CHAPTER 58

48.9K 1.6K 336
                                    

CHAPTER FIFTY EIGHT

Everything About You


"J-Jaycint-"

Naputol ako sa pagsasalita ng makita ang pag-iling niya.

"Umuwi na kayo, umuwi na tayo." sambit niyang dahilan ng pagkawala ng mga luha ko.

Kahit na parang gusto ko nalang takbuhin ang pagitan namin at bigyan siya ng mahigpit na yakap ay nanaig pa rin ang mga pumipigil sa aking gawin iyon. Nalilito akong napailing habang pilit na tinitimbang ang lahat.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin 'to gayong nag-usap na kami. Hindi ba tapos na kami? Hindi ba malinaw naman ang mga sinabi kong dahilan kung bakit hindi kami pwede? Pero bakit nandito siya?

"Jaycint, nag-usap na tayo at-"

"At hindi ko nasagot 'yung mga tanong mo. Kaya kung hindi pa rin malinaw sa'yo ngayon then sasagutin ko, kasi alam mo namang kaya ko," madiin niyang pagpapaintindi sabay hakbang ng isang beses at hinto kahit na kitang kita sa kanya ang matinding pagpipigil na ikulong nalang ako sa matitipuno niyang bisig. "Kayang kaya kitang mahalin kahit ano pang nakaraan mo. Kaya kitang tanggapin kahit na tingin mo hindi ka katanggap-tanggap. Kaya kitang alagaan higit pa sa pag-aalagang gusto mo at kaya kong akuin ang lahat kasi mahal kita. Mahal na mahal na hindi ko alam kung paano ako kapag wala ka. Hindi ko kaya, Valerie Cross... Alam kong hindi ko kakayanin,"

"Jaycint..." malungkot kong sambit pero mukhang ayaw niya talaga akong pagsalitain dahil sa patuloy niyang pag-iling para lang mahinto ako.

"At mali ang sinasabi mong mababa kang klase ng babae dahil sa lahat ng napagdaanan mo, isa ka sa dapat tingalain ng lahat. Hindi mo kailangang mag-aral para may mapatunayan ka sa lahat dahil matalino ka at alam mong tumimbang ng tama at mali. Na kaya mong magsakripisyo para sa tama at makabubuti sa lahat at hindi iyon natututunan kahit saan. Kahit tingin mo sa sarili mo wala kang maipagmamalaki, ipinagmamalaki kong ikaw ang pinili ng puso ko kaya wala akong pakialam kung mahihirapan ako kapag pinilit ko ang sarili ko sa'yo dahil mas gugustuhin ko pang maghirap ng kasama ka kaysa maging maayos ng wala ka... Umuwi ka lang kuntento na 'ko... Umuwi ka lang buong buo na ako, Valerie," napasinghap ako sa lahat ng narinig.

Pakiramdam ko'y nahagip ng mga salita niya ang lahat ng kahinaan ko't pangarap na marinig sa isang tao. Dahil sa mga sinabi niya ay naramdaman kong may halaga ako. Na hindi totoo ang mga sinasabi ng iba dahil siya ang totoo... Ang lahat ng sinabi niya ay totoo dahil kilala niya ako higit pa sa pagkakakilala ko sa sarili ko.

Bukod sa pagluha ay wala na akong nagawa kung hindi ang ihanda ang sarili dahil alam kong marami pa siyang gustong sabihin kaya nanatili akong tahimik.

"I love you," madamdamin niyang sabing nagpalutang sa aking puso. "Your imperfections, your impulsive decisions, your curses... Baby, I fucking love everything about you. Mahal kita kahit ilang beses mo na akong ipinagtabuyan at ipagtatabuyan pa. Mahal kita at gagawin ko pa rin ang pangako kong hindi aalis sa tabi mo. Hindi kita iiwan dahil ikaw ang kasiyahan ko at wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng iba dahil ikaw lang ang mahalaga sa akin. Ikaw ang pinipili ko. Kayo ng anak ko, tayo."

Mabilis ang naging pagtahip ng aking puso dahil sa emosyong dala ng kanyang mga salita. Kusang umangat ang aking kanang kamay patungo sa aking bibig upang takpan at ikulong ang mga munting hikbing nais kumawala. Kahit na patuloy ang paglambot ng mga tuhod ko sa narinig ay nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan. Gustohin ko mang sang-ayunan nalang ang lahat at hayaan siya pero hindi ko pa rin magawa. Ang huling parte ng sinabi niya ang nagpaalala sa akin ng problema at alam niya 'yon kaya hindi ko na alam kung bakit nagpupumilit pa rin siya ngayon.

Sana Bukas (West Side Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon