Dear LoveBug (PUBLISHED)

By justchin

13.5M 212K 49.2K

Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayar... More

Dear, LoveBug ..
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 ( The real start)
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60.1
Chapter 60.2
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter
NEW YEAR SPECIAL CHAPTER
the new chapter

Chapter 57

184K 2.8K 978
By justchin

Hindi natuloy ang bakasyon na pinlano nila Chin at Thunder ..

Napag alaman nila Dara na isa yun sa mga plano ni Chin bago pa man sya inatake sa puso ..

“Hubby .. what do you think about hanging out in the weekends?” tanong ni Dara sa kasamang si Iko.

“Ok lang naman Wifey ..”

“Ako na lang sana ang mag aayos for Chin .. para naman pag umayos na ang lagay nya pwede natin sya makasama .. “

“Sure ... pwede naman siguro yun kung maayos na ang lagay ni Chin ..” paalala ni Iko sa kanya ..

Napabuntong hininga si Dara .. medyo nagi-guilty din sya sa nangyaring sagutan sa pagitan nila ni Thunder .. naramdaman nya ang paghawak ni Iko sa kamay nya at pagpisil nito.

“Do not worry too much Wifey .. hindi naman natin ginusto ‘to .. what we need is to help each other .. let’s fight for Chin .. siguro pag nakita nyang lumalaban tayo para sa kanya lalakas din sya .. at gagaling eventually.”

Nangingiti na lang si Dara na tumnago sa nobyo .. nakarating sila sa Hospital. Katulad ng  pinagplanuhan nila kagabi ay dadaanan muna nila si Chin at bibisitahin ..

Pagpasok sa loob ay nalaman nilang maayos na ang lagay ni Chin at stable na din.  Natuwa sila sa balita na yun .. nasilayan ni Iko ang matamis na ngiti ni Dara .. may pag mamadali na pumunta sila sa private room kung saan ito nilipat ..

Malapit na sila sa tapat ng lumabas sila Storm at Araya mula sa loob .. agad na bumati si Araya sa dalawang bagong dating ..

“Uy goodmorning ..” masayang pagbati nito .. mahuhulaan mong maganda na talaga ang lagay ni Chin dahil sa maaliwalas na ngiti ng dalawa.

“Oy morning Fre!” manhug ni Storm kay Iko .. “Namiss kita bakit di mo manlang ako binista kagabi?” malanding sabi ni Storm.

“kadiri ka Storm. Lumayo ka nga sakin.” Inis na sabi ni Iko.

Kaya naman napatawa ang dalawang babae sa nakita nilang kalandian ni Storm.

“Landi mo talaga.” Saka sya kinurot ni Araya sa tagiliran.

“Fudgee barr .. si Iko kabit ko lang .. ikaw ang legal wife.”

“Tumigil ka sa kalokohan mo ah kung ayaw mong ma-hashtag: SINGLE.”

“Sabi ko nga joke lang yun eh .. di ka na mabiro hehe ..” halatang natakot si Storm sa banta ng girlfriend nya ..

“So kamusta na pala yung dalawa?” nguso ni Dara sa pinto na ang tinutukoy ay si Thunder at si Chinchin ..

“Ok naman na si Chin stable na ang lagay. Si Thunder naman ata ang malilipat sa ICU.” Iiling iling na sabi ni Araya.

“Ha? Bakit?”

“Bukod sa puyat na magdamag ayaw pang kumain, tapos ayaw pang umalis sa tabi ni Chin .. sinukuan na lang namin ni Storm sa pagpipilit na magpahinga muna ..”

“Too much love is nakakamatay.” Bulong ni Iko. “Baka mauna pa sya kay Chin nyan sa ginagawa nya. Teka nga kakausapin ko muna sya.” Papasok na sana si Iko sa loob ng bigla syang pigilan ni Dara.

“Wait muna. Sa canteen tayo.” Aya ni Dara kaya naman napasunod na lang sila.

Naunang maglakad si Dara at Iko .. nakasunod lang naman sila Araya at Storm.

“Sabi ko nga kung pwede ko lang i-donate yung puso ko binigay ko na eh .. kaso na kay Araya na ..” narinig pa nilang banat ni Storm. “Aray!” kasunod na sabi nito. “Fudgee barr naman .. bumabanat na nga ako dito eh ..”

“Kaya nga binabanatan ka din eh ..” bulong ni Iko na ikinatawa nila ..

Pagdating nila sa Canteen ay naupo sila at agad naman na nagkusang kumuha ng maiinom nila ang dalawang lalaki.

“So ano yung sasabihin mo?” tanong ni Araya.

“Paano mo nalaman na may plano ako?” mangahang tanong ni Dara sa kaharap.

“Obvious naman eh ..”

“Gusto ko sanang mapagplanuhan natin ang weekend get away ng barkada .. kahit dito-dito lang .. after maayos ang kalagyan ni Chin .. ayun daw pala kasi ang plano ni Chin before sya ma-ospital ..” saktong pagkatapos nung sinabi nya ay naupo sa tabi nila ang dalawang lalaki.

“Magandang plano nga .. push natin.” Sabay higop ng hot chocolate na binaba ni Storm sa harap nya.

“So tuloy natin ang bakasayon?” pakukumpirma ni Iko sa kanila.

Napatango lang si Dara at nagtitigan sila ni Araya na tipong nag uusap ng tingin.

