My Gangster Husband

By modernongmariaclara

14.7M 275K 56.3K

PART TWO ON GOING More

Prologue.
Chapter 1. [Where it all started]
Chapter 2. [Shocking Announcement]
Chapter 3. [Accept it or not?]
Chapter 4. [My first kiss]
Chapter 5. [Wedding Day]
Chapter 6. [Embarrassed]
Chapter 7. [Proposal]
Chapter 8. [Smiles]
Chapter 9. [2 Gangsters?!]
Chapter 10. [Trending]
Chapter 11. [Gang fight]
Chapter 12. [Hurting]
Chapter 13. [Drunk]
Chapter 14. [Unattached]
Chapter 15. [Lost]
Chapter 16. [Worries]
Chapter 17. [Strangers, again]
Chapter 18. [My turn]
Chapter 19. [Strike]
Chapter 20.1 [Friendly date]
Chapter 20.2 [Friendly date]
Chapter 20.3 [Dance]
Chapter 20.4 [Dance]
Chapter 21. [Marked]
Chapter 22. [Promise]
Chapter 23. [Secure]
Chapter 24. [Getting closer]
Chapter 25. [Broken]
Chapter 26. [Confidential]
Chapter 27. [Mindset]
Chapter 28. [Explanation]
Chapter 29. [Depressed]
Chapter 30. [Confession]
Chapter 31. [Butterflies]
Chapter 32. [Awkward]
Chapter 33. [Reasons]
Chapter 34. [Inevitable]
Chapter 36. [The Aftermath]
Chapter 37. [Assurance]
Chapter 38. [Comeback]
I'm back! Please read this ~refresher~ first. :)
PART 2: SOON!
MY GANGSTER HUSBAND PART 2
MGH 2: Chapter 1. [I'm back]

Chapter 35. [The Truth]

276K 6.1K 1.9K
By modernongmariaclara

Sensya sa cussing parts... Enjoy...

---------------------------------

DYLAN'S POV

"Tangna pare, kalma nga! Ano bang problema mo ha?"

"Manahimik ka Sky wala akong ganang makipag-usap ngayon."

"E gago ka pala e. Pinapunta mo ko dito sa bahay niyo dahil gusto mo ng ipasikaso sa tito ko yung annulment papers niyo tapos sisinghalan mo ko? Ano ba Dela Cruz?!"

"Punyemas sabi ko ng manahimik ka!"

Di na siya nagsalita. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng seryoso.

"Pasensya na pare. Di kasi sinasagot ni Hannah tawag ko. Ilang oras na wala pa rin."

"Kaya pala kanina ka pa nakatutok sa cellphone mo. Nasaan ba siya?"

"Nagpunta raw sa cemetery. Sa nanay niya. Mahigit isang oras na di pa rin siya tumatawag para magpasundo. Aish!!!"

Tinignan ko ulit ang screen ng cellphone ko. Langya Hannah. Ano ba?! Bakit di mo sagutin ang tawag ko ha?!

Lagot ka talaga sakin mamaya!

"Alam mo, ang labo mo pare."

Tinignan ko si Sky.

"Anong malabo ha?"

"Gusto mong magkahiwalay kayo pero ikaw 'tong parang aso kung makapag-alala sa kanya. Ano ba talaga?"

Napatigil ako.

"Nag-aalala lang ako kay Hannah. Asawa ko pa rin siya. Nasa poder ko pa rin siya kaya sagot ko kung may mangyaring masama sa kanya."

"Yun lang ba talaga?"

"Manahimik ka na nga lang."

"Para kang gago. O? Ano na? Ipapaayos mo ba na ba sa tito ko? Sigurado ka?"

I sighed.

Sasagot na sana ako ng 'Oo' ng biglang tumunog yung cellphone ko.

Pagkatingin ko sa cellphone ko...

Calling: Stupid Hannah

Hay salamat tumawag na rin!

"Sige pare. Pa-CR."

