Stuck On You

By zhidez

160K 4.7K 1K

To Kyle, Marie Kris is like gravity. He can't help but fall for her. Once, twice, thrice...countless times. T... More

Chapter 0: INTRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41: FINALE

Chapter 4

4.6K 138 7
By zhidez

Kamuntikan kong makalimutan na kailangan pala naming pumasok ngayong Sabado. Bukod sa pag-arrange ng stage para sa program ngayong Monday ay magpapractice pa kami ni MK. Sa tingin ko naman ay hindi rin makakapasok si MK dahil baka may sakit siya.

Or not.

"Kyle!" Tawag ni MK sa akin. She gave me that usual smile-- one that I think is an obligatory smile. Bago 'to, hindi niya ako tinawag sa buong pangalan ko sa unang bati niya. She must be really sick.

"Yeah?"

"Kahapon sa bahay...Ang sabi ni Papa ay isinama niya sa pinamili mo 'yung...CD ko. Tsaka salamat pala sa pagsalo sa akin." She grinned. Then coughed.

"No worries. Here." Kinuha ko mula sa bag ko ang CD at inabot iyon sakanya.

"Hindi mo naman siguro binuksan at pinanood ang laman nito?" Lapit at bulong niya sa may tenga ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Right, I'm sensitive there. Naitulak ko tuloy siya.

"Hindi ko binuksan. Don't worry."

"Sabi mo e! Salamat talaga kahapon. Oo nga pala, sinabi na ni Paul na nag-back out ka. Sayang naman." Sabi niya. May ilang classmates kaming dumaan na sigurado akong nakatingin sa amin habang nagbubulungan. Sigurado akong alam ni MK ang nangyayari sa paligid niya. I'm fucking sure too that this is nothing about popularity shits.

"That... I'm doing it." Huli na nang marealize ko ang sinabi ko.

"YES! My Heart is Open ang kakantahin natin."

"Natin? Akala ko ba mag-gigitara lang ako?" React ko agad. Imbes na sumagot ay ngumisi lang siya. What in the world---

"Oy!" Tawag ko sakanya dahil tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad. Hindi ko alam pero sinundan ko siya hanggang sa rooftop.

"Kailan ka lumipat dito?" Tanong niya habang nakatanaw kami sa kabuuan ng school.

"A week now."

"Bakit?"

"Shut up, MK." Pigil ko sakanya. She smiled. Inililipad ng hangin ang buhok niya. Despite my warning, she kept on talking. Somehow, listening to her talk warms me...Like the food they serve... Yeah, it warms me.

***

Sa kalahati ng araw ay natapos na ng klase namin ang assigned na task namin para sa stage. Few people made small talks and I did try my best to be polite. Lalo na sa mga taong alam ko na plinaplastik lang si MK. It's not about defending MK, it's just carefully selecting the people as to whom I'd associate myself. I'm also not saying that MK's already a friend. Definitely not.

Ngayong half day naman ay magprapractice na kami ni MK. May gitara si Paul at naprint ko narin ang chords ng kakantahin ni MK. Fuck, talaga palang duet iyong kantang napili ni MK. Bahala siya, mag-gigitra lang talaga ako.

"Nasaan si MK?" Tanong ko kay Paul. Halos isang oras na kasi akong naghihintay sa rooftop e.

"Huh? Akala ko ba nagprapractice na kayo?"

"Magtatanong ba ako ngayon kung kasama ko siya?"

"Sorry boss. Huli ko siyang nakita e pabalik siya sa library building para kunin ang bag niya." Sagot ni Paul. Iniwan ko na siya para tumungo sa kabilang building. Paakyat na ako sa second floor nang marinig ko ang boses ni Patrick, ang isa sa mga groupie ni Denver.

"Ano ang inilagay mo dito? Shit!" Sigaw ni Patrick. Umakyat ako at nakita ko si MK, Denver, Patrick at dalawa pang classmate naming lalaki na nakatayo sa tapat ng isa sa mga computer labs namin.

Ha. They really did open the CD.

"MK, please." Sabi naman ni Denver.

"Video para sa monthsary natin." Sagot ni MK. Her face is really pale.

"Nag-break na tayo kahapon MK. Siguro nga ay galit ka sa akin pero hindi mo naman kailangang lagyan ng virus itong CD. Damn it, isinaksak namin ito sa isang unit sa computer lab kanina. Take responsibility, sabihin mong ikaw ang may kasalanan." Kabadong sabi ni Denver. Napangiti ako. That stupid fuck.

"Hindi ko alam kung anong virus 'yang sinasabi mo. Oo, alam ko na nakipagbreak ka sa akin kahapon. Oo, ibinalik mo ang CD sa akin dahil break na nga tayo. Pero ibinigay ko ulit 'yang CD para sana maging memorabilia. Hindi ko----" Litanya ni MK pero siningitan siya ni Denver.

"I don't want drama, MK. Halika, ipapakita ko sa'yo kung ano ang ginawa mo." Hinila ni Denver si MK hanggang sa loob ng computer lab. Tahimik ko silang sinundan at pinanood.

