She's my Last Kiss (part 2)

By AyhenPey

28.9K 538 97

More

She's my Last Kiss
Chapter I
Chapter II - GAME
Chapter III- Reward
Chapter IV- Explanation
Chapter V - Ready, Set , **** !
Chapter VI- Appointment
Chapter VII - 5th Floor part 1
Chapter VIII - 5th floor part II
Chapter IX- Conference Room
Chapter X - Sorry
Chapter XI - Undressed
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV - Boracay part 1
Chapter XIV.2 - Boracay part II
Chapter XIV.3 - Boracay part III
Chapter XV
Chapter XVI - Ferrero / It's over ,
Chapter XVII - Date?
Chapter XVIII - It's Me
Chapter IX- What are you doing here?
Chapter XX - Moving Closer
Chapter XXI - Memorable.
Chapter XXII- Summer Paradise
Chapter XXIII - What?
Chapter XXIV- 10 choices
Chapter XXV
Chapter XXVI - HOT, Torte, & KoKo Krunch
Chapter XXVII ----- -----
Chapter XXVIII - Wish
Chapter XXXI - Eternal Flame
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII - Kiss Kiss
Epilogue

Chapter XXIX - Yes

649 16 1
By AyhenPey

Chapter 29

Aya Bianca's POV

Mag-iisang linggo na din akong tulog, kain, tulog,  kain , at magtago sa kwarto. Lalabas lang ako kapag gabi kasi kailangan kong saluhan si Mommy ng dinner kasi bumalik na ulit si Daddy sa Business Trip sa Switzerland. Hindi ko pa din nasasabi sa kanila yung about sa sakit ko. Wala akong lakas ng loob. At start na nga din yung trabaho ko kila Sean pero tinatamad pa akong pumasok. 

Hindi na ako magtataka kung isang araw, pumasok ako at hindi na ako papasukin ng guard. Baka mapatalsik na din ako sa trabaho. Bakit ba kasi ganito ang buhay? Nakakaasar lang...

Para na akong baliw dito sa kwarto. NO, baliw na talaga.

Tatawa ako ng tatawa pero mamaya maalala ko na may sakit na pala akong Cancer, bigla na lang akong hahagulgol sa iyak. Malalaman ko na lang nakatulog na ako. At wala na akong ibang nagawa kung hindi gawin ito sa buong isang linggo.

Bukas patay na ako.

"Ms. Aya tawag po kayo ng Mommy nyo." may kumatok sa kwarto ko. Hayss, kakausapin daw ako ni Mommy, ano naman kaya ang gustong sabihin noon? Nanlulumo na naman ulit ako, hindi ko kasi masabi sabi kay Mommy. Feeling ko kapag sinabi ko sa kanya iyon, para na din akong nabuntis. Kaso nga lang dito mamatay ako.  Let's be open-minded, dadating at dadating din ako dyan. Lahat ng tao mamatay, yung akin nga lang mabilis dahil may sakit ako. 

Lumabas na ako at pumunta sa Living Room nandoon kasi si Mommy nanunuod ng TV. Be strong, Aya. Wag kang iiyak kapag kinausap ka. 

"Anong nangyayari sayo Bianca?!" inis na tanong sa akin ni Mommy. Noong bata pa ako kapag papagalitan niya ako hindi ako nakikinig sa kanya instead babalewalain ko ang mga sasabihin niya dahil naasar ako sa mga serom niya. Pero ngayon umupo ako sa tabi niya at tinignan siya. Kahit pagalitan niya ako, sigawan, okay na. 

"-Bakit di ka pumapasok sa trabaho?! Lagi ka na lang nagkukulong sa kwarto mo! Tell me anong problema?" from irritated voice huminahon si Mommy ng tinatanong na niya ako kung anong problema ko. Pero hindi ko pa din kayang sabihin sa kanya. HIndi ko kayang makita ang magiging expression niya. 

Tumungo na lang ako. 

May cancer ako Mommy.

Bulong ng utak ko, naramdaman ko na lang na namumuo na ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na napigil ang mata ko dahil tumulo na lang ito basta-basta. Mas lalo pa akong naiyak nang hawakan ni Mommy ang balikat ko at hinimas himas ito. 

"Noon umiiyak ka kapag pinapagalitan kita o kaya pinapalo kita. Sabihin mo sa akin Bianca bakit ka umiiyak? Hindi kasi alam ni Mommy ang reason eh, baka matulungan ko ang baby ko." tapos niyakap ako ni Mommy sumubsob na lang ako sa dibdib niya at niyapos din siya. Ngayon ko lang na appreciate si Mommy sa totoo lang, sana ganito na lang lagi. Mabuti pa pala nag ka cancer ako kung hindi siguro , hindi ko ito magagawa sa kanya.

Umiyak ako ng umiyak dahil sa sama ng loob. 

Mommy, hindi ko alam kung kailan. Pero tandaan ninyo ni Daddy, mahal na mahal ko kayo.

Kailan ko kaya masasabi sa kanila iyon?

*  *  * 

Minulat ko ang mata ko, nakayakap ako sa malambot kong unan. Bukas pala yung lampshade ko, tumingin ako sa orasan at 5:37 a.m na. Paano kaya ako nakapunta dito? Sa pagkakatanda ko kasama ko pa kagabi si Mommy. Bigla namang tumunog ang tiyan ko. 

Dali-dali akong bumaba sa may kitchen para maghanap ng pagkain. Hindi pala ako nakakain ng hapunan kagabi. Kaya ngayon gutom na gutom ako. Mabuti na lang at may left over pa dito, may kanin at may ulam pa. 

Naalala ko din, ngayon na pala ang araw ng Graduation ni Sean. Siguro papasok na ako ngayon sa trabaho, wala naman siya doon eh kasi graduation niya. Maiiwasan ko siya. Sa totoo lang ayaw ko muna siyang makita, ang sakit lang kasi eh.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga nakita ko nung isang araw pero... Nagdududa na kasi ako sa panliligaw ni Sean. Paano kung ginagamit lang niya ako para makalimutan si Mai? May cancer na nga ako ginagawa pa akong rebound. 

Nathan's POV

"Mare, mauubos na sand timer mo. Kailan mo mapapasagot yang secretarya ng Bestfriend mo?" hayss, kaimbyerna itong Karla na ito. Araw-araw na lang kinukulit ako kung kailan ko mapapasagot si Rhaisa eh hindi nga nagpapakita sa akin eh! 

Bigla namang nag angatan ang balahibo ko doon. Feel ko BOY ako na nanliligaw sincerely EH HINDI NAMAN! CHos! Sarap batukan nitong baklang ito! 

Bakit ba hindi ako humingi ng tulong sa mighty band ko? Este Bhest ko? Na sagutin ako ng Rhaisa na maliit ang boobs? Kaso nga lang pag na knewness niya ang real pakay ko. Baka mahagis ako noon sa Dubai at ipalaglag sa Burj Khalifa.

Wawa namana ng beautiful body ko :((( 

"Hoy, kinakausap kita bakla!" sigaw sa akin ni Karla.

"ANO?! Ewan ko! Hindi ko alam kung kailan ako sasagutin noon!! Pwe!" may biglang pumasok sa bunganga ko na lamok. Kaloka! Nakalimuntan kong malamok pala dito, ang tanga ko naman kasi  maka buka ng bibig parang may ipapasok na hotdog dito.

Wala naman, lamok tuloy ang pumasok. Nandito kasi kami sa may terrace ng ka sistah namin, syempre inuman at party-party! Hanap hanap din ng papable! . Anniversary kasi nila ng boyfie nila. Pero NO! I remember na may Xian Lim pala akong winawait! 

Kaya Natalie stay loyal muna. 

"Maka Nathalie ka naman parang bagay sa mukha niya." snap ni Karla sa akin. 

"HOY bakla ka! Wag mo nga akong guluhin kanina ka pa ah! Puro ka disturb sa wild thought ko! Siguro may gusto ka sa akin! " 

"In your face! Kay Xian Lim lang ako forever kaya ikaw pasagutin mo na yang Rhaisa na yan para maging iyo na din siya. Bwahahaha!"

"Naku teh, bulok na yang forever mo, dahil magiging akin na siya."  

 Tumayo na ako sa upuan ko at nag-ayos ayos ng itsura ko. Nag spray na din ako sa mouth ko ng Swish para naman bumango at hindi mag-amoy alak This time, BOY muna ako. 

"Saan ka pupunta Nathan?" tanong sa akin ni Karla again.

"Kila Rhaisa." walang kabaklaan na sagot ko.

