KENNETH MARK FUENTABELLA "THE...

Por MGDeLeon9

750K 14.2K 228

Love Romance Más

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
FINALE

CHAPTER 4

33.9K 692 10
Por MGDeLeon9



TAGAYTAY, PHILIPPINES....
Dito matatagpuan ang sanctuaryo ng mga magkakaibigan, at ito ay matatagpuan sa gitna ng malawak na gubat, dahil sa sipag, pera at kagustuhan nilang magkakaibigan na magtayo ng sarili nilang resort sa loob ng gubat ay binili nila ang maluwang na lupaing iyon at ginawa nilang napakagandang resort na sila lang ang nakakaalam at gumawa rin sila roon ng kanilang mga bahay para may matirhan sila doon at para naring magkaroon sila ng privacy sa mga tao lalo na sa mga babae kapag iniiwasan na nila ang mga ito, pero mas madalas na andoon sila dahil sa mga problema at gusto nila ng katahimikan para makapag-isip sila ng tama. At dito rin sa lugar na ito nabuo ang kanilang pagkakaibigan sampong taon na ang nakakaraan, at itoy dahil sa isang pangyayari kung bakit sila naging matatalik na magkakaibigan o mas higit pa doon.

"THE RCKADZ BOYS RESORT" ito ang pangalan ng kanilang hideout/resort, nabuo ang pangalang RCKADZ BOYS dahil sa mga pinagsama-samang unang titik ng pangalan nila. Sa lugar ding ito may sumpaan ang mga magkakaibigan na sila lang ang nakakalam, at dito rin sila nagsamasama isa sa isang linggo.

Pagkapasok palang ng sasakyan ni RE at mga kaibigan nito ay nakita na nila ang sasakyan ni KM na nakaparada sa isang sulok ng resort.

"So, I'm right." sa isip ni RE habang pinaparada nito ang sasakyan.

"Mga pare tama ako no, andito nga si Fuentabella." pahayg ni RE sa mga kaibigan nito na nagsidatingan narin.

"Ok, lets go." sang-ayon naman ng mga ito ng....

"Umpisahan na ang inuman." yaya ni RE sa mga kaaibigan ng makapasok na sila.

"Sige tayo na!!!! Inuman to the max na naman to." saad ni ZC na kinabigla ng lahat dahil alam nila na si ZC ang pinakamatahimik sa lahat at hindi mahilig sa babae kung baga siya ang pinakaseryuso sa lahat at may matinong pag-iisip.

Pagkapasok nila sa loob ay nakita nila doon si KM na umiinum mag-isa at sa tingin nila ay kanina pa ito lasing sa dami ng boteng nasa harap nya.

"Fuentabella, pupunta ka pala dito di mo kami tinawag para malasing din kami." biro CK dito sabay upo sa harap ni KM.

"Oo nga, inuman to the max tayo ngayon para masarap matulog mamaya..... di ba pare?" sagot naman ni ZC sa sinabi ni CK...... "Basta sa ngayon..... huwag na nating isipin ang problema?" hirit pa ni ZC na kinatahimik na ng ibang mga kaibigan nila....... "Hayaan nating ang mga problema ang magsawa sa atin mga pare." pahayag uli ni ZC na siyang pag-angat ng ulo ni KM at.....

"De Luna, mhay problema kharin bha ngayon?" tanong ni KM na halatang lasing na.

Hindi na umimik si ZC sa tanong ni KM bagkus ay kumuha narin ito ng baso nito at nagsalin ng alak nito.

"Pare, ang shakit shakit, dhi ko matanggap nha...... nha ang babaeng minahal kho ng higit sa buhay ko...... ay iiwan ako sha mishmong araw ng kashal namin." pahayag uli ni KM na di mo mawari kung iiyak o nagpapakatatag lang, o lasing lang talaga.

"Pare, kaya mo yan, sa una lang yan siguro masakit." di siguradong pahayag naman ni AV na bagong dating lang din.

"Pare, you have to move on, she's not worth it for you, and I told you, hindi mo pa oras para iwan ang pagkabachelor mo... di ba mga pare?" pagpapalakas naman ni RE kay KM at sabay tanong sa mga iba pang kaibigan nila.

"Ano ba.... ano ba nagawa kong mali sha kanya, I just love her with all my heart, nagpakatino ako para sha kanya, but how can she did this to me?" bulalas ni KM sa mga ito at..... "God knows Pare..... hindi ako hadlang sha mga pangarap nya, if she want to be a top model in a whole whole world I can help her, at susupurtahan ko shya.... why pare... Why?" tanong nito sa mga kaibigan nito sabay tungga ng laman ng bote ng alak.

"Fuentabella, just try to forget her, I told you just now..... she's not worth it na iyakan mo." payo ni RE dito.

