The Unexpected 19th Century J...

By salem_ven

197K 5.8K 2.1K

Catherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang ta... More

-Tauhan, Caracteres, Characters, キャラクター-
Prólogo
Kabanata 1 - El principio de todo
Kabanata 2 - Indio at Prinsesa
Kabanata 3 - Doña Anastacia
Kabanata 4 - Memorya ng Ina
Kabanata 5 - Simbahan ng Polo Santa Clara De Asis
Kabanata 6 - Conoce a la familia Montecillo
Kabanata 7 - Celebración Hacienda Santibañez
Kabanata 8 - Si Diego at Isabella
Kabanata 9 - Debajos de las Estrellas
Kabanata 10 - Cellphone / Selpon
Kabanata 11 - Ikatlong araw ng Nobenaryo
Kabanata 12 - Cueva del Amor
Kabanata 13 - Paraan
Kabanata 14 - Plano at Paano
Kabanata 15 - Pista ng Bayan
Kabanata 16 - Kamatayan
Kabanata 17 - Higanteng Alakdan
Kabanata 18 - Bessy
Kabanata 19 - Masayang Anunsyo
Kabanata 20 - Ang Masamang Balakin
Kabanata 21 - Cris at Cathy
Kabanata 22 - Gobernador Felipe Santiago
Kabanata 23 - Colegio De Santa Maria Magdalena
Kabanata 24 - Inang Madre Adoracion De Avila
Kabanata 25 - Ang Intramuros
Kabanata 26 - Malinaw na sa akin ang lahat
Kabanata 27 - Indio
Kabanata 28 - Kaibigan
Kabanata 29 - Bagong Gobernador ng Bayan
Kabanata 30 - Pagmamalabis sa mga Haciendero
Kabanata 31 - Mga Liham
Kabanata 32 - Ang Pagiinspeksyon
Kabanata 33 - Panauhin
Kabanata 34 - Limang Daang piraso na Balita
Kabanata 35 - Andre, Sian at Alexander
Kabanata 36 - Sinungaling na Gobernador
Kabanata 37 - Limangpung Parusa
Kabanata 38 - Ako ay Sayo at ikaw ay Akin
Kabanata 39 - Pagsubok kay Catherina
Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad
Kabanata 41 - Tunay na Catherina?
Kabanata 42 - Bangungot ni Catherina
Kabanata 43 - Ngayon mo Sabihin sa akin
Kabanata 44 - Simula ng Pag-aaklas
Kabanata 45 - Ley Marcial
Kabanata 46 - Ang Pagbagsak
Kabanata 47 - Pamilya Montecillo
Kabanata 48 - Donya Peregrina Mogas y Foncuberta
Kabanata 49 - Donya Hilaria Mondragon
Kabanata 51 - Louisa Montecillo
Kabanata 52 - Magkahiwalay na Landas
Kabanata 53 - Avellanada mula sa Inglatera
Kabanata 54 - Restaurante Español
Kabanata 55 -Sa Kampo ni Heneral Castellano
Kabanata 56 - Donya Catalina at Luciana
Kabanata 57 - Labanan sa Hacienda Santibanez
Kabanata 58 - Kasulatan
Kabanata 59 - Nasaan ang Mahiwagang Orasan?
Kabanata 60 - Bunyag
Kabanata 61 - Kahihinatnan ni Catherine
Kabanata 62 - Kapalaran ng Nakatakda
Kabanata 63 - Padre Velasco
Kabanata 64 - Para sa Bayan
Kabanata 65 - Epilogo

Kabanata 50 - Hindi waring Pangyayari

1.2K 38 27
By salem_ven


Kabanata 50 – Hindi waring Pangyayari

Ciudad de Santa Clara de Asis

1890

"Catherina?"

"Catherina!?"

"CATHERINA!?"

Nakabalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ng malakas ang pangalan ko at napatingin ako kay Donya Hilaria na nakakunot ang noo sa akin habang nakatingin.

"Dispensa po Donya Hilaria may iniisip lang po ako kaya hindi ko po kayo agad narinig" pagsosorry ko sa kanya.

Imagination ko lang pala lahat ng iyon? Akala ko totoong nangyari na, saying edi sana nakaganti na ako agad sa demonyang 'to? Para siya makatotohanan pero imahinasyon lang pala?

Ano na bang nangyayari sa akin? Nadedemonyo na ba ako ng hindi ko namamalayan?

"Nauunawaan kita Catherina kung bakit kanina pa nakatuon ang atensyon mo sa kinakain ko" pang-aasar niya pa sa akin at syempre ako pigil lang ako baka kasi totohanai ko na ;yong imagination ko kanina baka mapatay ko siya ng wala sa oras.

Hindi na lang ako umimik para wala ng gulo pang mangyari.

"O sige Catherina kumain ka" napa-what the fuck na lang ako sa isip ko ng sabihin niya 'yon.

"Po?" tugon ko sa kanya at napairap pa siya.

"Oo Catherina tama ang iyong narinig, halika kumain ka at saluhan mo ako" at napatayo pa siya at in-offer niya sa akin 'yong isang upuan "Ipaghahain pa kita ng iyong kakainin" sambit niya at napakunot noo na lang ako, seryoso ba 'tong ginagawa niya? Anong nakain niya? Wala naman akonag nilagay na pampabait na potion sa nilalamon niya kanina ah? Bakit biglang bumait sa akin 'tong demonyang 'to?

"Seryoso po ba?" tanong ko sa demonyang donya, naniniguro lang ako baka kasi binibiro niya lang ako.

