MRTLG Forty-Eight : ( Starting Chaos)

7.9K 145 25
                                    


Third Person's POV

Matamlay. Walang kabuhay-buhay.

Yan ang makikita mo sa buong Mystiqua Royale.

Napakatahimik na ng lahat.

Lahat ay tila ba nagmamasid sa bawat isa.

Matapos ang nangyari nong nakaraang 2 linggo ay wala ng makakapag-sabi kung saan na si Maven.

Pagkatapos kasi nitong himatayin ay ang HM na mismo ang nag-buhat kay Maven at mula noon ay hindi na nila nasilayan pa ang dalaga.

Sa kabilang banda,

Napakatamlay ng SUPERIORS.

Ang mga babae ay hindi na makatulog ng maayos sa sobrang konsensiyang nararamdaman.

Ang nga lalaki naman ay matamlay rin.

Nasa hapag silang lahat maliban kay Terrence at kumakain pero walang ni isang ang kumikibo.

"Hindi ko aakalain na magiging ganito tayo." Basag ni Venth sa katahimikan.

"Kasalanan naman natin e." Sabi ni Cassy na naiiyak.

Bukod pa kasi kay Maven ay iniintindi rin nila ang biglaang pag-alis ni Zen na walang sino man ang nakakaalam kung nasaan ngunit nag-paalam naman ito.

*Bogsh

Napatingin sila kay Aiden na biglang tumayo mula sa pagkaka-upo dahilan upang matumba ang upuan na inuupuan niya.

"I'm done."

Nagwalk-out ito.

"Everything has changed now." Sabi ni Emerald

"Let's not blame each other and let's just pray for the better." Sabi ni Blue

Napatahimik silang lahat.

"Guys!" Napatingin silang lahat kay Terrence

"Pinapatawag tayo ni HM." Sabi nito

Bigla silang kinabahan.

"Tara na." Sabi ni Blue

Nang maglakad sila sa hall ay nakita nila kung gaano kalaki ang epekto ng nangyari 2 linggo na ang nakalipas. Ang iba ay hindi makatingin sa SUPERIORS, nang makarating sila sa office ng HM ay tila napipi silang lahat at wala ni isa ang kumibo, nakita nila si Aiden na nakatunganga lang sa isag tabi.

"Magandang umaga sa inyong lahat."

"Magandang umaga, HM." Sabi nila

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Aaminin ko, nadismaya ako sa pinakita niyo nong nakaraang linggo." Sabi ng HM

"P-patawad po, HM."

"Anyways, let's forget about that. I'm here to inform you na hindi na dito mag-aaral pa si Ms. Velasquez. She already left Mystiqua Royale with a heavy heart."

Napaluha nalang ang mga babae.

Si Aiden ay parang nabingi sa narinig.

"P-pero..."

"Also, malapit na ang ika anim na pagbusilak ng pulang buwan. Malapit na ang digmaan. Ang Venice na 'yon ay isang babala para sa atin. Balak niyang kunin si Ms. Velasquez upang maging alay." Sabi ng HM

"A-alay?"

"We already tackle about sa history ng Mystiqua Royale but hindi iyon ang katotohanan." Sabi ng HM

"P-po what do you mean? Ang alam namin ay ng dahil sa kasakiman ni Haring Azarios ay nag-alsa ang mga mamayang mages upang pabagsakin siya!" Sabi ni Venth

Mystiqua Royale: The Legendary Goddess (Old Version) - COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora