His Love Series 1: Loving Har...

By SapphireCastell

567 129 0

"Behind my smile is a hurting heart. Behind my laugh I'm falling apart. Look closely at me and you will see... More

••Prologue••
••Chapter 1••
••Chapter 2••
••Chapter 3••
••Chapter 4••
••Chapter 5••
••Chapter 6••
••Chapter 7••
••Chapter 8••
••Chapter 9••
••Chapter 10••
••Chapter 11••
••Chapter 12••
••Chapter 13••
••Chapter 14••
••Chapter 15••
••Chapter 16••
••Chapter 17••
••Chapter 19••
••Chapter 20••
••Chapter 21••
••Chapter 22••
••Epilogue••
••Special Chapter 1.1••
••Special Chapter 1.2••

••Chapter 18••

13 4 0
By SapphireCastell

"SWEETER THAN SWEET"

Dylan's PoV:

Pagkatapos ng tatlong araw na pamamalagi namin sa Torres' Hospital sa wakas naka-labas na din si Haru. Sabi kasi ni Yusei-san ayos na daw ang pakiramdam niya. Pero nakabenda pa din ang dalawang kamay niya dahil sa tahi ng mga yun.

Now I can already go to school. Sabi sakin ni Haru hindi na daw niya kailangan pumasok pa. Hindi naman daw kasi siya talaga studyante dito sa Altamirano University. Duke just told the principal to pretend that Haru's a student here. He never really enrolled Haru. And Haru said he will focus handling his company. Marami na daw kasi siyang absent. Kawawa naman daw ang sekretaryo niya na dinaig pa ang pagiging CEO.

"So, okay na talaga si senior Haru, Dylan?" Nag-aalalang tanong ni Mira.

Nasa canteen kami ngayon sa usual spot namin. Ao is here but Levi is missing in action. Sabi ni Ao absent daw.

"Wag kayong mag-alala, maayos na ang pakiramdam ni, Haru." I assured them.

"Pero alam niyo, ang nangyaring pambubugbog ni senior Haru dun sa pinsan daw niya ay nakasira talaga sa good image niya." Pabulong na sabi ni Ao. "Especially his revelation that he killed his own uncle."

"Sus! Pakiramdam ko talaga dapat lang na binugbog niya ang pinsan niya. Sabi ni senior Hendrix kasi na ang sama daw talaga ng ugali nun." Kiddo said.

"Kung sabagay." Napatango na lang si Jamm. "Kung masamang tao talaga si senior matagal na niya tayong sinaktan."

"Besides... the death of his uncle is an accident. Pakiramdam lang talaga ni Haru pinatay niya ang uncle niya." Hindi ko mapigilang mag comment.

"Don't worry, bespren. We know that senior Haru is a good man." Mira said while hugging me. "Ang boys lang talaga ang nagsasabi na masama si senior Haru kasi naiingit sila kay senior. Pero wala naman problema ang mga girls."

"Pero, Dylan. Nasaan na pala si senior? Sabi mo maayos na ang lagay niya." Biglang sabi ni Kiddo.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ano kasi..."

Napatigil ako sa papaliwanag ng magsimula magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid namin. Ano na naman kaya ang meron?

"My gosh, girl! Ang gwapo naman nila."

"Tsk! Gwapo ba ang mga yan?"

"Luh! Kasama nila si senior Haru."

"Kasama nila si Haru, tol."

Isa lang naman yan sa mga narinig namin sa paligid. Pero ano daw? Si Haru?

Sabay-sabay kaming lima na napatingin sa entrance ng canteen. And there we saw four guys walking like a king. And Haru is one of the four. Mag
papakamalan mo silang F4.

"Dylan!!!" Senior Hendrix wave at my direksyon.

Sa sobrang ilang ko napa-wave na din ako. At dahil sa pagtawag ni senior Hendrix sakin napatingin ng wala sa oras ang mga tao sakin. Ang sasama pa ng tingin ng ilang mga babae sakin. As I gained handsome friends I also gained female enemies.

Habang papalapit dito sina senior Hendrix, Duke, Flynn at si Haru, kinukulit naman ako ni Mira na ipakilala sa kanila. Hindi ko na pinansin si Mira at napatingin na lang kay Haru. As our eyes meet he instantly flashed me his signature bright smile.

"Nandiyan na ang lover boy ni Dylan." Nakangising parinig ni Mira.

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Tigilan mo nga ako, Mira."

Pero bumungisngis lang siya at mahigpit na niyakap ako. Si Mira talaga... marupok pag dating sa gwapo.

"Hey, love."

Muntik na akong mapatalon ng may bumulong sa tenga ko. But when I saw Haru I instantly smiled at him.

"Hey..." bati ko din sa kanya. "Akala ko ba hindi ka na babalik dito?"

He kissed my nose first before he sat beside me and showed me a pout. "Why? Aren't you happy to see me?"

I rolled my eyes because of his drama. Napakadrama kasi talaga niya.

"Hindi naman sa ganun. Nagtaka lang ako na nandito ka eh sabi mo sakin kahapon na hindi ka na mag-aaral dito."

"I did told you that I will no longer attend the class because I will focus on my company. But I didn't said anything about me not visiting you." He said.

Naglalambing na yumakap na naman siya sa beywang ko at naka-puppy eyes na tumingin sakin. Dahil sa ginawa niyang pag-puppy eyes mas lalong nag sparkle ang aakalain mong tubig niyang mga mata. His beautiful ocean blue eyes sparkled.

"Anong pinapa-cute mo diyan?" Hindi ko mapigipang mapangiti sa itsura niya.

"Don't you miss me, Dylan? Because I really miss you." He replied.

Napatawa naman ako sa sagot niya at pinanggigilan ang ilong niya. "Heh! Tigilan mo ako. Magkasama kaya tayo kahapon."

"Really?" He asked. "But I already miss you. Is it weird?"

"Ayos lang yan. Because you are really weird, Haru." Sagot ko sa tanang niya.

He glared at me for second then smiled. "Pasalamat ka talaga mahal kita."

Nagulat naman ako sa bigla niyang pag tagalog. Nainis ata siya sa sinabi kong weird siya. Pero ngumiti naman siya kaya siguro napatawad na niya ako.

Tinawanan ko muna siya sabay bulong sa tenga niya. "I love you, Haru."

"I don't believe you." He said with a pout.

Luh! Naasar na talaga siguro siya.

"Haru, naman eh! Ba't ayaw mong maniwala?" Pamimilit ko sa kanya.

"If you really love me... shout it. Shout it so that the world will know." He said.

Nginitian ko lang siya at bumulong ulit sa kaniya. "Haru... my love, I love you."

"Why did you whispered it to me again?" Tanong na niya.

Tinawanan ko naman ang itsura niya at palihim na hinalikan ang gilid ng kaniyang labi.

"Because... you are my world, Haru."

Nagulat naman siya sa sinabi ko at bigla na lang siyang tumayo at tumalikod sakin na ikinatawa ko lalo. Maasar nga to.

"Oi, Haru, ba't ka namumula?" Tudyo ko sa kanya.

"This is all your fault." He said without looking at me.

"Luh! Kinikilig ka ba, Haru?"

"Shut up."

"Hindi ko akalain na ang dali mo pala mag-blush."

"One word, Dylan, and I'll kiss you."

"Yiieee! Kinikilig si Haru. Kinikilig si Haru. Kinikili---"

Napatigil ako sa panunudyo sa kanya ng paglapatin niya ang mga labi namin na nag patahimik sakin. Ako naman ngayon ang namula ng makita kong umangat ang sulok ng kaniyang labi.

"Hmm? Why did you stop teasing me, Dylan? Oh! And why are you all red?" He teased me with a smirk on his lips.

"M-manahimik ka nga!" Sigaw ko sa kanya. "Kasalanan mo talaga kapag ipatawag ako sa guidance office dahil sa public display of affection na ginawa mo!"

Pero tinawanan lang ako ng loko. Kaya wala na akong nagawa ng ipulupot na naman niya ang mga braso niya sa beywang ko. Napataas naman ang balahibo ko sa batok ng patakan niya ng tatlong halik ang leeg ko. Ano bang pinanggagawa nito?

