Demigoddess - Daughter of Pos...

By erinedipity

403K 13K 2.4K

Demigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sass... More

Demigoddess - Daughter of Poseidon
ii. arrow-ed
iii. easy peasy
iv. theory
v. level one
vi. hidden smile
vii. pandora's box
viii. temperature rising
ix. friendship tragedies
x. riddles
xi. sea sick
xii. hades's favorite demigod
xiii. observations
xiv. birthday
xv. love at first shot
xvi. tried
xvii. like^100
xviii. one step ahead
xix. home
xx. small talks
epilogue

i. the one with the violet locks

34.9K 973 338
By erinedipity

note: yo yo yo hahaha hello guys pwede pala kayo magtanong ng tungkol sa connections nila dani tas stacy yung mga differences nila or pagkakaparehas nila sa comments~ sasagutin ko rin pero except yung mga patungo na sa plot hahaha ang gulo oki bye x

___________________________________

i. the one with the violet locks

"Holy shit, bro! Nagsama ka ng cyclops dito?!" OA na pagkakatanong ni Kite sa kapatid ko. Kahit kailan talaga shushunga-shunga pa rin 'tong Kite na 'to. I mean, minsan lang kami nagkita or ako lang nakakita sa kanya, rather (minsan kasi pinasilip ako ni Daddy sa dry land), pero hanggang ngayon ganito pa rin siya. 

"Hindi cyclops! Anong akala mo sa'kin, tanga?" Bwelta naman ni Night sa kanya. Feeling ko talaga nanunood ako ng sitcom habang pinapanood silang dalawa.

Matapos ko kasing mahulog sa buhanginan dun sa bitch--ahem, excuse me, beach, eh sinundan ako ng pinakamamahal kong big bro na si Night. Tinawagan niya 'tong ulupong niyang kaibigan at nagpasundo. Pero hahaha natatawa pa rin ako kasi galing akong dagat tas nahulog ako. I mean, seriously Daddy? Okay move on na ron. So ito, nasa beach pa rin kami at tuloy-tuloy pa rin ang paguusap nitong dalawang demigod sa harapan ko. Oo, nasa harapan ko na sila pero hindi pa rin ako pinapansin ni Kite! Anak ng dikya, siguro mas mapapansin niya 'ko kung cyclops ako 'no? 'Yun kasi 'yung hinahanap niya eh. Pero thanks gods and goddesses of Olympus dahil na-confirm ko sa sarili kong hindi pa kami nakakapagpalit ng mukha nung mga kapatid kong cyclopes dun sa karagatan.

Anyway, pino-problema pa rin ako ni Night kasi nga nagalit daw sa'kin si Daddy. Ako naman happy happy kasi ibig sabihin, tagumpay! Ako ang nagwagi~ hahaha! Kung para kay Daddy punishment na 'to, para sa'kin isang 'tong gift! Merry Christmas, peasants!

"Hello Kite, tanga ka ba or tanga ka lang talaga? Duh, ito na 'ko o!" Sabi ko na dahil nakakarindi na 'tong katangahan nitong lalakeng 'to. Agad naman siyang napatingin sa'kin at yes naman, laglag panga si bebe boy!

Napatingin naman siya agad kay Night nung tinapik siya ng malakas nito. "Damn bro, hindi mo naman sinabi agad sa'kin. The one with the violet locks," wika ni Kite sabay tingin ulit sa'kin. Una eh nginitian ko siya ng fake tyaka ko na siya inirapan.

"Iiwan ko muna siya sa'yo habang kinukumbinse ko si Daddy na pauwiin na 'tong Stacy na 'to," wika ni dakilang kapatid sabay tingin sa'kin. Nagkibit balikat na lang ako. Pero seryoso, hindi na 'ko babalik sa dagat 'no. Andito na 'ko! Free as a bird flying up in the sky tapos balik languyan ulit ako? No thanks.

Oh great. Iiwan ako sa isang... ano ba itatawag ko rito na hindi nakaka-offend? Hmmm... jellyfish? You know, wala kasing utak 'yung jellyfish. Odibadibs? Parang si Kite lang. 

Kating-kati na akong magexplore sa dry land kaya utang na loob sana naman bilisan na ng dalawang 'to ang pagdadaldal para makapagparty party na ako. Anyway, lahat ng alam ko rito sa dry land eh nabasa ko lang sa mga libro na dinadala sa'kin ni Night. Una, ibabato ko muna sa kanya 'yung mga 'yun dahil imbes na ipatikim niya mismo sa'kin 'yung simoy ng hangin sa lupa eh binibigyan niya ko ng mga libro na nagpapainggit lang sa'kin. 

"It's fine with me. Basta ba magbe-behave si Violocks," sabi ni Kite sabay kindat sa'kin. Ha-ha-ha, Violocks? Seriously? Ano 'to ako ang violet version ni Goldilocks? 

"Stacy, you okay with this?" Question sa'kin ni Night.

"Why don't we just get married?" Tanong ko sa kapatid ko. Sa totoo lang ginagago ko lang talaga siya para mainis siya sa'kin at iwanan niya na 'ko para maging totally na akong malaya. "I mean, Zeus married Hera, so why can't I marry you?" Oo nga naman. Full na magkapatid sila Uncle Zeus and Goddess Hera pero nagpakasal pa rin sila. Si Night half-bro ko lang.

"Shut up Stacy. They're gods," rason sa'kin ng kapatid ko.

"And we're demigods," sagot ko naman sa kanya at ipinagdiinan ko talaga 'yung 'gods' sa word na demigod. "We're closer to being like them.

Umiling-iling na lang si Night atyaka na tinapik ulit sa balikat si Kite at nagpaalam na. Niyakap ako ni Night atyaka hinalikan sa may noo atyaka na siya ulit lumusong sa may dagat pabalik kina Daddy. Pagkatapos na pagkatapos ng pangyayaring 'yun eh agad akong napatalon dahil sa tuwa. Sa wakas, malaya na 'ko! 

Narinig ko naman ang pagtawa ni Kite kaya napatigil ako sa pagsasaya ko. Oo nga pala, may bantay pa rin ako. Pero yae na, human jellyfish naman 'tong si Kite kaya kayang-kaya ko pa rin siyang i-manipulate. Mwhahaha!

"Shall we?" In-offer sa'kin ni Jellyfish 'yung kamay niya pero in-ignore ko 'yun at nauna na sa sasakyan. Nung una hindi ko mabuksan kaya binuksan niya 'yun para sa'kin. Instant pahiya pero lintek, dito na pala magsisimula ang kalbaryo ko sa mga kamay ni Kite. 

Buong byahe puro siya daldal. Alam niyo 'yung hindi siya nauubusan ng ikwekwento? Akala ko laya na ako sa karimarimarim na pagtru-trumpet ni Triton 'yun pala mas malala 'tong Kite na 'to. Oh dear gods, I swear muntik na mahulog mga eyeballs ko dahil sa kakairap sa kanya! Tapos lahat pa ng sinasabi niya may connect sa kanya, like come one! 

"Please shut up," saad ko habang nakatingin sa kanya. 

"Violocks? Don't you wanna know things about me?" Tanong nito sa'kin. And idk pero siguro ito na ang ika-101 kong irap sa kanya. Wow, eyeballs stay strong ples. "Or do you just wanna stare at me all day?" Tyaka niya ako nginitian. 

What the Hades.

Sige, tanggap ko na si Triton. Pwede bang siya na lang makasama ko sa loob ng sasakyan na 'to at kahit forever siyang magtrumpet wala na akong pakialam. Mas pipiliin ko naman siya kesa rito sa daldalero na 'to 'no!

"You think you're very, very handsome?" Tanong ko sa kanya. Syempre nandidiri rin. I mean, okay pogi si Kite pero nakakarindi kasi 'yung pagiging daldalero niya kaya errr--imbes na ma-turn on ka siguro baka gusto mo na lang siyang gilitan ng leeg. 

Anyway, advice lang sa magiging girlfriend ni Kite, okay? Siguraduhin niyang puputulan niyo muna siya ng dila bago kayo magdate or whatever. Promise, mas giginhawa ang life niyo. 

"Am I not?" Proud na proud nitong pagkakatanong sa akin at promise, I swear to all the gods and goddesses of Olympus, muntik na 'kong maduwal sa kanya. 

"Perhaps you should just kill yourself like Narcissus did then," bwelta ko sa kanya atyaka ngumisi.

Narcissus. You know him, pretty, pretty lad. Siya ang Mr. Pogi ng Greek Myth eh. Lahat siguro nahumaling sa kanya 'non pero waley, too-fab-for-you and drama niya dahil kahit anong gawin ng mga babae or nymphs na naiinlove sa kanya eh wala pa rin siyang pinapatulan. May title nga akong binigay sa kanya eh. 'Father of All Hard to Get' kasi seryoso, pakipot ever siya. Pero nung isang araw, naghuhunting siya tapos nagutom or nauhaw si Fafa eh may nakita siyang river, lake or something, basta body of water tas 'yun nakita niya 'yung reflection niya then BAM! Nainlove siya sa sarili niya. Tapos 'yun niligawan niya 'yung reflection niya which is really, really crazy. Sa huli eh na-realize niya ring sarili niya 'yung pinagpapantasyahan niya so nagpakamatay siya at 'yun may tumubong bulaklak kung saan siya namatay. Narcissus din ang ipinangalan pero mas kilala siya ngayon bilang daffodil.

In short, nagpakamatay siya dahil sa sobrang kapogian. Hahaha ewan ba. Alam niyo na kung saan galing 'yung narcissistic disorder kaya ayon.

Anyways, sa wakas eh tumahimik na rin si Kite matapos 'yung banat ko sa kanya. Nakarating na rin kami sa isang lugar na maraming kasing edad ko. Sabi ni Kite 'yun daw ang tinatawag na school. Pumasok kami ron at ang dami-daming tao. Mga tumatakbo, mga nagkwekwentuhan, mga nagtatawanan ng malakas ang meron ding mga naglalampungan at naglalaplapan. Wow, ganito pala sa school? Syempre meron ding nagaaral. 

Iniwan ako ni Kite sa isang lugar na maraming pagkain. Canteen ata tawag? 'Di ko masyadong narinig kasi nadaan kami sa maraming nasigaw non eh. So 'yun, kinuhanan niya ako ng isang bote ng tubig dahil hindi pa naman ako nagugutom.

Pero ang pinakanapansin ko talaga rito sa school eh 'yung mga tingin nila sa'kin. Parang ngayon lang sila ngay nakakita ng may violet na buhok? Akala ko ba mahilig magpakulay ng mga buhok ang mga mortals? Bakit parang bago lang sa kanila 'tong ganito? 

"Hey, you!" Narinig kong may sumigaw sa likuran ko kaya humarap ako run. Nakita kong may tatlong babaeng nakatayo at sabay-sabay na naka-cross arms. Lahat sila naka-pink na palda tyaka naka white na spaghetti strap shirt. Lumapit sila sa'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Syempre tinignan ko rin sila from head to toe! "Saan ka nagpakulay ng buhok mo?" Tanong nung nasa gitna sa'kin. Leader ata nila?

"Nagpakulay?" Natawa ako sa tinanong niya sa'kin. Napakunot naman siya ng noo at tinignan ako ng masama. "Natural hair color ko 'to," sagot ko sa kanya.

Seryoso, mula pagkabata violet na talaga kulay ng buhok ko. Sabi ni Daddy favorite color daw ni Mommy 'yun. Pangarap niyang maging violet 'yung buhok ko kaya tinupad naman daw ni Daddy kaso nung pagkalabas na pagkalabas sa'kin ni Mommy na-deads kaagad siya. Sayang. Sighs.

Anyway...

"Hindi kami nakikipaglokohan sa'yo," sabi ulit nung leader nila. Papalapit na siya sa'kin at akma na sana niyang hahawakan 'yung buhok ko pero buti na lang at nakaisip ako ng paraan para hindi niya 'yun magawa. Kasi hindi ako sure kung 'hahawakan' niya lang talaga 'yung buhok ko or sasabunutan. 


Nakita ko 'yung bottled water na hawak nung isa niyang alipores. Pagkalanding na pagkalanding nung mga mata ko run sa tubig eh agad na kumawala 'yun mula sa bote at tumilamsik dun sa babaeng sasabunot na sana sa'kin. So ayon, napahiya si leader at pinagbuntunan niya ng inis 'yung babaeng may dala nung bottled water. Sabi niya sinandya niya raw 'yon at ayon na, instant cat fight.

Bumalik na ulit ako sa pagkakaupo ko habang nakangisi. Take that, girls. Daughter of Poseidon at your service.

Bigla namang may umupo sa harapan ko na isang lalake na naka-sling bag. Naka-snapback siya pero may kakaiba sa snapback na 'yun dahil may dalawa iyong pakpak. Sobrang pogi niya rin. Alam mo 'yung para siyang god--HOLY POSEIDON! It's Lord Hermes! Agad na nanlaki ang mga mata ko nung na-realize kong ang nasa harapan ko na pala ay ang mismong messenger of the gods. 

"Hello Stacy," bati niya sa'kin sabay ngiti. Kaya pala gwapong-gwapo siya. As in super duper mega ultra! Walang kapantay! "I feel like you have a message for your father," sabi niya sa'kin habang nakangiti pa rin.

Bago pa man ako matulaley sa kagwapuhan ni Lord Hermes at tuluyan ng makalimutan ang one and the only kong si Lord Apollo (first love ito, mga friend!) ay huminga muna ako at nagisip na ng ipapadalang message para kay Daddy. 

"Lord Hermes, of course. Pakisabi naman kay Daddy na 'wag niya na akong intindihin at... hindi na ako babalik," wika ko. Mas lumawak ang ngiti ni Lord Hermes matapos kong ibigay 'yung mensahe ko sa kanya. Tumango siya sa'kin at sandaling may kinuha sa bag niya. Nung nakuha niya na 'yun eh agad niya iyong ibinigay sa'kin. Kung ano 'yon? Rose lang naman. Haaay, Stacy~

"Welcome to the mortal world, Stacy," sabi niya sa'kin. Pagka-blink ko eh wala na siya tapos 'yung red rose na binigay niya sa'kin eh nakasuksok na sa taas ng tenga ko. Syempre hindi ko napigilang mapangiti kasi omgs naman 'di ba, tunay na nakakakilig!

Kailan naman kaya magiging ganon sa'kin si Lord Apollo 'di ba? Kahit naman kasi may girlfriend siya, siya pa rin tinitibok ng heart ko. Love na ito, mga friendship! 

Nasa kasagsagan ako ng pagdi-daydream nang biglang dumating sina Kite at dalawa pang demigods na agad-agad ko namang nakilala. Natuwa ako kasi finally makikilala ko na rin silang dalawa. Kinikwento lang sila sa'kin ni Night dati at sa pictures lang sa phone ni Night ko sila nakikita pero ngayon, nasa harapan ko na sila. Wow, what a nice day.

"You must be Dani, daughter of Zeus," wika ko. Bago pa man sila makaupo eh nagulat na agad sila sa'kin. Slow motion silang naupo pero nginingitian ko lang sila. 

Nasa gitna si Dani habang nasa gilid naman niya sina Kite at si Neon. Siniko ni Dani si Kite at binulungan. Useless din kasi narinig ko rin naman. Nagkunwari na lang ako na effective 'yung bulungan session nila. 

"Akala ko ba wala siyang alam dito sa lupa?" Tanong ni Dani kay Kite.

"Matalino siya Dani, magingat ka," sagot naman ni Kite sa kanya. Siniko niya ulit ito atyaka na humarap sa'kin. 

Nginitian ko siya at nginitian niya rin ako pero halatang hindi siya comfortable sa'kin kaya kay Neon na lang ako tumingin na kasalukuyang tumitingin sa buhok ko. 

"Hi Neon," bati ko sa kanya sabay ngiti. Ngumiti rin siya sa'kin. Napaisip ako. Mas angat nga talaga sa looks si Cy pero exceptional din naman ang mukha ni Neon at bagay sila ni Dani, I admit. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Dani na unti-unti ng sumasama ang tingin sa'kin. "Inabangan ko 'yung love story mo. Akala ko talaga si Cy 'yung pipiliin mo and mas exciting sana kung naging mala-Trojan War 'yung kinahinatnan," pahayag ko. Gulat na gulat naman si Dani pero agad niya 'yung binawi at tinignan ako ng super samang look. Ouch but not really. "And you could have been Paris the second," I continued to smile at her widely.

Bigla namang dumating si Night at umupo sa tabi ko. Siya na ang kinausap ni Dani kaya kay Neon na lang din ako tumingin at ngumiti. Hmmm, he looks like his father. 

"Nakausap ko na si Lolo--I mean Principal. Pwede na siyang magsimulang pumasok dito bukas," sabi ni Dani kay Night. 

Magaaral na rin ako? Hmmm... interesting. Gusto ko lang ng experience kaya papatulan kong magschool. Although matalino naman na ako at hindi ko na talaga kailangan magaral, for the sake of new adventure and experience, gogora na lang ako.

"Thank you Dani," wika ko sa kanya. Nginitian niya rin ako pero hindi pa rin siya mapalagay sa harapan ko. "You're so nice. Hindi ko alam kung bakit ayaw sa'yo ni Goddess Aphrodite. Hindi ka naman mas maganda sa kanya?" Pagpapatuloy ko.

Of course alam kong ayaw niya kay Goddess Aphrodite pero ewan. Ang sarap kasi pagtripan ni Dani. Siguro kung mas magiging komportable siya sa harapan ko baka tigilan ko siya. For the mean time, ganito muna ako sa kanya hihihihi.

Nginitian niya ako ng peke atyaka inilahad niya 'yung kamay niya sa'kin. 'Yung akmang makikipag-shake hands ba?

"Ha-ha-ha funny, Stacy. Nice meeting you!" Nagkibit balikat na lang ako dahil sa inasal ni Dani at nakipagshake hands na rin sa kanya.

Nakita ko namang nagbago 'yung ngiti niya at para bang may hinihintay siyang mangyari kaya hinigpitan pa niya 'yung hawak sa'kin. Nung sure siyang wala talagang nangyayari hinugot niya 'yung kamay niya habang nakakunot ang noo niya.

Tumingin siya kay Kite at bumulong ulit. As usual, nagpanggap ulit akong hindi ko naririnig.

"Bakit hindi siya nakuryente? Hindi na naman ba gumagana?" Tanong niya kay Kite atyaka niya inihawak sa kamay ni Kite 'yung kamay na pinang-shake hands niya sa'kin.

Agad namang napasigaw si Kite. "Damn it, Dani!

Lahat kami napatingin sa direksyon nilang dalawa. 

"Gumagana naman. Bakit sa kanya hindi?" Confused na tanong ni Dani kay Kite. Si Kite naman hinihimas pa rin 'yung part na kinuryente ni Dani. Natatawa ako sa kanila, to be honest. 

"Poseidon happened," panimula ni Kite. "Electricity ka 'di ba? Water si Stacy. Pwede kayong magteam up kung gusto niyong kumoryente ng tao or kahit anong conductor pero hindi tatalab sa kanya 'yang powers mo," paliwanag nito kay Dani.

Ewan ko kung bakit hindi napapansin ni Neon o ni Night 'yung pinaguusapan nila Dani pero natatawa pa rin ako sa kanila. Nice, isang malaking sitcom pala 'tong pinasok ko. Hahaha!

Sandali kong inalis ang atensyon ko sa kanilang dalawa at tumingin kay Night.

"Night, I want a dolphin." Sabi ko sa kapatid ko.

"Ano na namang gagawin mo sa dolphin?" Tanong nito sa'kin.

"Lord Apollo likes dolphins. I want to present a gift to my love one," ngiting-ngiti ko pang pagkakasabi kay Night nang biglang sumingit si Dani.

"WHAT?" Pasigaw niyang tanong.

Continue Reading

You'll Also Like

909K 38.1K 54
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang pag...
168K 8.8K 34
[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los E...
2.8K 174 53
A story for the common people of the society locked inside the biggest cage in the world. ***
7.1K 915 11
Hundreds of years ago, there lived a king who was loved and adored by his people. He was a wise and powerful ruler that led his kingdom to be the mos...