GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN

Per paujhoe

245K 7.5K 450

SIXTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Dominador and Karen Story Cover by: PANANABELS Més

Synopsis
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
eight
Nine
Ten
twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
EPILOGUE
a/n

Eleven

8.3K 299 27
Per paujhoe

LINGON sa kanan, lingon sa kaliwa.

Tanginang buhay ito.

Bakit ba may pagkaVIP naman ang bubwit ko.

Ang daming sagabal, ang daming bantay. Balak ko siyang bisitahin sana, kaso ang daming bantay sa labas ng apartment niya.

Hindi ko naman nadala ang cell phone ko para sana tawagan ko siya.

"Kainis ha"bulong ko habang nakatitig apartment ni Karen.

nagpalipas ako ng ilang oras sa loob ng sasakyan, bakasakaling sa gabi mabawasan ang bantay ng bubwit na iyon. 

Pero ang lintek lang mas dumami ang bantay niya, kahit pa sabihin na naka-disguised ang mga agent sa paligid halata naman.

"Pss! anong tingin nila hindi sila halata? nagtitinda ng balot pero may nakasalpak na kung ano sa tenga tapos mukhang model. Street sweepers pero wala mamang hawak na walis, hay ano ba namang klaseng plano ang ginawa nila para dito?"reklamo ko habang nakatitig sa mga agent na nakakalat sa kalye.

Makalipas lang ang isang oras, nakakita na ang ng pwede kong pasukan sa bahay ni Karen. Pero natigilan ako at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang taong kalalabas lang ng apartment ni Karen.

"Ay! tangina, hindi natakot sa banta ko ang bubwit na iyon. Humanda siya sakin"kausap ko sa sarili ko.

Mas nanlaki pa ang mata ko ng makitang inihatid pa talaga ng pandak na iyon sa sasakyan si Ben. May kiss pa, buti nalang iyong lalaki ang humalik at nakaiwas si Karen kaya sa pisngi lang ang tama ng nguso ng Ben na iyon. 

"Naku, humanda ka saking lalaki ka. Tatadtarin kita ng bala sa nguso mo"inis ko sambit habang nanggigigil kong tinitignan ang papalayong sasakyan niya.

Makalipas ang ilang minuto lumabas na ako ng sasakyan pero bago iyon inayos ko muna ang pagkakasuot ko ng cap kong suot maging ang jacket. kahit gabi na at kainitan pa dito sa pilipinas tiniis ko mapuntahan ko lang ang bubwit ko.

Lingon ulit sa kanan, lingon sa kaliwa ng makita kong wala namang pakalat kalat sa tabi ko sinumulan ko ng umakyat sa likod ng apartment ni Karen. hindi naman mataas kaya okay lang sakin yakang-yaka ko ito.

Ilang sampa at hakbang paakyat narating ko din ang pakay ko. 

"Yah!"aniko pa ng makapasok ako sa loob.

"Halla!"reaction naman ng babae sa loob ng kwarto.

Sabay pa kaming impit na tili sa gulat namin sa isa't isa.

"Sir Dom, wrong room ka"pigil ang tawa niya ng masalita siya.

Napakamot naman ako sa batok ko ng dahil doon.

"Akala ko dito kwarto siya"alanganin kong sagot.

"Pwedeng padaan nalang dito sa pinto.?"alanganin ko na namang tanong sa kanya.

hay, ang epic lang akala ko tama ang kwarto na pinasok ko iyon naman pala kay Kristine ang napasok ko. 

"May bantay"bulong niya.

Mariing napapikit ako sabay mura ko sa sarili.

Wala akong choice kundi ang sa bintana na naman dumaan, Sinilip ko muna ang labas baka may bantay na sa labas bago ako lumipas sa kabilang bintana.

"Ay Higanteng palaka!"sigaw ni Karen.

Sakto kasi sa pagdungaw ko sa loob ng kwarto niya ang pagsilip niya din sana sa labas ng bintana niya.

"Dominador!"gulat na tawag niya sakin.

Agad siyang sumilip sa labas maging sa baba, kung may tao bago niya ako tinulungan na makapasok sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?"pabulong niyang tanong sakin.