Sabay naman kami na patingin sa harap ng may tumikhim dun. There we saw Duke raising his right eyebrow at us.

"Did you guys forgot that we're still here? O wala lang talaga kayong pakealam?" Duke asked.

Haru stared at them for a minute then he shrugged. "Piss off."

Napanganga naman ako sa sagot niya. Ang sama naman niya. Pero parang wala lang yun kay Duke na para bang nasanay na siya sa kaibigan niyang ganun sumagot.

"Hoi, Haru, baka nakalimutan mong baby sitter mo kami ngayon. And you need our help for something today." Duke said as he tapped his index finger on the table.

"I don't need a baby sitter." Haru said with a poker face. "At anong tulong? Wala nga kayong ambag eh! Sina Takeo kaya gumagawa nun, bumuntot lang naman kayo sakin dito."

It's weird hearing Haru speak in tagalog... straight. I noticed that Haru speaks tagalog more often with the presence of his friends. At kapag kasama niya ang mga kaibigan niya ay nagiging suplado siya. While with me, he speaks english a lot tapos ang lambing lambing pa niya.

"Pasalamat ka na lang sinamahan ka namin dito. Para in case na dumugo ang kamay mo kami na ang bahala dun." Flynn said.

"Whatever." Haru just rolled his eyes.

"But, Haru.... " this time it's senior Hendrix who spoke. "Kailangan mong ayain si Dylan."

Ayain ako? Ano na naman kaya ang binabalak ng mga to?

"Paano ko siya maaaya nito kong eepal-epal kayo dito?" Haru said like a kid.

"Ghe! O-order lang kami sandali at kapag bumalik kami na hindi mo pa siya inaaya alam mo na ang mangyayari, Haru. Mission failed." Duke said.

Sabay na tumayo sina senior Hendrix, Flynn at Duke. Nahalata ko din na wala na sina Mira dito. Ang bilis naman nilang mawala.

"Mira and the others left saying that they have some business to do." Biglang sabi ni Haru.

Bigla namang kumunot ang noo ko sa kanya. "Did you just read my mind?"

"Nope. You're just too obvious." He answered.

Ganun? Nakaplaster talaga yun sa mukha ko? Pasimple ko namang kinapa ang mukha ko.

"Nga pala ano yung ibig sabihin ni Duke kanina? Ayain ako saan?" Biglang tanong ko ng maalala ko ang pinag-usapan nila kanina.

"Dylan, if I ask you to marry me would you say I do?" Tanong balik sakin ni Haru.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko din.

"I know I can't marry you now because you're still not in the right age but we can do a hoax wedding. I want to tie you with me. I have to make sure that you will be mine untill I die. Dylan, will you marry me? In hoax for now?"

Hindi ko alam pero naiyak talaga ako sa sinabi niya. Tumango ako habang nakangiti at the same time umiiyak.

"Yes.... I want to marry you, Haru---in hoax for now."

We both chuckled. Niyakap na din ako ni Haru at hinalikan niya ako sa noo. Tsaka niya ako malamlam na tinitigan.

"I can't wait to change your name." He said that made me smile.

"Does that mean I will be Mrs. Dylan Alexandrov?" Nakangiting sabi ko.

Bahagyang lumaki naman ang mata ni Haru sa sinabi ko. "Damn! My last name sounds good with your name attached on it."

Napatawa na lang ako sa sinabi niya at mahigpit siyang niyakap. I'm so happy right now. Hindi ko na alam kung saan ko pasisidlan ang kasiyahang nararamdaman ko.

"We assume that it's a yes." Bigla na naman namin narinig ang boses ni Duke.

"It's a yes." Nakangiting sabi ni Haru.

"Mabuti naman kung ganun." Sabi ni Hendrix na mukhang masaya sa sagot ni Haru.

"So, Dylan." Napatingin naman ako kay Flynn nag magsalita siya. "Mamaya pupunta dito si Amara kasama si Brielle. You should come with them after your class. Pupunta kayo sa mall para bumili ng damit para sa hoax wedding na magaganap."