"Tama, kaya humanda na naman ako..... kasi my kaagaw pa pala ako sa mga babae ngayon." sabad naman ni CK sa usapan nila na kinangiti naman ni KM.....

"Lets party!!!!" sigaw nalang ni KM sa mga kaibigan nito at...... "Lets drink!!!!"

"Yes! Cheeeerrrsssss!!!!" sigaw nilang lahat at silay nag-inuman na.

Nag inuman nga silang lahat at nagpakalasing para supurtahan at echer-up nila ang kaibigan nilang si KM.

TWO YEARS LATERS!!!
Quezon City, ang lugar kung saan lumaki si Zairine Santos kasama ang mga magulang at kapatid niyang si Aldren. Ang papa niya naman ay isang Brgy. Captain sa nasabing lugar samantalang ang mama niya ay isang dakilang may bahay at si Aldren ay nag-aaral palang at nasa unang taon ng Engenering.

"Mama, mano po." pagbibgay galang ni Zai sa ina.

"Ang aga naman ng uwi mo anak? Wala ba yong boss mo o may sakit ka?" nag-alalang tanong ng kanyang mama.

"Di po Ma." sagot nito sa ina.

"Bakit andito ka na? Dapat mamaya pa ang uwi mo ah?" mga tanong ng ina nito.

"Ma... sino po ba kasi ang gustong magtrabaho sa isang boss na manyakis." irita at galit na pahayag nito sa ina.

"Manyakis!?" gulat na ulit ng ina ni Zai.... "A-Anong ibig mong sabihin anak?" nag-aalalang tanong nito kay Zai sabay lapit kay Zai.

"Ang bastos po kasi Ma, sukat akalain nyo po na hipuan niya ako sa pwet, tapos ngingitan pa po ako ng may pagkamahalay." pagsusumbong ni Zai sa ina.

"Ginawa iyon ng boss mo!?"

"Opo."

"So, anong ginawa mo? Nakatikim ba sa iyo ng hindi niya malilimutan?"

"Oo naman po Ma,.... Ayon po nanghiram siya ng mukha ng aso..... nagkamali siya ng binangga.... magaling po yata ito sa karate." matapang na sagot ni Zai sa ina.

"Mabuti naman kung ganun anak..... para magtanda siya." wika pa ng mama nito at.... "Hindi porket Boss siya magagawa niya ang lahat sa mga empleyado niya...... kapag ako ang binastos niya..... talagang pupulbusin ko ang mukha niya." hirit pa ng mama nito.

"Ma, ok na po kaya..... relax na po kayo." magpapakalma naman ni Zai sa ina.

"Eh di.... hindi ka pa papasok ngayon?"

"Opo, pero sa MGS palang po muna ako,Ma." sagot naman nito sa ina.

Dahil naman sa kaibigan ni Zai na si MG ay natuto siya ng self defence para daw maipagtagol niya ang kanyang sarili dahil narin sa angkin nitong kagandahan. MG Santillan her best friend since six years ago, pero nasa ibang bansa ito ngayon at nag aaral, at sa kanya pinagkatiwala ang business nitong MGS JUDO/KARATE SCHOOL, na may dalawang sangay na sa Manila isa sa Makati at isa sa Alabang.

"Hindi parin ako mapalagay dyan sa Boss mo Zai...... Lika anak samahan mo ako at ako ang kakausap sa manyakis na iyan." nanggigigil pang wika ng mama nito.

"Ma, ok na po, di na po iyon makakaulit sakin kasi po nagresign na po ako satrabaho ko." awat ni Zai sa ina.

"Tama anak, dapat lang na magresign ka sa trabahong yan kapag ganyan ang boss mo, baka mapahamak ka pa. Sige na pasok ka na sa loob at ng makapagpahinga ka muna." saad ni Aling Irene sa anak.

"Ma, may bago po ba tayong dyaryo?" tanong ni Zai sa ina.... "Iyong Manila Bulletin po?"

"Andyan sa mesa anak." sagot ni Aling Irene sa anak.

"Sige po ma." sagot ni Zai sa ina nito at pumasok na sa bahay nila.

Pagkapasok ni Zai sa bahay nila ay agad nitong binuklat ang diyaryo sa pahina kung saan siya pwedeng maghanap ng trabaho. At may nakita siyang dalawang kompanya na pwede niyang applayan kinabukasan, nasa Makati pareho kaya hindi na ito mahihirapan kung sakling dumaan pa ito sa MGS.

Habang abala si Zai sa kanyang ginagawa ay....

"Ate, binastos ka daw ng boss mo?" tanong agad ni Aldren sa ate nito ng makapasok na ito bahay nila.

"Oo, kaya ito na naman ang maganda mong ate..... classified ads na naman ang nasa harapan." sagot ni Zai sa kapatid.

