Chapter 0: The Old days
6 years ago
Pangalawang araw pa lang ng klase ay ayoko nang pumasok. Hindi sa tinatamad ako, lagi na lang akong pinagtitripan ng mga kaklase ko. Lagi na lang nila akong kinakawawa rito, dahil tahimik at mabait lang ako kaya tinake advantage nila ako.
May mga kaibigan ako dati sa school na ito, pero ginamit lang nila ako at nagtraydor lang sila sa akin. Ginawa lang nila akong uto-uto, pinagtripan lang nila ako. Ayaw kasi nilang makisama sa isang paslit na katulad ko, at wala rin akong kwentang tao.
Habang nakaupo ako sa aking upuan sa may bintana, biglaan na lang sumulpot si Louisa ang tinatawag na "School Queen" ng aming school. Kasama rin niya ang kanyang mga alipores at papunta sila sa aking upuan para kausapin ako. Siguro, kailangan ko nang lumaban para hindi na nila akong pagtripan.
Bakit ko pa sila naging kaklase ulit? Feeling ko may i-uutos na naman sa akin, pero kailangan kong iwasan iyon, dahil may sarili naman silang kamay para gawin iyon.
"Hoy! Nandito ka na pala! May papagawa ako sa iyo!" sigaw sa akin ni Louisa, at may binato siyang papel na hawak niya sa harapan ko. Mukhang mababasag na talaga ang eardrums ko. Ang boses niya kasi ay napakatinis na hindi masarap pakinggan sa tenga.
"Ano ang ipinauutos niyo? Mahal na Reyna!" inis na sabi ko. Kung makautos, akala nila na sila ang may-ari ng school na ito. Mukhang uutusan niya akong gumawa ng essay para sa isang subject na binigay kahapon.
Sabay pinalo nang malakas ni Lousia ang table at sabay na sinigaw niya na, "Aba ngayon, lumalaban ka na!"
"Pakialam ko! Saka nga pala, tinatanggi ko ang iyong pinapagawa kaya mo naman kasing gumawa nang mag-isa!" palaban na sabi ko. Lahat sila ay nagulat sa kilos ko dahil nagbago na ang tahimik na imahe na naging palaban ngayon.
Biglang may sumampal sa mukha ko at may naramdaman na akong paghapdi sa aking mukha. Napahawak tuloy ako sa aking pisngi na galing sa pagkasampal kanina.
"'Yan ang bagay sa iyo, dahil wala kang karapatan lumaban kay Louisa!" biglang sigaw ni Hanami na isa sa mga alipores ni Louisa sa akin.
"Bakit ba? Masama bang tumanggi sa pinapagawa niyo? May sarili naman kayong kamay!" inis na sabi ko sa kanila. Ang kapal talaga nila, bakit hindi sila gumawa sa kani-kanilang assignment? Edi, parang walang silbi ang pagpasok nila sa school na ito.
"Ang kapal mo ring pagsalitaan mo kami ng ganyan!" galit na sabi niya sa akin.
Palapit na siya sa akin para sabunutan niya ako sa buhok pero hindi natuloy, dahil may biglang sumulpot na bagong transferee na lalaki sa aming harapan. Nakasuot siyang salamin sa kanyang dalawang mata. Mayamaya ay sumali na siya sa usapan namin.
"Grabe naman kayo kung makasampal! Makatawag kayo, parang hayop lang ang kinakausap niyo! Saka tao 'yang kausap niyo, dahil mayroon siyang sariling pangalan! Ang ingay niyo pa, parang nasa palengke lang kayo!" panenermon niya kala Louisa dahil sa sobrang ingay nila. Biglaang lumapit si Louisa sa bagong transferee, at kinausap nang pagalit.
"Sino ka ba? Bakit ka bang nangingialam sa usapan namin?" pagalit na sabi ni Louisa sa transferee.
"Bakit, kailangan ko bang magpakilala sa inyo?" sabi ng transferee sabay nagtaas siya ng isang kilay.
"Grabe ka kung makapagsalita! Hindi mo ba kilala kung sino ang kaharap mo?" galit na sabi ni Louisa sa transferee.
"Hindi ko naman kayo kilala! Pakialam ko ba sa inyo! Basta mali ang ginagawa niyo!" inis na sabi niya sa kanila. Gusto niya lang itama ang mga maling gawain ni Louisa. Pero wala rin siyang nagawa, dahil matitigas talaga ang mga ulo nila kahit i-untog pa 'yan sa bato.