"Shet! Naiinlove na ako sayo teh, ganyan ka na lang kaya forever? Magpaka BOY ka na lang" 

"IN YOUR DREAMS!" 

Umalis na ako doon at sumakay sa kotse ko. Dumaan muna ako sa may flower shop na malapit ng mag-sara. 

"Ate, ate wait lang po! pabili po muna akong bouquet!" kahit baklita ako nagawa ko pa ding magpacharm sa tindera na mukha ng gurang. 

"Oh sige, kay gwapong binata." masuka suka ako nung marinig ko iyon. Binigay na niya sa akin iyon at syempre binayaran ko na kaagad.

Tignan natin kung hindi ka pa din mapasagot ng charm ko Rhaisa.

Tatalikod na sana ako pero narinig ko pang nagsalita si matandang gurang.

"Gwapong binata, wag kang magpadalos dalos sa mga gagawin mo. Tandaan mo lahat ng ginagawa nating hindi maganda may kapalit na karma."

Ay kaloka! Hindi lang pala tindera, mala Madam Auring din pala ang epek! Wushu! I don't care sa mga sasabihin ninyo! Basta I will do what I want. NO one can stop me! BAKLA AKO! No, I'm a girl! 

Sumakay na ulit ako sa kotse, pupuntahan ko na si Rhaisa sa bahay nila. 

Aya Bianca's POV

 Nandito na ako ngayon sa Building. Hayss, parang kailan lang ako ang may pinaka mataas na position dito tapos ngayon ako ay under na. Saklap! Hala, nakalimutan ko pa lang mag suklay! Dali-dali akong tumungo sa may Comfort Room para mag ayos ng itsura. Humarap ako sa salamin, at nag suklay.

 Pagkatingin ko sa suklay ko. Bakit ang dami atang nalalagas na buhok? Di ba nangyayari lang iyon, pagkatapos maligo o kaya naman sabit sabit ang buhok? Eh bakit nalalagas? Hayss, magpapalit na naman ako ng shampoo nito. 

Bumalik na ako doon at hinarap ang laptop ko. Ang dami ko na namang gagawin, sabagay ilang araw din akong nawala kaya tambak na naman ang mga statistic na dapat kong i-compute. Habang nag c-compute ako dito sa laptop ko nakarinig ako ng chismisan.

"Di ba Graduation nung anak ni Ma'am Lopez?"

"Oo, ang alam ko nga doon binayaran lang yung Dean para makagraduate eh. Lagi naman daw kasing nagbabako iyon."

"Oh talaga? Iba talaga kapag Lopez na, ang lakas ng hatak."

"Tama ka dyan, naku goodluck na lang sa atin kapag pumasok na yang Mr.Sean Lopez. For sure masungit yan, anak mayaman kasi eh." 

Phew -_- I wonder kung ganito din ang bulungan sa akin ng tao nung umpisa ko pa lang dito. Iba na kasi ang working place ko, hindi na ako doon  <_< Kung saan private room, ngayon kasama ko na yung ibang employee na wala ng ginawa kung hindi mag chismisan. Thank God din, Graduation ngayon ni Sean, hindi siya papasok ngayon. Natural, grad eh. Alangan namang umabsent. Sino namang tanga ang palalampasin ang araw na tapos na ang paghihirap mo?

Sa tinagal tagal kong nakaupo dito. Ngayon lang ako nakarinig ng pangalan kong tinawag. Take note : O.A pa ang pagkadating.

"Ma'am Aya!!!!" biglang slide sa harapan ko ni Rhaisa. Sad to say hindi ko na siya secretary, tumaas na ang position niya. Nakalimutan ko na ang tawag eh basta doon na siya sa kabilang floor naka assign.

"Oh bakit?" irritado kong tanong, eh kasi naman sumasakit na ang ulo ko dito sa ginagawa ko. Hindi pa ako matapos tapos.

"Kami na ni Nathan! May boyfriend na ako! Wooo!" tapos naglulundag siya. Teka, ano ang sabi niya?

Sila na ni Nathan? Si Nathan na Bhest ko? OMG. Naunahan pa ako nitong mag boyfriend!

"Sows, maniwala sayo." biro kong sabi.

"Oo nga po. Ito nga po oh, nag text siya sa akin." tapos pinakita niya sa akin yung cellphone niya na may text.

From: Bebe

Bebe ko, kita tayo dito sa may Trinoma pagkatapos mo dyan sa work mo. Date tayo :D Sige bebe,ingat ka dyan. Luv you mwah! :* 

OH my freaking gosh? Seryoso ba ito? Grabe, bestfriend ko ba ito? Kaloka!

"Kailan pa naging kayo?" tanong ko

"Kagabi lang po Ma'am! Nagpunta siya sa amin tapos binigyan niya ako ng Bouquet sabay luhod at tanong ng 'Can you be my girlfriend?' Ma'am grabe, maghahalumpasay ako sa kilig lalo na ng makita ko siyang titig na titig sa akin habang inaantay ang sagot ko. Waaah! Kinikilig ako! Promise Ma'am Aya, mamahalin ko ng bonggang bongga yang bestfriend nyo!" 

Ngumiti na lang ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita na ganitong ka-OA si Rhaisa. Well, sino ba ang hindi magiging masaya kung ganoon. Sa palagay ko gusto ko na din sagutin si Sean. Naiinggit kasi ako kay Rhaisa eh. Gusto ko din maramdaman ang nararamdaman niya ngayon. Kahit papaano mawala ang iniinda kong sakit. At maranasan ko din namang magkaroon ng lovelife bago ako mawala dito sa mundong ibabaw.

Pero paano ko sasagutin ang taong iyon, hindi naman ako sure sa kanya kung seryoso siya sa akin. At kung talagang wala na siyang girlfriend. May lalaki bang nakikipag halikan na lang basta basta sa ibang babae na may nililigawan ng iba? Siguro meron nga, pero iyon yung mga taong manloloko at babaero. Hindi naman ganoon ang tingin ko kay Sean. At sana hindi nga siya ganoon. 

Siguro sa susunod na lang, kapag clear na lang ang lahat sa akin. Pero, gusto ko na talaga si Sean eh. Ang sweet niya kahit minsan nakakaasar, pero kung sasagutin ko siya. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng iba? EASY TO GET?

Nung isang linggo lang naman ako sinimulan ligawan ni Sean eh. Nagtanong niya nung nasa EK ka kami. Sa totoo nga lang ang hirap magpakipot sa lalaking iyon kaya gusto ko na din siyang sagutin. Ah basta... tska na. 

 Fast Forward >

Time Check 4: 45 p.m

Jusko kailan pa ako matatapos dito? Waaah! Napakadami! Hindi naman ako pwedeng tumigil at magpahinga dahil sa isang araw na ang pasahan ng tally nito.  Syempre ano gawain ng tinatamad na? 

Hikab + Unat = Antok na. 

"Ehem." napalingon ako sa paligid, grabe ang OA naman nung nag ehem. Yung iba kasing employee nag sialisan na. Maaga naman talaga kasi ang uwian namin 3 p.m. Yung iba nag oovertime lang katulad ko. Tapos kami 4 na lang dito sa room. Eh mukha namang super busy sila ah?

"Inaantok na ako." nag unat ulit ako at tinaas ang kamay ko.  "--gusto ko ng umuwi." wala akong paki kung maasar sa akin yung iba kong kasama dahil ang ingay ingay ko. 

"Ehem." grabe napakalakas naman ng ehem nitong taong ito. Bahala ka sa buhay mo inaantok na talaga ako. Pinatay k na yung laptop ko at ginilid ito para sa ganun makaubob ako at makatulog. 

Wala pang isang minuto akong nakatungo.

"Gusto mo ata masesante sa trabaho Ms.Lim?" napalingon ako sa likuran ko at hindi ko ko ineexpect ang taong nasa harapan ko. Shet ang pogi lang niya. 

From galit na mukha bigla itong ngumiti ng napakatamis. Ngingitian ko na sana siya pero naalala ko yung nakita ko nung isang araw doon sa may store. >///<  

Dali-dali akong bumalik sa pagkatungo ko. Hayss, naaasar na ako ngayon. Teka, bakit pala siya nandito? Di ba graduation niya? 

"Pansinin mo naman ako." shet langs, umupo siya sa tabi ko naramdaman ko kasing tumunog yung kabilang chair at grabe nag vibrate ata buong katawan ko ng hinawakan niya ang balikat ko. Naka Designers' Cloth  naman ako pero bakit ganoon ang impact sa akin ng kamay niya. Then bumulong siya sa akin.