Umoo ako sa kanya at binalik ang atensyon sa cellphone ko. Pinindot ko yung 'answer' button at sinagot agad.

"Lintek na yan Hannah bakit ngayon ka lang tuma--"

"Kamusta na, Dela Cruz?"

Para akong naging istatwa dahil hindi si Hannah ang sumagot ng telepono.

Isang lalaki.

At kaboses niya ang lalaking tumawag sakin sa Tagaytay.

"Dela Cruz, Dela Cruz, Dela Cruz. Akala mo ba ako si Hannah?"

"Gago. Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni Hannah ha?!"

"Hahaha! Kapag sinabi ko ba sayo kung bakit, may magagawa ka?"

Napatigil ako.

"Anong ibig mong sabihin ha?!"

"Pumunta ka sa hideout. Malalaman mo kung saan kapag binuksan mo na yung larawang ipapadala ko sayo."

"Anong larawan? Anong ginawan niyo kay Hannah mga gag--"

*toot toot toot*

Shit!

Maya-maya biglang tumunog cellphone ko.

'One multimedia message'

Pagkabukas ko, nagulat ako.

Tangina! Tangina talaga!!!

Si Hannah, nakatali sa isang upuan at walang malay. Sa isang hideout na alam na alam ko.

Ang hideout ng Black Scorpions.

Hawak ng Black Scorpions si Hannah? Pero bakit? Tangina naman! Ano 'to? Gaguhan?!

Sila na 'tong umatras sa underground battle tapos ngayon gagamitin nila ang asawa ko?! Tangina!!!

Binaba ko yung photo. May nakasulat pa.

Wag na wag mong isasama ang gang mo. Mag-isa ka lang pumunta kung ayaw mong mamatay ang asawa mo. Be here before 7PM or else...

Shit... No... Shit...

Tumayo ako agad. Di pwedeng may mangyari kay Hannah.

Eto na nga ang sinasabi nila Sky.

"Pre. Wag mong sabihing nagugustuhan mo na si Hannah? Mahirap yun. Wag mo ng ituloy. Baka matulad siya kay--"

Hindi niya na natuloy yung sasabihin niya dahil nasuntok ko na siya.

"Ano bang problema pre? Nyeta binabalaan lang naman kita! Alam mo dapat nga iwanan mo na yang si Hannah! Mapapasubo pa tayo dyan! Ngayong alam pa ng gang nila Jao na may babae kang kasama! Pasalamat ka hindi pa nila alam na asawa mo yan kundi baka si Hannah pa gamitin nila para matalo tayo!"

"TANGNA WAG MO KONG PAKIELAMAN! WAG NIYO KONG PAKIELAMAN!"

"G*GO KA BA?! MALAMANG MAGKAKAIBIGAN TAYO KAYA NAG-AALALA LANG NAMAN KAMI! BAKA MAPAHAMAK PA SI HANNAH! BABAE YUN! IWASAN MO NA HANGGA'T MAAGA PA!"

Napahawak ako sa ulo ko.

Hannah, I'm so sorry... I'm so sorry...

Paalis na sana ako ng bigla akong pigilan ni Sky.

"Saan ka pupunta pare?"

"Wala. May aasikasuhin lang ako."

Bago pa siya makapagsalita, tumakbo na agad ako papalabas ng bahay at sumakay sa motor ko.

Anong gustong makuha ng Black Scorpions? Punyeta!

Bigla na lang pumasok sa isip ko yung pinag-usapan namin ni Sky dati.

"Nalaman ni Trick na ang motibo ng gang na yun sa pakikipaglaban ay para makakuha ng connections. Kung para saan? Di ko alam."

"Yun lang?"

"Nalaman rin ni Trick na magaling sa strategy yung gang na yun. Alam naman natin na sa every underground battle, may gustong makuha ang bawat gang na magkalaban. Gaya na lang ng laban nila dati sa Bloodz. Ang pinili raw ng Bloodz na makuha kung nanalo sila, tig-iisang mamahaling kotse. Ang pinili ng Black Scorpions ay yung connections. Alam mo bang talo ng Bloodz ang Black Scorpions? Pero nakuha pa rin ng Black Scorpions ang connections na gusto nila?"

