The Fallen Kingdom: The New E...

By movingstarcracke

12.1K 470 33

| Sequel of The Fallen Kingdom : Kingdom Of Mages | More

Author's Note
Chapter 51 : Kingdom of Magic
Chapter 52 : New Discoveries
Chapter 53 : School Of Mages
Chapter 54 : Fire vs Ice
Chapter 55 : Fire Bird
Chapter 56 : Mystery 1
Chapter 57 : Mystery 2
Chapter 58 : Mystery 3
Chapter 59 : Safe Play
Chapter 60 : Necromancy
Chapter 61 : Wolf
Chapter 62 : Undercover
Chapter 63 : New Leader
Chapter 64 : Devereaux
Chapter 65 : Trust Me
Chapter 66 : Shadow vs Fire
Chapter 67 : Not Deserving
Chapter 68 : Stuck
Chapter 69 : Pagsabog
Chapter 70 : Lost in the Dark
Chapter 71 : Control
Chapter 72 : Love and Hatred
Chapter 73 : Dark Element
Chapter 74 : 'Nothing'
Chapter 76 : New Enemy
Chapter 77 : Freedom
Chapter 78 : Left
Chapter 79 : Caspian Anthony Bentley
Chapter 80 : Back
Chapter 81 : Reality
Chapter 81 : Unexpected Date
Chapter 82 : Conflict
Chapter 83 : Devil's Kiss
Chapter 84 : Saving One's Life
Chapter 85 : The Dark Desire (1)
Chapter 86 : The Dark History (2)
Chapter 87 : The Dark Self (3)
Chapter 88 : The Dark Stone (4)
Chapter 89 : The Final Battle
Epilogue

Chapter 75 : Paralyzed

142 10 0
By movingstarcracke

Caleb's POV

Napabuntong hininga ako habang nagbabasa ng dyaryo. Napapapikit na ang mata ko ngunit tuloy pa din ang pagbabasa ko.

"Caleb! May naiintindihan ka ba diyan sa binabasa mo?!" naiiritang tanong saakin ni Alex at napapahawak sa noo "Isang taon ka ng ganyan ah?!"

"Isang taon na din akong umaasa na sana mahanap nila ang katawan ng batang iyon!"

Inis kong binaba ang hawak kong dyaryo at ininom ang baso ko na may alam sa harapan ko. Damn it! Nakakapanghinayang! Hindi ko alam kung patay na ang bata na iyon o nagtatago lang.

Napabuntong hininga si Alex "Wala pa ding nakakaalam kung buhay pa ba ang batang iyon, Caleb."

"Sa Mage Kingdom? May balita ba?"

Umiling si Alex "Wala.." nilagok ko ang buong laman ng baso at bigla na lang siyang napaupo sa sahig "And they already found the body of the participants but the energy and power inside them are already gone. It looks like that kid survived.."

Hindi ako nakapagsalita. May malakas na bumukas ng pintuan. Sabay kaming napalingon ni Alex sa pintuan at nakita namin si Kroxel na may kasamang babae.

"Mmm.." pang-aakit ng babae kay Kroxel na mahinang tumatawa "Saan tayo pupunta?"

"Of course! In the bedroom.."

Muntik na akong masuka sa pinaggagawa nito. I already got banned in Mage Kingdom. I'm also banned from entering Landia Kingdom. Kumalat na ang balita tungkol sa pagtatraydor ko sa Mage Kingdom.

"Caleb? Alex? Do you want to join us?" nakangising tanong saami ni Kroxel ngunit sabay kaming umiling.

"No thanks.." mukhang pilit na ngumiti si Alex kay Kroxel na para makisakay.

"Enjoy.." kunwari din akong ngumiti.

Humalakhak si Kroxel at pumasok sa kanyang kwarto kasama ang kanyang babae. Pang sampung babae na niya iyon. Parang wala kaming problema dito!

"Pfft.. his face is getting annoying and annoying everyday.." naiiritang bulong saakin ni Alex at bahagyang umigting ang panga "Umaasa lang naman siya sa mga tauhan niya.."

Ganito ang mga ginagawa namin araw-araw sa loob ng isang taon na iyon. Puro walang kwenta! Lalong nagiging tamad sila kapag walang nakakuha ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Chris!

Inis akong lumabas ng palasyo ng Dark Kingdom upang sumakay sa kabayo ko. Hahanap ako ng impormasyon sa Xie Kingdom!



















"I'm sorry Mr. Devereaux.. we cannot do anything about it. You're banned from entering Xie Kingdom.."

"Bakit?!?!"

