Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

43.1M 1.4M 954K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas

Kabanata 40

1.1M 44.6K 29.5K
By jonaxx

This is the final chapter. My next post will be the epilogue. Thank you for reading my first story for the Azucarera Series. This is an honest and light take on romance I made in between my Costa Leona and my frustration to go back to Alegria. This is different from Costa Leona because it's a different series! Thank you for this opportunity. I hope you like it.


---

Kabanata 40

Altagracia

Tulog, kain, at pahinga lang ang ginagawa ko sa silid. Palaging nagpapadala si Daddy ng kasambahay para makibalita at hindi sapat sa kanya ang bawat tawag na ginagawa paglipas ng isang araw.

The investigation was immediately closed when it was proven that it's the faulty electrical wiring, gaya ng iniisip ko rin. Alam ko na kasi na iyon talaga ang problema ng building naming iyon dahil na rin sa katandaan.

"I wonder if Tito Luis secretly expressed his gratitude for Leandro," si Nan habang tinitingnan ako ng mabuti, nakaupo sa gilid ng kama ko.

When I was feeling better, dumagsa ang mga bisita. Kanina lang bumisita sina Tita Adrina, kasama ang mga magulang ni Nan, June, at Edu. Ngayon naman sila ang nandito.

I sighed at Nan's thoughts.

"Probably. Kahit sino siguro, Nan. Galit man siya sa mga Castanier, may hangganan naman siguro iyon kung ang pinag-uusapan ay ang buhay ni Chayo," si Edu.

"You think he'd still disagree with you and Leandro?" si June.

"Sa galit ni Daddy, baka hindi magbabago iyon," sagot ko.

"Buti na lang din talaga at nakapag-isip ka ng maayos at nakalabas ka pa ng opisina," si Nan. "They said your guards were roving at kung hindi umingay ang fire alarm, baka mas lalong huli na mapansin ang sunog."

"Only forty percent of the files in your offices were recovered. But at least they recovered some. Sa laki ng apoy, akala ko kakalat pa sa mill," si Edu.

Iyon ang pinag-uusapan namin nang narinig ko ang katok sa pintuan. Binuksan ni Manang Lupe iyon at pumasok si Kuya Levi. My eyes widened when I saw Leandro behind him.

Hindi ko alam kung bakit sa ganitong kalagayan, sabik na sabik akong makita siya. Alam kong tinutulungan niya si Kuya Levi sa asukarera at siguro marami silang ginagawa kaya hindi agad nakabisita. I just think too much about him that I can't help but think of his visit, ngayon nandito na siya!

"How are you?" si Kuya Levi na agad dumalo sa tabi ko pagkaatras ni Nan.

"I'm fine, Kuya," sabi ko at bahagyang nilipat ang tingin sa likod niya.

Looking slightly amused and annoyed, he gave a bit of his way for Leandro. Hindi nga lang siya tuluyang tumabi kaya pareho ang layo nilang dalawa sa akin.

Leandro's eyes surveyed me. Tumigil sa bawat gauze na nakita, galing sa aking noo, sa aking braso, at sa aking mga binti. He looked critical, with every graze of his eyes on my wounded skin. Lalong humaba ang katahimikan at bahagyang naramdaman ang tinginan ng bawat nandoon habang ginagawa iyon ni Leandro.

"Thanks for saving me," sabi ko sabay tipid na ngiti.

He stiffened. It was as if I said something unpleasant for him. Naupo siya sa gilid ng aking kama. Kuya Levi cleared his throat.

"Sa labas na lang kami maghihintay," anito.

Sinundan ko sila ng tingin. Panay ang muwestra niya sa mga kaibigan ko sa labas at nauna pa si Manang Lupe at ang kasambahay sa kanila. Nan smiled and waved at me before finally going out. Si Kuya Levi ang huli at nagsarado ng pintuan. Nang naiwan kami, ibinalik ko kay Leandro ang tingin ko. He looked so serious, his eyes so dark.

"Natingnan ka na bang mabuti? Ang mga sugat mo?" mababa ang boses niya.

Tumango ako. "Oo. Natingnan na. Ayos lang daw ako."

He swallowed hard and nodded. "Narinig ko ang ingay ng bumbero at ang mga sasakyan din ng ilang taga bayan."