"Paano nangyari yun?" di ko mapigilang itanong. Natalo pero parang nanalo pa rin?

"Kasi nga magaling sila sa strategy. Ang ginawa lang naman nila, kinidnap nila yung girlfriend ng lider ng Bloodz. Sinabi na kung hindi ibibigay yung connections na gusto nila, papatayin nila yung babae."

Shit!

"Ngayon alam mo na kung bakit namin gustong layuan mo si Hannah. Pero alam naman naming di mo magagawa yun dahil alam na rin ng kabilang gang na girlfriend mo siya. Ang gawin mo lang ay protektahan siya at all times Dela Cruz. Wag mo siyang iwan. Baka mangyari yung dati. Oo alam nating hindi naman dahil sa gang fight namatay si Mandy pero parang ganun na rin yung sitwasyon ni Hannah ngayon. Kung papabayaan mo lang siya, di mo alam baka may mangyari sa kanyang masama."

Akala ko wala ng mangyayaring ganito. Akala ko...

Ah shit. Subukan lang nilang galawin si Hannah. Subukan lang nila.

Binilisan ko pagmomotor ko.

Hannah... hintayin mo ko... Hannah...

Pinark ko ang motor malapit sa hideout ng !@#$%^&*$^# Black Scorpions na 'to. Pagkababa ko, akala ko may susundo sakin pero mali ako.

Ang tatanga nila. Meron ngang nakabantay sa harap ng hideout nila pero nung sinilip ko yung likod, wala.

Strategy kamo? Tangina. Ipapalamon ko sa kanila ang strategy nila.

Pumunta ako sa may likod ng hideout. Nakita kong may basurahang pwedeng apakan para makaakyat papunta sa basag na bintana na nasa taas. Alam kong makakalusot ako kaya hindi na ko nagpaliguy-ligoy pa, umakyat na ko.

Pagkakita ko palang sa loob ng hideout, nakita ko agad si Hannah. Nakatali at walang malay. Nasa gitna siya ng hideout at wala man lang nagbabantay sa kanya.

Ang tanga-tanga talaga nila. Ako pa kinalaban ah. Huh. Mga tarantado.

Nagdahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Pagkapunta ko sa harap niya, niyugyog ko siya.

"Hannah, hannah. Gumising ka."

Oh shit! Talagang pinatulog nila ang asawa ko. Mga gago!!!

Hannah, makakaalis tayo dito. Makakaalis...

Pumunta ako sa likod niya at sinimulang tanggalin yung tali sa magkabilang-kamay niya. Shit. Shit talaga! Ang higpit ng pagkakatali nila kay Hannah. Paano kung nagkamarka 'to? Shit!!!

Hindi ko pa nga natatanggal yung tali, biglang gumalaw yung kamay ni Hannah. At pagkatingin ko sa kanya, nakadilat siya. mukhang kakagaling lang sa malay at gulat na gulat.

"Dylan? Nasaan tayo? Anong-- DYLAN!"

--------------------

HANNAH'S POV

Oh my god. Oh my god!!!

"BITAWAN NIYO SI DYLAN! ANONG GINAGAWA NIYO SA KANYA?!!!"

"Manahimik ka."

Nanlaki yung mga mata ko sa na-witness ko.

Kung paano nila binasagan ng bote sa ulo si Dylan.

Nagulat ako ng biglang itinayo nila si Dylan at dinala sa may gilid. Nawalan siya ng malay. Puno ng dugo sa mukha niya.

Dylan... Dylan ko...

Nginitian ako ng isang lalaki na pamilyar ang mukha.

Yung Jao.

Yung ka-gang ni Mac.

Isa siya sa mga lalaking kumuha sakin kanina. At ngayon, narealize ko kung nasaan ako.

Nasa balwarte ako ng Black Scorpions.

Lumapit sakin si Jao, hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko para makita ang mukha ko.

"Ikaw pala ang sinasabi ni boss. Maganda ka nga."

What the, ang higpit ng tali ng kamay ko sa likod ng upuang 'to. Di ako makaalis!

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan ko.

"Anong ginawa niyo ha?! Bakit? Anong gusto niyo samin?!"

"Akalain mo yun? Gusto ka ng boss namin, ikaw pa ang asawa ng lider ng pinakakinatatakutang gang dito. Aba pucha, tiba-tiba naman kasi sila sayo. Ang ganda mo e. Pwede bang makihati?"

Dinuraan ko siya.

Lumayo siya sakin at pinunasan yung mukha niya. Saka itinaas yung mukha ko.

"Aba't! Palaban kang babae ka ah. Gusto mong turuan kita ng leksyon ha?!"

"Pakawalan mo kami ng asawa ko!"

"Asawa?" nagsmirk siya. "E sabi nga samin ni boss na di mo naman mahal ang asawa mo e. Kaya ayos lang na patayin namin siya."

W-what?

No... no... no...

This is my fault.

This is all my fault.

"Mahal mo ba ang asawa mo?"

"Anong klaseng tanong ba yan. Hindi ko ala--"

"Mahal mo ba si Dylan?"

"Hindi lahat ng tanong Mac, may sagot."

"Isang simpleng oo o hindi lang yan, Nana. Hindi mahirap yan."

"Hindi ko mahal si Dylan."

Bakit? Bakit ginawa ni Mac 'to?

Pero, sinabi ko sa kanya yun matagal na. Bakit? Bakit niya kami kinidnap?

Anong dahilan?

"Wag kang mag-alala. Di kita gagalawin. Utos sakin ni boss na wag kang hayaang masaktan."

"Nasaan si Mac?"

Binitawan niya ako at ngumisi.

"Bakit? Pipilitin mo siyang pakawalan kayo? Wag ka ng umasa. Mamamatay yang Dela Cruz na yan."

"Bakit? Anong dahilan?!"

Nagulat ako ng di si Jao ang sumagot ng tanong ko.

"Dahil siya ang may kasalanan kung bakit muntik ng mawala ang kapatid ko, Nana."

Si Mac.

"Ano? Anong sabi mo? Di kita maintindihan! Alam mo bang kanina pa ako gulong-gulo ko ha?! Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Na wag ka ng makikipag-away sa gang ni Dylan dahil asawa ko siya ha?! Akala ko gagawin mo na ang tama! Na hahanapin mo sa tamang paraan ang ex-boyfriend ni Ann?! E ano 'tong ginagawa mo?!!!"

"DAHIL YANG ASAWA MO ANG GUMAGO SA KAPATID KO! ANO?! DI PA BA MALINAW?!"

Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.

"A-anong... anong ibig mong sabihin? Sagutin mo ko Mac. Anong ibig mong sabihin?!"

Galit na tinuro niya si Dylan na walang malay saka tinignan ako ng diretso.

"Siya ang ex-boyfriend ng kapatid ko. Ang tarantadong naging dahilan kung bakit nasira ang pagkatao ni Ann. Nana, kinwento sakin ni Ann lahat! Lahat. At tangina talaga. Dapat mamatay yang Dela Cruz na yan."

Ngayon lang naging malinaw ang lahat.

Hindi lang pala coincidence ang pagkaparehas ng pangalan nila. Iisang tao lang pala sila.

Si Mandy at Ann ay iisa.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nanghina. Nakaramdam ako ng takot.

Nakakaalala na si Ann...

Si Ann ay kaibigan ko...

At siya rin ang Mandy na mahal na mahal ni Dylan.

Bakit? Bakit di ako masaya?

Nagulat ako ng may nagsalita.

"Buhay si Mandy?"

Pagkatingin ko...

Si Dylan, nakatayo

"Mabuti naman at gising ka na Dela Cruz."