Nagtataasan na talaga ang balahibo ko.   "--para sayo pa naman ito." ramdam na ramdam ko yung lips niya na dumidikit si tenga ko. Walang hiyang katawan ito aba! 

Inangat ko ang ulo ko at humarap sa kanya. OMG. Tanga mo Aya! Nakalimutan kong katabi ko pala siya at hindi ko napansin na ang super lapit niya. Yan tuloy. Nakissan mo ang pisngi niya. Joke lang, nadikit lang yung labi ko doon. 

Inabot niya sa akin yung Diploma niya. 

GOSH! Di ba dapat sa Magulang ito ibibigay pero bakit sa akin? Wala naman akong naitulong sa pag-aaral niya? 

"Wait, bakit sa akin mo ito binibigay? Di ba dapat sa Mommy mo ito? Di naman kita pinag-aral, hindi naman kita sinustentuhan ng tuition or ng allowance. Wala nga akong nacontribute dyan sa pag-aaral mo eh. Bakit mo sa akin ito inaabot? Sino----?" 

Hindi ko na napagpatuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan ang batok ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko na naman ang sensation ng lips niya. Mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko ng marealize kong nakapikit siya at ako ay hindi. 

Dahan-dahan niyang nilayo ang mukha niya sa akin at nginitian ako ng killer smile.

"Daldal mo." 

"Eh kasi naman.." bigla akong napatungo at napaface palm. Nakakahiya lang, alam kong may tao pa dito. Walang hiya naman itong Sean na ito maka moves. 

"Joke lang naman yun, gusto ko lang ipakita yan sayo no." 

"Ahh.." mahina kong sabi. Sila pa kaya ni Mai? 

"Kayo pa ba ni Mai?" bigla kong natakip ang kamay ko sa bibig ko. Mabuti na lang at hindi ako nakatingin kay Sean, nakakahiya ito. Bakit ang careless ko?

"Bakit?" parang uminit ata ang dugo ko sa tanong niya. Tinatanong ko siya bakit sinagot din niya ako ng patanong. >////<

"-Uy wag kang magalit. Hindi, hindi na kami. Wala na talagang namamagitan sa amin. Promise, cross my heart. Hope to die." ano ba ang facial expression ko kanina? Tapoa bigla niyang inangat ang kanan niyang kamay.

Parang nag p- Panatang Makabayan lang eh? 

"Promise? Hindi mo ako niloloko?" 

"Promise." 

Katahimikan......   

"Teka! Bakit ka nandito? Di ba dapat sinecelebrate mo ang Graduation mo?!" 

"Hahahha. Mas gusto kitang kasama eh."

"Ano?!" 

"Bakit? Ano pa ang kwenta ng party kung wala ka naman doon? Pati kung mag th-throw ako ng party di ka rin naman pupunta, bakit mag e-enjoy ka ba doon? Hindi naman di ba?Syempre puro classmate ko ang tao doon.  Pati anong sense? Party di ba ay Kasiyahan? Paano kung ang kasiyahan ko ay nandito?" 

>////< 

Tongue-tied ako doon! 

"Hehehe, congrats." hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko bigla ko na lang niyakap si Sean. 

"Fvck. Kinikilig ako." ano daw? O___O Napabitaw naman ako sa kanya. At pinandilatan ko ng mata. 

"Haaha, ang laki na ng mata mo. Hindi ka na tuloy mukhang Instik. HAHAH." tawa naman ng tawa itong nasa harapan ko oh. Hayaan na pagbigyan nakalaya na sa pagiging College eh.  Pero seryoso kinilig siya?

Kinikilig ba ang lalaki? 

"Uuwi na pala ako." niligpit ko na yung mga gamit sa table ko. Gusto ko na talagang magpahinga. Bukas kasi ganito na naman ang gagawin ko. Tambak na naman ako ng gawain.

"Hatid na kita?"

"May kotse ako."

"Iwan mo na lang dito. ^_____^ "

"Baliw ka ba?!" iritado kong sagot sa kanya. Loko ata ito. 

"Oo, baliw sayo." 

"Tsk! Pick-up liner!"

"Hindi ha, hindi naman ako ng pupulot eh." 

"Pilosopo!"

"Philosophy Major in love with you."

-______- 

What a conversation is this? Pero nagpipigil ako ng tawa. Natatawa ako sa mga sinasabi nito eh. HAHAHA.

