Dreamlovers: Kenobi and Amber...

By Mandie_Lee

768K 7.9K 183

Formerly titled Dreams of Passion: Kenobi and Amber PREVIEW ONLY. JOIN MY FACEBOOK VIP GROUP TO READ THE COM... More

Teaser
Prologue (mild SPG)
Part 1
Part 2
Part 3
Part 5
Part 6
Part 7

Part 4

34.4K 853 13
By Mandie_Lee


NANG mahimasmasan si Amber dulot ng lamig ng air-con ng kanyang kotse ay tinawagan niya si Matt. Nagtitili ito sa kanyang ibinalita.

May limang taon na rin sigurong magkaibigan sila ni Mateo Borromeo, pinsan ito ng isa sa mga babaeng barkada niya. Ito ang naging pinakamalapit na kaibigan sa kanya dahil nasasabi niya dito ang lahat-lahat, komportable siyang kasama ito lagi. Marami nga siyang babaeng kaibigan at gusto siya ng mga ito ngunit nararamdaman pa rin niya ang lihim na insecurities ng mga ito sa kanya. Normal lang naman daw iyon, sabi Matt sa kanya, dahil nasa kanya na raw kasi ang lahat-lahat kaya siya kinaiinggitan.

"Tumahimik ka nga, Mateo! Baka magulat ang mga pinsan ko diyan sa iyo," awat niya sa kaibigan.

"Aw, I don't care! Mabait naman sa akin sina Angus at Hunter, sayang at hindi nila type ang bading. Kainis lungs," humahalakhak na sabi nito. "O, ano nang balak mo ngayon?"

"I don't effing know!" nalulunod sa magkakahalong emosyon na sagot niya.

"Gaga! Nandiyan ka na, samantalahin mo na ang pagkakataon!" sulsol ni Matt sa kanya.

"Did you hear everything that I've said? Suplado pa rin siya sa akin!"

"Sa una lang 'yan! Mas matanda na kayo ngayon, malay mo naman magbago din siya ng treatment sa iyo pag lagi ka niyang nakikita diyan sa Tierra Roja?"

"Anong magiging rason ko naman at mananatili ako dito? Wala na akong malapit na mga kamag-anak dito para bisitahin, ano?"

"'E 'di bisitahin mo ang pamilya Celeste, hindi ba family friends niyo sila?"

"Si Lolo lang naman talaga ang kaibigan ng mga Celeste."

"Pero mabait sila sa iyo noon, Amber. Don't tell me na mahihiya ka, wala sa dugo mo ang marunong mahiya!"

Tumawa si Amber. "This is crazy."

"Do you want him or not?" hamon pa ng kaibigan.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga.

"Aw, c'mon, Amber! Feel na feel ko ang pagnanasa mo kay Kenobi kaninang nagkukuwento ka, 'no?"

"Fine! I still feel something towards him," pag-amin naman niya.

"Natural! Siya kaya ang mapapangasawa mo!"

Sa mga nangyari sa kanya sa araw na ito ay parang gusto na niyang maniwala sa mahika ng quilt na iyon. She got detoured and ended up meeting Ken! That must mean something, right?

Isa pa, sa mga halu-halong pakiramdam na umatake sa kanya sa muli niyang pagkakakita kay Ken ay sapat nang patunay iyon na may pagtingin pa nga siya dito. Ngunit kung noon nga ay tinanggihan siya nito, anong magiging garantiya niya na mapapasakanya na ito ngayon?

He's attracted to me, naisip niya. I mean, he's got to be! Kitang-kita niya yata ang mga nakaw na sulyap ni Ken sa kanyang legs. Tumitig din ito sa kanyang mukha. He never used to do that to her. Halos hindi nga siya nito noon sulyapan man lang.

"Okay," aniya, mabilis na nag-iisip. "Maybe I'll stay here in a day or two," desisyon niya. "Tutal ay pagod na akong magmaneho, gusto ko munang magpahinga."




SA Sunglo tumuloy si Amber nang araw na iyon. Bagong tayo daw ang mga lodging units doon at nagustuhan niya ang malaking swimming pool na eksklusibo para lamang sa mga naka-check-in sa mga lodge. Gusto rin niya ang layo ng kinaroroonang lodge sa area na puntahan ng mga tao sa Sunglo. Maganda iyong resort, may rock garden na may creek na languyan ng makukulay na koi na pumapalibot sa isang open pavilion. Malalaki din ang mga swimming pools na may matataas na slides. Maganda at malaki rin ang restaurant at clubhouse. At mayroon din doong isang mini-golf course o putt-putt. She was very impressed. Malayong-malayo na ngayon ang itsura ng resort kaysa dating natatandaan niyang Sunglo.

