THE ONE That I Wanted (BOOK 1)

By DisenchantedNow

469K 10.7K 821

Ano'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglala... More

THE ONE That I Wanted
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Final Author's Note

Chapter 18

8.3K 244 20
By DisenchantedNow

18.

Nakita ko kung paano naglakad ng mabilis si Alvin papunta sa akin at hinablot ako sa isa kong braso.

"Ano yun ?! Ano yun, Shin ?! Bakit magkasama kayo ng gagong yun ?! Bakit ka niya niyakap ?! Bakit ?!"  tanong niya sa malakas na boses.

Ang masaya niyang mukha kaninang umaga ng magkita kami ay napalitan na ng isang nakakunot ang noo, salubong na mga kilay, at naniningkit na mga matang sumusuri at humuhusga sa akin sa mga sandaling ito.

Napangiwi ako dahil mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"A-Alvin..."

"Bakit?! Paano mo ito nagawa?! Hindi ba sabi ko, gagawin ko naman ang lahat?! Maghihintay ako at hindi ako susuko! Yun pala, nakikipaglandian ka na sa Jordan na yun?! Sa lahat ba naman ng lalaking pwede mong makita, si Jordan pa?! Ang siraulong lalaki pa na yun?! Naiisip mo ba ang ginagawa mo?! Ha ?! Paano kapag nalaman ito ni Paul?! Alam mo ba kung ano'ng pwedeng gawin ng pinsan mo?! Baka magpatayan silang dalawa kapag nalaman niya ang tungkol dito! Na ang pinsan niya eh nakikipagkita at nakikipagmabutihan pala sa mortal niyang kaaway!"

Pilit kong binawi ang braso ko at nahimas ang parteng hinawakan niya ng mahigpit.

"Hindi... Hindi pwedeng malaman ito ni Paul. Hindi muna sa ngayon, pakiusap." sabi ko.

Ngumiti siya ng mapakla at natitigan ako ng parang hindi niya inakala ang lahat. Kasunod noon ang mahigpit na pag-iling niya sa akin.

"At paano ka naman nakakasigurong hindi ko sasabihin kay Paul? Paano mo masisigurong, hindi ako magsasalita sa kaibigan ko? Niloloko mo ang pinsan mo! Umaasa siya na hindi mo pa nakikilala ang gagong yun! Yun pala ay nakikipagkita ka na sa kanya?! At ang matindi pa, nakikipagyakapan ka na! Sabihin mo nga, sabihin mo nga Shin... Siya ba ang dahilan? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinasagot? Kung bakit kahit ano'ng gawin ko eh hindi mo ako mabigyan ng tsansa? Hindi mo ako magustuhan?! Siya ba ang dahilan?!" nangingibabaw ang boses ni Alvin sa buong function hall. Mabuti na lamang talaga at walang ibang tao maliban sa aming dalawa. Walang ibang makakarinig. At sana ay matagal pa ang dating ni Jordan. Sana ay hindi niya maabutan si Alvin dahil alam kong, isang malaking gulo ang mangyayari.

"Walang kinalaman si Jordan sa naging desisyon ko sa yo. Bago ko pa nakita si Jordan, at kinausap na kita at naibigay ko na ang desisyon ko. Kaya hindi siya ang dahilan, Alvin."

"Kung ganon ay wala ka talagang nararamdaman para sa akin? Wala ka talagang pwedeng maramdaman? Pero sa kanya, pwede ka niyang yakapin agad? Ano, nadaan ka ba sa yakap niya? Nasarapan ka ba kaya nagustuhan mo agad? Eh kung halikan kaya kita, na mas matindi pa sa pagkakayakap niya sa yo, magugustuhan mo na ba ako? Ako na ba ang mamahalin mo at hindi ang gagong yun?!" nakataas na kilay na tanong niya.

Natitigan ko siya ng mataman. Hindi ganito magsalita si Alvin. Alam kong nadadala lamang siya ng galit niya ngayon.