"Buti at nagising ka. Ang sabi ni Manang, pumasok ka raw agad sa nasusunog na gusali ng walang pag-aalinlangan."

Hindi siya sumagot. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. However, his eyes remained serious.

"I thought I'd die without kissing you," sinamahan ko iyon ng masuyong ngiti, akala'y gagaan ang nararamdaman niya pagkatapos pero nanatili ang pagiging seryoso niya.

"It's not funny, Chayo. I was worried."

Ngumuso ako at bahagyang nahiya dahil hindi niya nagustuhan ang biro ko.

"Sorry."

"Nag-away kayo ng Daddy mo kaya ka roon natulog?"

Nagkibit ako ng balikat. "Maliit na pagtatalo lang pero medyo nainis ako kaya umalis ng bahay."

I can see how he's gritting his teeth.

"It was late and the office is the first place that came in my mind."

Hindi siya agad nagsalita. I actually thought of his place but I know he's asleep.

"Next time, call me."

"Gabing-gabi na. Baka tulog ka na," sabi ko.

Umiling siya. "Even so. I want you to call me. You can call me anytime you want, Chayo."

Unti-unti akong tumango at ngumiti sa kanya. I can feel his intense worry, kahit pa kalmado at seryoso siya ngayon.

Alam kong hindi niya gusto ang mga nangyari. Delikado iyon at puwedeng wala ako rito o mas masama pa ang nangyari. But to me, I feel like nothing bad really happened because I'm okay. It's as if I couldn't grasp the seriousness of the situation even when I experienced it first hand.

"Thank you rin sa pagtulong sa asukarera."

"Naroon ang mga tauhan ko para asikasuhin ang pag-aayos sa ilan pang lumang building n'yo. I checked it and made some changes. Ni-review ko na rin ang para sa mga bago n'yong building. Your sugarmill's machinery needs to be checked, too. Everything."

"Thank you, Leandro."

Naisip kong hindi na papakealaman ni Daddy ang mga gagawin ni Leandro. Maybe what happened made him too obsessed with our safety that this is beyond his anger for anyone.

"Thank you for always understanding our situation," magaan kong sinabi. "And for always respecting my Dad even when he hardly deserved it from you."

Hindi siya kumibo. He only looked at me as if everything makes sense just because he's lost in my eyes.

"Because of you, I realized that it's not always black or white. You should hate and disrespect my Dad and my family for doing that to you, but you chose to set aside your feelings and understand my Dad's feelings, too." Umiling ako. "Kahit pa alam kong nasasaktan ka rin, pinili mong isipin ang sakit na dinanas ni Daddy."

"It's not always that easy, Chayo."

"I know. But still, thank you for trying hard."

"That's because of you..."

Namungay ang kanyang mga mata, bumaba iyon sa aking labi. My heart raced and I realized then how much I'm longing for him that I ache for him even when we're this near.

He slowly leaned closer to me. My anticipation is too much that I closed my eyes even before I could see him try for a kiss. And when it came, my stomach tickled with happiness and excitement. His kiss was shallow but it was as if he reached my core.

Ngumiti ako at dumilat, pagkatapos. Hindi ko inasahan na hindi siya lumayo. His face was so near, his breath almost kissing me, and his tongue grazed his sensual lips slowly.

Probably unsatisfied with the first, he tried for another. This time, it was much deeper and overwhelming. I was shaking a bit when he stopped.

"Thank you for staying with me, too, even when your family doesn't approve of me," he said huskily.

My eyes widened and it immediately watered. Parang may pumipiga sa puso ko. Sinubukan niyang lumayo, withdrawing now to mark our distance but I stopped him. Hinawakan ko ang kanyang damit at agad siyang tumigil sa pag-atras, nagulat sa ginawa ko.

"I'll fight for you, Leandro," nanginig ang boses ko.

He licked his lower lip, still looking dark and serious as he watched me.

"I'm in love with you and I will fight for you."

A small smile crept on his lips. Nawala lang sa paningin ko nang muli siyang lumapit para sa isang mas mahabang halik.

"Kailan na raw ako puwedeng lumabas, Kuya?" mabilis kong tanong nang kalaunan ay kinatok nila ako dahil bumisita sina Adriano, Anais, Patti, George, at Axel.

Kinumusta nila ako at nang nasagot ko na ang mga tanong, tahimik na lang silang umupo at nagmasid. Leandro remained sitting beside me, while Kuya Levi is standing beside Leandro. Kuya Levi's eyes narrowed after my energetic question.

"Ayos na kasi ang pakiramdam ko, 'tsaka... maghihilom naman itong sugat kahit sa bahay na ako magpahinga. Mas manghihina ako rito sa ospital."

"You'll stay and rest in our house for the while duration, Chayo?"

Napakurap-kurap ako. I can't imagine myself staying in our house until my wounds heal.

"No. I mean, I can always..." my eyes drifted to Leandro. "Go out whenever I like it. That way I won't feel too bored here."

Nagkatinginan si Kuya Levi at Leandro. Leandro's lips has a ghost of a smile while my brother looked mad at him or something.

"The doctor says you're fine and with no major problem. Puwede ka na bukas pero gusto ko sanang dito ka lang at matingnan ka ng mabuti... ng doktor. O kung uuwi ka man, hindi ka muna masyadong... gumalaw... o lumabas."

Ngumuso ako dahil mas mabuti nga na rito ako, kung ganoon pala ang plano niya! Nag-aalala si Leandro sa akin pero may pakiramdam akong kaya niya iyong tiisin, makikibalita na lang, kaysa pumunta sa amin at pasamain ang loob ni Daddy.

"Gusto ni Daddy na umuwi ka na kapag papayag na ang doktor. Hindi siya mapakali sa bahay kaya iyon ang bilin niya."

"Ayos na pala ako rito. May... mga bibisita naman kaya hindi na ako mababagot," sabay tingin ko kay Leandro. "Bibisita ka? Pagkatapos ng trabaho mo?"

"Kami, Chayo. Bibisita kami ni Edu at Nan, palagi!" sabat ni June sabay halakhak.

Uminit ang pisngi ko nang narealize na marami nga palang nakikinig at masyado akong excited sa mga pagbisita ni Leandro. Lalo na kapag siya lang gaya kanina!

Lalo akong nahiya nang napansin ang tahimik na mga kaibigan ni Kuya sa likod. It was as if they're putting some puzzle pieces together as they watched us. Natigil lang ang pagmamasid ko sa kanila nang marahang hinaplos ni Leandro ang pisngi ko. My eyes drifted to his.

"Kung ayos na ang pakiramdam mo, mas maganda nga na sa bahay n'yo ang pagpapahinga mo. You'll feel better there compared here in the hospital."

Hindi ka naman makakabisita. I don't want to push my luck. I want to be as understanding as him. Hindi ko siya kayang iwan at hindi ko rin naman kayang saktan si Daddy pero sana kalaunan, makita niya na iba si Leandro.

"M-Makakapamasyal naman siguro ako... ng kaunti," sabay tingin kay Kuya Levi.

Kuya Levi's narrowed eyes remained. It was like daggers thrown at me. Umiling siya bago tumingin kay Leandro.

"Magtatrabaho itong gago mong boyfriend, Chayo, habang nagpapahinga ka sa bahay kaya saan ka mamamasyal?"

"Diyan lang..."

Nagtawanan na ang mga kaibigan ko. Nakita ko ang tinginan ni Adriano at Anais, ang gulat sa mga mata nila samantalang pareho ding nagtawanan si George at Axel.

"Sa hapon, Kuya..."

"Hindi mo pa kaya, kaya ihahatid kita kung mamasyal ka."

Leandro looked at Levi with serious eyes but with a smile on his lips.

"Kuya!" sumamo ko pero mukhang natutuwa siyang istorbohin kami ni Leandro.

Don't worry, though. I'm rich with ideas on how to get Leandro alone. Ngayon pa nga lang, marami na akong naiisip.

Nobody dared to ask about us. Kahit sa halatang kuryosong mga kaibigan ni Kuya. Hindi ko nga lang alam kung napag-usapan ba nila ang tungkol sa amin. Lumabas pa naman sila at iniwan ako sa mga kaibigan ko saglit.

"Nakakakilig si Leandro!" si June sabay lapit sa akin nang kami na lang at si Manang Lupe ang naroon. "Bakit ba hindi ko kailanman naisip noon na puwedeng kayong dalawa?"

