Chapter XXXI - Eternal Flame

651 10 6
                                    

Chapter 31

Aya Bianca's POV

That was such a memorable experience. And until now, hindi ako makapaniwala na we did it, I did it. Kumbaga parang katulad sa High School Musical. A Night to Remember . Naglalakad ako ngayon papasok sa Elevator and I swear mukha akong baliw na sobrang lapad ng ngiti. Though there is a part of me that was sore.

I can't hide it anymore. Ewan ko, I just felt it. I love Sean na pala. 

Pagkapasok ko sa Elevator. Laking gulat ko sa taong nakasalubong ko. 

"Hi." matamis nyang bati sa akin. Tumabi naman ako sa kanya at sabay noon nagsarado na ang pintuan ng Elevator. Bakit ganoon parang na-awkwardan na ako. Parang kanina lang iniisip ko siya.  Pati yung nangyari sa amin,isang linggo na ang nakakalipas.

"H-Hello." gahhhh.. Aya anong nangyayari sayo.. BOYFRIEND mo yang kausap mo for pete's sake! Pasensya naman first time ko lang kasi eh.

"Are you alright?" bigla niyang hinawakan ang balikat ko at hinarap sa kanya. Napatingin naman ako sa mukha niya na kinalakas ng kabog ng dibdib ko sa di malaman na dahilan. WHY? I'm being like this. Nag nod naman ako sa kanya at pagkatapos noon nagbukas na yung pintuan ng Elevator.

Nakarinig ako ng malakas na sigawan after noon.

"WAAAAAH!!!"

"OMG."

"SILA NA?!" 

Napansin ko, nakaharap ako kay Sean at hawak niya ang magkabilang balikat ko. Grabe naman itong mga ito kung makasigaw wagas! Hindi pa ba sila nakakita ng ganitong scene? Pati hindi naman intimidate achuchuchu yung amin eh! Pwera na lang kung HUG or KISS. Grabe lang.

"PICTURAN!"

"LOVE BIRDS IN THE MORNING!" 

 Nakita ko naman na namula siya sa sigawan ng mga tao. Kaya binitawan na niya ako, at sabay noon lumabas siya sa Elevator.

Hmp.

Lumabas na din ako sa Elevator, hayss bakit ganoon? Parang naasar ata ako doon sa ginawa niya. Bigla na lang niya akong iniwan after noon. Parang pinapalabas niya na ayaw niya ah!!!~ >___< 

Ngumiti na lang ako ng nakakahiya doon sa mga taong nag sigawan. At pumunta ako doon sa table ko. It's time to get back to work!  Nilabas ko yung phone ko with my earphone at sinaksak ito sa tenga ko. Pati nilabas ko na din yung laptop ko. Kailangan ko ng matapos ito. Noong isang linggo pa ito pinapapasa ni Manager eh. No disturb muna.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag t-type naalala ko na naman si Sean I mean Koko Krunch. Loko iyon sabi niya bibigyan niya ako ng isang kahon ng KoKo Krunch pero hindi naman ginawa. Haysss, dapat di ko muna sinagot iyon eh! Parang nagsisisi na ako. Joke lang! AH basta naasar ako sa kanya! Tignan mo, hindi na ako binalikan. Hindi man lang ba siya hihingi ng sorry sa ginawang pang iiwan sa akin sa ere?

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon