HIS OBSESSION

By LaicaPatrimonio

1.3K 38 7

-HIS OBSESSION- Magkakaroon ng magiging alaga si Bobang(Bonett Vangielyn) simula ng dumating sakanya ang isan... More

Prolouge
HIS OBSESSION
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20 ( Book 2 )
chapter 21
chapter 22
chapter 23

chapter 11

46 2 0
By LaicaPatrimonio


Chapter 11

PARA akong tanga na umiiyak habang naglalakad,wala na akong pake sa mga taong nakatingin saakin. Nang makarating sa inuupahan ay niligpit ko lahat ng mga gamit ko.

Kinuna ko ang mga damit,nilagay ko iyon sa isang kahon dahil kunti lang naman ang mga damit ko. Pagkatapos ay niligpit ko din ang mga sinampay ko sa labas,saka sinuksok sa kahon.

Huminga muna ako ng malalim bago pahidin ang tumulong luha sa pisnge ko. Binitbit ko ang kahon papunta sa sala at pinatong muna iyon doon. Kunti lang ang mga gamit dito kaya nilagayko na lang din ito sa isa pang kahon.

Pero sa'n naman kaya ako titira? Alam kong galit saakin si amang at may mga tao pang gustong pumatay saakin. Pati na din si Wenong,nang mawala ako sa pinag ta-trabahuan ko sa kanya ay lagi ko ng nakikita ang nakaka asiwang mukha ng mga utusan nya.

Kinakaban ako at natatakot para sa kalagayan ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Wala na akong masasandigan,wala nang fafa,wala ng Fenis! Wala na si H! Wala na rin atang patutunguhan itong mabantot—este nakakaawa kong buhay.

Humahagulhol ako habang nilalagay ang mga natirang gamit sa iba pang kahon. Kinapa ko ang ilalim ng kama at nahawakan ko ang isang kahon kaya kinuha ko ito palabas.

Walang pasubaling binuksan ko iyon at mas napahagulhol nalang sa nabungaran. Yung mga brip nya! Pati yung damit nya nung napunta sya saakin. Ganoon parin ang amoy no'n,mabango at amoy na amoy ko parin talaga sya.

Ang poolish ko talaga pagdating sa kanya. Siguro ay Foolish ata yun.

Inalog ko ang ulo ko at binalik ang mga damit nya sa kahon. Tutal ay umalis nanaman din sya itatago ko na lang din ang mga gamit nya,dahil parehas nya naman kaming iniwan kaya dapat lang na kami ang magdamayan.

...

"Bakit ka naman aalis? Libre na ang poso at kahit sa next next month ka pa magbayad ng renta!" Talak ni Aleng Berna.

Dala dala ang tatlong kahon na hindi naman kabigatan ay naabutan ko si aleng Berna na nanagarilyo habang nag po-posoy kasama ang mga kaibigan nya. Binigay ko na din ang bayad nung nakaraang buwan pati sa susunod kahit na hindi narin naman ako titira doon. Ayaw ko kasing naalala ang mga eksena nya kasama ako doon. Mas nasasaktan lang ang maharot kong puso.

"Buo na po ang disesyon ko. Gusto ko po kasing mag trabaho at mas mabilis kong mas malapit sa tinitirhan ko yung trabaho diba?" Hindi iyon totoo. Basta makaalis lang ako sa bahay na iyon para makalimutan ko lahat ng mga alaala.

Binuga buga nya ang sigarilyo sa hangin. Nagpaalam muna pala sya sa mga kaposoy nya para makapag usap kami.

"Tama nga naman. Pero napamahal ka na kasi saakin,isipin mo. Halos mag iisang buwan ka na? Ang ganda kaya ng usapan natin." Napangiwi ako sa sinabi nya.

"Pasensya na po,pero kelangan ko talaga ng trabaho." Sabi ko. Tinapak tapakan nya ang sigarilyo bago mag kibit ng balikat.

"Kung yan ang disesyon mo,hindi naman kita mapipigilan. Ikaw din ang kawalan, ang ganda na ng offer ko sayo." Ani nya at saka namewang at kumulubot ang mukha.

"Huy mareng Berna! Ano? Dika na ba mag poposoy?!" Sigaw ng isang nyang kalaro malayo layo dito.

"Maglalaro pa ako mga deputa! Sino na ba ang nananalo?" Sigaw nya pabalik.

"Mananalo na ako! Bilisan mo dyan at kulelat ka nananaman!" Muling sumigaw ang kalaro nya.

"Gaga! Hintayin mo ako,aba nakakatatlo ka na ah?"

"Oo!"

Nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong alam.

Tumaas ang manipis na kilay ni Aleng Berna ng makitang nandirito pa ako sa kinatatayuan ko.

"E,bakit naririto ka pa? 'Wag mong sabihing uutang ka pa ng pera saakin?" Sipat nya.

Umiling ako sa kanya.

"A-aalis na ako." Hindi ko pa sigurado kong tatalikod ba ako o hindi dahil alam kong wala naman akong ibang mapupuntahan.

Bumuga ako ng hangin bago na isipang tumalikod nalang at umalis. Matindi ang kutob ko na gugulpihin ako sa suntok at sampal saakin ni amang mamaya pagdating ko ng bahay. Kelangan ko syang balikan kasi sya na lang ang nag iisa kong pamilya. At mahal ko naman si amang kahit na bugbog sarado ako sakanya palagi.

Nangangalay na ako sa kakadala ng tatlong kahon,pinagpatong patong ko kasi iyon sa braso ko at saka binuhat. Mag kanda buhol buhol na ang lakad ko at malapit pa akong matalisod sa isang bato. Mabuti at nakita ko kaagad ito,kahit na kunti lang sa paningin ang kaya kong ilangap sa paligid habang naglalakad.

Binaba ko ang tatlong kahon sa lupa ng makarating na sa bahay. Akala ko maabutan ko si Amang na nag iinum sa labas o dikaya ay nakikipagharutan sa malanding Mern,pero wala akong nakita.

Nakita ko ding naka kandado ang pinto. Kumunot ang noo ko.

Bakit naka kandado ito? Kapag umaalis naman si papa sinisirado nya lang ang siradura ng pinto,kaya minsan nagdadala ako ng susi para maka pasok. Pati ang bintana ay nakasirado, minsan ay nakaawang lang ito,wala namang nagtatangkang magnakaw saamin kasi kitang kita na sa labas ng bahay na ilag dekada nadin ang dinaan nito.

Napalunok ako,kinakabahan na ako. Nasaan ba si Amang,at naka kandado ang pinto?

"Bobang?"

Si Ate Petchay iyon. Naglakad sya palapit saakin habang nakakunot ang noo sa mga kahon na nasa lupa.

"Anong ginagawa mo dito?" Napatanga ako sa sinabi nya.

"Nasan po ba si Amang 'Te Petchay?"

Napakurap kurap sya saakin.

"'Di ba umalis na? Ibebenta nya pa nga daw itong bahay para maka luwas kayo sa maynila. Bakit ka pa nandito? At ano yang ba yang dala mo?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"H-ha?"

Kumunot ulit ang noo nya pagkatapos ay itinuro ang bahay.

"Binebenta nya na ang bahay nyo, para doon na kayo sa maynila titira." Napahinto sya bigla at nanlalaki na ang mga mata saakin.

"Iniwan ka nyang mag isa dito Bobang!?" Hindi sya makapaniwalang magagawa yun ni Amang.

Nagsimulang rumagasa ang luha ko sa pisnge.

"N-nasan si Amang?" Nanginig ang boses ko,natatakot akong mamuhay mag isa. At ang maiwan mag isa.

"Ngayon ang punta nyo daw sa maynila,kaya sigurado akong papunta na iyon doon." Nawalan ako ng lakas sa mga sinasabi nya.

Halos mapaluhod ako ng mabilis nyang nahawakan ang balikat ko at inalalayan ako para makatayo.

Dito na ako lumaki sa bahay na ito. Kahit na mga masasama ang alaala ay pinapahalagahan ko ang bahay kasi ito ang iniwan saamin ni mama bago sya mamatay. Ito ang tangi nyang yaman na binilin saamin. Bakit ibebenta? Mahalaga ito saakin! Sobra!

At ang sakit isipin na iniwan din ako ng sarili kong ama!

Saan na ako nito ngayon? Titira na ba ako sa kasada,manlilimos na din ba ako tulad ng mga pulubi sa lansangan?

Nang mahimasmasan ay iniwan na ako ni Ate Petchay para gumawa ng mga gawaing bahay sa kanila. Nagpasalamat din ako pagkatapos ay binuhat ang mga karton.

Kung saan saan ako patungo. Bente na barya barya nalang ang natira kong pera sa bulsa,naubos kasi iyon ng ipambayad ko kay Aleng Berna ang pinalambada ko.

Tumigil muna ako sandali sa isang lugawan,sumisigaw na kasi ang sikmura ko sa gutom,hindi ko na kaya kaya umupo na ako sa isag upuan at ginastos na ang natitirang bente pesospara makakain.

Busog na busog ako ng matapos kumain. Naghintay ako kung krelan sila magsisirado para mahinge ko sa kanila ang natirang niluto na lugaw na hindi na ubos ibenta.

Madilim na ang langit at sa mga tantya ko ay mag a-alas dyez na ng gabi. Sampung oras na ako sa paglalakad. Walang alam kong sana ang patutunguhan. Siguro ay maglalatag nalang ako ng mahihigahan dito sa tabi ng parke.

Inaantok na ako kaya nilatag ko na ang karton na hiningi ko pa kanina sa isang tindahan malapit dito para makatulog. Wala na kasi akong ibang matutulugan pa. Pulubi na ako ngayon.

Sinuksok ko sa tabi ang mga karton na may mga gamit ko. Pilit kong winawala ang mga alaala kay H. Pero heto at nakikita ko sya ngayon sa harapan ko. Malagkit ang tingin,ang mga mata ay walang reaksyon pero parang nang aakit. Magulo ang buhok na mas nagpadagdag atraksyon sa kanya. Ang dila nya ay nasa itaas ng kanyag labi habang hawak hawak ang condom—condom?!

Bigla akong napaupo at tinitigan sya ng mabuti. Hindi nga ako nagkakamali! Sya nga ito. Naka sabit sya sa isang malaking pader. Ineenderso nya ay Hevean&Hell ito yung ginagamit sa kili-kili. Hindi pala condom.

"Ang gwapo nya no? Nakakawarak ng pante!" Gulat akong napalingon sa isang matanda na mayroong nakasabit na basura sa ulo. Nanginginig sya habang nakatingin sa kay H.

"Ha?" Nabigla kasi ako sa kanya.

Humagikhik sya kaya nakita ko ang nabubulok nyang ngala ngala.

"Sus! Aminin mo din! Nawarak pante mo no?" Kumunot ang noo ko at tinitigan sya.

"Aminin nyo din. Di kayo nag sipilyo no?"

Tumigil sya sa pagkakilig at biglang sumeryoso ang mukha.

"Mahihirapan ka sa buhay mo. Isa isa kang iiwan ng mga taong importante sayo." Umawang ang bibig ko,bakit bigla nalamg syang naging seryoso?

At higit sa lahat bakit nya alam lahat ng ito?

"P-papaano mo alam?" Hindi sya ngumisi o sumimangot basta wala lang syang reaksyon.

"Dadaan ka sa unos. Nasaktan ka at mananatili iyong ganon kahit na balewalain mo pa. Papatayin—" nanlaki ang mata ko.

"Ha!?" Anong papatayin?!

"Papatayin sa galak! Hindi mo kasi ako pinapatapos." Umirap ang matanda saakin.

Kumalma ako ng kunti. Parang nadadala ako sa lahat ng sinasabi nya,nakakapagtaka nga lang bakit nya alam iyon.

"Kaya ka papatayin-sa galak ay dahil hahaba ang buhok mo." Ano?

"Anong hahaba ang buhok?" Tanong ko. Gusto kong malaman. Mahaba naman ang buhok ko,tutal ay hanggang tyan ko na nga ito,baka ibig nynag sabihin hahaba pa ang buhok ko hanggang talampakan?

"Basta. Akin na lang yun." Sabi nya at biglang tumayo.

Tatayo na rin sana ako ng magsalita sya.

"Paki pulot nga nung pante ko don." Tinuro nya ang likod ko kaya walang pasubaling sinunod ko ang utos nya pero wala naman akong makitang panti kaya nilingon ko sya at nakitang wala na ang matandang pulubi doon.

Saan na kaya iyon nagpunta?

Nahagip ng tingin ko ang isang sulat sa kahon na nilatag ko. Madumi iyon,binuklat ko ang laman at binasa.

Dunt luk aptir mi.

-lab lats

Base sa sulat ay alam kong ang matandang pulubi iyon. Luminga linga ako sa paligid para hanapin sya ng mahagip ko syang uugod ugod na tumawid sa kalye.

Hahabulin ko sana sya para itanong kong bakit may alam sya tungkol sa buhay ko. Pero nawalan ako ng lakas na habulin sya dahil sumasagi nanaman sa isipan ko ang mga nangyare.

Sinamaan ko ng tingin ang malaki nyang larawan sa taas.

Nanginginig tuloy ag mga labi ko. Naalala ko nanaman sya! Bakit kasi naka awang yang labi nya? Parang pina pa alala lang nito saakin kung gaano sya kasarap humalik ah!

Sa huli ay napag disesyunan kong sa iba nalang matulog. Pinilit ko pang ipikit ang mata ko dahil nawala ata ang antok ko kanina. Pero bumibay din ang mga mata ko at nakatulog ako.

...

"Prrrrrt!"

Nagising ako sa malakas na ingay na narinig.

Isang naka uniporme na pulis ang nakita kong nakatayo. Kaya napabangon ako ng mabilisan at nakita ang ibang mga pulubi na natutulog sa parke ang pinapalayas nila

"Bawal ang natutulog dito sa parke! Kunin mo lahat ng mga gamit mo at umalis ka na."

"Pero po-" Hindi nya ako ponatapos at sya na ang naghagis ng mga kahon ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Umalis ka na,bago pa kita ipadala sa presinto!" Bulyaw nya kaya dali dali kong inayos ang mga gamit na kumalat. Niyakap ko ang mga kahon.

"Tang ina mong pulis ka!" Nagawa ko pang murahin sya at mabilis na kumaripas ng takbo kahit na bumubundol na ng kaba sa dibdib.

Hinihingal ako ng tumigil sa pagtakbo. Pinunasan ko din ang tumulong pawis sa noo ko at leeg. Ramdam ko na ang init sa katawan ko dahil sa pawis. Nalalanghap ko na din ang sarili kong amoy.

Kailangan ko na atang maligo. Pero saan naman? Meron naman atang libreng paliguan dito diba?

Pagkatapos ko sigurong maligo ay maghahanap ako ng mapapagkitaan. Kumakalam na kasi ang sikmura ko.

Wala na akong mahanap na libreng mapagliliguan,kaya tiniis ko na lang ang nahanap kong may naka paligid na trapal,pati ang bubong trapal. Wala itong bayad at ginawa lang ito ng iba pang pulubi para maka ligo din sila minsan.

Kumuha ako ng simpleng t-shirt at karsones na binili pa noong kinse anyos ako,kasya pa naman saakin at ito lang ang pormal kong damit sa ngayon.

Nag igib muna ako ng tubig sa estero malapit lang dito at pinasok ang mapangheng liguan. Wala na akong ibang mapag pipilian,kaya naligo na ako. Pagkatapos ay sinuot na ang napilikong damit. Sinuot ko din iyong tanging sapatos na binigay saakin ni Leryang,malaki daw sakanya. Kasya pa naman din saakin kaya ayos na to.

Naglakad ulit ako kung saan. Tumigil ako sa isang karenderya na may nakitan naka paskil na naghahanap sila ng bagong taga hugas ng plato.

"May hinahanap po ba kayong bagong taga hugas?" Saglit na tumingin saakin ang babaeng tindira sa karenderya at tumaas ang kilay.

"Wala."

"E,nakasulat po dito na nagahahanap po kayo ng bagong taga hugas ng plato." Tinuro ko ang papel sa dingding.

Umismid ang babae at tinitigan ako pataas hanggang pababa. Biglang umarko ang kilay nya.

"Matagal nakaming naka hanap ng bagong taga hugas. 'Tsaka hindi kami kumukuha ng taga hugas na ganyan ang,hitsura." Nangapal ang mukha ko sa sinasabi nya.

Nangangati na din ang mga palad kong isungalngal sa matabang tinutubuan ng buni-buni ang mukha!

"Kelangan ba naka gown kapag mag huhugas ng plato?"

Nalukumos ang mukha nya.

"Hindi."

"Hindi naman pala,e. Gusto mo bang pira pirasuhin ko yang mukha mo?" Natigilan sya sa gulat.

"Kung ipa katay kaya kita kay santanas? Para mapakinabangan yang inuuod mong taba?" Namula ang buo nyang mukha sa galit.

"Lumayas ka dito! Tseh! Hindi ka lang tinaggap eh. Baka gusto mong ipakulong kita sa mga sinasabi mo?" Nagsitinginan na ang mga tao sa lob ng karenderya dahil sa sigaw nya.

Bigla akong natauhan. Oo nga pala,mag isa nalang ako. Mas mahirap atang mamuhay sa loob ng selda. Lumayo ako kaya nakita ko syang ngumisi ng nang aasar.

"Kita mo? Edi ikaw din ang natakot. Pulubi ka,umalis ka na dito! Nakaka sira ka ng negosyo!" Hindi ko na sya pinatulan at umalis na.

Hay. Siguro titiisin ko nalang itong gutom ko.

Napatingala ako sa langit ng makitang dumidilim na ito. Uulan ata ng malakas,saan naman ako sisilong!?

Binalikan ko ang mga gamit ko at tinabunan iyon ng plastik para hindi mabasa ng ulan. Nagsimulang bumuhos ang malakas ng ulan kaya napasuksok nalang ako sa gilid ng tumatama ang ulan sa balat ko. Kinailangan ko pang ibalot ang sarili ko sa malaking plastik para hindi rin ako mabasa,pero tuluyang lumakas ang ulan kaya pati ang mga karton ay nabasa na.

Humangin ng malakas at dumagundong ang pagtunog ng kidlat. Basang basa na ako! Pati ang mga gamit ko!

Nanginginig ang labi ko sa ginaw. Yakap yakap ko nalang ang sarili ko habang umiiyak.

Wala na talaga. Wala nang natira,pati gamit ko nabasa na.

Sumasabay ang pagtulo ng luha ko sa pag ragasa ng ulan sa langit. Naramdaman ko nalang na namimigat na ang talukap ng mata ko. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa lamig. Hindi ko na kinaya at sumirado rin ang mga mata ko.

Kahit na sirado na ang mga mata ko ay naramdaman kong may mga bisig na nagdakot saakin.

Wala na akong lakas para kilalanin kong sino iyon dahil nilamon na ako ng kadiliman.




---

Im very sorrrrrrrrrrryyyyyyy. Okay tama na over na😂 by the way. Here the chapter 11 hope you enjoy!














Continue Reading

You'll Also Like

571K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
4.5M 282K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3M 91.3K 27
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
3.6M 288K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...