Natawa na lang ako.

"Bibisita kami sa inyo at doon tayo mag kuwentuhan pa, ha! Kulang pa ang kuwentuhan natin!"

"Oo. Bibisita kami sa inyo, Chayo. Kung uuwi ka na bukas, baka sa linggong ito rin kami pupunta," si Nan.

"Sasama raw sina Julius at Kervin."

"At kung gusto mong mamasyal, puwedeng sunduin ka namin ni Edu at mamasyal tayo."

"Hindi tayo ang gustong pasyalan niyan, si Leandro!" si Edu sa asawa.

Nagtawanan kami. I assured them that we will go out, too. Totoo namang nakakabagot sa bahay pero excited lang din akong makasama si Leandro.

Huli si Leandro at Kuya Levi sa ospital. Si Manang Lupe ang kasama ko nang lumabas si Kuya para lang tingnan ang mga bayarin namin at kausapin ang doktor. Kaming tatlo ni Manang Lupe ang nasa silid. Abala si Manang Lupe sa panonood sa TV na halos walang tinig dahil kanina'y nag-uusap-usap ang mga narito.

"Uuwi ka na?" medyo malungkot ang tono ko nang tanungin si Leandro noon.

"Ayaw mo?"

My eyes widened with happiness. Puwede ba 'yon?

"Uh-huh. Ayaw kong umuwi ka."

"I can stay here for tonight. Sasamahan ko kayo."

It is possible. Sumulyap ako kay Manang Lupe at saktong nakita ko ang paghikab nito at ang halatang pagod sa kulubot na mukha.

"Manang Lupe," I called without even asking Leandro's permission.

"Chayo?" agad niyang baling sa akin.

"Puwede ka pong magpahinga na muna sa mansiyon. Sabay na lang po kayo ni Kuya pag-uwi at babantayan daw po ako ni Leandro rito."

It left Leandro with no choice. He faced Manang Lupe. Pagod na tumawa si Manang Lupe.

"Ah. Wala ka bang trabaho bukas, hijo?"

"Mayroon naman po. Pero puwede namang ayusin at aalis na lang ako kapag makakalabas na ng ospital si Chayo."

How I wish he didn't have work, though. Bahagya akong nalungkot dahil liliban pa yata siya para lang bantayan ako.

"Maaga na lang siguro akong babalik bukas. Mga alas singko ng madaling araw para makauwi ka pa at makapaghanda para sa trabaho mo?" si Manang Lupe.

Tumango ako, nagustuhan ang suggestion ni Manang. "Sige po para hindi na liliban si Leandro."

"Kung masyado pong abala, kahit samahan ko na lang kayo ni Chayo ngayong gabi," si Leandro.

Kinagat ko ang labi ko. Tama siya at gigising pa si Manang ng maaga bukas para lang pumunta rito.

"Hindi na, Leandro. Tama si Chayo na sa mansiyon na ako magpapahinga. Mas makakapagpahinga kasi ako roon. At araw-araw naman akong mas maaga pa sa alas singko nagigising para mamahala sa mansiyon kaya sanay na ako. Isasama ko ang ilang kasambahay bukas."

"Kung iyon po ang mas magaan sa inyo," Leandro said respectfully.

Manang Lupe smiled and then her eyes went to me. Lumapit siya at hinaplos ang buhok ko bago nagsalita.

"Magpahinga kang mabuti, ha. Kakausapin ko si Levi at baka hindi iyon sasang-ayon kapag ikaw ang magsabi."

"Thanks, Manang."

Manang Lupe kissed my forehead before heading towards the door to go to my brother. At kalaunan sa gabing iyon, pumayag nga si Kuya pero kinausap pa si Leandro saglit sa labas bago kami tuluyang napag-isa sa silid.

Funny how even amidst the tragedy of fire, my father's wrath, and many other things, I'm still comfortable and happy. Maybe that is what it's all about. Loving means finding comfort in your other half, despite the imperfect situations.

"Sa sofa ako matutulog," aniya.

I glared at him. Ayaw ko pang matulog kahit gusto niya nang matulog na kami. Gusto niyang nagpapahinga ako. Kaya ko nga ipinaglaban na rito na siya para mas mahaba ang panahon namin, e.

"Matulog ka na," aniya habang inaayos ang kumot ko.

