Sky Paradox: Battle of Gangst...

By pen_and_ink

278K 5.5K 1.2K

(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahu... More

Sky Paradox
Sky Paradox Band
Red Scorpion Gang/ Section Fire
Minor Characters
Prolouge
Chapter 1: Babae po ako...
Chapter 2: Section Fire
Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted
Chapter 4: Deal or No Deal
Chapter 5: It's a Cloud-y Day
Chapter 6: Kinidnap si Kambal
Chapter 7: Black Mask Gang
Chapter 8: "Ex"-Mas Light
Chapter 9: Tour Guide
Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"
Chapter 11: Makulimlim ang "Langit"
Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue
Chapter 13: The Warning
Chapter 14: B1 vs B2
Chapter 15: Black Letter
Chapter 16: Ang Katapat ni Grey
Chapter 17: Dilemma of a Womanizer
Chapter 18: Ang Pagbabalik
Author's Note
Chapter 19: Red Strikes Again
Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning
Chapter 21: Teamwork
Chapter 22: Teamwork: The Perfect and the Failure
Chapter 23: Sudden Outburst
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Revelations
Chapter 26: Teardrops
Chapter 28: Friend or Foe
Chapter 29: Unmasked?
Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala
Chapter 31: Friends
Chapter 32: Intramurals
Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

Chapter 27: A Glimpse of the Past

4.9K 144 23
By pen_and_ink

A/N: Ahmmm... ano ba? Wahuhu sorry guys ngayon lang. Sana magustuhan nyo ang aking update.

Sa mga naguguluhan pa rin, sana maliwanagan kayo kahit papaano sa chapter na ito. Read and enjoy guys. :)

VOTE if you liked this chapter & express your reactions through the COMMENT box below. :D

Chapter 27: A Glimpse of the Past

Pasakay na sana si Sky sa sasakyan niya para umuwi nang lapitan siya ni Blue.

Sky pwede ba kitang makausap?

Natigilan si Sky at hindi agad tumugon. Ilang sandali siyang nakatingin lang kay Blue bago tumango. Sumilip siya sa loob ng sasakyan at kinausap si Kuya Pogi. “Kuya sandali lang ako.” Paalam niya dito.

Giniya siya ni Blue patungo sa malapit na bench doon.

Hindi mo kasama si Hanna?” Panimulang tanong ni Sky kay Blue pagkaupo nila.

Ah hindi. Sinusundo na siya ng driver at mga bodyguard niya ilang linggo na din.

Tumango lang si Sky na parang wala naman talaga siyang pakialam sa tinanong. Naghari ang katahimikan sa pagitan nila nang maya-maya’y binasag ito ni Sky.

Hindi mo pa ba sasabihin ang pakay mo?

Napabuntong-hininga si Blue at nananantiyang tinignan ang katabi. “Are you still mad?

Kanino?

Sa akin. Sa amin.

Umiling si Sky. “Wala ka namang ginawa sa akin di ba?” Tumango si Blue. “Sa iba… sumama ang loob ko sakanila pero humingi na sila ng tawad kanina kaya okay na sa akin yun.

Tinitigan ni Blue si Sky ng matagal. He hesitated asking the next question but he needs to know. “How about… R-red?

Hindi sumagot si Sky. Nakatingin lang ito sa kawalan ng matagal na tila walang narinig. Tumikhim si Blue at magsasalita sana nang umimik na si Sky. “Bakit mo gustong malaman?

Hindi inaasahan ni Blue ang balik-tanong nito na parang hindi nito masagot ang tanong niya. “G-gusto ko lang malaman para alam ko kung anong gagawin ko.

Anong gagawin?

P-para matulungan ang kaibigan ko.” Hindi talaga maiwasan ni Blue ang mautal kapag ganito si Sky. Hindi man lang mabasa ang isip nito dahil wala itong pinapakitang emosyon.

Sa paanong paraan?

Natigilan si Blue at hindi maisip ang itutugon. “Pwedeng sagutin mo muna ang tanong ko?

Oo.

Ha?” Napakunot-noo si Blue.

Tinanong mo kung galit pa rin ako sakanya at ang sagot ko ay oo.

I see. I understand.” Ani Blue pero halata ang disappointment sa boses niya. “You already talked to him right?

Uhm kanina.

He hasn’t apologize yet?” Nananantiyang tanong niya.

Umiling si Sky. “At kahit na humingi siya ng tawad kanina ay hindi basta mabubura ng simpleng sorry ang mga ginawa niya.

Napalingon ng bigla si Blue sa katabi dahil hindi niya inaasahan ang sinabi nito. After ng ilang buwang pagkakakilala niya sa babae ay hindi niya akalaing maririnig pa niya ang mga salitang ganito dito. Hindi niya akalaing hindi pala ito ganun kadaling magpatawad. Napahinga siya ng malalim at sumandal sa upuan. Naisip niyang hindi naman ito naging maramot sa pagpapatawad sakanila. Sabagay sa dami ng ginawa ni Red dito ay hindi niya masisisi ito na magalit ng ganun katindi sa kaibigan. Umabot na siguro ito sa limit nito ng kayang itolerate. “A-ano palang napag-usapan niyo kung hindi siya humingi ng tawad.

Hindi na naman agad nakasagot si Sky. Pinag-iisipan kung sasabihin ba sa kausap ang nalaman kanina. Pero naisip niyang bestfriend ito ni Red kaya malamang ay alam na nito ‘yun. At baka mas maliwanagan siya kung maipapaliwang nito ang mga nalaman. “Kinuwento niya ang mga nangyaring hindi maganda sakanya mula pagkabata. Kung bakit siya naging ganun.

Nagulat si Blue. May ganung usapan na pala ang namagitan sakanila. Pero bakit hindi man lang ata nawala or nabawasan ang galit niya kay Red. Natanong niya sa isip. “Anong s-sinabi mo? How did you react?

Nagkibit-balikat si Sky. “Ano ba dapat kong maging reaksiyon dun? Hindi ko naman kasalanan ang mga nangyari sakanya. Kaya hindi ko makita ang rason para gawin niya sa akin ang mga ginawa niya nang dahil lang sa mga pasakit na naranasan niya.

Napakunot-noo si Blue at nakaramdam ng konting iritasyon. Hindi siya makapaniwalang may taong ganito katigas ang puso na kahit marinig ang kuwento mula mismo sa bibig ni Red ay hindi man lang makakaramdam ng simpatya dito. “Hindi mo siguro naintindihan.” Naiiling na wika ni Blue.

Hindi ko talaga maintindihan ang ganung rason. Na porke nakaranas ka ng mga hindi maganda ay tatratuhin mo ng masama ang ibang tao para ano? Para may mapagbuntunan ka?

Inis niyang tinignan si Sky. “It’s not that. I know what your pointing out but for Christs’ sake he poured his heart to you. Yet your still…” Naiiling na bulalas ni Blue na hindi maapuhap ang sasabihin sa nalaman.

May mas malala pa ang mga naranasan kumpara sakanya kaya huwag kayong umastang pasan niya ang mundo.

Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Blue. “Maybe he didn’t tell you yet. That’s the only reason I see why you’re still like-

Ang alin? Na ako si Hime.

Nagulat si Blue at nanlalaki ang mata. “You knew?

Tinawag niya akong Hime matapos niyang ikuwento ang lahat.

Pero… Bakit…?” Naguguluhan at tila hindi makapaniwalang bulalas ni Blue. Hindi na tuloy niya malaman kung ano ang iisipin sa babae.

Hindi ko siya kilala.

Ano?

Hindi ko siya kilala kaya hindi ako ang sinasabi niyang Hime.

Pero…” Natigilan si Blue nang may biglang naisip. “May kapatid ka pa bang babae?” Umiling si Sky. “Then you’re Hime.

Hindi.

But we have evidences.” Giit ni Blue na tumataas na ang boses. “And he said h-he felt it. H-he felt the familiarity.

Ah kaya pala nagawa niya ang mga iyon sa akin.

Mabilis na umiling si Blue. “No you don’t understand. He wasn’t sure and he was hurt… and you… giving him blank gazes and not showing signs of recognition didn’t help either.

Kelan pa naging kasalanan ang hindi pagkakakilala sa isang tao? Dahil lang sa hindi ko siya kilala ginawa niya ang lahat ng iyon sa akin?” Napailing si Sky. “Matalino ka naman. Bakit hindi mo makitang baluktot ang ganyang kaisipan.

Napatungo si Blue at marahas na napabuga ng hininga. “Hindi lang ganun kasimple ‘yun. Wala siyang pakialam kung hindi siya kilala ng ibang tao. It’s just that you’re the most important person for him kaya ganun ang reaksiyon niya. You left him hanging without even words of goodbye. He waited for you all these years even if it seems impossible. Pinanghawakan niya ang sinabi mong babalik ka. At ngayon bumalik ka nga pero hindi mo naman siya kilala. Isipin mo kung ikaw ang nasa kalagayan niya. Pagkatapos ng matagal na paghihintay ay bumalik ang taong pinapahalagahan mo ng lubos para lang madismaya dahil hindi naman pala ikaw ang binalikan. Na wala naman palang saysay ang paghihintay mo dahil hindi ka na importante para sakanya.

Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ako si Hime. Hindi ako ang taong hinihintay niya dahil hindi ko naman talaga siya kilala. At hindi ako nagkukunwari. Hindi ako bumalik para sa kahit na sino. Napadpad ako sa paaralang ito dahil dito ako pinapasok ng pamilya ko.

Matagal na tinitigan ni Blue si Sky. “Saan ka ba galing?

Ano?

Saan ka ba galing para makalimutan mo siya ng ganyan?” Hindi umimik si Sky. “O baka hindi mo talaga siya pinahalagahan gaya ng akala niya kaya nagawa mong basta na lang siya iwan at kalimutan.

Hindi ko masasagot ang unang katanungan mo. Pero para sabihin ko sa’yo, kapag nakipagkaibigan ako ito ay totoo. Hindi ko magagawa ang binibintang mo sa akin dahil malaki ang pagpapahalaga ko sa aking mga kaibigan.

Then why? Bakit mo siya kinalimutan? Bakit mo siya iniwan?” Medyo napalakas na tanong ni Blue. His irritation is growing every minute.

Sandaling hindi nakapagsalita si Sky na tila napaisip sa sinabi niya. “Paano ba kayo nakakasigurong ako nga ang Himeng tinutukoy niyo? Kung ganyan kayo kapilit na ako nga ang batang iyon, siguro nga may basehan ang sinasabi niyo. Pero kahit na ungkatin ko ang kasuluksulukan ng utak ko ay hindi ko maalalang nagkita na tayo noon.

Bumuntong hininga si Blue. Tila nagdadalawang isip na siya ngayon kung si Sky nga ba talaga si Hime dahil mukha namang nagsasabi ito ng totoo. “He recognized your dad.

Dad?

We met him at a party last Sunday.” Tumango si Sky nang maalalang nagsabi nga ang daddy niya na may pupuntahang event nung gabing ‘yun. “He met your father back then that’s why he recognized him. Pero bago pa ‘yon ay may duda na akong ikaw nga si Hime dahil sa mga natuklasan ko. Light called you Hime, the Japanese translation of your real name Princess. Which I realized later on that maybe that’s the same reason why Red called you Hime. I only met you once when we’re kids so I don’t really trust my memory of your face but I recalled your big round eyes.” Nakatingin lang si Sky sakanya na tila naghihintay pa sa sasabihin niya. “And Red’s grandfather kinda told Red that you’re his gift to him.

Regalo? Ako? Kay Red?

Nagkibit-balikat si Blue. “Maybe he discovered that you’re the only one that will make Red happy so he did everything to bring you here.

Sandaling natigilan si Sky nang maalala ang sinabi ng daddy niya nang ipakilala sakanya si Lolo Bigote. Malaki daw ang utang na loob ng pamilya sa matanda dahil ito ang nakahanap sakanya. Napaisip siya noon kung bakit ito magaaksaya ng panahon para hanapin siya gayong hindi naman nila ito kamag-anak at mayaman din naman ito kaya malamang hindi pera ang dahilan. Ngayong narinig niya ang ganitong kuwento kay Blue ay naisip niyang baka ito na nga ang dahilan ng pagtulong sakanila ng matanda. Napatingin siya kay Blue. Maaaring totoo ang sinasabi nila.

Naalala mo na ba?

Umiling si Sky kaya nanlumo na naman si Blue. “May nangyari sa akin noong bata ako na naging sanhi ng pagkawala ng aking alaala.

Nanlaki ang mata ni Blue. “You mean amnesia? You have amnesia?” Hindi sumagot si Sky. “God! Bakit hindi ko naisip ang posibilidad na ‘yun.” Napasabunot sa buhok si Blue na halatang naalarma. “Did you get into an accident on that night?

Hindi pa rin umimik si Sky na nakatingin sa kawalan. Naririnig niya ang mga sinasabi ni Blue pero hindi niya maaaring sagutin pa ang mga tanong nito. Mahigpit na bilin sakanya na walang pagsasabihang iba sa mga totoong nangyari sakanya. Wala naman siyang makitang masama para hindi sundin ito kaya nanatiling tikom ang bibig niya.

Kailangan ko nang umuwi.” Ani Sky saka tumayo.

Teka lang. Sabihin mo muna sa akin ang nangyari sa’yo. You can’t just leave like that after everything you’ve said.” Pagpigil nito sabay hawak sa braso ni Sky.

Tinignan ni Sky ang kamay niyang nakahawak sa braso nito kaya tila napapahiyang tinanggal niya ito. “Wala na akong sasabihin pang iba. Hindi pa kita mapagkakatiwalaan kaya hanggang diyan lang ang pwede mong malaman.

But what would I say to Red.

Tumalikod na si Sky at nagumpisang maglakad. Sinundan ni Blue ng nanlulumong tingin ito at nang huminto ito ay agad siyang napatayo.

Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya kapag humupa na ang galit ko sakanya.

Pe-

Hindi ako tumatalikod sa mga kaibigan ko, kaya kung totoo ang sinasabi niyong naging kaibigan ko siya noon, ay babalikan ko siya. Kapag handa na ako ay kikilalanin ko ulit siya at ibabalik ang pagkakaibigang nawala noon.” Napanganga si Blue na halatang hindi inaasahan ang maririnig. Hindi siya nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa likod ni Sky. “Pero sa ngayon ay hayaan niyo muna ako.” Anito at nagpatuloy nang maglakad. “Ikaw na lang muna ang bahala sakanya.

Dito na napangiti si Blue. Hindi man maalala ni Sky ang kanyang kaibigan ay ramdam naman niya ang sinseridad sa sinabi nito. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang salita nito kaya kampante siyang magiging maayos din ang lahat sa pagitan nito at ni Red. Just wait a little longer Red.

~~~

Pagkatapos makausap si Sky ay nagpasya si Blue na puntahan si Red para makausap. Kung nagkausap na pala sina Red at Sky tapos ay ganun ang mga sinabi ng huli ay sigurado siyang lalong magmumukmok ang kaibigan niya. Kaya kailangan niyang kausapin ito at nang hindi makaisip ng mga bagay na ikapapahamak nito.

Nang makarating siya sa mansion ng mga Howard ay nalaman niya sa katulong na hindi pa umuuwi ang kaibigan. Tinawagan niya ito pero as usual ay hindi ito sumasagot. Saan naman kaya nagsuot yun? Nag-aalalang tanong niya sa sarili. Tinext niya ito at ipinaalam na nasa kanila siya at may sasabihin siyang importante. Nagpunta na lang siya sa may garden para dun maghintay. Sinabihan na lang niya ang katulong na tawagin siya kapag dumating na si Red.

Nilabas niya ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa saka sinindihan gamit ang customize lighter niya na may naka-engrave na pangalan niya. Humithit siya ng matagal bago tumingala at binugang pataas ang makapal na usok na naipon niya. Swabe talaga sa lalamunan niya ang menthol na ‘flavor’ ng sigarilyo na siyang paborito niya lalo na kapag gusto niyang ma-relax. Natuto siyang manigarilyo nang mabuo ang gang nila dahil na rin kay Red. Nung una ay madalang lang siya naninigarilyo pero nang tumagal ay naadik na din siya dito at nagsisilbi nang stress reliever ito. Normally ay nakakaubos siya ng dalawang kaha maghapon pero lately ay hindi na niya nauubos ito dahil hindi siya nakakapagsigarilyo kapag kasama niya si Hanna. Ayaw kasi nito sa amoy nun. Buti na nga lang at may hatid-sundo na ulit ito at nabawasan ang pagsasama nilang dalawa. Si Grey din ay hindi naninigarilyo dahil mabaho raw sa hininga. Dalawa lang sila ni Red ang nalulong sa bisyong ito at ibang miyembro ng gang.

Agad niyang naubos ang unang sigarilyo kaya naglabas na naman siya ng bago. Ganito talaga siya kapag maraming iniisip. Sunod-sunod ang hithit-buga niya kaya madali niyang maubos ang isang stick. Partida pa yan dahil hindi niya sariling problema ang iniisip pero kung maapektuhan siya ay parang sangkot siya dito. Kahit mas matanda kasi si Red ng isang taon sakaniya ay parang siya ang nagsisilbing kuya sa tatlo. Madalas siyang tahimik, hindi nga lang sobrang tahimik gaya ni Red, kaya naman kapag nagsalita siya ay may kabuluhan ang sinasabi niya. Hindi siya yung tipong unang magaaproach para makipag-usap o makipagkaibigan pero kapag kakausapin mo naman siya ay maiimpress ka sa social skills nito lalo na sa mga babae. Ngiti pa lang kasi nito ay mahihikayat ka nang kausapin siya. Wala pa siyang nagiging girlfriend according to him pero may mga mangilan-ngilan siyang naka-fling na nagke-claim na naging girlfriend niya. Well he doesn’t really care about them. He’s way too smart to enter in a serious relationship that he knew from the start would be futile. He knows he’s already binded in an arranged marriage so what’s the use of investing emotions to other girls. Nagsisilbi lang na pampalipas ng oras ang mga ito habang hindi pa siya nakakasal. Magaling naman siyang magtago kaya hindi siya mahuhuli ng ama o ni Hanna kung may pakialam man ito. Ito ang dahilan kung bakit siya tinaguriang silent casanova ng ilang tao. And yeah, Blue’s not the angel you’ve been thinking of. He has his dark side too. Well, everybody does.

Tinapakan niya ang upos ng ikatlo niyang sigarilyo saka pumunta sa may mini-bridge sa lagoon na nasa malawak na hardin ng mga Howard. Tinukod niya ang mga braso sa railings at pinagmasdan ang mga koi na malayang lumalangoy-langoy. Sa pagkakatitig sa mga ito ay nagbalik sa ala-ala niya ang unang gabing nakilala niya si Red. Kasama nito si Hime noon na nilalaro ang mga isda sa isang koi pond ng isang hotel na kung saan ginaganap ang isang event. Natawa siya ng bahagya ng maalala kung bakit ganun ang palayaw ni Red. Lagi daw kasing kulay pula o may ganung kulay ang suot ni Red noon (actually hanggang ngayon) at madali din itong mamula kapag nainitan. Hindi rin kasi nito sinabi agad ang pangalan noong nagpakilala si Hime kaya binansagan siya nito sa palayaw na Red. Hindi nga lang niya nalaman ang reason behind the nickname of Hime dahil hindi naman siya kinausap maski minsan ni Red noon. Si Hime lang ang nag-effort na pansinin siya kaya nga hindi din niya maintindihan ang sarili noon kung bakit ganun na lang niya kagustong kaibiganin ang dalawa. Nahikayat siguro siya sa nakitang kasiyahan sa dalawa habang naglalaro. Pero nang magpaalam saglit si Hime para puntahan ang parents ay nawala na rin ang kislap sa mata ni Red. Naupo lang ito sa isang bench doon at hindi nagsasalita habang nilalaro ang batong pinulot. Tinabihan niya ito pero hindi siya pinansin. Sinubukan din niya itong kausapin pero para lang siyang nakikipag-usap sa hangin. Naglaro na lang tuloy siya sa kanyang PSP at hindi na niya namalayan ang oras. Nagulat na lang siya nang tawagin siya ng mommy niya para umuwi. Napalingon siya sa katabi na hindi man lang gumalaw sa pwesto. Wala na itong hawak na bato at nakatungo na lang. Nagpalinga-linga siya at narealize na hindi pa bumalik si Hime. Nagkibit-balikat na lang siya at nagpaalam dito na kahit papaano naman ay tinanguan siya. At after nun ay hindi na niya nakita ang dalawa sa mga ibang event na dinaluhan niya.

Muli na lang niyang na-meet si Red nang nag-aral siya sa Howard University pagkatuntong ng elementary. Noon niya nalaman na mas matanda ito ng isang taon sakanya at nag-drop lang sa school the year before. Wala itong pinapansin na kahit na sino noon pero lagi pa rin siyang nakadikit dito. Hindi naman siya loner o mahiyain pero pakiramdam niya kasi noon pa lang ay responsibilidad niyang samahan si Red dahil kaibigan niya ito. Naging kaibigan din niya si Grey noong nakita niyang ipagtanggol ito ni Red sa mga umaaway dito. Bata pa lang kasi ay brat na talaga si Grey pero lampa naman kaya kawawa kapag napapaaway. Lagi na rin itong sumasama sakanila after nun. At gaya niya na self-proclaimed bestfriend ni Red ay tinuring na rin sila nitong bestfriend.

In time ay nalaman niyang hindi na pala bumalik at nagpakita si Hime kay Red nang gabing yun. Hindi nga niya akalaing sasagutin ni Red ang tanong niya nun kung bakit hindi na niya nakitang kasama nito si Hime. Pero after nun ay hindi na rin nila napag-usapan ang tungkol sa batang babae. He saw the pain in the eyes of Red at the mere mention of Hime’s name that’s why he decided not to brought up the topic anymore. Yun din siguro ang rason kung bakit sinagot nito ang tanong niya, para hindi na niya ito banggitin pang muli. Pero ganunpaman ay alam niyang hindi pa rin nito nakakalimutan ang kaibigang babae dahil lagi nitong bukambibig ang pangalan nito kapag nagi-sleeptalk sa klase. “Hime, when are you coming back?” “Where did you go Hime?” “I’ll wait for you.” “Please come back, Hime.” Ilan lang yan sa mga sinasabi nito habang tulog. Nagkakatinginan na lang sila ni Grey noon na eventually ay nalaman na rin ang tungkol kay Hime nang tanungin siya.

