Jonaxx's (part II)

By teyish

5.7K 158 88

Until Forever trilogy review More

Jonaxx's (part II)

5.7K 158 88
By teyish

Wakas, ang sakit pala talaga mabasa nyan.

Ending na ng UNTIL FOREVER TRILOGY kaya naisip kong gumawa ng nobela, i mean, reaction paper katulad ng madalas kong gawin, haha.

Apat ng story lang sa wattpad yung naumpisahan kong basahin, yung as in prologue palang, at yung talagang sinusundan/sinundan ko araw-araw since naumpisahan ko nga. TMEUAS, The Spaces in Between, Every Beast Needs A Beauty, at syempre, Until He Was Gone, Until He Returned, and Until Forever.

Ganto pala yung feeling. Ang alam ko January yata napost yung UHWG, so eight months ang hinintay para matapos tong klarijah, feeling ko na-attached ako dito, drama putek haha.

Pag kasi tapos ng isulat tsaka mo binasa, matatapos mo yun ng two o three days lang o baka nga one day lang, malalaman mo agad agad yung mga eksena since tapos na pero yung sinusubaybayan mo palang (kaway kaway sa mga katulad kong minsang nahiwagaan sa closeness ni Klare at Elijah at sa mga never kinilig kila Eion at Klare) iba yung feeling (yata)

So..dahil tapos na nga itong kwento nila, naisip kong isulat ang final comment ko sa Until Forever Trilogy. Naisip kong i-appreciate ang pagkakasulat ng kwentong to.

Mayroong five elements and isang story.

Setting, character, theme, plot, at conflict. Isa-isahin natin to.

(Warning: spoiler)

1. SETTING

Sa tingin ko, ito ang isa sa pinaka least na napapansin ng readers, ang setting, pero ako, isa to sa mga unang pinapansin ko.

Gusto ko yung setting ng Until Forever Trilogy, bakit? Kasi totoo yung mga lugar. Hindi imbento. Actually ang alam ko lahat naman ng works ni jonaxx, tunay yata lahat ng lugar dun. Kung may mga fake man dun, masasabi ko na realistic pa rin lahat.

Ang sarap sigurong maging taga Cagayan De Oro o kaya Surigao no, kasi madali para sayong ma-imagine ang happenings since alam mo yung mga lugar.

Sa totoo lang medyo naiinis kasi ko sa mga story na may super unrealistic na setting. Mga weirdong pangalan ng University o mga subdivision na nakakatawa yung pangalan, kaya siguro yun yung isa sa mga napansin at nagustuhan ko kay jonaxx, ayos na ayos kasi yung setting.

Isa rin sa mga gusto ko sa setting ng stories ni jonaxx e yung nasa may probinsya, nakakasawa na kasi yung Manila yung setting tsaka ang sarap mag travel kahit sa imagination lang, tipid pa!

Nung minsan nakita ko sa instagram ni jonaxx, tuwang tuwa ako kasi may picture dun na nakalagay @lifestyle district, o diba tambayan ng Montefalcos haha.

2. CHARACTER

Na-elaborate ko na to sa sinulat dati "Jonaxx's" (shameless plugging), pero uulitin ko ulit.

Ang sabi nila ang story daw e kulang kung walang kontrabida. 80% sakin e naniniwala dito. Mas masaya pag may nakakainis sa storya diba? Pag puro kilig ang kwento, pag puro saya, at puro tawa, nakakaumay. (unless ganun talaga style nung story) So kailangan may kinakainisan lagi.

Para sakin may dalawang klaseng kontrabida, yung basta na lang silang naging kontrabida ng walang dahilan at yung mga naging kontrabida na may pinaghuhugutan, parang Maleficent lang. At para sakin, lahat ng kontrabida sa story na to may dahilan. Hindi lang sila basta mga character na siningit, lahat sila may purpose.

Hindi kumpleto itong UF trilogy kung wala ang mya kontrabidang pinsan lalo na si Erin at ang mga tito't tita at si Selena. Sa tingin ko, mas nabigyan ng justice yung conflict dahil sa mga kontrabida. Isama mo pa si Ama na paborito ng lahat.

Kung bibigyan ako ng chance na burahin kahit isa sa mga kontrabida, wala pa rin akong tatanggalin, para sakin, lahat sila may kwento. May part sa love story.

Dapat yata mag thank you ang Klarijah sa mga taong to.

