Sana Bukas (West Side Series...

Od CengCrdva

4.2M 104K 11.3K

WARNING : MATURE CONTENT | R-18 | SPG Life is like traveling to a place that you've never been before and fat... Více

NOTE
Sana Bukas
DEDICATION
FOREWORD
SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
JAAD 1
EPILOGUE
NOTES
SANA BUKAS LIMITED SIGNED COPIES!

CHAPTER 57

44.9K 1.6K 209
Od CengCrdva

CHAPTER FIFTY SEVEN

Hindi Kaya


Matagal ang naging katahimikan sa linya ni Skyrene ng sabihin ko sa kanya ang lahat. Though alam niya naman ang nangyari kay Stella, hindi naman kami masyadong nakapag-usap dahil nasa ibang bansa ito nang mangyari iyon.

"I'm sorry if I wasn't there when-"

"Sky... Don't be silly. Ayos lang naman ako kaya huwag mo nang alalahanin 'yon. We're still okay, kinakabahan nga lang dahil palabas na si baby pero maayos kami."

I heard her sigh at that. "I hope you're truly fine." aniya pa rin sa malungkot na boses.

"Oo naman. Ako pa ba?"

"Iyon na nga eh. Kilala kita Valerie at alam ko kung kailan ka maayos at hindi."

"I'm okay. Isa pa, mabuti na ring alam na ni Jaycint ang lahat," nahinto ako.

Dapat sa pagkakataong 'yon ay maging masaya na ako dahil wala na akong dapat pang itago sa kanya pero kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko. Siguro kasi totoo ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya noong gabing 'yon... Siya ang pangarap ko. Iyong pangarap na habang buhay ko nalang papangarapin dahil ang desisyong ito ang tanging makakabuti para sa aming lahat.

"Kumusta nga pala ang biyahe niyo?" pagbabago ko nalang sa usapan para hindi na maungkat kung ano talaga ang estado ko ngayon dahil baka kapag ginatungan ko siya ay totoong maging malungkot na naman ako.

Sobra sobra na kasi. Kung ako lang siguro ay ayos lang pero iniisip ko ang kalagayan ko at ang anak ko kaya hindi ako pwedeng magkulong nalang sa anino ng lungkot.

"Okay lang naman. We'll be there soon, okay?"

Napangiti ako at wala sa sariling napatango. Kahit kasi sabihin kong huwag na silang mag-abala ay alam kong kailangan ko rin si Skyrene ngayon dahil wala na akong maisip na mapagsasabihan kung gaano ako kahina ngayon. I can't call Enrique at hindi rin kaya ng puso kong kausapin siya ngayong alam kong galit pa rin siya sa akin. Sinira ko ang lahat ng usapan namin pati na rin ang tiwalang ibinigay niya sa akin. Ang pangakong hindi na ako magmamahal ang unang ipinangako ko pero iyon rin ang pinaka-nasira ko sa lahat. Wala eh. Jaycint's love broke all the boundaries of my heart, at alam kong gano'n rin kasidhi ang nararamdaman ko para sa kanya kahit na taliwas iyon sa lahat ng aking plano kaya dapat lang na kamuhian ako ni Riki.

I deserve to be hated. Sinungaling kasi ako at marupok pero ayos lang. Ang sitwasyon ko ngayon ay walang pinagkaiba sa mga nangyari noon sa akin na wala na akong nakikitang liwanag pero marami ang nagbago ngayon. Isa na doon ang kung paano ko tignan ang buhay dala ang positibong pananaw. Sa kabila ng hirap ay naniniwala akong may pag-asa at lilipas rin ang lahat kaya iyon ang ipinagpapasalamat ko. Ang noo'y walang alam na babae't mababa sa mata ng lahat ay marunong ng mag-isip at tumimbang sa bigat ng buhay. Nawi-weirduhan man akong isipin na gano'n na ako kung mag-isip pero hindi ko magawang magreklamo. Kahit kasi nahihirapan ako ngayon ay masaya ako at kuntento... At syempre, excited na rin sa pagdating ng biyayang alam kong ugat ng lahat ng pagbabago sa puso ko.

"Thank you, Skyrene"

"You're welcome. Basta kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako ha? Medyo busy lang kami ni Eros pero pupuntahan kaagad kita kapag natapos na ang lahat ng inaasikaso namin ngayon."

"Sige lang, maghihintay ako."