Natahimik ako nang lumabas ang isang babaeng diretsong nakatingin saakin. Malakas ang aura niya habang tinitingnan ako na parang makakapatay siya ng tao.

"You're Shadow's father?" walang emosyong tanong niya saakin.

Tumango ako "Sino ka?"

"I'm the Princess Of Xie Kingdom.." napaamang ang bibig ko nang bigla niyang sinuri ang buong katawan ko "Kung ganoon.. bibigyan kita ng pagkakataon umalis sa harapan ko. Ama ka pala ng aking kasintahan.."

'Huh?'

"Shadow? You? Kailan pa?" naguguluhang tanong ko.

May kasintahan na si Shadow? Isa pa siyang prinsesa.

"Long story po.." bahagya pa siyang ngumiti "Gusto ko pong ipaalam sa inyo na may sama po ng loob ang anak niyo sa inyo.. kung pwede po sana ay gumawa ka ng paraan upang magbati uli kayo ng anak niyo.." napayuko siya "Seeing him happy makes me happy at kapag malungkot siya ay nasasaktan ako.."

Bahagyang natigilan ako sa narinig ko "A-Ah.. ganon ba? N-Nasaan ba s-siya?"

"May inasikaso siya sa Mage Kingdom.." binigay niya saakin ang isang mahabang scroll "I'm sorry to say this because the Kingdoms that are listed in the scroll are the Kingdoms you're banned from entering.. pinabibigay po ito ng isang official.."

Napapikit ako sa inis. Halos lahat ng mga Kingdom dito ay ang mga kingdom kung saan ako palaging bumibisita. Mukhang lahat nga ng kingdom ay nakalista dito.

"Mag-ingat po sa pag-uwi.."

Pilit siyang ngumiti at tinalikuran ako..

'Ugh..'

Miya's POV

Hindi ko maiwasan maging tulala buong klase. Buti na lang nandito si Ate Ashley pati si Phoenix na laging pinipitik ang noo ko kapag hindi ako nakikinig sa klase.

"Miya.." nakangusong bulong saakin ni Ate Ashley "I heard hindi ka daw kumain kanina?"

"I-I don't have an appetite to eat.." pabulong kong sagot sa kanya.

Lima na lang kami dito este napalipat ako sa section na 'to. Hindi na nag-aaral si Kuya Shadow sa School. He stopped and married the Princess of Xie Kingdom. Sigurado naman na maganda ang buhay niya doon.

'Knock! Knock!'

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan at nakita namin ang isang babaeng mukhang may mataas na posisyon sa gobyerno.

"What is it?" taas-kilay na tanong ni Professor Vaux na naging Adviser namin simula noong namatay si Unknown.

"Mr. Vaux! We already found some hints about the whereabout of Chris Edwards!"

Nanlaki ang mata ko "Where?"

"This clue has a huge impact in our private investigation.." nakangiti niyang sabi at inilahad ang picture ng lugar na tinutukoy niya. May ipinakita din siya saakin na mapa "Pagpasok namin sa lokasyon na yan ay may nakita kaming malaking pangalan sa taas at mukhang iyon ang pangalan ng lugar. Kosmios Empire."

Napanguso ako "Paano niyo nasabi na nandiyan ang kapatid ko?"

Natahimik ng ilang mga minuto ang babae "I think he created his own Empire.. by the use of the tools that he obtained a year ago.."

Napaisip tuloy ako. Kaya niya makagawa ng sarili niyang empire ng isang taon? Tsk! Siyempre. Nakuha na niya ang tools eh!

"Puntahan natin.." seryosong sabi ko pero umiling ang babae.

"It's too dangerous.."

"Bakit kayo pwedeng pumunta doon? Kami hindi?!" medyo nanlaki ang mata ng babae pero inirapan ko siya "This is a command from the Princess of this Kingdom! I want to find my brother for Pete's sake!"

"I'll help.."

Sabay-sabay kaming napatingin kay.. Mr. Devereaux?!

Muntik ko na siyang masuntok "Bawal ka na po pumunta dito ah?! Tssssk! Sinong nagpapasok sa inyo dito?!"

Itinaas niya ang dalawang kamay niya "N-No.. promise. T-Tutulungan ko kayo hanapin si Chris.."

"How will you show your sincerity?" biglang sabat ni Ate Ashley na nakataas pa ang kilay.

"Is there no room for second chances?" natigilan kami nang biglang lumuhod siya sa harapan namin "I'm sorry. Nabulag ako dahil sa galit ko sa Papa mo. Natauhan na ako. Babawi ako sa Kingdom. I'll help you find your brother.."

Naramdaman ko ang kamay ni Darien na biglang humawak sa kamay ko "Wag mo na siyang pansinin.. umalis na lang tayo.."