“Ok sige .. kailan nyo balak?” tanong naman ni Storm. “nang maihanda ko na ang condom ko--aw.” Isang sapok mula kay Araya ang nag landing kay Storm.

“Anong condom pinagsasabi mo jan Storm?” mataray na tanong ni Araya.

“Fudgee barr yung condom –ano ..  ibebenta natin sa kanila ..” nguso ni Storm sa dalawang kaharap .. “Bagong business ba ..”  balak lumusot ni Storm pero naabot ni Dara ng sabunot ang buhok ni Storm.

“Sira ulo ka Storm ..” sabi ni Dara habang sinasabunutan sya  .. “Gusto mong makatikim ng sampal ng high heels ko?”

Nagtawanan naman sila at saka tumayo na ..

“Aayusin pa namin yung details ng baksayon kung saan tayo pwede .. more or less sana this weekend na .. tapos yung private lang .. saka sana lahat  makasama ..”  ani ni Dara.

“Keri lang yan girl! Why not mag usap na tayo mamaya .. I’ll call them ..” suhestyon ni Araya.

“Bet!” nagcheck si Storm sa ere na tila bading.

“Mauna na nga kami .. pakainin mo yan si Storm ah Araya .. nalilipasan na ng gutom yan eh!!” bilin ni Iko bago sila naghiwalay.

Sila Storm at Araya ay lumabas na .. sila Iko at Dara naman ay tumuloy na sa private room ni Chin.

Tatlong katok ang ginawa ni Dara bago nila ito buksan ..  nakita nila si Thunder na nakayuko sa tabi ni Chinchin .. pero ang mas nakakatuwa ay nakita nilang gising si Chinchin at marahang nagsenyas sa kanila na tumahimik ..

matatawa naman silang tumango .. at tahimik na naglakad patungo sa kabilang panig ng kama ..

“Kamusta ka na?” nakangiting tanong ni Dara sa kaibigan.

“Fine. Sorry nag aalala na naman kayo ah.” May lungkot ang kislap ng mata ni Chinchin.

“Sino naman nag sabi na nag alala kami? Di kaya no.” iiling iling na sabi ni Iko na nagpangiti sa kanila.

“Talaga di kayo nag alala sakin?” natatawang tanong ni Chin.

“Hindi talaga. Chillax nga lang kami eh.”  Nagdekwatro ng upo si Iko sa couch na nasa gilid ng kama nila.

“Pabayaan mo nga yan .. you want something to eat?” tanong ni Dara sa kaibigan ..

“No thanks na lang.” saka nginuso ni Chin ang pinagkainan nya sa gilid ng mesa. “this doctor never missed a point in taking care of me.” nakangiti si Chin na tumingin sa natutulog na si Thunder sa tabi nya ..

“That’s good. So di na kami magtatagal ah? Aalis na din kami .. babalik kami mamaya. Pagaling ka agad ah?” bilin ni Dara.

“Magaling na ako.” Nakangiting sagot ni Chin.

“Very good. So bye na.” nagbeso muna ang magkaibigan bago umalis .. isang tapik sa balikat ang ginawa ni Iko bago sila nag si-alisan.

Kinagabihan ..

“Ako may alam na magandang resort .. kaso kailangan natin magbangka ng isang oras bago makarating doon ..”

“Ge Storm .. push mo yan .. unang una may sakit si Chin .. pangalawa buntis si Chelsea .. pangatlo .. may ilang araw lang tayo para magawa ang best vacation ever natin!” remind ni Venice sa kanila.

“Sabi ko nga .. wala akong alam.” Saka sumandal si Storm sa upuan.

“Here! Oh .. meron private resort dito sa Batangas .. “ tili ni Chelsea na isa sa excited ..

“Mahal puso mo .. excited masyado eh ..” paaalala n Cliff sa asawa.

“Bilis amina phone tawagan nyo na ..” parang walang narinig si Chelsea sa sinabi ng asawa nya ..

“Patingin ..” nakitabi si Venus kay Chelsea at tinignan ang private resort na nakita nito sa internet .. “Wow .. maganda naman pala ang facility nila eh .. and look oh ..  may availabale slot pa, C’mon call na natin!” isang tapik sa balikat ang ginawa nito sa katabing asawa na si Clinton.

“Eto na HoneyMyLoves .. tumatawag na oh .. relaks lang ..” paalala ni Clinton sa asawa nya ..

“How much is the stay?” tanong ni Iko ..

“Easy lang Tol … di pa tayo naghihirap ..”

“Hindi pa ngayon .. pero pag nagpakasal na kami ni Dara  baka maghirap na ako!”

Pansamantalang natahimik ang lahat at nagpalit palit ang tingin sa dalawa ..

”Dara?” tanong ni Venice ..

“Uhm ..” di alam ni Dara kung paano sasabihin sa mga kaibigan ang plano na nilang magpakasal.

“Woaaaaahhh ... fudgee barr mauunhan nila tayo !” sigaw ni Storm.

“Storm magkatabi lang tayo oh .. makasigaw ka naman .. saka hello? Engaged na sila kaya natural lang na magpakasal na sila .. utak Storm!” iiling iling na sabi ni Araya.

“So magpapakasal na talaga kayo? How sweet ..” kinikilig na sabi ni Venice.

“At dahil dyan .. sagot ni Iko ang pagkain ngayon!” sabi ni Clinton ..

“tahimik guys .. nag ri-ring na oh ..” senyas ni Venus sa phone na may kausap na sya ..

After a while ..

“So .. ok na .. weekend vacation is coming up .. pero paano yung dalawa?” tanong ni Venus na ang tinutukoy ay sila Thunder at Chin ..

“kami na bahala ni Baby Elo kumausap sa kanila ..” pag volunteer ni Venice

“Oh right! Pero wag nyo munang sabihin na about sa vacation para surprise!” sabi ni Dara.

“Teka baka naman atakihin sa puso si Chin pag na-surprise sya?” may pag aalalang tanong ni Elo.

Nagka tinginan sila at nag aalala ..

“We’ll ask Chin’s doctor kung ano ang pwede at hindi sa kanya .. don’t worry guys ..”  sabi na lang ni Venice.

“Okay . okay .. sige ha .. alis na kami.”  tayo ni Cliff at hila kay Chelsea ..

“kami din alis na kami ..” tumayo na din sila Araya at Storm ..

Sumunod na din sila Clinton, Venus, Venice at Elo ..

“Sagot mo yan Tol kasi ikakasal ka na ..” tapik ni Elo sa kamabal.

“ena naman Tol eh .. nagtitipid na nga ako eh ..”

“Fre wag kang patawa .. di ka mahirap ..” batok ni Clinton sa kanya ..

“Naman oh ..” angal pa din ni Iko ..

Sumenyas si Storm ng cheat nila at agad na inabot ng waiter ..

“Sya po magbabayad tapos magbibigay sya ng malaking tip.” Dagdag ni Venus ..

Nagtatawanan na umalis ang mga magkakaibigan at nagkanya kanya na ng uwi.

Sa sasakyan ay magkasama sila Venice at Elo ..

“Ikakasal na sila Dara at Iko .. naakakatuwa no Baby?” yakap ni Venice sa nobyo habang nag da-drive.

“Masaya nga Baby kasi mag isa na lang ako sa room ko ..” lihim  na lang ang pagsimangot ni Venice, iisa na lang naman kasi ang iniisip nya ..

‘Kelan kaya sya aayain ni Elo ng kasal?’

“Yun lang ba baby?” tanng Venice.

“Maraming foods sa kasal .. tapos syempre ako ang bestman ..” nakangiti pa din ni Elo ..

 “OK ..” umayos na ng upo si Venice at tumingin na lang sa labas ..

In her mind .. she’s not getting any younger .. maganda ang carreer nya .. stable na ang kita nya .. in fact malaki na ang ipon nya .. maluwag na ang schedule nya ngayon kasi patapos na ang shooting ng pelikula nya .. nasa finishing stage na sila .. after ng kanilang promotions ay  maluwag na ang sched nya ..

Nagdadalawang isip na nga sya na tumanggap ng mga new projects .. parang may hinihintay sya na sign .. sign para sa mga next decision nya ..

Binigyan nya ng isang tingin ang nobyo .. She has no other dream than wearing an elegant white gown while walking down an aisle. Waiting at the end of it is Elo looking at her like she’s the most important thing in the world ..

Kailan?

kailan kaya mangyayari yun?

Nagulat pa sya ng huminto sa tapat ng bhay nila ang sasakyan ni Elo .. andito na pala sila ..

“Sleep tight Baby .. wag kung anu ano ang iniisip mo ..” parang nahulaan ni Elo ang iniisip nya dahil pinapayapa nito ang utak nya ..

She smiled and kissed Elo on the lips .. a gentle kiss ..

Elo just smiled .. pinindot na nito ang doorbell para kay Venice .. habang hinahantay naman nya ang pagbukas ng pinto ay yumakap si Venice sa likod nya ..

“I love you Baby ..” bulong nito kaya napaharap sya dito ..

“I love you too .. okay?” Elo kissed her forehead na ikinangiti nya ..

Nagulat pa sila ng may sumigaw ..

“Gabi na naglalandian pa kayo jan!” si Clinton pala ang sumigaw at huminto papara lang umeksena ..

Umalis din naman ito pagkatapos tumawa ng malakas ..

Naiiling na lang silang dalawa ..

“Pasok na .. dadaan pa tayo kay Thunder bukas ng maaga ..” paalala ni Elo.

Tumango lang si Venice pero bago yun ay idinampi muna nito ang kamay sa labi bago idampi sa labi ni Elo at nagmamadali ng pumasok sa loob.

Naiiling na lang si Elo na bumalik sa sasakyan nya ..  nagdrive sya pauwi at nakasabay pa nyang bumaba ng sasakyan si Iko ..

“Congrats!” batok nya.

“Mag co-congrats na lang babatok pa?” inis na sabi ni Iko ..

“Ang daya .. bakit nahuli kong malaman ?” tila nagtatampo si Elo.

“Surprise nga diba? San ang surprise kung malalman mo din naman bago namin sabihin?”

“Chill .. ang  init mo naman. Di ka maghihirap sa pagpapakasal no.” tawa pa din ng tawa si Elo. Magkasabay silang pumasok sa loob .. pero nagulat sila ng makitang  maliwanag ang buong bahay .. pero mas nakakagulat na nag du-duet ang tatay nila at si Ivan ..

“Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan ..” kanta ni JD

“Tay may bukas pa ..” tapik ni Iko sa tatay nya ..

“Hi Nong!” bati naman ni Elo at naupo sa tabi ni Ivan.

Agad naman dumating ang kanilang butihing ina na may mga pagkaing dala ..

“Kung alam ko lang ako magbabayad ng kinain natin sana dito na lang ako kumain ..” di pa din maka move on si Iko sa pagbayad nya ng cheat nila.

natatwa na lang si Elo at tinapik ang kanyang kambal. “Nay ano problema nyan?” nguso nito sa dalawa.

“Nagce-celebrate daw na mababawasan na ng papakainin sa bahay nila.” Natatawang sabi ni Asha.

“Tol .. malaki na savings natin .. aalis na si Dara sa bahay ko ..” yakap ni Ivan sa kaibigan.

“Oo nga Ivan .. pwede ko na bawasan sahod mo ..” sagot naman ni Dale.

“Walang ganyana balae ..”

“Mukamo .. boss mo ko ..”

“Wag ka nga .. mag aasawa na mga anak natin .. balae na tayo ..”

“Sila lang mag aasawa di tayo no ..”

“Yung anak ko!” biglang palahaw ng iyak ni Ivan .. “Kahit maldita yun mahal na mahal ko yun ..”

“Kahit naman nakalunon ng electric fan yung si Iko ko .. mahal ko pa din yun .. sperm cell ko yun eh!” emote din ni Dale.

“Hoy kayong dalawa .. magsitigil nga kayo! Para kayong mga bakla ..” inis na saway ni Andrea .. asawa ni Ivan at nanay ni Dara .. in case na hindi nyo alam.

Sa isang tabi ay tawa naman ng tawa ang kambal sa mga nakikita .. in fairness mahal pala sila ng mga tatay nila ..

“Eh ako Tay? Di mo ko mahal?” emote ni Elo.

“Oh Iko anjan ka pala!” turo nito kay Elo.

“Tay Elo ‘to .. Elo ..”

“Elo .. hehe .. wag ka munang mag asawa ha?”  biro lang ng lasing  na si JD pero kahit ganun ay naapektuhan sya .. wag munang mag asawa?

Pano sila ni Venice?

“Akyat na ko .. “ tapik ni Iko na nauna ng umakyat.

Napatingin na lang sya sa Tatay nya at kay Ivan na patuloy pa din sa pagkanta ..

“Don’t listen to your Tatay .. he’s just joking.”

Napangiti si Elo sa nanay nya .. the best nanay on Earth.

Para nyang nababasa ang isip nila. Ngumiti na lang sya at nagpaalam na din at umakyat.

--

Thursday.

“Welcome home Chinchin!” bati nila sa pagpasok ni Chin sa loob ng Condo ni Thunder. Kumpleto sila as in kumpleto.

“Tubig oh .. baka masurprise ka … joke lang yun  ..”  agap ni Storm kay Chin.

“Pamayapay …” sabi din ni Clinton at over sa pagpaypay kay Chin ..

“Humihinga ka pa ba?” tanong ni Cliff na nilagay ang hintuturo sa ilong nya ..

“Teka eto may stethoscope dito!” lapit ni Elo at tinapat sa puso ni Chin ang device .. “Leche .. di ko magets ..” sabay hila kay Thunder para sya ang mag check ..

“Kailangan ba ng gamot? eto oh?” abot ni Iko ..

Dahil sa ginawa ng mga lalaki ay nag irapan ang mga babae .. ka-OA-han overload .. mas mahina pa puso ng mga to kesa sa kanila ..

“Ang OA ah .. layo nga ..“ singit ni Yesha at hinawakan si Chin .. ganun din naman  ang ginawa ni Miyu ..

“Alam mo ba Ate ang dami naming plano! We’re going to vacation tomorrow .. but before that we’ll have our bonding here!”

“We planned a pajama party!” tuwang tuwa na pagkwento nila Miyu at Yesha saka pinaupo si Chin sa couch ..

“Teka ha .. wala ata s aplano yun?” angal kaagad ni Cliff ..

“Kasi di naman kasama ang boys no .. kami lang kasi yun ..”  sagot ni Dara ..

“Eh paano kami?” tanong ni Storm.

“Edi umuwi kayo.. look oh .. ready na ang gamit namin for tomorrow.” Turo ni Venice sa mga bagahe nila ..

“Ayos! So kami pa ngayon ang nawala sa eksena tapos kami pa ang financial.” Ani ni Iko ..

Tatawa tawa lang naman ang mga girls ..

“Unfair ..” ungot ni Clinton.

Naipon sa gitna ang mga babae .. habang ang mga lalaki naman ay nag ngingitngit sa isang gilid.

“Teka I’ll call for foods na .. let’s prepare na girls!” hyper na sabi ni Venice ..

“Yehey start na ng pajama party!” naghiyawan sila ..

Pero agad din na nahinto ng makitang nakatingin lang sa kanila ang mga kalalakihan ..

“Hoy ano pang ginagawa nyo jan?” tanong ni Venus.

“Okay lang kami dito .. don’t mind us ..  kunyari wala kami .. hehe ..” sabi ni Storm ..

“Umuwi na kayo .. pumunta na lang kayo dito ng Three am ..” sabi ni Venice.

“Wag nyo na lang kaming pansinin dito .. kunyari display lang kami oh ..” sabi ni Cliff na nagsihilera sa gilid ng wall ..

“Hindi pwede. Uwi na ..” pagmamatigas ni Chelsea.

“Eh pano kapag napaanak ka?”

“Cliff .. hindi ko pa kabwanan ok? Wag kang OA.”

“Hala .. sige alis na ..”

“Wow ha! Unit ko ‘to tapos paalisin nyo talaga kami ..

“Hindi nga kasi pwede .. girls bonding ‘to!” sabi ni Araya.

“Ay sisteret! Ako’y isang dyosa sa lahat ng dyosa .. waley kayo sa kaganadahan ko!” nagboses bakla si Thunder na ikinatigil nilang lahat ..

“Me too .. mare .. waley lang akong boobita .. pero maganda ako!” gaya ni Storm.

“Check ka jan mars! Lezz have party party na!” Sali naman ni Iko.

“Welcome sa federasyon!” sigaw ni Elo.

Nakakatawa na sana ang pagta-trying hard nila .. kaso nakakadiri tingnan ..

“Hindi nyo kami malulusutan .. umalis na kayo ng makapagsimula na kami sa party namin ..”

Parang gwardya na pinagduldulan nila Yesha at Miyu ang mga pinsan para umuwi na.

“Five thousand Miyu .. hayaan mo ko dito ..” bulong ni Iko ..

“Hinde sinabi!”

“Ten thousand!”

“Higher!” sabi ni Miyu.

“K. alis na ko. Have fun!” biglang alis ni Iko.

Na ikinatawa nilang lahat.

“Ikaw?” tanong ni Yesha kay Clifford na ayaw iwan si Chelsea.

“Chelsea .. wag kang magpupuyat ah? Yung vitamins mo .. tapos wag kang iinom ng alak .. alagaan mong mabuti yung baby natin ..” madamdaming  paalam ni Cliff ..

“Cliff .. ilang oras lang tayong di magkikita ok? Umuwi ka na ..”

Laylay ang balikat na naglakad si Cliff .. ang hirap iwan ng asawa lalo na at buntis pa.

“I love you ..” kaway pa ni Chelsea bago sya makalabas .. kahit pano sumaya naman sya ..

Paglabas nya ay parang mga tangang nakaupo sa sahig yung mga pinsan nya .. si Thunder nagtangka pang sumilip bago isara ni Yesha ang pinto.

“Uwi na.” huling sabi ni Yesha bago isara ang pinto.

Si Elo at Iko naka sandal sa wall .. si Storm at Clinton hawak ang  cellphone nila ..

“Di kayo uuwi?” tanong ni Cliff.

“Ayoko iwan si Baby ko .. “ sagot ni Elo.

“Me too .. ikamamatay kong iwan si Wifey.” Madamadaming na sabi ni Iko.

“Kayo?” tanong ni Cliff kay Clinton at Storm.

“Wow lakas ng wifi dito ah .. makapag FB nga muna ..” sabi ni Storm.

“Yehey! May Update ang wattpad ko! Magbabasa muna ako ng Dear, LoveBug.” Sabi naman ni Clinton.

Parang mga tanga. Parang mga walang wifi sa bahay nila. Laki laki ng mansyon walang wifi. Sa isip isip ni Cliff.

“Ikaw?” tanong nya kay Thunder.

“Ayaw pa nilang umuwi edi di din ako uuwi.” Sagot nito.

Ilang minuto na silang nagbabantay ng may dumating na Pizza Delivery. Nawiweirduhang tumingin sa kanila yung delivery boy.

Nagulat pa sila ng huminto ito sa pinto ng unit ni Thundeer. Bago pumindot ay tiningnan naman sila nito saka umiling iling.

Ilang saglit pa ay halos masubsob sa pinto ang delivery boy dahil nagunahan silang makasilip sa pinto kaya naman ang nangyari ay pagbukas ng pinto subsob silang lahat ..

Mabuti at hindi nadaganan ang Pizza.

“Diba pinauwi ko na kayo?” tanong ni Yesha.

“Hehe ..” isa isa silang mag si-ayusan ng tayo

Pero agad naman nag sara ng pinto si Yesha. “No boys allowed.” Rinig nilang sigaw nito bago pasara ang pinto.

Nag doorbell ulit ang Deliver boy.

“Mam. Yung bayad po.” Kamot ulo na sabi nito ..

“Sila po magbabayad.” turo ni Miyu sa mga lalaki.

“Uwi na pala ko .. ge.” Aalis na sana si Iko ng pigilan sya ni Clinton.

“Bayad daw. “

“Anak ng .. ako na lang lagi?”

“Ge para fair .. ambagan.” Isa isa silang naglabasan ng wallet.

“Magkano Kuya?” tanong ni Elo.

“One thousand five hundred po.” Sagot ng delivery boy.

“Oh yan limang piso .. one thousand four hundred ninety five nalang kulang.” Bagsak ni Iko ng limang piso sa lapag na kinukumpulan nila.

 “Isang daan .. taena panload ko pa yan.” Sabi naman ni Clinton.

“Oh bente .. wala na talaga kong pera.” Sabi naman ni Storm.

Si Cliff naman sumunod na nagdukot sa bulsa nya.

“Kinse. Kaso kulang ng bentesingko eh.” Sabi nito matapos bilangin ang barya na nakuha sa bulsa nya.