"Look. Ganyan ang nangyari sa lahat ng computer sa lab. Baka nga kumalat pa sa buong school e! MK, take responsibility." Denver's jaw tensed. That's it, panic.

'EZ KATKA---YOU'VE BEEN HACKED' ang lumitaw sa screen ng isang computer sa lab.

"Hindi ko talaga alam kung anong ibinibintang mo sa akin, Denver. Tska, bakit mo naman isasaksak iyong CD dito sa school." Mahinang sabi ni MK at puno ng hinanakit ang boses niya.

"This is fucking bad, bro." Kabadong sabi naman ni Patrick. Sumang-ayon ang dalawang kasama nila.

"Tara sa office, MK. Kailangan mong sabihin sa kanila na ikaw ang may kasalanan." Matigas na sabi ni Denver.

Ting. Parang deja vu. On the back of my mind was that same shitty line. 'Kyle, please. Kyle, save me. Tara sa office, sabihin mong ikaw ang gumawa niyan.'

Hinihigit na ni Denver ang kamay ni MK nang pumasok ako sa loob ng lab. "What in the fuck are you doing?" Direkta ko sa grupo nina Denver. Hinila ko si MK at pinapunta sa may likuran ko.

"Huwag kang makialam dito." Sabi ni Patrick. Napansin ko na tinatakpan na ng isa sa mga kasama nila ang screen ng computer. Ha.

"Kyle, umalis ka na dito." Bulong ni MK mula sa likuran ko.

"You shut up." Madiin na sabi ko kay MK dahil sa sobrang pikon na napasok ako sa ganitong sitwasyon. Hinila ko nalang si MK palabas ng lab.

"Bitawan mo ako." Pilit niya. Binitawan ko naman siya.

"Halos isang oras kitang hinintay sa rooftop. Sana sinabi mo nalang na may mas importante kang gagawin para hindi nasayang ang tanginang oras ko." Hindi ko mapigilan ang galit ko.

"Mauna ka na. Back out na kung back out. Pero hindi puwedeng makipagbreak si Denver sa akin." Mahinang sabi niya.

"You're not just dense, but a fucking idiot too."

Sa gitna ng sagutan namin ni MK ay lumabas sina Denver mula sa computer lab. Pinalibutan nila kaming dalawa ni MK. "Umalis ka na kung ayaw mong madamay." Banta ni Patrick sa akin.

 "Nakialam na ako kaya sasagarin---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bumuwelo ng suntok si Denver. Buti nalang at naiwasan ko iyon. Kaso nga lang ay bigla naman akong hinawakan ng dalawa pa.

Nimrods. Cowards. Sunod-sunod na atake ang natanggap ko mula sakanila hanggang sa bumagsak ako sa sahig. Doon ko lang napansin si MK---

She's crying.

"Tama na! Tama na! Huwag niyong saktan si Kuya! KUYA! KUYA! TAMA NA!" Sigaw niya habang nag-iiiyak. Lahat ay huminto dahil doon. But then, she passed out---on top of me.

"Anong nangyayari dito?" Lumitaw si Akie sa may bukanan ng floor. Idinapo ko ang palad ko sa noo ni MK--- ang taas ng lagnat niya.

"Denver, sinabihan na kita." Bigla nalang sinuntok ni Akie si Denver sa may bandang dibdib niya. Nagawa ko namang makatayo ng maayos habang inaalalayan ang walang malay na katawan ni MK.

Hindi ko na pinansin kung ano man ang ginawa ng grupo nila. Binuhat ko nalang si MK hanggang sa may clinic. Agad siyang inasikaso ng school nurse. Nagising kaunti si MK kaya napainom pa siya ng gamot ng nurse.

Babalik pa sana ako sa computer lab pero nakasalubong ko si Akie sa may labas ng clinic.

"Let it go. Wala kang mapapala kapag papatulan mo ang mga 'yun." Sabi niya.

"Sinong nagsabing sila ang babalikan ko?" Pabalang na sagot ko.

"Suite yourself." Sabi lang niya bago siya pumasok sa loob ng clinic. Kung tama ang pagkakaalala ko, magkababata silang tatlo: si Paul, Akie at MK. Sumilip ako sa loob ng clinic. I saw how Akie looked at MK. He definitely likes her.

That made me...Somehow uneasy.

Isinuot ko ang hood ko at dumiretso pabalik sa computer lab. Wala na sina Denver doon. Kinuha ko ang CD at sinira iyon. Inilabas ko ang phone ko at isinaksak sa infected na computer.

EZ KATKA. Easy game. Nilinisan ko ang lahat ng computers. That was a fucking bad idea. Hindi ko naman inakala na ganoon ang gagawin ni MK.

---

Continue Reading

You'll Also Like

622K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
82.5K 1.6K 55
Love is home and life, it never fails. Though shall not seek for love. Love will always defy all the odds no matter what happens. So, let love find y...
777 182 50
Pilots' Ink Series #2 Evie, a girl who fears socializing with other people, will be torn between coming out of her safe place or shutting out the wor...
82.6K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...