"Mall?"

"Yes." Patango-tango na sabi ni Hendrix. "The bride should look beautiful on her wedding day."

"Don't worry, sagot na ng lover boy mo yung gastusin." Duke said with a wink.

Timing din na biglang umingay ang school bell namin senyales na ala una na. Kaya hinalikan na ako ni Haru sa noo.

"I can't wait to marry you." He said.

Napangiti na lang ako sa kanya. Sinamahan na din niya ako papunta sa classroom ko. Siya din ang bumitbit ng bag ko. And for the last time he bid me good bye again.

***

Kilala ko na kung sino si Amara, kung tama ako siya ang binilhan namin ni Haru ng bulaklak noon. At ayon na din sa sinabi ni Haru, She's Takeo's precious little stepsister. Pero hindi ko pa kilala si Brielle. Nandito ako ngayon sa labas ng gate ng Altamirano University at hinihintay si Amara.

A white expensive looking car stop infront of me. The window on the back seat slowly opened revealing a pretty girl with a short wavy hair smiling at me.

"Hi, Dylan! Long time no see." Nakangiting sabi ni Amara.

"H-hi." Nahihiyang bati ko.

"What are you waiting for? Hop in." Sabi ni Amara na siya na ang bumukas sa pinto ng back seat at umusog ng kunti para makasakay ako.

Nahihiya man ay pumasok na lang din ako. Mas nakakahiya kapag paghintayin ko sila. Nang masara ko ang pinto agad pinulupot ni Amara ang braso niya sa braso ko. Ngayon ko lang na notice na parang napaka-clingy pala niya.

"Excited na akong mag-shopping kasama ka, Dylan. But lalabz told me na hindi dapat tayo magtagal para hindi tayo abutan ng dilim sa wedding venue." Amara said with an obvious excitement in her voice.

"Uhmm... saan ba ang wedding venue?" Tanong ko kapagkwan.

But then Amara put her index finger between her lips and gave me a cute wink. "That's a secret. We don't want to spoil Haru's surprise for you. By the way...."

Umusog ng kaunti si Amara para ipakita sakin ang taong nasa likod niya. Ngayon ko lang nahalata na may tao pala dun. She's very pretty like Amara, she has a long brown hair na naka braid, maliit lang din ang ilong niya ganun din ang pinkish niyang mga labi, and somehow her face reminded me of someone.

"She's Brielle Torres." Pagpapakilala ni Amara sa babaeng nagngangalang Brielle.

Brielle smiled at me. "Hi! You must be the girl my brother talked about. Dylan, right?"

"Yes. But why would your brother talk about me? By chance, do I know him?" Tanong ko kay Brielle.

"Ahaha! Nakakabatang kapatid ako ni Bryleigh Torres. My brother talks a lot about you." Nakangiting sagot ni Brielle.

Kunot noo naman akong tumgin kay Brielle dahil sa sinabi niya, "Si Bryleigh? Bakit naman niya ako ikekwento sayo? Sa pagkakaalala ko kasi hindi pa naman kami ganun ka tagal na magkakilala."

"It seems like you piqued my brother's interest." Brielle said with a chuckle. "Sabi ni kuya Bryleigh sakin na meet mo daw ang standards niya sa isang babae. He also said that if only you're not kuya Haru's girl he already made you his girlfriend."

"Ay... so it means may crush si Bryleigh kay Dylan?" Nakangising tanong ni Amara sabay tawa. "Kapag malalaman to ni Haru siguradong magwawala ang supladong yun. I think his decision to tie you with him is right. Sa ganda mong yan, Dylan, tiyak maraming magkakagustong iba sayo."

"Hindi naman." I smiled awkwardly. That's too much compliment.

Natahimik naman kami ng biglang mag ring a phone ni Brielle na agad naman nitong sinagot na may matamis na ngiti na parang in love na in love siya sa katawagan.

"Hello, babe? Kasama ko ngayon si Amara at si Dylan ang girlfriend ni kuya Haru... we're going to the mall pero wag kang mag-alala makakaabot pa naman ako sa date natin.. what? Bakit mo ika-cancel? I can make it in time, Marko... fine.. okay bye.. babe, I lo---"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Amara dahil sa tawag na parang hindi natapos ng tama. Lumapit si Amara sakin at pasimpleng bumulong.

