Liempo ( A story of Rival Col...

By MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... More

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 48

1.2K 9 0
By MaraMCM

****

                Dali dali akong sumugod sa ospital ng malaman ko na binalik nanaman si Angelie dun. Ano nanaman bang nangyari? Bakit biglaan nalang? Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko yung mga salita ng ni Denise nung binalitaan nya ako kung anong nangyari.

                “Alfred, nasa office ka ba ngayon?” yung boses nya, hinihingal, halatang kagagaling lang sa pagtakbo.

                “Oo, bakit?”

                “Si Anj, nasa ospital ulit. Sinugod kanina lang!”

                “Ha!? Sige, sige pupunta na ako.” Dali dali kong sagot.

                Nagtataka ako, ano nanaman bang nangyari at biglaan to? Hindi naman sya isusugod sa ospital kung hindi malala yung nangyari. Dali dali akong nagdrive, saan saang eskinita na ako dumaan makarating lang agad sa ospital. Pagdating ko dun, nakita ko agad si Arianne sa lobby, nakaupo at nakauuniform pa.

                “Kuya Alfred!” bati nya.

                “Arianne, ate mo?”

                “Nasa taas po.”

                “Bakit magisa ka lang dito?”

                “Bumibili po si Ate Denise ng pagkain, dito lang daw po muna ako.”

                “Alfred.” Narinig kong tinawag ako ni Denise.

                Paglingon ko, nasa likuran na namin si Denise, may dalang donut at Minute Maid. Iniabot ni Denise yung pagkain ni Arianne saka iniwan yung kapatid ni Anj na kumakain sa may benches.

                “Anong nagngyari, nasaan si Angelie?” tanong ko.

                “Nagpapahinga na sa taas, hulaan mo sinong nagdala sa kanya dito.”

                Si Mike. Siya agad unang pumasok sa isip ko, sino pa ba? Naramdaman ko yung mabilis na kabog ng dibdib ko, ibig sabihin magkasama silang dalawa?

                “Wag kang praning, hindi si Mike.” Sabi ni Denise.

                Napatingin ako sa kanya na nagtataka.

                “Sino?”

                “Si Mattias.”

                Sino si Mattias?

                “Sino siya?”

                “Best friend ni Mike.”

                Nanakbo nanaman yung puso ko. Bakit si siya ang nagdala kay Angelie dito? Naguumapaw na ng galit, selos at inis yung damdamin ko. Hindi ko na alam ano bang dapat maramdaman ko. Bakit nga ba ganito? Naiirita ako kasi anu? paulit ulit nalang na sinasaktan ni Mike si Angelie. Saka anong kinalaman ng best friend nya dito? Magkasama ba silang dalawa at pinuntahan nila si Angelie kaya si Mattias ang nagsugod sa kanya dito? Sari sari ang mga conclusions sa utak ko, masyadong madami, hindi ko na alam ano ba dapat unahin ko.

                “Asan si Angelie ngayon? Anong room sya?” Pinagpilitan ko.

                “Tara.”

                Tinawag na ni Denise si Arianne at sabay sabay kaming pumasok sa elevator para umakyat. Pagdating namin sa fourth floor, dumiretso pa kami sa pinakadulo ng hallway at ng tumigil kami, nakita ko sa labas ng kwarto ang isang lalaki na nakapolo, nakaupo sa may bench, nagaantay. Siya ba yung Mattias? Pamilyar din yung mukha nya.

                Tumayo sya nung nakita kami.

                “Mattias, si Alfred nga pala, kaibigan namin.” Pakilala ni Denise.

                Nagkamayan kami.

                “Pare.” Sabi nya.

                Tumango lang ako.

                “Si tita?” tanong ni Denise ulit.

                “Nasa loob.” Sagot nito, “Denise, magpapaalam na din ako.”

                “Sige sige, nagsabi ka na?”

                “Oo.”