"Oo nga kaya umupo ka na diyan at ipaghahain kita ng pagkain, alam ko naman kasi na matagal ka ng hindi nakakakain ng pagkain ng mayayaman, kaya ito pakakainin kita" sabi niya sa akin at nawiwirduhan na talaga ako sa kinikilos niya, biglang bait daw ba.

Umupo na ako at kinuha niya ako ng pagkain, dinamihan niya at parang pinagmumukha niya akong patay gutom, aba nang-iinsulto ba 'tong hayop na 'to?

"O Catherina kuhin mo ang pinggan na hawak ko at kumain ka" sabi niya sa akin at hawak ng isang kamay niya 'yong plato.

"S-sige po at salamat po" pilit kong pagpapasalamat sa kanya.

Kukuhin ko na sana sa kanya 'yong plato kaso ng malapit ko ng abutin ay bigla niya itong binitawan kaya naman nalaglag lahat sa akin at pagkain sa lapag at nabasag ang plato, nakita kong napatawa siya ng patago, letse kang demonya ka nanadya ka ha!

"Ano ba naman Catherina!?" galit niyang sabi sa akin "Bakit hindi mo kinuha agad 'yong plato? Tignan moa ng mahal mahal ng pagkain na sinayang mo!" galit niyang sermon sa akin.

"Donya Hilaria kayo po ang nanadyang bumitaw do'n sa pinggan kaya nahulog ang pagkain, kitang kita po ng dalawang mata ko" hindi ko na napigilan pang sumagot pero kalmado lang ako sa pagsagot baka kasi ingud-ngod ko siya sa mga pagkain na nasa harapan naming ngayon.

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako Catherina?" galit niyang tanong sa akin at napatayo na ako sa kinauupuan ko baka kasi magpang-abot na naman kaming dalawa dito.

"Hindi naman po Donya Hilaria, sinasabi ko lang po 'yong totong nangyari at nililinaw ko lang po sa'yo kaya huwag po kayong magalit" sagot ko sa kanya in a kalmadong way.

Catherina kalma ka lang ha, huwag mo munang ilabas ang dragon mong pag-uugali.

"Aba ay talagang bastos nag pananalita mo ha Catherina!? Hindi ka talaga marunong gumalang sa mas nakatataas sa 'yo!?" galit niyang sabi sa akin at kaagad niya akong nilapitan at marahas na naman niyang hinawakan 'yong buhok ko "Ayan sige lamunin mo lahat ng inihain ko sa 'yo ha, kainin mo lahat iyan Catherina! KAININ MO!" at iningud-ngod niya ako sa lapag kung saan tumapon 'yong pagkain na inihain niya sa akin.

"Sige kainin mo lahat 'yan! Bastos ka hindi ba? Ayan sige kain!" sigaw niya sa akin at sinabunutan niya pa ako habnag ningungud-ngod niya ako sa sahig.

"Tama na! Ayaw ko na ayaw ko na po!" wika ko kasi nasusugatan na no'ng mga bubog ng plato 'yong ibang parte ng mukha ko.

Iniangat niya 'yong mukha ko at napahinga ako ng malalim.

"Sa susunod Catherina sumagot ka ng maayos hindi 'yong ikaw pa 'yong nagpapamukha sa akian na sinungaling ako, sa bahay na 'to ako ang tama ha AKO! NAIINTINDIHAN MO BA AKO HA!?" galit niyang tanong sa akin.

Napahinga pa ako ng malalim bago ako sumagot.

"Opo Donya Hilaria" sagot ko at marahas niya akong binitawan.

"Linisin mo lahat 'yan! Punyeta wala na akong ganang kumain!" galit niyang sigaw at nilayasan an niya ako.

Kaagad naming lumapit sa akin sila Restita at Hulya para tulungan ako.

"Diyos na mahabagin, ano ba itong ginawa sa iyo ni Donya Hilaria?" nag-aalalang tanong ni Hulya sa akin.

"Paumanhin Catherina kung wala kaming nagawa kanina, hindi naman kami makalapit sapagkat napangunahan kami ng takot" paghingi ng tawad sa akin ni Restita.

"Huwag kayong humingi ng sorry na dalaw---, ang ibig kong sabihin ay huwag kayong humingi ng tawad sa akin dahil wala kayong kasalan, talagang iyang demonyang hilaria na iyan ang namumuro na sa akin" sabi ko sa kanila at tinulungan nila akong makatayo.

"Hulya ako na ang maglilinis dito at ikaw nang bahala kay Catherina, dalhin mo siya sa ating silid at iyong gamutin ang kanyang sugat" utos ni Restita kay Hulya at tumango naman si Hulya bilang tugon at tinulungan naman nila akong dalawa na makatayo at dinala nila ako sa kwarto nila para gamutin.

Kaagad nila akong nilinisan muna at nanghihina ako sa ginawa ng Hilaria na 'yan sa kin, gusto ko siyang gantihan, gusto kong gawin lahat ng ng imahinasyon ko kanina mas brutal 'yon at walang awa kaso naunahan niya ako.

Ginamot na nila ang sugat ko at nagtamo ako ng sugat sa pisngi at noo kaya naman agad nila itong nilagyan ng dahon dahon na dinikdik sabay lagay sa noo ko, mabisa raw itong panggamot sa mga sugat.

-------

Kinahapunan ay tinawag na naman ako ni Donya Hilaria at medyo kinabahan na naman ako baka kasi maltratuhin na naman niya ako, pagginawa niya uli 'yon gaganti na talaga ako at wala na akong pakialam kung ipakulong niya ako.

"CATHERINA!? Napakakupad kumilos, ang ayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako!" sabi ni Donyang demonya pagkalapit ko sa kanya.

Aba gago pala 'to eh? Kakarampot na segundo lang ayaw maghintay? Sino ba siya para umasta siya ng ganyan? Ang kapal ng mukha!

"P-pasensya napo uli?" medyo pang-iinsulto kong sabi sa kanya at napahinga siya ng malalim.

May hinagis siya sa harapan ko at kaagad koi tong pinulot.

"Iyan ang bayad ko sa paninilbihan mo sa araw na 'to, maaga kang umalis sa bahay ko ngayon at ayaw kong makita ang pagmumukha mo kaya lumayas ka at bumalik ka bukas, intiendes?" sabi niya sa akin.

"Si, Donya Hilaria" at kaagad na akong umalis sa harapan niya at lumabas na ng bahay nila para makauwi na ako.

Dios mio paano ko ipaliliwanag kila Ama at Ina 'tong sugat ko sa mukha? Sigurado akong makikita nila 'to kasi halatang halata, hindi ko naman pwedeng sabihin na sinaktan ako ni Donya Peregrina kasi hindi naman ako sa kanila nagtatrabaho, hindi ko din naman pwedeng sabihin na si Demonyang Hilaria ang may kagagawa nito sa mukha ko kasi malalaman nila na do'n ako nagtatrabaho sa mala-impyernong bahay nila.

Ang hirap naman talagang magtago ng sikreto.

---------

Naging mabigat ang kalooban ko habang pagod akong naglalakad pauwi sa amin at tumingin ako sa kalangitan, madilim at mukhang babagsak ang ulan maya-maya.

Kada lakad ko ay naiisip ko lahat ng nangyari sa buhay ko at sa pamilya ko, bakit ba kailangang mangyari sa buhay ko 'to? Ano bang kasalanan na nagawa namin? Ako nga ang nakatakdang magbago ng nakaraan ang kaso mukhang ako 'yong mababago ditto nang dahil sa mga nangyayari sa akin, ang hirap naman ito at nakapanghihina ng kalooban.

Minsan gusto ko ng sumuko at mawala na lang bigla sabay balik ko sa panahon ko.

Pagod na pagod na ako at gusto ko ng sumuko, ngunit tadhana naman ang nagpupumilit sa akin na magpatuloy.

"Ayaw ko na!!!" sigaw ko at maya maya ay kumulog na lang bigla at bumuhos ang malakas na ulan.

Napaiyak na lang ako at para akong aatakihin ng mental at emotional breakdown ko dito, umiyak na lang ako ng umiyak dito at wala namang makapapansin sa 'kin dito kasi umuulan at hindi nila mahahalata na umiiyak ako.

Napaluhod na lang ako at iniluha ko lahat ng kaya kong iluha isasabay ko na lang ito sa buhos ng ulan, mawawala din naman ito mamaya at magiging maayos ang pakiramdam ko, sa kasalukuyang nangyayari sa akin ngayon parang wala akong kakampi o karamay man lang.

Habang umiiyak ako ay naramdaman kong may naglagay ng coat sa uluhan ko at napatingin ako kung sino ito at lalo akong napaiyak ng Makita ko siya.

"Crisostomo..." napatayo ako at napahagulgol ng matindi sabay yakap sa kanya.

"Mahal ko ano ang iyong ginagawa dito? bakit hinahayaan mo ang iyong sarili sa ilalim ng buhos ng ulan?" alalang tanong niya sa akin at napayakap na din siya sa akin.

"Gusto ko ng sumuko Crisostomo, ayaw ko na gusto ko na lang mawala bigla" iyak na iyak kong sabi sa kanya at napahagulgol pa ako.

"Halika ka sumilong nga muna tayo nang hindi tayo parehong nauulanan" sabi sa akin ni Crisostomo at payakap niya akong dinala sa kung saan kami makakasilong.

Nang makasilong kami ay pinunasan niya ako gamit ang coat niya at kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at ipinunas niya iyon sa mukha ko.

"Mugto na ang iyong mata aking mahal, paumanhin kung ngayon lang ako nakalapit sa iyo" pagsosorry niya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit at napayakap din ako ng mahigpit sa kanya.

Sa pagyakap niya ay medyo gumaan ang pakiramdam dahil ang kayapa ko ay ang taong mahal ko. Namiss ko ang taong 'to.

"Ang tagal kitang hindi nayakap Binibini ko, paumanhin talaga at ngayon lang ako nakalapit sa iyo, ngunit sa maniwala ka at sa hindi ay araw araw kitang sinusubaybayan hangga't may libre akong oras, sa pag-uwi mo mula sa paninilbihan sa pamilya Mondragon hanggang sa pag-uwi mo sa inyong tahanan" sabi niya sa akin at nanlaki ang mata ko.

Napahiwalay ako ng yakap sa kanya at napatingin sa kanya.

"P-paano mo nalaman nalaman na kay Donya Hilaria ako naninilbihan?" gulat kong tanong sa kanya.

"Gaya ng sabi ko sa iyo ay sinusubaybayan kita araw araw hangga't may libre akong oras, doon ko nalaman na naninilbihan ka sa pamilya Mondragon, noong una ay dapat lalapitan na kita ngunit napagtanto ko na marahil hindi ito alam ng iyong magulang kaya hinayaan na lang kita, natakot ako noong una nab aka ikaw ay saktan lmang ni Donya Hilaria" sabi niya sa akin.

"Crisostomo kung alam mo lang na walang araw na hindi ako sinasaktan ni Donya HIilaria simula no'ng kuhin niya ako ng hindi ko alam kila Donya Peregrina, sinasaktan niya ako, sinasabunutan at kung sampalin niya ako ay para ba akong walang pakiramdam sa kanya" sabi ko sa kanya at napaluha pa ako ng kaunti at pinunasan ko kaagad ito.

"Ano!?" gulat na reaksyon ni Crisostomo "Kung gayo'n ay bakit hindi mo 'to sabihin sa iyong Ama at Ina, nang maialis ka nila sa kamay ni Donya Hilaria" sabi niya sa akin.

"Iyan ang hinding hindi ko gagawin Crisostomo dahil kapag nalaman nila Ama at Ina ang lahat ng 'to ay makalilikha ako ng isang malaking gulo, kaya mas ayos na lang na hindi nila alam 'to hanggang sa matapos ang paninilbhan ko sa kanila" sabi ko kay Crisostomo "Kay nakikiusap ako sa'yo Crisostomo na kung maaari ay huwag mo 'tong sasabihin kita Ama at Ina" pakiusap ko sa kanya.

"Sige nauunawaan kita Mahal ko" sabi ko sa kanya at niyakap niya ako naramdaman ko naman ni hinalikan niya ako sa noo ko.

"Ikaw kamusta kana? Ang tagal na nating hindi nagkakausap, ngayon na lang uli" tanong ko sa kanya habang nakasandal ako sa dibdib niya, Oh my God ramdam ko 'yong chest muscle niya ang sarap a pakiramdam para akong nakasandal sa bato.

Ano ba 'yan Catherina kanina umiiyak ka lang ngayon nagiging manyak ka naman? Bipolar gano'n?

"Maayos lang ako Catherina at ngayon ay palihim kaming nagtungo sa inyong tahanan sa kakahuyan upang kamustahin kayo, hindi kita naabutan do'n at naisipan ko na marahil ika'y nasa tahanan pa ng pamilya Mondragon at oras pa ng iyong paninilbihan, ngunit nagulantang ako ngmakita kita dito at nababalot ng hinagpis at kalungkutan, hindi na ako nag atubili pang lapitan ka dahil malakas ang ulan at baka ikaw ay magkasakit pa" sabi niya sa akin.

"Nandoon sa amin sila Don Fernando at Donya Esperanza?" paniniguro kong tanong.

"Oo nandoon nga sila Ama at Ina upang kamustahin kayo, nagdala na din kami ng mga pagkain upang tulong sa sa inyo" sabi pa ni Crisostomo.

"Hindi ba bawal ang sinuman na magbigay ng tulong sa pamilya naming dahil ang mahuli na tumutulong sa amin ay parurusahan ng pamahalaan" sabi ko sa kanya at umiling siya.

"Naniguro kami nila Ama at Ina na walang nakakita sa aming iba bago magtungo sa inyong tahanan" sabi niya sa akin.

"Mabuti na ang nag-iingat kaysa sa hindi" tugon ko naman sa kanya

"Sukdulan na talaga ang pagmamalupit ng pamahalaan sa bayan na ito lalo na sa iyong pamilya aking mahal, dapat sumulat na tayo sa hari ng espanya at sabihin lahat ng pagmamalupit na ginagaa sa atin ng mga kastila ng matuldukan na ang pananakit, pagkamkam at panlalamang nila sa ating mga Pilipino" wika ni Crisostomo.

"Ngayon pa Crisostomo kung kailan napasa-ilalim tayo sa batas military? Mukhang Malabo ang nais mo dahil malakas ang seguridad ng mga guardia sibil sa bawat daanan palabas ng bayan na 'to, mahihirapan na rin tayong makatakas sapagkat halos nakatayo na lahat ng pader paikot ng ating ba 'yan, dinaig pa natin ang Intramuros" sabi ko sa kanya at napabuntong hininga pa siya.

"Hindi naman siguro masama kung ating susubukan hindi ba Catherina?" pagpipilit pa ni Crisostomo at na iling ako.

"Cris hindi natin magagawa iyon, ilang beses ng may nagtangkang gumawa no'n ngunit saan sila natatagpuan pagkatapos nilang tangkain 'yon? Hindi ba sa lansangan? Nakikita na lang sila kinabukasan na duguan at patay ang kadalasan sa kanila ay mga mayayaman na Pilipino na walang dugong kastila" kwento ko sa kanya at napalaki ang mata niya.

"Ikaw na rin ang nagsabi hindi ba na kung hindi tayo kikilos ngayon ay kalian pa? Kapag unti-unti na nila tayong pinapatay? Hindi maaari iyon Mahal ko, dapat ngayon pa lang ay kumilos na tayo ng paunti-unti nang mlarma ang mga dayuhan na may laban ang mamamayang Pilipino sa mga kastilang mapang-abuso" wika niya at naalala ko 'yong mga panahon na mayaman pa kami na ang lakas ng loob kong magsalita ng mga pang-motivate na word sa kanila pero ngayon bakit parang naduduwag ako.

"Nasabi ko nga 'yon Crisostomo, pero siyempre kailangan nating pagplanuhan iyan ng maayos bago gumawa ng aksyon dahil baka sumabit tayo sa huli..." sagot ko naman sa kanya "At isa pa hindi dapat tayo magpadala na lang basta ng sulat sa hari ng espanya, ang dapat nating gawin ay may isang tao na nararapat pumunta sa bansang espanya at personal niyang ibigay sa hari ang liham" suggestion ko at napaisip ako kung paano.

"Maganda ang iyong naisip na plano Catherina ngunit paano tayo makalulusot ngayon pa na nasa ilalim ng batas military ang buong bayan" sambit ni Crisostomo.

"Ayon nga din ang aking naisip" tugon ko sa kanya.

"Sadyang kay hirap talaga maging isang mamamayan ng isang bansang kontrolado pa ng isang mas malakas na bansa" sabi ni Crisostomo.

Sa hindi ko inaasahan na pagkakataon ay bigla kong naisip 'yong mga nangyari sa akin noon na palagi kong nakikita si Lavinia na para ba siyang multong nagpaparamdam sa akin, kapag naalal koi yon ay nasasaktan ako dahil [parang mas pinili ni Crisostomong sumama kay Lavinia kaysa sa akin.

"Crisostomo may nais lamang akong itanong sa iyo, sana ay maging tapat ka sa akin" tanong ko sakanya at napahinga ako ng malalim.

"Ano iyon aking mahal bakit tila kabado kang itanong iyan sa akin?" tanong niya sa akin.

"May namamagitan pa rin ba sa inyong dalawa ni Lavinia hanggang ngayon?" tanong ko sa kanya na siya naming ikinagulat niya.

"Ano?" natatawa niyang sagot "Binibini ko isang malaking kahibangan 'yan kung mangyari man uli 'yan, ang sagot ko ay wala, walang namamagitan sa aming dalawa ni Lavinia sa katunayan nga niyan ay matagal na siyang hindi na ninilbihan sa amin at hindi na naming alam ng pamilya naming kung nasaan na siya" sagot niya sa akin at medyo natanggalan naman ako ng tinik sa lalamunan ng dahil sa sinabi niya na 'yon.

"Mabuti naman kung gano'n Cris" sabi ko at napayakap pa uli ako ng mahigpit sa kanya "Kahit anong mangyari Cris ako lang ang mhal mo ha at wala ng iba maghiwalay man tayo ng matagal na panahon basta ako lang ang mahal mo at wala ng iba" sabi ni ko sa kanya at naluha naman ako.

Ayaw ko na kasing mawala siya sa tabi ko gusto ko nandiyan lang siya at kung lalayo man siya ay 'yong paniguradong magkikita uli kami, ngunit bigla pumasok sa isip ko na baka isang araw ay bigla ko na lang matapos ang misyon ko ditto sa panahon na ito at hindi ko namalayan na nakabalik na pala ako sa taon ko, natatakot akong dumating ang araw na iyon, iyon ang araw na kinatatakutan ko sapagkat maghihiwalay na kakming dalawa ni Crisostomo at wala siyang kamalay malay dito.

Niyakap din naman niya ako ng mahigpit na may pagmamahal.

"Ipinangangako ko sa iyo Catherina na ikaw ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling sandali ng aking buhay, ikaw lamang at wala ng iba pa, paghiwalayin man tayo ng langit, lupa, oras at tadhana, tandaan mo na ikaw lang at wala ng iba pangako ko sa iyo 'yan, mahal na mahal kita Catherina" sambit niya sa akin at napaiayak na naman ako sa sinabi niya.

Ano ba 'yan para naman kaming nagpapalitan ng wedding vows dito kaloka.

"Panghahawakan ko ang mga pangako mo na 'yan Crisostomo at dadalhin sa kahit saan man ako magtungong lugar, maski paghiwalayin man tayo ng oras at tadhana" wika ko naman sa kanya.

"Bumubuhos na naman ang iyong mga luha Binibini, ika'y tumahan na at punahan ang iyong mga luha sa mga mata" sabi niya sa akin at siya na ang nagpunas sa luha ko "Sandali, ano'ng nagtulak sa'yo upang itanong sa akin 'yan? May bumabagabag bas a iyong kalooban?" tanong niya sa akin at kaagad naman akong napatalikod sa kanya sabay buntong hininga.

Ano sasabihin ko na ba ng mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw? Baka isipin niya ay nababaliw lang ako.

"Mahal ko may nais ba akong malaman mula sa 'yo?" tanong niya sa akin at napahawak siya sa kaliwang braso ko.

"Ano kasi.... Hindi ko alam kung paniniwalaan mo 'tong nangyari sa akin nitong mga araw bago ako manilbihan sa pamilya Mondragon" sabi ko sa kanya at napappaikit pa ako at buntong hininga.

"Ano iyon Catherina? Maari mo 'tong sabihin sa akin upang ikaw ay aking matulungan" pagpilit niya pa sa akin.

Okay sige sasabihin ko na.

"Okay sasabihin ko na Crisostomo" panimula ko, napapikit muna ako at nagpakawala ng hininga "Nitong mga nagdaang lingo, kung iyong naalala ang araw na ibinalik ang pamilya naming dito sa bayan nina Heneral Castellano, no'ng araw na 'yon ay nakita ko sa Lavinia na poara bang tinatawanan kami at agad ko anamn siyang sinundan at tinawag ang kasoa hindi siya lumilingon sa akin kaya sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa makarating ako sa maraming tao at doon bigla na lang parang nag iba ang paligid, nagging madilim at nawala lahat ng tao tangin ako lang ang natira at sa kahit saan naririnig ko ang boses ni Lavinia na tila ba isang demonyong bumubulong sa akin, hindi ko alam kung nawawala na ba ako sa sarili ko no'n o hindi pa, at bigla na lang siya nagpakita na parang multo at ang pinakamasakit pa ay kasama ka niya at magkahawak ang kamay niyng dalawa, para akong sinaksak ng ilang beses sa puso ko ng sabihin mo sa akin na mas mahal mo si Lavinia kaysa sa akin, pagkatapos no'n ay tumalikod na kayo at naglakad palayo at maya maya ay bigla na lang akong nawalan ng malay at pagkagising ko ay nasa harap ko na lang sila Ama at Ina kasama mga kapatid ko" ikinwento ko muna sa kanya 'yong unang nangyari sa akin na ikinalaki ng mata niya at mukhang gulat na gulat siya.

"Ano ang iyong sinasabi Catherina? Totoo ba ng lahat ng mga ito? Paano ko makasasama si Lavinia, ngayon pa at wala na siya sa amin at napakaimposible ng iyong sinasabi mahal ko, walang nangyaring ganyan sa akin maniwala ka sa akin, sumpain ako ng Diyos kung ginawa ko man iyan" sabi niya sa akin at naniniwala naman ako sa sinabi niya.

"Naniniwala ako sa sinasabi mo Crisostomo, ngunit ang hindi ko lang maipaliwanag kung bakit nangyari ang lahat sa akin 'yon? Sa tuwing naalala ko 'to ay kinikilabutan ako at natatakot na baka dumating ang araw na bigla mon a lang sabihin sa akin na hindi mo na ako mahal" sabi ko sa kanya at napayakap uli ako sa kanya sabay iyak na parang batang inagawan ng laruan.

"Hinding hindi ko gagawin iyong Catherina pangako ko sa 'yo 'yan, walang laman ang pusoa kung hindi ikaw lamang at tanging ikaw lang" pagpapagaan niya sa kalooban ko.

"Salamat Crisostomo" Tugon ko naman sa kanya "Ay isa pa meron pa, noong araw bago ako manilbihan kila Donya Hilaria, kasama ko si Donya Peregrina sa pamilihan at no'ng uuwi na kami ay naririnig ko na naamn ang boses ni Lavinia at nakita ko siya sa labas ng bintana ng kalesa, masama ang kanyang tingin at ng napatingin ako kay Donya Peregrina ay bigla itong nagging si Lavinia at sa takot ko ay hindi ko napigilan na tumalon palabas ng kalesa habang ito ay mabilis ang takbo at paglugmok ko sa lupa ay bigla akong nawalan ng malay" kwento ko pa sa kanya at nanlaki na naman ang mata niya.

"Ano baa ng nangyayari sa iyo aking mahal? hindi kaya at pinaglalaruan ka lamang ng demonyo kaya mo nakikita ang mga iyon?" tanong sa akin ni Crisostomo.

"Hindi ko alam, basta nakatatakot at kapag naalala ko ay kinikilabutan ako" sabi ko sa kanya.

Sa paglalabas ko ng sama ng loob kay Crisostomo ay hindi naming namalayan na gabi na pala at kailangan ko ng umuwi dahil panigurado ako na hinahanap na ako nila Ama at Ina ngayon.

"Crisostomo, kailangan ko na pa lang umuwi ngayon hindi natin namalayan na gabi na pala" sabi ni sa kanya at napatingin pa siya sa kalangitan na madilim na pala.

"O kay bilis nga naman ng oras aking mahal at kailangan na nating putulin ang masayang oras na ito, marahil hinahanap ka na nga ng iyong Ama at Ina sa inyong tahanan" sabi niya sa akin "Ihahatid na kita sa inyo Catherina" offer niya sa akin at tumango na lang ako bilang pagpayag.

------

Hinatid ako ni Crisostomo sa aming tahanan at naging tahimik ang paglalakad namin mula sa kaninang lugar na sinilungan naming hanggang sa makarating kami sa kakahuyan.

Napansin ko na parang tulala lang siya at diretsong nakatingin sa dinaraana naming dalawa. Ang weird niya ha? Anong nangyari sa kanya.

Sinubukan kong makipagholding hands ngunit hindi niya ikinuyom ang kamay niya at nakatingin lang siya sa harap at parang hindi niya ako nakikita, medyo nagtampo naman ako no'n.

"Hanggang dito na lamang ako Crisostomo" sabi ko sa kanya at napailing iling pa siya sabay tingin sa akin.

"Nandito na ba tayo sa inyo?" tanong niya sa 'kin.

"Oo kaya dito na lang ako" sabi ko sa kanya, napansin ko lang na parang wala naman ditto sa amin sila Don Fernando at Donya Esperanza? Sabi ni Crisostomo nandito daw sila "Bakit tila wala sila Don Fernando at Donya Esperanza dito? Akala ko ba nandito sila?" tanong ko kay Crisostomo.

"Ano wala sila dito? Hinala ko ay baka umuwi na sila sapagkat binilin ko din sa kanila na kung hindi man tayo kaagad makauwi ay maari na silang mauna sa pag-uwi at susunod na lamang ako sa kanila" paliwanag niya sa akin.

"Gano'n ba?..... O pa'no 'yan uuwi ka na ngayon?" sabi ko sa kanya at napangiti ako kasi nakita ko siya ngayon at kahit sa sasandaling oras ay nakasama ko siya.

"Ganoon na nga Binibini, ako ay mauuna baka may makakita pa sa ating ibang tao dito, hindi maganda sa paningin ng iba na magkasama ang isang Ginoo at Binibini sa gitna ng dilim baka maging madungis ang tingin nila sa atin" sabi niya atnangiti naman uli ako.

"Mag-iingat ka Ginoo ko" sabi ko sa kanya ngumiti na lang siya at tumalikod para maglakad palayo.

Tumalikod na ako para pumasok sa bahay namin at nang maalal ko na soot ko papal 'yong coat niya ay kaagad ko siyang tinawag.

"Crisostom---" napatigil ako sa pagtawag dahil paglingon ko sa kanya ay wala na siya kaagad sa paligid para bang isa siyang bula na nawala na lang bigla "Nasaan na 'yon? Ang bilis naman mawala no'n" sabi ko sa sarili ko.

Ano siya si The Flash? Mabilis tumakbo? Ang weird niya ah ano kayang nangyari do'n kay Crisostomo? Bigla siyang nagkagano'n?

Papasok na sana ako sa loob ng bahay naming ng may makita akong nakabalot na kung ano at may nakalagay na papel dito at may sulat.

Prinsesa inyong pagdamutan at magpakabusog

- Indio/Constantino

Galing pala kay Tino 'to? Ano na naman 'to?

Binuklat ko kung ano 'yong nakabalot at nagulat ako na pagkain na naman ito, pangalawang beses na niya 'tong pagbibigay ng pagkain sa amin ah? Nakhihiya na hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan.

Sandali nagpunta siya dito? Paano niya nalaman na dito na kami nakatira? Pero salamat uli sakanya at lagi niya kaming binibigyan ng pagkain na kahit siyta mismo na mahirap lamang ay tinutulungan niya kami.

Pumasok na ako sa oob at kaagad akon nagmano kila Ama at Ina.

"Catherina anak bakit ngayon ka lang? Gabi na" tanong ni Ina sa akin.

"Paumanhin po Ina ngunit nagpatila pa po ako ng ulan sa isang tabi bago tuluyan na umuwi" sabi ko kay Ina.

"Ganoon ba anak? Ano naman iyang bitbit mo?" tanong ni Ina.

"Ito po? Mga pagkain po may nagbigay po uli sa atin, nakita ko lang poi ito sa labas ng bahay natin" sabi ko.

"Pagpalain nawa ng Maykapal ang taong nagbigay niyan, kung sino man siya ay gantihan nawa siya ng Diyos ng kabutihan" sabi ni Ina.

"Halika na po kumain na po tayo ng hapunan" sabi ko sa kanila at nagsilapitan na sila para magsimula na kami sa pagkain.

Nagsimula na kaming umain atnkikita ko sa bawat mukha nila ang saya na kahit papaano ay nakararaos kami sa ganitong kalagayan ng buhay namin.

"Sandali anak ano iyang nasamukha mo? Sugat?" tanong ni Ama sa akin at napahawak pa siya sa pisngi ko at sinuri.

Oh no ayan napansin na nila ang sugat sa mukha ko na kagagawan ng demonyang Hilaria na 'yon.

"Oo nga anak ano ba 'yan bakit ang dami mong galos sa iyong mukha? Sinasaktan ka ba ni Peregrina?" tanong ni Ina.

Napalunok laway ako at medyo kinabahan kasi para akong nasa hot seat ngayon sunod sunod ang mga tanong nila.

"Ama Ina kumalma po kayo hindi po ako sinasaktan ni Donya Peregrina, nagkataon lamang po na habang nasa pamilihan po kami ay nagpapatulong po siya at may tumatakbong lalaki na hinuhuli ng mga guardia sibil at nabangga ako no'ng lalaki, tumama naman po 'yong mukha ko sa kahoy kaya ayan may sugat po ako, pero hindi naman na po masakit kay huwag po kayong mag-alala" pagsisinungaling ko sa kanila at sana paniwalaan nila ako.

Napacross finger tuloy ako sailalim ng lamesa.

"Sa susunod mag-iingat ka anak, alam mo naming noong mayaman pa tayo ay iningatan ko kayong mga anak ko, maski lamok at dumi ay hindi ko pinadadapo sa balat niyo" pagalalang bilin saakin ni Ina.

"Opo Ina magiginng doble na po ang pag-iingat ko sa susunod" sagot ko at nagpatuloy na kami sa pagkain.

------

Pagkatapos naming kumain ay inayos na naming ang mga kinainan anmin at pagtapos din no'n ay lumabas ko ng bahay para may kuhin.

"Binibining Catherine" nagulat naman ako ng nakasunod na pala sa akin si Veronica ng hindi ko namamalayan kaya, Catherina na ang tawag niya sa akin kasi alam naman anya kung sino talaga ako at kung saang panahon ako nagmula.

"Nagulat naman ako sa 'yo Veronica, para kang kabute na bigla bigla na lang sumusulpot" sabi ko sa kanya.

"Paumanhin ngunit maaari ba kita makausap?" tanong niya sa akin at napakunot noo naman ako.

"Oo naman bakit ano naman 'yon?" tanong ko sa kanya at hinawakan niya ako sa kamay at medyo lumayo kami sa bahay baka may makarinig.

"Veronica ano ba pag-usapan natin? bakit kailangan pa nating lumayo sa bahay? Wala namang makaririnig sa atin do'n" sabi ko sa kanya.

"Maaari po ba kitang tanungin sa mga nangyari sa iyo kanina?" tanong niya sa akin at napakunot noo, bakit?

"Bakit ano bang meron?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Basta maari po ba?" pangungulit na tanong niya pa.

"O-oo naman" sabot ko sa kanya.

Napahinga pa siya ng mallaim at napapikit.

"Ano bang nangyayari sa iyo Veronica? Sabihin mo na" pagmamadali ko sa kanya.

"Kaninang hapon po bago magtakipsilim ay inutusan ako ni Donya Catalina na ika'y sunduin sapagkat bubuhos ng malakas ang ulan..." panimula niya.

"Oh tapos?" ani ko.

"Nang bumuhos ang malakas na ulan ay nakita po kitang umiyak at napasigaw na parang walang tutulong sa inyo kanina ngunit nagulat ako sa mga sumunod na nagyari sa inyo na tila na yumayakap kayo sa hangin at habang sumisilong ka po kanina at nakayakap ka din po sa hangin, napalaki po ang mata ko at kinusot ito upang tiyakin na hindi ako namamalikmata ngunit mas lalo akong nagulantang ng magsalita po kayo at para pong may kinakausap ka na ikaw lamang ang nakakikita" napanganga ako sa sinabi niya at nagsalubong ang kilay ko.

"Ano!?" gulat kong tanong sa kanya.

"Opo maniwala po kayo at sa hindi ay nagsasabi po ako ng totoo" sabi niya sa akin at parang umurong ang dila ko at hindi makapagsalita "Kinikilabutan po ako kanina habang nakikita ko kayo kasi nakikipagusap po kayo sa hangin at humahagulgol sabay yakap saw ala, kamuntik na nga apo akong himatayin kanina" dugtong pa niya at napa-what the fuck na lang ako sa isipan ko, anong sinasabi nitong babaeng 'to?

"Paano mangyayari iyan, eh si Crisostomo ang kausap ko kanina at siya ang tinutukoy mong kayakap ko kanina, kaya paano magiging imposible ang sinasabi mo? Nahihibang ka na ba Veronica?" sagot ko sa kanya, baka kasi binibiro niya lang ako.

"Hindi po ako nahihibang Binibining Catherina, totoo ang aking sinasabi maniwala ka" sabi niya pa at nagsimula ng bmilis ang tibok ng puso ko sa kaba "Naglakad ka po ba pag-uwi mo kanina?" tanong niya sa akin at napatango ako "Kanina po ba may parang kamay kayong hinahawakan at bigla niyo itong binitawan?" tanong niya pa sa akin.

"Oo si Crisostomo ang dapat kahawak ko ng kamay kanina habang hinahatid niya ako pauwi dito sa atin" sabi ko sa kanya.

"Binibini wala ka pong kasabay habang tinatahak mo ang daan pauwi dito sa atin, inisip ko kanina na baka ikaw ay nawawala na sa katinuan o hindi kaya may nakikitang hindi ko nakikita" sabi niya sa akin at hindi ako makapagsalita.

So sino 'yong kasama ko kanina multo? Kaluluwa gano'n?

Maya maya ay biglang humangin at ang lamig ng hangin na dumampi sa balat naming at nakaramdam ako ng kaunting kilabot kaya naman kinabahan ako.

"Paano mo mapatutunayan ang lahat ng sinasabi mo sa akin? Kung ako mismo 'yong taong kausap ni Crisostomo kanina? Hindi ako nahihibang Veronica, si Crisostomo ang kasama ko nasaharapan ko siya at iyon ang katotohanan" sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya para iwan, nahihibang na talaga siya.

"Gusto mo ng patunay Binibini?" tanong niya sa akin at napahinto ako at lumingon sa kanya.

Bigla na namang lumakas ang hangin at parang tatayo lahat ng mga balahibo ko.

May hawak siya sulat at iniaabot niya sa akin.

"Basahin mo ito Binibini at sabihin mo uli kung ako ba ay nahihibang" wika niya at napalunok ako bago ko dahan dahang kunin 'yong sulat sa kanya.

Pagkakuha ko no'ng sulat ay lumakas na naman uli 'yong hangin at napatingin ako sa mga puno na nalalagas ang mga dahon.

Binuksan ko 'yong sulat at sinimulang basahin.

Mahal Kong Catherina

Patawarin mo ako kung hindi kami nakalalapit sa inyong pamilya sapagkat mahigpit ang pagbabantay sa inyo, nakarating na din ang balita na nandito na uli kayo sa bayan ng Santa Clara at nagagalak akong malaman iyon ngunit nakalulungkot din sapagkat hindi na kayo sa inyong hacienda naninirihan. Nais ko lamang ipaalam sa iyo na ako ay lilisan muna ngayong ika-walo ng umaga upang ihatid ang mga kapatid ko sa Nueva Ecija upang sila doon ay manatili pansamantala habang hindi pa natatapos ang kaguluhan dito sa ating bayan.

Labis na akong nangungulila sa iyong presensiya at nakukunsensiya sapagkat wala man lang akong nagawa upang ipagtanggol ka at ang iyong pamilya, ngunit palagi kitang ipinagdarasal sa Poong Maykapal na nawa ay hindi ka niya pabayaan sa pang-araw araw mong pamumuhay kahit na wala ako sa iyong tabi upang alagaan ka, huwag ka nawang manawa na ako ay mahalin sapagkat palagi mong tatandaan na Mahal na mahal kita Catherina kahit na halos wala na tayong pagkakataon para sa isa't isa, ngunit naniniwala ako na darating din ang panahon para sa ating dalawa at sabik na ako sa araw na iyon.

Hindi ko na pahahabain pa ang liham ko na ito dahil mas higit pa sa mga sulat at mabubulaklak na pananalita ang pagmamahal ko na hindi madadala ng hangin kailanman, ikaw lang ang sigaw ng puso ko at tanging pangalan mo ang naka ukit dito.

Palagi kang mag-iingat mahal ko.

Nagmamahal

Crisostomo Santibanez

-----------

-Panginoong ko ano na po bang nangyayari sa akin? Dasal ko sa iyo ay iwaksi mo ako sa lahat ng masasamang gusto manakit sa akin-

-----------

Nakapag-update din ako sa wakas!!!! Medyo na creepy-han ako sa last part nito biglaan lang 'tong part na 'to at hindi planado, yong una kasing naisip ko eh medyo nababaduyan ako ang pangit kung ganon ang gagawin kong ending nitong chapter 50 pero well mas satisfied naman ako sa sinulat ko ngayon! NAKKO MALAPIT NA TAYONG MAG 100K READS!!!!! 8K NA LANMG ROAD TO 100K READS NA! salamat sa pagsuporta! Mahal na mahal ko kayong lahat!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

205K 12K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
108K 4.3K 40
#1 in History 063018 #3 in Time Travel 063018 Huwag mong baguhin ang isang nakaraan dahil may malaking epekto ito sa iyong kasalukuyan at magiging hi...
774K 27K 8
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
10.8K 345 43
Si Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Haba...