Possessive 4: STOLEN (PUBLISH...

By IngridDelaTorreRN

544K 9.8K 1.4K

**⚠️PREVIEW ONLY⚠️. Full story is available at shopee.ph, lazada, ebookware.ph, bookwarepublishing.com, NBS... More

Author's Note (Please Read)
Chapter 1
Chapter 3
Not an Update / #Roadto30K
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 2

28.8K 1K 187
By IngridDelaTorreRN

Wolf stifled a curse when he felt a vein pulse in his head. Masakit ang ulo niya. Hindi siya nakatulog nang maayos at buong gabi siyang binagabag ng imahe ni Dixie, his good as cold meat Executive Assistant. Isang linggo na nitong ginagampanan ang papel bilang EA niya, at isang linggo na rin siyang hindi makatulog nang maayos sa gabi. God, help him.

Itinulak niya ang double glass door ng executive office, sapo ang sentidong pumupulso sa kirot. Awtomatikong dumako ang mga mata niya sa babaeng seryosong nakatutok ang mga mata sa computer. Suot nito ngayon ang makapal na salamin sa mata. Minsan nagsusuot ito ng contact lenses. Ang pagkakaalam niya, malabo ang mga mata nito. But even with her thick eyeglasses, kaakit-akit pa rin itong tignan. It made him think of actors in adult movies with thick eyeglasses, tapos nakasuot ng kakarampot lang na tela.

Dixie wore basic makeup. Her hair neatly pinned into a knot at the back of the head. The white button-up shirt and the black pencil skirt looked good on her. Papasa itong Presidential Spokesperson. Tuwid na tuwid ang likod at nakataas ang baba kahit na nakatitig sa screen ng computer. Yet, she oozed with sensuality. There was something about her that makes him want to spread her p*ssy and f*ck her senseless. Kahit na balot na balot ito ay malakas ang pagnanasa niya rito.

Tumaas ang kilay ng dalaga nang sa wakas ay mapansin nito ang presensya niya at mabilis na dumako ang mga mata sa kamay niyang nakasapo sa kanyang ulo. "Good Morning, Sir." May nakaplaster nang pormal at malamig na ngiti sa mga labi nito. God, her coldness irritated him. Ganito rin ba ito kalamig sa nobyo nito? Napailing siya. he would never bed a deadfish. Not in this lifetime. Aanhin niya naman ang maganda kung dinaig pa nito ang rebulto sa tigas at lamig pagdating sa sex? Ano ngang tawag nila doon? Pang-display lang sa museo? Collector's item? Magandang tignan, bawal hawakan? Pero hindi na niya problema kung malamig ito sa kama. "I need coffee. No sugar. Now." Dumerecho na siya sa opisina at umupo sa swivel chair. Inihilig niya ang likod ng ulo sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata.

"Sir, kape n'yo. Walang asukal. And, Biogesic for mild to moderate pain. Para sa sakit ng ulo. Proven by millions, effective, kahit walang laman ang tiyan. Side effects may include dizziness, drowsiness, constipation, stomach upset, blurred vision, or dry mouth/ nose/ throat. If any of these effects occur, tell me promptly." Inilapag nito ang gamot at ang tasa ng nag-uusok sa init na kape sa mesa niya.

Nagmulat siya at matiim na pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa harapan niya. She spoke like a robot. Halos hindi gumalaw ang pilikmata. Walang kahit mumunting gusot sa damit nito. Hinayon niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Aha! May bahid ng maliit na dumi ang dulo ng sapatos nito. Sinasabi na nga ba niya, may makikita rin siyang mali rito. Ngumisi siya para lang mapasimangot nang maisip kung gaano siya kababaw. "Whoever said I need that? Hindi ko hininging dalhan mo ako ng gamot," pasuplado niyang sabi.

She raised her brows at him. "Masakit ang ulo mo."

"My problem, not yours. Kapag hindi ko hiningi, huwag mong ibigay. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay pinangungunahan ako. You can leave now."

Tumitig lang sa kanya ang dalaga. Hindi niya mabasa ang emosyong nasa likod ng blangko nitong mukha. And he hated it. Lalo na nang umalsa ang isang sulok ng labi nito na parang nang-uuyam. "You're in a foul mood, I'm sorry. Hindi na kita pakikialaman."

Gusto niyang iuntog ang ulo. He acted like a jerk. "Dixie," tawag niya rito. Hinilot niya ang pagitan ng mga mata. Bakit ba pakiramdam niya ay miserable siya dahil lang sa pinakitaan niya ng hindi maganda ang dalaga? "Pasensya ka na. I woke up on the wrong side of the bed."

Tumango lang ito. "You don't have to apologize, Sir. Babalik na ako sa puwesto ko."

"Iwan mo na lang rito ang gamot. Iinumin ko iyan mamaya. Safe ba iyan?"

Gumuhit ang magaan at totoong ngiti sa labi nito. Nagdiwang ang puso niya--pumalakpak na may kasamang isang padyak at malakas na yey! Hindi niya maalis ang tingin sa mga ngiti nito. He was mesmerized by her smile. 

"It is safe," anito. 

Are you safe too? Can I f*ck you now? Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba kung anu-anong kabastusan ang pumapasok sa isip niya? Siya dapat ang tinatanong nito kung ligtas ba ito sa kanya, because he could not guarantee her safety, not when she was making him horny every f*cking day!


"THAT CONSERVATIVE CHICK outside is your EA?" tanong ni Leon Rodrigazo, CEO ng Rodrigazo Mining and PowerCorp. Mabuting kaibigan ito at iisang mundo lang ang ginagalawan nila--the rich and powerful businessmen in Asia. Kasama sa listahan ang magpinsang Crexus at Clay Santa Maria. Si Crexus, CEO ng Santa Maria Chocolere Empire (SMCE). Si Clay, General Director ng Santa Maria Imperium (SMI). Kabilang din si Yarrick Sanvezera, ang mukhang maharlika na hindi na mabilang sa dami ang mga propiedad. May iba pang mga pangalang nasa listahan na hindi na niya maalala.

"Yes," walang bahid ng interes niyang tugon o mas tamang sabihing iyon ang gusto niyang palabasin. That he was not a bit interested in her. 

"Pero iba kung tumitig, brod. Kahit walang intensyong mang-akit ay nakakapanggigil pa rin. Pormal na pormal pero nag-uumapaw ang karisma."

Nagpatung-patong ang gatla sa noo niya, awtomatikong nag-init ang ulo. Ayaw niyang pinag-iinteresan ng iba ang empleyado niya. Iyon lang ba talaga ang dahilan? tukso ng isang bahagi ng utak niya. Sumimangot siya at pinukol ng masamang tingin ang kaibigan. "F*ck off, Leon. Huwag mong pakialaman ang EA ko."

Napapantastikuhan ang tinging ibinigay sa kanya ng lalaki. "Binabakuran?"

His nose flared. Ikinumpas niya ang kamay. "Hell no! She's not really my type and besides, I am already getting married."

"You are? To Lexy?"

"Kanino pa ba? Alangan namang sa unang babaeng papasok sa opisinang ito," puno ng sarkasmo niyang sabi na ikinatawa lang ni Leon. "Magpo-propose na ako pagkatapos ng kontrata niya sa ZB. I think it's time for me to settle down, and have kids. Hindi na tayo bumabata. Before we know it, may uban at rayuma na tayo."

"And worst, baka hindi na mag-cooperate si Kapitan!" ngingisi-ngising dagdag ni Leon, inginuso ang ibabang bahagi ng katawan. "Wow! Magpapatali ka na rin talaga kagaya ng magpinsan at ni Yarrick. We have to celebrate! May bagong bukas na bar diyan sa malapit. Game?"

"Yeah, I could use a few beers tonight! Wala naman nang kailangang pagkaabalahan ngayon. The business is doing well." Kinuha niya ang coat sa sandalan ng highback swivel chair.

"Smooth! Let's go!"

Tatlong katok sa pinto ang umagaw sa atensyon nila. Sumungaw si Dixie. Umangat ang magkabila niyang kilay nang makitang ayos na ayos ito na parang makikipagkita sa boyfriend. "Sir, may ipapagawa pa ho ba kayo? Kung wala na, mauuna na ho ako."

Napatingin siya sa wristwatch. Ten minutes to six. Kadalasan ay late nang umuwi ang EA niya. Inaabot pa ito minsan ng alas nueve sa opisina. Hindi siya sanay na nagpapaalam ito nang maaga ngayon. "It's early," komento niya.

"May date po kami ng boyfriend ko."

Awtomatiko ang pagdidilim ng mukha niya. "Date?"

Tumingin sa kanya si Leon bago ngumisi nang nakakaloko. "I'll enjoy this," he murmured, grinning.

"What?" baling niya sa kaibigan.

"Nah! Huwag mo akong pansinin. May pinag-uusapan kayo ng EA mo." Tumuon ang atensyon ni Leon sa dalaga. "Monthsary?"

Sandaling hindi umimik si Dixie bago determinadong tumango. "Yes."

Lumawak ang ngisi sa labi ni Leon. Lumakad ito patungong couch at ibinagsak ang katawan doon. "Nice. Yeah, you can go. Spend quality time with your boyfriend. Baka nga mag-regalo pa ng room sa isa sa mga prestihiyosong hotel niya itong si Wolf."

Matalim ang tinging ipinukol ni Wolf sa kaibigan. "Ikaw ba ang boss niya?" Nagkikiskisan ang mga bagang niya sa inis. Inihagis niya sa couch ang coat at bumalik sa likod ng executive desk. "Hindi ka pa puwedeng umuwi. Marami pa tayong kailangang tapusin ngayong araw. We have to extend until 10PM." His face was grim as he told her the bad news.

"10PM?" gulat na ulit ni Dixie.

Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Leon, nakakaloko pa rin ang kislap sa mga mata nito. "Akala ko ba ang sabi mo kanina ay wala nang kailangang pagkaabalahan ngayon?"

"Kanina iyon, Leon. Ngayon ko lang naalalang marami pa pala kailangang tapusin." He smiled with a wry twist of his mouth, intently looking at Dixie's disappointed face. "So, cancel your date, Ms. Diola."

Kung ang paniningkit ng mga mata ng dalaga ang pagbabasehan, natitiyak niyang nagpupuyos ang kalooban nito. The hell he cared! Makikipagkita lang naman ito sa boyfriend nito. Date his ass!

"Can I say something, Sir?" Mababakas ang tinitimping galit sa maganda nitong mukha.

Ikiniling niya lang ang ulo.

"You are an asshole." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito. SIya naman ay naiwang nakanganga.

"Burn! That was crisp, brod! Mabagsik ang EA mo!" Tawang-tawa si Leon. "At ano na ngang sabi mo kanina sa unang babaeng papasok dito sa opisina mo? I like that version way better."

"Pagsisisihan niya ang sinabi niyang iyon!" nagngingitngit niyang sabi. His lips curled into a nasty frown. "I'll cut her f*cking tongue out next time!"

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 104 3
A friend. That is what they think they are. But as the time goes by... things changed.
2.6K 128 5
Raven is a 30 year old drop dead gorgeous man with mesmerizing eyes. His body is built like a Greek god making it hard for women around him to not fa...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...