His Woeful Stare | Sixth of A...

By NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... More

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XII
Stare XIII
Stare XIV
Stare XV
Stare XVI
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVI
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXIX
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare I

15.3K 600 276
By NeifileTheDreamer

Rescue the weak and needy; Deliver them out of the hand of the wicked.
~Psalm 82:4

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Unang Kabanata

DUMAMPI sa aking mukha ang malamig na hangin pagtapak ko pa lamang sa lugar na ito. Alam kong nandito kayo, Mama at Papa.

Nandito kami ngayon sa sementeryo upang bisitahin sila. Ramdam ko ang kanilang yakap mula sa himpapawid, kahit na wala na sila ay alam kong binabantayan pa rin nila kami mula sa itaas.

'Ilang buwan na rin pala ang nakalipas magmula noong iniwan ninyo kami...'

Pinagmasdan ko ang silver heart pendant nanakasabit sa aking leeg. Nakalagay dito ang kahuli-hulihang family picturenamin. Ang saya saya pa naming apat dito, walang iniindang problema, at higitsa lahat kumpleto pa kami. 

Ito na lamang kasi ang natitirang alaala ng aking mga magulang magmula noong iwanan nila kami, tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas. Sariwa pa sa aking isipan ang mga huling sandali na kapiling ko sila.

Namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Pauwi na sana sila galing sa kanilang trabaho. Valentine's Day noon, wedding anniversary nila, malakas ang buhos ng ulan subalit sinuong nila iyon upang makasama nila kami sa hapunan. 

Sumalpok ang sinasakyan nila sa isang malaking truck na nawalan ng preno. Isinugod agad sa ospital ang mga magulang ko subalit huli na ang lahat. Pagdating sa ospital ay wala na silang buhay.

Napapikit ako, at hinayaan ko nalang na umagos ang aking mga luha sa aking pisngi. Ang sakit. Sobrang sakit pa rin, hindi ko pa rin kasi tanggap na wala na sila. 'Ni hindi ko man lang nasuklian ang mga sakripsiyo nila sa akin.

Sariwa pa sa aking alaala ang huli naming pag-uusap ng aking magulang. At sa tuwing naaalala ko ito, hindi ko maiwasan na malungkot dahil wala man lang akong nagawa...

"Bal, tahan na. Sige ka lagot ka kina Mama at Papa. Ayaw nila tayong nakikitang umiiyak 'di ba?" pagpapatahan sa akin ni Stair, my fraternal twin, sabay yakap sa akin. Siya na lamang ang natitira kong kasama sa buhay.

Hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pagtulo. Niyakap ako ni Stair. Sa aming dalawa siya ang pinakamatibay kahit na iniwan na kami ng aming mga magulang ay nanatili siyang matatag para sa akin.

Isang beses pa lamang siya umiiyak noong namatay ang aming mga magulang. Kung wala ang kambal kong ito hindi ko na alam ang aking gagawin. Siguro baka kapiling ko na rin ang aking mga magulang.

"Huwag ka nang umiyak. Miss ko na rin sila. Kaya lang wala na tayong magagawa. Punasan mo na 'yang luha mo. Pumapanget ka lalo."

Binatukan ko siya. Bwisit 'to! Ang galing talagang mag-comfort nitong si Bal. May kasamang pang-aasar eh. Dahil tuloy sa ginawa n'ya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Che! Bwisit ka! Kung panget ako, panget ka rin! Tandaan mo kambal tayo!" Inis na sagot ko sabay bunot ng damo at binato ko sa kaniya. Napatawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"Eto naman 'di mabiro. Pinapatawa lang kita." Saad niya at niyakap niya ulit ako. Swerte ko rin sa mokong na 'to. Kahit mapang-asar at maloko ang ugali niya hindi naman niya ako hinahayaang maging malungkot.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang sa tumahan at mawala na ang aking luha. Nagkuwentuhan pa kami ni Bal sa harapan ng puntod ng aming mga magulang.

Mabuti na lang talaga at mayroon pa akong katuwang sa buhay. Lumipas ang oras at tumayo na si Bal sa kaniyang pagkakaupo. Kailangan na rin naming umalis dahil umiinit na.

"Magpaalam ka na kila Papa, mayroon pa tayong pupuntahan," sambit niya.

Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan na may gagawin pa pala kami pagkatapos naming dumalaw sa kanila. Nawala na sa isip ko. Grade 11 na kami sa darating na pasukan. Ang sakit lang isipin na hindi na umabot ang mga magulang namin noong kami'y nag-Moving up.

Nagmartsa kami patungo sa entablado na wala ang nagtaguyod sa amin. Hindi man lang namin naipakita ang tagumpay na aming nakamit noong araw na iyon sa nagpursigi at nagsikap upang kami ay makapagtapos ng junior high school.

"Ma, Pa, dadalaw nalang ulit kami. Sa ngayon, aalis na muna kami ni Stair. Miss ko na kayo. See you soon. Joke. lang. Tutuparin ko pa ang pangarap ninyo sa amin ni Bal. Hanggang sa muli."

Pagkatapos naming mapaalam sa aming mga magulang ay umalis na rin kami ni Bal. Dumeretso kami sa bagong paaralan na aming papasukan.

Masaya naman kami sa dati naming pinapasukan at naisin man naming huwag umalis doon ay hindi pwede. Gusto kasi ni Tita Aliza na mabantayan kaming maayos na magkapatid. Kaya pinalipat niya kami sa paaralan na pinapasukan ng pinsan naming si Aera, anak ni tita.

Si Tita Aliza ang kapatid ni Mama na kumupkop sa amin noong nawala sila. Pinatira niya kami sa bahay ng aming lola na wala nang nakatira ilang taon na rin ang nakakaraan. Katabi lamang kasi nito ang kanilang bahay.

Mahirap pala talaga ang mawalan ng magulang. Hindi mo malaman ang iyong gagawin, walang mag aalaga at mag aasikaso sa iyo, at higit sa lahat ay ang dati mong kinagisnan at kinalakihan ay magbabagong lahat.

Kaso ganun talaga ang buhay, may dadating, mayroon namang mawawala. Mayroong nagbabago ngunit ang kailangan nalang gawin ay tanggapin kung ano man ang nangyari.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

ILANG sandali pa lamang ay nakarating na kami sa eskwelahan, ang West Wood Academy. Kung ikukumpara ito sa dati naming pinapasukan ay hindi hamak na mas doble ang laki nito.

Ang entrada nito ay isang malaking tarangkahang may arko na kung saan nakasulat ang pangalan ng eskwelahan. Mayroon ding mga bulaklak sa paligid ng gate. Napakagara ng disenyo ng paaralang ito.

Pagkaparada namin ng motor ay agad naming hinanap ang aming mga kaibigan. Dito rin kasi nag-aaral ang mga kababata namin nila Aera. Kami lamang talaga ng kambal ko ang nahiwalay sa kanila noong junior high school dahil kinakailangan naming lumipat dati sa kabilang bayan.

Pagkalipas ng sampung minuto ay nahanap na namin sila sa wakas. Ang laki-laki kasi ng paaralang ito. Hindi pa kami pamilyar.

Syempre pagkakita pa lamang namin sa kanila ay sinugod na kami nila Aera at Coast. Muntik pa akong matumba sa pagyapos nung dalawa. 'Yung mga lalaki naman na sila Keist at Axti tawa ng tawa para daw kasing tagal naming hindi nagkita kita. Inirapan lang nila ito.

"Oh, tama na 'yang yakapan ninyo. Mag enroll na tayo at magba-vlog pa tayo. Maikli ang araw," singit ng kaibigan naming si Axti at naglakad palayo. Sa aming barkada, siya ang maikli ang pasensiya at laging inis sa mudo. Sinundan na lamang kaagad namin siya dahil baka kung ano pa ang mangyari.

"May regla na naman po si Monster Axti," sabi ni Aera sabay irap. Kahit kelan panira talaga ng moment ang lalaking 'yun.

Hindi ko naman siya masisisi na pinapahalagahanlamang niya ang oras. Magpi-film pa kami ngayon para sa vlog namin. We are vloggers known as Sixth of Ace. Si Axti ang nakaisip kasi ang mga first or second name raw namin ay nagsisimula sa A. Oh 'di ba ang daming alam?

Napagkatuwaan lang namin na mag-vlog last year kasi bored kami. And habang tumatagal naging hobby na namin ito. Hindi pa kami gaanong kasikat subalit hindi naman ito ang habol namin.

We're not the typical vloggers that keep talking on the camera and telling what's happening in their life. Ang mga content namin ay more on social experiments, pranks and DIY's. Depende sa mood namin or napagbotohan ang gagawin namin na content.