Bago ko siya sagutin agad kong sinapo ang pisngi niya na hinalikan ni Ben. Nakakunot ang noo kong kinuskus iyon ng hinlalaki ko, hindi pa ako nasiyahan dinilaan ko pa ang hinlalaki bago ko siya kinuskus ulit.

"ew! ano ba Dominador kadiri ka"sigaw niya at umiwas sakin.

Nakasimangot ko siyang hinarap na magkasalubong ang mga kilay ko.

"Laway ko kadiri, laway ng Ben iyon nakangiti ka"may himig na pagtatampo kong turan sa kanya.

Natigilan naman siya habang nakatitig sakin, pero sandali lang kasi bigla siyang tumawa ng malakas. Pero agad na nawala ang sounds ng tawa niya, naalala niya siguro na may bantay sila sa labas ng kwarto.

"Selos ka naman"tumatawang walang sounds niyang sabi sakin.

Hindi ko siya sinagot, sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako naupo sa kama niya.

"Sus, ang higante ko nagselos. Iniwasan ko naman ah"habol pa niya sakin.

Pagkalapit na pagkalapit niya agad ko siyang hinatak at pinaupo sa kandungan ko.

"Hindi ako higanteng palaka, Pero may butete ako na magbibigay sayo ng bubwit pagdating ng araw"aniko.

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makasagot alam ko tatarayan niya ako. Kaya bago pa umabot doon hinalikan ko na siya para tahimik.

"I miss you so much Bubwit ko"bulong ng maghiwalay ang mga labi namin.

Isang malakas na hampas sa balikat ko naman ang sagot niya.

"Loko ka talaga, bastos ka pa"sermon niya sakin.

Napakamot nalang ako sa ulo, akala ko naman nakalimutan na niya ng halikan ko siya.

...........................................

NAKAHIGA NA kami ngayon ni Dominador, magkayakap lang kami ha wala green minded sa inyo wala kaming ginawa.

"Lakas mong mangtrip"kanina pa siya nagrereklamo.

Ang nirereklamo niya ay iyong mga sinabi ko kanina sa mga reporter. 

"At least kinagat nila Ben na hindi ako kasali sa pag-aaklas niyo"nakanguso ko namang sagot.

"Hindi nga pinagmukha mo naman akong rapist"reklamo na naman niya.

Tumawa lang ako sa reklamo niya, alam ko naman na magrereklamo ito. Ever since na mga bata kami issue na sa kanya ang image niya kaya alam kong big deal sa kanya ang sinabi ko na narape niya ako.

"Anong sabi sayo ng mga kapatid at mga magulang mo?"Tanong ko naman sa kanya ng matapos ako sa pagtawa.

"Panagutan mo daw ako"nanghahaba ang nguso.

Pero hindi doon sa paghahaba ng nguso niya ang dahilan ng pagkakanganga ko at paglaki ng mata ko. 

"Kapal nito"ako naman ang nareact ng biyolente sa kanya.

Hahampasin ko sana siya ulit ng kamao ko ng pigilan niya ako niyakap niya ako ng mahigpit.

"Whoa!, bubwit ko isang maling kilos mo lang magkakalaman ka talaga ng butete sa tyan mo ngayong gabi. Pananagutan mo talaga ako, isusumbong kita kila nanay at tatay ko na pinagsamantalahan mo. Pati na din kay Nanay Celia, isusumbong kita."babala niya sakin.

Mas nainis ako sa kanya, aamba na naman ako na hahampasin ko siya ng inguso niya ang katawan ko. Napakunot noo ako ng sundan ko ang nginuguso niya sakin.

Laglag ang panga ko ng mapansin ko litaw ang cleavage ko, at nakadagan na pala ako ngayon kay Dominador.

"Pasalamat ka, pinangaralan kami ni Tatay na kasal muna bago pulot gata"sabi na naman niya.

Nahihiya naman akong umayos ng higa sa tabi niya, parehas na kaming nakatingin nalang sa kisame at natahimik.

"Karen"

"Hmmm"

Huminga siya ng malalim bago siya tumagilid paharap sakin.

"Ipangako mo sakin na iiwasan mo na ang imbestigasyon na ito. Magpapatay malisya ka sa loob ng NBI na parang walang nangyari"aniya.

Ako naman ang timagilid paharap sa kanya ng dahil sa sinabi niya. Seryosong-seryoso siya habang nakatitig siya sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Basta sundin mo nalang ako, magpalipat ka ng department o kaya ng team. Bitawan mo ang kaso"utos niya.

Naguguluhan ako, bakit bigla nagbago ang takbo ng plano.

"Ito ang plan D, iyong plano mo ang plan C."dagdag pa niya.

Sa sinabi niya napitik ko sa noo ang loko, akala ko talaga seryoso siya. Heto na naman kami sa plan plan niya.

"Anong plano mo Plan A to Z?"inis kong sikmat sa kanya.

hindi naman niya inida ang pagpitik ko sa kanya, seryoso na naman siyang nakatitig sakin.

"Hindi ako nagbibiro Karen, bitawan mo ang kaso. Isama mo na din ang kaibigan mong si Haley kung gusto mo. basta bukas pagpasok mo sabihin mong ayaw mo ng hawakan ang kaso, idahilan mong natrauma ka sa ginawa ko sayo at ayaw mo ng maalala ang lahat ng nangyari. Gusto mong mag-move on sa bagong kaso at kailmutan lahat"seryoso na namang utos niya.

"Nalilito ako Dominador, ipaliwanag mo nga saking mabuti"naiinis na ako.

"Mas mabuti ng wala ka ng masyadong malaman pa. Mas safe ka"aniya na hindi inaalis ang pagkakatitig sakin.

Naiinis na nakipagtitigan ako sa kanya. 

"Minamaliit mo ba ako?"inis kong tanong sa kanya.

"Maliit ka naman talaga, kumpara sakin"pamimilosopo niya na mas ikinainis ko.

Nasapak ko nga sa may ilong niya, dumadaing na napahiga siya habang sapo-sapo ang ilong niyang napuruhan ko ata.

"Ang sadista mo talagang bansot ka"reklamo na naman niya.

"Tatamaan ka pa sakin kapag hindi mo inayos ang paliwanag mo"banta ko sa kanya.

"kainis oh, kita ko na future ko. battered husband ako"reklamo na naman niya ng pabulong pero narinig ko naman kaya nakurot ko siya sa braso niya.

"Aray ha, masakit na talaga Karen. Hindi lang kita pinapatulan kasi Mahal kita."reklamo niya na ikinatigil ko naman.

"Aalis na ako, basta iyong bilin ko sayo. Iwanan mo ang kasong hawak mo, at layuan mo ang Ben na iyon. At tatandaan mo ang bilin ko, AKIN KA LANG"aniya bago tumayo mula sa pagkakahiga.

Hindi pa siya nakakahakbang palayo sa kama ko ng bumalik siya at dumukwang sakin para halikan ako sa labi. Isang malalim at puno ng pagmamahal na halik ang pinagsaluhan naming dalawa.

"Mahal na mahal kitang bubwit ka, kaya AKIN KA LANG ha...At isa pang bilin, ilock mo namang mabuti ang bintana mo, baka mapasok ka ng magnanaw sa kapabayaan mo"sabi pa niya ng maghiwalay ang aming mga labi.

Hindi na ako nakapagreact pa, natauhan nalang ako ng wala na siya sa loob ng kwarto.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa bintana ko para silipin kung nasaan na siya. Nakita ko siyang naglalakad na palayo sa apartment. Alam kong siya iyon kahit na nakayuko siya at nakasuot na ng sumbrero at jacket.

Nangmakita ko siyang sumakay na sa isang sasakyan doon lang ako nagpasyang mahiga na.

Pero kahit na nakahiga na ako para matulog hindi naman ako makatulog ng dahil sa sinabi niya saking bilin.

.....................................................

KINAUMAGAHAN MAAGA palang balisa na ako, hindi ko alam kung susundin ko ba si Dominador sa bilin niyang bitawan ko ang kaso o hindi.

Hindi kasi ako sanay na may hawak akong kaso na hindi ko natapos, ang masakit pa aalis ako at bibitawan ko ang kaso ng kusa.

"Agent Gomez ang aga mo yata"puna sakin ng isa sa mga kasamahan ko.

