My Tag Boyfriend (Season 2)

By OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... More

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 12

314K 5.7K 2K
By OppaAnja

My Tag 12

Sitti's POV

          Pwew! Akala ko talaga napatay ko na si MM! Gutom lang pala siya kaya siya nahimatay.

          Tsk! Tsk! Tsk! Nakakainis itong si MM! Tinakot niya ako kanina! Akala ko talaga napatay ko siya! Akala ko talaga naging vampire na ako! Nakakainis!

           I therefore conclude na hindi totoo ang mga vampires. I therefore conclude na hindi totoo si Edward Cullen! WAAAAAAA!

          Eh werewolves kaya? Totoo kaya sila? Totoong may wolves di ba? So ibig sabihin...

          Totoo si Jacob Black?! WAAAAAAAA! JACOB BLACK!

          "Bakit may isa yata sa atin na hindi masaya dito?"

          Napalingon ako doon kay Tobi the manyak nang bigla siyang magsalita at sunod kong tiningnan 'yung tinitingnan niya—I mean nang lahat pala.

          Napatingin ako tabi ko at bigla akong napakunot-noo nang makita ko 'yung expressionless na mukha ni Kaizer Buenavista.

          Hala! Anong problema nito? Iniisip pa rin ba niya na pinatay ko si MM na best friend niya?

          Eh buhay naman si MM di ba?! Naka-party hat na nga siya at nasa pinaka dulo nitong mahabang mesa nila sa sala eh! Ano pa bang kinakagalit—o kung galit nga talaga siya—ni Kaizer Buenavista?

          "Okay ka lang ba Kai Kai?"

          Katabi ni Kaizer sa kabila si Kris sabay tinapik niya ito sa balikat pero wala pa ring reaksyon si yabang.

          'Ano bang problema nito?'

          Saka bakit may pakiramdam ako na ako ang may kasalanan sa pagkakaganoon niya? Na responsibilidad ko kung bakit nagiging bipolar na naman siya?

          "Oy!" Sabi ko sabay siko sa tagiliran niya. "Ayos ka lang?"

          Dahan-dahan siyang napalingon sa akin saka ako tinapunan nang masamang tingin.

          Alam niyo 'yun? 'Yung mala-laser beam na tingin? 'Yung tingin na tutusok sa buong pagkatao mo at lalong magpapakonsensya sayo?

          'Ano bang atraso ko rito? Parang wala akong maisip ah!'

          Teka sandali at pag-iisipan ko.

          Ano bang nagawa ni Felicity Sandoval nang hindi niya nalalaman?

          'Naggrocery kami kasama si Margaret. Bigla akong niyakap nang manyak na si Tobi Dela Cruz. Pumasok ako sa kwarto ni MM. Nabasag 'yung picture frame. Nasugatan si MM. Sinipsip ko 'yung dugo sa daliri ni MM. Dumating si Kaizer—'

          AHA! Alam ko na! Alam ko na kung bakit siya galit!

          Nagagalit siya sa akin kasi inisip niya na nakita ko 'yung picture sa frame na nabasag ni MM na hindi pala talaga picture ni MM nung bata pa siya na hubad kundi picture iyon ni Kaizer na hubad nung baby pa siya!         

          AHA! Ang talino ko! Nagagalit siya kasi akala niya nakita ko ang nakakahiyang picture niya!

          "Ngumiti ka naman diyan Kaizer! Bakit ba ang sungit mo pa rin hanggang ngayon?"

          "Bilisan na natin at uuwi na ako."

          "Huh?"

          Lahat kami napatingin sa kanya doon sa sinabi niya.

          Uuwi na siya? Bakit? Eh di ba birthday 'to nang best friend niya? Bakit uuwi na siya agad?

          "Eh, Kaizer kakarating mo lang di ba? Kaya bakit—"

          Hindi na natuloy ni Tobi 'yung mga sasabihin niya nang bigla na lang siyang harapin ni Kaizer saka ito nagsalita.

          "Gusto ko nang umuwi. Masama pakiramdam ko ngayon. Kaya tapusin na natin 'to."

          Hala! Bakit ganoon siya magsalita? Bakit parang bumalik siya sa dating masungit at ubod nang sumpungin na Kaizer Buenavista? 'Yung egoist Prince ng Eastton?

          Tsk! Tsk! Tsk! Masama na 'to! Kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya na wala naman akong nakita kasi nakuha agad ni MM 'yung picture niya eh!

          "Ah...ano....Kaizer—"

          "Wag ka munang magsalita, Felicity. Masama pakiramdam ko sa'yo."

          Naitikom ko bibig ko at hindi na lang ako nagsalita.       

          Ewan ko ba. Medyo nasaktan ako doon sa coldness ng boses niya. O coldness ng mata niya. Ah ewan! Basta! Lalo akong na-guilty sa coldness niya.

          Sasabihin ko na nga na wala akong nakita eh! Bakit ba siya nagagalit sa akin huh?

          "O...kay. Bakit may pakiramdam ako na may LQ dito sa sala ngayon?"

          Napaangat ako nang tingin kay Tobi tapos nakita ko na napapatango si Kris at Patty doon sa sinabi ni Tobi. Pati si MM na may magulong benda sa kamay napapatango na rin sa sinabi niya.

          Teka! Anong LQ? Sinong may LQ?

          "Sinong may L—"

          "Kuya Tobi sindihan mo na 'yung cake. Uuwi na ako kapag hindi mo pa sinindihan 'yan."

          Katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Saka bakit medyo awkward na rin yata dito sa sala nila MM?

          Narinig kong napabuntong-hininga si Tobi saka niya sinindihan 'yung apat na cake ni MM. Bakit apat? Isa sa akin, isa kay Patty, isa kay Margaret at 'yung isa galing yata kay manyak.

          Ang yaman ni MM! Ang daming cake!

          "Akala ko pa naman magiging masaya 'tong birthday ni Mobibi at welcome party ko. Hindi pala." Bagot na sabi ni Tobi sabay kibit-balikat. "O sige na! Kantahan na natin 'yung birthday boy nang makauwi na iyong isa diyan."

          At maya-maya pa nga, sabay-sabay na naming kinantahan si MM ng birthday song.

          Habang kumakanta, hindi ko mapigilang mapatingin kay Kaizer na masama pa rin ang timpla ng mukha.

          'Ano ba talagang problema nitong isang 'to?'

          Nagkibit-balikat na lang ako saka ngumiti at pumalakpak nang masaya para kay MM.

          Malaki atraso ko kay MM kaya dapat masaya ako sa birthday niya.

          Saka kung ayaw ni yabang na makinig sa paliwanag ko na hindi ko nga nakita 'yung picture niya, eh di wag siyang makinig! Huh! Akala niya!

          Hindi ako magpapaliwanag sa kanya! Neknek niya!

Kaizer's POV

            "Bakit ang dami mong cake Mobillow? Saka bakit may cake ng patay dito?"

          Psh! Kailan ba matatapos ang party na 'to? Gusto ko nang umuwi.

          Mas lalo lang sumakit ulo ko at sumama ang pakiramdam ko nang makita ko silang dalawa sa ganoong sitwasyon.

          Nakakadiri sila. Sa kwarto pa talaga ni Mobi ginawa iyon.

          Huh! Hindi ko akalain na may ganoon pala silang relasyon sa likuran ko.

          Sinasabi ko na! Kaya pala masama pakiramdam ko kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama kasi may iba talagang nangyayari kapag hindi ako nakaharap.

          Ayokong mag-isip ng masama kay Sitti dahil alam ko na hindi naman niya magagawa ang bagay na iyon sa akin. Pero anong ibig sabihin nung nakita ko kanina?! Ano 'yun?! Trip lang nila magsubuan ng daliri sa loob ng kwarto ni Mobi?!

          'Teka nga lang Kaizer Buenavista! Nagseselos ka ba sa best friend mo at sa girlfriend mo?'

          Lihim akong napatingin kay Sitti at nakita ko siya na tumatawa matapos batukan ni Patty si Kris saka nito sinabi kung kanino galing 'yung cake pangpatay na sabi nito.

          Tapos nakita ko na napatingin siya kay Mobi. Nagtinginan sila sandali tapos nagtawanan.

          HUH! NAKAKAINIS SILANG DALAWA! Katabi lang nila ako tapos ang lakas ng loob nila na magtawanan sa harapan ko huh!

          'So nagseselos ka nga?'

          Aish! Oo na! OO NA! Nagseselos na ako! Malapit na akong mamatay sa selos!

          Napahawak ako bigla sa ulo ko nang may pumitik na ugat sa ulo ko.

          Tsk! Masama na 'to. Mukhang magkakasakit pa yata ako sa kanilang dalawa.

          "Eh itong isa na 'to? Kanino 'to? Pink na pink ah! Sa'yo 'to Pattottie?"

          "Sira! Si Sitti gumawa niyan!"

          Mas lalong narindi 'yung tenga ko sa narinig ko saka napatingin kay Patty at doon sa pink na cake na sinabi niya.

          HUH! At ngayon, pinagbake pa niya si Mobi ng cake?!

          "Gusto ko 'to."

          Napatingin ako kay Mobi nang bigla niyang i-angat 'yung kamay niya para kuhain 'yung cake na gawa ni Sitti.

          Pero bago pa niya maabot 'yung cake na iyon, mabilis ko na iyong kinuha sa gitna ng mesa kung saan iyon nakalagay saka iyon nilapag sa harapan ko at saka iyon sinimulang kainin.

          Sobrang tamis ng cake na 'to. Ano ba 'to?! Binuhusan ng asukal?!

          Kahit na gusto nang isuka ng tiyan ko 'yung sobrang tamis na cake na 'to, kinain ko pa rin siya.

          Ito 'yung kauna-unahang pagkain na ginawa ni Sitti para sa isang tao. At si Mobi pa talaga ginawan niya! Huh! Hindi man lang naisip 'yung boyfriend niya!

          Pwes, kung ginawa niya 'to para kay Mobi, ako ang kakain! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa diabetes kaysa patikim sa iba 'yung cake na gawa ng girlfriend ko!

          KO! Naiintindihan niya? Girlfriend ko! Akin lang. Akin!

          'Baliw. Ang possessive mo na.'

          Baliw na kung baliw.

          Possessive na kung possessive.

          Seloso na kung seloso.

          Pero ang akin ay akin lang. Ayokong nagsi-share kahit na sa kaibigan ko pa.

          Ang akin ay akin. Tapos ang usapan!

Sitti's POV

            Napanganga na lang ako habang pinapanood ko si Kaizer Buenavista doon sa paglamon niya sa cake na ginawa ko. 'Yung tipong kulang na lang kamayin niya 'yung cake at itapon lahat ng iyon sa bunganga niya sa sobrang takaw niya.

          Grabe! Ang sama niya! Para kaya kay MM ang cake na iyon!

          Inis ko siyang tinitigan saka ko inagaw 'yung cake sa kanya.

          "Hoy! Akin na 'yan! Para kay MM 'to!"

          Tinitigan ako nang masama ni Kaizer saka niya hinila pabalik sa kanya 'yung cake na hawak ko.

          "Akin 'to!"

          "Baliw! Kay MM 'to! Ginawa ko 'to para sa kanya!"

          Mas lalong sumama 'yung tingin sa akin ni Kaizer saka niya hinila ulit 'yung cake.

          "Kinainan ko na 'to kaya akin na 'to!"

          "Hindi porque binawasan mo sa'yo na 'to!"

          "Akin na 'to!"

          "Kay MM 'to!"

          "Ano ba?! Bitawan mo cake ko!"

          "Hindi nga sabi sa'yo 'to eh!"

Tobi's POV

            Pinanood namin silang dalawa doon sa paglalaro nila ng tug-of-war doon sa cake.

          "Kawawang cake." Napapailing na sabi ni Kris.

          "Kaya nga eh! Dapat pala dalawa na lang pinagawa ko kay Sitti para hindi nagagalit 'yung isa."

          "Naku Pattotie! Kasalanan mo na naman pala eh!"

          Sabay bumuntong-hininga 'yung dalawa saka pinanood ulit 'yung away-bata nang dalawa sa harapan namin.

          "Lagi ba silang ganyan?" Singit ko sa malalalim na buntong-hininga nang dalawa.

          "Ay nako Kuya! Walang araw na hindi sila ganyan." Sagot ni Patty sa akin.

          "Oo nga. Masyado kasing seloso si Kai Kai at manhid naman 'yung isa kaya nag-aaway sila lagi."

          "Pero hindi naman sila nag-aaway nang grabe. Away-bata lang talaga. Ewan ko ba at bakit bigla na namang sinumpong si Kaizer."

          "Matagal nang may sumpong 'yan, Pattottie."

          "Ay oo nga pala!"

          Napangiti na lang akon sa sarili ko saka napatingin ulit doon sa dalawa na wala pa ring patid sa paghihilaan nila sa cake.

          "Akin na sabi 'to eh!"

          "Hindi ko pa tapos ubusin! Mamaya mo na kuhain!"

          "Hindi nga sabi sa'yo to eh! Ano ba?!"

          "Wag kang magulo! Akin na 'to!"

          Napapailing na lang ako habang napapangiti saka ako napatingin sa kapatid ko na tahimik na kinakain 'yung maitim na cake na bigay yata sa kanya nung babaeng masungit kanina.

          Napangiti ulit ako saka napaharap ulit sa dalawa at tumingin sa mukha ni Felicity.

          'Maganda pala talaga siya sa personal...'

          Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kilala si Felicity di ba? Sa totoo lang, matagal ko na siyang kilala. Ewan ko lang bakit hindi niya ako nakilala.

          Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan lang siya na hindi niya ako kilala o sadyang hindi niya lang talaga ako namukhaan.

          Pero kahit ako pa ang rason niya, mukhang magtatagal muna ako dito.

          Gusto kong mapanood 'yung mga susunod na mangyayari sa kwento na 'to.

Sitti's POV

            "Bakit ba napaka childish mo huh?! Di ba sinabi kong para kay MM iyon?!"

          "Sige! Ulitin mo pa nang mas lalo akong mainis sa'yo!"

          Nandito kami sa may labas ng bahay nila MM. Sa may garden nila to be exact. Hinila ko siya dito sa labas nang mapansin ko kung gaano kami nakakahiya sa loob kanina.

          Inis na inis na inis na inis ako sa kanya! Dahil sa kakapilit niya na makipag-agawan doon sa cake na para kay MM, nasayang lang iyon at tumapon sa sahig.

          "Alam mo ba kung gaano ko pinaghirapan iyon huh?! First time kong gumawa ng cake tapos anong ginawa mo?! Sinayang mo lang!"

          "Tingin mo gusto kong marinig yan? Wala akong pakialam sa cake mo!" Sabi niya sabay takip ng tenga niya.

          "Hoy Kaizer Buenavista! Kinakausap pa kita!"

          Ginaya niya lang 'yung sinabi ko kanina habang nakatakip pa rin 'yung dalawang kamay niya sa tenga niya.

          "Ano ba?! Makinig ka nga sa akin!" Sabi ko saka ko pilit hinihila 'yung mga kamay niya mula sa tenga niya.

          Pero nagmamatigas siya! Ayaw niyang alisin 'yung mga kamay niya sa tenga niya!

          Argh! Grabe! Nakakainis na talaga siya!

          "Ang isip-bata mo!"

          "Ang isip-bata mo!"

          "Wag mo nga akong gayahin!"

          "Wag mo nga akong gayahin!"

          "Ano ba?!"

          "Ano ba?!

          GRABE! Grabe siya! Hindi ko akalain na ganito pala siya ka-childish!

          Oo. Alam kong childish ako. Pero hindi ako kasing childish ng Kaizer Buenavista na 'to!

          Ang lala na niya! Tinalo pa niya 'yung bata naming kapit-bahay na walang ginawa sa buhay kundi magtantrums araw-araw!

          "Bakit ka ba nagkakaganyan huh?! Ano bang problema mo?!"

          Inalis na niya 'yung kamay niya sa tenga niya saka tumingin sa malayo, malayo sa akin.

          "Hoy! Humarap ka nga kapag kinakausap kita!"

          Hindi siya humarap. Sa halip mas tumalikod pa siya sa akin!

          Kinalma ko ang sarili ko bago ako muling nagsalita.

          "Napaka insensitive mo, Kaizer."

          Medyo nabigla ako nang bigla siyang humarap sa akin. Bumalik na naman sa pagiging expressionless nang mukha niya.    

          "Insensitive?"

          "Oo! Napaka insensitive mo!"

          Wala na akong pakialam kung masaktan man siya sa sasabihin ko o ano. Tutal naman siya ang may kasalanan noon.

          Hindi tama 'yung ginawa niya sa birthday ni Mobi. Hindi tama na magdabog siya at magsungit sa birthday ng kaibigan na namin.

          Ang birthday dapat masaya. Ang birthday dapat puro tawanan lang. Dapat bida ang birthday celebrant kasi nga birthday niya.

          Pero anong ginawa ng Kaizer Buenavista na 'to? Sinira niya 'yung party ni MM!

          "Sana isinantabi mo muna 'yung inis mo sa akin kung naiinis ka sa akin. Sana tinabi muna nating 'yung pag-aasaran natin para kay Mobi. Birthday niya Kaizer baka hindi mo alam—"

          "Ikaw ang insensitive Sitti. Hindi ako!"

          Nagulat ako nang bigla siyang magtaas ng boses sa akin.

          "A-Anong—"

          "Sa tingin mo natutuwa ako sa atensyon na binibigay mo kay Mobi? Sa tingin mo natutuwa ako na mabasa 'yung mga message mo kay Mobi? Sa tingin mo ba natutuwa ako na makita kayo ni Mobi doon sa kwarto niya na kayong dalawa lang? Sa tingin mo ba natutuwa ako na makita ka na sinusubo mo 'yung daliri ni Mobi huh? Sa tingin mo ba natutuwa ako na ginawan mo ng cake si Mobi huh? Sa tingin mo ba natutuwa ako na ibigay mo 'yung atensyon mo na hindi mo pa nabibigay sa akin huh?!"

          Teka! Ano bang pinagsasabi nang isang 'to? Hindi ko siya gets!

          Di ba kaya siya galit sa akin dahil doon sa picture niyang naked? Teka nga! Nabobobo ako sa mga sinasabi niya!

          Pinanood ko siya doon sa inis niyang pagsuklay sa buhok niya saka niya ako hinarap ulit at nagsalita.

          "Sitti, boyfriend mo ko. Hindi si Mobi. Sa tingin mo ba hindi ako nagseselos sa ginagawa mo para sa best friend ko huh?"

          Teka ano daw?! Nagseselos siya?

          Nagseselos si Kaizer kay Mobi?!

          "Alam mo ba kung gaano ako naiinis sa inyong dalawa ngayon huh—" 

          Hindi ko na siya pinatapos doon sa sinasabi niya nang bigla ko na lang siya batukan nang malakas sa ulo niya.

          Nakita ko 'yung panlalaki ng mata ni Kaizer doon sa ginawa ko.

          "Ano ba?! Bakit mo ginawa iyon?! Hindi pa nga ako tapos magsalita eh!"

          "Eh baliw ka kasi! Nagseselos ka kay MM?! Eh best friend ko lang kaya 'yun!"

          "Kahit na! Walang best friend na ganoon ka-sweet sa isa't-isa!"

          "Anong sweet doon?!"

          Para kaming sira na nagsisigawan dito sa labas ng bahay nila MM.

          Hindi ko na muna iisipin kung maririnig ba kami ng mga kasama namin sa loob o marinig kami ng mga kapit-bahay nila MM.

          Nakakainis kasi itong tao na 'to eh! Kung marunong nga lang ako manapak, sinapak ko na 'to kanina pa eh!

          "Ginawan mo siya ng cake! Hindi ba sweet iyon?!"

          "Cake lang 'yun sira!"

          "Kahit na! Ginawan mo pa rin siya!"

          "Syempre birthday niya kaya ginawan ko siya! Adik ka ba?!"

          "Gawan mo rin ako nun!"

          "Ano?!"

          "Gusto ko rin ng cake na gawa mo! Gawan mo rin ako nun!"

          Nagtitigan kami ng masama ni Kaizer. Ilang minuto rin kami nagtitigan hanggang sa ako 'yung unang kumurap at bumawi ng tingin sa kanya.

          "Sorry."

          Bigla akong napaharap sa kanya nang bigla niyang sabihin iyon.

          "H-Huh?"

          Napayuko si Kaizer sa damuhan ng garden nila MM.

          Ay teka! Si Kaizer pa ba 'tong kaharap ko?! Teka! Teka! Teka! Hindi ganito 'yung Kaizer na kilala ko!

          SINO 'TONG KAHARAP KO?!

          "Tama ka. Ang childish ko nga. Sorry."