"It's her boyfriend Marko. Kung tama ako two years na sila. Pero feeling ko may hindi sinasabi sa kanya si Marko. From the first place kasi hindi na gusto ni Bryleigh si Marko para kay Brielle. I heared kasi noon babaero daw si Marko." Share ni Amara.

May pagka-Mira pala ang isang to. Grabeh mangchismis. Pero kung totoo nga ang sabi niyang babaero yung si Marko, may chance na tino-two time niya si Brielle. Much worse three or four, who knows? Kawawa naman pala si Brielle mukhang deeply in love pa naman siya dun sa boyfriend niyang hindi pinatapos ang pag 'I love you' niya.

Another ring caught our attention. Galing kay Brielle yun. Kaya napa-observe agad kami ni Amara at pasimpleng nakinig.

"Hello?" Brielle started. "Panget, ikaw pala... oo nasundo na namin si Dylan at on the way na kami sa mall... what?... no, no, I'm fine... Flynn, trust me I'm fine... ghe! Magiingat kami... bye."

Kung tama ako si Flynn ang tumawag kay Brielle. But what's her connection with Flynn? Magpinsan ba sila?

"Mag bestfriend sila ni Flynn. And trust me, gugustuhin mo talaga maging boy bestfriend si Flynn. Diba, Brielle?" Sabi ni Amara sabay tingin kay Brielle.

"Uhmm... yes. Flynn is a good friend after all," Brielle said.

"Ouch!" Amara said with a mysterious smirk.

Hindi na ako nakatanong pa dahil tumigil na ang sasakyan sa harap ng entrance ng mall. Bago kami makababa nag habilin muna si Brielle.

"Manong Fred, sa Jaded Botique ka na lang namin hihintayin." Brielle said.

"Opo, maam." Mabait na tugon ng driver na medyo may katandaan na.

Agad kaming pumasok sa mall habang hawak hawak padin ako sa braso ni Amara. Mukhang na excite agad siya na makita ang loob ng mall. Pero sa susunod na lang daw siya maglilibot dahil nagmamadali daw kami.

Hinila ako ng dalawang kasama ko sa may Jaded Botique. Agad naman sila ni Brielle nag hanap ng dress na susuotin ko daw.

Marami silang napiling dress kaya pabalik balik ako sa fitting room para i-try ang mga dress at ipakita sa kanila.

"Parang hindi bagay ang green sa wedding location," Brielle commented kaya bumalik na naman ako sa loob para i-try ang iba.

"Masyadong showy. Ang bilin samin ni Haru pilian ka ng magandang dress pero bawal daw na masyadong nakikita ang balat mo." Amara commented this time.

Ilang beses pa ako nagbalik balik sa loob at marami-rami na din ang na try kong damit. Nakita ko naman ang isang dress na puti. It's sleeve less, hanggang taas ng tuhod ang haba sa harap habang mas mahaba sa likod, tsaka medyo see through siya. Nang lumabas ako para ipakita kina Amara at Brielle ay agad na nagningning ang mga mata nila.

"That dress is perfect." Sabay na sabi nila na nakangiti.

Si Brielle na ang pumunta sa counter para bumayad. I told her that I can pay for it but she said that Haru left a black card for the expenses of the things we will buy.

Pero yun lang ang binili namin. I though we will buy some sandals but Amara said they have a better idea. Kaya hindi nabigatan ang driver nila na magdala ng gamit dahil isa lang naman ang binili namin. Kaya agad na kaming bumalik sa sasakyan.

"Pupunta muna tayo sa house namin since malapit lang naman yun sa wedding venue." Sabi ni Amara.

Hindi na ako nagsalita at hinintay na lang na makarating kami sa bahay nila Amara. Nakita kong pumasok kami sa isang subdivision. At talagang mapapanganga ka sa mga nagagandahan at naglalakihang mga mansion na nandito. Well mas malaki pa rin naman ang mansion nina Haru pero ang gaganda lang talaga ng mga mansion dito. We stopped at a certain mansion. Binuksan muna ni Amara ang bintana dito sa may back seat at sinilip ang ulo niya.

"Sir Sebastian, it's me." Sabi ni Amara sa lalaking naka-tuxedo at napakatuwid tumayo. Kung titignan mo siya maaalala mo si tandang Yamato.

"Good afternoon, miss Amara." The so called man greeted Amara politely.

Ngumiti lang si Amara habang dahan-dahan bumukas ang malaking gate. Nang maka-park na ang sasakyan agad kaming lumabas na tatlo.

"Manong Fred, salamat po sa pagsundo at paghatid. Pwede na po kayong mauna sa bahay nina Flynn. Magpapahatid na lang kami sa driver nina Amara dito. Sasabay na din ako kina kuya Bryleigh pauwi." Magalang na sabi ni Brielle.

"Kung ganun po, ma'am, mauuna na po ako." Nakangiti na sabi ng matanda.

"Sige po, salamat." Brielle said.

Nang makaalis ang sinakyan namin kanina, agad kaming hinila ni Amara sa loob ng pamamahay nila. Mga mamahaling kagamitan ang agad na sumalubong samin. From the floor, furnitures, walls, up to the ceiling, they all shouts money. Pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko ay ang mga litrato na nakapatong sa may shelves, cabinets, at meron din sa walls. Halos mukha nina Amara at Takeo ang nandun. Mula nung parang mga bata pa sila hanggang sa kasalukuyan. For a step-siblings, they're seem so close.

Muntik na akong mapasubsob sa hagdan dahil sa pagkahila sakin ni Amara. We're going upstairs. When we succesfully reached the second floor we went to the third door and Amara opened it. Her girly looking room welcomed us.

Napatingin ako sa paligid at bigla akong napatingin sa may cabinet na bahagyang nakabukas at nakasilip dun ang iilang panlalaking boxers. And surprisingly may halong amoy panlalaki din ang kwarto ni Amara.

"May kasama ka ba dito sa kwarto mo, Amara?" I asked her as curiousity kicks me.

Napangiwi naman si Amara. "Laging nakikitulog dito si lalabz at tinatamad na daw siyang pumunta sa kwarto niya kaya kinareer na talaga niyang dito matulog."

"Lalabz?" Sabay na tanong namin ni Brielle.

"Takeo... Takeo and his lame call signs. We're siblings so it's natural to have an endearment he said." Sabi ni Amara sabay paupo sakin sa may upuan niya.

"Yes, it's somehow natural." Sabi naman ni Brielle. "But usually, siblings often call their siblings in an embarassing nickname."

"T-talaga?" Nautal pa na sabi na Amara sabay awkward na tumawa. "Ano ka ba, Brielle, kailangan pa nating eh make over si Dylan. The bride should look beautiful on her wedding day."

Pagkasabi nun ni Amara inayusan na nila ako ni Brielle. Amara did my make up and Brielle did my hair. Pagkatapos pinasuot nila sakin yung binili naming dress. Akala ko papahiramin ako ni Amara ng sandals pero sabi niya mas ayos daw kapag naka-paa ako. Sino naman kaya ang ikakasal na nakapaa? Nilagyan lang ni Brielle na parang puting lubid ang dalawang binti ko at pinagcris-cross yun.

"And for the final touch." Brielle said as she put a white flower veil on my head.

Nakangiti namang inabutan ako ni Amara ng boquet ng puting bulaklak. "The bride is ready."

***

Pagkalabas namin noon sa pamamahay nina Amara pinasuot muna niya ako ng slippers. At nung nasa biyahe kami sinasabi niyang kailangan daw nakasara ang mga mata ko. Bawal daw sumilip para mas surprising daw kaya yun din ang ginawa ko. Muntik na nga akong makatulog kung hindi lang ako dinadaldal ni Amara.

I felt the car stopped moving but I still didn't opened my eyes yet since Amara didn't said anything. But I felt her put away my slippers.

"Kumapit ka lang sakin, Dylan, para hindi ka matumba." Rinig kong sabi ni Amara.

