The Runaway Groom (Completed)

By endorphinGirl

2.1M 53.3K 4.9K

Sophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
End Part 1
End Part 2
Epilogue

Chapter 21

32.6K 845 78
By endorphinGirl

"Happy birthday."

Tila lumobo ang puso ni Sophia nang makita ang pagngiti ni Conrado sa pagbati niya. Mukhang nagulat ito na alam niyang kaarawan nito. Minsan lang niya makita itong nakangti nang ganoon sa tuwing magkasama sila. Iyong sinsero at totoo.

"Naalala mo pala?"

Tumango siya. "Hindi ako nakakalimot, Conrado, lalo na sa espesyal na mga araw ng mahal ko."

Nagbaba ito ng tingin, mukhang nag-init ang pisngi. Gigil na pinisil niya ang pisngi nito. Nabigla ito sa ginawa niya ngunit nakangiti pa rin. Nasa yate sila at kumakain sa round table ng deck. Silang dalawa lamang ang naroon, kasama ang isang waiter na bumalik na sa loob ng yate at ang kapitan ng yate.

Nagpatugtug ito ng sweet music sa isang lumang Vinyl Record Player.
Sumandal siya sa silya at pinagmasdan ito habang sumisimsim ng alak.


"Bakit naisipan mong yayain akong i-date sa araw ng birthday mo?"

Saglit itong nag-isip bago siya sinagot.
"Ayaw mo ba?"


Napangiti siya. "Mukha bang ayaw ko?"

"I cant tell. Baka napilitan ka lang."

"Kailan pa ako napilitan kung ikaw ang kasama?"


Natawa ito nang mahina. Ang sarap sa pandinig niya ang pagtawa nito.


"Bakit hindi mo inimbitahan ang mga pinsan mo?" kapagkuway tanong niya.

"I did. Tapos na kanina."

Nadismaya siya ngunit hindi siya nagpahalata.
"Dito rin ba kayo kanina sa yate mo?"

Nagtatakang napatingin ito sa kanya.
"How did you know this is mine?"

Nagkibit balikat siya. "Rumor has it."

Hindi ito kumibo. Nagpatuloy ito sa pagkain.

Inulit niya ang tanong. "So, dito nga kayo kumain kanina?

Umiling ito. "No. Some place. Ikaw pa lang ang dinadala ko rito sa birthday ko."


Ayaw man niya pero nag-init ang puso niya.
"Why?"


Nag-angat ito ng tingin at tumitig sa kanya.
"I want to make this moment special."


Pumintig nang malakas ang puso niya. Ayaw man niyang umasa pero talagang kinilig siya sa sinabi nito.


"Why would you want it to be special with me?"


"Why not? Isa ka sa pinakaespesyal na tao sa buhay ko. And besides, it's a privilege to have a date with the most well known fashion designer in this country."


"Privilege din naman ang maka-date ang isang napakagaling at tinitingalang pilotong katulad mo."

Hindi ito sumagot. Mukhang nailang sa papuri niya. Napapansin niyang hindi ito komportableng pinupuri. O baka hindi lang ito komportable na siya ang pumupuri dito?

"You're already way up there but your feet are still on the ground. I admire your humility," sinserong sabi niya.


"Salamat," maikling sagot nito.

Alam naman niya kung gaano kahalaga sa lalaki ang pangarap nitong magpalipad ng eroplano. Pangarap na nito iyon simula't sapul. Naalala niya noong ipinakita nito sa kanya ang pinakamagandang takipsilim na nakita niya sa tanang buhay niya.


"Tell me, gaano ka-satisfying ang magpalipad ng eroplano?" tanong niya.


"The best feeling. Parang ikaw lang habang nagtatahi at nagdedesinyo ng mga damit," nakangiting sagot nito. Nakita niya kung gaano nagningning ang mga mata nito sa sinabi.


"I am happy you finally reached your dreams. Wala akong ibang hinihiling sa 'yo kundi matupad ang lahat nang magpapasaya sa 'yo."


Bigla itong sumeryoso.
"Hindi ka galit? Iniwan kita para tuparin ang pangarap na sinasabi mo."

Ngumiti siya. "If that's what it takes to fulfill your dream, I don't care. Nagpapasalamat nga ako't ginawa mo 'yon dahil kung hindi, hindi ka magiging matagumpay na piloto at hindi ako magiging sikat na fashion designer."


"Yeah, but I hurt you..."


"Pain is a part of growing up. That pain made me stronger and better."