Nginitian ko lang at nilagpasan, deretso ako sa pinakatanggapan ng grupo namin. Wala pang tao doon, napaaga nga yata ako masyado. Pagtingin ko sa wall clock namin, six thirty palang ng umaga, sobrang aga ko nga talaga.

Hindi din kasi talaga ako nakatulog kagabi ng dahil sa bilin ni Dominador. Hindi ko kasi makuha ang gusto niyang mangyari, bakit bigla-bigla kong bibitawan ang lahat gayong heto na nga may lead na kami kahit papaano.

wala pang ilang minuto akong nakaupo sa table ko biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko. Kaya nagpasya ako matulog muna sandali, isinet ko ang alarm clock ng cellphone ko ng quarter to eight para naman hindi nakakahiyang maabutan ako ng ibang mga kasamahan ko na natutulog sa loob ng opisina namin.

Naghanap ako ng pwesto na medyo tago para matulog. nakita ko naman ang ilalim ng lamesa ko na medyo maluwang ang space, naghanap ako ng pwede kong gawing unan at viola may higaan na ako.

Nakakasampong minuto palang akong nakahiga papunta na ang tulog ko ng makarinig ako ng mga yabag. 

Kainis naman oh, patulog na ang tao may isturbo na agad.

"Wala bang kahina-hinala sa apartment ni Agent Gomez kagabi?"

Tatayo na sana ako ng marinig ko ang boses na iyon.

"Wala naman, nakakalat ang mga tauhan natin sa labas ng bahay niya. Wala naman silang nakitang kahina-hinala"sagot ng isa pa.

Kilala ko ang boses ng mga ito, si Ben at si Sir Kapandan.

Napataas ang kilay ko, talagang may kasabwat nga na mataas na opisyal dito sa loob ng ahensya.

"Bantayan mong maigi ang babaeng iyan, kung hindi parehas tayong malalagot kay Boss"bilin ni Sir Kapandan.

"Oo naman, ayoko din namang maipit sa huli. Ibang magalit si Boss"sagot naman ni Ben.

naikuyom ko ang kamao ko sa inis sa kanila, gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan kaso nagtitimpi lang ako.

Bigla narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto maging ang mga yabag ng paa.

"Men"ani ng panibagong boses.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang boses na iyon.

"Update"sabi pa ng bagong dating.

Dahan-dahan akong sumiksik pa lalo sa pinakailalim ng table ko para silipin at kumpirmahin ang bagong dating. Kahit pa alam ko at kabisado ko ang boses na iyon.

"Hindi pa din nagpapakita si Demaguiba sir"si Ben ang sumagot.

"Mas mabuti pang pakilusin niyo na ang mga tao niyo. Kailangan niyong mahanap ang Demaguiba'ng iyan sa lalong madaling panahon. Marami na siyang alam, sinabi na ni Big boss na patahimikin na ang pulis na iyon dahil hindi siya tumitigil sa pag-iimbestiga. Maging ang Gomez na iyon patahimikin niyo na din kung kinakailangan. Alam kong may kakaiba sa babaeng iyon, hindi siya babalik dito kung hindi utos ng Demaguiba na iyon"sabi ni Sir Makalimbat.

Ang Director namin ang nag-utos noon. Kompirmado ko kasi kitang-kita ko siya habang nagsasalita siya.

Ano na bang nangyayari talaga, bakit parang ang gulo na ng lahat. Paanong nasali dito ang Director namin? Kilala siyang malapit sa lahat ng matataas na opisyal dito sa bansa. Kilala din siyang straight sa paninindigan niya sa buhay at galit siya sa lahat ng kriminal. 

Pero bakit ganito ang nakikita ko ngayon sa kanya.

"Patayin niyo ang Demaguiba'ng iyon sa lalong madaling panahon. Utos iyon ng nakatataas na Pinuno"sabi pa niya bago umalis at iwanan ang dalawa.

...................................................

a/n: hello may tanong ako...

May nabanggit na ba akong apilyedo ni BEN? hindi ko kasi matandaan ayoko ng mag back read. Salamat sa mga sasagot....

Happy reading po...

Goodmorning na din po..


Continua llegint

You'll Also Like

9.9M 296K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
147K 5.9K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
86.2K 3.9K 27
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
180K 4.3K 54
What will you do if you end up in someone else body?