If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 67: Show Me What I'm Looking For

97.3K 2.4K 492
By shirlengtearjerky

Chapter 67: Show Me What I'm Looking For


Chapter Inspiration: Show Me What I'm Looking For by Carolina Liar. Aahh, 4th year high school days  Listen to the song >>

FILLER CHAPTER lang ito.

Dedicated to Ate Jasmine Pinugu! Sa Monday na!!! XD
Again, thank you for reading the last chapter! Meh. Kaya pa ba?

Comment and vote if you like the chapter. Konti na lang oh, tapos na! 8 to go? =)))


**


FEBRUARY


Pumasok ang first week ng February na walang kahirap-hirap.

Of course, that would be an understatement. Kailan ba nawalan ng hirap ang mga linggo ng buhay natin? Iba-iba naman kasi tayo ng standards pagdating sa "hirap". Yung hirap para sa'yo ay pwedeng magaan o mabigat na sa iba.

First week ng February. Approximately 8 weeks before Graduation.

And of course, nobody said it was fcking easy.

**

MONDAY

Pag kaibigan mo ang isang tao, gets mo na agad kung may problema ito. Gestures at glances pa lang, pag may something na mali, alam na.

Take for instance ang Clueless Duo. Nang makita ni Janine na hindi magkasabay pumasok sina Wes at Rocky, alam nyang may mali sa bestfriend nya.


"WHAT!?"

Agad na tinakpan ni Rocky ang bibig ng bestfriend. "OA naman maka-react 'to!"

"Hello, sino bang di magrereact ng ganto!!! What the hell happened?"

Di makatingin ng diretso si Rocky sa kausap. Buong weekend nya kasing pinroblema ang chika nya dito. "Eh di ko naman talaga sinasadya! Malay ko bang andun si Tita Sel sa supermarket! Syempre with beso and everything. Dumagdag pa si Podi na sumulpot na lang bigla."

Ang dilemma ni Rocky ngayon ay eto: nagkasalubong sina Rocky at ang mommy ni Podi na si Tita Sel sa Town nung Saturday. Naging close ang dalawa nung sila pa ni Podi, in fact botong-boto ito kay Rocky. Ang kwentuhan nila ay nauwi pa sa dinner with the whole family. Just like the old times.

"Eh dahil dun nagalit si Wes?"

Rocky nodded. "Though di nya sinabi na galit sya.. I could sense it. Kahit di naman competition si Podi ang big deal pa rin sa kanya nun."

Napailing na lang si Janine. "Syempre big deal sa kanya yun bru! Ilang years ding inlababo sa'yo si Wes tas first mo pa si Podi.. so he would automatically assume that he must surpass whatever your former did for you. Kaya nga never magkakasundo ang former at present boyfriends, teh."

"But they are friends!!"

"Not anymore. You got involved na, so parang abangers si Wes. And besides.. bakit di mo pa rin ba sinasagot si Wes? Atat na kami nina Barbs!!"

"Si Barbs atat na!?" di makapaniwala si Rocky. "Sure ka?"

"Of course! Well I kinda assumed na atat sya. Kinukulit nya kasi si Wes last week. Oh well," she rolled her eyes. "Ano na? Kelan mo sasagutin si Wes?"

"I don't know," she sighed. "I have to weigh lots of things! At grabe naman kasi, don't pressure me."

"Uy di kita pinepressure ha! Grabe 'to! Supportive nga ako eh! Look.. this may not help you but I think when you really love a person, there should be no 'maybe's' or 'what if's'. You know when you love a person."

Natahimik na lang si Rocky sa sinabi ng bestfriend nya. She made sense after all. Kung mahal mo nga.. dapat walang pagdududa. Sya lang talaga siguro 'tong paranoid sa mga bagay-bagay. Sya lang ang nagpapatagal.

"Tama ka nga, bru. Dapat hindi ako magdoubt sa sarili ko. Nadadamay pati si Wes sa mga kaartehan ko, kainis!"

Tumawa si Janine. "Haynako.. paranoia at its best! Now wait lang, pwede favor?"

"Ano yun?"

Medyo nagblush pa si Janine. "Uhh.. can you tell me more about Bright Eyes? Kasi yun na lang ang bukang-bibig ni Chester since last week. I can't keep up with his song hits-like knowledge."

"Advice ko sa'yo, don't pressure yourself. Kung natthreaten ka dyan sa lack of knowledge mo about his kind of music, I assure you nag-aaksaya ka lang ng panahon. Di naman ganun si Chester. Kaya ka nya nagustuhan dahil sa mga bagay na meron ka, di yung mga wala ka. Get my point?"

Napangiti na lang si Janine. "Ang yucky pala natin, Chel. We're too serious!"

"Oo nga eh. Parang ang mature na natin. Ano bang alam natin sa totoong buhay diba? Oh well." At sumali na rin sya sa pagtawa ng bestfriend.


**


Hindi alam ni Barbs kung ano ba ang dapat nyang maramdaman nang gumising sya. Para sa kasi sa kanya nakahain ang emosyon sa harapan nya tuwing umaga, pipili na lang sya ng kung anong gusto nya.

Kaso di naman lahat ng bagay ay nadadaan sa ganun. Take for example ang sinabi sa kanya ni Lean nung Friday.


FLASHBACK


BARBS' POV


"I can't believe that I'm going to say this.. but please hit me."


I knew it.

Alam kong dadating din ang araw na aaminin ni Lean na may gusto sya kay Vivien. Come on, obvious naman kasi diba? Ramdam eh! Di naman ako tanga para di mapansin yun. Sabihin nyo mang ako lang ang nagbibigay malisya but guess what?

May malisya talaga.


He exhibited those tell-tale signs when you like someone. He tried to fight the feeling pero tangina, pag tinamaan ka wala na eh. Bumigay ka na.

The feeling is good at first, but when realization creeps into your system, that's the time you get so fcking scared.


At congratulations Lean, narating mo na ang point na yun.


I just stared at him blankly. I'm not mad. Di naman nya kasalanan na magkagusto sya kay Vivien. Naniniwala ako na involuntary ang feelings. Pag nagkagusto ka, walang may kasalanan. Pero syempre that's not applicable to me.


"Di mo ba ako susuntukin?" medyo nanghahamon pa ang gago. "Barbs, I like her. Di mo--"

"Matagal ko nang alam, Leandro. Sa'ting dalawa ikaw lang ang oblivious sa nararamdaman mo para sa kanya."

Tumitig lang sya sakin. Nako, pag umiyak to tatawa talaga ako. As in. Walang makakapigil.


Pero di sya tumawa. Ngumiti pa sya sakin. "Tama ngang ikaw ang nilapitan ko. Kung ibang tao.. baka iba pa sabihin nya."

"Eh sino pa bang lalapitan mo? Ako lang naman nakakaalam ng sikreto mo. Tsaka hello, I'm a girl. Sht that sounded wrong."

Tumawa na sya. "Nevermind. Pano mo nalaman?"

"Ang alin?"

"Na.. gusto ko sya?"

Minsan ayoko ng tinatanong ako ng ganito. Parang shunga lang eh. "Basta. Gusto mo sya. Ieexplain pa ba? Magiging kumplikado lalo mga bagay eh."

At last, tumabi na rin sya sakin. "Buti ka pa Barbs.. wala kang inaalalang ganto. Akala ko talaga sasapakin mo ko."

Sinuntok ko sya sa braso. "Kanina ka pa kasi dyan, nakakairita na!! Ang akin lang.. wag mong madaliin. Alam mo naman siguro kung ano ang consequences diba?"

He nodded. "That's what I'm afraid of. Whatever this thing I have for her.. it could jeopardize the both of us. I can't risk that."

"Love is not love if you don't take risks," sht san ko naman napulot yun? "Ah pucha ewan ko ba sa pinagsasabi ko. Pero sa tingin ko may gusto sya sayo. Kaso wag mo lang talaga sya madaliin."

"I'm not planning to confess anytime soon, Barbs. Naninibago rin ako sa ganto," he confessed.

"I know. Reflected kaya sa chapter mo. Tangina san mo napulot yun? Ang lalim!!!"

"Di ko rin alam. Bahala na Barbs. Salamat talaga, akala ko bibigwasan mo ako."

"Bibigwasan lang kita pag pinaiyak mo sya," pananakot ko. Aba mahirap na! Baka Gael Jr. 'tong si Lean!! "Sa lahat ng ayaw ko e nakikitang umiiyak mga kaibigan ko."

"I'll try my best not to make her cry. But that's inevitable."

"Oo na alam ko. Warning lang kasi. Wag kang gago. Ayaw ko sa mga gago."

Dun na sya iyak-tawa mode. Kainis ganda na ng moment eh! "G-grabe t-talaga 'to! Sakit sa ulo HAHAHAHA!!!!"

"Ewan ko sa'yo!"


END FLASHBACK

**


TUESDAY


Walang tigil pa rin sa kaka-Bright Eyes si Chester. First time makita ni Janine na excited si Chester nang sobra. Pero...


"SERYOSO KA DYAN!?"


Halos mabingi si Janine sa sigaw na yun. Of course, galing kay Chester ang boses na yun. Di ba kapani-paniwala? Pwes, maniwala ka talaga.


Napatingin din ang ilang kaklase nila sa likuran kung saan sila nakapwesto. Breaktime kasi nila.


"Nakakainis nga eh!! So unfair!!!" pagrereklamo ni Rocky. "Feel ko mapupunta ang NBC Tent ng fans kuno ng Bright Eyes!!! At inubos pa nila ang ticket!"


Yan ang balitang bumungad kina Rocky at Chester kanina. Sold out na kaagad ang Gold & Silver tix para sa concert. As usual, di na naman makarelate sina Wes at Janine. Etong si Wes, since medyo nagtatampo pa rin sya kay Rocky, lumabas muna sa classroom.


"Uy guys," singit ni Janine, na di na kaya pa ang tensyon. "Chill lang! May next time pa naman siguro. And attend the Prom!! Di ka makakagraduate!"

"Eh leche di naman exam yun eh! Ayoko nga! Gown yuck yuck yuck!!"

"Anong gusto mo? Di ka magmartsa? Barbs naman minsan nga palawakin mo naman yang utak mo! Nakakainis na eh!"

"EH KUNG NAIINIS KA WAG MO AKONG KULITIN!!! AYOKO NGA SABI!!"

Di na nakaya pa ni Barbs ang inis kaya lumabas na sya sa bahay nila. Mahal nya ang ate nya pero minsan nakakainis na talaga! Feeling nya masyado syang sinasakal nito. At ayaw nya ng ganun.

Absentmindedly syang pumunta sa bridge. Galit sya eh. Walang pakialam sa mundo. Narealize na lang nya na nandun sya nang maramdaman nyang nakaupo na sya sa mismong bridge, 5 minutes later. Natandaan nya ang sinabi ni Seth, so she decided to go home. Kaso malas, bago pa sya makaalis, nandun na ang may-ari ng lugar.


"Bakit ka nandito?"


Di makapalag si Barbs sa sinabing yon ni Seth. Para bang namimintang ito na ewan. "Napadaan lang ako. Don't worry, I'm leaving."

"Nagtatanong lang ako kung ba't ka nandito. Hindi naman kita pinapaalis."

Bumilis tuloy ang tibok ng puso ni Barbs. Damn this muscle, she thought. "Napadaan nga lang. At FYI hindi kita hinahanap. Wag kang mag-assume."

She heard him chuckle. "Ang dami mo namang sinabi. Akala ko ba aalis ka na?"