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Alam mong hindi totoo yan, Alvin. Hindi ako ganyang klase ng tao." sagot ko.

"Pero ang bilis eh! Sobrang bilis!..." at iwinasiwas niya ang kamay niya sa hangin at tumalikod mula sa akin.

"... Sobrang bilis naman nun! At hindi ko mapaniwalaan! Hindi ko kayang paniwalaan, Shin! Na siya at hindi ako! Mas gusto mo pala ang gago kesa sa isang matinong katulad ko!" saka muling humarap sa akin kasabay ng pagkabasag ng kanyang boses.

"... Ang sakit dito, o! Sobrang sakit! Kasi umasa ako na kapag naghintay ako, kahit kaunti lang ay baka pwede na. Baka magkaroon na ako ng pag-asa! Pero wala pa rin pala! Walang kwenta yung mga ginagawa ko para sa yo! At kahit na may ginagawa ako, mukhang hindi mo naman nakikita yun! Hindi!" at nakita ko kung paano nangilid ng luha ang gilid ng mga mata niya ngunit pinipigilan lamang ni Alvin ang pagtulo ng mga ito.

Napalunok ako. Hindi ko naman ginustong manakit ng ibang tao. Pero, naging totoo naman ako sa kanya noong una pa lang. Hindi ko siya pinaasa. Wala akong sinabi para paasahin lang siya sa wala.

"Pasensya na talaga. Pero, pero hindi naman ako nagsinungaling sa yo una pa lang, di ba? Hindi kita pinaasa, Alvin. Naging totoo ako dahil ayaw kong masaktan kita ng sobra. Ayaw kong mangyari yun dahil  naging mabuti ka sa akin. Mabuti kang tao." katwiran ko.

"Oo alam ko! Alam kong pinamukha na sa akin ang kawalan ko ng pag-asa una pa lang! Pero pasensya na, hindi kita maiwasang sisihin! Sa tuwing nginingitian mo ako, nabubuhay ang pag-asa ko, Shin! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinapasaya ng mga ngiti mo! Pero hindi mo rin alam kung paano ako sinasaktan ngayon! Dahil kahit maging mabait pala ako, kahit na magpakatino pa ako, ang walang kwentang yun pa rin siguro ang pipiliin mo! Siya pa rin at hindi ako!"  iyon ang mga huling sinabi ni Alvin bago siya tumalikod sa akin at tumakbo palayo hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Nanghihina ang mga tuhod ko na naupo sa mahabang upuan at napahawak sa poste. Mabilis rin ang pagtibok ng puso ko dahil abot-abot ang aking kaba sa posibleng mangyari kapag nalaman na ito ni Paul.

May balak naman talaga akong sabihin kay Paul ang pakikipagkita ko kay Jordan. Ngunit hindi sa paraang, susugurin nila ang isa't-isa at magbubugbugan silang dalawa. Gusto kong kausapin si Paul tungkol sa pakikipagbati niya kay Jordan. Gusto kong maayos na nila ang matagal na nilang hidwaan. Dahil pareho silang importante sa akin.

Ngayon hindi ko alam kung pupuntahin ba agad ni Alvin si Paul para sabihin ang nakita niya. Ngunit huwag muna sana.

Sana ay pinakinggan ako ni Alvin. Sana ay sa huling pagkakataon ay nakinig pa rin siya sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at patuloy pa rin sa pag-iisip. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganong ayos ng mapapitlag ako sa kamay na dumantay sa aking balikat.

Laking pasalamat ko ng makita ko ang mukha ni Jordan, at hindi ni Paul o ni Alvin. Ngunit agad itong napakunot ng noo ng mahalata ang naging reaksyon ko.

"Ano'ng problema mo at para kang nakakita ng multo?" tanong niya agad. 

"Ha? H-Hindi naman. Nagulat lang ako sa pagdating mo. Hindi ko kasi napansin." sagot ko at ngumiti ng pilit sa kanya.