"Halika na." bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko. Tapos tinayo niya ako, pansin ko lang. Nawala na ata yung tao dito sa room? Nasaan na ang mga iyon? >___< 

"Oh bakit ka pa nakatayo dyan? Gusto mo talaga ng halikan na." 

Kuha niyo nga ako ng malaking bato! Ipupukpok ko talaga sa kaharap ko! 

"Baka..." 

"Baka ano???" pang-aasar niyang tanong sa akin.

"Sapak!" sagot ko.

"Pwedeng kiss na lang?"

"Eh nakissan mo na ako eh!" ano ba itong lumalabas sa bibig ko! False mouth Aya!! Bad!

"Sige na, isa pa..." sabay pout ng loko. Gosh! Ganito ba kacute itong lalaking ito kapag nag p-pout? Ang kissable ng lips eh. Psssh, iwas tingin na lang. Temptation.

Binitawan ko yung kamay niya na nakahawak sa akin at kinuha yung mga gamit ko. Sabay lakad... Iinom pa pala ako ng gamot kaya dapat na talaga akong umuwi. Nakalimutan ko palang dalhin. Pero ayos din pala kapag kasama ko si Sean, nakakalimutan ko iyon. 

"Hey! Wag mo naman akong iwan." hinabol pala ako nitong lalaking ito. Pero pumasok na agad ako sa elevator, pero mabilis talaga ang loko. Pinindot ko na lang yung G.

Tahimik lang kami sa loob. Nasa 5th floor kami kanina.

4 , 3 , 2 ..

G. Eh bakit di ata nagbubukas ang pintuan? Kanina pa nakailaw yung G bakit hindi siya nagbubukas? Hala, anong nangyari dito? 

Hinawakan ko yung Line at pinagpupukpok ko ito.

"Sean, bakit ayaw magbukas?" hindi niya ako sinagot instead ngumiti ng napakalapad. Langhiyang lalaki ito oh! Hindi naman brown out eh bakit nag stock ito? >___< Leche naman oh.

"It only means, you can't escape to me." lumakas naman ang kabog ng dibdib ko doon.

"Huh?" nilingon ko siya at nakipag eye-to-eye contact.  Bakit parang iba ata ang mukha nito? Gusto kong matawa sa thought na mukha siyang matatae na. HAHAHAH. Pero pigil pigil Aya, hindi si Bhest Nathan ang kaharap mo. Doon ka lang nakakatawa ng dracula. Pero biglang nawala ang pagkatawa ko sa super duper lakas ng heartbeat. Lalo na ng marinig ko ang mga katagang iyon.

"Can you be my girlfriend?" seryosong tanong niya.  BOOM! Lumakas ang tibok ng puso ko after ng marinig ko iyon. Ano? Anong gagawin ko?

Pag sumagot ako, magmumukha ba akong EASY TO GET? Hindi ba ako magiging rebound? Hindi ba niya ako lolokohin? Magiging happy ba ako sa kanya? Gah, siya ang magiging 1st Boyfriend ko pagnagkataon! 

EH bakit nag d-doubt pa din ako? Di ba gusto ko na din naman syang sagutin? Eh bakit ganoon? Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Uhh---" 

"It's okay, kung hindi mo pa din masasagot ang tanong ko. Sorry kung na p-pressured kita." may kinuha siya sa bulsa niya. Remote ata iyon.   "--bubuksan ko na itong elevator."

"WAIT!" here's my false mouth again. Bigla bigla na lang nagsasalita. 

"Why?" bakit ganoon kakaiba ang Sean na nakikita ko ngayon? Parang ang plain ng itsura niya parang walang buhay? Bakit?

"Oo." 

"Ha?"

"Oo."

"Anong oo?" 

"Oo na nga sabi eh!"

"Teka, you mean?" 

"Tangna. Oo na nga! Si , Hai , Ne , Yes!!!" sigaw ko. Bakit hindi niya kasi magets? Bigla naman siyang ngumiti at mabilis na lumapit sa akin.

Before I knew it, he holds my face and he kissed me passionately. 

I'm no longer NBSB or No Boyfriend Since Birth. But still I have a Colon Cancer Stage II - B.  

Click the external link > If you can't view the Chapter 30. 

Note: I make it private and only fans can see it.  Nahihiya po kasi akong ipost siya sa public. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23.1K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
1M 47.5K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
191K 187 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
250K 298 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