They were in 4th grade when it all became worse for Red. His mother left them which triggered Red rebellious attitude. He started fighting in the streets causing him wounds and injuries. At dahil hindi naman nila maatim na pabayaan ang kaibigan ay tinulungan nila ito sa mga kaaway. Nag-aral sila ng martial arts at nagpalakas noon para hindi sila laging bugbog-sarado sa mga bakbakan. Sa dami kasi ng nakabangga ni Red noon ay lagi silang napapaaway kaya kailangan nilang magpalakas. Then isang araw ay dineklara na lang ni Red na bubuo siya ng isang gang at sapilitang pinasali ang buong section nila that time. Kahit tahimik si Red ay kilala pa rin ito ng lahat bilang siyang may-ari ng school kaya takot ang mga estudyante at guro dito. Idagdag mo pa ang nakaka-intimidate niyang aura. Walang nagawa ang iba kundi sumali at ang iba naman na ayaw talaga ay sapilitang nag-drop. Maraming beses ding nagpapalit-palit ang miyembro nila dahil hindi natatagalan si Red. Saka lang naging stable ang gang nila nung first year high school na kung saan wala na talagang nadagdag at nabawas hanggang ngayon. Active sila sa bakbakan sa ibang gang noon pero hindi naman sila umabot sa puntong nagpagamit sa mga sindikato o gumamit ng drugs although minsan na nilang na-try ang marijuana pero hindi na naulit pa nang matuklasan ito ng lolo ni Red. Walang rankings ang mga gangs pero kilala ng lahat kung sino ang malalakas at isa na sila sa nagkaroon ng reputasyon na ganun.

Subalit sa kabila ng mga pinagdaanan ni Red ay hindi pa rin nito nakakalimutan ang kaibigang nang-iwan dito. Bukambibig pa rin nito ang pangalan ni Hime sa panaginip although hindi na nila kailanman pinag-usapan o binanggit man lang. At that time he already realize na higit pa sa kaibigan ang tingin ni Red dito. Hindi naman ito magiging ganun sa loob ng maraming taon kung hindi nito mahal ang batang babaeng yun. Kaya naman ay naisip niyang baka sakaling makalimutan na ni Red ng tuluyan si Hime kapag nakahanap ito ng ibang babae. He convinced him and pushed girls onto him pero wala talaga. He’d dumped them not even a minute after meeting them. And then came last year, when Red became interested with a girl. Really INTERESTED that he thought Red was ready to open up his heart to others. Only to find out later on that it’s because of some similiraties with HER that’s why he took notice of the new student. Red didn’t actually said Hime’s name but he knew there’s only one ‘HER’ for him. Nang malaman niya ito ay inasahan na niyang walang pupuntahan ang relasyon ng dalawa. Pero ang hindi niya inasahan ay ang evil scheme ng babaeng yun na paglaruan lang ang damdamin ni Red. Of course, Red was mad back then, not because he was heartbroken but because he was played and fooled. His pride couldn’t accept the fact na naisahan ito ng kinamumuhiang pinsan. His ‘step-cousin’ whose life’s mission is to make Red’s life miserable than it already is.

That’s why he can’t really blame Red for not following his intuition about Sky. He was just being cautios and a little paranoid that the same thing will happen again. Lalo pa nang tinulungan ng pinsan nito si Sky na malusutan ang expulsion. He doesn’t wanna get fooled twice in a row. Alam din naman ni Blue na hindi nga sapat na rason yun para gawin ni Red lahat ng masamang ginawa nito kay Sky pero naintindihan niyang nasaktan lang din ito. Malakas man physically at nakakaintimidate tignan si Red ay mahina naman ito emotionally. He never had a strong foundation to begin with. Deep inside ay isa lang itong vulnerable na bata. Isang batang maagang naranasan ang magkasunod na kabiguan mula sa mga taong pinakaimportante dito. Isang batang naniwalang walang taong mananatili sa tabi nito at maiintindihan ang nararamdaman niya. Na maski sila na matagal nang kasama nito ay ramdam ni Blue na hindi pa rin nito lubos na pinagkakatiwalaan. Batid niyang may mga bagay itong inililihim sakanila na kung hindi lang dahil sa coincidence at likas na pagiging suspicious niya ay hindi niya malalaman. And he knows that until now, Red believes that he’s alone. Alone in his life battle.

But Hime’s here now. Blue thought. If only-

Sir dumating na po si Young Master.” Naputol ang pagmumuni-muni ni Blue sa boses ng katulong na nakausap kanina. “Medyo kanina pa po siya dumating. Pasensiya na po kung ngayon ko lang nasabi. Naglilinis po kasi ako sa dog house kanina kaya hindi ko po nakita ang pagdating niya. Sinabi-

Tinaas ni Blue ang kamay para pigilan sa tuloy-tuloy na pagsasalita ang katulong na mukhang takot na takot. “It’s okay. He’s in his room?” Nginitian na lang niya ito para mawala ang takot nito sakanya.

Y-yes sir.” Tila hindi humihingang sagot agad nito.

Okay, thanks.” Aniya at tinalikuran na ito para magtungo sa loob ng mansiyon. Narinig pa niya ang impit na tili nito na halatang kinilig sa pagngiti niya dito. Napailing na lang siya.

Pagdating niya sa harap ng pinto nito ay sinubukan niyang pihitin ang seradura baka sakaling bukas dahil nakalimutan niyang hingin ang susi sa kuwarto ni Red. Buti na lang at bukas nga ito. Agad niyang nilibot ang paningin sa maluwang na silid na iyon na red and black ang color scheme. Wala doon ang kaibigan kaya nagtungo siya sa walk-in-closet nito pero wala din. Sinubukan niya ang banyo pero wala pati na rin ang balcony nito. Bubuksan na sana niya ang pinto nito patungo sa sariling entertainment room ng kaibigan nang mapansin niya ang nakaawang na pinto na usually nakasarado lang at hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung anong kuwarto ito.

Nag-aalangan man ay lakas loob niyang tinulak ang pinto at sumilip. May liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas at tumatagos sa bintana pero hindi niya maaninag ang nasa loob. Kinapa niya ang switch at pipindutin na sana nang maisip na baka nasa loob si Red at magalit sakanya kapag sinindi niya ang ilaw kaya hindi na niya tinuloy. Pumasok na lang siya ng dahan-dahan at nagpalinga-linga. Tumigil siya sa paglakad at hinayaang mag-adjust ang kanyang mata sa dilim. Ilang sandali pa ay naaninag na niya ang mga bagay na nasa loob ng kuwarto. Iba’t-ibang laki ng canvas na nakalagay sa painting stand ang una niyang napansin. Ang iba dito ay mukhang tapos na at ang iba ay inuumpisahan pa lang. Meron ding blangko lang at wala pang kahit na anong guhit. Pero mukhang lahat ay pareho ang laman. Portrait o mukha ng isang babae. Dahil sa kakapusan ng liwanag ay hindi niya ito mamukhaan. Halos nakatagilid o nakatalikod sa bintana ang mga ito kaya hindi naiilawan. Humakbang siya palapit sa isang canvas malapit sakanya para tignan ng mabuti pero naagaw ng pansin niya ang pader na katapat ng bintana. Direkta itong natatamaan ng liwanag mula sa bintana kaya kitang-kita niya ang kabuuan nito. At bagaman may kadiliman pa din dahil mahina ang liwanag ay sapat na yun para mapagtanto niya kung ano ang nasa pader. Isang mural ang laman ng buong pader. Larawan ng isang batang babae na nakikipaglaro sa isang puting aso na nang titigan niya ay nakilala niyang yung aso ni Red na namatay na. Nang mapadako ulit ang paningin sa batang babae ay kita niya ang kumikinang na mga mata nito habang tumatawa. Napatulala siya dito ng matagal. Hindi niya sigurado kung sa ganda ng pagkakagawa ng painting o sa ganda ng batang babae siya mismo namangha. And now the memory of her face became clearer to him. This is definitely Hime. The same laughing girl he saw playing with Red at that night.

