. Patakbo nya akong nilapitan at itinaas ang dalang stiff-bladed dagger upang patamaan ako ngunit sa mabilis na pagkilos ay naiwasan ko ito. Dahilan upang mas lalong ma-trigger ang galit nya. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakakuha agad sya ng isang push dirk dagger sa suot nyang itim na ninja outfit, maliit na patalim at karaniwang tinatawag na fist knife ang push dirk dagger. Dumaplis ito sa manggas ng suot kong tshirt. Kasabay ng tangkang paghiwa nya sa braso ko ay ang paghampas nya ng stiff-bladed knife na hawak nya sa kanang kamay at doon nadaplisan nya ang tagiliran ko.

Dahil puro daplis ang tira nya'y galit na galit nya akong hinarap, nanlilisik ang mga mata at wala ng kontrol ang pagpapatama sa akin ng mga patalim na hawak. Ginamit ko iyong kahinaan nya upang mabilis makita ang kanyang weakest point. Ito ay ang mga binti nyang hindi nya naisipang gamitin. Madali kong naikawit ang kanang binti ko sa kanya at paluhod ko syang itinumba. Gumulong sya ng padapa sa lupa at nabitawan ang mga dalang patalim. Habang nakadapa sya tsaka ko mariing ipinatong ang kanang paa ko sa likod nya upang di sya makakilos at makagalaw habang inaabot ko ang lubid di kalayuan sa kinalalagyan namin at mahigpit syang naitali sa isang iglap.

Tsaka ko marahang nilingon sina Anton..

At ganoon na lamang ang pagkunot ng noo ko ng makita sila..

[O_______O] <---- silang tatlo. Namimilog at nanlalaki ang mga mata. Nakita nila lahat ng ginawa ko..

Kaya naman umiwas agad ako ng tingin sa kanila at sa malayong direksyon tumingin.

Nandoon na ang mga nagtatanong na tingin nila ng kalasan ko sila sa pagkakatali. Gamit ang push dirk dagger ng kalaban ay isa-isa kong tinanggal ang pagkakatali nila. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napatingin ako sa push dirk dagger na hawak ko. Bahagyang kumunot ang noo ko ng makita ang mga nakaukit na titik na MZH.

Mafia Zeus Hexagon.

Nang makita iyon malalim akong napaisip. Dahil sigurado akong ang patalim na ito ay nagmula sa underground society ng Mafia Zeus. Ang bawat armas, patalim man o baril kung manggagaling sa Mafia Zeus Hexagon ay magkakaroon ng ganitong mga ukit ng letra.

Kunot noo akong muling nagtaas ng tingin at nakita ang mga nagtatanong na tingin galing kina Mich, Anton, at Nyx. Nanghihina man ay kakikitaan ng pagkabigla ang mga mukha nila. Ngunit hindi ko muna sila binigyang pansin bagkus ay nilapitan ko ang lalaking itinali at tsaka marahang tinanggal ang nagtataklob na maskara sa mukha nito.

itutuloy..

Please don't forget to VOTE, leave a comment and SHARE. Maraming Salamat! ♥

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 30.2K 88
COMPLETED Story Description: Accused and condemned as the murderer of Keizer's death, her late boyfriend, Denniese Imee Earl, who was considered as n...
3.6M 159K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
131K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
3.7M 95.1K 116
[Completed] A weird mysterious girl showed up at West International School. Isang babaeng walang kinatatakutan, walang sinusunod, walang kaibigan. Ev...