"Anong kaputahan 'to?! Magkakilala kayo ni Hannah?! Anong buhay si Mandy? Pinagloloko mo ba ko ha?! Sino kang gago ka!"

"MAC!"

Napanganga ako ng biglang suntukin ni Mac si Dylan.

"Sino ako?! Ha?! Ang lakas ng loob mong tanungin ako ng ganyan! Ako lang naman ang kapatid ng babaeng hinayaan mong mababoy ng isang lasenggero ng gabing iniwan mo siya! Sana prinotektahan mo siya! Hindi yung iniwan mo siya!"

"Oo kasalanan ko! Kaya nga nagsisisi ako ng iniwan ko siya! At anong nangyari? Namatay siya! Namatay siya dahil iniwan ko siya!"

"Namatay siya? Ha! Tangina! Sinong nagsabi sayo?'

"Pumunta ako sa bahay nila. Nagpakilala ako bilang kaibigan ni Mandy. Gusto ko siyang makausap kaso ang sabi, patay na siya."

"Naniwala ka naman? Gago nilayo lang nila si Ann sayo! Kasi gago ka!"

"ANO?!"

Di ako makahinga sa nalalaman ko.

Ano ba, ano ba talagang nangyari?

Ano ba talagang nangyari nung gabing iniwan ni Dylan si Mandy?

Bigla ko na lang naalala yung pag-uusap namin ni Dara dati...

"Importante si Mandy kay Dylan diba?"

"Of course. Kaya nga naging sila eh."

"Eh bakit sila nagbreak?"

"Hannah, onti lang ang nakakaalam na naging sila ni Mandy. Yung Dark Knights lang yata at ako. Yung mga schoolmates namin, ang tingin lang nila kay Mandy at kuya noon, ay parang mag-bestfriends lang. Nobody knew the reason on why they kept their relationship private. Siguro kasi private na tao si kuya at Ate Mandy."

"So, wala ring nakakaalam kung bakit sila nagbreak?"

"Ewan. Basta ako, di ko alam. Why don't you ask one of the Dark Knights? Baka alam nila kung bakit."

"Ah, wag na. Ayoko rin namang manghimasok sa past niya. I'm just trying to figure him out."

"I understand."

At ang pag-uusap rin namin ni Mac nun...

"Diba sabi mo yung bumastos kay Ann, ex-boyfriend niya?"

"Oo."

"Bakit di mo na lang ipagtanong sa mga kaibigan ni Ann sa Pinas kung ano ang pangalan ng boyfriend niya? Ng di na kayo makipaglaban sa mga gangs. Para wala ng mapahamak sainyo."

"Hindi mo pa ba alam, Nana?"

"Alam na?"

"Hindi legal si Ann at ang ex-boyfriend niya. Secret lang sila. Alam mo namang ayaw ng mga magulang ko na magka-boyfriend si Ann. Ako lang nakakaalam na may ex-boyfriend siya that time. Malas ko nga lang, hindi ko na natanong ang pangalan nung tarantadong yun. Wala rin silang picture, o kung ano pa man na pwedeng magdala sakin sa lalaking yun. Chineck ko na kwarto ni Ann, wala talaga."

"So, walang nakakaalam na naging sila?"

"Oo. Believe it or not, pinagtanong ko na rin yun sa mga kaibigan niya. Pero wala talaga eh. Hindi nila alam na may boyfriend si Ann."

"So, makikipaglaban pa rin talaga kayo? Kapag natalo niyo yung gang na yun, anong kapalit?"

"Hihingin namin ang connections nila. Para mas madaling mahanap yung lalaki na gusto kong patayin."

Iba na pala ngayon.

Nahanap na ni Mac ang papatayin niya.

Si Dylan.

----------------------

DYLAN'S POV

No...

No... Di 'to totoo...

No...

Di totoong kapatid siya ni Mandy. Patay na si Mandy 4 years ago...

Kaya para na rin akong namatay.

