Princess and the Pauper

De AnimeShin04

212 29 0

" Pwede bang ulamin ang hippopotamus? " Hindi. " Nag enjoy ako.! Nakaka kaba palang sumakay sa rice cooker... Mai multe

Princess and The Pauper
# 1 The Pauper
#2 : The Princess
#3 Fired
#4 Princess meets the Pauper
# 6: Patient joker
# 7 The poor family

#5 Argument

12 2 0
De AnimeShin04

- Macoy -

Teka.? Asan ako.!

Bigla akong napabalikwas ng bangon at napatingin sa paligid. Puting pader, may mesa sa tabi at nasa kama.. Nasa kama ako.!

Weyt.! Nasa ospital ako.!

Teka.? Ano nga bang nangyari.? Hmm.. Ang alam ko..  Naglalakad ako tapos may biglang lumikong puting kotse at..

Haa.?! Nabundol ako..

Teka, baka naman wala ako sa hospital.. Hindi kaya..

Patay na ako.??

Napahawak ako sa bibig at inalis ko ang kumot. Dahan dahan kong ibinaba ang mga paa ko at nagsimula akong maglakad nang..

" Aah.! Aray... "

Buhay pa nga ako. Walang duda. Ang sakit ng kaliwang paa ko.. Kaya gamit ang kanang paa, patalun talon akong bumalik ng higaan. Medyo sumasakit din ang ulo ko.

Pano ba ako napunta dito.? Sinung nagdala sa akin dito.? Wala akong pambayad dito eh..

Sumasakit lang ang ulo ko kaiisip kaya napahiga ako uli. Maya maya narinig kong bumukas ang pinto at may nagsalita.

" Thanks Dr. Tan.. Ill see you again later.. "

Tapos narinig kong may pumasok kaya dahan dahan uli akong bumangon. At nakita ko, yung anak ng boss ko.! Pumasok siya dito sa kwarto at parang nagulat pa siya nang nakita niya akong gising.

" Oh.. So youre awake.. Glad to see that.. " Kaswal niya pang sabi. Ako naman tahimik at nagtatakang napatingin lang sakanya.

" May sprain ka sa binti pero dont worry, the doctor will take care of you.. "

Napakunot lang ang noo ko at napatingin sakanya.

" Bukas naka sched ka for CT scan or MRI. Para ma check natin kung wala ka bang internal injury. Binili ko na din ang ilang mga medicines na pinescribe ng doctor. You should take a rest. "

Tingin pa rin ang naisagot ko sakanya.

" Youre going to stay here for 2 days. Just to be sure that you dont have any injuries. Dont worry about the bills, anyway -- "

" --Sandali. Sandali lang po.. "

Agad kong awat. Napatigil naman siya at nagtatakang napatingin sa akin. Napakamot ako sa ulo.

" Eh.. Eh.. Pasensya na ah.. Kaso wala ho akong maintindihan sa mga sinasabi nyo.. Puro english kasi eh.. Pwede pakitagalog.? "

Tumaas ang kilay niya at huminga siya ng malalim.

" What I mean is.. May pilay ka sa kaliwang binti and.. Para makasiguro lang tayo na ok ka, ipapa CT scan kita and.. "

" Scan.? "

" Yes. CT scan.. You know.? CT scan.? Computed Tomography.? Ie xray yang ulo mo para matingnan kung may damage.. "

" Ah.. " Yun pala yun.

Huminga pa siya uli. " So yun. Dito ka muna hanggat hindi pa tayo sure kung maayos na ang condition mo. Anyway, ako nang bahala sa mga bills at gamot so -- "

" -- Teka.. " Awat ko. " Anung dito muna.? Ako.? Dito muna sa ospital.? "

" Yes. "

" Ay naku. " Bigla akong napa ayos ng upo. " Hindi pwede yan. No no no. Kailangan kong umuwi dahil hahanapin ako sa bahay. "

" No.. Kailangan mong mag stay dito para ma check ka pa. Hindi tayo nakakasiguro sa kalagayan mo ngayon. "

" Mam.. Hindi talaga pwede.. Kapag hindi ako umuwi ngayon, mag aalala tyak ang nanay.. Hahanapin po ako nun.. "

" But the doctor said you have to stay. Dont worry.. Iche check lang natin kung ok ka na ba talaga.. "

" Hindi talaga pwede Mam. Pasensya na pero uuwi na po ako.. Hindi ako pwedeng magtagal pa dito. "

Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Anak ng --.! Ang sakit talaga ng paa ko. Pagtapak ko parang pakiramdam ko may kuryenteng pumasok sa akin at sobrang sakit. Napatalon ako paupo ng kama. Ah.! Ang sakit din ng ulo ko..

" See.? See that.? Sinabi ko nang iche check ka pa eh.! Antigas ng ulo mo.. Gusto mong lumabas tapos ano.? Kapag may naramdaman ka babalik ka at magde demand.?! " Parang nainis sakin si mam.

Napahawak ako sa ulo ko. Ay.. Parang umiikot ang paningin ko ah.

" Nakakainis kayong mga mahihirap. Minsan may nararamdaman na, tinitiis nyo pa rin. Pipilitin nyo pa ring balewalain at mags stay pa rin kayo sa mga bahay nyo. Tapos ano.? Di nyo alam, malala nang sakit nyo. At kapag hindi nyo na kinaya saka kayo tatakbo papunta sa hospital. At sisisihin nyo pa ang hospital at doctor kapag hindi kayo napagaling. "

Napatigil ako sa mga narinig ko. Tuloy pa rin siya sa mga kada daldal nya.

" Ikaw ba mam.. May pamilya ka ba.. "

Bigla kong nasabi. Napatigil din siya at napatingin sa akin. Matagal bago ako nagsalita uli.

" Gusto kong umuwi dahil may pamilya akong naghihintay sa akin. Gusto kong umuwi dahil may pamilya akong mag aalala kapag hindi ako dumating. Ayokong nag aalala sila para sa akin dahil ayokong bigyan pa sila ng problema pa. At dahil pamilya ko sila, gusto ko alam nila kung anung nangyari sa akin hindi dahil para magpa awa kundi dahil karapatan nila ang malaman ang kalagayan ko o kung nasaan ako. Ayokong mag hanap sila sa sa akin at pag hintayin sila sa wala dahil para sa akin kawalan ng respeto yun. Simple lang pero malaking halaga sa akin yun mam. "

Ang haba ng sinabi ko. Ewan ko. Pero parang habng nagsasalita ako, mas lalong sumasakit ang ulo ko. Parang namamanhid na ewan.

" You know what.?.. "

Yun na lang yung yung huli kong narinig sakanya. Alam ko may sinasabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil wala na uli akong maalala.

- Tracy -

" AAHH.. ! "

Napatili ako bigla. Oh my God.!!  Natumba siya bigla sa sahig after niya magsalita. nakita kong napa hawak siya sa ulo nya at parang may nararamdaman bago siya nawalan ng malay. Nagulat ako kasi ang lakas ng pagkaka bagsak nya sa floor.

Goodness.!

What happened.? Hindi kaya may effect sakanya ang aksidente.? Hindi kaya tinamaan siya sa ulo at nag result yun ng pagkaka ganyan nya.?

" Doc..!! "

I screamed as I ran to the door. May lumapit naman agad na mga nurse at in assist siya. Para akong magkaka nervous breakdown dito. I need some fresh air.

As I turn around,  may nasalubong pa kong stretcher na buhat ng mga nurse. Natatakpan ng shroud yung patient and it gives me goosebumps knowing na dead person na yung nakahiga doon because of the bloods stains na sobrang dami.

God.!

Halos patakbo akong lumiko sa isang pasilyo, heading to the elevator. I need to get out of here..!

1..

2..

3..

Pa ulit ulit akong nag inhale-exhale. Andito na ako ngayon s labas. Maybe 1 and a half hour na rin siguro akong naka upo dito sa bench, sa mini park kung san pwedeng ma stroll at mag lakad lakad ang mga patients. Some of them were in their wheelchair, some were practicing to walk again. Some were limping and they look happy naman. 

At ako.?

Im here.. just watching them.

Medyo na relax na din naman ako at nakalma after the incident kanina.

Sa totoo lang kanina pa ako sobrang overwhelmed sa mga nangyari.  Sobra ang kaba ko nang gumewang ako sa daan. Dagdagan pa nang pagbaba ko ng kotse may lalaking naka higa sa may likuran ng kotse ko, sign na naka disgraya ako. I bought him to the hospital pero parang  nakasama pa sakanya lalo ang pagkaka sagutan namin kanina.

Argh.!

Mas stressful pa ang araw na ito kesa sa pag nasa office ako.

Wait, what if may nangyaring masama dun sa lalaki kanina.?

No way.. Makaka sira to sa name namin. We Santillan were very much known pa naman. And aside from that, I cannot bear the toughts of killing somebody because of my recklessness.

What am I supposed to do now.?

Ha.! Wala naman sigurong nangyari masama dun. He's ok naman siguro dahil sa mabilis na pag attend kanina ng mga nurses.

Dear me.. Im just imagining things.. Im just stressing myself. Duh.!

Wala yon Tracy.. He's fine.. Relax. Inhale.. Exhale..

After 30 minute siguro uli bago ako nakalma.

" Neng, pwede bang paki abot ng pamaypay ko.? Nahulog kasi sa lupa eh. "

Napatingin ako sa nagsalita.

May matandang babaeng naka upo sa wheel chair na naka tabi pala sa bench kung san din ako naka upo. Mga nasa late 60's na din siya na mukhang may lahing spanish dahil sa mestiza siya. Hindi ko napansing may kasama na pala ako dito.

Yumuko ako at inabot yung color blue at floral na pamaypay sa matanda.

" Salamat hija.. " She smiled sweetly. I smiled back.

" Nasaan ang pasyente mo iha.? "

Napatingin ako sakanya. " Ah.. Nasa taas po lola.. "

Napatango pa siya nang marinig ang sagot ko. I think she's trying to engage a small talk. Oh well, wala naman sigurong masama kung makipag kwentuhan muna ako sakanya.

" Kumusta naman po kayo dito lola.? I mean bago lang po ba kayo dito.? " Tanong ko.

Ngumiti sya at umiling.

" 1 month na din ako dito.. Nasa state of amputation pa ang paa ko eh. " Itinaas nya ng kaunti ang isang paa na natatakpan ng kumot. I see. So she has diabetes.

" Ganun po.? Naku lola, Pagaling po kayo agad para maka uwi na rin kayo. You know, mas comfortable ang pakiramdam nang nasa bahay.. " I said.

Again ngumiti siya at tumingin sa malayo.

" Oo nga eh.. Gusto ko na ring makalabas dito para makita ang mga apo ko. Miss ko na sila eh.. "

" Bakit po. Hindi po sila nakakadalaw dito.? "

Umiling siya. And I saw a hint of sadness in her eyes. Parang bigla siyang nalungkot.

" Ganun po ba lola.? Maybe busy lang po sila sa school.. At least nandyan po ang anak nyo para dalawin kayo di ba.? "

This time medyo tumawa siya. Pilit na tawa.

" Medyo busy din sila eh. " She said. " Yung anak kong lalaki, sobrang busy nun sa business nya. Laging nasa out of town meetings yun. Yung anak ko namang babae nasa Cebu. dun na sya nakatira kasama ng mg apo ko. May business din sila ng asawa nya dun kaya pareho silang walang time bumista dito.. "

Medyo napatahimik ako sa sinabi ni Granny. I see. Kaya pala malungkot siya. She's missing her family na and her family don't even visit her here kahit saglit lang.

" Pero tumatawag naman sila minsan kaya ok naman. Medyo nababawasan ang pagka homesick ko dito. " She said again, smiling. " And Im fine with that.. "

" Talaga.? Don't worry po. Makakalabas din kayo agad dito. And makikita nyo na rin po ang family nyo. "

I smiled again and she nods. Sa totoo lang wala akong alam sa pag comfort sa mga malungkot na tao. I paused again, thinking of anything na pwede kong sabihin kay Granny but  nothing came out of my mind.

Duh, Tracy.. What do you know about comforting people. As if you care.


I shake that stupid voice off my mind.  Until Granny speak again.

" Your family.. Is your everything.. " Pagsisimula nya. " Hindi lang ito basta grupo ng bloodline mo o people you were affiliated with.. Family is a gift form God to be cherised. Dahil mag i stay sila para sayo just to support you. Iwan mo man sila, still they will be there, just there waiting for you to come back kung magkaron ka man ng problema. You can share them your joy, your sadness.. Even your pain. They will even fight back sa mga taong nanakit sayo. And the depth of the parent's love for their children is cannot be measured. "

Nakita ko may tumulong one tear from her left eye.  At parang naalala ko bigla ang mommy. Ang sabi nya kasi, kapag daw galing sa left eye ang tumulong luha, sobrang kalungkutan ang nararamdaman ng taong yun. Somehow I felt sad para kay Granny. Napatahimik lang ako and naki simpatya na lang sakanya.

" Kaya ikaw.. Alagaan mo ang pamilyang meron ka ngayon. When the time comes na may sarili ka na ring family, dont forget your parents. Tell them how much you care for them. Tell them you dearly love them. And treasure them.. Habang nandyan pa sila sayo. "

Napalunok ako sa sinabi ni Granny. Why of course I love my family. I love my mom and dad. And they love me too.

Hindi ako lalo makapag salita sa mga sinabi ni Granny. Until a nurse interrupted our conversation.

" Hi, Ms. Torres. Time na po para mag take ng gamot ninyo.. "

Napatingin si Granny sa nurse. Torres pala ang apleyido nya.

" Anyway. hija akyat na ko sa kwarto ko. maiwan na kita dito. "

I smiled at her. " Its nice talking with you po. "

Tumayo ako at nag kiss sakanya which made her smile again.

" Youre so kind and sweet. "

" Please dont be sad again. Im sure magkikita pa din kayo uli ng pamilya nyo. "

Ngumiti siya ulit bago tuluyang tinulak ng dahan dahan ng nurse ang wheel chair nya. I waived her goodbye.

Nang mawala siya, Naupo ako ulit sa bench at nag isip. Masyado siguro akong affected kay Granny. Kaya napa isip ako sa mga sinabi nya.

Well siguro nga kaya siguro nagwawala umuwi yung worker na yun. napangiti ako.

Oh well.. Maybe he really wants to see his family as well as Granny was longing for hers.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...