Strings and Arrows

By superzaiaa

2.2K 263 0

Never in my entire life have I ever thought that I would become a cupid. Ang hirap naman kasing paniwalaan 'd... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 23

33 5 0
By superzaiaa

Nagiging maayos na naman si Sav these past few weeks but I know there's still sadness in her heart.

Nakatulong naman yata ang one week preparation namin for our Foundation Week next week dahil nadi-distract siya. Malakas talaga yata ang tama niya kay Christian.

Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na hindi naman talaga magkakatuluyan sina Christian at Clara eh.

"Mamaya pa raw ba sina Zeal?" tanong ni Sav sa 'kin.

Sa totoo lang, tatlong araw ko nang hindi nahahagilap 'yang Kupido na 'yan dahil sa walang-tigil nilang pagpa-practice. Late nang nakakauwi tapos maaga namang umaalis. Buti nga at hanggang ngayong araw na lang daw ang practice nila.

"Oo. May practice pa raw kasi sila ngayon eh." Sabi ko habang kasalukuyang naggugupit ng mga ide-disenyo namin sa banner.

"Puntahan na lang kaya natin mamaya? Tsaka dalhan mo na rin ng tubig o kaya snacks."

"Malaki na 'yon."

"'Di mo ba nami-miss 'yong taong 'yon?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Seryoso?"

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Oo nga. Ang kulit."

"Sige. Sabi mo eh." Sabi niya nang nakangiti ng nakakaloko sabay kibit-balikat.

"Stop that."

"Stop what?" Pagmamang-maangan niya.

"That smile. Shiz. You're freaking me out."

"I have no idea what you're talking about."

"Ugh. Okay fine. Pupuntahan na natin si Zeal. Stop that okay? Inaasar mo lang ako eh."

"Yes! Thanks Best! Alam ko naman kasing nami-miss mo rin 'yon."

"Bahala ka nga. Ang kulit."

After we're done for our top design sa banner namin, agad na kaming nagpunta ni Sav sa Cafeteria para mag-lunch.

Medyo nagugutom na rin kasi kami eh. We ordered our usual lunch meal at naupo na sa isa sa mga bakanteng table.

We ate our food silently kasi ganoon na lang yata siguro kami kagutom tsaka kapagod na rin. Busy rin ang ibang studyante sa paghahanda. Puno kasi lagi ang hallway eh. Mga nagsisitakbuhan for sudden errands ng bawat groups nila. It's funny to think na nakakaenjoy panoorin ang ganito. Maiisip mo kasing may pakialam ang mga studyante sa tasks nila.

Well, of course kailangan nilang gawin 'yon para iwas private classes diba?

"Best? Ano? Tapos ka na ba?"

"Yep."

"Let's go. Dalhan na rin natin siya nitong Energy Drink. Tsaka extra shirt."

"Ayos ah. Concerned na concerned ka talaga?"

"Anong Concerned ka diyan? Eh ikaw kaya ang nagdala nitong shirt niya."

"Correction, hindi ko dinala. Kinuha ko lang 'yan sa locker niya."

"Pareho pa rin 'yon. Pinilit lang naman kita na ibigay mo 'to sa kaniya personally eh."

"Anong ako ang magbibigay? Ikaw kaya."

"No, Best. Sasamahan lang kita."

"Ah basta. Ikaw pa rin ang magbibigay niyan."

"Hmm. Okay fine. Pero hawakan mo muna 'yang paper bag tutal wala ka namang ibang bitbit eh."

"Bakit mo pa kasi dinala 'yang mga gamit mo?"

"Wala lang. Baka mawala. Alam mo naman kung gaano ka importante sa 'kin itong mga materials ko diba?"

"Oo na."

Naglakad na kami papuntang Gym at maya-maya pa lang ay nadaanan namin si Grey.

"Uy Best oh. Si Papa Grey."

Agad namang huminto sa harap namin si Grey nang makita niya kami.

"Uy Grey! Kamusta?"

"Ayos lang."

"Hindi ka ba sasali ng practice?"

"Hindi eh. May lakad kasi kami ngayon. Business stuffs, you know."

Napatango na lang ako. Businessmen nga naman oh.

"So pa'no, una na 'ko ah? Ingat."

"Ikaw rin."

Tumalikod na siya at mabilis na umalis. Ganoon ba talaga ka urgent ang lakad nila? I just shrugged my shoulders. Oh well, Ano nga bang alam ko diba?

Maya-maya pa ay nakarating na kami ng gym.

Nauna nang pumasok si Sav at sumunod naman ako sa kaniya.

"Best, ayun si Zeal oh. Dali lapitan mo na."

"Anong ako? Diba ang usapan ikaw 'yong magbibigay?"

"Asus pakipot pa eh. Zeal!" Tawag niya naman sa kumag na 'yon.

Napangiti naman ito nang makita kami. Nasa kabilang side kasi sila ng court. Mukhang kaka-take lang nila ng break. Nagsisi-inuman na kasi sila ng tubig.

"Oh. Sav! Spirit!" Patakbo itong lumapit sa kinaroroonan namin.

Hawak ko pa rin ang paper bag na naglalaman ng extra shirt niya at Energy Drink. I'm starting to think na sinadya talaga ni Sav na may bitbit siya para ako ang magbigay ng mga 'to kay Zeal. Naman! Takte Sav, naisahan mo 'ko pag nagkataon.

"Uy long time no see Zeal!" Bungad ni Sav sa kaniya nang tuluyan na itong makalapit sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ah. Eto kasing si Spirit may gustong ibigay sa 'yo."

Napairap na lang ako sa sinabi niya.

"Siya dapat magbibigay sa 'yo nito pero may mga dala siya." Pagpapaliwanag ko.

'Defensive.' sambit niya saka ngumisi.

Tangina mo.

"Ano 'yan?"

"Obvious ba? Edi Extra Shirt at Energy Drink. Duh."

"Naks. Masiyado namang maalaga itong partner ko." He said playfully at bigla naman akong niyakap.

Sa gulat ko ay agad ko siyang naitulak.

What the fuck was that!?

'Thank you hug?' He answered innocently na may ngiti pa.

Tangina ah. Nakakairita.

"Ano ba 'yan Love Birds. Get a room will you?" Natatawang suway ni Sav sa amin.

Yuck. Love Birds ka diyan.

"But seriously." He said while smiling saka lumapit sa 'kin.

I stiffened at the way he acted. Dammit.

"Thank you hon." Bulong niya saka lumayo at kumindat.

Pucha. Nababaliw na yata 'tong lalaking 'to.

"Uy tama na 'yan. Pinapatay niyo na 'ko sa inggit at kilig! Sabi na eh. Kunwari pa itong si Spirit na ayaw raw magpunta rito. 'Yon pala miss din talaga itong si Zeal. May pabulong-bulong pa kayong nalalaman. Ano 'yon? Ha? Share niyo naman diyan. Baka mamaya niyan kayo na pala." Pang-uusisa ni Sav. Grabe ang Daldal niya. Mukhang naka-move on yata 'to mula sa Ex Crush niya.

Natawa lang si Zeal sa mga sinabi ni Sav.

"Excuse me. Don't jump into conclusions Sav. Nakakamatay."

"Nakakamatay kapag nahulog nang walang sumasalo. In your case, mukhang salong-salo ka na ni Zeal eh."

"You don't know what you're saying Sav." Pagprotesta ko habang umiiling.

"Okay tama na 'yan. Salamat dito ah? Tsaka don't worry My Dear, Spirit. You're gonna see me soon. I'll be all yours." He said and with that, he left smiling from ear to ear.

Tangina samantalang ako dito, windang pa rin sa mga pinaggagagawa niya ngayon.

Naramdaman ko namang sinusundot-sundot ako ni Sav sa tagiliran.

"Stop it Sav. Alis na tayo."

"OMG! Kinikilig ako sa inyo. My Ship is going stronger!"

"Psh. Balimbing ka rin eh."

"Ah basta. Mas nakikita ko ang mabuting future sa ship niyo ni Papa Zeal."

"Wow. So manghuhula ka na ngayon? Balik na nga tayo. Mamaya niyan kung ano-ano pa maisip at sabihin mo."

Pero ang Bruha, nakangiti lang sa 'kin. Mukha siyang ewan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

P.S. ZEAL IS ALSO PRONOUNCED AS ZEL. HIHI. PASENSYA NA, MASYADO SIYANG MARAMING TAWAG KAY CUPID.

Continue Reading

You'll Also Like

206K 4K 43
Owen Caiden. Bastardo, binansagang anak sa labas dahil sa anak ito ng kabit. Laging nakukumpara sa half-brother niyang si Grey Samson. Minsan ng nag...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...