International Billionaires 3:...

By CadyLorenzanaPhr

504K 7.3K 178

International Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal... More

Author's Note:
Teaser:
1. New Life
2. Royal Life
3. Friend
4. Neglected
5. Dethroned
6. The Choice
7. Royal Command
8. Fight
9. Ruthless
10. Low
11. Crazy
12. Pity
13. Wanted
14. Left
15. Pregnant
16. The Visit
18. Ways
19. Craving
20. Caught
21. Efforts
22. More Than Like
23. A Life Together
24. Selfish
25. Bothered
26. Confrontation
27. Together
Thank You!

17. No Love

13.6K 236 3
By CadyLorenzanaPhr

NAGGISING si Alyssa sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Nahulaan na ang dahilan kung bakit dahil mabilis na nagbalik sa isip niya ang mga nangyari kanina. Nahimatay sita at malamang ay dinala siya ng kung sinong tumulong sa kanya sa ospital---base na rin sa kulay ng kuwarto na puro puti. Ngunit kinilabutan si Alyssa sa isipin na kilala niya kung sino ang tumulong sa kanya. Hindi naman nagkamali ang pakiramdam niya.

"So you're awake. How are you feeling now, minha querida?" Ed sounded relieved. Malayong-malayo sa nararamdaman ni Alyssa ngayon.

"I-I'm fine. I think I could handle my condition on my own now," tatayo sana siya kung hindi lang siya nakaramdam nang kung anong masakit sa kaliwang kamay niya. Doon lang niya napagtanto na naka-dextrose pala siya.

"What the hell?"

"Lumabas sa diagnosis mo na dehydrated ka,"

"Right. Iyon lang ba?" nanalangin si Alyssa na sana ay iyon nga lang ang sinabi sa kanya ng Doctor. "Kung ganoon ay---"

"Nope. Hindi lang iyon. Alam ko na ang lahat, Alyssa."

Inaasahan ni Alyssa na makakarinig siya ng galit sa tinig ni Ed. Pero mahinahon lang ito. Tumungo siya. "I'm sorry..."

"So you knew. Bakit kailangan mong itago sa akin? Kailan mo pa nalaman?"

"Just a few days ago," sinabi ni Alyssa ang dahilan niya kay Ed.

"I understand," tumango-tango si Ed at hindi na muling nagsalita. Mahinahon ito pero mukhang may iniisip. Nagkaroon ng oras si Alyssa para pakatitigan ito. Hindi ganoon ang naiisip niyang reaksyon ni Alyssa na magiging reaksyon nito. Naiisip niya na magagalit ito dahil masamang balita iyon.

Kilala niya si Ed. He was a player and being like that, she was expecting he wouldn't like the news. Isang malaking responsibilidad rito ang bata at maaring maging dahilan iyon para matali ito sa isang babae. Gugustuhin ba ng isang lalaking kaggaya nito ang ganoon?

"I'll marry you," kapagkuwan ay sabi ni Ed.

"No! Hindi mo gagawin iyon!" naisip na ni Alyssa na maaring isuhewistiyon iyon ni Ed kaya mabilis siyang nakaresponde.

Ginanap ni Ed ang kamay niya at tila lahat ng lakas ng loob ni Alyssa ay natunaw. "Hindi ko hahayaan na magkaroon ako ng anak na bastardo. Isa pa, taga Medoires ka. Alam mo ang kultura. Kailangan kitang pakasalan,"

"Nasa modernong panahon na tayo. Don't be so old fashioned. We can live well on our own. Ang mahalaga ngayon ay nalaman mo na. Iyon lang naman talaga ang gusto kong iparating sa 'yo," iniwas ni Alyssa ang mukha mula rito.

Doon na lumalabas ang inaasahan niyang galit kay Ed. "You can't just simply put things like that! Anak ko ang batang 'yan. Kailangang kasali rin ako sa pagpapalaki sa kanya. We will get married. Whether you like it or not!"

"Inaasahan ko na maaring gawin mo ito. Pero ayaw ko, Ed. Hindi ako magpapakasal dahil lang sa kinakailangan o dahil sa isang responsibilidad. I will marry because of---"

"Love," putol ni Ed. "I should have known."

"I-I don't love you," bahagyang nautal si Alyssa nang sabihin iyon. Pakiramdam kasi niya ay nakapagsalita siya ng isang kasinungalingan dahil hindi man niya maamin sa sarili niya, pakiramdam niya ay may higit pa siyang nararamdaman kay Ed bukod sa paghanga. Pero ayaw niyang aminin iyon dahil alam niyang sa huli, masasaktan lang siya. Isama pa na sandali pa lang naman ang pinagsamahan nila. Tanging sa mga artikulo at showbiz news niya lang nasubaybayan ito. Doon nakilala nang husto. She couldn't love someone that far, could she? "And we all know that you aren't capable of loving,"

Sandaling natahimik ito. "Siguro nga. But I do care for you. I do care for our child, too. Poprotektahan ko kayong dalawa, Alyssa. I won't let anything harm you that would surely happen if you won't agree with me. Gusto mo bang mailagay sa eskandalo? Nabuntis ka ng isang lalaking hindi ka pinanagutan..."

Napapikit siya. Walang sinoman na babae na gugustuhin iyon. Kahit siya ay ayaw rin na mapahiya. But she had values in life, too. Hindi niya kayang maatim na pakasalan si Ed ng walang pagmamahal. Masyado siyang may romantic bones sa katawan para hindi sundin ang values niya. "Pero magiging miserable tayo..."

"I don't think so. Ayaw mo bang bumalik sa dati mong buhay, Alyssa? I know what happened. I know what you have been through. You were once a princess. Kapag nagpakasal ka sa akin ay babalik ang titulo mo na iyon. Magiging mas maayos ang buhay mo. A wealthy life, a---"

"Hindi ko kailangan iyon. Hindi ako ganoon kadesperada. The princess life kind of suffocates me. Bakit ko naman babalikan pa iyon?"

Hinawakan ni Ed ang balikat niya. "Kung ganoon ay itatanggi mo sa anak natin ang isang magandang buhay, isang pamilya dahil lang sa paniniwala mong iyon?"

Natigilan si Alyssa. May punto si Ed. Maatim ba niyang dahil lang sa mga paniniwala niya sa buhay, hahayaan niyang mabuhay ng walang ama ang anak niya? Hahayaan niyang maging anak ito out of wedlock? Ang tuksuhin paglaki nito?

"Ayaw kong maging duty bride mo lang, Ed. You know how I hate it when I've known that you'll just use my sister. Ganoon rin ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong gamitin mo lang. Ayaw kong magpakasal ng wala tayong nararamdaman...."

Sa sinabi niyang iyon ay inilapit ni Ed ang sarili sa kanya. Sigurado si Alyssa na maayos na ang pakiramdam niya pagkagising niya. Pero sa pagkakalapit nilang iyon ni Ed, pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng sakit sa puso. Bumilis ang takbo ng puso niya na ramdam niyang hindi na iyon normal. Pero hindi ba't palaging ganoon ang pakiramdam niya kapag lumalapit ito nang husto sa kanya? Kinakatakot niya iyon. Mas matindi pa sa takot na nararamdaman niya kung may sakit nga siya sa puso.

"Wala nga ba, minha querida? Hindi mo ba naramdaman ang "passion" nang ginawa natin ang bata? Didn't you like it? Hindi pa ba sapat na dahilan ang mga iyon para magpakasal tayo?"

Napalunok si Alyssa. Mukhang malapit na siya nitong mapa-oo. Dahil alam niyang malaking dahilan iyon para magsama silang dalawa.

Pero hindi papatalo ang insecurity na nararamdaman niya. "But surely, you have felt it for the other girls, too. I am inexperienced so I'm not an exception. I am not special...."

"You first gave me yourself. Ikaw ang kauna-unahang babae na nag-alok sa akin nang ganoon. You are special. At sa mga nakalipas na buwan, sa kabila ng pagiging abala ko sa maraming bagay, hindi ka mawala-wala sa isip ko. Even if you are out of my sight, you're always running in my mind. Especially the thought of having you again in my bed..."

"You—you what? You do?" lalo yata siyang aatakihin sa pinagsasabi nito!

"Even if I want you again, alam ko na hindi ako nararapat na lalaki para sa 'yo. You are so beautiful. So innocent. So pure. Samantalang hindi maganda ang record ko---lalo na sa mga kabaro mo. Pero nagbago na ang lahat ngayon. Kailangan natin na magpakasal para sa bata. It matters a lot now. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit gusto kitang maging asawa. Gusto kita, minha querida. I want you."

Pagkatapos ng mga sinabi ay tinawid ni Ed ang kaunting espasyo na naglalayo sa kanilang dalawa. Hinalikan siya nito. May isang bahagi ng isip niya na gustong magprotesta sa ginawa nito. Pero malaking bahagi noon ang bumigay sa halik. Napapikit pa si Alyssa ng mga mata. Sensation was enveloping her body as his lips took wreckless possession of hers. Ngunit hindi niya maggawang magprotesta. Alyssa felt like a slave in his kiss. Sa halip ay naggawa niya pang ibalik iyon. She felt crazy---lalo na nang mapagtanto kung nasaang sitwasyon sila. Anumang oras ay maaring may pumasok sa hospital room niya.

"E-Ed...no," kahit binabalot siya ng nakakakiliting sensasyon ay sinubukan ni Alyssa na pigilan iyon.

"Don't refuse me. Alam ko na gusto mo rin ito."

"But the nurses, they can---"

Tumigil si Ed sa ginagawa. Mukhang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin nito. Inayos nito ang sarili. "All right. But don't try to refuse me again, minha querida. I will marry you. I want you. I will have you---for forever."

Muling nagulo ang isipan ni Alyssa. "All right. I do want you, too. Pero hindi kita kayang pakasalan..."

Nagdilim ang mukha nito. Tumiim ang mga bagang. "For the same reason again?" umiling ito. "Forget your values, Alyssa. Forget your beliefs. Instead, think of our baby. Of his sake. Of his future. At kung sa tingin mo ay kulang pa iyon dahil wala naman tayong pagmamahal sa isa't isa, gagawa ako ng paraan."

Kumunot ang noo niya. "Anong paraan?"

"I once hear that love was a gift. Love was always a gift. Even if the person you loved chose not to love you back. Sa mga salitang ito, maari naman na kahit isa ay magmahal 'di ba? And we all know that I am not capable of loving. I am heartless. A player. Siguro naman ay nakikinita mo na ikaw dapat iyon. You were a good girl. Vulnerable. Kayo ang mga madaling magmahal kaya naniniwala ako na hindi ako mahihirapan sa 'yo. I can't love so you will. Gusto mo ng pagmamahal sa isang relasyon? Puwede naman, kahit isa hindi ba? And I will do everything to do that. To make you love me if that what makes you go to marry me."wer

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
31.4K 980 42
Sa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa...
324K 9.3K 13
Meet Helena Nicole Smith ang magiging dahilan nang pagiging brideless groom ng isang John Michael Dior.
13.4K 495 12
A short romance novel. A true to life story. Teaser May taning na ang buhay ng ina ni Joanna, at ang tanging hiling nito sa kanya bago ito mamatay a...