Muli kong narinig ang pagbuntong hinga niyang parang siya ang napapagod sa pag-iisip sa sitwasyon ko at sa amin ng kanyang pinsan.

"Kumusta na pala sila diyan?"

Natigil ako sandali dahil hindi ko alam ang eksaktong isasagot ko gayong hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya. Kung sila Tiya Winny, maayos naman sila. Kung ang mga tao naman sa mansion, siguro ay pareho lang rin pero kung si Jaycint... Hindi ko alam. I didn't hear from him since that night. Maybe he's now moving on para sa paglabas ng anak niya ay mas madali na niyang matanggap ang lahat. Hindi ko alam pero hiling ko na sana ay gano'n nga at maging maayos lang ang lahat sa kanya.

Ramdam ko ang pagkurot ng kung ano sa puso ko ng maisip na baka hindi ko na siya makita ulit. Pakiramdam ko'y bigla na naman akong sinasalakay ng lungkot sa isiping baka iyon na ang huli naming interaksiyon. Na babalik nalang siya kapag wala na ako rito... Ipinilig ko ang aking ulo at tinapos nalang ang pakikipag-usap kay Skyrene.

Pagkatapos no'n ay sinubukan ko namang tawagan si Tiya Mercy pero maging siya ay hindi rin ako sinasagot. Natatakot man akong pati siya ay galit sa akin pero wala akong karapatang pigilan siya doon. Ang mga babaeng katulad ko ay dapat naman talagang unahin ang kapakanan ng anak kaysa sa sarili at doon ako pumalya.

Kahit na alam kong umpisa palang ay magtatapos rin ang lahat sa amin ni Jaycint sa masalimuot na paraan ay hindi ko nagawang huminto. Mali mang iadya ang sarili ko sa bangin ng pagmamahal niya pero wala akong nagawa... Kahit itanggi ko ay alam kong nahulog rin ako. Nakakatakot mang aminin pero iyon ang totoo. I like him, I care for him at oo, mahal ko siya. Mahal na mahal rin.

Kinagabihan ay binisita ako ni Ramiel at labag man sa loob niya ay ginawa na rin ang gusto kong kunin ang lahat ng mga gamit kong natira sa mansion.

"Thank you, Ram."

Bumuntong hinga siya at maingat akong hinarap.

"Are you really sure about this?"

Tumango ako. "Okay na ako dito kay Tiya Winny at mas ayos 'yon para kapag malapit na akong manganak, may makakasama ako."

"May kasama ka rin naman sa mansion, ah? Marami namang kasambahay doon at kung gusto mo, papabantayan kita ng mas maayos kay-"

"Ram," hinuli ko't pinisil ang kanyang kamay. Alam kong walang madali sa lahat ng desisyon ko pero kaunting tiis nalang naman ay pare-parehas na kaming makakahinga ng maluwag. Kaunting panahon nalang ay matatapos na ito at magiging malumanay rin ulit ang agos ng lahat para sa amin. "Ayos na ako dito. Isa pa, hindi na rin naman ako magtatagal rito. Babalik at babalik rin ako sa West Side. Maghahanap kaagad ako ng trabaho para-"

"That's fucked up."

"Ramiel..." I swallowed hard at the bitterness of his tone.

"Hindi ko inisip na magiging ganito lahat. Ano ba kasing nangyari? Siguro naman pwede niyo pang pag-usapan kung ano 'yung pinag-awayan niyo. Lahat naman nadadaan sa maayos na pag-uusap."

Napatitig ako sa mukha niyang walang kaalam-alam sa nangyari at sa mga nakaraan ko. I feel bad about that. Isa si Ramiel sa itinuring kong kapatid pero ni minsan ay wala siyang naging ideya sa ilang parte ng buhay ko. Gano'n naging sikreto ang lahat sa pagitan naming tatlo nila Skyrene kaya maswerte akong hindi nila ako kailanman binigo. Ako lang talaga ang palpak palagi.

"Magiging maayos rin kami ng pinsan mo. Siguro hindi ngayon pero alam kong balang araw ay magiging maayos rin." positibo kong sambit na nagpailing sa kanya.

"Bakit hindi pa ngayon? Bakit ba kasi gusto mo pang bumalik doon kung pwede namang dito ka nalang?"

Hindi ako nakasagot. God knows how much I wanted to be with him. Kung gaano ko kagustong pagbigyan siya at mahalin gaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin pero hindi iyon magiging madali dahil mas kailangan ako ng anak ko. Iyon ang mas dapat kong isipin.

"Alam ko kung gaano niya kagustong manatili ka dito kasama ang bata. Akala ko maayos na ang pag-uusap niyo kaya nalilito ako kung saan kayo nagkamali? May nangyari bang hindi ko alam?"

"Huwag mo ng isipin 'yon, Ramiel. Ang mahalaga ay maayos kami ng baby. Iyon naman ang pinaka-importante sa lahat, 'di ba?."

"But will you stay here, please?"

Nilukot ang puso ko ng makita ang malungkot niyang mukha.

"Ramiel..." dismayado niyang sinalubong ang aking mga mata.

Pakiramdam ko'y piniga na ang puso ko dahil doon. Hindi ko akalaing magiging ganito siya kaapektado sa mga nangyayari sa amin ng kanyang pinsan. Parang hindi tuloy ako makapaniwalang siya ang kaharap ko. Ibang iba na nga siya sa Ramiel na noo'y walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya at tanging pakikipag-basag ulo at mga kalokohan lang alam. Kahit na naninibago ay masaya pa rin akong ganito na siya ngayon. He's smart noon pa man at mas lalo iyong lumalabas ngayong nakikita ko kung paano siya nakiki-simpatya sa akin.

Umayos siya ng upo ng iwan ko ang kamay niya para ilapit ang sarili sa kanyang katawan. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat na bukal naman sa loob niyang tinanggap.

"Huwag mo na akong isipin dahil kaya ko naman ang sarili ko," huminga ako ng malalim para humugot ng lakas upang magpatuloy. "At alam kong kakayanin rin ni Jaycint ang lahat kahit na wala ako. Itong baby ang lakas ko at iyon rin ang magiging lakas niya kapag wala na ako. Magiging maayos ang lahat, Ram..." halos paulit-ulit ko iyong sinabi makumbinsi lang siya.

Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa dumating si Izzi at nagpaalam na sa akin dahil may pupuntahan pa silang dalawa.

Typical na araw nang ako ang naiiwan sa bahay kapag nasa farm si Tiya Winny at nagta-trabaho. Kahit kasi gustuhin kong sumama sa kanya ay hindi niya naman ako pinapayagan. Bukod sa dahilang mapapagod ako ay dapat lang rin iyon upang makaiwas sa mga katanungan kung bakit ako umalis sa mansion. Ayaw na nga sana niyang magtrabaho dahil araw nalang ang binibilang namin para sa pagdating ng anak ko pero siniguro ko namang tatawagan ko siya kaagad kapag may naramdaman na ako. Sayang rin kasi ang kita niya araw-araw kaya kahit na hirap na rin akong gumalaw at kailangan na ng kaagapay ay pinipilit ko pa ring kayanin.

Tuwing umaga ay nagwawalis ako sa bakuran para na rin matagtag ako bago ang malaking araw na 'yon at pagkatapos ay ipinagluluto ko sila ng pagkain ni Izzi bago sila umalis. Naglilinis rin ako ng bahay kahit na pag-uwi ni Tiya ay samo't saring pagalit ang pinapaulan niya sa akin. Gaya nalang ngayon.

"Ikaw talagang bata ka! Sinasabi ko na nga bang maglilinis ka na naman. Valerie-"

"Tiya, sandali lang naman akong naglinis tsaka hindi po ba kailangan kong maglakad-lakad? Ayaw ko namang mahirapan kapag lalabas na si Baby kaya naghahanda na ako. Wala rin naman akong magawa dito."

Bumuntong hinga siya at ibinagsak ang balikat dahil alam niyang hindi niya ako mapipigilan ngayon. Ngumiti lang ako sa kanya. Naglakad siya palapit sa kinauupuan ko at tumabi.

"Ang sinasabi ko lang, baka nahihiya ka kaya mo ginagawa ang lahat ng 'to ha? Hindi mo obligasyon ang magbayad dahil wala kang utang sa akin, Valerie. Parang anak na kita at ayaw kong nahihirapan ka. Simula bukas ay hindi na ako papasok para bantayan ka at-"

"Tiya, hindi!"

Umiling siya, ngayo'y ako naman ang hindi binibigyan ng pagkakataong makatanggi.