Narinig ko ding parang may denial sila sa phone nila. Ewan ko lang kung kaninong phone. But then Brielle spoke.

"Panget... nandito na kami."

"Okay, Dylan, bumaba ka na. Dahan-dahan." Sabi ni Amara.

Agad naman akong bumaba ng dahan-dahan hanggang sa makatapak ako sa semento. Somehow I can feel something familliar....

I can feel the ocean breeze. I can also smell the salty sea. As I can also hear the waves.

Napatunayan kong nasa dagat nga kami ng nagsimula na ako sa paglalakad sa buhangin. Malayo-layo din ang nilakad namin hanggang sa tumigil kami.

"Open your eyes, Dylan." Brielle whispered sweetly in my ear.

I slowly open my eyes and a human made altar met my sight. It looks simple dahil mukha lang naman siyang arch na may nakapalibot na puting bulaklak at may telang puti na sumasabay sa ihip ng hangin. The isle... may nakalinyang mga puting kandila dun na parang pathway. Sinundan ko yun ng tingin hanggang sa tumigil ang tingin ko sa lalaking matamis na nakangiti sakin.

And then I heared a soft melody. Ngayon ko lang na notice na... sa beach na to una kong nakilala si Haru. Sinenyasan nila ako nina Amara at Brielle na maglakad na daw. Kaya nagsimula na akong maglakad habang walang tigil na umiiyak. Mabuti na lang water proof ang make up ni Amara. I'm happy but I can't help but to cry.

Ang mga bisita ay halos mga kaibigan lang naman ni Haru. But to my surprise I also saw Kiddo, Jamm, Ao, and Mira. Nakita ko din sina Levi at Ayato.

Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa dulo kung hindi pa ako himawakan ni Haru. Iniangat niya ang kamay niya at masuyong pinahiran ang luha ko.

"Dylan... are you happy?" Tanong niya na tinanguan ko.

I smiled at him. "I'm too happy that I can't help but to cry."

Haru chuckled at me as he kiss me on my nose. Pero natigil din siya ng may tumikhim sa gitna. Akala ko pari... si D' Artagnan lang pala or para save sa laway si Tan-tan. At may dala siyang libro. Akala ko bibliya pero hindi pala... it's a 'Harry Potter' book.

Tan-tan gave Haru a meme look. "Haru, wag mo muna siyang halikan. Hindi pa nga kayo kinakasal eh. May oras pa para pag-isipan ni, Dylan, kung mananatili ba siya sayo o iwan ka."

"Dylan will definitely say I do." Haru said with confidence.

"Whatever." Tan-tan rolled his eyes. "Let's make this freaking wedding quick. Haru Saijou Alexandrov, do you take Dylan as your wife? Sabihin mo lang kung hindi at ako ang magbibigay sa kanya kay Bryleigh."

Nagtawanan naman ang mga bisita namin sa side comment ni Tan-tan. Haru glared at him for second then glance at me with a smile. "I do."

Tan-tan mumbled something like 'love sick fool' na pinagsawalang bahala lang ni Haru.

"And you, Dylan Kertia, do you take this idiot right here that told us out of the blue that he wants to marry his sixteen years old girlfriend? Pwede pang magbago ang isip mo. Pwede ka pang maghanap ng lalaki na hindi pupunta sa kulungan dahil lang sa may relasyon siya sa minor de edad!" Tan-tan said.

I just chuckled at Tan-tan. "I do."

"Ugh!" Tan-tan groaned. "Bagay nga kayo. Ang titigas ng ulo niyo. Now I pronounce you... f*cking man and wife."

Haru smiled at me. "You're all mine... wife."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya hanggang sa paglapatin niya ang mga labi namin at napuno ng sigawan ang paligid.

I married the man I love today... in hoax for now.

🌹💜🌹

(A/n:
Wew! 😅 So far heto ang pinakamahabang chap na nasulat ko. Umabot talaga siya sa 4342 words. But. anyway enjoy reading... kung may nagbabasa nga nito. 😂)


Continue Reading

You'll Also Like

417K 25.3K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
3.1M 252K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...