"Ano?! Natameme kang gago ka?! Alam mo ba kung gaano nasaktan si Ann ng nakipaghiwalay sa kanya dahil lang ayaw niyang sabihin sa magulang namin na kayo?! Na tinatago ka niya?! Putangina! Sa gabing gusto niya na makipagbalikan sayo, bigla mo lang siyang hinayaang umiyak at maiwan sa liblib na lugar! Tangina! Di mo man lang siya inalala! At anong nangyari? Nababoy siya! At alam mo ba na dahil dun, nasagasaan siya at na-coma sa loob ng dalawang taon ha? At sa natirang dalawang taon, wala siyang maalala. Dahil yun sayo gago ka!"

Sinipa niya ako. Sinipa ng sinipa. Pero wala akong maramdaman.

Namanhid ako sa sinabi niya.

Buhay si Mandy.

Buhay siya.

"O, tignan mo. Ng makita mo kung paano mo siya pinatay."

Kinuha ko yung binato niyang larawan sakin.

Larawan ni Mandy na nasa ospital, maraming pasa, at halatang bugbog ang katawan niya.

Eto ang larawan niya ng nasa coma siya.

No... No...

She looks so... fragile.

I'm so sorry... Mandy...

I promised to take care of you, yet I didn't fulfill it.

Mandy...

"Babe! Buti pumunta ka! I'm surprised na ang bilis mong nakapunta dito sa safe haven natin. I miss you."

"......................."

"Babe?"

"Ano bang gusto mong mangyari Mandy? Hiwalay na tayo. Wag mo na kong pahirapan pa."

"Dylan--"

"Mandy, tama na."

"Anong tama na?! Dylan, I love you! You know that! I don't know what's the real reason why you broke up with me but please, I'm begging you... Take me back..."

"Mandy, please. Ayoko na."

"Anong ayaw mo na? Suko ka na? Dylan, 1 year! 1 year na tayo tapos aayaw ka na agad? Akala ko ba hanggang sa pagtanda, magkasama tayo? Tapatin mo na ko! Ano bang dahilan kaya ayaw mo na sakin ha?!"

"Gusto mong malaman kung bakit ha?! Dahil sawang-sawa na ko na tinatago mo ko! Sa pamilya mo, sa kaibigan mo!"

"You're lying. I know you're--"

"I'm not lying damn it! Pagod na ko! Pagod na kong mahalin ka. I'm so sorry."

Tinalikuran kita nun at narinig kong tinatawag mo ang pangalan ko. Pero di kita nilingon.

Di ko kaya.

Dahil baka masabi ko ang totoo at bumalik ako sayo.

"DYLAN! DYLAN BABE! PLEASE! DYLAN!"

"Ano Dela Cruz? Tutunganga ka na lang ba dyan ha? Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo sa kapatid ko? Sumagot ka!"

Tinignan ko siya ng diretso. Galit na galit siya.

Naiintindihan ko kung bakit.

I fcked up. I really fcked up.

'Kamusta na siya?"

"Tangina. Wag kang magkunwaring nag-aalala ka kay Ann! Nakakaalala na siya! At sinabi niya sakin lahat ng nangyari. Kahit ayaw niyang saktan kita, gagawin ko dahil hayop ka!"

Bumuntong-hininga ako.

"Nakipaghiwalay ako dahil ayokong nakikita siyang nahihirapan."

"Sa tingin mo papaniwalaan kita? Ha. Lintek lang ang walang ganti. Oo, di pa patay si Ann. Pero para mo na rin siyang pinatay sa ginawa mo."

Inalis niya yung tingin niya sakin at tinuon ito dun sa tarantadong si Jao. Buhay pa pala ang gago.

"Lumabas ka at tawagin mo na silang lahat. Papuntahin mo dito at wag mong kalimutan na sabihin sa kanila yung sinabi ko."

"Yes boss."

Pagkalabas ni Jao, lumapit sakin si Mac at bumulong.

"Wag na wag kang lalaban kung ayaw mong idamay ko si Hannah dito."

Shit.