"Dapat ate pinatikman mo ang Boss mo na iyon para magtanda at.... para malaman niya kung sino ang binabastos niya." saad pa ni Aldren kay Zai.

"Syempre naman..... ako pa ba ang magpapaagrabyado sa kanila." matapang na sagot naman ni Zai sa kapatid.

"Oo naman ate..... Ikaw ata ang Amazona dito sa lugar natin..... takot lang niya."

"Ha!? A-Ano kamo Aldren? Amazona? Sino?" nagtatakang tanong ni Zai sa kapatid na pakamot-kamot sa ulo nito.

"Eh- Eh kasi ate....... kinatatakutan ka nila sa labasan eh kasi daw..... kasi daw ang tapang mo."

"Kaya...."

"Kaya tinawag ka nilang.... Amazona ate." pagbibigay-alam ni Aldren at.... "Pero..... Sweet Amazona naman daw te kasi.... maganda ka daw at mabait na anak." sabay bawi rin nito sa kapatid.

"Sweet Amazon ah." tanging nasabi ni Zai at tumayo na ito dala-dala ang dyaryo nito.

Kinabukasan, nagulat ang mga kasambahay ni Zai dahil sa nakikita nilang ayos nito.....

"Mama, may ibang tao po yatang nakapasok dito sa bahay?" tawag ni Aldren sa ina habang nakatingin sa ate nito.

"Oo nga mahal ko." sang-ayon naman ng papa nila at..... " Aldren tawagin mo na nga ang ate mo at kakain na at mag-aaply daw siya sa Makati ngayon." sang-ayon at utos ni Mang Jack na ama ni Zai.

"Pa! bunso! ano ba kayo, ako ito! ang maganda ninyong anak na si Zairine." pagtatama ni Zai sa kapatid at ama nito at sabay tuto sa sarili.

"Ate!?" alanganing tanong ni Aldren dito.

"Oo ako to." sagot ni Zai kay Aldren na lumapit na ito sa kanya at sabay titig sa mukha nito ng..... "Aldren! kapag hindi ka pa tumigil diyan..... mamakakatikim ka sa akin." banta ni Zai sa kapatid na nakatayo parin sa harapan nito.... "Isa! Dalawa! Tat......"

"Oo na ate naniniwala na ako na.... na ikaw ang ate ko." sagot naman agad ni Aldren dito at sabay tingin sa ina nila na papalapit sa kanilang dalawa.

"Anak ano yang suot mo?" tanong ng ina nya ng makalapit sa kanila..... "Para ka namang bumalik sa pagkadalaga ng lola mo niyan." dagdag pa ng ina nito na siyang kinahagalpak ng tawa ni Aldren na siyang baling ni Zai dito at....

"Sorry po!" malumanay na paumanhin ni Aldren kay Zai sabay lakad nito palapit sa mesa kung saan sila kakaing mag-anak.

"Ma, tama lang ito para hindi po ako mabastos ng susunod na maging boss ko." pahayag ni Zai sa ina at..... "At ano po bang masama sa suot ko, ok naman itong malaki kong salamin sa mata, long sleeve at mahabang palda, at tamang-tama lang po na ipusod ko itong mahaba kung buhok Ma kasi po mainit ngayon...... asin subrang init po." dagdag na paliwanag ni Zai sa ina.

"Oo naman ate, mainit ang panhon ngayon pero...... ang sagwa naman kasi ng suot mo." pahayag ni Aldren habang kumakain na ito kasama ng ama nila at..... "At kung ako lang ang may-ari ng kompanyang pag-aaplyan mo ate....hinding-hindi kita tatanggapin." dagdag pa ni Aldren dito kaya....

"Buti nalang at hindi ka naging mayaman Bunso kundi kawawa ang mga katulad ko sa iyo." sagot naman ni Zai sa kapatid na siyang kinangiti ni Aldren.

"Oh, siya siya may punto karin diyan sana nga lang matanggap ka sa aaplyayan mo." sansala ng ina sa usapan nilang magkapatid..

"Hehehehe...... sana nga po matanggap po ako sa aaplyan ko lalo na sa kompanya ng mahal ko!!!!!! humanda ka na My Prince Kenneth Mark Fuentabella here I come now..... Ako ang magiging prinsisa ng buhay mo ngayon, kahit suplado ka paaamuin kita.......... hehehehehhe!!!" sigaw ng utak ni Zai.

Pagkakain ni Zai ay agad na itong nagpaalam sa mga magulang nito.....

Bago pumunta sa Makati si Zai para sa aaplayan niyang trabaho ay dumaan muna ito sa MGS JUDO/KARATE SCHOOL na malapit sa bahay nila na siyang pinakamain ng Judo school at balak niya ring isunod ang branch nila sa Makati dahil maaga pa. Para makita niya rin ang mga dapat asikasuhin sa MGS dahil malapit ng uuwi ang best friend niya, na siyang may-ari ng judo school.