Tumitig ito sa kanyang mga mata bago ngumiti.
Nang matapos itong kumain ay niyaya siya nitong sumayaw. Inilagay nito ang mga kamay niya sa mga balikat nito. Ito naman ay ipinulupot ang mga kamay sa baywang niya. Sabay silang sumayaw sa mabagal na musika.

Walang nagbubukas ng usapan sa kanilang dalawa at nanatiling magkahinang lamang ang kanilang mga mata. Nakangiti siya ngunit ito'y seryosong nakatitig sa kanyang mukha. Sa isang saglit ay pakiramdam niya'y sila lamang dalawa ang tao  sa lugar na iyon.


"Why do you look at me like that?" panunudyo niya rito.

"Like what?"

"Like I'm the most beautiful woman on Earth."

Nagbaba ito ng tingin sa kanyang mga labi. "That's exactly the point."


Napahagikhik siya.
"That's bad."

Hinaplos nito ang kanyang mukha. "What's bad in admiring your stunning beauty?"

Natawa siya. Hindi naman ito lasing pero parang wala sa sarili.
"That's bad 'cause you will end up falling in love with me," paalala niya.


"I'm willing to take the risk..."


Lumakas ang pintig ng puso niya sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Handa itong mag-take ng risk na mainlove sa kanya? Ibig sabihin ay may pag-asa siyang mahalin nito! Unti-unti nitong ibinaba ang mukha sa kanya saka sinakop ang kanyang mga labi. Gumanti siya nang masuyong halik at ipinulupot ang mga braso sa leeg nito.


"Sophia..." bulong nito sa tenga niya bago iyon masuyong hinalikan.


Napapaikit siya sa kilabot na kumalat sa katawan niya.
"I love you, Conrado..."


Hinuli na naman nito ang mga labi niya. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ramdam niya ang malakas na pagpintig ng puso nito't marahas nitong paghinga.


"Thank you for making this night wonderful, Sophia..."


"No, thank you for making me feel special, Conrado..."


Ngumiti ito. Napakagat labi siya. She cant explain why his smile turns her on. Hinalikan niya ulit ito. Nang umiinit na ang kanilang pakiramdam ay dinala siya nito sa isang private room sa loob ng yate. Doon nila paulit-ulit na pinagsaluhan ang init ng kanilang mga katawan.

Nagising si Sophia nang maramdaman ang mabibining halik sa kanyang noo. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay ang guwapong mukha ni Conrado agad ang bumungad sa kanya. Napangiti siya at sinalubong ang halik nito.


"Good morning, Pangga," nakangiting sabi nito.

Lumubo agad ang puso niya. Ang magisnan pa nga lang ang ngiti nito ay sapat na para sumaya siya, ang pagtawag sa kanya nito ng "Pangga" ay kalabisan na. Walang pagsidlan ang kasiyahan niya. Ito ang may birthday pero parang siya ang nakatanggap ng regalo mula rito.

"Good morning too..."


Nakahubad ang kanilang mga katawan habang nakayapos siya sa katawan nito. Namula siya nang maramdaman ang makulit na kamay nitong naglalandas sa kanyang balikat papunta sa kanyang braso. Tinanggal niya ang kamay nito at baka saan na naman sila mauwi. Alas sais na ng umaga at kailangan na nilang bumalik ng mansyon.


"We need to go home, Conrado..."

Akmang babangon siya nang bigla siya nitong yapusin dahilan para mapahiga siya ulit sa kama.

"Let's stay like this for a while," parang batang pagsususmamo nito.

Napapangiting umiling siya.
"Mag-aalala si Lolo kapag hindi niya tayo nakita, lalo na ikaw. Kahapon ka pa hindi nagpapakita sa kanya."

Napabuntong hininga ito saka siya pinakawalan. Natatawang nagtakip siya nang kumot sa sarili saka bumangon. Sumunod naman ito sa kanya ngunit hindi nag-abalang magtakip ng kahit na ano sa sarili. Namula siya at nag-iwas ng tingin. Tila nanunudyo naman ito't naglakad sa harapan niya.

"C-conrado, stop it!"

"What?" natatawang sabi nito.

"S-stop doing that!"

"Para naman hindi mo pa ito natikman, Pangga,"
Panunudyo pa nito.

Namula na siya nang tuluyan. Hinablot niya ang unan saka ibinato rito. Humalakhak ito't lumapit sa kanya saka siya sapilitang pinangko. Napatili siya nang malakas. Dinala siya nito sa banyo saka ibinaba sa isang malakaing jacuzzi na naroon. May mga petals pa ng rosas na nakalutang sa jacuzzi.

Sumunod itong lumusong sa jacuzzi saka sumandal sa gilid. Hinila siya nito papalapit dito upang mapasandal siya sa dibdib nito. Niyakap nito ang mga braso sa kanya. Kakatuwang para silang tunay na mag-asawa na nag-honeymoon sa asta nito.

Sa harapan ng jacuzzi ay may malaking bintana na kitang-kita ang lawak ng karagatan at kalangitan. Ilang saglit silang natahimik at nakamasid lamang sa labas ng bintana. Hindi niya maipalawanag ang nararamdamang kapayapaan at kasiyahan sa kalooban.

Napaigtad siya nang halikan nito ang balikat niya.
"A peso for your thought?" nagbibirong untag nito.

"I didn't know you are romantic," sagot niya.

"Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sa 'yo?"

Tumango siya. "Oo naman. Nahihiya nga ako dahil wala akong regalo sa 'yo."

"Hindi na kailangan ang regalo mo. Makita lang kitang masaya, mahalaga pa iyon sa kahit anong regalo."

Gusto niyang maiyak sa mga pinagsasabi nito. Iyon kasi ang unang beses na inuna nito ang kaligayahan niya kaysa sa kaligayahan nito. Hindi niya lubos na inakala na gagawin nito ang ganoon ka sweet na gestures sa kanya.
Babaunin niya ang magandang alaala na iyon kapag naghiwalay na sila.

Matapos nilang sabay na maligo ay sabay din silang kumain ng agahan. Nagkuwentuhan pa sila't nagharutan bago nagpasiyang umuwi sa mansyon ng kanyang Lolo. Nang pumasok sila sa kuwarto ng matanda ay tulog na ito.

Nagpasiya sila ni Conrado na bumalik na sa kani-kanilang kuwarto. Ayaw pa sana nilang maghiwalay ngunit may kailangan umano itong daluhang meeting sa kompanya. Inihatid na lamang siya nito sa labas ng kanyang kuwarto.
Inayos niya ang kurbatang suot nito.

"Bumalik ka agad, ha? Mamimiss kita," paglalambing niya.

Natawa ito nang mahina. "Stop teasing me. Baka hindi ako makatiis..."

"Makatiis na ano?" panunukso niya.

"Na halikan ka't paligayahin..."

Siya naman ang natawa. Isinandal siya nito sa hamba ng pinto saka masuyong hinalikan sa mga labi. Awtomatikong ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Nasa kainitan na sila ng kanilang halikan nang bigla silang bulabugin ng isang malakas na tikhim. Mabilis silang naghiwalay ni Conrado.

Si Emily pala. Kumunot ang noo niya nang makita ang reaksyon nito. Salubong ang kilay nito habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Conrado. Pero mas hindi niya nagustuhan ang naging reaksyon ni Conrado, para itong tinakasan ng kulay sa mukha.


"Late na, Conrado. Umalis na tayo," tila paggalit na sabi ni Emily.

Tumaas ang kilay niya. Saglit itong nagyuko ng ulo sa kanya saka sila tinalikuran. Si Conrado naman ay tila naging balisa. Binigyan siya nito nang mabilis na sulyap bago sumunod sa pinsan. Humalukipkip siya't pinagmasdan ang papalayong likod ng dalawa. Ano kayang problema ng Emily na 'yon?

Imbes na masira ang kanyang mood ay inignora na lamang niya si Emily. Pumasok na lamang siya sa kanyang kuwarto at hinanap ang kanyang cellphone. Nakaligtaan niya iyon kagabi sa pag-aakalang sandali lamang silang aalis ni Conrado. Nang makita ang maraming missed call ng mga kaibigan sa kanya ay nagtaka siya.

Nang basahin niya ang isa sa mga text messages ng mga kaibigan niya sa kanya ay hinaklot agad siya ng takot.


Sophia, si Ian nakidnap! basa niya sa text ni Sidney.

Continue Reading

You'll Also Like

296K 5K 45
She, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the wor...
26.7K 1.1K 27
Last night, she was all high and drunk at her sister's best friend's bachelorette party. And the next day, she'll be the one getting married. What t...
432K 9K 18
AYESHA was caught kissing another man by her husband on the night of their wedding. The pain and betrayal she caused him almost killed him. Pero ang...
154K 4.8K 38
What if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay...