The Bathroom Love Affair (Pub...

بواسطة xPANICx

423K 15.5K 7.4K

† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay d... المزيد

Prologue
NOTE
Chapter 1 - Love at First Fight
Chapter 2 - Best Supporting Lover
Chapter 3 - Heartbreaker
Chapter 4 - Haunted Apartment
Chapter 5 - Collide
Chapter 6 - Bad Day
Chapter 7 - Table for Four
Chapter 8 - Roommate
Chapter 9 - Balinguyngoy
Chapter 10 - The Act
Chapter 11 - S. A.
Chapter 12 - Beautiful Mistake
Chapter 14 - My Sun & Moon
Chapter 15 - The Restroom Love Affair
Chapter 16 - Confessions
Chapter 17 - Seros
Chapter 18 - Both Yours
Chapter 19 - Call Me Love
Chapter 20 - Pierce
Chapter 21 - Be Careful What You Wish For
Chapter 22 - Anselmo
Chapter 23 - Fire on Fire
Chapter 24 - Break a Leg
Chapter 25 - Scared to Death
Chapter 26 - Icecream
Published! (plus giveaways)
Last Words & Review
Special Chapter 1
First Draft - Chapter 19

Chapter 13 - The Bathroom Love Affair

13.6K 487 116
بواسطة xPANICx

Eros

Napatunghay ako dahil sa umalingawngaw na ingay, na agad kong pinagsisihan dahil sa pag-ikot ng paligid kasabay ng matinding sakit ng ulo. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng tunog kung saanman sa lamesa. Hindi nakakatulong ang ingay na parang nakalapat ang dalawang speaker sa tenga ko dahil sa lakas.

     Kinapa ko na lang ang paghahanap dito. May ilang boteng nagtumbahan at nalaglag pa mula sa lamesa ang lumikha ng panibagong ingay.

     "Ano ba yan?" bugnot na sabi ni Zach. Dahan-dahan syang tumunghay, nakalamukos ang mukha dahil sa biglaang paggising.

      Nahawakan ko sa may lamesa ang kwadradong pinagmumulan ng ingay at pagyanig. Tinignan ko kung ano ito. Cellphone. Nakabalandra sa screen ang senyales na alarm iyon at ang oras. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung makitang 7:30 na.

     Napatayo ako bigla, na muli ay pinagsisihan ko. Pumipintig ang sakit ng ulo at bahagya pa ring sumasayaw ang paligid.

     "Ano ba yan?" tanong ulit ni Zach habang inaayos ang nagtumbahang bote kanina. Wala na syang pang-itaas at naka-boxershorts na lang din, ang mga damit nya ay nakakalat sa sahig.

     Bumalik sa akin ang katangahan namin kagabi. Dapat talaga hindi ako pumayag. Gusto kong sakalin si Zach sa pagpilit sa akin na uminom, pero hindi ko magawa dahil hindi ko pa kaya at kasalanan ko rin naman. Sabi na nga ba mangyayari to.

     "7:30 na," sagot ko. "Male-late na tayo."

     Napabalikwas si Zach, iniwan ang mga bote ng alak. Halatang walang epekto sa kanya ang pagpapakalunod sa alak kagabi, sanay talaga sa inuman. "Maliligo na ako," anunsyo nya.

     "Ano?" gulat kong tanong, "Ako muna." Hindi man maganda ang pakiramdam, tumakbo ako papunta sa may kama kung saan nakasabit ang twalya ko. Kinuha ko ito bago tumungo ng banyo.

     "Anong ikaw muna?" balik nyang tanong. "6:30 ang oras ng ligo mo, ah. Ako na."

     Nagkasalubong kami sa may pinto at hindi pinagbigyan ang isa't isa. Ako ang nagbukas ng pinto pero si Zach ang nagtulak paloob at hinarang ang kamay sa daan ko. Nahinto ako bigla ngunit bago pa sya tuluyang makapasok hinila ko sya pabalik.

     "Ano ba?" reklamo ni Zach. "Lagpas ka na sa oras mo!"

     "Ano naman? Ako pa rin dapat ang mauna," sagot ko.

     Hinarap nya ako. "Hindi ko kasalanan na hindi ka nagising nang maaga." Nakahalukipkip si Zach kaya ang biceps at dibdib nya ay lutang na lutang. Nagkakalaman ba si Zach o ngayon ko lang napapansin na ma-muscle sya?

     "Alam mong kasalanan mo kung bakit hindi ako nagising nang maaga," tugon ko.

     "Ako?" tanong ni Zach. "Ikaw yung nawalan ng kontrol."

     Nablanko ako sa sinabi ni Zach. Parang may dapat akong malaman pero hindi pa malinaw sa akin. Parang jeep sa malayo na bumubusina upang makuha ang atensyon ko ngunit hindi ko pa matanaw.

     "Bibilisan ko para sayo," sambit ni Zach bago tuluyang pumasok ng banyo.

     "Teka," pagpigil ko sa kanya. Muli ko syang hinila palabas at sinubukang pumasok pero nahawakan nya rin ako. "Bitaw," utos ko. Inaalis ko ang kamay nya habang sinusubukang pumasok at itulak sya palabas.

     "Ikaw ang wag makulit," sabi ni Zach.

     Nagkagirian na kaming dalawa, para kaming dalawang batang nag-aagawan sa laruan. Ginamit pa nya ang paa para hindi ako makatuloy, dahilan para mahirapan syang magbalanse. Bawat segundong pagpapambuno namin ay nagpapalala sa hangover ko.

     "Lalo tayong male-late," paalala ko sa kanya.

     "Kaya hayaan mo na ako," suhestiyon ni Zach.

     Nakatawid na ang isang paa ko sa paa ni Zach pero sa hindi ko mawaring dahilan, nagawa nyang hawakan ang dalawang kamay ko.

     "Pasaway ka," sambit ko at ginamit ang lahat ng kasalukuyang lakas ko para makakawala sa hawak nya. Ang nagawa ko lang ay ibaling sa iba't ibang direksyon ang kamay namin.

     "Lalo ka na," balik ni Zach.

     Sa pagkaubos ng lakas at pasensya ko, tinulak ko na si Zach. Bilang nakataas ang isang paa nya, madali syang nawalan ng balanse. Napasandal sya sa pintuan at dahil hawak nya ang mga kamay ko, nahila ako palapit sa kanya. Madali din akong nawalan ng balanse dahil hindi ako nakatayo nang maayos kaya nasubsob ako kay Zach.

     Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, dumating bigla yung jeep. Bumalik sa likuran ng mata ko ang mga eksenang dahan-dahang pagsara ng espasyo naming dalawa, ang pagkapit sa isa't isa, ang lambot ng labi nya, ang init at tamis ng aming halik.

     Napatayo ako nang tuwid para mapalayo kay Zach. Ngunit para magawa iyon sa kasalukuyang estado ko, kinailangan kong ituon ang kamay sa kanyang dibdib upang itulak ang sarili. Binitawan naman nya ako at inalis na ang paa. Agad kong binawi ang kamay upang iayos ang twalya sa aking balikat. Ngayon ay ni hindi naming magawang tignan ang isa’t isa.

     Panaginip lang naman iyon, diba? Imposibleng totoo ang nangyari. Imposibleng halikan ako ni Zach at halikan ko sya. Straight kaming dalawa. Ako sa sarili ko sigurado ako.

     Wala akong balak na kumpirmahin sa kanya kung panaginip iyon o hindi. Kung panaginip nga, siguradong gagamitin nya iyon para asarin ako. At kung hindi. . . mas magandang isipin ko na lang na panaginip.

     Sinenyasan nya ako na pumasok na ng banyo. Tumango ako at muling inayos ang nakaayos ko nang twalya. Sa pagtalikod ko bigla akong tinulak ni Zach at bago sya malingon, kumalampag na ang pagsara ng pinto.

     "Ang daming nasayang na oras," sabi ni Zach sa boses na nagpatayo sa mga balahibo ko. Sinabit nya ang twalya sa hook sa pader

     "Eros," sambit nya sa pangalan ko na parang galing sa malayong ala-ala.

     Sinungkit ni Zach ang hinlalaki sa suot na short. "Sabay na tayong maligo."

  
  
"Ayos ka lang?" tanong ni Chris. Lumipas ang apat na unang subject namin nang parehong mabilis at mabagal dahil sa iisang dahilan, wala akong naintindihan. "Puyat ka? Hindi ka nakatulog dahil kay Mario?"

     "Parang ganun na nga," sagot ko. Lutang ako buong umaga, walang epekto ang dalawang baso ng kape na ininom ko sa pagitan ng unang dalawang klase.

     Bukod sa hangover at kawalan ng almusal, sumasabay pa ang panaginip ko kagabi at ang nangyari kaninang umaga. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nagsabay kami ni Zach maligo ngunit ganun pa rin ang epekto sa akin. Idagdag pa na paulit-ulit sa isip ang halik naming dalawa. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung panaginip lang ba talaga iyon na lalong hindi nakatutulong.

     "May ginawa ba si Zach?" tanong ulit ni Chris.

     "Wala," sagot ko kaagad. "Wala. Wala. Wala."

     "Okay," may suspetyang sambit ni Chris. "Mukhang wala nga."

     Hinilot ko ang sintido ko. "Wala talaga," pagkumbinsi ko sa kanya. "Hindi lang ako nakatulog nang maayos kagabi."

     "Hmm," tugon ni Chris. "Mukha ka kasing may hangover. Akala ko pinilit kang mag-inom ni Zach."

     "Saan tayo kakain?" pag-iba ko ng usapan.

     Nagkibit-balikat si Chris. "Ikaw bahala."

     "Ikaw na," balik ko. "Hindi ako makapag-isip ng kahit na ano."

     "Okay," sambit ni Chris. "Sa usual. Foodtaym."

     Tumango ako.

    Tahimik na kaming naglakad palabas ng campus. Hindi na namin hinintay o inaya si Zach, mukhang pabor naman si Chris dahil hindi na sya nagtanong.

     Ayaw ko pang makita si Zach, kahit sa mga klase namin ay hindi ko sya tinitignan. Alam kong hindi ko sya maiiwasan maghapon kaya habang may oras na wala sya sa paligid ay susulitin ko. Hindi makatutulong si Zach sa tumatakbo sa isip ko ngayon na parang dagat na matagal nang mapayapa ngunit kasalukuyang binabagyo.

     Napatingin ako kay Chris nung matigil sya sa paglalakad at aligagang kinuha ang cellphone sa bulsa nung mag-ring ito. Tinignan nya kung bakit, sinilip ko rin kung ano iyon dahil nawalan ng kulay ang mukha nya. May tumatawag na numero lang.

     Sinagot ni Chris ang tawag at linagay sa tenga ang phone. "Hello!" bungad nya sa tumawag. Nagulat ako sa lakas ng boses nya at pabalang na salita. "Sino to? Sino to?!"

     Tinignan muli ni Chris ang screen, naputol na ang tawag. Sinubukan nya itong tawagan, bakas sa mata nya na hindi sya mapakali.

     "Sino yun?" tanong ko.

     Hindi nya ako sinagot bagkos tinalikuran pa nya ako. Hindi iyon emergency dahil hindi sya mukhang nag-aalala, mukha syang galit. Ex nya siguro na nalaman ang bagong number nya? Prank caller o stalker na ayaw syang tigilan?

     Paulit-ulit pang sinubukan ni Chris ngunit hindi sinasagot ang tawag nya hanggang sa tuluyang hindi na nya ito ma-contact.

     Humarap na ulit si Chris sa akin ngunit sinusuyod ng mata nya ang paligid; ang mga nakatambay na estudyante, ang mga naglalakad sa paligid namin na kapapasok pa lang at mga palabas.

     Kinakabahan ako at nag-aaalala para sa kanya. "Sino ba yun?" tanong ko ulit, sinundan ko ang direksyon na tinitignan nya.

     Napahawak sya sa tulay ng kanyang ilong at napapikit. "Hindi ko alam," sagot ni Chris. Huminga syang malalim at sa pagkakataong ito, tinuon na ang tingin sa akin. "Pahiram ng cellphone mo."

     "Bakit?" tanong ko.

     "Basta!" napataas ulit ang boses nya kaya mas lalo akong nakumbinsi na huwag ipahiram sa kanya. "Pahiram lang sandali."

     "Bakit nga?" bulyaw ko sa kanya.

     Binalik ni Chris ang phone sa bulsa at muling lumingon sa kanyang likuran. "Di bale na," pagsuko nya. "May iba bang nakakagalaw sa phone mo?"

     "Wala," sagot ko. "Naka-fingerprint lock tong phone ko at mahaba naman ang password. Ano bang meron?"

     "Wala, wala," sambit ni Chris. "Tara na, kumain na tayo."

     "Okay," paggaya ko sa kanya. "Wala nga."

     Hindi pinansin ni Chris ang sinabi ko. Sa pagkain namin halatang malayo ang narating ng diwa nya. Hanggang sa pagbalik namin sa klase mas lutang na sya sa akin, mas lutang pa sya sa pagkalutang ko kanina. Kung hindi naman ay nakatutok sya sa cellphone.

     Nung uwian nagpaalam si Chris na mauuna at agad umalis. Nagpakilala na kaya sa kanya yung tumawag kanina at pupuntahan na nya ngayon? Balak ko pa sana syang sundan pero may sarili akong problema na dapat isipin sa plato ko para makisawsaw pa sa kanya.

     Umuwi na lang din ako upang maagang makabawi ng tulog.

 
 
Akala ko may ilang minuto pa akong nalalabi na hindi makakasama si Zach. Ngunit nadatnan ko ang pinto ng unit namin na bukas at naabutan si Zach na naglilinis ng mga kalat namin kagabi.

     Mukhang kauuwi lang din nya dahil nakapantalon pa sya pero wala nang pang-itaas. Kaya naman malaya kong nakikita ang bawat pagbanat at pagtipon ng muscle ni Zach habang pinupulot nya isa-isa ang bote at linalagay sa case.

     Tumigil si Zach sa ginagawa nung mapansin ako at sinagot ang aking tingin. "Ano? Nakatulong ka bang ligpitin to gamit ang mata mo?"

     "Ikaw naman ang puno't dulo nyan," sagot ko.

     Pinameywangan ako ni Zach. Parang biglang nawala ang antok sa sistema ko. "Ako pa talaga? Ikaw tong nagtumba ng mga bote sa lamesa."

     Binaling ko ang mata sa lahat ng nasa paligid bukod kay Zach. Hindi talaga nakakatulong ang malabong alaala ko kagabi at ang nangyari kaninang umaga. "Oo na, oo na," sagot ko na lang. "Daming dada."

     Hinubad ko ang sapatos at polo, linapag ang bag sa may kama bago bumalik sa may kusina upang tulungan si Zach. Kinuha ko ang basahan na nakapatong sa lamesa at sinimulang punasan ang mga tumapong alak.

     Hindi ba namin inubos ang laman ng bawat bote para maging ganito karami ang tumapon na alak? Pati sa upuan at lapag ay mayroon. Idagdag pa na iniwan namin ito maghapon.

     Pagtunghay ko, tumambad sa mukha ko si Zach. Para syang mayordoma na nagbabantay sa bagong saltang kasambahay.

     "Pwede ba, magbihis ka nga," utos ko.

     "Bakit? Nakita mo na lahat, ah—nang tatlong beses. Para namang first time mong makita ang katawan ko para maeskandalo ka," sagot ni Zach. Nabalik na nya lahat ng bote sa kaha at natapon lahat ng kalat.

     "Hindi iyon," tugon ko kasabay ng gigil na pagkamot. "Amoy pawis at alak ka na, amoy hangover. Yung linaklak mo kagabi sumisingaw na sayo."

     Tinaas ni Zach ang dalawang kamay upang amuyin ang sarili. "Hindi naman, ah," sabi nya. Hindi naman talaga. Naaalibadbaran lang ako sa kawalan nya ng pang-itaas. Dapat pala sinama ko yun sa rules ko. "Ang selan mo, Eros."

    Padabog nyang pinulot ang dalawang case ng alak upang isauli sa tindahan. Ngunit bago sya tuluyang makalabas, liningon pa nya ako. "At for the record, mas marami kang nainom kagabi. Kung may mangangamoy sa atin, ikaw yun," pahabol nya at tuluyang umalis.

     Lokong yun. Masyadong pinersonal. Inamoy ko rin ang sarili upang kumpirmahin. Wala namang amoy ng hangover o ano pang masamang bakas.

     Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Nung matapos, binanlawan ko ang basahan at sinampay sa may bintana upang mabilis matuyo.

     Sa pagtingin ko sa labas, saktong patawid si Zach sa kalsada mula sa apartment namin papunta kina Aling Berta bitbit ang mga basyo. Kapansin-pansin yung dalawang babae sa tindahan na ang talim ng tingin sa kanya. Kulang na lang ay kainin nila sya nang buo lalo na nung pumasok sa garahe ng tindahan si Zach para iwan ang mga bote.

     Paglabas ni Zach, tinugon nya ang ngiti nung mga babae at kumaway pa. Ang landi talaga ng lalaking to.

     Para bumalik ang antok kinuha ko ang kopya ko ng script. Muli kong pinasadahan ang pamilyar na mga linya. Kailangan kong muling namnamin si Mario simula umpisa hanggang dulo. Binalik-balikan ko ang mga paborito kong eksena, binasa ang bawat litanya. Siguro mas magiging maganda ang kalalabasan nito ngayong may katulong na ako sa pagpapraktis. Pero wala pa ako sa kundisyon para makipagmasinsinan kay Zach.

     Teka, bakit parang ang tagal naman nyang makabalik? Pumunta ako sa may durungawan para tignan si Zach. Wala na sya, pati yung mga babae.

     Hay nako. Hindi pa rin talaga nagbabago. Bahala sya sa buhay nya. Basta hindi sa unit namin wala akong paki-alam. Hindi ko dapat pag-aksayahan ng oras si Zach, matanda na sya.

     Bumalik ako sa lamesa para ituon ang atensyon kay Mario. Pagkaupong-pagkaupo ko, bumukas ang pintuan at pumasok si Zach, may dala-dalang supot.

     "Oh, bakit busangot na busangot ka?" bungad ni Zach.

     "Pake mo?" balik ko. Ako nga walang pakialam sa kanya kaya dapat wag nya rin akong pakialaman.

     Pumanhik din si Zach sa lamesa, linapag dito ang dala nya at isa-isang linabas ang laman; dalawang order ng french fries, potato roll at cheese stick. "Extra sungit ka ngayon, ah," puna nya. "Ganyan ka ba sa mga nakakasabay mong maligo o dahil may hangover ka pa? Paalala mo nga sa akin na wag kang lasingin."

     Hinampas ko sa lamesa ang hawak kong papel. "Isa pa yan. Sa susunod na sabayan mo akong maligo bubugbugin talaga kita."

     "Dahil dun, muli, hindi tayo na-late." Linagay ni Zach sa pagitan namin ang mga pagkain. "Miryenda muna."

     "Wala akong pake," pagbibigay ko ng diin. "Hindi dapat nagsasabay maligo ang dalawang lalaki, kuha mo?"

     Sumubo lang sya ng potato roll. Malinaw na walang kaso para sa kanya ang ginawa nya.

     "At hindi na talaga ko iinom ng alak lalo na kapag kasama ka kasi—"

     Kasi ano, Eros? Kasi napaparami ka ng inom dahil masarap syang kasama at kausap? At dahil marami kang nainom kung ano-ano tuloy ang naglalaro sa isip mo.

     Mabuti na lang napigilan ko ang mga salitang iyon bago pa lumabas sa mga labi ko. Muntikan na namang mahuli ang isda sa sariling bibig.

     "Kasi?" tanong ni Zach.

     "Kasi. . . kasi sugapa ka sa pulutan," dahilan ko na lang kahit na alam ko sa sarili na ako halos ang nakaubos ng lahat ng chicha.

     Tinawanan lang ako ni Zach. "Ako pa? Kung gaano ka kalakas uminom, ganun ka rin katakaw sa pulutan," sabi nya. "Lasing na lasing ka na nga kagabi, wala ka na sa sarili mo."

     Wala ka na sa sarili mo.

     Nangyari nga kaya? Ginawa ko ba talaga? Ginawa ba namin? Panaginip pa nga lang hindi ko na matanggap, paano pa kaya kung totoo?

     "Zach."

     "Oh?" tanong ni Zach sa pagitan ng pagnguya. "Ano yun?"

     "Kagabi," sambit ko. Sumeryoso ang mukha ni Zach nung mapansin ang pag-aalangan ko. "Kagabi ba. . ."

     Itatanong ko ba? Anong gagawin ko sa katotohanan? Mas mapapayapa ba ang isip ko kapag kinumpirma ni Zach ang halik namin o hindi? Lalo lang sigurong lalala. Mabuti nang panatilihin na lang iyon sa hindi siguradong estado at ibaon sa limot.

     "Wala," sabi ko. Inayos ko ang nalukot kong script. "Magpaprakris na ako."

     "Good," sambit nya. Bago sya tumayo, humabol pa si Zach ng isang cheese stick.

     Pinunasan ni Zach ang katawan ng malinis na bimpo, nag-alkohol bago nagbihis. Sineryoso nya talaga yung sinabi ko. Kinuha rin nya ang kopya ng script at bumalik.

     Muling umupo si Zach sa pwesto nya kanina. Ngunit ngayon ganap syang humarap sa akin at hinila ang silya palapit. Nagtama pa ang tuhod namin sa kawalan ng espasyo. Nanginig ang kalamnan ko sa koneksyon. Napalunok ako ng laway sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

     Ano bang nangyayari sa akin?

     "Game," anunsyo ni Zach na may malapad na ngiti. "Nasa mood akong mag-Elena ngayon."

     Iyon ang umpisa ng isang linggong awkward na praktis ko kasama si Zach.

°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

Guys, may magandang balita ako. Hindi ko pa sasabihin ngayon dahil baka ma-jinx. Pero sana suportahan nyo rin ako sa paparating na iyon. Napakalaking bagay nun sa akin. Hahaha.

Anyway, kamusta ang mga kaganapan ngayon? Ang laking pabebe ni Eros e 🙄

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

771K 26.5K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
156K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
Pilak بواسطة aRosas

العاطفية

4.7K 355 22
(Where I Want To Be Book II: Alex) . "...sino crush mo?" tanong ko. "...pano kung... sabihin kong ikaw?" Hindi ako sumagot. "Joke." habol n'ya. "Per...
889K 30.5K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.