At Syempre, ang mga bidang hinamak ang lahat magkasama lang. Pwede bang magkaroon ng loveteam of the year? Sa lahat ng nabasa kong story, yung situation nila ang pinaka complicated, pero ang sarap isiping napagdaanan nila lahat yung ng walang shortcut, inisa isa lahat ni jonaxx lahat ng possibilities, lahat ng pwedeng magalit, kanya kanyang reaction pero in the end, klarijah pa rin.

Lahat ng characters dito may purpose, di lang sila extra, katulad na lang nila Hannah, di man sila yung bida pero nabigyan pansin sila diba?

May mga stories kasi na ang daming characters pero wala naman talagang role, parang ginawa lang sila kasi boring kung dalawa lang yung character. Di tulad ng characters ng UF trilogy, lahat may naging role.

Excited ako sa mga hints sa mga Montefalco. Unang una sina Damon at Eba, though alam na natin ang ending pero di natin alam baka may sarili silang story, Erin at Hendrix, Pierre at Claudette idagdag pa si Spike haha, at ang misteryosong babae sa buhay ni Azi.

3. THEME

Ako lang ba yung hindi hooked sa gangster themed stories?

Kaya siguro halos works lang ni shirlengtearjerky at jonaxx yung talagang sineryoso kong basahin kasi wala silang story tungkol sa mga gangster haha.

Sawa na rin ako sa enemies turned to lovers story or prince charming meets his damsel in distress o kahit ano pang wattpad cliche' stories kaya dito naman tayo, sa incest. Hahaha!

Sa daming beses ko ng nagbasa sa wattpad, siguro naghahanap lang ako nung may theme na simple lang pero exciting, yung hindi cliche', yung hindi lang pampakilig, yung hindi ginaya sa iba at yung pinagisipan.

Sa lahat ng nabasa kong story sa wattpad, ito yung pinaka kakaiba (in my opinion), ito yung matured na story na walang SPG hahaha! I mean, seryosong romance yung story, para sakin, ito yung romance, hindi yung natitigan ka ng gwapo e in love ka na.

Ilang beses akong nagbackread sa Until He Was Gone, pero hanggang ngayon amaze na amaze pa rin ako sa mga hints na nandun na may feelings pala sa isa't isa sina Klare at Elijah.

4. PLOT

Hooray sa plot!

May five elements din ang plot.

4.1. INTRODUCTION

Yung pupose ng introduction ay yung maipakilala yung characters at kung saan ang setting.

Lahat naman tayo aware kung saan ang setting at nakilala naman nating lahat yung characters ng maayos.

Sa UHWG, dito natin nakilala yung Montefalcos (of course Elijah and Klare), Sarmientos, and other barkadas.

Sa UHR, nakilala natin ang mga Ty at yung ibang barkada nila tulad ni Vaughn.

Sa UF, dito naman natin nakilala kung sino ang mga Montefalcos way back at kung sino ba sina Gwen at Selena.

Ang ganda ng introduction sa works ni jonaxx, nakikilala natin yung characters kahit di naman nila pinapakilala yung sarili nila.

Example: "Hi! Ako nga pala si Klare, 17, mayaman at maganda daw ako. Malapit na debut ko kaya aayain ko ang crush kong si Eion. Blah blah blah" minsan pag ganto agad opening ng kwento, tinatamad na kong basahin.

Pero sa story na to, karami raming characters pero memorize natin lahat diba? Pati side stories nila, aware tayo kahit papano.

4.2. RISING ACTION

Dito na papasok yung conflict ng story.

1. Bakit walang sparks si Eion at Klare? May something ba sa kanila ni Elijah? Kaso diba magpinsan sila? E bakit sila sweet?

2. May girlfriend na si Elijah, si Selena. Akala ng lahat naka move on na si Klare at Elijah. Pag nalaman ng mga pinsan nila na may something ulit sa kanila, paano na sila?

3. Natanggap na ng mga pinsan ang lahat pero pano yung parents nila? Paano si Ama? Tsaka bakit si Selena umeekstra pa? Tsaka paano si Gavin Co?

Para saakin yan yung rising action mula UHWG, UHR, at UF.