Umidlip si Amber hanggang hapon at nang matapos mag-dinner ay nanood siya ng TV habang nagsa-surf sa internet sa dala niyang netbook. Nang magsawa siya ay naisipan niyang maligo sa swimming pool ng lodging area. Suot ang baong two-piece red bikini na pinaibabawan niya ng white sheath ay lumabas siya ng tinutuluyang lodge. Naligo siya saglit sa open shower doon saka excited siyang nag-dive sa tubig. Mag-isa niya lang doon kaya tuwang-tuwa siyang lumangoy nang lumangoy.

Nang makaramdam siya ng pagod ay umahon siya mula sa tubig at umayos ng higa sa isang lounge chair sa poolside. Napangiti siya sa natunghayan na pagsasabog ng liwanag ng mga bituin sa kalangitan. Hindi niya nakikita sa Maynila ang ganitong tanawin dahil natatakpan ng polusyon ang himpapawid at nalulunod ang liwanag ng kalangitan sa mga ilaw ng lungsod.

Binawi niya mula sa kalawakan ang mga mata nang makarinig siya ng mga yabag na papalapit sa open shower area. Isang matangkad na lalaking naka-boardshorts ng asul ang lumapit doon at binuksan ang isa sa shower heads.

Napanganga siya nang mapagsino iyon. It was Kenobi Celeste, showering half-naked just a few meters away from her. Hindi niya napigil ang sariling mapalunok sa nakikita niyang nakatambad na magandang katawan nito. The bunching muscles of his shoulders, his strong arms; broad, muscled chest, the corrugated leanness of his flat abdomen... Lahat ng iyon ay naramdaman niya sa kanyang panaginip!

Nagulat din si Ken nang makilala ang babaeng nakahiga sa lounge chair na nakasuot ng two-piece bikini. Napabagal tuloy ang galaw ng mga kamay nitong may hawak ng sabon na ikinukuskos sa katawan. Awang pa rin ang bibig ni Amber na hindi nag-iwas ng tingin mula dito. How could she miss this sight? A hot, sexy man under the shower. And the same man was staring back at her, looking at her breasts with the tips perking up against the fabric in the night breeze. Parang lalagnatin ang pakiramdam niya nang bumaba sa kanyang tiyan at mahahabang hita ang tingin ni Ken. She indeliberately rubbed her thigh, slowly, with her hand; breathing with her parted lips. Wala siyang ideya na napaka-sensual ang ginawa niyang iyon.

Maya-maya pa ay nag-dive na si Ken sa swimming pool. Pinanood ito ni Amber habang lumalangoy. Wala siyang nais umalis doon. Gusto niya ang pagkakalapit nilang ito ni Ken. Naghahatid iyon sa kanya ng magandang pakiramdam. Maganda at mainit na pakiramdam...

Nararamdaman din niyang tila gusto ni Ken na nasa iisang lugar sila ngayong gabi dahil nang magsawa ito sa paglangoy ay umahon ito't pumuwesto sa katabi niyang lounge chair.

There was an uncomfortable silence between them that she thought she must break. Kung ang lalaking ito nga talaga ang mapapangasawa niya, then so be it! After all, nagkataon pa rin bang nandito silang dalawa ngayon sa parehong lugar?

Sumilay ang ngiti sa magagandang labi ni Amber. This whole thing was exciting her so much.

"Nakalimutan mo yata ang towel mo. You wanna borrow mine?" lakas-loob niyang alok kay Ken at bahagyang itinaas ang malaking tuwalya.

Nakitaan niya ito ng pag-aatubili sa mukha saka ito gumalaw upang abutin ang iniaabot niyang tuwalya. "Thanks," mahinang sambit nito at mabilis na pinunasan ang buong katawan.

Muli siyang napatingin sa dibdib nito't tiyan, wala siyang pakialam kung mahuli man siya ni Ken. Panay din naman ang tingin nito sa kanyang maalindog na katawan.

"Spending the night in here?" pagkuwa'y tanong niya dito.

"Dito muna ako tutuloy hanggang matapos ang renovation sa bahay namin," tugon ni Ken at ibinalik nito ang tuwalya sa kanya.

"Oh, I see." Bumangon siya't tumuwid ng upo paharap sa lalaki. "Kumusta na sina Tita?" pagbubukas niya ng usapan.

Lihim siyang nagpasalamat at hindi siya nito sinupladuhan. How could he? No man could ever resist her charm, specially when she was wearing a skimpy bikini. Bading lang ang nagwa-walkout sa kanya! And certainly, Ken was not gay. His entire image was screaming male in bold letters.

"Ayos lang naman sila. Bakit ka nga pala nandito?" Halatang pinilit ni Ken na huwag magtunog curious ang tanong nito.

"Napadaan lang ako. I'm on my way to Rosario, may detour kasi kanina at sa downtown ako napadpad. Tinamad na akong magmaneho pa."

"Kelan ang alis mo?"

Tumawa si Amber. "Ken! Bakit parang nangangati kang umalis na ako ng Tierra Roja? Ni hindi mo man lang ako kinakamusta." Hindi niya naiwasang magtunog-nadismaya ang boses sa huling sentence na binitiwan.

"You're not here to stalk me like the old days, are you?" Humarap din ito ng upo sa kanya, humalukipkip at tiningnan siya nang maigi sa mukha.

She felt a mixture of awe and embarassment. Nevertheless, she kept her poise. Wala pang tao ang nakakasira ng tiwala niya sa sarili. "What made you think that? As far as I know ay nauna akong pumarito sa pool. Baka naman ikaw ang sumunod sa akin dito?"

He scoffed as he averted his eyes away from her.

"What's wrong? Hindi ka sanay na may maganda at sexy na babae na naka-bikini sa harapan mo?" It was too late to hold her tongue back. Kahit kailan ay isang malaking hamon pa rin sa kanyang pagkababae at malakas na personalidad si Kenobi Celeste.

"Ikaw lang ba ang tanging babae sa mundo na may magandang katawan at marunong magsuot ng ganyan?" pang-aasar naman ni Ken.

Napipinto siyang mapasimangot nang sumagi sa isipan na baka may girlfriend na nga ang lalaking ito o baka maraming babae ang idini-date. Or ikinakama. With his hot and gorgeous looks right now, he could make even the most timid girls go wild. At iyon eksakto ang nangyayari sa kanya ngayon. She was always confident and liberated, but she was not exactly bold and daring like this when it comes to men. Hindi na niya kailangan pang umamot ng atensiyon mula sa ibang lalaki dahil kusang ibinibigay iyon sa kanya. Pero ibang klase si Ken. Nagmamatigas pa rin ito sa kabila ng halatadong atraksiyon nito sa kanya.

"Okay, let me rephrase that. Hindi ka sanay na hindi nahahawakan ang isang babaeng naka-display ang katawan sa harapan mo," Amber intrepidly said.

Mula sa kanyang mga mata ay hindi na muling gumalaw ang paningin ni Ken. "Are you flirting with me?" tanong nito sa maawtoridad na boses, naghihintay ng mabilis na kasagutan.

Amber seductively raised one corner of her upper lip. "May mapapala ba ako sa iyo kung sakali?" hamon niya sa lalaki.

She let out a soft sexy laugh when his eyes squinted. Pagkuwa'y umiling ito saka tumayo na.

"What's the matter, Kenobi? Can't stand my presence?" hamon niya uli dito nang tumalikod ito sa kanya at akmang hahakbang na palayo.

"Don't play games with me, Amber," naghahamon ding sabi nito na hindi lumilingon sa kanya bagama't tumigil ito sa balak na paghakbang.

His powerful voice sent shivers to his spine. Delicious shiver of pleasure.

"I don't play games." Tumayo rin siya. Shit. Wala pang lalaki ang tumatalikod sa kanya. "Only little girls play games."

Nanatili namang nakatayo doon si Ken, parang nakikiramdam sa susunod niyang gagawin.

Humakbang siya palapit dito. "Do I look like a little girl for you, Ken?"

"Baka hindi mo kayang panindigan kung sakaling patulan ko ang—..." Narinig niya itong nagbuga ng hangin.

She giggled. "Ang ano? Bakit hindi mo ituloy ang gusto mong sabihin?"

She was loving this! She had not done flirting and seducing with any guy before and she never thought it could be this fun.

Mabilis na humarap si Ken sa kanya at sinunggaban ang magkabila niyang mga balikat. Halos angatin siya nito mula sa kinatatayuan sa lakas ng haltak nito sa kanya pataas. Nagkaharap ang kanilang mga mukha, parehong awang ang mga bibig.

Si Ken ang unang naglapit ng mga labi sa kanya. His warm breath was blowing to her lips that made her swallow twice. She gasped when he almost touch her lips with his. Gumalaw siya at tinangkang idikit ang bibig sa lalaking tila tinutukso siyang halikan ngunit bahagya nitong iniurong ang mukha. He was teasing her.

Amber growled in frustration and hunger. Daig pa niya ang batang iniaalayan ng kendi ngunit ayaw talagang ibigay sa kanya. Hanggang sa padarag siyang binitiwan ni Ken at mabilis itong naglakad palayo sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

GOING BACK TO 1945 By CJ1016

Historical Fiction

5.6K 64 3
Roxanne Sta. Maria. Ordinaryong office girl at mabait na ate sa dalawa niyang kapatid na Alexa at Lucas. Sa totoo lang, hindi pa sumagi sa isip niya...
82.8K 2K 23
WARNING: MATURE CONTENT He's rich. He's Territorial. His touch.
149K 7K 15
***WRITTEN IN TAG-LISH*** SHE'S AN ADDICTION HE CAN'T AFFORD. DAX, a man of mysterious past turned highly-paid Stealth agent is doing a good friend a...
335K 6.1K 26
This is the Part 2 of Drowning To Love "Sometimes it's not the pain that make us cry but it's the memories that make you wish for another try." How...