Pagkatapos nitong malaman ang mga bagay-bagay na dapat na gawin sa MGS ay nagpasya na itong pumunta sa isang kumpanya na aaplyan niya. Ang kumpanyang pinapangarap ng lahat na mapasukan at pangarap niya mula noong bata pa siya.... Ang makita ang nag-iisang anak ng mag-asawang Fuentabella.

"Here I come......FMCorp.........!" tili ng isip ni Zai pagtapat na pagtapat nito sa FMCorp building..... "Ang tayog naman ng building na ito." sa isip pa nito habang natingin sa kabuuan ng gusali..... "Kala ko.... hindi na kita mapapasok at.... at hanggang sa tingin nalang ako sa mga magazine, tv or sa malayo." dagdag pa ng isip nito..... "This is it!" bulong panito sabay ng pagbuntong-hininga nito at pumasok na ito sa loob ng gusali.

Pagkapasok ni Zai sa loob ay......

"Sa wakas makikita ko narin ng personal ang long long time love ko na si Knneth Mark Fuentabella." excited na wika nya sa sarili sabay tingin sa relo nito ng..... "Oh....my.... My late na ako." agad na bulalas nito ng makita nitong 15 mins nalang at wala ng allowed na papasok sa interview sa trabahong papasukan nito.

Para makaabot ni Zai sa kanilang interview, hindi nito alintana kung anong hitsura nito sa pagpasok sa ng gusali..... ng makita nitong papasara na ang isang lift papataas ng......

"WAIT!!!!" piping sigaw nito ng hindi niya namalayan na may makakasalubong siya, at huli na ng mapansin niya ito, kaya nagkabungguan na sila at sabay silang bumagsak sa semento at lahat ng hawak niya ay tumilapon kung saan-saan kasama ng salamin nito sa mata, kaya lantad ang mapupungay niyang mata.

"Thank's God! I'm safe." sa isip nito ng maramdaman niyang hindi siya gaano nasaktan.... pero bigla rin itong natauhan ng maramdaman nito na may gumalaw sa may labi nito at ganun nalang ang gulat nito at paglaki ng mata nito ng mapagtanto nya na magkahinang ang mga labi nila ng taong nakabangga nito at dahil sa gulat niya ay sinampal niya ito at itinulak.

"Pak! bastos!" sampal ni Zai sa lalaki.

Dahil din sa sampal na natamo ng lalaki galing kay Zai ay bigla niya itong hinawakan sa batok atwalang anu-ano ay hinalikan niya uli ang babae at sabay tayo at.....

"We're even." wika nito kay Zai at umalis.

Dahil sa sa ginawa ng lalaki ay natulala si Zai ng.....

"Miss are you ok?" tanong ng isang lalaki na tumulong s kanya na siyang nagpabalik ng diwa ni Zai at....

"Y-Yes, thank you." sagot ni Zai dito ng maalala nito kung anong sinabi ng lalaking humalik sa kanya.

"Ano!? EVEN!? Saan banda?" galit na tanong ni Zai sa sarili.

Pagkatayo at pagkaayos ni Zai sa sarili nito ay mas lalong tumindi ang inis nito sa lalaki ng makita nitong pinagtitinginan siya ng mga tao na naroon sa lobby at madami silang mga sinasabi na hindi nya maintindihan.

"Grrrrrr..... Walang hiya kang lalaki ka kapag magkita pa tayong muli ipapatikim ko sayo ang flying kick ko... nakuha mo pa ngayon ang first kiss ko huhuhu gusto ko si papa Kenneth Mark ko ang magiging 1st kiss ko hindi ikaw!" sigaw ng isip ni Zai sa lalaking wala na sa harapan niya.

"Bastos! Even! Even!?" bulong nito ng bigla itong natigilan....

"WOWOW!!! late na ako." tanging nasabi nito at dalii-dali na itong pumunta sa may bukana ng lift.

Habang nasa loob ito ng lift ay hindi niya namalayan na hawak hawak nito ang kanyang labi at....

"Pero infairness ang lambot ng labi nya, ganun pala ang lasa ng halik?" tanong ng isip ni Zai sabay takip sa mga labi nya ng maalala nito na hindi siya nag-iisa sa loob ng lift.

Seguir leyendo

También te gustarán

1.1M 24.1K 22
The Billionaire's Group Series - Batch I - 2 Its started with a teasing game. I never thought that I will love her, my sister's bubbly bestfriend...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
50.3K 899 15
Fear of trusting people due to past bad experience with relationships gone bad
82.9K 2.9K 12
"BESTSELLER" From the walk-in closet Robb turned to her and saw her in a short towel. Ayaw niya nang mahiya, napapagod na siya. "Dito ka rin ba matut...