Napataas ang kilay niya at tinitigan ako. "Bakit, sino bang iniisip mo at ni hindi mo man lang ako napansin?"

"Si ano... Si mama. Namimiss ko lang kasi talaga siya." Hindi naman talaga si Mama ang pinakamalaking dahilan ngunit bahagi na rin siya ng mga taong iniisip ko dahil hindi naman talaga siya nawawaglit sa aking puso at isipan araw-araw.

Kinuha ni Jordan ang isang kamay ko at iginiya ako patayo. Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ang mga tuhod ko ngunit ngayong nandito na siya ay unti-unti akong nabibigyan ng lakas.

"Tara na. Hindi mo na kailangang mamiss ang Mama mo dahil pupuntahan na natin siya. Hindi mo na kailangang malungkot."

Ngumiti ako. "Salamat. Pero, nagpaalam ka na ba kila Tita Lorie at Gio? Pinuntahan mo sila, di ba?" gusto ko lang masiguro na nagpaalam nga siya sa kanyang pamilya at para hindi rin sila mag-alala sa kanya.

Tumango lamang si Jordan bilang sagot at naramdaman ko na ang kamay niya sa aking kamay, saka isinara ang aming mga palad gamit ng aming mga daliri.

Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay at sapat na iyon para pakalmahin saglit ang nagwawalang tibok ng puso ko sa takot ng posibleng mangyari, at para tanggalin ang problemang nasa isip ko ngayon.

Sa isang iglap, naging payapa muli ang aking pag-iisip, dahil alam kong kasama ko siya, kaming dalawa.

"Ipapakilala mo ako sa Mama mo, hindi ba?" at muli niya akong nilingon, at sa paraan ng tingin niya ay gusto niyang sumang ayon ako.

Nginitian ko siya at nagsimula kaming maglakad palayo ng function hall.

"Bakit gusto mong makilala si Mama?" tanong ko.

"Wala. Gusto ko lang sabihin sa kanya na, napapasunod ako ng anak niya at hindi ko alam kung bakit. At sa dami ng taong nakilala ko at naging kaaway ko, bakit siya lang ang nakagawa nito? Bakit sa kanya lang ako sumusunod? Bakit kahit ayoko eh, ginugusto ko pa rin sa hindi ko malamang dahilan. Baka may makuha akong sagot mula sa Mama mo kaya, gusto ko siyang tanungin." sagot niya at nailagay niya ang isang kamay niya sa kanyang bulsa.

"Pero hindi mo naman maririnig ang sagot ni Mama kung sakali."

Napakunot-noo siya. "Bakit naman? Hindi ba siya nagsasalita?" takang tanong niya.

Matipid akong ngumiti. "Kasi matagal ng patay ang Mama ko. At yung pupuntahan natin ngayon ay sementeryo." sagot ko.

Natigilan si Jordan ng sabihin ko iyon. Natitigan niya ako at napisil niya ang kamay na hawak ko. "Maririnig ko pa rin ang sagot niya. Maririnig ko yun, gamit ng puso ko." sabi niya sa isang mahinang boses.

Sa isang banda, gusto kong mapag-isa kasama siya para pakinggan ang tibok ng puso niya, at baka sakaling malaman ko kung ano ang nilalaman nito.

**

Isinakay ako ni Jordan sa kanyang bike para mabilis kaming makarating sa sementeryong hindi nalalayo sa pagitan ng Igang at Pilar. Doon kasi nakalibing si Mama. 

"Gusto mo bang mahulog at sa laylayan ka lang ng polo ko nakakapit?" galit na tanong niya habang pumipedal at nakahawak sa manibela.

Ayoko naman kasing humawak na lang sa bewang niya ng wala niyang pahintulot dahil baka ikagalit niya iyon. Pero, mukhang iba yata ng dahilan ng ikinakagalit niya.

Napalunok ako ng ilipat ko ang pagkakahawak ko  sa kanya mula sa dulo ng kanyang damit paakyat sa, bewang niya.

Hindi ko alam kung bakit bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil lang sa simpleng paghawak ko sa bewang niya.

"Bakit parang takot na takot ka pa? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman."

"Eh bakit parang ayaw mo? Bakit parang nandidiri ka?"

Napakunot-noo ako bigla. Saan naman niya nakuha ang ideyang yun?

"Ano'ng nandidiri? Hindi ako nandidiri. At bakit naman?... Hindi lang ako, sanay. At isa pa, baka kasi ikagalit mo kung... Kung mangangahas akong humawak sa iyo." paliwanag ko.

"Hindi ka sanay? Pwes, masanay ka na!" tugon niya.

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon ngunit napangiti rin ako sa huli dahil naisip ko ang unang beses na nagkasakay kami sa iisang bisekleta. Ibang-iba sa nangyayari ngayon, at sana ay hindi na ito magbago.

Mabilis kaming nakarating ni Jordan sa sementeryo. Ipinarada niya ang bike sa hindi kalayuan at agad naman kaming pumasok sa loob saka pinuntahan ang puntod ni Mama. Literal na ipinakilala ko si Jordan kay Mama, at naiilang naman siyang sumagot. Gusto kong matawa dahil natatakot siguro siya na baka nga ay sumagot si Mama sa kanya.

Saglit kong kinausap si Mama at nagkwento sa mga nangyayari sa UEP nitong mga nakaraang araw. Kinwentuhan ko rin siya sa nangyaring botohan para sa SOC, at sa pagkapanalo ko bilang presidente. Kahit ang paghahandang ginawa ko para sa Parents Day, at ang kahilingang sana ay nandito siya dahil alam kong mas magiging masaya ako kapag dumalo siya sa kaganapang iyon para sa mga magulang.

"Halika na, bumalik na tayo. Baka tapos na ang programa at hahanapin ka pa nila Tita." Yaya ko sa kanya ng matapos makipag-usap kay Mama.

"Babalik pa tayo? Eh nagpaalam na rin naman ako sa kanila eh."

"Jordan, kailangan nating bumalik. Hindi pwedeng hindi ako babalik doon." Dahil hindi alam nila Paul na pumunta ako dito, at sigurado akong maghahanap sila oras na matapos ang programa, At napag-usapan na rin naman kasi namin na sabay-sabay kaming uuwi sa bahay kasama si Aunti Lenny.

At hindi ko pa rin alam kung sinabi na nga ni Alvin ang nakita niya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.

"Eh paano kung ayaw ko ng bumalik?" at nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

Laglag ang balikat ko. "Hindi pwede..."

Kinuha niya ang kamay ko at muling hinawakan. Pinanood ko lang siya habang ginagawa niya iyon dahil wala akong lakas ng loob na tanggihan siya. "Pero gusto pa kitang makasama."

Wala sa loob ko ang napangiti. "... Nagkikita naman tayo sa loob ng campus, hindi ba?"

Natitigan niya ako. "Hindi ko alam pero, parang nagnanakaw lang tayo ng oras para makita ang isa't-isa. Na para bang nagtatago tayo sa karamihan at hindi nila tayo kailangang makita. Ganon ang pakiramdam ko. At ayoko ng ganong pakiramdam. Ayoko ng tinatago ako, o ikinakahiya ako. Gusto kong makita ng ibang tao, ng ibang lakaki na ako lang ang dapat sa yo."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 20.4K 49
[Completed] Ross is my best friend since first year college. Matalino, gwapo, mayaman, sweet, in other words, perfect, pero certified heartbreaker. I...
644K 7.1K 47
Too dumb to trust the devil.
169K 6.5K 52
[Completed] Precious Nicole Cuevas, isang simpleng babae na nagkagusto sa isang sikat na lalaki. Napakalabo ang mapansin siya nito kung kaya't hangga...
927K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.