Dreamlovers: Kenobi and Amber...

By Mandie_Lee

768K 7.9K 183

Formerly titled Dreams of Passion: Kenobi and Amber PREVIEW ONLY. JOIN MY FACEBOOK VIP GROUP TO READ THE COM... More

Teaser
Prologue (mild SPG)
Part 1
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7

Part 2

41.9K 866 31
By Mandie_Lee


HAWAK ang isang kopita ng strawberry margarita ay lumapit kay Amber ang best friend niyang si Matt. Assistant niya ito sa CalMed, ang pharmaceutical company na itinatag ng kanyang amang doktor kasama ang kapatid nitong banker. Lumalaking distributor ang CalMed ng pharmaceuticals at mga medical/dental supplies and equipments sa bansa. Siya ang head ng marketing department.

Sa uri ng pagkakangisi ng kaibigan ay alam na niya ang laman ng isip nito, lalo pa't galing ito sa mesa ng kanyang ina. Nasa front lawn sila ng bahay ng kanyang parents kung saan ginaganap ang kanyang birthday party.

"I wanna see the magic quilt, now na!" excited na sabi ni Matt sa kanya sabay tabi ng upo sa harapan ng bar counter.

Eksaherado niyang pinaikot ang mga mata sabay sipsip sa straw ng iniinom niyang Blue Hawaiian. "Bakit, gusto mong gamitin? Ilusyunada ka talaga, Mateo Borromeo!"

Tumawa ito. Matt was gay. Parang sa lalaki pa rin kung ito ay manamit ngunit medyo malambot ang kilos at pananalita. "Malay mo naman, tumalab sa akin." Sinundot siya nito sa beywang. "Bruha ka, hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol sa quilt na 'yan, ah. Kundi pa kinuwento ng Mom mo ay hindi ko pa malalaman."

"This is supposed to be family secret. Hindi namin ito dapat ipinagkakalat. Nalasing na siguro si Mommy kaya niya naikuwento sa iyo."

"Ikuwento mo naman ang panaginip mo," ungot nito.

"Ayoko nga! Baka nakawin mo bigla ang quilt. Gagamitin pa ng mga anak ko balang-araw iyon."

Kinurot siya nito sa braso. "Sige na!"

Inubos niya ang laman ng baso bago siya pinaunlakan ang pangungulit ni Matt. "I dreamed that I was having sex with my supposedly future husband."

"Oh, my fucking God!" tili ni Matt. "Ibigay mo sa akin ang kumot na 'yan, madali!"

Hinampas niya naman ito sa braso. "Ano ka ba! Ang landi mo."

Lalo pang na-excite ang kaibigan niya. "So, did you see his face? Malinaw pa ba sa memory mo ang itsura niya?"

Bumuntong-hininga siya't nilaro-laro ang straw sa baso. "Yeah."

"Gosh, sino kaya siya? Tara, hanapin natin siya!"

"I know him, Matt."

Her best friend gasped in awe. "D-don't tell me na ako 'yun, ha? Amber... k-kaya ba hindi mo sinabi agad 'yan sa akin dahil... a-ako ang naka-sex mo sa panaginip mo? Oh, hell, no! No, no, no! Susunugin ko ang quilt na 'yan pag nagkataon!"

"You're so OA talaga!" naiiling niyang bulalas. "Hindi ikaw, ano? Kung ikaw ang napanaginipan kong iyon ay nightmare ang magiging labas nu'n. Sa tingin mo, buhay pa ako sa harapan mo sa sandaling ito? Geez, it'll be worse than having Freddy Krueger in my dream! Mamamatay ako agad!"

"Grabe ka naman! Babangungutin talaga?" nakangusong sabi ni Matt. Tumawa naman siya. "E, kung ganoon ay sino ang boylet na iyon?" pagkuwa'y untag nito.

Nagbuga siya ng hangin saka nagpasyang umamin. Kilala niya si Matt, hinding-hindi siya nito tatantanan hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo. "'Yung crush ko dati sa probinsiya."

"Ay, teka, naikuwento mo na dati sa akin 'yan, ah. Iyon bang si... Obi-Wan ba 'yun?"

"Kenobi!" natatawa niyang sabi. Sabi sa kanya noon ng mommy ni Ken na hango nga raw kay Obi-Wan Kenobi ng Star Wars ang pangalan ng lalaki.

"Oh, yes, si Ken na crush mo noon sa Tierra Roja. Oh, gosh! Siya talaga ang napanaginipan mo?"

