chapter 12

40 3 0
                                    


Chapter 12

PAPUNGAS PUNGAS ako ng mag mulat. Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung basa o malamig ba,pero tela ng tuyong damit at mainit kong katawan ang nakapa ko.

Ang naalala ko ay umulan ng malakas at ang mga gamit ko nabasa kasama ako. Nanlaki ang mga mata ko. Yung mga gamit ko!

Mabilis akong napabangon at nilakihan ang mata para makita kung nasaan ako.

Kahoy na ding ding at gibang maliit na lamesaa ng nakita ko wala nang iba pa. Tiningnan ko din ang kinahihigaan ko. Sa papag lang ako nakahiga at tanging sapin lang nito ay banig.

Nakakapagtaka at bakit napunta ako sa ganitong lugar. Sino ba  ang nagdala saakin dito?

Bigla kong naalala yung matitigas na brasong pumulupot sa katawan ko. Hindi kaya sya ang nagdala saakin dito!? Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya kasi tinulungan nya ako.

Sinipat ko ang mga damit ko at napag alalamanang iba na pala ang suot suot kong damit! Naka malaking tshirt at laylay na short na ako ngayon! Nangapal ang mukha ko nang sinilip ang loob ng short ko. Nawala nalang ang kaba sa dibdib ko nang makitang yun parin pala ang panti ko. Mabuti nalang.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ng bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto. Nilingun ko iyon.

"Mabuti at gising ka na." Sya na ba ito? Pero kung sya nga bakit naging kalansay ata ang katawan nya?

Kumibot ang labi ko.

"S-sino ka?"

Napakamot sya sa batok nya at ngumiti kaya nakita ko ang malawak nyang gilagid.

"Oo nga pala! Ako si Estoy,ako yung nagdala sayo dito kagabi." Kumura kurap ako. Hindi makapaniwala.

Ang inaakala kong matipuno at may nagtatampalamg abs at matitigas na braso na tumulong saakin ay isa palang bangkay na hinukay at binuhay muli. Napailing iling ako. Siguro ay sa matinding lamig kung ano ano na ang pumasok sa isip ko ng nang araw na iyon. Dapat ay pasalamatan ko pa nga sya dahil tnulungan nya ako!

Bigla akong napaisip.

"Papano mo ako nabuhat?"

Ngumisi ulot sya at pinakita ang walang kalaman laman nyang braso saka piniga iyon.

"Tagaktak kasi ako sa maskels." Hinalikan nya pa ang braso nya.

Hindi naman ata halata.

"Ah,salamat pala sa pagtulong saakin. Ikaw rin ba ang nagpalit ng damit ko?"

Umiling kaagad sya.

"Naku,hindi! Pinabihisan lang kita sa isa kong kapatid na babae,kasi nga basang basa ka na." Napahinga ako ng malalim. Mabuti at hindi kundi matatadyakan ko sya sa bagang.

Nakita kong ngumisi sya,lumabas nanaman ang malawak nyang gilagid.

"Umaasa ka bang ako ang magbihis sayo? May kras kasakin no? Alam ko naag gwapo at makisig ako aya wag ka ng masyadong pahalata na may gusto ka saakin,hindi kasi kita Tipe." Humagikhik sya na parang kabayo.

Naningkit ang mga mata ko. Bago ko pa sya masampal sa bumbunan ay biglang niluwa ang isang babaeng may naka balot na panyo sa ulo.

Sinamaan nya ng tingin ang lalaki.

"Lumabas ka nga muna Estoy! Diba sabi ko wag kang papasok sa kwarto ng bisita?!" Halos mapuno na ng laway ang mukha ni Estoy.

"E,ate naman—" sinapak sya sa uluhan nung babae.

"Wag mo nga akong matawag tawag na ate dyan! Gunggong ka! Lumayas ka nga sa pamamahay ko! At naasiwa ako sa pagmumukha mong hayup ka." Nang gigigil ang babae kay Estoy.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now