                Naunang pumasok si Arianne sa kwarto ng ate nya, kaming tatlo nalang natira sa labas.

                Tumingin ako kay Mattias.

                “Pwede ba tayong magusap?” tanong ko.

                “Sige.”

                Naglakada kami papalayo as pinto habang si Denise, sumunod na din sa loob, nung klaro na yung paligid, nagsimula na akong magsalita.

                “Hindi naman sa nakikialam ako noh? Pero, bakit ikaw ang nagdala kay Angelie dito? Anong nangyari?”

                “Nahimatay sya kanina nung nagkita kami.”

                “Nagkita kayo? Diba kaibigan ka ni Mike?”

                Naramdaman ko na naginit yung mga laman ko. Tama pala yung iniisip ko, magkakasama silang tatlo? Ewan ko din ba dito kay Angelie, alam nya ng masasaktan sya, nakikipagkita pa din. Hindi ko maintindihan ano pa bang gusto nyang mangyari.

                “Oo, pero iba yang iniisip mo. Hindi ko kasama si Mike.” Sagot nya.

                Hindi? Hindi nya kasama si Mike?

                “Alfred diba?” umubo sya, “Nakipagkita ako kay Angelie para makipagusap lang at linawin ang mga bagay bagay, alam ko na ang tungkol sa sakit nya, dito sa ospital na ding to nagpapagamot ang mama ko at nung nakita ko kayo nung nakaraan, nagalala ako kaya tinanong ko na sya. Walang kinalaman dito si Mike at hindi nya din to alam.”

                “Bakit sya nahimatay? Anong pinagusapan nyo?”

                “Ah, pare, samin nalang yun?”

                “SAMIN!? Nakaratay na dun sa loob si Angelie, sainyo nalang yun? Hindi mo ba naisip na pwedeng may kinalaman yung pinagusapan nyo sa pagkawalan ng malay ni Angelie!?” biglang kumulo yung dugo ko.

                “Alfred.” Lumabas yung mama ni Angelie.

                “Tita.” Yumuko ako.

                “Hayaan mo na sya, nakausap ko na.” tinapik niya yung balikat ni Mattias. “Aalis ka na daw iho?”

                Humarap si Mattias kay tita. “Opo, pasensya na po ulit.”

                “Sige na, magingat ka.”

                “Salamat po.” Tumingin sya saakin, “Pasensya na pre, una na ko.”

                Naglakad na sya papalayo saka pumasok sa elevator pababa. Sinundan ko yung mama ni Angelie sa kwarto at nandun nanaman sya, tulog, balot ng mga tubo. Ayaw na ayaw kong nakikita syang ganito, parang nasasaktan ako pero bakit nya ginagawa to? Sinasaktan nya yung sarili nya. At ano yung napagusapan nila at bakit ayaw nyang sabihin saakin?

                “Ano pong sabi ng doctor?” tanong ko.

                Umupo yung mama nya, si Denise at Arianne, nasa sofa, kumakain ng donut.

                “Magisstay sya dito ng mas matagal Alfred. Lumala yung sitwasyon nya, lumaki ang sakop ng cancer sa lymph nodes,  hindi ko alam san ako nagkulang, lagi naman syang umiinom ng gamot, pumupunta sa theraphies pero bakit ganito?” mangiyak, ngiyak na yung mama ni Anj.

                Hindi na ako makapagsalita. Ang gulo gulo na ng sitwasyon, hindi ko inakala na magkakaganito lahat. Tumabi ako kanila Denise para magisip isip.

****

                “Angelie!”

                “Huy, Angelie.”

                Ano bang meron? Hindi ko matanggal yung isip ko sa kanya. Na parang paulit ulit na nagrereplay lahat ng pangyayari.

                “Angelie”

                Ano ng gagawin ko? Magpapakaplastic nalang ako na okay na lahat? Wala na akong magagawa, di ko naman pwedeng ibalik yung nakaraan, ang pwede ko lang gawin ay tanggapin at mag move forward. Sabi nila Jerich at Denise, kailangan ko maipakita sa kanya na kaya ko na. What if ganun gawin ko?

                Okay na lahat. Kakausapin ko na sya. Magpapanggap ako na okay na kahit na alam ko mismo sa sarili ko na hindi pa. Ganun nalang siguro para masanay nalang din ako. Hindi naman sya nakukuha sa pagtataboy eh, edi hayaan ko nalang sya hanggang sa magsawa sya. Or pwede din na gumanti. Kung gumanti kaya ako? Ipaparamdam ko sa kanya yung sakit pagkatapos nyang maatach ulit saakin. Hahayaan kong maging close ulit kami at kung kalian kailangan nya na ako, saka ko sya iiwan, tulad ng pagiwan nya saakin.

                “HOY ANGELIE FERNAN!!!” Jusko! Nagulat nalang ako bigla nung dambahin ako ni Jerich.

                “Ano ba!?” sagot ko.

                “Anong ano ba? Kanina ka pa naming tinatawag, tulala ka dyan!” sabi nya.

                Tumahimik nalang ako. Andami ko kasing iniisip eh. Pero ano pa nga ba ang dapat isipin kung malinaw na malinaw na lahat ng nangyayari saamin? Kayak o naman eh, ako lang din mismo ang naduduwag sa mga hakbang na dapat ko ng ginagawa.

                “Anong nangyari sayo? Bakit tulala ka?” tanong ni Denise.

                “Feeling ko alam ko na.” tumatawang sagot ni Jerich.

                Tumingin ako sa kanila.

                “Magkasabay kasi sila ni Mike na umuwi nung bagyo.” Humahalakhak sya.

                “Weh? Paano?” excited si Denise.

                “Aba tanong mo dyan sa bruhang yan!” hinampas ko si Jerich sa likod.

                “Aray, makahataw!” react nya.

                “Bakit ba kasi? Paano nga?” Ulit ni Denise.

                Nagsimulang magkwento si Jerich kung ano ang nangyari bago kami nagkasama ni Mike. So dapat pala isasabay sya ni Mike. Bruhang to, ako pa dinamay eh alam nya na nga na ayoko ng makita si Mike.

                “Bakit mo ginawa yun?”

                “Oo nga! Bakit mo ginawa yun?” Sinegundahan ko si Denise.

                “Hindi ba ikaw na din nagsabi na dapat iface nya ang kanyang fears. I think that was the perfect time!” nakatingin sya kay Denise.

                “Well, sabagay. So anong nangyari after?” sabay silang tumingin saakin.

                Nakatitig lang ako sa kanila, hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong kinikilig na ewan.

                “Bakit ka kinikilig ng ganyan? Akala ko ba hindi mo na mahal si Mike?” biglang nagsalita si Mattias.

                Napalingon ako, san sya galing? Parang kanina lang naman wala sya dito?

                “Ano. Kasi…”

                “Ano? Hindi ka makasagot? Puro kasi kasinungalingan yang puso mo Angelie, ayaw mong aminin sa sarili mo yung katotohanan.”

                Parang bigla akong nabingi. Naiiyak nalang ako. ang sakit sakit ng mga sinasabi nya. Akala mo kung sinong makapagsalita.

                “Huy Angelie.”

                “Angelie!!!”

                Naalimpungatan ako. At naglabasan lahat ng sakit sa katawan ko. Nasan ako?

                Pagkadilat ng mata ko, ilaw agad sa kisame ang bumungad sakin tapos mukha ni mama. Sinubukan kong umupo, di ko maigalaw yung katawan ko. pakiramdam ko, hapong hapo na ako.

                “Angelie, anak…” naramdaman ko yung malamig na palad ni mama sa mukha ko habang dahan dahan nyang tinatapik. “Anak…”

                “Ma?”

                “Diyos ko, nagising ka na din sa wakas. Salamat Lord.” Hinalikan ako ni mama sa pisngi.