Napa kamot na lang sa ulo ang delivery boy sa ginagawa nila ..

“Oy sayo Thunder? Elo?”

“tngna wala na akong pera. Nagbabalak ako mag propose kay Venice wag nyo kong hingian.” Sabi ni Elo.

Pagkatapos nitong magsalita ay mabilis na nag agawan sa perang nasa lapag ang mga nag ambag .

Nagulat ang delivery boy.

“Oy wag kayong magulo. Kulang ng piso to.” Angal ni Cliff ng bilangin yung barya nya.

Naglipat lipat ng tingin yung delivery boy.

“Sya po magbabayad kasi mae-engaged na yan.” Sagot ni Iko.

Nagulat si Elo tapos napakamot na lang sa ulo ..

“Kaanuhan nyo.” Iiling iling naglabas ng dalawang libo si Elo. “May five hund-“

“Keep the change na daw.” agaw ni Iko sa dalawang libo at abot nito sa delivery boy.

“Gantihan lang.” natatawang sabi ni Iko.

“Kuu pag ako talaga mag aasawa na di ko sasabihin sa inyo!” sabat ni Storm.

“KUNG ikakasal ka?” ganiti ni Clinton.

“Che pag ako kinasal di ka invited! HMP.”

Mag iisang oras na silang nakatambay sa labas.

“Ang boring.” Biglang nasabi ni Thunder.

Nakatulog na ang dalawang nagce-cellphone kanina .. si Storm at si Clinton.

“Kakanta ako.” Sabi ni Elo.

“Ako muna.” Sabi naman ni Iko.

“Ena naman Iko eh. Nauna ako eh.”

“Kumanta na lang kaya kayo ng sabay no.” suggest ni Cliff ..

Nagkatinginan ang kambal saka huminga ng malalim para makakhua ng tyempo.

“Coz all of meeeeeeeeeeeeeeee loves all of youuuuuuuuuuuuu ..” kanta ni Iko.

“Can I have your daughter for the rest of my leife say yes say yes coz I need to knowwwwww ..”

Sa pinagsamang kanta nila Iko at Elo ay nagising si Storm at Clinton.

“San ang sunog?’ tanong ni Storm.

“San? san? san?” naalimpungatan na tanong ni Clinton na tila may kaaway pa at naka amba.

Nagtawanan silang lahat .. pero bigla naman napalakas kaya bumukas nag pinto .. sumilip si Miyu.

“Di pa din kayo umaalis?” tanong nya ..

“Ayaw pa.” sagot ni Thunder na umiiling iling.

“K.” sara ni Miyu ..

Ilang minuto ay biglang namatay ang ilaw sa labas ng unit.  Nagkatitigan sila.

“Ganito yung sa maga horror story ah.” Wala sa loob na sabi ni Thunder.

“Taena uwi na ako baka hinahanap na ako ni Aya.” Sabi ni Clinton.

“Inaantok na ko.” Sabi ni Iko. Sumabay tumayo si Elo at magkaholding hands silang umalis.

“Ayoko na .. ang hina ng wifi dito.” Sabi din ni Storm.

“Ge una na ko.” Saka humabol sa pag lalakad ng mga pinsan na si Cliff.

Si Thunder naman ay iiling iling na din na naglakad. Sumunod na sya sa mga pinsan. Nakakatuwa na  kahit na ganito kaloko ang mga pinsan nya ay napapatawa pa din sya ..

Kampante naman sya na sasaya si Chin sa simpleng handaan ng mga kaibigan nito.

Girls’ bonding nga daw kasi.

--

“Ok na .. clear na sa labas!” sabi ni Miyu ng silipin nya ang pinto.

“Grabe Infairness ang tyaga nila ah ..” natatawang sabi ni Venice.

“So let’s start the pajama party!” tuwang tuwa na sabi ni Dara na tumayo pa sa couch.

Mga nakapagpalit na sila ng damit .. pajama kung pajama .. at may kanya kanyang kulay pa. tapos nag shirt nila may mga pangalan ng lalaki sa likod .. may heart sa harap.

K. alam nyo na ang pangalan ng mga lalaki na iyon.

“Guys picture picture!” tuwang tuwa na sabi ni Araya .. at sinet-up ang DSLR sa tripod.

Tapos tumalikod sila para ipakita ang names ng shirt nila sa likod.

“Ok .. truth or dare naman tayo!” nag ipon sila sa baba at pinaikutan ang mesa. May mga koloreteng nakahanda sa harapan..

“Una ka Chin.”

“Ako talaga? Teka ano .” di pa maka isip ng pipiliin si Chin. “Truth na lang.”

“Hmmm truth? Naka first base na ba sayo si Thunder?”  tanong ni Dara.

“Anong first base? Tanong ni Chin.”

“Kiss.” Sagot agad ni Miyu.

“Ah ..” tatango tango sya.

“So?” untag ni Venus sa kanya.

“Ah oo ..” nahihiyang pag amin nya ..

Kasunod nito ay ang hiyawan ng mga kasama nya.

“Kyaaaah how was it?” tanong ni Chelsea.

“Uhm .. ok lang ..” natatawang sabi nya.

“Kwento kwneto kwento!” sigaw nia Yesha at Miyu.

“Next na .. “ natatawang sabi ni Chin ..

Si Dara ang nasa katabi nya kaya naman tiningnan nya ito.

“Dare.” Agad na sabi ni Dara.

“Okay Dare!” hawak ang lipstick ay sinulatan ni Venice ng ‘IKO ‘ ang noo ni Dara. Wala syang alam kung anong sinuat nito dahil bawal magsalamin .. biglang nag flash ang camera ni Araya.

Pero biglang naghagikgikan ang mga kasama nya ..

“Next na ..” si Venice ang katabi nya.

“Truth.” Sagot ni Venice.

“Ok so eto ang tanong.” si Venus ang nagtatanong. “Anong nangyari sa inyo ni Elo .. bakit kayo nag away nung nasa Bicol tayo?”

“Waaaaaaaah.” Agad na nagtakip ng mukha si Venice ng maalala nya yun. “Ayoko na. Dare na lang pala!” tili nya.

Nagtawanan sila sa reaction ni Venice ang cute nito dahil namumula pa. nag click na naman ang camera ni Araya. Ayan na naman ang stolen.

“Wala na Truth na eh!” chorus na asar ni Miyu at Yesha kahit wala naman silang alam.

“Go sis kaya mo yan ..” asar ni Chin ..

“Ano kasi eh .. you know ..”

“Hello we don’t know!” ayan na naman ang pag duet nila Yesha at Miyu.

“Oo na eto na nga .. kasi ano .. gusto ko ng may mangyari sa amin ni Elo .. kaso .. ayaw nya .. he respect me daw ..” sersysong pagkwento ni Venice.

“Pa-virgin si Kuya ah.” Comment ni Miyu.

“Pabebe eh.” Sa Yesha din.

“Ok lang yan Girl. Atleast buhay pa ang bataan!” tapik ni Venus.

“Hey ikaw na ..” kalabit ni Chelsea ..

“Ako na ba. Truth din.” Sabi ni Venus.

“teka .. isip ako,” sabi ni Dara.

“Ako!” sigaw ni Yesha.

“Chill magkakatabi lang tayo oh.”  Sabi ni Chelsea.

“Teka lang. pasilip nga ng eardrum ko kung nakakabit pa..” sabi ni Araya nakatabi ni Yesha.

Nagtawanan sila sa sinabi ni Araya.

“Ok Yesha anong tanong mo?” Tanong ni Dara.

“Paano ginawa si baby Aya?” tserious pa si Yesha nyan.

“Waaaaaaaaah. My virgin ears!” tili ni Venice.

“Wag kang pabebe Ate Venice. gagawin nyo din yan ni Kuya. Kaya makinig kang mabuti.” Sabi ni Miyu.

“Ok sige. Go Venus.” Sabi ni Venice at tumahimik

“Ganito kasi yun ..  mahal ako ni HoneyMyLoves tapos mahal ko din sya kaya nagawa namin si Aya. Ganern lang.” wholesome na sagot ni Venus.

“Ah ok .. kaya pala di ako nabuntis ni Ruki kasi ako lang ang nagmamahal kelangan pala nagmamahalan pareho.” Hugot na hugot ang sagot ni Yesha.

“Naku! Ate Dara, Ate Chin Ate Venice ..  kayo na susunod ..” may kasama pang pananakot na sabi ni Miyu.

Nagtawanan naman ulit sila.

“Yoohoo .. Araya to earth!” sigaw nila nang si Araya na ng next.

“Dare.” Walang paligoy ligoy na sabi ni Araya.

Nagkatinginan silang lahat tapos ngumiti si Chelsea.

“Ako na guys.” Nakangiting sabi nito.

“Tawagan mo si Storm tapos sabihin mo sa kanya na mahal mo sya at kung bakit mo sya mahal.” Dahil sa sinabi ni Chelsea ay nagsitilian sila at na-excite.

“Hala bakit ganon!”

“Go Araya!” cheer nila.

Si Venus na ang tumawag kay Storm ay ni-loud speaker ang phone nya ng mag ring ito .. natahimik naman silang lahat.

Natigil at pagring tapos nagsalita si Storm.

“Hello ..” pupungas pungas na tanong ni Storm na tila nagising.

Nilipat ni Venus ang phone kay Araya. Tila nahihiya pa si Araya kaya nainip si Storm.

“Ano ba? Hello. Taena naman natutulog yung tao tapos mang ti-trip oh!” inis na sabi ni Storm.

“Hoy storm!” sigaw ni Araya.

“Ay Storm!” gulat na ulit ni Storm. “Ikaw pala yan Fudgee barr .. eto naman oh .. namiss mo agad ako? Namiss din kita .. mwah .. sa lips yan ah!” malanding sabi ni Storm kaya naman napahagikgikan sila pero agad din na sinaway ni Venus.

“May sasabihin ako sayo.” Sabi ni Araya..

“Ha? Buntis ka? Agad agad? Kelan pa? tatay na ko Fudgee barr!” tuwang tuwa na sabi neto .. napairap si Araya kaya naman napatawa silang lahat.