Pilit kong ginigilid ang katawan ko sa kagustuhang maupo o kahit mahiga man lang siya saglit sa tabi ko.

"Hindi pa ako inaantok, Leandro."

He sighed. "Pero kailangan mong matulog ng maaga para umayos ang pakiramdam mo."

"Maayos na ang pakiramdam ko. May sugat lang."

"Para mas lalong umayos ang pakiramdam mo."

Umirap ako at sinimangutan siya. It was as if he could never be at peace because of the face I am giving him.

"Oo nga at sa sofa ka matutulog, pero hindi pa naman ako inaantok kaya dito ka muna at mag-usap pa tayo."

"Paano ka aantukin kung nag-uusap tayo?"

Lalo ko siyang sinimangutan. He sighed and slowly sat again beside me. Gumilid pa lalo ako.

"You'll wait until I fall asleep, bago ka lilipat sa sofa."

"Alright," aniya at nanatiling nakaupo.

Umirap ako nang nakita ang pag-upo niya at ang distansiya namin. Alam kong alam niya ang gusto kong mangyari pero hindi niya lang talaga ginagawa. Tinapik ko ang tabi ko.

"Paano ako makakapagpahinga kung ganito ka, Leandro?"

It worked like magic. Marahan siyang tumabi sa akin. Nakangisi ako habang binibigyan siya ng espasyo.

The long silent moments, with only our breathing and heart beats made me feel better and more at peace. Sa gitna ng mga nangyari, wala na akong hihilingin pa. I realized that's how it is, to be in love... everything isn't perfect but it's alright.

Marahan niya akong niyakap gamit ang kaliwang braso. Ngumiti ako at hinilig ang ulo sa kanyang dibdib. I'm almost trembling with happiness. With no traces of life-threatening events just some days ago.

"I realized many things," I whispered.

"Hmm. Like what?"

"Ang... sabi mo sa akin... noong una tayong nasa bahay mo..." I smiled thinking about it. "Noong sinabi ko na isama mo si Keira o ang binalikan mo sa Cebu, ang sagot mo sa akin... Sasama ba ako?"

He chuckled. "Hindi iyon si Keira."

"Akala ko si Keira. I realized now... you meant... me."

Natahimik kaming dalawa. I know he's watching me.

"Sinagot ko lang ang mga sinabi mo. I'm not counting on that, Chayo. I know then how much you want to stay here. That's why I built a house and my long term plans are anchored here in Altagracia."

Hindi ako nagsalita. He thinks too highly of my principles when truth is... I could go with him. Now. Anywhere. I love Altagracia but I can always come back whenever I want. He... however... is my home now.

"Pero-"

He put his index finger on my lips to stop me from saying anything. "I'm not going to make you choose, Chayo. Isa pa, umuwi ako rito na handang manatili rito para sa'yo. Umuwi rin ako kahit alam kong galit ang Daddy mo sa akin. Kahit alam ko ang mga puwedeng mangyari."

Kumunot ang noo ko, muling may sakit na tumusok sa puso. It will hurt leaving this place but I can do it for Leandro. Pero ang marinig sa kanya ito ngayon, pakiramdam ko hinding-hindi siya mapapalitan sa puso ko. Magdaan man ang maraming panahon at unos. Siya lang ang mamahalin ko.

"Going back here was my choice, Chayo. I chose that after thinking about the consequences carefully. I don't want you to go through any difficult decisions for yourself and for your family."

"Iniisip ko kasing... puwede nga namang umalis at... sasama ako," bulong ko habang nakapikit sa kanyang dibdib.

He hugged me tighter. "Don't worry, we'll stay here. No need to decide or choose, Charlotta."

"I really love you, Leandro."

I hugged him back. He chuckled and kissed my cheek.

"Noon, sa Ruins, tinanong kita kung kailan mo gustong magpakasal. Ang sagot mo, wala pa sa isipan mo iyon..."

Hindi ako bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. My heart raced and I think I could pass out here in his arms.

"Sana nasa isip mo na 'yon ngayon," bulong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

65.4K 1.4K 49
The one is as nice as an angel. The other one is as stunning as ever. But who will be the one for his heart? How can handle two hearts for a one man...
756K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.5K 512 29
A cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili...