The Bathroom Love Affair (Pub...

By xPANICx

421K 15.4K 7.4K

† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay d... More

Prologue
NOTE
Chapter 1 - Love at First Fight
Chapter 2 - Best Supporting Lover
Chapter 3 - Heartbreaker
Chapter 4 - Haunted Apartment
Chapter 5 - Collide
Chapter 6 - Bad Day
Chapter 7 - Table for Four
Chapter 8 - Roommate
Chapter 9 - Balinguyngoy
Chapter 10 - The Act
Chapter 11 - S. A.
Chapter 12 - Beautiful Mistake
Chapter 13 - The Bathroom Love Affair
Chapter 15 - The Restroom Love Affair
Chapter 16 - Confessions
Chapter 17 - Seros
Chapter 18 - Both Yours
Chapter 19 - Call Me Love
Chapter 20 - Pierce
Chapter 21 - Be Careful What You Wish For
Chapter 22 - Anselmo
Chapter 23 - Fire on Fire
Chapter 24 - Break a Leg
Chapter 25 - Scared to Death
Chapter 26 - Icecream
Published! (plus giveaways)
Last Words & Review
Special Chapter 1
First Draft - Chapter 19

Chapter 14 - My Sun & Moon

10.8K 528 482
By xPANICx

Zach

Mahal ko si Eros.

     Kilala ko na sya dati pa, pero hindi sa pangalan. Pareho kaming kurso kaya nakakasama ko si Eros sa ilang aktibidad ng school. Isa pa, imposible na hindi sya mapansin ninoman dahil kaya nyang pumukaw ng mata kahit hindi nya sinusubukan. May dala syang positibong pakiramdam na tila sinag ng araw at payapang presensya na parang malamlam na liwanag ng buwan. Lalo na kapag ngumingiti sya.

     Pero asar ang nararamdaman ko sa kanya noon. Dala siguro ng inggit at bitterness dahil mukhang masaya ang buhay nya habang ang sa akin ay hindi.

     Kaya laking gulat ko na dumating sya at tinulungan pa ako sa gabing pakiramdam ko wala nang ibababa pa ang buhay. Dala nya ang liwanag at linigtas ako hindi lang sa mga kaaway ko kundi maging sa aking kinasasadlakan.

     Nung mga oras na yun hindi ko pa alam na mahal ko na si Eros. Ayaw ko pa ngang tanggapin ang tulong nya dahil sa pride.

     Halo-halo ang aking naramdaman kinabukasan ng gabing iyon. Para akong inahon mula sa matagal na pagkakalubog sa malamig at madilim na ilalim ng dagat. Sobra ang init at liwanag para sa akin kaya umalis ako nang walang paalam.

     Ngunit si Eros naman ang hindi maalis sa isip ko. Gusto ko syang maging kaibigan. Ayaw ko nang mawala ang pag-asa na dala ng liwanag ng araw at ang buwan na maaari kong tignan kapag bumalik ang gabi.

     At upang maging karapat-dapat doon, kailangan kong ayusin ang mundo ko. Umalis ako sa bubong ng kakilala ko para mapalayo sa tukso at bumukod. Iniwasan ang alak at paglabas tuwing gabi, kasama na ang mga babae. Noong una akala ko nadamay lang sila, yun pala nakatuon na talaga ang atensyon ko sa isa.

     Higit sa lahat, pinagpatuloy ko ang pag-aaral na balak ko na sanang tuldukan.

     "Ano yung nakapagpa-realize sayo na magtino?" tanong ni Eros noong nakaraan.

     "Ikaw," ang gusto kong isagot.

     Iyon ang mga pinakamagandang bagay na ginawa ko sa buhay ko. At lahat nang iyon ay dahil kay Eros. Hindi naman ako nabigo dahil naging kaibigan ko sya. Swerte na may bakanteng kwarto sa apartment na tinutuluyan nya.

     Noong una gusto ko lang mapalapit kay Eros. Gumagawa ako ng paraan upang magkaroon kami ng dahilan para mag-usap o magkasama. Hindi ko namalayan na sa bawat pagkilos ko upang magkalapit kami ay isang hakbang din pala palalim sa nararamdaman .

     Isang araw bigla na lang dumating ang katotohanan. Parang bisita na walang tigil sa pagkatok sa pinto. Ayaw ko syang papasukin dahil alam ko na kapag pinatuloy ko ang bisita hindi na sya aalis sa bahay. Ngunit ang hindi pagpapapasok sa kanya ay pagkulong din sa sarili.

     Kaya wala akong ibang maaaring gawin kundi tanggapin na mahal ko na si Eros. At sa pagsuko sa laban napagtanto kong ang tagal kong pinahirapan ang sarili ko dahil simula pa lang pala, nung gabing magtagpo ang aming mga mata, mahal ko na sya.

     Hindi rin ako makapaniwala na kaya ko palang magmahal nang totoo. Nung una medyo naiinis din ako bakit sa lalaki pa; higit sa lahat bakit si Eros pa.

     Halos perpekto na si Eros. Mahilig nga lang syang magsinungaling kahit hindi naman sya magaling. Sa sobrang tutok sa pag-aaral at pag-abot ng pangarap, wala syang social life. At higit sa lahat, manhid sya.

     Ang dami-daming umaaligid kay Eros pero wala syang kaalam-alam. Ang dali-dali nyang mahalin pero hindi nya naman makita ang mga pagmamahal na iyon.

     Minsan talaga ang bagay na nasa harap na mismo natin ang pinakamahirap makita. Kamalas-malasan lang na nandoon ang pagmamahal ko.

     Nakikita ko sila, hindi ko lang alam kung nakikita nila ako. Pero sigurado na pare-pareho kaming walang lakas ng loob upang umamin kay Eros sa iisang dahilan; ayaw o takot ma-reject at masira ang pagkakaibigan.

     Kaya naman tinaga ko na sa bato na hindi ako aamin kay Eros. Ipaparamdam ko na lang sa kanya at hahayaan syang makita. Kasama na dun ang pagdadamot sa kanya.

     Nagback-fire nga lang sa akin yung ginawa ko nung nakaraan.

     Para di sya sumama kay Chris umarte akong nagdugo ulit ang ilong. Dahil sa selos na iiwan ako ni Eros para sa mokong na yun, lumabas ang pagiging aktor ko.

     Habang pauwi alam kong pagdating sa unit lalabas ang katotohanan. Pero kailangan kong gawin iyon kahit na alam ko rin na magagalit sya.

     "Sarap mong sakalin," gigil na sabi ni Eros dala ng galit.

     Hindi ko naiwasang lokohin ang sagot na, "Choke me, Daddy," sa sinabi nyang iyon. Buti na lang nahinaan ko at hindi nya narinig.

     Ngunit ang kapalit naman ay galit ni Eros buong araw. Hindi ko kayang masama ang loob nya sa akin, kung alam ko lang na hindi lang sya basta maaasar sana hindi ko na ginawa.

     Pero sa kabilang banda may napatunayan ako; nag-aalala para sa akin si Eros. Siguro dahil akala nya sya ang dahilan ng pagdurugo ng ilong ko kaya responsibilidad nya ako o baka naman. . . may nararamdaman na rin si Eros para sa akin.

    Psh. Wishful thinking.

    Si Eros naman talaga ang may kagagawan ng balinguyngoy ko nung gabi pero hindi sa dahilang naiisip nya.

     Nung mapaibabaw si Eros sa akin at magdampi ang mga labi namin, umakyat lahat ng dugo ko. Nangyayari iyon nung bata ako kapag excited o sobrang takot o gulat ko. Nawala pagtuntong ko ng sampung taon at bumalik dahil sa kanya.

     Akala ko iyon na ang una't huling halik namin ni Eros. Hindi ko akalain na masusundan pa. Sya pa mismo ang nagsimula na talagang nagpayanig sa aking buong pagkatao.

     Mabuti na lang hindi dumugo ang ilong ko, kundi nasira ang moment naming dalawa. Kung moment nga na matatawag iyon.

     Malay ko kung ano ang nagtulak kay Eros na halikan ko. Alak? Kyuryosidad?  Wala na akong pakialam. Kung ano man iyon, malaki ang pasasalamat ko at nangyari ang akala ko'y pangarap na lang.

     Noong una hindi pa kumilos si Eros. Balak ko na sana syang ilayo dahil sigurado na pagsisihan nya ang nangyari ngunit nangibabaw ang panlalamang ko sa sitwasyon. Siniil ko ang halik, pinalalim at pinainit. Minsan lang mawalan ng kontrol si Eros kaya sinulit ko na ang bawat sandali.

     Gusto ko pa sanang subukin ang swerte ko ngunit hanggang doon lang ang binigay ng langit. Para akong sinampal ng katotohanan nung putulin ni Eros ang halik at tapikin ang pisngi ko na parang nagpapasalamat.

     Ganun pa man, may suwail na parte ko ang sumisigaw na mayroong pag-asa, may pag-asa ako sa kanya, may pag-asa ang kami. Sya ang humalik sa akin.

     At marami man akong kaagaw, lamang naman ako sa kanila ng dalawang halik.

 
  
Sabado. Mayroon kaming maghapon para sa huling araw ng praktis namin ni Eros bago ang rehearsal nila bukas. Sa totoo lang, parang wala kaming narating nitong mga nakaraang araw at duda ko na may mararating kami ngayon.

     Katulad dati, hindi ako magawang tignan nang matino ni Eros. Tiyak na dahil iyon sa paghalik nya sa akin nung malasing kami ngunit duda ako na malinaw nyang natatandaan. Tila isa iyong bomba sa loob ni Eros na ano mang oras ay maaaring sumabog ngunit ginagawa nya ang lahat upang pigilan ito.

     Ginagawa ko naman ang lahat para hindi sya mailang sa akin. Pinipilit ko na maging katulad lang ang lahat ng dati kahit na ang traydor na boses sa likuran ng isip ko ay sumisigaw na gamitin ko ang naganap para sa pabor ko. Pinapaalala ko na lang sa sarili na dahan-dahan lang; hindi ko dapat biglain si Eros at baka ang papasinding pag-asa ay mamatay pa.

     "Scene 14 tayo?" tanong ko.

     "Okay, sige," hindi pinag-isipang sagot ni Eros. Linipat nya ang pahina ng hawak na script upang marating ang eksenang napili ko.

     Ang scene 14 ang isa sa pinakagusto ko sa Mahiwagang Batis. Ito yung pagkakataon na unti-unti nang binubuksan ni Elena ang puso para kay Mario. Wala nang kaso sa akin ang pagganap ulit sa Dyosa, mas na-enjoy ko pa sya kaysa kay Mario.

     Sa personalidad, magkalapit kami ng bidang lalaki. Adventurous, impulsive, laging sentro ng problema at gagawin ang lahat para sa bagay na gusto nya. Pero sa sitwasyon ko ngayon, ako si Elena; takot ibigay ang puso sa isang tao dahil baka basagin nya lang ito. Pero ang pinagkaiba namin, ang puso ko ay hawak na ni Eros.

     "Elena," pagtawag ni Mario sa Dyosa. Alam na ni Mario na ang babaeng kanyang kasama ay iba sa lahat. Sa eksena, magkatabi silang nakaupo sa may pampang, ang tanaw ay nasa anyong tubig sa kanilang harapan. Ang buwan sa kalangitan ay buo at maliwanag. "Anong gumugulo sa isip mo?"

     "Ikaw," sagot ng Dyosa. "Ibig kong malaman, nagmahal ka na ba nang tunay, Mario?"

     "Bago ka?" nakangising tanong ni Mario.

     "Kaduda-dudang tunay na pagmamahal yan, Mario," tugon ni Elena. "Sandali pa lamang tayong magkakilala."

     "Alam ko," pagsang-ayon ng binata. "Pero ngayon ko lang to naramdaman–sayo ko lang to naramdaman, Elena. Dito—wag mo nga akong tignan nang ganyan," biglang suway ni Eros.

     "Ha? Ano?" gulat kong tanong. "Anong problema mo?"

     "Basta wag kang tumingin nang ganyan," pilit nya. "Para kang manyak."

     "Manyak ka dyan!?" reklamo ko. Linapag ko sa lamesa ang kopya ko. "Ang ganda-ganda na ng nabuo kong emosyon bigla mong sisirain." Normal lang naman ang tingin ko sa kanya, kung ano lang ang hinihingi ng eksena. Problema nito?

     "Ayan, ayan yung kailangan mo pang i-develop," dagdag ko. "Eye contact. Tapos siguro dapat kahit papano gawin na rin natin yung mga kilos sa eksena," suhestiyon ko.

     "Ha?"

     "I mean, yung mga simple lang," sabi ko. "Katulad ngayon dapat kukunin ni Mario ang kamay ni Elena at ilalapat sa dibdib nya."

     "Eh," angil ni Eros. "Gusto kong magbasa muna ngayon, bukas na yung sa memorya lang. Pati yang eye contact at kamay-kamay na yan."

     "Arte mo," puna ko. "May boobs ka ba? Ilalagay lang yung kamay ko sa dibdib. Para masanay ka na rin."

     "Psh," singhal ni Eros pero binitawan na rin nya ang script. "Game, bilisan mo na."

     "Hmm. Hindi naman ako yung maarte, eh."

     Binigyan muna ako ni Eros ng matalim na tingin bago sya pumikit upang ibalik si Mario sa sistema.

     Sa naputol na eksena, pumunta si Mario sa harapan ni Elena para magtagpo ang mga mata nila upang maipakita ng binata ang sinseridad sa mga sinasabi. Kami naman ni Eros ay magkaharap na nakaupo sa may lamesa.

     Sa pagdilat muli ni Eros iba na ang dala ng mga mata nya. Nakita ko ang pagmamahal na gustong ipakita ni Mario kay Elena. Tinumbasan ko naman ito ng nararapat na tingin mula sa Dyosa.

     "Alam ko," pag-ulit ni Eros. "Pero ngayon ko lang to naramdaman–sayo ko lang to naramdaman. Dito," kinuha nya ang kamay ko. Sa paglapat ng palad ko sa kanyang dibdib, naramdaman ko ang init ni Eros at bilis ng tibok ng kanyang puso. "Dito iyon nagmumula."

     "Nakatitiyak ka ba?" tanong ko.

     Mas humigpit ang hawak ni Eros sa kamay ko. Hindi ko iyon pinansin, may linya akong hinihintay mula sa kanya. Gusto ko iyong marinig mula sa labi ni Eros. Kahit arte lang.

     "Sigurado ako," pagkumbinsi ni Eros. "Maha—tama na. Ayaw ko na," pagputol nya sa linya kasabay ng pagbitaw sa kamay ko.

     Bago pa ako maka-react nakatayo na si Eros at naglakad papunta sa may pinto. "Ano?! Bukas na to, Eros. Ngayon ka pa ba maggaganyan?"

     "May pupuntahan nga pala ako," dahilan ni Eros. "Mamaya na lang siguro. O sa susunod na lang. Wala talaga ako sa mood ngayon. Masama ang pakiramdam ko."

     Napabuntong-hininga na lang ako.

     Chill lang, Zach. Kaya mo yan, dahan-dahan lang. Alam mo naman na magiging worth it ang lahat. Worthy si Eros sa lahat ng paghihirap.

     Walang susuko. Laban lang.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
So far, ano ang paborito nyong eksena at bakit?

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 554 96
[Epistolary] Two broken hearts. A text. An understanding. And maybe an enchanted moment to fall in love.
1.2K 220 45
UNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking ca...
113K 4.3K 31
Two strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?
49.1K 1.7K 19
Kapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?