Tumango siya nang ilang beses.

"At lovemaking talaga ang eksena?" kinikilig na ungkat ni Matt.

Tango uli si Amber. Pinilit iwaksi sa isipan ang mainit na tagpo na iyon sa kanyang panaginip na sariwang-sariwa pa mula sa kanyang isipan kahit dalawang taon na ang nakakaraan. It felt so damn real! Alam na alam pa rin niya ang pakiramdam ng mga halik at haplos ni Ken sa kanyang buong katawan. She even remembered how it felt like having him inside her! How she orgasmed.

This is totally crazy!

"Naniniwala ako sa magic quilt. Si Ken nga ang lalaking para sa iyo, Amber!"

"Baliw ka ba, Mateo? Natatandaan mo 'yung mga kuwento ko sa iyo kung paano ako iwasan ng palakang-bukid na iyon na parang may nakakadiring sakit?!"

"E, noon naman iyon. Malay mo, bumait na siya ngayon."

"Inborn na ang pagka-suplado ng lalaking iyon," nakasimangot niyang sabi. "Ipinanganak kasi sa mismong Biyernes Santo. Saka puwede ba, hindi ko na siya type. Itsura niya lang noon, he looked like a famished, malnourished frog in the bukid. Like, eow!"

"Kung makapanlait ka naman! Bitter ka lang diyan dahil basted ka sa kanya, eh. Saka hindi ba siya macho sa panaginip mo?"

"Hindi ko masyado nakita ang buong katawan niya." Although I felt the hardness and smoothness of his body. "M-mukha niya lang. He looked matured, and well, yeah, mas gumuwapo siya."

"Gumuwapo naman pala, puwede na 'yun. Magagawan pa naman ng paraan ang payat na katawan niya. Tamang diet and exercise lang."

"For all I know ay baka may asawa na iyon ngayon. Remember, I told you na iba ang gusto niyang babae."

Napangiwi siya nang maalala kung paano siya nagpapansin noon kay Ken at umabot pa talaga sa puntong inamin niya ditong gusto niya itong maging boyfriend. What was she thinking back then?

I was just young and stupid, anang utak niya. At bilang nag-iisang anak ay sanay siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya, at dahil naipanganak na may angking ganda ay sanay din siya sa mga atensiyon na nakukuha niya mula sa mga lalaki. Si Ken lamang ang may lakas ng loob na iwas-iwasan siya kaya naman mas naging pursigido siya noong makuha ang atensiyon nito. He became a challenge for her. Ayaw niya ng nababalewala, ng kinaiinisan ng kahit na sino. She was sorrounded with friends and men who adored her to bits and pieces. Nobody rejected Amber Caliente. Pero nagkamali siya ng akala.

"But, Amber!" tili ni Matt na pumitik pa ng tatlong beses malapit sa kanyang mukha. "Si Ken ang hinatid ng magic quilt na iyon sa panaginip mo. At kung lovemaking nga ang eksena ay mas dapat kang maniwalang siya nga ang lalaking para sa iyo. Hindi lamang siya biglang sumulpot sa panaginip mo't kumaway at nagsabi ng 'Hi, ako ang lalaking mapapangasawa mo, tara na't magpakasal'. Gosh! You two were sharing something so primal and so beautiful. It was a union of your bodies and souls."

Napatawa siya. "Hopeless romantic ka talaga kahit kelan."

"I'm serious. At least give it a shot. Makipagkita ka sa kanya!" sulsol pa ni Matt.

"Ayoko nga."

"Gaga. Paano mo mapapatunayan kung tama o mali nga 'yung panaginip mo? Maghihintay ka na lang hanggang tumanda ka, e heto't ilang oras lang mula dito sa Maynila ang dream lover mo? Pasalamat ka nga hindi siya foreigner from Timbuktu or worse, alien from another galaxy far, far away!"

Maagang natulog si Amber noong gabing iyon, hindi na niya hinintay matapos ang party dahil napadami ang inom niya ng nakakalasing na cocktail drinks. Isa pa ay parang pagod at nagsasawa na rin siya sa kapa-party. Kagabi lang ay galing na naman siya sa isang party sa club na ni-arrange ng mga kaibigan niya para sa kanya. A wild girls' night kung saan baha ang alkohol at magdamagan ang pagsasayawan. Ang party naman ngayong gabi sa bahay ng kanyang mga magulang ay pawang dinaluhan lamang ng mga malalapit nilang kamag-anak sa siyudad at ilang mga malalapit na kaibigan ng kanyang pamilya. Mas tahimik at maayos.

Kinabukasan ay ginising si Amber ng doorbell. Isang maliit na package ang bigay ng kartero sa kanya na napagbuksan niya. Galing iyon sa mga pinsan niya sa probinsiya na sina Melina at Henrietta, birthday gift sa kanya. Taga-Rosario ang mga ito, isang maunlad na coastal town sa norte. Hindi naka-attend ang mga ito ng kanyang party dahil nagpunta sa Hong Kong kasama ang mga magulang.

Sa card na kasama ng regalong mamahaling mini black dress ay nakasulat doon ang:

We miss you! Hope we can get together soon. Dalawin mo naman kami dito. You might need a tan. :)




NAGULAT ang mga kaibigan ni Amber nang mag-announce siya sa mga ito na magbabakasyon siya sa probinsiya. Indefinite ang sinabi niyang itatagal ng kanyang pagkawala sa siyudad kaya naman kanselado na ang mga lakad niya kasama ang mga ito sa buong buwan. Sa pagtataka niya ay parang hindi naman siya nanghihinayang na hindi maka-night out o makapag-shopping spree. Nagsasawa na nga ba siya sa lifestyle niyang ganoon?

Oh, noes! Nagiging manang na yata siya!

Hindi siya makakapayag! Pagbalik niya ng Maynila ay tuloy ang kanyang aktibong pamumuhay. Sa ngayon ay magre-relax muna siya sa probinsiya, so-sorpresahin niya ang mga pinsan sa Rosario.

"Malay mo, doon mo makikita ang lalaki sa panaginip mo," tudyo pa ni Cleo sa kay Amber sa huli nilang pag-uusap sa telepono.

"Si Mommy talaga!" Saka siya napatawa. "So, kahit mangingisda 'yung nakatakda kong mapangasawa ay okay lang sa inyo ni Dad?"

"Well, bakit naman hindi? Marangal namang hanapbuhay iyon. At, anak, ang importante sa amin ng daddy mo ay mahanap mo ang lalaking magmamahal sa iyo nang tunay. Kahit sino pa iyan, as long as he can give you pure love and happiness, you'll have our blessings."

Napapangiti siya sa gitna ng pagmamaneho ng kanyang pulang Chevrolet Equinox. Masuwerte siya sa kanyang pamilya. Maalwan ang kanilang pamumuhay at lumaki siya sa luho. Ngunit kahit pinalaki siyang spoiled ng kanyang mga magulang ay hindi naman siya hinayaang maging brat at pakawala; hindi nagkulang ang mga ito sa pangaral sa kanya. And, her work had taught her to be responsible and mature. Nakaya niyang ibalanse ang oras ng trabaho at oras ng paglilibang. Tapos siya ng kursong Marketing pero hindi siya academically smart kaya naman ginamit niya ang taglay na karisma upang makakumbinse ng mga malalaking kliyente. Malakas ang power of persuasion niya.

Mahigit dalawang oras na lamang ang layo ni Amber sa destinasyon nang may madaanan siyang road block. Natanaw niyang may mga nagtatrabaho sa kalsada at may isang karatulang nagtuturo ng direksiyon kung saan ang detour. May mga traffic enforcers din doon na sumenyas sa kanya, itinuturo ang isang makitid na dirt road.

Ang kulay pulang dirt road na dinaanan niya ay iniluwa siya sa isang sementadong barangay road na hindi nagtagal ay ihinatid siya sa isang maunlad na downtown. Ang downtown ng Tierra Roja.

Mabagal siyang nagmaneho kasabayan ang mga pampasaherong tricycle, jeep at minibus. Sa gitna ng traffic ay iginala niya ang paningin sa paligid. Ibang-iba na ang downtown ng Tierra Roja kaysa sa huling apak niya doon. It was buzzing with people and booming with business establishments. May bagong tayong mall doon, mas malaki kaysa sa nauna. May nadaaanan din siyang bagong-tayong university. Mas dumami na rin ang mga tindahan at mabababang buildings.

Doon na siya inabutan ng gutom kaya nang may madaanan siyang restaurant ay nagpasya siyang kumain muna. Mula sa bintana sa harapan ng mesang kinapupuwestuhan niya ay natanaw niya ang isang malaking ospital. Habang kumakain siya ay hindi napigilan ng kanyang utak ang mag-isip tungkol sa negosyo ng kanyang pamilya.