"Nakapagdesisyon na ako. Ilang araw nalang ay lalabas na ang batang pinakahihintay ng lahat kaya hayaan mong alagaan kita habang wala pa. Ilang araw nalang naman at nakapag-paalam na rin ako kay Jaycint."

Napatuwid ako ng upo ng marinig ang pangalang iyon.

"K-Kumusta na po siya?" hindi ko na naiwasang itanong.

Nanatili sandali ang titig niya sa aking mga mata imbes na sagutin ako kaagad, tila tinitignan kung may mahuhuling emosyon sa akin kaya napaiwas rin ako ng titig. "I-I mean, gusto ko lang pong malaman kung maayos siya."

"Maayos si Jaycint."

Pinagdiin ko ang aking mga labi at tumango nalang imbes na magtanong pa. Ang nalamang iyon ang dahilan ng pag ngiti ko hanggang sa pagtulog. Pag gising naman kinabukasan ay nauna kong tignan ang aking telepono sa pagbabaka-sakaling isa man lang sa kanila ni Enrique ay maalala ako. Napangiti ako ng makita ang isang text doon pero agad ring napawi ang tuwa sa aking labi ng makita ang pangalan ni Kuya Tanding.

Kuya Tands:

Valerie, ano na? Nasaan ka na ba? Aba, miss na miss ka na namin dito! Umuwi ka na dahil hindi na kami galit.

Doon muling nangibabaw ang tuwa sa puso ko't hindi na napigilang sagutin siya.

Ako:

Malapit na Kuya Tands! At kahit galit ka, uuwi pa rin ako 'no! Malapit na malapit na! Miss ko na rin kayo.

Kuya Tands:

Nasaan ka ba kasi? Ayaw namang sabihin ni Skyrene. Si pogi rin hindi na pumupunta rito. Yung totoo, nagtanan na kayo?

Naitikom ko ang aking bibig at imbes na sagutin siya ay ibinalik ko nalang ang telepono ko sa gilid ng katreng hinihigaan ko. Wala pa sa plano kong sabihin sa kanila ang lahat dahil alam kong gaya ng pamilya ni Skyrene, mataas rin ang pangarap nila para sa amin ni Jaycint at ayaw kong pati sila ay malungkot sa desisyon kong tanggihan ang lahat.

Umupo ako sa kama at bahagyang nag-inat ng katawan para mag-ayos na't magwalis sa labas kahit na alam kong pagagalitan na naman ako ni Tiya Winny. Gusto ko sanang tawagan si Skyrene at tanungin kung kailan siya pupunta pero nahihiya naman akong istorbohin ito kaya maghihintay nalang ako.

Paglabas ko ay medyo maliwanag na at nagluluto na rin si Tiya Winny ng almusal. Dahil abala ay pumuslit ako para magwalis kaya kahit na pinagalitan niya ako ng mahuli ay wala na rin siyang nagawa dahil patapos na ako.

Inayos ko ang walis tingting para mahawi ang lahat ng kalat na naipon ko sa isang gilid bago ko dakutin. Sa tagal ng pagkakayuko ay pagod kong pinunasan ang mga namuong butil ng pawis sa aking noo at pagkatapos ay nag-inat ulit ng katawan.

"Baby, ang laki laki mo na pero saglit lang, okay? Hindi pa tapos magwalis si Mommy kaya huwag ka munang magpapasaway." parang baliw kong bulong at pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang ginagawa pero bago ko pa man makuha ang dustpan para ilipat sa sako ang lahat ng tuyong dahon na nawalis ko ay natigil na ako ng marinig ang paghinto ng isang sasakyan sa aking likuran.

Hindi ko naman sana papansinin iyon dahil normal lang na may dumaraan at humihintong sasakyan sa kalsada pero ng makita ko ang pagkukumahog ni Tiya Winny palabas para tignan ito ay hindi ko na napigilan ang magtaka lalo pa't sa pagtuwid ko ng tayo ay halos mangiyak-ngiyak niya akong tinitigan sabay tingin pabalik sa kung sino.

Nag-umapaw ang kaba sa aking dibdib na parang lalong ayaw ko nalang gumalaw pero ang katawan ko ay may sariling pag-iisip na kusang pumihit paharap doon.

Naputol kaagad ang aking paghinga ng lumapat ang mga mata ko sa isang bultong matikas na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kanyang sasakyan habang nakatuon ang pagod na mga mata sa akin. Gaya ko ay parang nalilito rin siya kung ano ang dapat gawin ngayong muli kaming nagkaharap sa paglipas ng ilang araw.

Bukod sa patuloy na pagsusumigaw at pamumuri ng malandi kong utak sa kanyang presensiya kahit na simpleng puting polo shirt at jeans lang ang kanyang suot ay hindi naiwasan ng mga mata kong punahin ang pagod sa kanyang hitsura. Parang gusto ko tuloy ma-guilty sa nangyari. Ngayon, habang nakatitig sa kanya ay hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung ano ang nagawa ko dahil imbes na mas maging maayos siya't lumayo sa akin ay narito na naman siya ngayon at tanging kalugmukan ang dala na taliwas sa pangarap ko para sa kanya.

Kusang umangat ang aking kamay sa akin dibdib habang patuloy na pinipigilan ang sarili sa mga emosyong gusto na naman akong parusahan.

"Jaycint!" hiyaw ni Tiya Winny nang hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at hindi na nag-atubiling lapitan ito.

Kahit na mukhang pagod na pagod ay nakita ko ay kanyang pag ngiti na tuluyang nagpahina sa aking puso.

What are you doing, Jaycint? Bakit nandito ka? Bakit bumalik ka? Bakit kailangan mo pang bumalik? Hindi mo ba narinig ang lahat ng mga sinabi ko? Hindi ba malinaw? Hindi ba halos isang linggo mo nang nakayang wala ako? Bakit kailangan mong putulin 'yon? Bakit nandito ka ulit, Jace? Bakit?

Hindi ko naiwasang kagatin ang aking pang-ibabang labi habang pinapanuod silang nag-uusap. Napasinghap ako't nabitiwan na ang mga hawak ng makita ang pagpasok nito sa gate at paglalakad sa likuran ni Tiya Winny hanggang sa makalapit sa pwesto ko.

Napapitlag ako ng hawakan ni Tiya Winny ang aking kamay. "Maiwan ko muna kayo, Valerie, ha? Mag-usap kayo ng maayos ni Jaycint. Parang awa mo na, ayusin niyo..." makahulugan niyang sambit na hindi ko na nagawang sagutin dahil sa pagmamadali niyang iwan kami't bigyan na ng pagkakataon upang makapag-usap ulit.

Pakiramdam ko'y sasabog ang puso ko ng lumipad pabalik ang mga mata ko patungo kay Jaycint na lumapit pa at huminto lang dalawang hakbang ang layo sa akin.

Nakita ko ang pagbagal ng kanyang paghinga na tila kinakalma ang sarili sa lahat ng nararamdaman ngayong kaharap na ulit ako. Gano'n rin ang ginawa ko. Kahit na parang kapag narinig ko na ang boses niya ay tutulo nalang bigla ang mga luha ko, nagpakatatag pa rin ako at pinilit na maging maayos sa kanyang harapan.

Para kaming tangang naghihintay kung sino ang mauunang magsalita kaya umabot ng ilang minutong wala kaming ginawa kung hindi ang titigan ang isa't-isa. Napahugot ako ng isang malalim na paghinga, ginaya ang ginawa niya pero bago ko pa mabasag ang katahimikan sa pagitan namin ay nauna nang kumawala ang mga salita sa kanyang bibig.

"Hindi ka pa ba uuwi?" may bakas ng pagsusumamo niyang sabi na nagpaawang sa aking bibig. Napalunok ako't napaatras ng wala sa oras habang pinoproseso iyon ng utak ko pero mas lalo kong naramdaman ang panghihina sa mga sumunod na salitang lumabas sa kanyang mga labi. "Tama na Valerie... Itigil na natin ang lahat ng 'to at umuwi ka na kasi tang ina... Miss na miss na kita at hindi ko talaga kaya ng wala ka. Hindi ko kaya, baby..."

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

256K 10.5K 43
Girl x Girl | Intersex Quinn Rae Gonzalez' Story Started: December 11, 2023 Finished: March 6, 2024
8.4M 167K 79
Spoiled and rich, Maddison Montealegre convinced herself that love is only for the weak. But when she meets Clegane Cordova, she can't deny her feeli...
967K 6.1K 13
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Si Emory Meredith Grant, lumaki sa marangyang pamumuhay at nabibili ang lahat ng gusto. Nagmahal...
32.6K 585 42
Well-reputed and distant bachelor Gian Valentino falls for his restaurant's loyal customer, Mira Angeli Santos, in the most unexpected ways. But when...