Third Person's POV
Sa isang banda.....
Napabalikwas ng bangon ang isang di kilalang lalaki.
Napatingin siya sa paligid at nakita ang di pamilyar na bulto ng tao.
"Gising ka na pala." Sambit nito
"S-sino p-po kayo?" Nahihirapang saad niya.
"Ako ang nagligtas sayo sa bingit ng kamatayan."
Napahinto ang lalaki at napapikit at inaalala ang nangyari....
Flashback
"Hangal! Hindi ka nagtagumpay?! Hangal ka!" Sinapak ng isang lalaki ang isang kawal na kakarating lang.
Pilit niyang idinilat ang isang mata niya at pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.
"P-patawad, Mahal na Hari ngunit sadyang napakalakas makiramdam ng babaeng nagngangalang Maven. Siya ang gumawa sakin nito!"
"Maven?! Siya ba ang kapatid ni Raven?! Ang lalaking hadlang sa mga plano ko?!"
"Hindi ko po alam, ngunit nararamdaman ko po ang napakalakas nakapangyarihan na pilit itinatago."
"Hangal ka!"
Ilang sandali pa nawala ang ingay at nagulat nalang siya ng biglang may bumuhos sakanya ng malamig na tubig.
"Ginagalit talaga ako ng mga kaibigan mo! Kaya ikaw ang papatayin ko!"
Sinaksak siya nito ng dagger sa magkabilang braso kaya napasigaw siya.
"Arrrrgghhh!"
Aakmang sasaksakin nanaman siya ng biglang may puting usok na bumalot sakanila.
"Ang puting usok na ito....,,Isara lahat ng labasan!"
Biglang nakaramdam siya ng pagkalag ng mga kadenang nakapalibot sa katawan niya.
"You're safe now." Malamig na tinig ng lalaki
Nanghihina na siya at di na kaya ng katawan niya. Ilang araw na niya nararamdaman ang sobrang pagod.
"Araaayyyy!" Puro ungol ng sakit lang ang naririnig niya.
At naging itim ang lahat.
End of flashback
"Salamat sa pagligtas sa akin!" Aakmang babangon ang lalaki ng pinigilan siya ng di kilalang lalaki.
"Walang anuman." Sabi nito
"Ano ang maari kong ibayad o anong kapalit ng pagligtas mo sa akin?" Tanong ng lalaki
"Wala akong hinihingi sa iyo. Obligasyon kong sundin ang ang mga utos ng aking panginoon."
"Kilala mo ba ako? Sino nagpadala sa'yo? Mga kaibigan ko?" Tanong ng lalaki
"Maaaring OO o HINDI."
"Sino ka? At ano ang pangalan mo?"
"Ang pangalan ko ay Asura at kakampi ninyo ako. Hanggang doon lang ang mabibigay kong impormasyon ko," Sabi ng lalaking nag-ngangalang Asura
"Gusto ko ng bumalik, baka hinahanap na nila ako! Baka kung saan pa sila mapunta at mapahamak sila!" Aakmang babangon ang lalaki ng pinigilan ito ng lalaking nag-ngangalang Asura.
"Wag kang mag-alala at magpagaling ka nalang dito. Hindi ka nila hinahanap. Pansamantalang nakakalimutan ka ng mga kaibigan mo dahil may mahikang nakabalot sa kanila ngayon." Napatahimik ang lalaki
"Sabagay hindi na ako magtataka. Mga sakim talaga SILA!" Sabi ng lalaki
"Ibig ko sanang sabihin sayo na kung ano man ang nalalaman mo ay wag mo munang ipagsabi sa mga kaibigan mo." Napatango siya
Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang kubong pinaghihingahan niya....
Maven's POV
Ilang araw na ang lumipas ng dumating dito ang babaeng may ombre na buhok na may pangalan palang Venice.
After that day, everybody seems different.
Nagbago na ang lahat.
Kasama ko parin ang Superiors but marami ng nagbago...especially....Kycer.
Lage nilang kasama si Venice.
And I was already left behind, but well it's okay for me though because I don't really give a care.
"Veniceeeeee! My gash! Ang ganda mo sa suot mo!" Tili ni Aqua
Nakita kong pababa ng hagdan ang babaeng nagngangalang "Venice" kuno.
Nandito kami sa Dorm at kasalukuyan akong nakaupo dito sa couch kumakain ng cookies ko.
"H-hindi naman." Mahinhin na sabi nito
Napa-ngisi ako.
"Tara naaaaaa boysss!" Sabi ni Airene at tinawag ang mga lalaki.
Papaalis na sana sila ng...
"Hindi ka ba sasama, Ate Mave?" Mahinhin na sabi ni Venice
Napa-fake smile ako.
"Wag na siguro! Hindi na tayo magkakasya sa Van e!" Sabi ni Emerald
Napangiti ako ng mapait.
"Okay lang, tama naman si Emerald. Hindi na tayo kasya sa Van. I'll just stay here may IMPORTANTE rin kasi akong gagawin." Nakita kong napatingin sila Kycer sakin.
"Okay." Nakangising sambit ni Venice daw.
Nagkibit-balikat lang ang iba at umalis na.
Nag-teleport ako papunta sa office ni Lolo Tanda.
"Lo!"
"L--Maven Apo! Anong ginagawa mo dito? Diba nagpaalam kayo na aalis kayo?"
"Hindi ako sumama eh. Nakakasuka kasi ang amoy nung Venice na yun." Sabi ko in a matter of fact.
Ngumiti si Lolo.
"Go. Pumunta ka." Biglang sabi niya
Napangiti ako, Lolo Tanda knows me very well.
Nag-teleport ako patungo sa kung saan.
Third Person's POV
Papunta na ang SUPERIORS sa Bayan. Nagtatawanan, Nag-aasaran at Nag-kakantahan.
Si Venice naman ay katabi ni Aiden. Panay ang pagpanggap nito na tulog para lang madantay ang ulo sa mga bisig ni Aiden. Dumadamoves ika nga.
Samantalang si Blue naman na kasalukuyang nagdri-drive ay walang kamuwang-muwang na naligaw na pala sila.
*Beeeeeeepppppp
*Doooooooooogsh
"Aray...."
"Ouch...."
"Putcha..."
Napa-preno si Blue ng may isang nilalang na nakaharang sa daanan.
"A-ano yan?" Natatakot na saad ni Venice
"H-hindi namin alam." Sabi ni Emerald.
"Get ready! I smell danger." Sabi ni Aiden
Bumaba sila lahat sa Van.
Si Venice naman ay parang tukong nakakapit kay Aiden.
"Huhuhu natatakot ako, Aiden." Sabi nito kay Aiden
"Stay behind my back!" Sabi naman ni Aiden na siyang nagpakilig sa gilagid ng bruha.
Nilapitan nila ang nakahandusay na nilalang, may itim itong cloak kaya hindi nila masilayan ang kabuoan nito.
Biglang gumalaw ang bagay na iyon.
"Maghanda kayo." Saad ni Blue
Nang makatayo ang nilalang ay pigil hiningang inantay nila na humarap ang nilalang.
"Blood of a Holy Mystique..."
Saad ng hindi kilalang nilalang.
"Ano? Dugong Banal na Mystika?" Tanong ni Terrence
Nasapok siya ni Venth
"Tinagalog mo lang bro! Takte ka!"
"Anong ibig niyang sabihin?" Tanong ni Airene
"One of you has a Blood of a Holy Mystique." Sabi nung di kilalang nilalang.
"What do you mean?" Tanong ni Aiden
"Blood of a Euthopian, Blood of a Holy Mystique, and Blood of a savior." Saad nito
Napatingin silang lahat kay Venice.
"One of you SUPERIORS has the key to save the whole Mystiqua. One of you is the Holy Mystique."
At bigla itong nawala.
Nagulat sila sa rebelasyon.
"V-venice?"
Nakatungo lang si Venice.
"You are our savior?!" Napatanga sila.
"Kailangan nating sabihan si HM tungkol dito." Napatango ang lahat.
Pumasok sila lahat sa Van at nagtungo pabalik ng Academia.
Napangisi si Venice.
The fame she wanted is about to be hers.
-----------
Sorry guys, hindi siya masyadong mahaba. I have many plans pa para sa librong to. Please be patient lang po because marami rin po kasi akong ginagawa. Anyways, thank you to all of you kasi marami na tayo! I love you guys!
Lovelots😍