Kagaya ngayon, social experiment ang gagawin namin. We will gonna talk to some strangers and we will suddenly ask them to go out on a date. Titingnan namin kung ano ang magiging reaction nila rito.

Mukhang walang kwentang content but para sa amin hindi. Titingnan namin ngayon kung mapupusok na ba talaga ang mga kabataan o mayroon pa ring ibang hindi easy to get. Sa ganitong paraan, nais naming ipaalam sa manunuod kung ano na ba talaga ang ugali ng mga kabataan ngayon.

Pumunta na kami sa Registrar Office para magpa-enroll. Dito na rin namin sa school uumpisahan ang social experiment. Naghiwa-hiwalay kaming anim para pumunta sa designated area na kukunin naming strand. Kami lang ni Aera ang magkasama since same kami ng strand na kukunin. The rest magkakaiba na.

Aera wants to become a vet someday kasi mahilig s'ya sa mga hayop so STEM ang kinuha nya. While Coast wants to be a chef so HE siya. Si Keist madalas may pinaglalaban sa buhay kaya naman nag HUMSS siya para maging successful lawyer.

Si Axti naman magaling magdrawing and he wants to pursue his dream to become an artist, so he chose Arts & Design. Samantala, ang aking magaling na kambal ay gustong maging hacker este programmer so nag-ICT ito.

Ako, dahil challenging at masarap pakinggan sa tenga kapag tinatawag kang STEM student, nag-STEM ako. Kidding.

Gusto ko kasing maging isang sikat na architect someday kahit 'di naman ako sanay magdrawing ng kahit ano by hand. But I'm good in editing and digital arts so I guess pwede na. Ewan ko ba sa kamay ko, ayaw sa lapis tapos gusto sa stylus.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

MABUTI nalang at maaga-aga kami at hindi mahaba ang pila, kaya agad kaming nakapag pa-enroll. After that, naghanap na kami ng maaring maging target. Sa isang tao, kailangan namin ng tatlong target. Ito kasi ang napagusapan namin.

Naging pahirapan ang paghahanap namin sapagkat dumadami na ang mga estudyante at nahirapan din kaming humanap ng spot na pagtataguan. Kinakailangan kasi na hindi makikita ng target ang camera kundi magpe-fail ang vlog namin na 'to.

Nang makahanap na kami ng maayos na spot, nauna na ang mga lalaki na isagawa ang social experiment.

Ang mga naging banat nila para mag-aya ng date ay sobrang gasgas na. Hindi ko alam kung matatawa o mandidiri ako sa mga pinagsasabi nila. Ang ko-corny kasi ng mga banat nila. May pa-flowers at chocolate pa silang nalalaman.

Si Keist sa itsura pa lang niya ay 'di na makatanggi ang mga babae na makipagdate sa kaniya. Kahit laos na laos na ang mga banat niya sa itsura nito dinadaan para mambola ng babae.

"Miss, kapag ako pinayagan mong makipag-date, susungkitin ko ang mga bituin para lamang sa iyo. Sisisirin ko ang dagat mapatunayan lamang kung gaano kalalim ang pagkahumaling ko sa iyo."

Pagkatapos itong sabihin ni Keist ay kumindat siya. Para namang bulateng sinabuyan ng asin ang babae dahil kilig.

Iba talaga ang kamandag ng isang Keister Amadeus Yakama. Biruin mo ba naman, sa tatlong target nya, dalawa rito ay naaya niyang makipagdate.

Ibang klase na talaga ang ilan sa mga kababaihan ngayon, sa itsura na lamang sila bumabase. Pero hindi lahat ng babae ay ganun, kagaya ko.

Si Axti naman dinaan sa kanta ang pag-aaya ng date. May kasama pang gitara. Halatang pinaghandaan niya itong social experiment namin. Kaya pala siya nagmamadali na kaninang mag-vlog.

♬♪ Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba ♬♪

"So, miss payag ka nang makipagdate sa akin?" Mukhang mapapapayag na n'ya ito sa ganda ng kaniyang boses kaso pagkatapos niyang kantahan ang babae, imbis na kiligin ay natatakot pa ang mga ito. 'Yung kilay kasi ni Axti may hiwa, mukha tuloy siyang adik. Isa lang ang napapayag nito.

Nang si Bal na ang sumunod, parang gusto ko na siyang ikahiya bilang kapatid. Para siyang sinaniban ng sinaunang tao. May patula-tula pang nalalaman.

