Meeting Mr. Gifted

Por munchandkinz

32.1K 456 68

Sabi nila, opportunity knocks once. So, when it comes knocking on your door... grab it. Pero paano kung eto a... Más

The Characters
Chapter 1: One Step Closer
Chapter 2: Welcome to the New Olympus!
Chapter 3: Stares
Chapter 4: The Knight in Shining Armor
Chapter 5: Hired
Chapter 7: Virgin
Chapter 8: The Olympians
Chapter 9: Rumor Has It
Chapter 10: Falling
Chapter 11: Deja Vu
Chapter 13: Temperance
Chapter 14: Moonlight
Chapter 15: Closer
Chapter 16: An Open Book
Chapter 17: Confession
Chapter 18: Pretenders
Chapter 19: Love and Hate
Chapter 20: Walking Away

Chapter 6: Stolen

1.5K 27 7
Por munchandkinz

"Super excited na ako Becky sa first class. Tapos mag-classmates pa tayo!" kinikilig na sabi ni Caroline sa bagong kaibigan.

"Oo nga eh! Kaya lang hindi naman natin classmate si Beethoven." nalulungkot na sabi ni Becky. 


"Teka lang... type mo ba siya?" Caroline. 


"Hindi ba halata???"


"Nahalata ko nga eh, I mean... What's not to like about him? Mabait, gentleman, gwapo... you name it." detalye ni Caroline tungkol sa binatang si Hoven. 


"Oo, kaya lang... he's a playboy." nakitaan ni Caroline ang kaibigan ng pag-kadismaya. Pero nasaktan din siya sa narinig.

"Paano mo naman nasabi yan? Parang wala naman sa itsura niya ang pagiging playboy ah?."


"Oo nga... but I've known him since forever. Bata pa lang kami, lapitin na siya ng mga girls sa dati naming school.  Tapos, mag ku-mare pa ang nanay namin." kuwento ni Becky. 


"Ang suwerte mo naman pala." puri ni Caroline sa kaibigan. Kahit na alam niya sa kanyang sarili na may lihim din siyang pagtingin sa binata. Gusto niya sana itong aminin sa kaibigang si Becky, ngunit pinili nalang niyang ilihim ito.

"Ikaw? Wala ka pa bang crush dito? Madaming freshmen na guwapo ah? Si John, si Leo, tapos yung isa pang matangkad na kamukha ni Logan Lerman." sabi ni Becky na para bang nagniningning ang mga mata.

"Ha? Actually hindi naman talaga ako mahilig sa mga crush crush eh. Gusto ko kasing mag-concentrate sa pag aaral ko. Ayoko ng distractions." pagtatanggol ni Caroline sa sarili.


"Hay nako! Abnormal ka ba? Sis, crushes are normal. Falling in love is very special. Ayaw mo bang sumaya? Hindi lang naman distractions ang mga ganyang bagay noh! Pwede naman din... inspiration! Di ba???"


"Hay nako, din! Basta! Wag naman sa first day of class. "


Natawa ang dalawang magkaibigan sa babaw ng pinag-uusapan nila.

"Eto na pala! Room 408. Tara pasok na tayo!"  ilang segundo lang ay nawala ang bigat sa dibdib ni Caroline. Alam niyang... pag nagpatuloy ang kuwentuhan... baka hindi na niya maitago kay Becky ang nararamdaman niya para kay Hoven. 


"Tara, dun tayo umupo sa may likod. Buti nalang hindi tayo na-late." Becky. 


Medyo malaki ang classroom na iyon, parang yung mga lecture rooms na nakikita sa American TV Series pero baka almost half size non. Yung pang universities. Sa sobrang mangha ni Becky, hindi niya nakita ang baitang ng hagdan at nagkamali ng apak. At aksidenteng bumuwal kay Caroline at napahawak sa may sandalan ng isang upuan.


Parang slow motion, na-out of balance din si Caroline at mahuhulog sa hagdan. Parang matrix. Pinikit niya ng mahigpit ang kanyang mga mata. At biglang napamulat at nag-taka. Hindi ako nasaktan? Super hero na ba ako?


"Are you okay?" sabi ng lalaki. 

May mga bisig na naka yapos sa kanya. Mabuti nalang at may sumalo sa kanya.

Biglang inayos ni Becky ang sarili at lumingon sa dalawa... 


"Care... are you okay? Sorry sis!" Becky.


"I'm o... Hoven???" nanlaki ang mga mata ni Caroline, hindi naituloy ang sasabihin kasabay ng pamumula ng buong mukha. Siya nanaman. Lagi nalang siya ang nag-save sa akin. 


"Thank you! Ulit." Caroline. 

"Care, you have to be very careful. Sobrang clumsy mo pala. Dapat yata lagi mo akong nasa tabi mo para laging may sasagip sayo." malambing na sabi ni Hoven may kasama pang kindat. 


Bumilis ang tibok nang kanyang puso. Parang may kabayong nagwawala. Oo nga eh. Dapat nga yata.  Binura agad ni Caroline ang salitang yon sa isip niya. Hindi niya alam ang gagawin. Naninigas ang buong katawan at hindi maka-kilos. 


"Sis! Okay ka na ba talaga? Gusto mo mag-pacheck sa clinic?" Hinagod ni Becky ang balikat ng kaibigan. Tumayo si Caroline at kumalas sa braso ni Hoven.


"Oo, okay na ako. Salamat ulit." tumalikod at naghanap ng upuan... 


"May balat ka ata sa puwet eh. Ang malas mo naman?" sabi ng isang lalaki sa likod ni Hoven, Pero parang bumubulong ng malakas sa hangin.

Nag-pintig ang mga tainga ni Caroline at biglang lumingon na may nanlilisik na mata...

"Chronus. Hmmm..." 


"Bakit Whammy? May problema ka?" ma-angas na sabi ni Chronus. Naka-half-smile pa.

"Ikaw, anong problema mo? Lagi mo nalang akong binibuwiset!!! Sumosobra ka naman yata! Don't tell me nang dahil lang sa hotdog at juice hindi ka na matahimik? Hindi mo ba matanggal ang mantsa sa damit mo? Sige lalabhan ko nalang para manahimik ka na at di mo na ako guluhin kahit kailan!!!" sumisigaw na banat ni Caroline. Kumukulo ang dugo niya at dinuduro si Chronus. Ang kilig na naramdaman niya ng saluhin siya ni Hoven ay parang napalitin ng inis.


"Tsk! Mga babae nga naman... puro drama. Haba ng sinabi. Tara na dude. Kunin mo na yung dapat mong kunin para maka-alis na tayo. Baka mahawa pa tayo sa kamalasang taglay ni Whammy." Tumalikod na ito at bumaba ng hagdan.

Nanggigil si Caroline sa narinig. Hindi niya matanggap na parang wala man lang epekto kay Chronus ang mga litanya niya kanina. 


"Hintayin nalang kita sa labas." Chronus kay Hoven.

Bago pa makarating sa Chronus sa baba... biglang may malaking librong nag-landing sa batok niya. Ang masaklap pa... eh hardbound. Pag-lingon nito...

"Paanong...?" nasa harap na niya ang dalaga.

Isang suntok sa pisngi ang ibinigay ni Caroline kay Chronus. Napasigaw ang mga tao.


"Hoooo! Sarap!" para bang natanggalan ng tinik sa dibdib si Caroline.


"What are you looking at?" Mariing tanong ni Chronus sa isang lalake sa kaliwa. Tanong na parang isang pag-babanta.

Susuntukin ulit siya ni Caroline ngunit nasalag niya ito. Bibigyan pa niya ang binata ng isang sipa... ngunit nasalo ni Chronus ang paa at itinulak ang kanang binti pakanan kaya napa-ikot ng bahagya ang katawan ni Caroline at hinawakan ni Chronus ang magkabilang braso niya.

Bahagyang Inilapit ng binata sa dalaga ang kanyang mukha. Ngayo'y napalitan ng kaba ang nararamdamang galit ng dalaga.


"Ikaw..." hinigit niya ang baba ng dalaga. Nilapit ni Chronus ang mukha niya... unti unti... pumikit ng mariin si Caroline.

Patay!!! Sabi sa sarili.


"Sinaktan ba kita? Binato ba kita? Wag ka masyadong mag matapang. Pinuputol mo ang pasensya ko... Ang ayoko sa lahat, yung taong magaling mang perwisyo ng iba, siya pa ang may ganang magalit. Pag babayaran mo to. Mag-handa ka na."  mabigat sabi nito.


Tumaas ang kilay ng dalaga at tinapik palayo ng malakas ang kamay ni Chronus na nakahawak sa kanyang mukha. 


Hinila ni Beethoven ang braso ng kaibigan, "Dude, that's enough! Hindi naman niya yon kasalanan. No, big deal. Babae yan, kailan ka pa pumatol sa babae?" 


"Yun na nga eh, hindi pa... ngayon ko pa lang i-tatry." naka ngising sagot ni Chronus. 


"Waaaaahhhh!!! Nakakatakot naman! Sobra! Anong klaseng lalake ang papatol sa babae?! Sige nga? Becky, ano ba ang tawag sa lalaking pumapatol sa babae?" Sarcastic na sinabi ni Caroline. Umiling lang si Becky na halatang takot na takot. 


"Don't tell me natatakot ka dito sa BAK.LANG to??? Pwes ako hindi!" malakas na sabi ni Caroline. Talgang with feelings ang salitang "BAKLA." 


"What did you just say?" Chronus


"Eh hindi lang pala bakla to eh! Bingi din!"  pang-iinsultong sabi ni Caroline. 


"Say the word GAY... one more time... or..." 


"I didn't say gay! I said Bakla! Pano ka naging top 1 Olympus kung..." 

...

....

.....

Dingdingdingdingding

(Sparkling Fireworks!) 

Lahat ay natigilan... 

Ang puso ay tumigil sa pag-tibok... 

Naputol ang hininga!

...

....

......

Naramdaman nalang nila ang kanilang mga labi sa isa't isa. Nakahilig sa bisig ni Chronus ang likod ni ng dalaga. HIndi makagalaw dahil mahuhulog siya sa hagdan pag nabitawan siya ng binata. Parang mga Prinsipe at Prinsesa sa fairytale. Ganitong ganito hinalikan ng prinsipe ang prinsesa sa isang ball. Parang Romeo and Juliet na sabik sa isa't isa! 


"Uhggg!" reklamo ni Caroline dahil sa sakit ng labi. Kinagat ito ni Chronus. Maya maya lang ay tinanggal sa pg-kakadikit ng binata ang kanilang mga labi.


"Let's go dude! Nakuha mo na ba ang kailangan mo?" Chronus kay Hoven.

Tumango lang ang kaibigan at nakatulalang sinundan si Chronus palabas. Habang naiwang nakatulala at parang baliw at lutang si Caroline.


BLAG! (sumara ang pinto)


Seguir leyendo

También te gustarán

180K 8.1K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
69.4K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...