                “Nasan po ako?”

                “Andito ka nanaman sa bahay mo!” narinig ko si Arianne.

                Lumingon ako kung saan nangaling yung boses, aray. Ang sakit ng leeg ko. Nandun yung kapatid ko sa may couch, nanunuod ng TV.

                “Gustong gusto mo dito, bakit ba? Wala kayang magandang movies!” nagcomplain nanaman sya.

                “Nasa ospital ka anak.” Sagot ni mama.

                Ospital? Ospital nanaman? Bumalikatd yung sikmura ko. ayoko na dito eh. Sawang sawa na ako sa itsura ng ospital. Walang kabuhay buhay.

                “Gaano na po ako katagal dito?”

                “Anj, dalawang araw ka ng tulog.”

                DALAWANG ARAW!? Kaya pala ang sakit sakit ng katawan ko. Gusto kong tumayo kaso di ko maigalaw yung mga hita ko. parang nanigas silang pareho.

                “Ma, may klase po ako.”

                “Angelie naman, magpagaling ka muna.”

                Umayos nalang ako ng higa. So panaginip lang pala yun? Pero sigurado ako, hindi panaginip yung nagkita kami ni Mattias.

                “Ma, si Mattias po?”

                “Sino?”

                Hind pwedeng panaginip lang pati yun.

                “Si Mattias po, yung best friend ni Mike!”

                “Sya ang nagdala sayo ditto, umuwi na sya nung araw din na dinala ka nya dito. Anak, anong nangyari sainyo?”

                Pinilit kong alalahanin yung paguusap naming dalawa.

                “Si Alfred po?”

                “Pupunta sya bukas ditto, kanina inaantay ka nyang magising kaso kailangan nya na din umuwi.”

                Si Alfred ang iniisip ko ng mga panahon na nanghihina na ako. Tama, hindi ako nananaginip. Sinabi ko nga kay Mattias na hindi ko na mahal si Mike. Tama din yung panaginip ko, na dapat tapusin ko na to. Na hindi na ako magtanim ng kahit anong grudge sa puso ko. Wala din namang mangyayari, kung lala tong sakit ko, mamatay lang din ako, para san pa yung hinanakit ko? ako lang din ang magsusuffer kaya tama na.

                “Nagusap po kami ng best friend ni Mike ma, alam nya na po kasi na may sakit ako.”

                “Sinabi nya kay Mike? Paano nya nalaman?”

                “Hindi po, nakita nya daw po tayo ditto. Ma, sinabi ko sa kanya na hindi ko na mahal si Mike. Ayoko na ma, suko na ako. gusto ko na pong tapusin lahat ng to.”

                “Hindi ba gustong makipagbalikan sayo ni Mike?”

                “Opo. Pero mama, natatakot po ako eh. Sa ngayon, ang gusto ko lang, maging masaya.”

                “Anak, kung ano man maging desisyon mo, andito lang ako, pero sana pag-igihin mo muna yang sarili mo ah? Ang pagibig, makakapagantay yan. Sarili mo muna ang unahin mo.”

                “Opo.”

*******************************************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

NOTE:  padami ng padami ang nagmemessage saakin, kaya super thank you po talaga. Sorry if antagal ng intervals ng update ng Liempo,well, as usual, alam ko namang sanay na sanay na kayo, sobrang busy.

PERO GUYS, ito, if you need anything, wag lang pera, im here for you just as you have been there for me. stay tuned sa mga susunod na updates. I LOVE YOU ALL. 

special mention sa mga pinsan ko na all of a sudden, nalaman ko nalang na nagbabasa na pala ng liempo. pati mga highschool friends ko and classmates. :) Thanks Guys. 

xoxoMara

Continue Reading

You'll Also Like

600 92 40
Shocking Events unfold at Section X trial as allegiances are tested, secrets are revealed, friendships begin to fray, and a revelation creates a chan...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...