"Binibini, maaari ba tayong lumabas?
Ang ganda mo ay walang katumbas.
Kahit ang damit mo ay kupas kupas.
At ang maong mo'y butas butas."

Hindi ko alam kung nilalait ba niya 'yung babae o ano. Ayan tuloy nasampal siya. Puro kasi kalokohan. Sa aming anim, siya lang ang hindi masyadong sineseryoso ang pagba-vlog namin. Nang umulan ata ng kalokohan, nagswimming pa ata sa baha ang kambal ko na 'yan.

Sa siyam na target ng mga lalaki, anim sa kanila ang pihikan pa rin at hindi basta makikipagdate sa 'di nila kilala. Mas napatunayan namin dito na madami pa ring mga babae ang hindi easy to get. Pero mayroon pa ring mangilan ngilan na mapupusok.

Pagkaraan pa ng ilang sandali ay kami naman nila Aera at Coast ang gumawa ng social experiment. Mas mahirap ang parte namin sapagkat baka isipin ng lalaki na babae na ang nagpe-first move ngayon.

At ang pinakanakakatakot sa lahat ay baka mabastos din kami nila. Pero nandiyan naman sila Bal kaya nabawasan din ang pag aalala ko.

Bago magsimula, nag-rock, paper, scissors kaming talo kung sino ang mauuna. Si Coast ang mauuna kasi siya ang natalo, sumunod si Aera at huli ako.

Nakahanap agad si Coast ng target. Isang matangkad, matipuno at maputing lalaki. Animo'y basketball player siya sa taglay nitong tangkad. Gaya nila Keist, may binigay na chocolate si Coast sa kaniyang mga target.

"Kuya, kapre ka ba?"

"Nilalait mo ba ako?!" sagot ng lalaki. Mukhang mali ata ang banat ni Coast kasi napataas niya ang boses ng lalaki.

"Kasi gusto kitang makapre-ling sa buong buhay ko. Ayiehhh." Pagkasabi nito ni Coast bigla siyang nagmake face. 'Yung tipong para siyang sinaniban ng masamang espiritu sa kilig. Iba rin 'tong si Coast kinikilig sa sarili niyang banat.

"Tigil tigilan mo ako Miss. May girlfriend na ako."

Napatikom na lang si Coast at humingi ng paumanhin. Failed ang una nitang try. Sa dalawa niyang sumunod na target ay naging okay na.

Hindi pa rin nawala ang masamang espiritu ng kilig tuwing bumabanat siya. Mas lalo pa nga itong lumala. Ewan ko ba kay Coast sobrang sabog niya ngayon. Hindi ata nakainom ng gamot. Para tuloy siyang takas sa mental.

Ang isa sa tatlo nitong target ay pumayag at halatang playboy ito. 'Yung dalawa naman may girlfriend kaya hindi pumayag.

Nang si Aera na ay wala siyang binigay na kahit ano. Dinaan nya sa pagsasalita. 'Yung tipong nang aakit. Hindi ko alam na may ganito palang side ang pinsan ko.

"Hey babe. Are you free tomorrow?"

"Yes, why miss beautiful." Nako. Mukhang playboy ata ang napili niya.

"Let's hang out. You know, para naman makilala natin ng lubusan ang isa't isa."

Pagkasabi nito ni Aera, nag-lip bite siya at para bang sine-seduce ang lalaki. Parang ibang Aera ata ito.

"Sure, Miss Beautiful. Magiging masaya 'to."

"See you tomorrow, Babe." Sabay kindat ni Aera sa lalaki.

Naglandas ang hintuturo ni Aera sa ilong ng lalaki, pababa sa labi nito at hanggang makarating sa dibdib nito. Bago umalis ay nag-flying kiss pa ito.

Sa galing ng pang-aakit ni Aera, dalawa ang napapayag niya. Ang isa kasi mukhang good boy at allergic ata sa babae.

So far, so good naman ang aming social experiment at wala pang nagiging problema. Pagkatapos ni Aera, sumunod na ako. Mayroon akong dalang keychain at bibigay ko ito sa yayayain ko.

Nakahanap agad ako ng target. Ang una ay hindi ako pinansin at parang hangin lang ako sa kanya. 'Yung sumunod naman napakadaldal. At napapayag ko siya. Easy to get. Psh.

Sa pangatlo, namili ako ng medyo ng lalaki na sa tingin ko ay mahihirapan akong mapapayag. Ilang sandali pa ang may nahanap na ako.

Nakisama pa ata sa trip ko 'yung mga binata malapit sa amin. Mukhang mga nagpa-practice ito ng kanta. It's a love song at dumagdag sa romantic atmosphere ng lugar.

"Hi." Saad ko at nginitian ko ang lalaki.

Kala ko nung una ay hindi sya papayag pero mali ako. Hindi ko pa naibibigay 'yung keychain at 'di ko pa din sya naaayang makipagdate pero hindi ko na feel 'yung atmosphere.

Pinapatagal niya ang usapan namin at medyo hindi na ako nagiging komportable. Mukhang mali ata ang napili ko at mapapasabak kami sa gulo.

"Alam mo, kahit 'di ka kagandahan, maganda naman ang korte ng katawan mo at ang kinis din ng balat mo. Kaya pwedeng pwede na," sabi nito at hinawakan ang pisngi ko at tinitigan ang labi ko.

Gusto kong sapakin sya pero hindi ko magawa. Para akong naestatwa. Asan na ba 'yung mga kasama ko? Hindi na maganda ang kutob ko rito.

Akma niyang hahawakan ang dibdib ko ng biglang may humigit sa akin. I thought it was Stair but not. Isang lalaking matangkad, may makapal na salamin, naka blue hoodie jacket, black tight shorts and white sneakers.

"Mister Cinco, according to the school handbook, Student Code and Conduct section, there's no one can scurrility and blasphemy women. Those who will caught in act doing this will be punished. Understand?! Now leave!"

Kumaripas ng takbo 'yung 'Mr. Cinco' at napatingin naman ang mga tao sa paligid namin sa sigaw ng lalaking nagtanggol sa akin. Napatingin ako sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha niya.

Mababakas sa kaniya ang mga sariwang sugat. Hindi ko mawari kung saan ito nanggaling. Nabaling ang aking tingin sa kaniyang mga mata.

Nang magtama ang aming paningin, tila may kuryenteng dumadaloy sa pagitan namin. Mayroong kakaiba sa kulay abo niyang mga mata.

Hindi ko mawari kung ano ito. Nang bitawan niya ang aking kamay tsaka lang ako napaiwas ng tingin.

"Ahhmmm... Salamat Mister."

"Tss. Next time 'wag ka basta bastang makikipagusap sa hindi mo kakilala. Not everytime there's a person that's willing to help you," malamig niyang sambit.

Napakamot ako ng ulo at biglang nahiya. Napakalamig naman ng pakikitungo niya sa akin. Dinaig pa niya ang Antartica sa sobrang lamig!

"Salamat talaga. By the way what's your name?" Sasagot na sana siya ng biglang nag-ring ang cellphone niya.

Narinig ko siyang bumuntong hiniga. Tinitigan niya ako ng seryoso at sinuri kung ayos na ba ang aking lagay.

"I have to go." Aalis na sana siya ngunit may biglang bumundol sa akin at muntikan na akong matumba.

"Aaahhh!"

Parang nag-slow motion ang paligid, kala ko susubsob na ako sa sahig pero may humigit sa braso ko.

Nasalo niya ako bago pa ako tuluyang sumubsob, at may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa aking katawan ng ako'y hinawakan niya.

Kinikilabutan ako. At para bang kami lang ang tao and I think the time has stopped when our eyes met.

Gaya kanina, parang nangungusap ang mga mata niya. There's really something in his eyes that makes my feeling uncomfortable.

"Such a clumsy girl."

"Sa—salamat ulit," halos magkandabuhol buhol ang aking dila.

"You owe me a lot Miss. Alis na ako." Sabi nito at sabay kindat. Hindi ko pa din nakuha ang pangalan niya.

"Sandali!" Hindi niya ata ko narinig at ilan sandali pa ay nawala na siya sa aking paningin.

Mayroon kasi siyang nahulog. Isa itong nameplate sa isang Mango Graham Shake Shop. May nakalimbag dito na pangalan.

N. C. Waquin

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Music:
Harana by Parokya ni Edgar

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
117K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
149K 8.4K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.8M 61.8K 51
Madali lang matagpuan ng mga mata ang abot-tanaw. Sa paningin ng karamihan, isa lang itong guhit-tagpuan. It's the line where the sky and the sea me...