Ito na dapat yung part na mag woworry ka, ito na yung part na pumapasok yung problema. Hindi yung biglaan kundi unti unti lang. Para sakin, successful ang rising action ng author pag nagsisimula nang magwala ang readers, pag dumadagsa ang inis na comments nila na parang gusto na nilang ayusin yung problema haha

4.3. CLIMAX

Ang climax e yung pinaka exciting part ng kwento, di ko alam kung para sa inyo ito din yung climax pero para saakin, ito yun

1. Nung nahuli ni Pierre si Klare at Elijah habang nasa Dahilayan Forest Park sila, kasunod na nung kinonfront ni Yasmin si Klare at nung nabisto na ng magpipinsan yung relationship ng Klarijah.

2. Nung sinumbong ng mommy ni Klare sila Elijah at sumugod silang lahat, sino bang makakalimot sa

"Yeah, you're right. I'm a failure. I don't deserve anything. I failed you because i'm in love with my cousin so much! Binigo ko kayo dahil kayang kaya kong talikuran ang pamilyang 'to para sa kanya! Come on, cage her. Coz i'll get her without your help."

Sobrang intense nito nakaka iyak. Sunod na dito yung nag layas si Elijah at nagkakagulo lahat para hanapin siya.

3. Yung pinagkakasundo sina Klare at Gavin at yung video ng grilled lips with tongue sauce hahahahaha ayoko nang i-explain, ang sakit sa puso e hahaha

Dito sa climax, dito ka dapat maka feel ng mixed emotions, yung na eexcite ka, na kinakabahan, na naiinis na ewan, so kung na feel mo to, ibig sabihin, succesful anf climax ng story. 

4.4. FALLING ACTION

Ito na yung nag uumpisa ng i-resolve ng characters yung conflict

1. Si Elijah, nag try i-date ang ibang girls para ma-divert ang feelings nya para kay Klare. After ilang days, sinubukan niyang suyuin ulit si Klare bago siya umalis ng bansa.

2. Ito na yung moment na natanggap ng magpipinsan sila Klare at Elijah, nagtulungan na sila ng mga Ty para gumawa ng way para ipaglaban ang relationship nila kay Ama.

3. Syempre, ito yung part na nagkaayos at naharap na ng klarijah yung mga tao sa paligid nila ng buong tapang (naks)

Dito na sa part na to yung nag sisimula ng makahinga yung bawat isa, either makahinga ng maluwag o maiiyak.

4.5. DENOUEMENT/RESOLUTION

Ito yung pinaka gusto ko sa trilogy na to, yung kada book, may aabangan ka. Talagang may kasunod pa. May ibang stories kasi na pwede ng walang book two pero dito, lagi tayong aware na may kasunod.

Yung sa UHWG, nag abroad si Elijah at bigla namang na-reveal na si Klare ay hindi pala Montefalco.

Sa UHR, galit na galit si Ama kay Klare at ito yung unang pagkakataon na lahat ng Montefalco e suportado sila, at ito rin yung pabalik na sila sa Cagayan De Oro.

At syempre ito na yung sa UF, natutunan nila Elijah at Klare na hindi lahat matatanggap sila ng buong buo

Inisa-isa ko talaga, para sakin ganto ang story. Kailangan parang bundok yung feeling mo, una mababa lang, pataas ng pataas, makakahinga ng maluwag, tuluyang makakahinga, at aabang sa susunod na mangyayari o masasatisfy sa ending. Kailangan para kang nasa roller coaster, yung maeexcite ka muna hanggang sa mag enjoy ka at matapos yung ride ng satisfied ka.

Although (please don't hate) medyo na shock ako sa mga huling chapters na, parang nabilisan ako ng konti.

Naghihintay kasi ko ng paliwanag kay Selena e, tsaka di pa nakakapag explain si Yasmin ng maayos, bigla na lang syang natuwa sa proposal ni Elijah tsaka si Vaughn, nawala haha.

Pero mostly sa favorite kong books e ganto rin, katulad ng Looking For Alaska, Paper Towns at Eleanor and Park, hindi rin lahat nabigyan ng linaw, suguro choice yun ng author na wag ibigay lahat sa readers at hayaang naka hang yung ibang nangyayari at mafrustrate ang readers kakaisip. 

Hindi ako mahilig mag demand ng book two or what pero ate Jonah, pwede bang may special chapters? Hahahaha! Joke. Pero okay din kung meron haha

Isa rin sa gusto ko dito e yung walang SPG, marami yatang disappointed? Haha. Pero ako okay lang, although exciting pag may SPG haha pero hindi ako isa sa mga nag abang nun, gusto ko yung idea na sobrang inosente ni Klare haha tsaka parang ang awkward kasi nung nag aadjust palang yung angkan ng Montefalco sa kanila tapos gagawa na sila ng milagro hahaha

Okay lang sakin yung medyo open ended, hindi naman din kasi kailangang i-explain lahat and it's jonaxx's story afterall, it's her choice, tayo na lang magimagine kung anong nangyari sa iba, haha.

5. CONFLICT

Lastly, ang conflict. The best sakin ang conflict ng UF. Unique yung conflict nito at catchy. Kaabang abang.

Nasabi ko na rin to sa (Jonaxx's), ito talaga yung best part ng trilogy na to, yung conflict.

Marami kasing conflict sa stories na madaling lusutan pero yung conflict ng trilogy na to, ang sakit sa ulo, kung tayo yung nasa lagay ng mga taong nakapaligid sa kanila, kailanga yata natin ng sobrang lawak na pag unawa katulad ni Claudette at Azi para matanggap natin sila.

Nakakatuwa rin na hanggang book three, pinakita yung struggle nila dahil sa conflict na to. Hindi nawala sa focus yung story. Pinakita kung paanong isa isang natanggap ng bawat isa yung situation.

Ang nagustuhan ko sa part na to, e yung kahit ito yung conflict simula palang e hindi pa rin ako nagsawang basahin (i believe hindi lang ako yung hindi nag sawa), may stories kasi na pag hindi umuusad nakakasawa e, pero ito, yun na yun din ang problema pero umuusad yung kwento.

Hindi na-stuck sa situation na galit buong montefalco at nagtatago sila, kita nating lahat yung progress sa relationship nila at sa pagiging open nila sa tao.

Gusto ko rin yung idea na hindi PA sila natatanggap ng buong Ty, lalo na ni ama, gusto ko yung pagiging realistic ng story na to. Wala tayo sa fairytale. Matatanggap din siguro sila ng lahat ng tao pag tumagal pero yung biglaan? Hindi. Hindi naman kailangang maging sobrang okay ng lahat para maging masaya, ang kailangan e yung matanggap nyo yung realidad katulad ng klarijah.

Never kong naimagine na pwede pala kong kiligin sa gantong klaseng storya, yung hindi ka mandidiri kahit wala ka pang idea sa takbo ng story, for sure, kayo rin.

--------------------

Ito yung five elements ng story na ang ganda ng pagkakagawa ni Jonaxx.

Di ko alam kung ganto nga ba yung format ng story na to pero para sakin, na achieve ni jonaxx yung dapat nyang ma achieve, yung makapag share ng unique na story at yung magpasaya ng readers.

Di ko matanggap na matatahimik na si Klare at Elijah, mamimiss kong subaybayan tong kwentong to. Feeling ko nakakaramdam ako ng separation anxiety hahaha

Sa totoo lang, pag may nagsasabi na gusto nilang gawing movie o tv series yung UF trilogy, mga 80% sakin hindi sumasang ayon, nakita ko kasi yung reactions ng tao sa mga wattpad story turned movies e, ang daming hindi na satisfied (di ako maka comment since wala akong napanood dun kahit isa haha) at ayokong mangyari yung sa UF tsaka ako lang ba yung madamot sa bagay na magaganda? Yung ayaw i-share sa iba? Haha.

Pero kung maganda yung kakalabasan, why not? And priviledge kay jonaxx yun.

Alam nyo ba yung feeling na you want to finish the story but you don't want to finish it?

Gustong gusto nating malampasan na ng klarijah lahat pero nung ending na, lahat tayo nalungkot kasi tapos na.

Dahil dito nangarap akong makarating ng Cagayan De Oro, maging close sa mga pinsang katulad ng Montefalcos, magkaroon ng kuyang katulad nina Pierre at Hendrix at yung magkaroon ng soldier, katulad ni Elijah. 

Teka, feeling ko naiiyak ako ngayon, tears of joy, charaught! Pero nakakaiyak talaga.

--------------------

Thank you ate Jonah. Thank you sa effort, for sure, malawakang pagiisip ang ginawa mo para mabigyan ng justice ang klarijah.

Congrats for the success of this trilogy!

Sana mabasa mo to, haha. Apir! :)

PS: Nakakatawa pala, parang thesis o term paper tong ginawa ko, lol.

Continue Reading

You'll Also Like

129K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
185K 717 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.