"Eto na nga eh!" inis nyang sagot. Kung kelan umuokay na tsaka mangkukups! "Bahala ka dyan. Sana may anaconda na lumabas dyan or something!!!"

Lumakad na si Barbs palayo ng bridge at kay Seth. Malapit na sya sa may entrance nang tawagin sya ng lalaki. "Barabas."

"What?"

"May gusto rin sya sa'yo noh?"

Ayaw nyang maalala yung araw na yun. Pilit na nga nyang di inaalala yun pero sadyang gago't kalahati rin ang dalawang lalaki, sila pa ang nagbabalik ng usapan. "Sinong may gusto sakin?"

"Si Casabueno. Hindi naman sya titingin ng ganun kung wala, diba?"

Humarap na sa kanya si Barbs. "Excuse me? Okay ka lang ba? Wala syang gusto sakin!"

"Bakit ba di mo matanggap na may magkakagusto sa'yo?" he somehow snapped. "Look, if I'm right then there's two of us. And i-"

"People aren't supposed to like me, okay!" sigaw ni Barbs. "Hindi nyo ako dapat magustuhan. Ayokong may magkagusto sakin. I can't entertain that fcking fact because I'm not likeable! I'm not that kind of girl that guys fall in love with. At teka nga, ikaw gago ka rin. Sabi mo ayaw mo diba? At ano na naman 'tong drama mo?" medyo natawa si Barbs. "If it didn't matter then you wouldn't keep bringing it up. So please lang, ang dami kong pinoproblema so layuan nyo ako, pwede?!"

Tinignan lang sya ni Seth. Simpleng tingin lang. "It can't be helped, Barbs. How I wish I could."

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Barbs, at umiwas sya ng tingin. Gusto na nyang matunaw dun para mawala na ang kung anumang nararamdaman nya.

Eventually wala na ring nasabi pa si Seth. Tumahimik na rin to sa kinatatayuan nya. That was her cue to leave the place. Eh kasi ganun na ang dynamics nila.


**

THURSDAY


Parehas duty sina Wes at Rocky ngayong araw pero mas naunang pumasok si Rocky. Nag-away na naman kasi sila ni Wes kahapon dahil sa sayaw nila. Parang a week ago nagpromise si Wes na aayusin na ang sayaw pero nanadya ata ang loko, ayun di na naman inayos kahapon sa rehearsal nila sa PE.


"Rodriguez!" tawag sa kanya ni Chester, na officer-in-charge. "San si Wes?"

She wanted to roll her eyes pero nasa form sya, bawal. "Sir hindi ko po alam, Sir!"

"Magkaaway ba kayo?"

Pinandilatan nya ng mata si Chester. Parang sira kasi, magtatanong eh duty rin si Fel! Malamang chika na naman ang abot nila mamaya!

Bago pa sya makasagot, isang humahangos na Wesley Rodriguez ang sumulpot sa form ng duties. "Sir permission to join the platoon, Sir!"

Mukhang relieved na si Chester na pumasok si Wes. Pero syempre, may parusa si Wes dahil late ito.

Nang itiwalag sila para mag-CS, agad na nilapitan ni Wes si Rocky. Nakapwesto sila sa may 3rd floor, taga-bantay ng classrooms dahil wala silang morning assembly that day. "Di ka man lang nagsabi sakin na pumasok ka na," ungot nito. "Hinintay pa naman kita."

Dedma lang si Rocky at nagpatuloy na lang ito sa pagpupulot. "Ah ganun. Empty batt kasi ako eh."

Nainis na si Wes kaya hinigit nya palayo si Rocky. Napunta sila sa may stairs malapit sa may CR. "Ano ba Wes! Masakit yun!!"

"Rachel sabihin mo nga sakin ano bang problema mo?! Ba't ba ganyan ka sakin?"

"Ikaw kamo! Ano bang problema mo ha? My god Wes! If this is still about that dinner, get over it! I told you wala lang yu--"

"Kung sa'yo wala, akin meron!" nagulat silang pareho sa sinabi ni Wes. "Alam kong insecure ka sa mga ex ko. I assure you walang-wala ka compared sa kanila. Pero.. di ko mapigilan na di mainsecure kay Podi eh! Parang kasi.. lahat na lang nabigay nya sayo. Feeling ko wala nakong mabibigay pa sayo. Tangina ang perfect naman kasi ng ex mo eh. Nakakasuya!"

"How many times do I have to tell you na wala na nga!?" naiiyak na si Rocky. Pasalamat na lang at sila lang ang tao sa lugar na yon. "Wes naman.. wag ka namang g-"

"Sana kasi pinaparamdam mo noh. Di ko rin kasi alam kung san tayo papunta eh."

That hit her hard. He's right. Somehow may fault din sya sa nangyayari kay Wes ngayon. Sa sobrang takot at insecure nya, nakalimutan nyang i-secure si Wes from Podi's shadow. Gusto nya munang pag-isipan 'to.

"Wes please wag muna ngayon, okay? Wag tayong mag-usap pag heightened pa ang emotions natin. We could hurt each other," malumanay nyang sabi at bumaba na sya ng hagdan.

Pero itong si Wes ayaw pa ring paawat. "Isa lang naman ang tanong dyan eh. May gusto ka pa ba sa kanya?"

Napatigil si Rocky dun. In fairness, masakit yun. Parang inaakusahan sya ni Wes! "What kind of question is that!"

"Simple lang naman sagot dun Rachel! Oo o hindi lang. Siguro kaya di mo masabi na mahal mo ko kasi mahal mo pa sya. Tama ba ako?"

Natamaan na ni Wes ang boiling point ni Rocky. Susugurin na nya sana ito nang.. di sinasadyang ma-out of balance sya.


And there you go.

With his two eyes, Wes saw how the love of his life fell down the stairs.


"RACHEL!!!"


******


Naging commotion sa Charleston ang aksidenteng pagkakahulog ni Rocky sa hagdan. Agad naman syang sinugod sa clinic ng school kaso hindi kaya ng nurse ang check-up kaya inilabas sya para masugod sa pinakamalapit na ospital.


"Ano ba kasing nangyari Wes!?" galit na galit si Janine. "Don't tell me nag-away kayong dalawa kanina? Hoy! Sumagot ka nga dyan!"


Nakatulala lang dun si Wes. Di pa rin nya matanggal sa isip nya yung pagkakahulog ni Rocky. Ineexamine pa rin ito hanggang ngayon. Kasama nyang naghihintay ang barkada, plus si Ms. Medina.

"Ja calm down," pag-aalo ni Chester. "She'll be fine."

"Chester 21 steps, fine? Fine na yun? Pano kung nagkablood clot sya or something? Baka hindi sya makaattend ng Prom!"

Dun lang narealize ni Wes ang possibility na hindi makapunta ng Prom si Rocky. Feeling nya kasi malala ang lagay nito, walang malay si Rocky nang dalhin nila sa clinic.


"Wes? Wes?"


Nabuhayan naman sya ng loob nang marinig ang boses ng mama nya. Agad syang yumakap dito. "Ma.. baka kung ano n--"

"Sshhh.. Don't think negatively, anak. Walang mangyayaring masama sa kanya, okay?"

"Sina Brylle? Nasabihan ba sila?"

"Oo, papunta na sila. Wes, stay calm, okay?"

Pinilit ni Wes na kumalma habang naghihintay ng resulta. Tumahimik na rin si Janine na nilabas muna saglit ni Chester. Minutes later lumabas na rin ang doctor.


"Family po ni Ms. Rachel?" tanong nito sa kanila.

"Uhh Tita nya po ako," sagot ng nanay ni Wes. "Is she critical, doc?"

Ngumiti ang doctor. "Hindi naman po, Ma'am. May slight contusion lang sya. And also she severely sprained her ankle so kailangan po namin syang lagyan ng cast ang right leg nya."


Parang sinuntok si Wes nang marinig nya yun. Sya ang may kasalanan kung bakit nasprain si Rocky. That means hindi ito makakapunta ng Prom.


**


After that announcement, nagdecide ang barkada na wag munang bumalik ng Charleston. Wala rin namang gagawin dun kundi magpractice! Tumambay ang iba sa kwarto ni Rocky. Saktong nagwawala na ang mga sawa sa tiyan ni Barbs kaya lumabas ito saglit para lumamon.


Sa hospital canteen sya pumunta. Favorite nya rito ang carbonara kaya agad naman syang lamon. Wala syang pakialam sa paligid. It's just her and the carbonara.

Nang..


"Emo?"

Naumay agad sya sa kinakain nya. Narinig nya kasi ang boses ni Cyrus. Inilayo nya ang styro ng carbonara palayo sa kanya. "Lul. Wag mo akong guluhin."

"Nga pala," di nagpatinag si Cyrus. "Matatapos na ata yung pagcacast sa binti ni Rocky. Wes looked so devastated."

"Malamang gago sya eh."

"Ang init na naman ng ulo mo? Tsaka tapusin mo nga yang kinakain mo! Sayang eh."

"Kakain ako kung aalis ka dyan. Tsupi."

Natawa na lang si Cyrus. "Look.. alam kong galit ka pa rin sakin. And I know that won't change for a long time."

"Buti alam mo."

Akala ni Barbs susuko na si Cyrus sa pangungulit sa kanya. Last week kasi paran iyon na ang pinapahiwatig ng lalaki sa kanya. Pero laking gulat nya nang..

"Barbs.. if you're thinking that I'm giving up on you.. you're wrong."

"I'm sorry what?"

Huminga nang malalim si Cyrus at napangiti. "Mali ako ng intindi sa sitwasyon. I know that you don't like him. Well.. kahit may gusto ka pa sa kanya.. that won't stop me. Not unless you tell me to stop."

"Ngayon pa lang sinasabi ko na tumigil ka na," mabilis na sabi ni Barbs, na tinawanan lang ni Cyrus. "Bakit mo ako tinatawanan ha?!"

"Aatras lang ako pag seryoso ka na sa pagsasabi nyan. Pag nasabi mo yan na nakatitig sa mga mata ko. Pag alam mo na kung sino ang gusto mo sa amin, na hindi ka naguguluhan.. dun lang ako aatras. Tandaan mo yan."

Umalis si Cyrus pagkatapos nyang sabihin yun. Si Barbs? Ikinain na lang ulit ang kaba nya.

**

Pagkauwi ni Barbs, nagulat sya sa nakita nya sa mesita ng sala nila.

"Ate Cielo!! BABAE KA NA TALAGA!!!" natatawa nyang sabi. May bouquet of red roses kasi sa mesita. At ang gaganda pa ng bulaklak! "Uyyy kilig pwet!!!"

Naiinis na bumaba ang ate nya ng hagdan. "Anong kilig pwet ka dyan?!"

"Ikaw oh!" binuhat pa ni Barbs ang bouquet. "Para sa'yo to!! Shet may nabihag ka rin!!"

Weirdong tinignan ni Cielo ang kapatid. "Ha? Anong akin? Tignan mo nga yung tag! Para sayo yan gaga!"

"Lul! Anong a--" natigilan si Barbs nang makita nya ang tag.

You're such a strange girl
I think you come from another world

For you, Barbara. 

****

KASI NGA WALEY TO. Bangag ako dahil sa case study namin! HAHAHHA =))|
Next week ulit ang update! Ang hapit kukurutin ko sa singit XD 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"
11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
105K 2.1K 28
Lumaki si Ulysses Yap sa pangangalaga ng kanyang yumaong lola, kaya't hindi niya masyadong nakakasalamuha ang kanyang kapatid na siya ring kinuha ng...
34.9K 1.2K 26
Si Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kay...