Run Away (Completed) 4

By QueenSaranghe

518K 12.9K 224

Kailangan niyang lumayo at pumunta sa isang lugar na walang naka-Kilala sa kanya. Kailangan niyang iwan Ang b... More

1. Buhay
3. Pag-iisipan
4.Puerto Mercado
5.Hapunan
6. Pagkakitaan
7. Tantanan
8. Amour
9. Kahulugan
10. Tamis ng Unang Halik
11. Hibang at Tuliro
12. First time kong
13. Selos dito, selos doon kaya pa ba?!
14. Kendi
15. Laglag panga! Tinamaan silang pareho!
16.1 First Date
16.2 First Date
17. Walang Problema
18. Five long days
19. Jealous Syndrome
20. Mine and Yours
21. Takot
22. Allergy
23. Eksena ni taong grasa
24. Pagkakaibigan
25. Angkan
26. Beast
27. Hinayaan
28. My Jade
29. Who are you?
30. Tawag at Tiwala
31. Let me
32. Bilin
33. Sulat
34. Iniwan ni Itay
35. Valderosa
36. Tagapag-mana
37. Kinalaman
38. Natitirang Valderosa
39. Masakit
40. Luha
41. Maligayang pagbabalik dito sa Laoag
42. Senyorita
43. Pangalan
44. Gwapong Ginoo
45. Run away
46. Roses
Epilogue
Few words......

2. Trabaho

15.6K 307 2
By QueenSaranghe

"Marunong kaba gumawa ng pizza? -Tanong Nung lalaking may-ari ng inaplyan ko

"Opo sir marunong po.

"O siya sige mag simula kana ngayon din, kulang ako ngayon sa trabahante. 200 kada Araw, pang-umagang shift ka alas-sais ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali ka lang dahil may papasok na Iba pang hapon at tuwing linggo ang sahod May Tanong ka pa ba?

Pwede na din para may panggasto ako sa pagkain at iba pang kakailanganin ko. Maghahanap na lang uli ako ng trabaho na pang hapon.

"Wala na po.

"Ang uniform mo nasa Pangalawang locker, pagkapasok mo dito kumaliwa ka andun ang Mga locker ng trabahante.

"Salamat po.

Hindi naman mahirap ang trabaho ko dahil puro pagluluto ng pizza ang inaatupag ko. Marunong din naman akong magluto dahil noong nabubuhay pa si Ina ay Mahigpit niyang ibinilin sa akin na kailangan marunong magluto para pagdating ng Araw hindi ako mamatay sa gutom.

"Bago ka dito iha? - Tanong Nung lalaki na nasa 30's na nangangasiwa sa Mga palaman ng pizza

"Opo kuya.

"June ang pangalan ko iha.

"Jade po.

"Sana naman tumagal ka dito jade, mabait naman ang may-ari iyon nga lang puspusan ang trabaho maraming kumakain dito at maraming order. Kaya ihanda mo na iyang katawan mo sa pagod.

"Kakayanin ko po kuya June, may alam pa po ba kayong trabaho na pang -hapon?

" sa carinderia ni manang lupe diyan lang sa kanto naghahanap siya ng tindera. Bakit kamo iha?

"Pang-umaga po kasi ang shift ko dito. Sayang naman ang mag-hapon kung wala akong gagawin kaya naghahanap ako ng pang-hapong trabaho.

"Iyon nga lang iha stay in Hanap Niya. Hayaan mo pakiusapan ko ang asawa ko na kausapin siya matalik na magkaibigan si manang Lupe at ang mahal kong asawa.

"Salamat po kuya June Kung Gayon. Tatanawin kong utang na loob ito.

"Ano ka ba, wala iyon oh siya mag trabaho na tayo baka sitahin pa tayo ng may-ari.

"Sige po.

Tama nga si Manong June, Maraming order pang dine-in at take out may pang delivery pa. Sabagay isa sa sikat na pizza parlor itong naaplayan ko at halos fresh lahat ng Mga ingredients na ginagamit. Masakit nga lang sa Kili-kili dahil malaki ang pala na ginagamit sa pag-angat ng pizza pag ito'y luto na. Pagkatapos nito tiyak kulani ang aabutin ko.

Pagtingin ko sa orasan limang minuto na lang mag-Aalas dose na kaya naman Dali Dali na akong nagpa-alam sa Mga kasamahan ko sa loob at nagbihis.

"Kumusta ang unang Araw? -Tanong ng may-ari

"Ok naman sir, Medyo sanay na po kasi ako.

"Oh siya bukas uli. Mag-ingat ka.

"Salamat po sir.

---------

Naglakad-lakad ako baka sakaling makakita ako ng estante na naghahanap ng trabaho, alas kwatro na ng hapon ng makaramdam ako ng gutom. Hindi pala ako nakakain ng tanghalian dahil pokus ako masyado sa paghahanap ng trabaho.

Pumasok ako sa isang karinderia at umorder ng pagkain, agahan ko na lang ang kain ko para mamaya hindi ko na kailangan kumain uli. Kailangan kong magtipid.

"Manang, dalawang Kanin po at isang order ng sinigang.

"Sige, umupo kana dun iha ako na ang mag serve.

"Salamat ho.

Pagkatapos ng ilang sandali nilapag na ni manang ang order ko, at takam na takam na din ako. Walang ano-anu ay nag simula na akong kumain.

"Dahan dahan lang ineng baka mabulunan ka walang naghahabol sa iyo. Heto ang tubig.

Ngumiti ako sa kanya Sabay sabing,

"Pasensya na po gutom na kasi ako masyado, hindi ako nakakain ng tanghalian. Salamat po sa tubig.

"Ano kaba ineng, huwag na huwag Mong ulitin ang hindi kumain baka mamaya niyan malipasan ka ng gutom magiging baliw ka.

"Naghahanap kasi ako ng trabaho kaya pati pagkain nawala na sa isip ko.

"Ano bang trabaho ang hinahanap mo?

"Kahit ano po manang pang-hapon lang po kasi pang umaga Yung shift ko sa pizzahan.

"Gusto mo ba dito sa karinderia ko ineng? Kulang kasi ako ng katulong dito.

"Opo manang, kaya lang po ala-una ang Pasok ko dito ok lang po ba?

"Mabuti naman 11 am ang bukas ko 11 pm naman ang pagsara. 250 kada Araw at lingguhan ang sahod.

"Salamat po ng marami manang.

"Rosita ang pangalan ko.

"Salamat po marami manang rosita ako po si jade amour Valderosa

"Oh sige jade bukas magsisimula kana.

"Makakaasa po kayo sa akin manang rosita.

"Sana makaya mo ineng, marami akong kostomer sa gabi na kumakain bukod dun nagiihaw ako sa labas dahil meron ding nag-iinuman.

"Kaya po manang, alang-alang sa pagkain ko.

"Oh siya sige, ipagpatuloy mo na iyang kain mo at Magkita na lang tayo bukas ineng.

"Sige po, salamat uli.

Nakahinga ako ng maluwag at sa wakas may trabaho na ako pang-hapon. Pero Hindi pa rin nabawasan ang alalahanin ko sa utang ni ama. Kung sana lang hindi Niya nagawa iyon edi sana wala akong ganitong kalaking problema. Nakakadismaya pero Huli na ang lahat. Kung mayaman lang sana ako.

Alas sais y Medya na ng nakarating ako ng Bahay. Pagod na pagod ang pakiramdam ko dahil na din siguro sa ginawa kong Alay lakad kanina.

Pagkatapos kong mag linis ng katawan ay naghanda na akong matulog. Dahil Maaga pa ang Pasok ko sa pizzahan bukas.

--------------

"Una na po ako kuya June!

"Sige iha! Pagbutihin mo ang unang Araw sa karinderia!

"Salamat po!

Pagka tapos ng day shift ko sa pizzahan ay lakad takbo ang ginawa ko para nakarating ako ng ala-una sa karinderia ni manang rosita.

"Oh! Ano kabang bata ka at naghahabol ka ng hininga dyan? -manang rosita

"Kailangan kong tumakbo para Hindi ako malate sa unang Araw ko sa inyo manang. -Sabi ko na Panay ang hingal

"Diyos ko! Pumasok kana sa kusina, uminom ka Muna ng tubig para huminahon ka.

"Salamat po.

Kung sa pizzahan sa kusina ako nakatoka ngayon naman dito sa pagputos ng ulam na ilalagay sa lugar depende Kung sabaw o hinde na pang serve.

"Ok ka lang ba dyan jade?

"Opo naman,

"Mamaya pag ubos na ang ulam, tulungan mo ako sa ihawan para sa mag-iinuman sa labas ha?

"Opo walang problema.

"Suotin mo nga iyang apron mo jade mamaya niyan sitahin tayo ng Mga kumakain na hindi tayo sumusunod sa kalinisan.

Agad ko namang sinuot ang apron, Sabay ngisi kAy manang rosita.

"Miss isang kaldereta, Kanin at soft drinks.

"Sige po, eto na. Serve na lang po.

"Isang nilagang baka at Kanin nga!

"Opo!

"Tatlong Kanin miss, dalawang tort ang talong at sinigang.

"Copy! Serve na lang po namin.

Nagsidatingan na nga ang Mga kostomer ni manang rosita na karamihan ay galing sa trabaho at skwelahan. Kailangan pala Talaga malakas ang pick up mo para makuha mo agad ang Mga order nila Kung Hindi baka magkamali ka ng maibigay at makuha. Mabuti na lang hindi mahina ang pick up ko na siyang lalo akong Nagpasalamat.

Continue Reading

You'll Also Like

31.2K 392 49
COMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. Al...
303K 7K 37
Isang di kilalang babae ang naka-One Night Stand ni Raven mula sa mga One Night Girl Models sa isang bar. And because of his addiction. Akala niya ay...
138K 2.6K 27
"Si-sino ka? Anung ginawa mo sa akin? Asan ang mga damit ko!?" Tinaasan lang sya nito ng kilay at ininom ang alak na hawak, "I know it, you pursued y...
416K 7.3K 24
Selfless Wife II former Battered Wife Revenge II