Bago pa ako magsalita ay biglang hinila na niya ako..

Caleb's POV

I sighed in frustration. Parang mababaliw na ako sa hindi ko malaman na dahilan. Nagawa ko nga makatakas sa mahigpit na mga guwardiya dito pero hindi naman ako nakatakas sa takot.

"Damn it! Paniguradong malalagot ako nito kapag nalaman nila Kroxel ang mga sinabi ko!"

Wala tuloy akong nagawa kundi palihim silang sundan. I really have no plan or intention yet. Sasabihin ko muna sa dalawa kung saan ang lokasyon ng Kingdom tapos susubukan na namin gumawa ng plano.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Shadow na seryosong naglalakad kasama sila Miya.

"Mr. Devereaux went here.." mahinang sabi ni Phoenix "Pinapunta mo ba siya dito?"

"Why the hell will I do that?" inis na tanong ni Shadow "My wife told me that he almost entered Xie Kingdom. Parang hindi niya alam na banned na siya makapasok doon."

"Will you still forgive him?" tanong ni Ashley at tumawa si Shadow.

"It's easy to forgive someone but it's hard to forget." malumanay na sabi ni Shadow. "Pinatawad ko na siya pero hindi ko alam kung paano at kailan ko siya haharapin."

"Ah.."

Mga kalahating minuto sila naglakad. Nasa harap kami ng isang malaking gate. Mukhang ito na ang sinasabi nilang Empire kanina.

"Kosmios Empire.." sabay-sabay nilang sabi.

Naestatwa ako nang maramdaman ang kamay na biglang pumigil sa binti ko. Hindi ako makalakad! Hindi ko din alam kung sino ang nasa likod ko!

"Don't you dare.."

Nagulat ako nang biglang napunta kami sa isang lugar na.. puro ginto?! The wall and the floor is made up of gold! May trono sa gitna.

"Anong nais mo?"

Diretsong nakatingin saakin si.. Chris?! So it's true?

"Yes.. it's true. I already created my Empire.." nakangising sabi ni Chris at hinagis saakin ang iba't ibang mga alahas na gawa sa iba't ibang mga mineral!

"W-Why did you hide?" wala sa sariling tanong ko pero humalakhak lang siya.

"Yan ba ang panimula mo?"

Hindi ko na siya maintindihan. Parang hindi siya ang Chris na nakilala ko dati. I mean he's not like this?

"I can sense confusion.." napatingin siya sa labas at hindi ko namalayan na sumunod ang ulo ko "Nakita mo ba ang mga ibon na malayang lumilipad sa labas? I want to be one of those birds. Malaya silang pumunta kahit saan."

"Hinihintay at hinahanap ka na ng kapatid mo, Edwards.." mahina kong sabi at humalakhak na naman siya.

"So what? I rather have freedom than to be locked up in prison.."

'Edwards, hindi kita maintindihan!'

"Talagang hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo ako kilala!" inis niyang sigaw at bintauhan ako ng.. saging? "Isubo mo 'yan at manahimik ka!"

'Hell no..'

Nagagawa niyang kontrolin ang kamay ko! Nasubo ko tuloy ng buo ang saging at muntik na akong masuka. I'm not a fan of fruits.

"Wala akong pakialam kung nagustuhan mo ang saging na 'yan o hindi. Basta sigurado akong hindi mo 'yan nagustuhan!"

"B-Bakit? M-May nilagay ka ba dito?" nagtataka kong tanong.

Napapikit ako sa inis at napahawak sa aking tiyan.

'You really know how to play dirty, Edwards..'

"The CR is in your right.. good luck!"

Hindi na ako nag-antay pa sa iba pa niyang sasabihin at diretsong pumasok sa CR..

Ashley's POV

"Let's split up, shall we?" hinanda namin ang mga espada namin.

I already made up my mind. Mag-isa akong maghahanap. Sila Darien at Zayden ay magkasama at si Shadow at Miya naman ang magkasama.

Nag-umpisa ako sa likod. Medyo madumi at mukhang matagal ng na-abandon ang lugar na 'to kaya paano namin makikita dito si Chris?

'Ek..'

Agad kong tinutok ang espada ko sa likod. Damn it. Akala ko pa naman tao..

'Ek..'

'What the hell?'

May naririnig akong naglalakad!

'Guni-guni lang yan..'

'Ek.. ek.. ek..'

"Damn it! Magpakita ka na!" pikon na pikon kong sabi "H-Hindi ako natatakot!"

'Silence'

"What the f-"

May nakaupong lalaki sa may swing. Sumabay pa ang malamig na hangin na dumapo sa balat ko kaya medyo nag-aalinlangan akong lapitan ang lalaki.

'Naligaw ba siya?'

"U-Uh.. psst!"

'Hindi totoo multo Ashley!'

"O-Oy lalaki!"

Napabuntong hininga ako nang lumingon siya saakin. He's wearing a red mask. Sinubukan kong lapitan siya pero umaatras naman siya.

Ngumiti ako sa kanya "It's alright.. I'm harmless"

Napalunok ako. Hindi na siya umaatras pa. Tinanggal ko ang maskara niya. Napanguso ako nang makita ang isa pang maskara.

Hindi ko alam kung anong lapit ang gusto niyang gawin ko.

"Kung sinabi kong sumama ka saakin, sasama ka?"

Hindi ako sumagot. Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. It's familiar. Sinubukan kong gumawa ng bibig sa isip ko at isa lang na lalaki ang lumabas sa isip ko.

"You're Chris?" marahan na nanlisik ang mata ko.

Susubukan ko siyang mapaamin.

Umiling siya "I'm Thor.."

Kumunot ang noo ko "T-Thor?"

Natawa naman siya at biglang tinanggal na ang mask niya "Biro lang.. Ashley.."

Sa pagkakataon na 'to ay bigla ko siyang sinuntok! "Damn you! Alam mo bang hinahanap ka namin tapos makikita ka lang pala dito?"

Napahawak siya sa labi niya at ngumiti "I'm sorry, hindi ko sinasadyang magtago.."

"Pero nagtago ka?"

"I'm actually hiding from the Mages who already went here.." seryoso niyang sabi at binigay saakin ang kumikinang na kulay asul na.. bato? "Eat it.."

"What is this?"

"It is a stone that control your anger.."akma ko siyang sa sapakin pero napigilan niya ako "Kainin mo na.."

"Sa tingin mo hindi ko kayang pigilan ang sarili ko?"

Natawa siya "Is it obvious?"

'Damn it..'

"Y-You became arrogant!"

Nawala ang ngiti sa kanyang labi "I'm really arrogant.."

"P-Pero hindi ganyan!"

Humahakbang siya papalapit saakin at nagbibigay ito ng kaba saakin. Hinawakan niya ang parehas kong kamay na parang pinipigilan niya akong manuntok.

"I'm harmless.." narinig kong bulong niya sa tenga ko at inilagay ang kanan kong kamay sa dibdib niya "Trust me.."

Nag-init ang pisngi ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa gilid ng labi ko!

"W-What t-the h-heck are you doing?"

Pinagdikit pa niya ang aming katawan kaya tuluyang akong nanghina.

'Ek.. Ek..'

"W-What's th-"

May malaking ibon na biglang susugod sa likod ni Chris at sa pagtalikod lang ni Chris ay biglang naglaho ito. May mga ibang ibon na naman na pasugod saamin ngunit sa isang tingin lang ni Chris ay biglang naglalaho!

"W-What are they?"

Sinubukan kong kumalas sa tila walang nangyari. Sumeryoso naman ang mukha ni Chris at nanatiling nakatitig saakin.

Ugh! Naguguluhan na ako sa mga kilos niya "Chris? Ano ang mga iyon?"

"Those birds are after you.." seryosong sabi niya "Gusto kong maramdaman nila ang presensiya ko kasi ngayon ay may mas malakas akong aura kaysa sayo. I covered your aura using mine and attract those birds.."

"B-Bakit mo naman ako hinalikan?"

Hindi niya ako sinagot at pinakita saakin ang maskara na ginamit niya kanina.

"H-Hey.." kinalabit ko siya pero 'di naman niya ako sinasagot.

Pumunta siya sa likod ko at kinabit ang mask "Anti-aura.."

"T-Tek-"

Nagtaka ako kung bakit lumayo siya saakin. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magalaw ang katawan ko!

"C-Chris! Chris! H-Huwag mo akong iwan dito!" kinakabahan kong sabi dahil hindi ko na talaga magamit ang paa ko! "C-Chris!"

Tumingin pa siya saakin at ngumiti "Bumalik ka dito bukas.. huwag mong sasabihin sa ibang tao na nakita mo ako. Huwag mo din sabihin sa ibang tao na pupunta ka dito."

"C-Chri-"

Dumaan lang siya sa pagitan ng dalawang puno ay biglang nawala na siya!

Pagkawala naman niya ay biglang gumana na uli ang paa ko. D-Did he just paralyzed me?!

'Babalikan talaga kita dito!'

Continue Reading

You'll Also Like

428K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
1.8M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...