Then it dawned on him. Napalingon siya sa paligid at nakita niya ang iba pang painting na naka-frame at nakasabit sa mga dingding. Ang iba ay nakasandal lang at hindi pa natatanggal ang canvas sa wood frame. Lahat iisang mukha ang laman. Napangaga siya sa naisip at hindi makapaniwalang napatingin sa canvas na nasa harap niya. Hindi pa ito tapos at ang tanging naiguhit lang doon ay ang biluging mga mata, maliit na ilong at maliit na labing napunit ng hindi mapigilang ngiti pero alam niyang parehong babae lang din ng mga nasa ibang painting ang mailalagay doon. He painted it all. All of it. RED PAINTS! And he’s not exaggerating the shock he’s feeling right now. This is definitely one of those Red’s secret that he never suspected of. Sa tagal niyang naging kaibigan si Red ay never niya itong maiisip na nagpipinta. Not to mention ganito kagaganda. Sa art class nila ay wala pa siyang nakitang matinong gawa nito. Lahat mukhang abstract, yun nga lang wala talagang meaning. He never saw him made effort in making beautiful or atleast acceptable artworks kaya nga mababa ang grade nito sa subject nilang yun.

Binalik niya ulit ang tingin sa mural. Halatadong matagal na itong ginawa dahil sa nagfe-fade na kulay ng pinturang ginamit. Although mas mukhang bago ang pagkakapinta ng kabuuan ni Hime na hinuha niya ay ni-repaint lang nito. Tinignan niya pa ulit ang ibang painting doon at napansin niyang karamihan ay luma na. Mahahalata din ang pag-improve sa pagkakapinta ng mga ito. Habang mas nagmumukhang bagong pinta ang mga ito ay mas nagiging detalyado ang mga ito. Ang mga mata na lalong nagkakaroon ng buhay dahil sa mga pinong pilikmatang nakapaligid dito at ang-

Naputol ang pag-aaral ni Blue sa mga painting nang mahagilap ng peripheral view niya ang paggalaw sa may bintana. Agad siyang napalingon dito at nakita niya ang pigura ng isang lalaking nakaupo at nakasandal sa pader na nasa pagitan ng dalawang malaking bintana. At kahit na hindi ito naiilawan ay alam niyang si Red ito. Mabuti na lang at maputi si Red kaya naaninag niya ang mukha nito na bahagyang nakatingala. Hindi niya makita ang mata nito pero may palagay siyang nakatingin ito sa mural na nasa harapan. Dahan-dahan siyang lumapit dito while subconsciously waiting for him to kick him out of the room. Pero hindi ito nangyari hanggang tuluyan siyang nakalapit dito. Nakita niyang tulala ito at parang walang malay sa nangyayari sa paligid. Lumuhod siya para makapantay ito at natigilan siya nang makita ang itsura ng kaibigan. Mukha itong madungis at may ilang galos sa braso at mukha. Putok din ang gilid ng bibig nito.

Hey Red what happened?” Nag-aalalang tanong niya dito. Hindi ito sumagot kaya tinapik niya ito ng bahagya. Hindi pa rin ito sumagot kaya napaisip siya ng gagawin. Patayo na sana siya para kumuha ng first aid kit nang magsalita ito.

S-she didn’t… S-she s-said she’s not H-hime.” Tila nanghihinang sabi nito. “Hindi niya d-daw ako kilala.

Napatingin ng matagal si Blue dito bago nahanap ang boses. “W-what if she’s telling the truth?

Natigilan ito at dahan dahang tumingin sakanya. “You’re telling me that now? After all those proofs? What are you trying to pull off?” Iritadong anito.

No that’s not it. I also believe that she’s Hime. What I mean is. What if she really-” Natigilan saglit si Blue at tinantiya ang kausap bago napabuntong hininga. “-don’t… don’t know who you are.

Red clenched his jaw. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Blue.

Hindi ganun ang ibig kong sabihin.” Mabilis na apela ni Blue saka nagbuntong hininga ulit. “I-I’ve talked to her a while ago.” Nanatiling nakatingin si Red sakanya pero napalitan ng kunot-noo ang mukha nitong galit kanina. “She kinda… well, she didn’t really say it but it’s what she’s-, it’s my interpretation of what she said and-

What is it?” Putol ni Red na naiinip na sa paliguy-ligoy niya.

Natigilan ulit si Blue saka napabuntong-hininga. “I think she had amnesia.

Hindi agad nakapagreact si Red at ilang sandaling natulala sakanya. “Amnesia.

Yeah. She didn’t say the word but...” Iniwas na ni Red ang tingin sakanya at binalik sa tinititigang mural na tila wala na namang naririnig. “Sabi niya may nangyari sakanya nung bata siya kaya nawala ang ala-ala niya noon.

Amnesia.” Ulit ni Red. Yumuko ito saka tinignan ang hawak na silver sa kaliwang kamay. Hindi ito napansin ni Blue kanina kaya tinitigan niya ito. Isang dog tag. “So you really don’t know me.” Sasabat sana si Blue pero nagsalita na naman ito. “You already forgot about me.” Napanganga si Blue sa hindi inaasahang reaksiyon ni Red. Akala niya kasi sasaya ito at mabuhuhayan ng loob pero bakit parang lalo itong nawalan ng pag-asa? “This is hopeless. I’m out of your memory. I’m totally out of your life.” Kumuyom ang kamao nitong nakahawak sa dog tag.

Nanlaki ang mata ni Blue. “Hey you shouldn’t think like that.

Umiling iling si Red. “I’m just accepting the truth. The reality. She didn’t come back for me… She didn’t really know me… She doesn’t care for me… She’s not-

Napatanga si Blue sa nakikita. Nahalata na niya ang namumugtong mata nito kaya may hinala na siyang umiyak ito kanina. Pero ang masaksihan ng harapan ang pag-iyak nito ay hindi niya mapaniwalaan. Umiyak naman na din siya pero sinisiguro niyang walang makakakita sakanya at alam niyang ganun din ang mga kaibigan dahil na rin sa mga problemang pinagdaanan nila. Pero ang ganitong umiyak ang kaibigan habang nakikita niya ang hindi niya mapaniwalaan. He must be really hurting that much for him to let others see his weak state. Bumigat ang pakiramdam niya dahil dito.

Tinabihan niya ito sa pagkakaupo at hinawakan ang balikat. Hinayaan niya itong umiyak na tumagal ng ilang minuto. Nang medyo kumalma na ito ay nagsalita siya. “I know your hurting and tired of feeling like that. But don’t loose hope Red.

Hope?” Naaninag ni Blue ang mapait na ngiti nito. “That’s the very reason why I was hurt like this. Because I freaking hoped. She didn’t tell me to wait but I did because I freaking hope for her return.

And now she’s here. She came back.”

But not for me.” Umiling ulit ito.

Maybe that’s true but you still can’t deny the fact that she really did come back.” Hindi umimik si Red. “Look Red. Instead of sulking-” Tinignan siya ng matalim nito. “I mean sa halip na sumuko ka ng ganyan na hindi man lang lumalaban eh bakit hindi mo gawin ang lahat para maalala ka niya.” Hindi nito inalis ang tingin sakanya kaya nagpatuloy siya. “She said she’s still mad at you…” Nakita niya ang pamumutla nito. “…but she also said she’ll come back to you and that she’s willing to get to know you again to regain your friendship.” Napakurap-kurap si Red at hindi makapaniwalang tinignan siya. “But not now.” Only to be disappointed again. “After nang mga masamang ginawa mo sa kanya ay hindi ka daw niya mapapatawad ng ganun na lang. Sariwa pa sakanya ang mga ito. You need to give her time.

Napayuko si Red. Batid niya sa sariling mahihirapan nga si Sky na patawarin siya agad sa mga nagawa dito. Naisip niya ang mga ito at nakaramdam siya ng galit sa sarili. He let his anger clouded his heart. Pero wala nang magagawa ang pagsisisi niya ngayon dahil nangyari na ang nangyari. He might just be thankful that she’s giving him a chance. “For how long?

 Blue shrugged. “Well you’ve waited for so long already so you just need to wait a little longer.

Wait… Longer…” Mahina at mabagal na bigkas ni Red na tila ninanamnam ang mga salitang iyon.

Or you may want to help her get over her anger faster.” Takang tinignan ni Red si Blue na nagbigay ng suggestive na ngiti. “Start from saying ‘sorry’ to her first.

~~~

Kagagaling lang ni Sais mula sa pagpapatigil ng naging encounter ng gang na isang member ng GC at isang taong non-member. Although nahuli siya ng dating dahil nagkabugbugan na nang dumating siya. Galing pa kasi siya sa isa pang labanan sa kabilang kanto lang. Siya lang kasi ang pinakamalapit na available doon ngayon. It’s really hard to keep up now. Dumadami ang insedente ng paglabag sa rules ng GC ngayon. Hindi gaya nung una na halos lahat takot lumabag. Ngayon, kailangan pa nila minsan ang tulong ng mga trainee ng company. When they started, they expected this task as a part time or boredom-reliever but now it’s consuming more time than they originally allotted into. Sure they got paid and all but he’s now thinking that it’s not worth it. They’re teenagers too and they’re supposed to enjoy their youth and have fun but instead they are controlling, spying and helping their fellow teenagers. Ano bang mapapala nila sa ginagawa nila bukod sa pera na sinusuweldo nila na kung tutuusin naman ay hindi nila kailangan.

I think I might need to talk to Uno. I need to be reminded why we’re doing this.” Naiiling na bulong ni Sais sa sarili saka sinipa ang bato sa harapan.

Malapit na siya sa pinagparadahan niya ng motor niya kaya lalo niyang binilisan ang paglalakad. Pagliko niya sa isang kanto ay agad siyang napayuko at napailag. Nang tumayo siya ng maayos ay nakita niya ang limang kabataan na ang iba ay may mga hawak na pamalo at ang iba ay may mga brass knuckles sa magkabilang kamay.

Bloody Hell. ‘Yan agad ang pumasok sa isip ni Sais.

Ngumisi ang isa na nakapansin ata sa paglunok niya. Pinasadahan niya ang lahat ng tingin at namukhaan niya ang mga ito. Tatlo dito ay galing sa mga gang na kumalaban sa BMG noon at ang dalawa ay galing sa magkaibang gang na dating miyembro ng GC. Agad niyang palihim na kinunan ang mga ito ng picture gamit ang maliit na camera na nakalagay sa singsing niya at pinadala kay Cingko. Kinontak siya agad nito gamit ang wireless communication device niyang earring.

Do you need back up?” Agad na tanong ni Cingko.

No. I think I can handle this much. Just standby.

Alright. Be careful.

Hindi na ito sinagot ni Sais at binalingan ang mga nasa harapan niya. “What do you want?

Buhay mo.” Sagot ng isang may piercing sa kilay at agad na sumugod.

