Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 37

11.7K 488 204
By peachxvision

E bakit ko kasi kaagad sinuot yung lacey underwear ko kahapon? Dapat pala ngayon na lang. Chos.

Ang tagal ko ata sa harap ng closet ko. Tipong natuyo na yung buhok ko, wala pa rin ako maisip masuot. Sana merong perfume na "I like you, so I'm giving us another chance, pero wag mo na ako sasaktan ulit" na puwedeng ipahid sa kahit anong damit para kahit simpleng T-shirt at pants lang ang suot ko, naka-game face ako.

Pero bakit hindi? Back to basics tayo.

Naalala ko tuloy yung araw na nawala kami. Pareho kaming naka-puti. Tinapon ko nga yung shirt na 'yon e. At heto, naka puting T-shirt ako na may nakalagay "Strong and Independent" sa harap tapos denim skirt at rubber shoes. Dinala ko yung scarf ko dahil lola mode na ako at mabilis ako lamigin.

Napangiti ako. Naalala ko na gustong gusto nga pala niya akong naka-half ponytail. Half ponytail it is.

Bumiyahe ako papuntang Greenfield District kasi iyon yung sabi niya. Wala namang makikita doon, puro damo at inuman lang. Sinigurado ko na dadating ako on time—hindi masyadong maaga, hindi rin late—para saktuhan lang.

Pagdating ko sa spot na sinabi niya, ando'n na siya.

Ano ba, puso, bakit ang lakas ng tibok mo? tanong ko sa sarili ko. Di ba, ex mo yan? Yung ex mo na halos makalimutan kang nag-e-exist ka pala dahil ang dami niyang ginagawa? Yung ex mo na mas pinagtanggol niya yung oras niya kasama ng babaeng pinagseselosan mo kaysa yung oras n asana kasama ka niya?

Hinawakan ko yung dibdib ko. "Ang OA mo, Tasha," sabi ko sa sarili ko. "Malay mo, iimbitahan ka na pala niya sa wedding niya. Ipamumukha lang niya sa 'yo na sobrang wala ka na sa buhay mo."

Umirap ako sa sinabi ko. "Luh, e di ba nilandi ka lang naman niya the past two days na nagkita kayo? So ano 'yon?" tanong ko sa sarili ko.

"Whatever, go, self," sabi ko sa sarili ko. "Alam mo na hindi mo na ulit hahayaan yung sarili mong masaktan, di ba?"

May nakakita sa 'king bata na parang "Luh, nasisiraan na ng ulo yung babaeng 'to" yung tinginan dahil nagsasalita ako mag-isa. Pero ako, nagbuntonghininga at pinagpag ko yung kamay ko sa ere para maalis yung kaba. Hindi ko nga ba alam sa sarili ko kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil ngayon na lang kami mag-uusap na kaming dalawa na lang.

Na-i-imagine ko na lahat ng senaryo—gusto niya ako pero kasal na pala siya, gusto niya ako pero may iba na siya, gusto niya ako pero may boylet siya, gusto niya ako pero mamamatay na siya, gusto niya ako pero lilipad na siya ibang bansa, gusto niya ako pero pupunta na siyang Mars . . . naisip ko na lahat ng senaryo na ang ibig sabihin ay hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Ang naisip ko na lang, E ano naman? Basta, mag-uusap kayo. Kung ano man yung sasabihin niya, tanggapin mo nang maluwag. Kung kinaya mo noon, kaya mo rin ngayon.

"Hi," bati ko. "Aga mo."

Tumayo siya at . . . yinakap ako, yung yakap na pambati lang. Sobrang saglit lang, pero doon ko siya naamoy—shocks, ang bango, bango niya—sapat lang para makuha niya yung atensiyon ko.

"Ayoko ma-late, no." sagot niya. "Okey lang ba sa 'yo maglakad-lakad?"

Tumango ako. Nasa tabi lang kami ng isa't isa, at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa Ace Hotel."

"Hoy, at least sabihin mo munang gusto mo pa rin ako at single ka bago mo ako i-hotel. Nagkita tayo properly, 'no. Hindi lang tayo nag-PM sa Tinder."

Natawa siya, as in tawang tawa. "Halatang di ka pa nakakapunta doon. Tingin mo . . . I'll put you to bed?"

"Oo, tingin ko ihehele mo ko," mapanuya kong sabi na may irap. "Nakahanda na ba yung gatas na choco pampatulog ko? Sorry ah, lagi kasi akong lumilipad kaya di ko alam yung Ace Hotel."

"Ma. Natasha is at it again."

"And The Orpheus Romeo is still so slow, aabot na naman ng isang taon bago niya sabihing gusto niya ako ulit."

"What?" Napatigil siya at saka sinabing, "Inamin ko na sa 'yo kahapon na I like you. I like you more than I liked you before."

Napatigil ako. HAHAHA. Kilig to the max pero kailangan ko ikontrol ang sarili ko at hindi mawalan ng finesse or else baka madapa ako bigla.

"Pero, hindi naman tayo sa kuwarto ng hotel talaga . . . unless na gusto mo 'yon," sabi niya na may panunukso sa mata.

"Let's see. Depende sa kung gaano kaganda ang pag-uusapan natin."

Ngumiti ako. Good job, self.

Nais ko palang pasalamatan lahat ng mga drama sa napapanood ko at mga libro na nababasa ko. Yung mga confident na characters na nagpaboost ng self-esteem ko, pati yung mga nakakainis na characters na lagi na lang nagkikimkim at nagpapagulo sa sitwasyon at pinapahaba yung drama at plot, dahil doon ko napagtanto kung ano yung gusto kong matandaan ng tao sa 'kin.

Gusto kong matandaan ako ng mga tao hindi bilang isang babaeng bigay lang nang bigay at hinuhuli ang pagpapahalaga sa sarili, pero bilang isang babaeng alam ang hangganan. Isang babaeng nasaktan pero bumangon ulit.

Nag-elevator kami papunta sa 21st floor. May lalaki na hinatid kami papunta sa mas mataas na lugar. Napangiti ako sa dami ng ilaw.

"Hindi ka na takot sa heights?" tanong niya nang napansin niyang nakahawak ako sa may salamin na naghihiwalay sa tinatapakan ko at sa kawalan.

"Dahil sa trabaho ko, nawala yung takot sa heights," sabi ko. "Parang nakasanayan na lang. Hanggang sa sooner or later, hinahanap-hanap ko na yung mga ganitong eksena. Sunset at sunrise sa bundok, city lights . . ."

"Nagbago ka na talaga," sabi niya. "Sobra."

"Masama ba 'yon?"

"Hindi. Lalo ka ngang—paano ba sabihin—bloom."

"Puwede mo ring sabihin na nag-bloom ako nang nawala tayo," tukso ko. "I mean, yung dating tayo. Siguro naman . . . mas mature na tayo ngayon."

Umupo kaming dalawa. Hindi naming matanggal yung mga mata namin sa isa't isa. Bagay talaga sa kanya yung facial hair niya. Bagay siguro sa edad at katawan? Ewan ko. Di ko rin mapaliwanag.

Pagkatapos naming mag-order, tinanong ko siya kaagad, "Bakit pala nawala ka sa social media?"

"Wala lang," sagot niya. "Alam mo yung parang nagka-existential crisis ka na lang na puwede ka namang mabuhay sa e-mail at text lang? May gano'n akong stage. I mean, naging permanent na lang sa 'kin. Mas marami rin akong nagawa nang nabura ko yung mga 'yon."

"Naks," sabi ko. "Hindi kailangan ng recognition and approval from society."

"Matutuwa ka na lang talaga na mas productive ka, pramis," sabi niya.

"Ano na bang trabaho mo?"

"Budget analyst," sagot niya. "At . . . magna pala ako."

"As in magna, ha? Magna cum laude talaga? Hindi lang lilinya ng 'magnanakaw ng puso mo,' gano'n?"

Natawa siya. "Puwede rin. Sanay ka na talaga sa mga linyahan ko, no?"

"Just making sure. Ayoko lang mag-assume."

"Magna cum laude talaga."

Inangat ko yung baso ko. "Cheers."

Uminom kami pareho.

"Actually, muntik na akong . . . bumagsak," sabi niya. "Pero naisip ko na gusto ko patunayan sa 'yo na talagang may gusto ako patunayan at hindi ako padadaig sa pressure."

"Parehas tayo," sabi ko. "Na . . . alam mo 'yon? Isang araw, mapapagod ka na lang umiyak. Mapapagod ka na lang balewalain ng ibang tao . . . at ng sarili mo. Na talagang nagdesisyon ka na lang na umangat. Wala naman tutulong sa sarili ko kundi sarili ko e."

"Halata naman sa 'yo."

"Na?"

"Na tinulungan mo sarili mo," sagot niya. "Halata ring naka-move on ka."

"Ikaw rin naman e. Ang haba naman na kasi ng taon, no."

"Hmm," sabi niya. "Hindi ko alam kung talagang naka-move on ako."

"Weh, Theo. Wag ka ngang—"

"Siguro, naka move on. For a time, alam kong nawala ka sa social media tulad ko. Tapos, di ko alam . . . isang araw naisip ko na lang na hanapin ka. Tapos nakita ko na . . . ang saya mo na. Masaya ka sa sarili mo. Napanood ko yung mga video mo kasama Mama at Papa mo. Nakita ko rin yung mga picture mo sa mga iba't ibang lugar. Nakaka . . . hmm, paano ba, motivate? inspire? Alam mo ba na sa lahat ng overseas flights ko, airlines niyo lagi yung kinukuha ko kahit ang mahal, mahal?"

Natawa ako. "Para makita ako?"

Sinabi ko 'yon nang pa-joke, pero kinilig ako nang tumango siya.

"Tipong napaisip ako na . . . shit, ito ba talaga yung babaeng pinakawalan ko?"

"Hindi mo lang alam na no'ng nakita kita, gano'n din naisip ko."

"Guwapo ba?" sabi niya na may kindat.

"Oo, mas," sagot ko, "pero pa-fall pa rin."

"Pa-fall?" sabi niya. "E tulad pa rin naman ng dati, e. Heto, ewan, nagustuhan na naman kita. Kahit na . . . alam mo yon? Alam kong may nakaraan tayo, pero pakiramdam ko, parang bago na. Alam kong magagawa na natin ng tama ngayon."

"Salamat," sabi ko. "Mahirap ano. Minahal kaya kita. Ikaw yung unang kinatangahan ko, unang minahal ko, Theo. It was nice . . . seeing you again, and better this time."

Tumigil kami magsalita para titigan ang isa't isa. Natawa na lang kami nang pareho naming na-realize na nakatunganga na lang kami at nanlulusaw ng puso ng isa't isa nang dumating na yung order namin. Kumain muna kami at nilasap yung steak.

"Hindi mo ba itatanong kung nagka-love life ako pagkatapos?" tanong niya.

"Kailangan pa ba 'yon?" tanong ko. "Nakaraan na 'yon e. Pero dahil tinanong mo . . . ge, so nagka-love life—"

"Wala," sagot niya. "No girlfriend since Tasha."

Natawa ako. Tapos dinagdag niya, "At yung pinagseselosan mong si Cat, magkaibigan lang talaga kami. May asawa na siya."

"Narinig ko nga."

"E . . . ikaw?"

Tumango ako. "I had flings. Walang seryoso."

"Dahil?"

"Dahil hindi rin naman nila ako sineseryoso. Bago pa man ako ma-attach, nililinaw ko muna kung anong gusto nila. Kung gusto nila fling, e di fling. E di shing din sila."

Walang sinagot si Theo no'n. May kinuha siya sa bulsa niya. Napatanong tuloy ako kung gusto na ba niya matapos ang gabi at parang gusto na niya mag-bill out dahil parang kinukuha niya yung wallet niya. Nagulat na lang ako na nang kinuha niya yung wallet niya . . .

Kasi iyon pa yung wallet na bigay ko years, years ago.

"Wow," sabi ko, "Tagal na niyan. Bili ka na ng bago."

"Di pa naman sira," sabi niya.

"Ayan o, nagtutuklap na yung leather."

"Pero it functions at it is."

"Labo mo rin, ano? May pera ka naman. Puwede mo naman na itapon 'yan at bumili ng bago."

"May iba namang akong wallet na ginagamit sa ibang araw," sabi niya. "Pero ito yung gusto kong gamitin ngayon."

"Dahil magkikita tayo?"

"Dahil may ipapakita ako sa 'yo."

May binunot siya sa wallet niya.

Nagulat ako nang inabot niya sa 'kin yung 1 by 1 picture ko noong high school, yung nawala ko at pinagbintangan ko siya.

"OMG! K-kinuha mo talaga?!"

"Nakita ko 'yan yung araw pagkatapos no'n," pag-amin niya. "Tapos tinago ko sa cabinet. Siyempre, nakalimutan ko na. Kahit no'ng naging tayo, nakalimutan kong nasa 'kin 'yan. Pero nang naglinis ako ng kuwarto, nakita ko 'yan. At ewan . . . doon ko napagdesisyunang hanapin ka."

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Tipong yung sobrang overwhelmed na ako dahil tadhana na mismo yung naglalapit sa 'min.

"Sorry, Tasha," sabi niya. "Alam ko namang late na pero . . . sorry dahil ang gago ko no'n. Alam ko namang nakabuti yung paghihiwalay natin, pero hindi naman dahilan 'yon para hindi mag-sorry sa 'yo."

"A-ako rin naman," nauutal kong sabi, naiiyak na dahil sobrang nahihiwagaan ako sa nangyari.

"Ang mali ko lang , hindi kita hinabol."

Hinawakan ko yung kamay niya. "No, you didn't have to run after me. Tama yung ginawa mo. And look what we are now. Look who we are now."

Napakagat siya ng labi. Hinawakan ko nang mahigpit yung mga kamay niya.

"Kapag tinanong kita ngayon na . . . gusto kong magseryoso tayo, pagbibigyan mo ba ako?"

"Without a doubt," sabi ko. "Ang tagal ko ring hindi nakatikim ng torta."

Ngumiti siya sa 'kin. "Parang gusto ko rin magpakalunod sa mantika ngayong gabi."

"Theo . . ." tawag ko sa kanya.

Tumingin siya sa 'kin.

"Maaga ba para sabihin 'to?"

"Alin, na mahal mo ko?"

"Leche ka. Wag ka kasing mangunguna. Pero hindi . . . I . . . I want to love you again. I want to love us again. Slowly . . . gradually. I hope to say I love you, with spaces . . . kasi kailangan natin 'yon."

"Well," sabi niya, "basta alam ko na 'tong nararamdaman ko ngayon, sa 'yo lang 'to. Sa 'yo lang 'to mula ngayon. In due time, maghihintay ako, hanggang sa masabi na natin 'yon nang walang alinlangan."

"Wala ng mawawala."

"At wala ng hanapan."

Tiningnan namin nang sabay yung mga ilaw nang magkahawak kamay. Kinakabahan ako dahil mag-uumpisa kami ulit, pero sa pagkakataong to, alam na namin kung paano.

Aalalahanin lang namin na no'ng nawawala siya sa sarili niya at hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa, nakita naman niya ako. Na no'ng nawawala yung 1 by 1 ko, nakita ko naman siya.

Aalalahanin lang namin na minsan, minahal ko siya nang todo-todo, pero nawala naman ako sa sarili ko. Na minsan, nakita man niya ang gusto niyang gawin, kailangang mawala naman muna ako.

Aalalahanin lang namin na minsan, nawala namin ang isa't isa, pero nakita at naranasan naman naming ang mga bagay at pangyayari na nagpabuti sa mga buhay namin.

Dahil para sa 'min, ang pinakamasarap na pakiramdam ay yung mahanap namin ang isa't isa . . .

Ang mahalin namin ang isa't isa . . .


Pagkatapos namin makita—at mahalin—ang pinakamagandang bersiyon ng mga sarili namin.

***

But the best part was when they found each other

After assuring that they had found themselves.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 424 102
"I will court you even if I'm a girl."
31.5K 2.3K 10
Assess the risk. Eyes on the goal. Hold him tight. Then go for it.
713 100 18
[ONGOING] TAMING THE AÑONUEVO SERIES #2 Disobedience is the most common trait of one of the Añonuevo heiress, Alissa Añonuevo. From taking Nursing wh...
2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...