Si Hannah...

Si Hannah nandito nga pala.

Tinignan ko siya. At halatang takot na takot siya.

Kung makapag-usap sila kanina parang magkakilala sila?

Ginamit siyang bait ng Black Scorpions para matunton lang ako?

Mga gago.

Kahit gulong-gulo ako kay Mandy ngayon...

Si Hannah na ang buhay ko ngayon.

Ayoko na magsinungaling lalo na sa sarili ko. Di ko na rin naman kayang patayin 'tong lamok sa tyan ko.

Importanteng-importante siya sakin.

At kailangan ko siyang protektahan.

"Wag na wag niyo siyang gagalawin."

Umayos siya ng tayo at nakita kong pumasok ang ibang mga myembro nila. May mga hawak silang baseball bats at paddle. At may isa pang may hawak na pocket knife.

Shit. Mamamatay na nga ako.

Ngumisi siya. "Handa ka na pala talagang mamatay."

Pumikit ako.

"Wag kang puro salita. Gawin niyo na ng matapos na 'to."

I lied to Mandy 4 years ago...

And now, I lied to Hannah.

Ayokong mawala ka sakin.

Kaya ako na lang. Wag ka lang mapahamak.

------------------

HANNAH'S POV

"Simulan niyo na."

Pagkasabi ni Mac nun, bigla na lang umatake yung mga ka-gang niya at pinalo si Dylan gamit ang baseball bats at paddle na hawak nila.

"MAC PLEASE! MAC ITIGIL MO NA YAN!"

Nakapikit pa rin si Dylan, halatang nasasaktan na siya pero bakit wala siyang ginagawa?!

Bakit? Bakit ginagawa ni Mac 'to?

Dahil sa galit?

Buhay naman si Ann. Bakit? Bakit ganito?

Anong nangyari sa bestfriend ko? Bakit niya sinasaktan ang asawa ko?

"Dylan, duwag ka ba ha?! Lumaban ka! Utang na loob lumaban ka!!!"

Duguan na siya. Oh god, no...

Sinaksak pa siya sa tyan nung isa.

Wala akong magawa. I can't even convince Mac to stop.

"Dylan please..."

I feel helpless.

Kanina ko pa tinatry na tanggalin ang tali sa kamay ko pero di ko pa rin magawa. Lumuwag pero...

Oh my god. Natanggal ko ang tali.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa tali kasabay ng pagkahablot ni Mac sa bulsa niya ng...

Baril niya.

"Hinding-hindi kita mapapatawad, Dela Cruz. Hindi nga ikaw ang bumaboy sa pagkatao ng kapatid ko pero wala e, mas masahol pa sa nangyari sa kanya ang ginawa mo. Patawad."

Tinutok niya ang baril niya kay Dylan.

"Mac, Nooooooooo!"

Tumakbo agad ako papunta kay Dylan...

At ang huli kong narinig ay ang putok ng baril ni Mac.

Napahiga agad ako sa sahig ng biglang tamaan ako sa likod. Di ako makahinga...

"Hannah! Shit!"

Nandidilim na ang paningin ko...

"Hannah, hannah gumising ka! Wag mo ko iwan Hannah!"

Pakiramdam ko, hinihila na ko papalayo...

"Hannah, please... dumilat ka... please..."

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Dylan, may luha sa mga mata niya.

"Bakit mo ginawa yun ha?!"

I smiled weakly at him.

"Dahil gusto kita."

"ANG BOBO MO! GUSTO RIN KITA HANNAH! DON'T LEAVE ME PLEASE... DON'T..."

Dying for you is worth it, Dylan.

Napapikit ako. Darkness started to consume me...

And then everything went black.

--------------------------

Ang magcomment ng 'bitin' at 'update please' may palo sa pwet. Pinaghirapan ko 'to. Jusko pinagpawisan ako hahaha. Wala pala ako next week sorry wag mangulit ng update ty =)))))))

Continue Reading

You'll Also Like

28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
309K 21.5K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.