Noong nakaraang taon pa nila napag-usapang magpipinsan ang mag-expand pa ng operation at himuking maging kliyente kahit maliliit na mga pagamutan at botika. Nabinbin lang ang mga plano nila dahil marami silang biddings na hinarap sa pagbubukas ng taon. Ngayon ay baka puwede na nilang simulan ang pagpapatayo ng sales branches sa mas malalayong lugar.

Nang matapos kumain si Amber at balikan ang kotse niya sa parking lot ng restaurant ay natuklasan niyang flat ang isang gulong niyon. Napamura siya nang suriing maigi ang goma. Hindi lang iyon basta-basta masosolusyunan ng pagbomba ng hangin. Kailangan niyang palitan ang gulong!

Helpless siyang luminga-linga sa paligid. Kailangan niya ng tulong. Hindi niya alam magpalit ng flat tire!

Napapahilot siya sa batok na ibinalik ang tingin sa flat na gulong nang makarinig siya ng mga papalapit na yabag. Liningon niya ang pinanggalingan niyon at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

The footsteps were from a tall, slightly but firmly muscled man who was clad in a faded blue denims that fitted his long legs. Brown Merrell rubbershoes ang sapin nito sa mga paa, naka-t-shirt ng puti, at kahit natatakpan ng aviator sunglasses ang mga mata nito ay alam niyang guwapo ito. And, somehow, he looked very, very familiar...

Sa nalalabing mga hakbang nito palapit sa kanya ay natanto niyang sinisipat din siya nito ng tingin at nang parang mapagsino yata siya ay nahinto ito sa paglalakad.

The powerful jaw, aristocratic nose and sensual lips, how could she forget those? Kilala niya ang lalaki!

"Kenobi," she muttered under her breath.

Nang nag-alis ito ng sunglasses at isinukbit iyon sa liigan ng t-shirt nito ay isang pares ng malalalim na mga matang matiim kung tumingin ang nalantad.

Nanlambot yata lahat ng himaymay ng kanyang katawan at napasandal ang kanyang likod sa tagiliran ng Equinox. Mabilis na pumarada sa kanyang isipan ang mga maiinit na sandali sa kanyang panaginip kung saan kasalo niya ang lalaking kaharap sa pagkikipagniig. She was instantly feverish. Nang humakbang pa palapit si Ken sa kanya ay nakalimutan na niyang huminga. Sa kanyang panaginip kasama ito ay hindi niya masyadong nasilayan ang kabuuan ng katawan nito bagama't nadama niya iyon. Nadama niya sa panaginip na hindi na ito kasingpayat gaya ng dati. But, she didn't know he would bulk up like this in real life!

Paanong ang mukhang malnourished na palakang bukid noon ay isa nang napakaguwapo at machong lalaki ngayon? Did a princess kiss him to transform into a gorgeous, hottie prince?

"Is everything okay, Amber?" tanong ni Ken sa kanya sa buo ngunit malamig na boses.

Napalunok siya. At nang masamyo niya ang presko at mabangong cologne nito ay lalo siyang pinanghinaan ng tuhod. Oo, alam niya, exaggerated na masyado ang nararamdaman niya ngayon. Hindi ito ang unang pagkakataon na may guwapo at machong lalaking lumapit sa kanya, but hell, ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay crush niya dati at napanagipan pang katalik niya. Ang lalaking mapapangasawa daw niya balang-araw!

Nang nainip ito sa kanyang sagot ay nagsalita uli ito. "May maitutulong ba ako?" anitong tila alam na ang kanyang problema.

"O-oh," aniya, pilit tumawid ng tayo. "Y-yes... Ahm, please, pakitulungan akong palitan ang flat tire ng kotse ko."

Continue Reading

You'll Also Like

373K 11.2K 24
Tiffany del Valle seemed to have all the things any woman would wish for: beauty, fame, and wealth. Ngunit sa kabila niyon ay hindi siya masaya. She...
GOING BACK TO 1945 By CJ1016

Historical Fiction

5.6K 64 3
Roxanne Sta. Maria. Ordinaryong office girl at mabait na ate sa dalawa niyang kapatid na Alexa at Lucas. Sa totoo lang, hindi pa sumagi sa isip niya...
84K 5.5K 10
LANGUAGE: TAG-LISH DUERO LEON DELESTE is a world-champion race car driver. He drives on his own lane at his own speed without apologies. The world is...