"Sumosobra ka na!" inis na sabi ni Louisa at bigla na lang niyang sasampalin 'yung transferee. Pero hindi natuloy ang pagsampal sa kanya, dahil nahawakan niya kaagad ang kamay ni Louisa kaya napigilan ito.
"Pasalamat ka na babae ka, dahil hindi ako pumapatol sa mga kabaliktaran ng kasarian ko! Pero, pwede ko lang i-report 'yang pinaggagawa niyo. Hindi na maganda ang ginagawa niyo sa kanya. Alam niyo ba, pwede kayong magkaroon ng suspensyon sa kasong ito?" pananakot na sabi niya sa kanila. 'Yung tingin niya ay nakakatakot dahil sobrang seryoso siya na gagawin niya ito.
"Tse! Aalis na lang kami rito, at masyadong madumi na ang lugar na ito! Halika na mga girls! Let's go! Baka mahawa lang tayo ng germs na galing sa kanila!" galit na sabi ni Louisa at umalis na rin, kasama niya ang kanyang mga alipores.
"Thank you! Ikaw na ang Prince Charming ko!" pasasalamat na sabi ko na may halong biro sa sinabi ko.
"You're welcome! Huwag mo kong tawagin ng ganyan!" galit na sabi niya sabay sumama ang tingin niya sa akin.
"Bakit naman?" pagtatakang tanong ko.
"Pambabae lang 'yan." diretsong sagot niya sa akin at napakaseryoso talaga ang mukha niya.
"Napakasama ng ugali mo! Grabe ka naman magsalita!" inis na sabi ko dahil ininsulto ba naman ang mga prince charming ng fairy tales na paborito ko pa naman ang mga iyon.
Tumawa na lang siya na halos masiraan siya ng bait sa kakatawa. Buti na lang na natanggal na ang kanyang pagiging pagkaseryoso niya. Akala ko nga, aawayin ulit niya ko at maling akala lang pala.
"Hindi ka nakakatuwa?" inis na sabi ko sabay inirapan ko siya ng mata.
"Oo nga pala, ano ang pangalan mo?" biglang tanong niya. Loko rin 'to iniba kaagad ang topic namin.
"Anne Tuesday Berdera."
"Hulaan ko, ipinanganak ka noong araw ng Martes, 'no?" hulang tanong niya habang nakahawak siya sa kanyang baba na parang napaisip siya sa kanyang sinabi.
"Yep, tama ka diyan." sagot ko with matching confidence at ningitian ko siya.
Marami talagang nagtatanong sa pangawalang pangalan ko na kung saan nakuha 'yun, dahil mukhang nakakatuwa. Buti na lang pinaliwanag ng aking magulang kaya nasasagot ko rin ang mga tao na curious sa aking pangalan. Pati rin ako noong una, nagtataka kung bakit ganoon ang pangalan ko, kaya ayun ang nangyari diretsong tanong sa aking magulang.
"Ang cute ng pangalan mo," tuwang sabi niya, at narinig ko siyang tumawa kahit mahina pa ito.
"Eh?" pagtatakang sabi ko. Mukhang pinagtitripan na niya ang aking pangalan, tuwang-tuwa kasi siya.
"Sarap talagang pakinggan 'yung 2nd name mo. Hindi ako nagjo-joke!" seryosong sabi niya at mukhang hindi biro ang sinasabi niya sa akin.
"Hindi kaya! Bolero mo pala!" pagtanggi ko na may halong pang-aasar sa kanya. Mukhang namula ng konti ang aking mukha dahil naramdaman ko ito. Mabuti na lang ay hindi niya napansin ito.
"Sus! Pa-humble ka pa! Huwag ka nang mahiya!" pang-aasar na sabi niya sa akin, sabay ngisi at pinalo niya nang mahina ang aking braso.
"Tse! Bahala ka na nga! Oo nga pala ano ang name mo?" pataray na sabi ko at biglaan ko natanong ang kanyang pangalan dahil bago lang siya sa school na ito.
"Daniel Zean Esperanza." diretsuhan sabi niya.
"Ah, okay." tipid na sagot ko
"Zean," bigla na lang binanggit niya ang kanyang pangalawang pangalan sa akin.
"Huh?" pagtatakang sabi ko.
"Actually, Zed tawag sa akin ng iba pero gusto ko Zean na lang itawag mo sa akin. Since, ikaw ang naging una kong kaibigan dito." pagpapaliwanag na sabi niya, at binato niya ako ng ngiti niya na mala-anghel ang kanyang itsura. Sa isip-isip ko, mas gwapo siya kung palagi siyang nakangiti.
"Ah okay. Nice meeting you Zean." sabi ko sabay nagbigay ng matamis na ngiti sa kanya at nakipagkamay kami sa isa't isa.
"Nice meeting you too, Tuesday. Oo nga pala, gusto mo ba na sabay na lang tayo mamayang lunch? Since na wala akong kasabay." pag-aya tanong niya para sumabay sa kanya mamaya.
"Sige, wala rin akong kasabay kasi halos lahat sa klase natin ay pinagtitripan nila ako." diretsong sagot ko. Pinaliwanag ko ang aking dahilan kung bakit ako mapag-isa ngayon.
"Ah okay, kaya pala sila ganyan kanina. Huwag kang mag-alala dahil lagi na kitang sasamahan simula ngayon, see you later Tuesday!" sabi niya na paniguradong hindi niya ako iiwanan.
"See you later rin sa iyo!" sabi ko at sabay ngumiti ako nang matamis para sa kanya.
Grabe, para lang siya hulog ng langit. Nagkaroon kasi ulit ako na pwedeng pagkatiwalaan; sana magpatuloy pa ang samahan namin hanggang sa dulo. Bumalik na si Zean sa kanyang upuan dahil mag-uumpisa na ang aming klase at dumating na rin ang aming guro.
Makalipas ng ilang oras ay lunchtime na. Niyaya ako ni Zean na sa rooftop na lang kami kumain ng tanghalian. Nang nandoon na kami ay nagsimula na kaming mag-usap sa isa't isa.
"Grabe, ang ganda pala rito!" sabi ko sa kanya. Sobrang nagandahan ako sa lugar na ito dahil hindi lang ordinaryong rooftop ang makikita rito, at napaka-engrande na para sa akin ang itsura nito, para kasing mini park ang lugar. Mayroon itong mga halaman, iba't ibang klaseng bulaklak na may iba't ibang kulay at saka may mga stone tables.
"Ngayon ka lang nakarating dito? 'Di ba, dati ka nang nag-aaral dito?" pagtatakang at may halong gulat na tanong niya.
"Oo. Old student ako pero ngayon ko lang nakita ito, hindi naman kasi ako pumupunta rito." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ah, kaya pala! Upo muna tayo sa may stone tables diyan!" sabi niya sa akin sabay turo sa mga stone tables na nasa rooftop.
"Ah, sige." sagot ko sa kanya sabay naglakad kami papunta sa stone tables para umupo.
"Ikaw, paano mo 'tong nadiskubre ang lugar na ito?" paghangang tanong ko dahil ilang taon na ako nandito ay ngayon ko lang nadiskubre ang napakagandang tambayan na ito.
"Niligid ko lang kahapon nang mag-isa para maging pamilyar ako rito." paliwanag na sagot niya sa tanong ko.
"Bakit wala ka bang kasama o nakilala kahapon?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Imposible na wala siyang makilala dito, dahil posible na may nakausap siya na kaklase o 'yung naging katabi niya ng oryentasyon noon.
"Ayoko kasing makipag-usap sa mga tao kaya wala akong nakilala kahapon." sagot niya sa akin at hindi pala mahilig makipag-usap ang taong ito.
"Bakit naman? Bakit mo naman ako kinakausap at sinasamahan ngayon?" pagtatakang tanong ko, kakasabi lang kasi niya kanina na ayaw niyang makihalubilo sa mga tao.
"Mukhang special ka at rare ang kaso mo sa akin." pagpapaliwanag niyang sagot. Nagtataka naman ako sa ibig niyang sabihin na parang hindi magandang pakinggan.
"Anong rare? Aso ba ako o bagay?" pagtataray na tanong ko sa kanya dahil grabe kasi 'yung pagkukumpara niya sa akin.
"Hindi, I mean hindi ka plastik sa akin. Mukha ka naman lagi sa sarili mo kahit hindi kita ganoong kakilala, dahil na feel ko lang. Meron pa akong sasabihin sa iyo na mukha kang inosenteng tao at mapagkatiwalaan. Saka, hindi ka siguro manggagamit ng iba para sa iyong kagustuhan. Since, nakita ko na ikaw 'yung ginagamit ng iba. Tulad noong nakita ko kanina, inutusan ka ng mataray na babae at mabuti na lang na tinanggi mo 'yun." pagpapaliwanag niya.
Mali pala ang akala ko, mapanghusga lang talaga ako. Sa susunod, hindi na ako mag-aassume dahil isa palang maling gawain at madala pa ako sa kapahamakan.
"Ah ganu'n pala 'yun!" paghahangang sabi ko sa kanya kasi nagulat lang ako sa sinabi niya.
"Yep." tipid na sabi niya. Meron pa akong gusto itanong sa kanya kaya nagtanong kaagad ako.
"Oo nga pala, may galit ka ba sa ibang tao?" habol na tanong ko sa kanya.
"Meron, ayoko sa mga taong feelingera't feelingero, pakilamero't pakilamera, chismoso't chismosa at ayoko sa lahat ay 'yung mga judgemental. Ayoko sa maraming tao dahil anti-social ako." paliwanag na sabi niya sa akin. Grabe pala 'tong si Zean halos lahat ng kinaiinisan niya, kaya pala wala siyang kilala sa unang araw ng klase.
"Grabe, ang dami mong ayaw! Ganyan ka pala, baka layuan mo na ako!" sabi ko sa kanya na may halong lungkot sa aking mukha.
"Hindi kita lalayuan o iiwanan dahil magkaibigan na tayo, 'di ba?" seryosong sabi niya sa akin.
"Ah, oo friends na tayo, promise?" sabi ko sa kanya with matching puppy eyes.
"Promise 'yan!" sagot niya sa akin, at sabay tinaas niya 'yung right hand niya as a sign of promise.
"O nga pala, gusto mo bang brownies?" pag-aalok na sabi niya sa akin. Inabot niya 'yung container na may laman na brownies.
"O sige! Maraming Salamat!" sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng brownies na galing sa container at tinikman ko iyon.
"Sarap ng brownies!" papuri na sa sabi ko.
"Talaga? Homemade brownies 'yan na gawa ng ate ko." pagmamayabang na sabi niya sa akin.
"May ate ka pala." sabi ko sa kanya.
"Oo, bakit?" pagtatakang tanong niya at bigla rin siyang nahiya sa akin.
"Wala lang, bigla akong na-curious tungkol sa iyo." sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa langit at napakaganda ang itsura ng mga ito.
"Ah okay, sige, magbibigay akong fun fact about sa akin. Ano game?" diretsong sabi niya. Mukhang excited siya magkwento. Kakaiba talaga yung pagkatao niya paiba-iba.
"Sige, game ako! Ano naman ang sasabihin mo?" diretsong sabi ko.
"Alam mo ba? Wala akong hilig sa fairy tales bukod lang sa isang storya." sabi niya.
"Hindi nga! Eh, anong storya naman 'yun?" tanong ko.
"Peter Pan!" sagot niya. Binato niya ako ng isang ngiti, at bigla akong natunaw sa ngiti niya dahil mukhang nakakasilaw na.
"Peter Pan? Bakit mo nagustahan ang story na 'yun?" tanong ko sa kanya kung bakit niya nagustuhan niya sa dami-dami ng fairy tales sa libro.
"Dahil adventurous si Peter Pan, walang siyang problema na parang go with the flow lang siya. Hindi siya tumatanda at matapang din siya dahil kaya niya kalabanin si Captain Hook. Saka, gustong-gusto ko kasi ang word na forever. " seryosong pagdadahilan niya.
"Ayaw mong tumanda, 'no? Bakit mo naman nasabi ang mga iyan?" pagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa mga dahilan niyang masyado na seryoso ang usapan namin.
"Oo, totoo 'yun dahil natatakot ako sa magiging kapalaran ko paglaki. Gusto ko maging immortal, 'yung forever sa totoong buhay ay hindi matutupad. Pihado, may mawawala sa atin na hindi maasahan." seryosong sabi niya at sobrang lungkot na ang kanyang mukha.
"Grabe naman ang naisip mo! Huwag mo munang isipin 'yun, i-enjoy mo muna ang buhay mo dahil hindi natin malalaman ang unexpected things. Malay mo, may maganda na may mangyari sa buhay mo at sa susunod na panahon." pagpapaliwanag ko sa kanya dahil mukhang problemado talaga siya sa kapalaran.
"Maraming Salamat sa advice, I will consider it. Ikaw, anong fairy tale ang gusto mo?" sabi niya sa akin. Biglaang iniba na niya ang usapan. Mukhang hindi na siya komportable sa usapan namin kanina.
"Beauty and the Beast, may natutunan kasi ako na huwag tayong manghusga ng tao sa anyo. Dapat isama ang kalooban na kung sino talaga sila, kung ikakabuti ba ito o hindi." sagot ko sa kanyang tanong.
"Maganda rin ang storyang iyon. Pero ayoko, nakakabakla!" sabi niya sa akin at sinimula na niya akong asarin. Bigla na rin siyang tumatawa dahil sa itsura ko.
"Ang sama mo talaga!" sabi ko sa kanya. Tuwang-tuwa talaga siya kapag pinagtitripan niya ako. Tumawa na lang siya parang wala na ang bukas at napahawak na siya sa kanyang tiyan.
Nagpapatuloy pa rin kami mag-usap at nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay tungkol sa aming dalawa. Bigla may sinabi si Zean sa akin tungkol sa brownies.
"Alam mo ba 'yang brownies na bigay ko, para sa magiging kakilala ko ngayon?" paliwanag na sabi niya sa akin at seryoso na naman ang kanyang maamong mukha.
"Wow! Talaga? Thank you!" Tuwang sabi ko sa kanya
"Oo, mabuti nga nakilala kita dahil 'pag nalaman ng Ate ko na wala akong nakilalang bagong kaibigan ngayon. Babatukan niya ako o ihagis na lang ako sa buwan. Maraming salamat sa iyo na nakilala kita!" paliwanag niya sa akin at biglang nagpasalamat siya sa akin. Ngumiti ulit siya na mala-anghel na ngiti.
"Adik ka rin, 'no?" sabi ko sa kanya at eto na yata pinakamagandang araw ko sa buong buhay ko, dahil masaya siyang maging kasama. Sana hindi ito mawala sa susunod na panahon.
"Sorry, brutal kasi talaga siya." tumawa na lang siya at humingi ng sorry sa akin. Pinagpatuloy na lang niya i-kwento tungkol sa ate niya at sa iba pang bagay.
Nagpatuloy pa rin ang aming magagandang usapan at samahan namin ng mga ilang segundo, oras, araw at taon.
2 years later
Sa taon na ito, karamihan sa mga kaklase namin ay napapagkamalang kami ni Zean o mayroong nararamdaman kakaiba sa isa't isa. Pero tinatanggi lang namin ang tungkol doon, dahil kaibigan lang talaga ang turing namin sa isa't isa.
Dito ko na-realize sa taon na ito na may kakaiba na pala akong feelings kay Zean. Hindi ko pa masabi na in love na in love ako sa kanya, pero gustong-gusto ko na siyang makasama palagi. Ang mahirap sa sitwasyon sa akin ay walang lalalim ang pagtingin niya sa akin.
Gusto ko sanang umamin sa kanya tungkol sa kakaiba kong nararamdaman, pagkatapos ng graduation ceremony namin para maayos ko na rin 'to. Nang natapos na ang graduation ceremony, bigla na lang nagpicturan kami ng aking magulang, at pati na ang mga kaklase ko. Pagkatapos gawin namin 'yun ay bigla kong hinanap si Zean para magtapat sa kanya tungkol sa feelings ko. Nang nakita ko siya ay bigla ko na lang siyang tinawag.
"Zean!" tawag ko sa kanya at biglang lumingon si Zean at lumapit siya sa akin.
"Bakit?" pagtatakang tanong niya sa akin habang kinakamot niya ang kanyang ulo.
"Promise me, hindi tayo magkakahiwalay sa isa't isa." seryosong sabi ko sa kanya.
"Siyempre! Hindi tayo maghihiwalay kasi ikaw si Tinker Bell na laging kasama ni Peter Pan, hindi ba?" masiglang sabi niya sabay ngumiti siya sa akin.
"Ah, oo. Pero promise mo 'yan ha! Promise?" paninigurong tanong ko sa kanya. Dahil may nararamdaman na kasi akong kaba na hindi ko alam kung bakit, parang may mangyayaring hindi maganda sa aming dalawa.
"Oo! Promise!" sabi niya sa akin tapos nag-pinky swear kami sa isa't isa. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti na halos matunaw ako sa tingin niya.
Bigla na lang akong tumahimik, at napag-isipan ko na lang na huwag umamin tungkol sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Natatakot kasi ako na baka lumayo siya sa akin.
Na-realize ko sa bandang huli na...
BESTFRIENDZONED NIYA AKO.
Saka, ito na ang huling ngiti na nakita ko sa kanya.
Pagkatapos nito ay hindi na kami nag-usap ulit. Nasira niya ang pangakong ibinigay niya sa akin.
-------
Feel ko may wrong grammars pa rin dito pasensya na basta I will try my best na i-edit ko na lang ang mali. Pati na rin wrong spelling T^T
May butas din ang plot line na ito sana patawarin niyo ako at yun sa fairy tales dito base siya sa book/ original story hindi galing sa disney na fairy tales may pagkaiba ang plot kasi nun iba pero may similar naman sa iba basta ayun magulo.
- Flashback din ang chapter na ito :D
bali sa 2 years later ay nangyari 4 years ago sa mismong present time na tinutukoy sa next chapter
Sorry and Thank You!
-colourfuldayz