“Nyeta ka Storm makinig ka kasi muna aaaa.. “ sabi nito .. natahimik silang lahat. Napalunok si Araya. “Mahal kita. Kasi naman ang kulit mo tapos ang gwapo mo pa .. tapos ang landi mo .. kahit na minsan may kashungaan ka ..  pero ang sweet mo .. kinikilig ako sa mga banat mo .. lalo na pag sinasabi mong ako lang ang mahal mo at gustong makasama habang buhay. Minahal kita dahil sa mga corny na jokes mo, sa kakulitan mo .. sa kalokohan mo. Lahat yun minahal ko. Mahal kita storm. Mahal na Mahal kita.”

“Mahal din-“ pero agad na pinatay na ni Araya ang phone .. at biglag napuno ng asaran at tilian ang buong unit nila.

“Next next ..”  sabi ni Chelsea na ang tinutukoy ang sarili niya. Siya na kase ang susunod. “Truth. Anong tanong?”

Nagkatitigan sila .. a moment passed.

“Wala akong maisip .. “ sabi ni Dara.

“Ano ba yan! Dare na nga lang!” sabi ni Chelsea.

“Hehe ako .. ako may naisip!” Sabi ni Miyu.

“Ano?” sabay sabay na taong nila.

“Wala tayong music. soo ..”

“Pakakantahin nyo ko ganon?” tanong ni Chelsea.

“Hindi ikaw .. kundi asawa mo .. bilis call him tapos pakantahin mo .. pero dapat nursery rhyme .. pilitin mo ah …” utos ni Miyu.

Nilabas na ni Chelsea ang phone nya at nag dial .. nag aalanagan sya dahil baka tulog na ito ..

“Hi mahal kong asawa ..” sweet na bati ni Chelsea.

“Yes Barbie?”

“Uhm ken ng buhay ko mahal na mahal kita ..”

“Barbie magpapasundo ka naba at nambobola ka?”

“Hindi pa ..”

“Eh ano?”

“Kantahan mo ko..” nagtawanan sila ..

“HA? Ano naman yan ..”

“Please?” paawa ni Chelsea.

Tahimik. Walang sagot.

“Baka pag di mo ko kinantahan mapaanak ako ng wala sa oras ..”

“Ken ..” ungot pa nya ..

“Oo na .. sige na .. eto na kakantahan na kita.” pilit na pilit na sagot ni Clifford.

Nagpipigil ng tawa ang mga kasama nila.

“All of me .. loves all of you ..” mahinang kanta nito .. pero pinutol ni Chelsea ang pagkanta ni Cliff.

“ken ayaw ni baby nyan ..”

“Ha? Eh anong gusto nya?”

“Nursery ryhime ..”

“What the! Paano mo nalaman?” takang tanong ni Cliff.

“I just know ..” palusot ni Chelsea.

“Wow ha .. Ano yun magkatext kayo?” Angal ni Cliff.

“Ken di mo na ba kami mahal?”

“Takte naman Barbie eto na nga kakanta na ..” nag clear throat si  Cliff .. “Bahay kubo .. kahit munti ang halaman doon ay sari sari .. “

Kulang na lang ay sungalngalin nila ang mga bibig nila ng magsimula itong kumanta ng wala sa tono, para lang wag mapalakas ang tawa nila.

“Singkamas at talong .. sibuyas.. bawang .. luya .. kamatis .. patola.. upo.. kalabasa .. ampalaya.. teka may ampalaya ba sa bahay kubo Barbie ko?” sweet na tanong nito ..

Hindi na nila nakayanan at malakas silang nagtawanan ..  pinatay na nya ang tawag at pati si Chelsea ay halos mapanganak sa kakatawa ..

“Ang ganda ng bahay kubo version ni Kuya Cliff ..” napapahiga si Miyu sa kakatawa.

Hanggang sa kumalma sila ..

Ang dalawang bulilit na lang ang natitira.

“Dahil .. mag BFF naman kayo .. isa na lang sa inyo .. Truth o Dare ?” tanong ni Dara.

“Bilisan nyo sumagot inaantok na ako ..” sabi ni Venus.

“Dare/Truth.” Di nagkakasundo na sagot nila.

“Sige na nga .. Dare na lang/truth na nga lang ..” baliktad na naman na sagot nila ..

“Lika tulog na tayo ..” natatawang sabi ni Venice sa kanila.

“Eto na nga .. Truth.” Sa wakas nag kasundo din ang dalawa.

“Truth. Name one important guy in your life as of now .. pwera families.” Nagkatinginan silang lahat tapos ..

“Jac/Vanny.” Sabay na sabi ng dalawa .. nagkatitigan ang mga tao .. saka nagtawanan .. at nag apiran.

“Who’s Jac?”

“Who’s Vanny?”

Tanong ng mga kaibigan nila ..

“Secrets!” tumatawa ng tumayo sila at pumasok na ng kwarto para matulog .. maaga pa ang gising nila para sa kanilang best vacation ever!

“Goodnight Girls!”

“Godnight!”

“Night!”

“Sleep tight!”

And Chin flashes a sweet smile before she closed her eyes. She hopes that this moment won’t end. She knows she’s happy having this sweet pajama party .. pero hindi nya maikakaila na excited sya para bukas .. the Best Vacation Ever as they said.

--

Every week end ang Update! Thankies for reading .. three more chapters before it end. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 56.6K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
14.4M 502K 56
AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger brother) "Ma-fa-fall na nga lang ako, sa...
20.4K 245 3
Kathie Zahara or known as Calipper ay isang sikat na fashion model. Opportunities were knocking on her door but she's refusing them. Bukod kasi sa pa...