          Napatingin ako sa mukha niya saka siya dahan-dahang nag-angat ng tingin saka ako derechong tinitigan sa mukha. Medyo nagulat ako doon sa pagtama ng mata namin kaya bigla kong naiwas 'yung tingin ko sa kanya.

          "Sorry kasi ang isip-bata ko. Pero TG, sana intindihin mo na may mali ka rin."

          Napatingin ako sa kanya at magsasalita na sana ako kaya lang naunahan niya ako.

          "Alam ko na mali ako kasi nag-isip ako nang masama sa inyo. Pero mali ka rin kasi binigyan mo ako nang rason para mag-isip ng masama sa inyo."

          Okay. Bumalik na siya sa tawag niyang TG. Hindi na yata siya galit sa akin.

          "E-Eh bakit ka ba kasi nagseselos kay Mobi? Best friend ko lang siya ano ba. Saka birthday niya kaya dapat lang na siya ang center of attraction nang lahat."

          Narinig ko 'yung mabigat na pagbuntong-hininga ni Kaizer saka siya nagsalita ulit.

          "Naiinis kasi ako kapag nakikita ko kayong dalawa na magkasama. Naiinis ako kasi bagay kayo. Naiinis ako kasi pakiramdam ko mas natutuwa ka na kasama siya kaysa kasama mo ako."

          Muntik nang tumalon 'yung puso ko palabas ng katawan ko nang bigla na namang humarap sa akin si Kaizer Buenavista.

          "Naiinis ako kasi napapasaya ka rin niya." Mahinahon na sabi niya. "Naiinis ako kasi dapat ako lang 'yung nagpapasaya sa'yo. Naiinis ako kasi ang selfish ko."

          "Kaizer..."

          "Sitti, sabihin mo nga sa akin."

          Muntik na akong umatras nang bigla siyang humakbang palapit sa akin at tinawid niya 'yung space na naghihiwalay sa amin.

          "Sitti, masama ba? Masama ba na solohin kita para lang sa sarili ko? Masama ba na hilingin ko sa'yo na akin ka lang?"

          Biglang namula 'yung mukha ko nang bigla niyang hawakan 'yung mukha ko saka niya ako tinitigan nang derecho sa mata.

          "Alam ko na hindi ko pa birthday at wala akong karapatang magwish dahil wala akong birthday cake. Pero....masama ba na hilingin ko sa'yo na sa akin ka lang maging masaya at wag sa iba?"

          Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. 'Yung tipong nabibingi na ako sa lakas ng tibok niya?

          Nagulat ako nang makita ko na dahan-dahang binababa ni Kaizer 'yung mukha niya sa akin.

          Sandali! Alam ko mga ganitong eksena ah!

          Ha...hahalikan niya ba ako?!

          Mariin kong pinikit 'yung mata ko.

          Oy! Teka lang huh! Hindi ako pumikit kasi hinihintay ko na ikiss niya ako! Pumikit ako kasi...napapapikit ako eh! Napuwing ako! Napuwing!

          Ramdam ko na malapit na bumagsak 'yung labi niya sa labi ko kaya mas lalo akong napapikit nang mariin.

          Kaya lang, maya-maya, nagulat ako nang makarinig ako nang malakas na kalabog sa damuhan. Na para bang may bumagsak sa damuhan?

          Nang buksan ko ang mata ko, hindi ko na nakita si Kaizer sa harapan ko.

          At sa paglingon ko, nanlaki mata ko nang makita ko si Kaizer na bumagsak sa sahig at sobrang pula ng mukha. Hindi na rin pantay 'yung paghinga niya.

          Mukhang hindi maganda ang lagay niya ngayon.

          "Kaizer!"

A/N: LEAVE COMMENTS! ^______^v

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 145K 50
(Highest rank in Teen Fiction #4) They started as haters then become lovers. Fought for the sake of love. Their love is invincible. They are - Alexa...
1.5M 9K 11
What Gwen wants, Gwen gets. Iyan lamang ang simpleng rule ng buhay ng 17-year-old na si Gwen Guinto. She is your typical bad girl who breaks hearts o...
42.1K 2.1K 15
Si Vera Cheng ay member ng No Boyfriend Since Birth Society. Magka-boyfriend kaya siya bago mag-Valentine's Day? Valentine Girl is a light romance fi...
26.5M 348K 73
Trip In Love or Fall In Love Book 2: Fall In Love Once Again.