Naiwasan ni Sais ang suntok nito pero napansin niyang napalibutan na siya ng iba. Sinugod siya ulit nito and this time ay nahawakan niya ang kamay nito. Pero agad sumugod ang mestisong may dalang pamalo kaya sinangga niya ang hawak na lalaki. Ito ang napalo at tinulak niya ito sa mestiso kaya natumba ang mga ito. Agad na sumugod naman ang dalawang may brass knuckles pero sinugod ng mabilis ni Sais ang mas maliit at binigyan ng malakas na suntok sa sikmura. It must have been a really strong punch dahil napaluhod agad ito at napasuka ng dugo. Well that’s one of his strategy. Attack fast and give one but powerful punch. He’s not the one possessing the most powerful punch among their group, it was Steel, but he has a decent one. They all have actually. They all have above average fighting skills because of the intensive training they’ve undergone before starting this task.

Iniwasan niya ang sugod ng isa pa bago binigyan ng malakas na sipa ang nakaluhod nang kalaban na tuluyang nakapagpatumba dito. Another strategy, finish one enemy before facing the others. Mas mabuti nang mabawasan ang kalaban kesa injured nga lahat pero maaari ka namang pagtulungan. Sumugod ang dalawang may pamalo at sinalo niya ang isa na minaniobra niya para maisangga sa isa. Naagaw niya ang isang pamalo at agad na hinataw sa inagawan sabay sipa sa sikmura ng isa pang may hawak na pamalo. Napaupo ang inagawan niya sapo ang balikat na napalo kaya hindi niya muna ito pinansin at pinalo ang sinipa kanina. Nang hindi na ito makatayo ay hinarap niya ang nakatayo nang inagawan ng pamalo kanina pero napatalon siya patalikod nang sumugod ang dalawang may brass knuckles. Winasiwas niya sa mga ito ang hawak na pamalo kaya natamaan sila sa kanilang braso. Malakas ang pagkakawasiwas niya kaya bakas ang sakit na natamo sa mukha ng mga ito.

Pinaikot-ikot ni Sais ang pamalo na parang baton. “Ano na? Sugod pa.” Maangas na sabi nito nang hindi pa ulit sumusugod ang mga kalaban.

Nagkatinginan ang tatlong nakatayo pa. “Tara na. Wala na tayong laban dito.” Bulong ng inagawan ni Sais ng pamalo.

Oo nga. Injured na tayo samantalang siya wala pang galos.” Sangayon ng isa pa.

Sige. Idi-distract ko siya. Kunin niyo ang dalawa para makatakas na tayo.” Utos nung unang sumugod kanina. Pagkasabi nito ay mabilis siyang sumugod kay Sais at kumilos naman agad ang dalawa.

Napansin ito ni Sais pero hinayaan niya na lang at sinigurong mabibigyan ang huling kalaban ng ‘remembrance.’ Sumuntok ito gamit ang kanan na sinalubong niya ng malakas na palo na nakapagpasigaw dito. Ramdam nito ang sakit ng pagbaon ng bakal sa daliri nito na tila dumurog dito. Nanginig ang kamay at braso nito na umabot hanggang sa piercing na nasa kilay. Tinagilid ni Sais ang kanyang ulo at tinaas ang pamalo na tila nagsasabing ‘ano, lalaban ka pa?’ Napaatras naman ito at kumaripas ng takbo. Naiwan pa ang brass knuckles na nahulog sa kaliwang kamay nito. Pinulot ito ni Sais at itinaas sa ere.

Mga walang binatbat.

Tsk. Dapat lang kundi itatakwil ka namin.” Napapikit siya sa boses na bigla na lang nagsalita sa ‘comms’ niya.

You’re not the one to talk Quatro.” Aniya dito. Mukhang magkasama na sina Quatro at Cingko kaya ito na ang kausap niya ngayon.

Psh. Dumiretso ka na dito sa HQ.

Aye aye.” Sagot lang ni Sais at binulsa na ang knuckles. Naglakad na siya ulit na parang walang nangyari. Pero napatigil siya at napalingon sa isang gusali nang may mapansin sa peripheral view. Sandali siyang nakatingin lang dito at nang walang makitang interesante ay nagkibit-balikat na lang siya.

Agad namang napatago ang isang lalaki nang makitang lumingon si Sais sa gawi niya. Hindi siya gumalaw doon ng ilang minuto until he heard a faint sound of a motorcycle. Nakahinga siya ng maluwag at nilabas ang notebook para irecord ang nangyari.

APPARENTLY, 5 PEOPLE AREN’T ENOUGH TO TAKE DOWN BMG’S RANK SIX.

Malalakas nga sila. Ni hindi man lang siya nagalusan nung lima. We need to recruit more people. Aniya sa isip. And do more test like this. Sana lang hindi kami maubusan ng tao.

~~~

Sama ka muna sa akin sa office.” Aya ni Cloud kay Sky nang maabutan niya itong papasok ng building nila.

Nilingon siya nito pero patuloy pa rin sa paglakad. “Bakit?

Cloud shrugged. “Wala lang. Para may makausap ako. Maaga pa naman eh.

Sandaling nag-isip si Sky bago tumango. “Okay. Wala pa naman si Rain.

Nagkukuwentuhan silang naglalakad nang biglang tumigil si Sky sa paanan ng hagdanan at lumingon sa kaliwang panig ng pasilyo. “Hmm… Mukhang absent na naman si Yats.

Kunot-noong tinignan siya ng kaibigan na napahinto din nang magsalita si Sky. Tinignan ni Cloud  ang tinitignan niya pero wala naman itong nakitang unusual doon. “Paano mo nasabi?

Nagkibit-balikat si Sky na pinagpatuloy na ang pag-akyat sa hagdan at agad din namang sumunod si Cloud. “Lagi ko kasi siyang nakikita banda diyan kapag ganitong oras. Mukha nga siyang may pinagtataguan.

Pinagtataguan? Bully?” Nagtatakang tanong ni Cloud. “May nambu-bully kay Yats? Binubully ang isang miyembro ng resident gang ng school?

Amused siyang tinignan ni Sky. “Saan mo nakuha ang ideyang yan?” Napatawa ng mahina ito at napailing. “Bully lang ba ang pinagtataguan? Tsk. Mukha siyang may hinihintay eh dahil pasilip-silip siya mula sa pinagtataguan niya.

Eh bakit- hmm… baka sa iba siya nakatago at hindi mo lang makita ngayon.” Ani Cloud. “O baka nalate lang.

Ewan ko.” Hindi kumbinsidong sabi ni Sky. “Kapag kasi hindi ko siya nakita diyan ay absent na talaga siya.

Pagkapasok nila sa office ni Cloud ay agad humilata sa couch si Sky. Naupo naman ang una sa desk niya. Ini-scan niya ang mga papeles na nakalatag sa mesa niya at sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan nila. Nakapatong ang braso ni Sky sa mata niyang nakapikit habang naging pre-occupied na si Cloud sa office works. Pero nang mapasulyap si Cloud sa kaibigang nakahiga ay hindi na niya naalis ang tingin niya dito. Ibinaba niya ang kanyang binabasa at tinitigan si Sky. Sandali pa siyang nag-alangan bago nagsalita.

Sky?” Katahimikan. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya narinig na nag-hum si Sky tanda na nakikinig siya. “How… I mean, si Red, paano kung hindi pa rin siya tumigil? Don’t you think we need to-

Hindi.” Putol ni Sky sa anumang sasabihin pa ni Cloud.

Huh?” Gulat na tugon ni Cloud.

Hindi na niya ako guguluhin.” Siguradong sagot ni Sky habang binabalikan ng isip ang naging usapan nila ni Red kahapon na apparently ay wala pa siyang pinagsasabihan kahit si Cloud.

Paano ka nakakasiguro?” Kunot-noong tanong ni Cloud.

Matagal bago sumagot ulit si Sky. Umiba siya ng puwesto at humarap sa sandalan ng couch, patalikod kay Cloud. “Hindi niya hahayaan ang section fire na lumapit sa akin ulit kung galit pa rin siya sa akin.

Pero hindi ba hinahayaan din naman niya sila dati yet still-

Cloud. Hindi na.” Sky said dismissively. “Hindi na…” She reapeated in a muffled and fading voice.

Natigilan si Cloud sa kasiguraduhan sa tinig ni Sky. Napaisip tuloy siya kung ano ang nangyari para maging ganito kasigurado ang kaibigan. Ramdam niyang may nangyaring hindi niya nalaman at gusto niyang malaman ito. He badly want to know but, knowing Sky, he probably won’t. He sighed exasperatedly and continued where he left off.

Sky was woken up by a whiny voice calling her name repeteadly. She felt the mist sprayed on her that made her sneeze. And when she opened her eyes, she was greeted by Rain’s grinning face inches away frome her own.

Tara na Sky, male-late na tayo.

Hindi agad tumugon si Sky na pinoproseso pa kung nasaan siya. Nilibot niya ang paningin at nakita si Cloud na nakatingin din sakanya mula sa desk nito sa kabilang panig. Binalik niya ang tingin sa hinihigaan at doon lang narehistro sakanya na nakatulog pala siya sa office ni Cloud at ginigising siya ngayon ni Rain dahil time na nila. Agad siyang bumangon at nagsabi ng mabilis na ‘bye’ kay Cloud bago patakbong lumabas. Nabigla man ay agad na sumunod ding tumakbo si Rain. Nang maabutan niya si Sky sa labas ng classroom nila  ay hingal na hingal na si Rain. Taka tuloy siyang tinignan ni Sky.

Ano nangyari sa’yo? Ba’t hingal na hingal ka? Isang floor lang tinakbo natin ah.

Eeehhh kasi naman ikaw. Pinatakbo mo pa ako samantalang pagod na ako bago pumasok.” Nakangusong reklamo ni Rain.

Tinaasan siya ng kilay ni Sky pero bago pa ito makapagsalita ay bumukas ang pinto sa room nila. Napatigil sa paglabas si Buzz na papunta sanang CR nang makita sila. Napaatras ito at mabilis na bumalik sa kanyang mga kasamang nagkukumpulan sabay sabi sakanila sa mahinang tinig at mukhang constipated na mukha, “hindi na pala ako naiihi.

Taka silang tumingin sa pinanggalingan nito at natahimik nang makita sina Sky at Rain. Pigil hininga silang hinintay ang mangyayari.

Pumasok ang dalawa na parang wala lang. Pinasadahan muna ni Sky ang lahat ng nandoon bago ngumiti. “Magandang umaga madlang pipol.

Sabay-sabay na napa-gasp ang mga taga-section fire at nagkatinginan. Pero bago pa maka-react ang iba ay agad nang tumakbo sina B1 at B2 para yumakap sa nabiglang si Sky.

Sky! Namiss ka namin!

Nanlaki ang mata ni Rain sa kabiglaan at nang makahuma ay agad niyang pinalis ang dalawa. At ito ang naging hudyat ng pagkakaibigang naibalik. Nagkatawanan ang lahat at masayang nakipagkwentuhan na kay Sky. Halata sa lahat ang kasabikang makausap muli ang kaibigan.

Blue is quietly observing his bestfriend as they watch the happenings inside the classroom flashing on the TV screen. Dumiretso siya sa classroom kanina pagkapasok pero nang hindi niya matagpuan doon si Red, gayong umalis na daw ito sa bahay nila, ay pumunta siya sa den at doon nga niya ito natagpuan. Nakahiga ito sa couch habang bukas ang TV at nakaflash ang nangyayari sa classroom. Linapitan niya ito at nakitang nakapikit naman pala at hindi nanonood. He sighed and plop down on the single couch at the side. There wasn’t even a minute passed when Red sits up properly and focused his stare on the TV. He heard Sky’s voice replaced the loud buzz in the classroom and when he looked up at the screen, he saw Sky’s smiling face happily chatting with their classmates. Napalunok siya sa hindi malamang dahilan at nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Red at sa TV screen.

Although Red looked a bit relieved, he noticed the pain and bitterness lingering in his eyes while staring at their girl classmate. Hindi na lang siya umumik at nagkunwaring pinagpatuloy ang pagbabasa. He doesn’t see the necessisity of bringing up the topic again since Red’s not that miserable-looking anymore.

Pumasok ka na.” After a while ay narinig niyang sabi ni Red. “I’m staying here.

Nag-angat siya ng tinign dito pero bago pa siya makapagkomento ay na-distract siya sa biglaang pagpasok ni Grey. Mukhang galing ito sa pagtakbo at hingal na hingal. Tinaasan ito ng kilay ni Blue. “May masamang balita.

Napatayo ng tuwid si Blue sa narinig. “Ano?

Napakurap-kurap si Grey na tila nagsubside na ang panic. “Hindi ko pa alam pero sa palagay ko masamang balita?

Huh?” Natatangang napatitig si Blue kay Grey. “Nagdadrugs ka ba?

Nanlaki ang mata ni Grey. “Gago ka ba! Hindi ah. Ito may nag-abot sa’kin.

Doon lang napansin ni Blue ang hawak ni Grey at nanlaki ang mata niya. “No way.” Agad niyang inabot ang itim na envelope at binuksan. Bago niya basahin ang sulat ay napatingin siya kay Red na tiim-bagang na nakatingin sa sulat. Napalunok si Blue at malakas na binasa ito.

Shit!” Cursed Grey.

Tulalang napaupo si Blue. They had a hunch that this will happen eventually but for it to actually happen now, it’s still mind blowing for him. Napahilamos siya ng mukha at napatingin sa TV kung saan pinapalabas pa rin ang nangyayari sa loob ng classroom nila. Andun na din ang ate niya para sa homeroom nila. Tinignan niya ang masayang mukha ng mga miyembro nila at inisip ang magiging reaksiyon nila sa oras na malaman ang ‘masamang balita.’ And then it hit him. He stood up abruptly which startled Grey.

Wala siya sa loob ng room.” Kunot noong bulalas ni Blue.

Sino?” Naguguluhang tanong ni  Grey.

Absent si Arwin!

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.1M 86.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...